Chapter 15: Fenrir - Mark at Ryan Lionheart.

Sa loob ng opisina ng principal ay kasalukuyang nag-uulat si Driego kay Zeus.

"Nagbalik na po si uncle Drake sa dragon clan. At muli ay pinamumunuan niya po kami." Sambit ni Driego.

"Ganon ba, magandang balita ito." Nakangiting pagkakasambit ni Zeus.

Samantala, muntik ng mahuli sa klase si Rain nang makarating ito sa kanilang classroom. Agad siyang napansin ng kaniyang mga kaklase, dahil sa mga benda niya sa katawan.

Habang naglalakad patungo sa kaniyang upuan si Rain ay napansin niyang parang malungkot ang kaibigan niyang si Mark. Hindi na niya ito binati pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungo sa kaniyang upuan. Ngunit may ilang hakbang pa ay bigla siyang napahinto ng biglang humarang sa kaniyang harapan si Krystine. Labis niya itong kinagulat, kasabay sa paghawak ni Krystine sa kaniyang mga kamay.

"Okay ka lang ba Rain? Pasensya ka na kung hindi pa ganon kalakas ang healing magic ko." Sambit ni Krystine.

"Sye..sye..syempre naman! Okay na okay na ako! At wag mong sisihin ang sarili mo, Krystine. Dahil kung hindi dahil sa kapangyarihan mo ay hindi ako makakapasok ngayon at natitiyak kong nasa ospital ako at wala dito." Tugon ni Rain.

"Mabuti naman!" Nakangiting pagkakasambit ni Krystine.

Matapos magsalita ay mabilis na niyakap ni Krystine si Rain na siyang ikinagulat ng lahat. Hindi maunawaan ni Rain ang nangyayari, ngunit gustong-gusto niya ang nangyayaring ito. Subalit ilang sandali pa ay..

*** SFX: PO..PO..PO..POINKS! **

"ARAAAAAY!" Sigaw ni Rain.

Tatlong hindi tukoy na bagay ang sunod-sunod na tumama sa ulo ni Rain sa magkakaibang derektsyon. Hindi naman ito napansin ni Krystine at dahil sa ginawang pagsigaw ni Rain ay inakala niyang siya ang may dahilan kung bakit ito sumigaw.

"Sorry, nakalimutan kong may mga sugat ka pa nga pala. Sorry talaga.." Sambit ni Krystine.

Matapos magsalita ay lumuluhang bumalik si Krystine sa kaniyang upuan. Ikinagulat ito ni Rain at dahil dito ay hindi na niya nagawa pang magsalita. Nakaramdaman siya ng galit dahil sa pangyayaring ito, kaya agad niyang hinanap ang mga bumato sa kaniya. Subalit ang galit na kaniyang nararamdaman ay mabilis na naglaho, dahil nakita niya ang lahat ng kaniyang mga kaklaseng lalaki ay masamang nakatingin sa kaniya. Sa mga sandaling ito ay napakamot na lang siya ng ulo at ilang sandali pa ay naglakad na muli patungo sa kaniyang upuan.

Nang tuluyan ng makaupo si Rain ay napansin niyang medyo badtrip si Selina, kaya hindi muna niya ito kinausap dahil baka ibaling na naman sa kaniya ang inis nito.

Habang nakaupo ay nagmasid-masid si Rain at napansin niyang may ilang mga kaklase pa siyang hindi na kikilala. Sakto naman dahil ilang sandali pa ay nilapitan na siya ni June upang kamustahin.

"Yow, Rain?! Kamusta na ang mga sugat mo?" Sambit ni June.

"Ito, okay na naman." Tugon ni Rain.

"June, sino yung lalaki na nasa tabi ni Sai?" Tanong ni Rain.

Agad namang hinanap ni June ang lalaking tinutukoy ni Rain at nang matukoy ay agad itong nagsalita.

"Ah si Blyde? Siya si Byde Titania at isa siyang mythical shaman ng Cyclops. Galing siya sa Gaia clan." Sambit ni June.

*** Blyde Titania. 16 years old at hindi siya sociable, kaya madalas itong mag-isa. Wala masyadong nakakaalam sa tunay niyang personalidad, dahil ang iba ay umiiwas sa kaniya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Matipuno ang pangangatawan ni Blyde, nasa 5'11" ang kaniyang taas, medyo maputi ang kaniyang balat at itim na nasa katamtamang haba ang kaniyang buhok. ***

*** Note: Ang Cyclops ay isang class-B na mythological creature, Isa itong uri ng Giant ngunit iisa lang ang mata nito. Katulad ng mga giant ay malalakas din ang mga cyclops kahit iisa lang ang kanilang mata, subalit hindi hamak na mas maliksi at mabilis sila sa ibang mga uri ng giant. ***

"*Hmm.. Blyde pala ang pangngalan niya. *Eh yung babaeng naka salamin dun sa harapan nina Krystine?" Sambit muli ni Rain.

Agad muling hinanap ni June ang babaeng tinutukoy ni Rain at nang matukoy ay agad itong nagsalita.

"Hindi mo pa nakikilala si Lina Gordania? Isa siyang campus chick, kaso maraming takot sa kaniya." Sambit ni June.

"Lina Gordania? Bakit maraming takot sa kaniya, eh ang ganda-ganda niya?" Sambit muli ni Rain.

"Isa kasi siyang Gorgon at namana niya ang mga mata ni Medusa. At kasapi naman siya sa Re-armed clan at tulad mo ay kaka-transfer lang din niya dito. Siguro mga isang linggo ang agwat niya sayo." Sambit muli ni June.

*** Lina Gordania. 16 years old at tulad ng sinabi ni June ay isang din siyang transfer student. Wala pa masyadong impormasyon sa kaniyang personalidad, subalit sapat na ang kaniyang ganda, upang isama sa mga campus crushes.

Slim at nasa magandang hubog ang katawan ni Lina, nasa 5'4" ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, maganda ang mahaba niyang itim na buhok at boom! Sobrang ganda ng kaniyang hinaharap. (if you know what I mean :3). ***

*** Note: Ang Gorgon ay isang class-B na mythological creature, ang anyo nito ay kalating tao at kalahating ahas at ang buhok nito ay mga ahas din. Mabibilis at malalakas ang mga gorgon at magaling silang gumamit ng pana at palaso. Ayon sa mythical shaman history, si Medusa lang ang nag-iisang gorgon na may kakayahang gawing isang bato ang isang nilalang. ***

"Parang hindi naman siya nakakatakot ah." Sambit ni Rain kay June.

"Sandali lang, bakit parang sobrang pamilyar sa'kin nitong si Lina. Parang nakita ko na siya dati, hindi ko lang matandaan kung saan." Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay ibinaling ni Rain ang kaniyang tingin at napatingin siya kay Mark.

"*Eh yung lalaki dun sa may likuran nyo, bakit parang ngayon ko lang siya nakita?" Sambit muli ni Rain.

Biglang natahimik si June sa mga sandaling ito at kapansin-pansin na naging seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Siya si Ryan Lionheart ang Black Fenrir." Sambit ni June.

"Lionheart? Teka, wag mong sabihing.." Sambit muli ni Rain.

Hindi na nagawa pang matapos ni Rain ang kaniyang mga sasabihin, dahil agad nagsalita si June.

"Tama ang iniisip mo, kamag-anak nga siya ni Mark. At siya ang pinaka ayokong nilalang dito sa buong campus." Sambit muli ni June.

*** Ryan Lionheart. 16 years old at siya ay pinsan ni Mark. Tahimik lang siya sa tuwing nasa loob ng kanilang classroom, subalit kapag nasa labas na ito ay doon lumalabas ang tunay nitong kulay. Kasama ang mga kaibigan nito sa ibang section ay sama-sama silang nanggugulo, nambabastos, nang-aapi (ng mga tao na nag-aaral sa loob ng campus) at kung minsan ay naninira ng ibang mga kagamitan.

Slim ang pangangatawan nitong si Ryan, nasa 5'5" ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat at itim na nasa katamtaman ang haba ng kaniyang buhok. ***

*** Note: Ang Fenrir ay isang class-S na mythological creature, isa itong napakalaking Lobo at nagtataglay ng kapangyarihan ng limang elemento. Dipende sa kulay ng fenrir ang kanilang taglay na kapangyarihan.

"Pula" para sa kapangyarihan ng "Apoy", "Asul" para sa kapangyarihan ng "Tubig", "Puti" para sa kapangyarihan ng "Hangin", "Berde" para sa kapangyarihan ng "Earth", at "Itim" para sa kapangyarihan ng "Kidlat". Ngunit ayon sa mythical shaman history ay may isang mythical shaman ng fenrir ang may taglay ng limang elementong ito at ito ay ang maalamat na "Armored Gold Fenrir". ***

Sa mga oras na ito ay naisip ni Rain na posibleng inaapi ni Ryan ang kaibigan nilang si Mark, dahil isa lamang itong tao. At dahil dito ay ganito ang ikinikilos ni June ngayon.

"Pero papaano naging isang Lionheart itong si Mark, eh diba tao siya?" Tanong ni Rain.

"Isang hybrid si Mark." Sambit ni Selina.

Agad napalingon si Rain kay Selina, matapos niyang marinig ito.

"Hybrid? Ano naman ang ibig sabihin non, Selina?" Tanong muli ni Rain.

"Tao ang kaniyang ina at ang isang mythical shaman ng Fenrir ang kaniyang ama. At nagkataong ipinanganak si Mark na isang tao." Sambit muli ni Selina.

"Ah! Gets ko na kung bakit." Sambit muli ni Rain.

Sa pagkakataong ito ay biglang natahimik si June at tila may malalim na iniisip. Labis tuloy na naninibago sina Rain dito, dahil sobrang seryoso nito ngayon.

"Wala kayong alam tungkol kay Mark. Hindi nyo siya maiintindihan, dahil tanging ako lang ang nakakaintindi sa kaniya." Sambit ni June.

Napatingin na lang sina Rain kay June, suot ang nagtatakang ekspresyon. Hindi tuloy niya maiwasang mag-alala para sa mga kaibigan, kaya napagdisisyonan niyang alamin kung sino talaga itong ito si Ryan.

*** Flashback! ***

Kaninang umaga sa dorm nila Mark. Tulad ng dati ay matamlay na lumabas si Mark nang kaniyang kwarto, dahil lagi niyang nakikita si Ryan na katabi lang ng kwarto niya. Lagi siyang hinihintay nito para sa kalagian pakay nito sa kaniya.

Habang naglalakad ay agad binuksan ni Mark ang kaniyang bag at nang madaanan na niya si Ryan ay may inabot itong isang notebook dito.

"Sigurado ka bang puro tama ang mga sagot sa ipinagawa kong assignment ng kaibigan ko sayo?" Sambit ni Ryan.

"Oo, siguradong-sigurado akong tama ang mga yan." Tugon ni Mark.

"Magaling, sa susunod ulit ah! *Hahaha!" Sambit muli ni Ryan.

Matapos magsalita at makuha ang pakay ni Ryan ay nagsimula na nga itong maglakad. Samantala, napabuntung hininga na lang si Mark at napatingin sa kaniyang relo. Ngunit ilang sandali pa ay agad siyang napalingon kay Ryan, dahil na rin sa mga sinabi nito.

"Mukhang masyado ka na yatang napapalapit kay Annie? Baka nakakalimutan mo na ang nangyaring sayo nung nakaraan taon? *Fufufu." Sambit ni Ryan.

Labis na nagulat si Mark sa kaniyang mga narinig at dahil dito ay labis siyang nakaramdam ng galit.

"Ryan! Wag na wag mong sasaktan si Annie! Binabalaan kita!" Sambit ni Mark.

Agad napahinto si Ryan sa kaniyang paglalakad at ilang sandali pa ay muling hinaharap si Mark.

"Oh? Nakakatakot ka naman, Mark. *Fufufu! Wag kang mag-alala, dahil kung alam mo na ang gagawin mo ay hindi na mapapahamak si Annie at ang mga bago mong kaibigan. *Fufufu! Sana lang ay gawin mo yon! *Hahaha!" Sambit muli ni Ryan.

Matapos magsalita ni Ryan ay nagsimula na muli itong maglakad. Samantala, napayuko na lang si Mark dahil naalala nito ang mga nangyari, isang taon na ang nakakalipas.

*** Flashback! Again! XD ***

Isang taong nakalipas sa dating paaralan nina Mark, Ryan at June sa mundo ng mga tao. Halos tagsibol ng mga panahong ito at kasalukuyang nasa ika-walong baitang na sila.

Sa mga panahong ito ay tahimik at laging nag-iisa si Mark, dahil kaka-lipat lang nila ng kaniyang pinsan dito. Hindi rin pala-salita at pala-kaibigan si Mark, kaya wala siyang naging kaibigan sa dati nilang paaralan. Katulad ng nakagawian niya ay hindi niya pinapansin ang mga kaklaseng kumakausap sa kaniya at wala siyang pakialam sa kung anuman ang iniisip sa kaniya ng mga ito. Hanggang sa makilala niya si June. Unti-unting binago ni June ang malungkot at tahimik na pamumuhay ni Mark. Nung una ay hindi talaga pinapansin ni Mark si June, ngunit sa labis na kakulitan ni June ay nakuha na nito ang loob ni Mark. Salamat kay June dahil natututo si Mark na tumawa, magsaya, makisalamuha, at makipagkaibigan sa iba. Subalit hindi ito nagustuhan ng kaniyang pinsan, si Ryan.

Dahil sa angking talino ni Mark ay maraming kaklase niya ang nagpapatulong sa kaniya. At isa na dito ang babaeng nagugustuhan ni Ryan, si Rhio. Habang tumatagal ay mas lalong napapalapit si Rhio kina Mark at June at ito ang labis na ikinagalit ni Ryan. Isang araw ng sabay na lumabas si Ryan at Mark nang kanilang classroom ay may sinabi si Ryan sa pinsan.

"Mukhang nakakalimutan mo na kung anong klaseng nilalang tayo at kung saan tayo nagmula?" Sambit ni Ryan.

"Alam kong isa akong kahihiyahan sa angkan na'tin, pero nasa mundo tayo ng mga tao. Nag bago na din ako, dahil may mga kaibigan na ako at mabait silang lahat sa'kin." Sambit ni Mark.

"Talaga? Mga kaibigan?! Sino naman ang nagsabi sayo na maaari tayong magkaroon ng mga kaibigan na tao? Tandaan mo, hindi tayo nababagay dito. At kahit isa kang pagkakamali sa angkan ng mga fenrir, ay kamag-anak pa rin kita." Sambit muli ni Mark.

Matapos masalita ni Ryan ay agad na itong umalis. Samantala, hindi na ito binigyang pansin ni Mark at nagsimula na din siyang maglakad papauwi.

Kinabukasan, nakangiti at masiglang pumasok ng classroom si Mark, ngunit laking gulat niya ng makita niya ang kaniyang mga kaklase na parang natatakot. Agad nilapitan ni Mark si June, ngunit kahit si June ay iniiwasan na siya. Hindi niya maunawaan ang nangyayari, hanggang sa lapitan at kausapin na siya ni Rhio.

"Mark.. Hindi naman totoo ang sinasabi ni Ryan na galing kayo sa den of Evil diba? Diba? Isa kang tao diba?" Sambit ni Mark.

Hindi nakapagsalita sa sobrang pagkagulat si Mark matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Rhio. Ilang sandali pa ay mabilis siyang napalingon kay Ryan at nakaramdam siya ng galit matapos makitang nakangiti ito. Samantala, tahimik na naghihintay ang lahat sa kaniyang itutugon kay Rhio. Ngunit pinili na lang niyang tumakbo papalabas ng classroom.

Sa mga oras na yon ay nakumpirma na ng kaniyang mga kaklase na galing nga sila sa lugar na kinatatakutan ng mga tao. Ang Travincial o mas kilala sa tawag ng mga tao na "The Den of Evil".

Umiiyak na tumakbo si Mark hanggang sa makarating siya sa harapan ng gate ng kanilang paaralan. Naglakad na lang ito at binabalak ng umuwi, ngunit biglang siyang napahinto at mabilis na napalingon matapos marinig ang isang sigaw.

"Mark!" Sigaw ni Rhio.

"Rhio?" Sambit ni Mark.

Napatitig na lang si Mark habang mabilis na tumatakbo papalapit sa kaniyang si Rhio. Ilang sandali pa ay hinihingal ng nakalapit si Rhio kay Mark.

"Rhio, bakit? Bakit mo ako sinundan?" Tanong ni Mark.

"Totoo ngang galing kayo sa lugar na yon?" Sambit ni Rhio.

"*Uhm.." Tugon ni Mark.

Napatingin na lang sa malayo si Mark, ngunit laking gulat niya matapos siyang yakapin ni Rhio.

"Wala akong paki alam kung saan ka nanggaling, ang mahalaga ay ang nararamdaman ko para sayo." Sambit muli ni Rhio.

"Rhio?" Mahinang pagkakasambit ni Mark.

"Mahal kita, Mark!" Sambit muli ni Rhio.

Ikinagulat ni Mark ang kaniyang mga narinig, kaya naman niyakap na din niya ito ng mahigpit.

"Mahal din kita, Rhio." Mahinang pagkakasambit ni Mark.

Ngunit laking gulat nila ng biglang magsalita si Ryan na nasa kanilang likuran.

"How sweet naman ninyong dalawa." Sambit ni Ryan.

Agad napalingon ang dalawa kay Rain at dito ay agad nagsalita si Mark.

"Ryan! Bakit mo sinabi sa kanila na galing tayo sa travincial?" Tanong ni Mark.

"Travincial?" Sambit ni Rhio.

"Travincial ang tawag sa lugar na pinanggalingan na'min ng pinsan ko. At Den of Evil ang tawag nyong mga tao sa lugar na'min! *Fufufu.." Sambit ni Ryan.

"Sagutin mo ang tanong ko sayo, Ryan! Bakit sinabi mo na nanggaling tayo sa travincial? Hindi ba't mahigpit na bilin sa'tin yon ng iyong ama na wag itong sasabihin sa mga tao?!" Sambit muli ni Mark.

"Wala lang.. *Fufufu.. Hindi ko na kasi matagalan ang mga nakikita ko! Dahil wala kang karapatang makipagkaibigan sa isang tao!" Sambit muli ni Ryan.

"Bakit ka ba nagagalit sa kaniya, Ryan?! Oo, nanggaling nga kayo sa den of evil, pero mga tao pa rin kayo!" Sambit muli ni Rhio.

"Mga tao? *Fufufu.. *Fuwahahaha! Ako? Isang tao? Wag mo nga akong patawanin! Wag nyo kaming ikumpara sa mga mababang uri na tulad nyo! Ipapakita ko sayo kung sino ba talaga ako! ** TAKE OVER! BLACK FENRIR!! **" Sambit muli ni Ryan.

*** Note: Ang "TAKE OVER!" ay ang skill o paraan upang makapagpalit ng anyo ang isang mythical shaman sa anyo ng kanilang mythical creature. At ang mga nakakagawa lang ng paraang ito ay ang mga nasa antas ng "Master-class". ***

Matapos magsalita ni Ryan ay biglang nagbago ang anyo nito at naging isang malaking lobo na kulay itim. Ikinagulat ito ni Rhio at napasigaw siya sa sobrang takot. Samantala, nabahala naman si Mark sa malaking takot na maidudulot ng pagbabagong anyo ni Ryan sa kanilang lugar.

"Ryan! Itigil mo na ito!" Sigaw ni Mark.

"Halimaw.. Halimaaaaw!!!" Sigaw muli ni Rhio.

Matapos sumigaw ay agad napatakbo si Rhio, subalit napigilan naman siya ni Mark sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito. Ngungit ilang sandali pa ay labis siyang nagulat matapos makita ang takot sa mga mata ni Rhio habang tinitignan siya nito. Sa mga oras ito ay naramdaman muli ni Mark ang dating niyang pagkatao. Nag-iisa, walang kausap, walang kaibigan, at madilim.

Nang mapagtanto ni Mark na pumipiglas na si Rhio ay binitiwan na niya ito. Agad namang nagtatakbo si Rhio sa sobrang takot at sa mga oras na yon ay naglabasan na ang mga istudyante sa kanilang paaralan. At katulad ng inaasahan ay nagbalikan ang mga ito sa loob matapos makita ang itim na malaking lobo na kasama ni Mark.

"*Makinig kayo mga tao! Ako ang taga pagbantay ni Mark Lionheart! At ang sinumang taong lalapit sa kaniya ay kakainin ko! *Gurahahahaha!" Sambit ni Ryan.

Dahil hindi alam ng mga istudyante na si Ryan ang itim na lobong nakita nila ay pinaniwalaan nila ang mga sinabi nito. At magmula nga ng araw na yon ay kinatakutan na si Mark.

Kinabukasan, hindi na nagpakita pang muli sina Mark at Ryan sa paaralan at hindi na rin sila nakita pa sa loob ng bayang ito.

Ikinatakot din ni June ang kaniyang napag-alamanan sa tunay na pagkatao ni Mark, ngunit batid niyang si Ryan ang itim na malaking lobo na nakita nila. Alam niya ito dahil sinundan niya si Ryan matapos nitong makita itong lumabas ng kanilang classroom. At kalaunan ay nasaksihan ang buong pangyayari. Ngunit sa labis niyang takot ay hindi na niya nagawa pang ipagtanggol si Mark sa mga kaklase niya at hindi na rin niya nagawang kausapin si Rhio na natroma sa labis na takot.

Makalipas ang isang taon. (kasalukuyang taon.) Kinailangang lumipat nina June at nang kaniyang pamilya sa loob ng travincial, dahil dito na nagta-trabaho ang mga magulang niya. Hindi alam ni June na ang travincial pala ay ang den of evil na kinatatakutan nila. Hanggang sa mag-aral na siya sa Olympus university.

*** Flashback Ends here! xD ***

Mabalik tayo sa kasalukuyan, magtatapos na ang unang klase nina Rain, ngunit hindi pa rin sila kinakausap o pinapansin ni Mark. Samantala, napapansin ni Rain na kahina-hinala din ang mga ikinikilos ni June, kaya nakatitiyak nitong may alam ito sa kung ano ang nangyayari sa kanilang kaibigan.

Hanggang sa matapos ang Science ay hindi pa rin sila pinapasin o kinakausap ni Mark. Pilit din itong kinakausap ni Annie, ngunit hindi ito pinapansin ni Mark at mabilis na nagdadahilan upang makalayo.

Lunch break na at agad nang inaya ni Rain ang kaniyang mga kaibigan upang kumain. Subalit nang hanapin na nila si Mark ay hindi na nila ito nakita pa.

Habang kumakain ang magkakaibigan.

"Ano ba ang problema ni Mark at kanina pa niya ako hindi pinapansin?" Tanong ni Annie.

"Hindi ko nga rin alam eh, bakit hindi mo tanongin si June? Mukhang may alam siya sa mga nangyayari eh." Tugon ni Rain.

Ngunit agad nagtaka ang tatlo matapos nilang makita na hindi kumikibo si June at tahimik lang na kumakain.

"Hoy June!" Sambit ni Annie.

Hindi nilingon ni June si Annie at nagpatuloy lang ito sa kaniyang pagkain.

"JUNE SWATZRON!" Sigaw ni Annie.

Subalit sa ikalawang pagkakataong ay hindi pa rin siya pinansin nito, kaya naman agad na siyang bumwelo at kalaunan ay malakas na kinutusan si June.

*** SFX: POOOOOOOOOOOOINKS! ***

"Araaaay! Bakit ba?!" Gulat na pagkakasambit ni June.

"Bwisit ka! Pansinin mo ako!" Sigaw ni Annie.

Sandaling napatingin si June kay Annie at ilang sandali pa ay muli itong natahimik.

"Magtapat ka nga, ano ba talaga ang nangyari sayo at kay Mark?" Tanong ni Annie.

"Pasensya na pero hindi ko alam." Tugon ni June.

Hindi nagustuhan ni Annie ang tugon ni June, kaya agad siyang tumayo at kalaunan ay naglakad na papaalis. Ikinagulat naman ito ni Rain at sinubukang pigilan si Annie.

"Hoy Annie! Saan ka pupunta?" Sambit ni Rain.

"Ayoko ko nang makipagkaibigan sa mga taong pinaglilihiman ako, kaya maiwan ko na kayo." Tugon ni Annie.

Matapos magsalita ay umalis na si Annie. Samantala, nanatiling tahimik si June at tila walang narinig. Sa pagkakataong ito ay tuluyan ng nainis si Rain, kaya agad na siyang tumayo at kalaunan ay hinatak ang collar ng damit ni June papalapit sa kaniya.

"Ano ba ang problema mo? Bakit ayaw mong sabihin sa amin ang problema nyo? Kaibigan pa ba ang tingin nyo sa'min?" Sambit ni Rain.

Ngunit sadyang ayaw magsalita ni June at napatingin na lang ito sa malayo. Sa mga sandaling ito ay batid na ni Rain na walang balak talagang magsalita ang kaibigan, kaya binitiwan na niya ito at inaya si Selina na umalis.

"Tara na Selina, wala na tayong mapapala dito. Ito ang gusto nila, kaya pabayaan na lang na'tin sila." Sambit ni Rain.

Matapos magsalita ay naglakad na si Rain papaalis. Ilang sandali pa ay sumunod na si Selina, ngunit bago ito tuluyang maglakad ay may binitiwan itong salita na kumurot sa puso ni June.

"Tandaan mo, hindi lang kayo ang masasaktan sa ginagawa mo." Sambit ni Selina.

Nang mga oras na yon ay naiwang nag-iisa si June. Napayuko na lang ito at naisip ang mga sinabi ni Selina.

Hanggang sa matapos ang klase sa araw na yon ay hindi na kinausap nina Rain sina Mark at June. Samantala, nagmadaling lumabas ng classroom sina: Rain, Aron, Selina at Annie. At sa paglabas nila ng campus ay naghiwa-hiwalay na sila. Samantala, si Aron ay sumama kay Rain pauwi sa bahay nito. Batid kasi niya na may pagsasanay na magaganap at gusto niyang sumali dito.

"Malayo pa ba ang bahay nyo, Rain?" Tanong ni Aron.

"Medyo, pero bakit kasabay kitang naglalakad? Hindi naman dito ang daan papunta sa bahay nyo ah." Tugon ni Rain.

"Hindi ako makakapayag na ikaw lang ang magsasanay sa ilalim ni lolo! Syempre gusto ko ding maturuan ng lolo ko!" Sambit muli ni Aron.

"Okay, okay! Pero saan naman kaya tayo magsasanay doon? Eh ang liit-liit ng bakuran na'min?" Sambit muli ni Rain.

May ilang minuto pa ang lumipas ng marating nina Rain ang kanilang bahay. Agad na silang pumasok ni Aron sa loob at katulad ng kaniyang inaasan ay nandoon na ang kaniyang master, si Drake.


Chapter end.


Afterwords

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 16: Fenrir - Mark at Ryan Lionheart. part 2

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top