Chapter 14: Yami Clan - Hindi tukoy na samahan.
Sa ngayon ay nasa loob na ng kwarto ng dragon clan leader ang magkakaibigan. Nakita at nakilala na rin nila ang dragon clan leader, si Drake Draken.
"Magandang gabi lolo, ako nga po pala si Aron Draken. Ang panganay na anak ng naging pansalamantalang clan leader." Sambit ni Aron.
"*Hahaha! Tama na ang formally, apo. Nakwento ka na sa'kin nitong kapatid mong si Airen. Matigas daw ang ulo mo at hindi ka din matalino, kaya sana apo ay pagbutihan mo ang iyong pag-aaral." Sambit ni Drake
Labis na ikinagalit ni Aron ang kaniyang mga nalaman, kaya agad na itong lumapit sa kaniyang nakababatang kapatid. Samantala, batid ni Airen ang gagawin ng kaniyang kuya, kaya agad na siyang nagtago sa likod ng kanilang lolo.
"Lolo, sasaktan ako ni kuya oh!" Sambit ni Airen.
"Tumigil ka Airen at lumapit ka dito! Kukutusan kita para magtanda ka!" Sambit ni Aron.
"Tama na yan! Aron Draken! Maupo ka! Hindi tamang pagbantaan mo ang nakababatang mong kapatid!" Sambit muli ni Drake.
Agad naman natahimik si Aron matapos siyang pagsabihan, kaya ilang sandali pa ay muli na siyang umupo.
"Pasensya na po." Sambit muli ni Aron.
"*Bleee!" Sambit muli ni Airen.
Pinalampas na lang ni Aron ang pambwi-bwisit ng kaniyang kapatid, dahil na wala na siyang magagawa pa tungkol dito sa ngayon.
"Pero master, bakit ngayon ka lang po nagpakita?" Tanong ni Rain.
"Oo nga po lolo, bakit ngayon lang po kayo nagpakita?" Sambit muli ni Aron.
"Bago ko sagutin ang mga tanong na yan, Airen.. Maaari mo bang samahan ang mga kaibigan ng kuya mo sa guest room para doon muna sila magpahinga. May pag-uusapan lang kaming tatlo na importanteng bagay." Sambit muli ni Drake.
"Okay po, lolo!" Tugon ni Airen.
Hindi na nagsalita pa ang apat at sumama na agad ang mga ito kay Airen, papalabas ng kwarto. Sa labas ay agad naglalakad sa hallway ang lima. Sa mga sandali ding ito ay naalala na nila ang pagsubok na dinaanan nila kanina at sa ngayon ay muli na silang dadaan dito.
"Haaay! Maglalakad na naman tayo? Ayoko ng magdusa pa!" Sambit ni June.
"Wala man lang bang elevator dito sa loob ng dragon empire? Ayoko ko na ding dumaan sa mala-impyernong hagdanan na yon! *Huhuhu!" Sambit ni Annie.
"*Huh?! Elevator? Syempre meron kami. Bakit? Hindi ba kayo nag-elevator pa punta dito sa taas?" Sambit ni Airen.
Sandaling napahinto ang apat at kalaunan ay gulat na napatingin kay Airen.
"ANO?! NASAAN ANG ELEVATOR NA YAN?!" Sigaw ng apat.
Matapos sumigaw ay agad nagkani-kaniya ng paghahanap ang apat sa elevator.
"Ayun oh! Sa tapat ng hagdanan." Sambit muli ni Airen.
Agad itinuro ni Airen ang lugar kung nasaan ang elevator. Agad napalingon dito ang apat at kalaunan ay mabilis na nalakad patungo dito. Samantala, hindi maunawaan ni Airen ang mga ikinikilos ng apat, kaya napatakbo na din ito para mabilis na makapunta sa may elevator. Ngunit bago pa man marating ni Airen ang elevator ay nakaramdam siyang isang masamang aura na nanggagaling sa apat. Agad siyang napahinto at kalaunan ay napaatras ng ilang mga habang, dahil na rin sa labis na takot. Bagamat natatakot ay nilakasan na lang ni Airen ang kaniyang loob at ilang sandali pa ay nagsimula na siyang magsalita.
"*Uhm! Ano? Me..me..May problema ba?" Sambit ni Airen.
Mas lalong natakot si Airen nang sabay-sabay tumingin sa kaniya ang apat na para bang kakain na siya ng mga ito.
"Ai..ren..?" Sambit ni Selina.
"*Hiiiiik!! Ba..bakit?! May nagawa ba akong kasalanan?" Sambit muli ni Airen.
"Pwede ba na'ming patayin ang kuya mo mamaya?" Sambit muli ni Selina.
"Oo.. nga! Oo.. nga!" Sambit ni June.
"Gusto ko ding iparanas sa kuya mo ang impyerno! *Kukuku.." Sambit ni Mark.
"Gusto ko ang naisip mo, Mark. *Kukukuku!" Sambit ni Annie.
"O..okay?!" Sambit muli ni Airen.
Matapos mag-usap ay lumapit na si Airen sa magkakaibigan at kasunod na nito ay sumakay na sila sa elevator. Samantala, nang mawala na ang ingay na naririnig ng tatlo mula sa labas ay nagsimula ng magpaliwanag si Drake.
"Okay, makinig kayong dalawa. Una muna ay sasagutin ko ang tanong nyo kanina, bakit ngayon lang ako nagpakita? Dahil ito na ang tamang panahong para lumabas ako." Sambit ni Drake.
"Ano naman po ang ibig nyong sabihin don, lolo?" Tanong ni Aron.
"Dahil alam na ng mga kalaban na buhay at na reincarnate na ang ika-apat na Zenon Reign Icarus, ang isa sa apat na mythical shaman ng phoenix." Sambit muli ni Drake.
"Mga kalaban? Ang ika-apat na reincarnation ni Zenon Reign Icarus?! Kung ganon, kailangan po ba na'ting maunahan ang mga kalaban na hanapin si Zenon? Ganon po ba ang ibig nyong sabihin, lolo?" Sambit muli ni Aron.
"Nagkakamali ka apo, dahil hindi na na'ting kailangan pang hanapin si Zenon. Dahil ang ika-apat na reincarnation ni Zenon ay.." Sambit muli ni Drake.
"Si Rain."
"Ako!" Sambit ni Rain.
Labis na nagulat si Aron sa kaniyang mga narinig, habang unti-unting nililingon si Rain.
"Si Rain? Ang ika-apat na reincarnation ni Zenon? Ang naging partner ni Lolo, ang maalamat na phoenix? Si Rain?!" Sambit muli ni Aron.
"Ganon na nga, Aron. Na kwento na ito sa'kin ng ate ko nung gabi na umuwi ako matapos ng combat practice. Nai-kwento niya sa'kin ang lahat at tulad mo ay hindi rin ako makapaniwala. Pero master, papaano nyo po nalaman na nandidito kami sa loob ng travincial?" Sambit ni Rain.
"Mabuti naman at natanong mo yan. Ang totoo nyan ay binabantayan at pinangangalagaan ko kayo sa malayo kasabay ng pag-iimbestiga ko sa nakalaban na'min clan. At ang pangngalan ng clan na ito ay ang "Yami Clan"."
(Note: "Yami" means "Darkness" xD)
"Ya..ya..yami clan?" Gulat na pagkakasambit ni Aron.
"Ang cute namang pakinggan ng clan nila! Pero master, papaano naman nila nalaman na buhay at na reincarnate ako?" Sambit ni Rain.
"Nalaman ko ito sa isang myembro ng yami clan na nahuli ko. At dahil na pag-alaman na nila na buhay ako ay nalaman na nilang na buhay at na reincarnate ang ika-apat na Zenon." Tugon ni Drake.
"At papaano naman po nila nalaman na buhay kayo?" Tanong muli ni Rain.
"Dahil sayo, Rain! Dahil sinabi mo ito kay Driego." Tugon muli ni Drake.
"Si Mr. Driego? Kung ganon po ba ay kalaban po siya?" Tanong muli ni Rain.
"Nagkakamali ka, dahil ayon sa nahuli ko ay narinig niya kayo na nag-uusap sa may clinic. At doon nila nalamang buhay pa ako." Tugon muli ni Drake.
"Mabuti naman po kung ganon, natitiyak kong malulungkot si ate kung malalaman niyang sumapi sa mga kalaban ang kaniyang anak." Sambit muli ni Rain.
Samantala, tahimik at napa-isip si Aron dahil hindi nito maintindihan ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Rain.
"Napanood ko ang naging paglalaban nyo ng isang satyr sa inyong combat practice. At katulad ko ay may ilang kasapi ng yami clan na naninirahan din dito sa loob ng travincial ang lihim na sinusubay-bayan ang bawat kilos mo." Sambit muli ni Drake.
Ikinagulat ni Rain ang kaniyang mga narinig at sa pagkakataong ito ay sandali siyang natahimik.
"Pero lolo, papaano naman po nalaman ng yami clan na posibleng si Rain ang naging reincarnation ni Zenon?" Tanong ni Aron.
"Simple lang, dahil ini-isa-isa at sinusubaybayan ng mga myembro ng yami clan ang bawat pumapasok sa loob ng travincial. At kaya nila napaghinalaan si Rain ay dahil ang phoenix ay hindi nagbabago ng anyo sa tuwing mare-reincarnate sila. Sa makatuwid, ang itsura ni Rain sa ngayon ay ang itsura din ni Zenon nung kasing edad niya ito." Tugon ni Drake.
Sandaling natahimik sina Aron at Rain, dahil sa naisip nilang panganib na posible nilang harapin sa hinaharap.
"Makinig ka apo, kaya ko ito sinasabi sayo ay upang protektahan mo si Rain sa mga kalaban na'tin. Alam na din ito ng kapatid mo at nang iyong ama, pero isikreto nyo lang ito at wag nyong sasabihin sa kahit kanino. Dahil hindi na'tin alam kung may mga dragon na nasa ating clan ang kasapi sa yami clan." Sambit muli ni Drake.
"Opo! Nauunawaan ko po, lolo. Nakahanda na po akong protektahan si Rain!" Sambit ni Aron.
"*Tsk! Hindi nyo na ako kailangan pang protektahan! Tulungan pwede pa! At isa pa ay hindi ako mahina, kaya kung pwede lang ay wag nyo akong itulad sa isang babae." Inis na pagkakasambit ni Rain.
"*Hmm.. Sabagay, parang ang pangit ngang pakinggan ng mga sinabi ko! *Hahaha! Hayaan mo Rain! Maaasahan mo sa oras ng laban!" Sambit muli ni Aron.
"Okay! Pero base sa mga narinig kong pagpapaliwanag ni master, mukhang hindi pa rin sila sigurado na ako nga ang ika-apat na reincarnation ni Zenon. Tama po ba ako?" Sambit muli ni Rain.
"Tama ka. At natutuwa ako sayo, dahil kahit pakiramdam mong minamaliit ka ng iyong na kalaban kanina ay hindi mo pa rin ginamit ang iyong mga skill. Siguro dapat kong pasalamatan ang aking kapatid, dahil binalaan ka niya agad." Tugon ni Drake.
Muli ay sandaling natahimik at napa-isip si Aron, dahil hindi na naman nito maintindihan ang ibig sabihin ng mga sinabi ng kaniyang lolo.
"Kung ganon, napanood nyo ang naging laban ko kanina kay Sai?" Tanong muli ni Rain.
"*Uhm! At alam kong nagtamo ka kanina ng labis na pinsala, pero tingnan mo ang katawan mo ngayon." Tugon muli ni Drake.
Sa mga oras na ito ay naalala na ni Rain ang mga naging pinsalang niya kanina, ngunit hindi na niya nararamdaman ito ngayon. Ilang sandali pa ay naghubad na siya ng kaniyang damit at laking gulat sa napag-alamang wala na ang bakas ng mga pinsalang natamo niya kanina.
"Ang mga sugat ko, magaling na." Gulat na pagkakasambit ni Rain.
"Tama ka, mabilis maghilom ang mga sugat ng phoenix. Kaya pinapayuhan kitang kahit wala ka nang mga sugat ay maglagay ka pa rin ng mga benda. Upang hindi ka talaga paghinalaan ng ating mga kalaban." Sambit muli ni Drake.
"Nauunawaan ko po! At mukhang hindi ko na po pala dapat sabihin ang rason kung bakit ako naparito." Sambit muli ni Rain.
"*Hmm.. Okay, tuturuan kitang muli ng ilang mga basic fire skills. Pero dapat mag-isip at gumawa ka na din ng skill mo. Para kahit nasa kalagitnaan ka na ng panganib ay may malakas kang skill na magagamit." Sambit muli ni Drake.
"Opo!" Sambit muli ni Rain.
"Sige, umuwi na kayo ng mga kaibigan mo. At bukas pagkatapos na iyong klase ay magmadali kang umuwi at sasanayin kita sa loob ng bahay nyo." Sambit muli ni Drake.
"*Eh?! Sa loob ng bahay na'min? Maliit lang po ang bahay na'min eh. Saan naman po tayo magpa-practice doon?" Sambit muli ni Rain.
"*Fufufu.. Basta, wag kang mag-alala. Hindi mo yata alam na ang bahay na yon ay ang sikreto kong bahay. Ipinagawa ko yon, maraming taon na ang nakalilipas." Sambit muli ni Drake.
"*Ehh?!" Gulat na reaksyon ni Rain.
At dito na nga natapos ang kanilang pag-uusap. Matapos magpaalam ay agad nang lumabas ng kwarto sina Rain at kalaunan ay nagtungo na ang mga ito sa guest room, kung saan nandoon at naghihintay ang kanilang mga kaibigan.
Muli ay naglakad sina Rain pababa sa hagdan, kaya may ilang minuto din ang lumipas bago nila tuluyang marating ang kwarto kung nasaan ang kanilang mga kaibigan. Ilang sandali pa ay bubuksan na ni Aron ang pinto, subalit agad siyang napahinto matapos makaramdaman ng masamang aura mula sa loob. Sa pagkakataong ito ay agad niyang inalerto ang kaniyang sarili at ilang sandali pa ay binuksan na niya ang pinto at kalaunan ay mabilis na pumasok.
"Sino ka?!" Sigaw ni Aron.
Ngunit laking pagtataka niya matapos makita ang mga kaibigan at si Airen.
"Ano yung naramdaman ko? *Hahaha! Siguro guni-guni ko lang ang masamang aura na naramdaman ko." Sambit muli ni Aron.
Matapos magsalita ay agad napakamot ng kaniyang ulo si Aron at halos kasabay nito ay nagsimula na siyang maglakad papalapit sa mga kaibigan.
"Sa wakas.. Aron! *Fufufu.. Alam mo bang kanina ka pa na'min hinihintay?" Sambit ni June.
Muli ay labis na nagtaka si Aron, ngunit agad itong nabura matapos makaramdam muli ng masamang aura. Sa pagkakataong ito ay napaatras siya ng ilang mga hakbang, dala na rin ng labis na kaba.
"A..a..ano ang nangyayari sa inyo?" Tanong ni Aron.
"Katapusan muna!" Sigaw ni June.
Matapos sumigaw ni June ay mabilis na nagsuguran ang magkakaiban upang gulpihin na si Aron.
*** SFX: PAAAAAK! BUUUUG! BLAAAAAG! DYUGS! TAAGS! CLAAAAK! BOOOGOOOM! ***
"Loko ka! Bakit hindi mo sinabing may elevator pala!" Sigaw ni June.
*** SFX: PAAAAAK! ***
"Aray! Hindi naman kasi kayo nagtanong eh! *Arrggh!" Sambit ni Aron.
"Ah ganon! So kasalan pa pala na'min?! Etong sayo! *Umm! *Umm! *Umm!" Sambit ni Annie.
*** SFX: BUUUUGS! BUUUUGS! BUUUUGS! ***
"*Ahh! Sorry na! Hindi kasi ako gumagamit ng elevator, para lumakas ang stamina ko! Aray! Tama na!" Sambit muli ni Aron.
"Wala akong paki-alam! Ang gusto ko lang ngayon ay ang patayin ka!" Sigaw ni Selina.
***SFX: BLAAAAAG! DYUGS! TAAGS! CLAAAAK! ***
Samantala, napahinto naman si Rain at tulalang pinapanood ang nagaganap na pagpatay, este pag gulpi kay Aron.
"Ra..in! Tulungan mo.. ako!.. *Arrgh! *Cough! *Cough!" Sambit ni Aron.
Ngunit imbes na tulungan ay nakaramdam din ng sobrang galit si Rain, kaya naman..
"** ENCHANT! BURNING CLAWS! **" Mahinang pagkakasambit ni Rain.
Agad namang napahinto ang mag kakaibigan sa pag gulpi kay Aron matapos makita si Rain na nag-enchant. At ilang sandali pa nga ay isa-isa ng lumayo ang mga ito kay Aron. Samantala, ikinatuwa ni Aron ang pangyayaring ito at ilang sandali pa ay dahan-dahan na siyang tumayo.
"Maraming salamat Rain.. Isa kang tunay na kaibigan!" Nakangiting pagkakasambit ni Aron.
Ngunit matapos niyang magsalita ay laking gulat niya matapos makitang pasugod na sa kaniyang si Rain.
"Pak u ka Aron! Bakit hindi mo sinabing may elevator pala! Katapusan mo na! *Raaaaa!" Sigaw ni Rain.
***SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
"WOOOOOOOOOOOO!" Hiyaw ni June.
"YEEESSSS!" Sambit ni Annie.
"Ang galing mo, Rain!" Sambit ni Selina.
"Maraming salamat, Rain!" Sambit ni Mark.
Samantala, matapos tamaan ni Rain si Aron gamit ang kaniyang Burning claws ay hinatid na sila ni Airen papalabas ng Dragon Empire. At katulad na inaasahan, malubhang nagtamo si Aron ng mga pinsala! *Hahaha!
Nang makalabas na ay naghiwa-hiwalay na ang magkakaibigan, dahil magkakaiba ang daan papauwi sa kani-kanilang mga bahay.
Gabi na ng mga oras na ito at kasalukuyang mag-isang naglalakad si Rain habang nakatingala sa kalangitan.
"*Hmm.. Ang malaking star na yon ay ang north star. At ang tatlong magkakasunod na star naman ay ang orion belt. At ang isa naman iyon ay ang big deeper." Sambit ni Rain.
Nagpatuloy lang si Rain sa paglalakad at halos malalim na ang gabi ng makauwi ito ng kanilang bahay. Batid na niya na nag-aalala na at galit ang kaniyang kapatid sa kaniya, kaya dahan-dahan nitong binuksan ang kanilang pinto at tahimik na pumasok. Sa loob ay dahan-dahan siyang naglakad. At nang marating niya ang sala ay dahan-dahan niya itong sinilip, ngunit laking gulat niya sa kaniyang nakita.
"Mr. Daigon?!" Sambit ni Rain.
"Oh, nakauwi ka na pala. Magandang gabi muli sayo, Zenon." Tugon ni Daigon.
*** SFX: POOOOOOINKS! ***
"Aray!" Sambit ni Daigon.
Agad napahawak sa kaniyang ulo si Daigon, dahil malakas siyang kinutusan ni Rachelle dito. Samantala, labis namang nagulat si Rain matapos niyang makita ang ginawa ng kaniyang ate kay Daigon.
"Hindi ba't kakasabi ko lang sayong wag mo siyang tatawagin sa tunay niyang pangngalan?!" Sambit ni Rachelle.
"Sorry po, auntie Raziel.." Tugon ni Daigon.
*** SFX: POOOOOOINKS! ***
Muli malakas na kinutusan ni Rachelle si Daigon na muling ikinagulat ni Rain.
"Araaaaay!" Sambit muli ni Daigon.
"Hindi ba't sinabi ko rin sayong "Rachelle" ang itawag mo sa'kin at wag ang tunay kong pangngalan!?" Sambit muli ni Rachelle.
"Sorry na po talaga! *Huhuhu!" Sambit muli ni Daigon.
Samantala, hindi magawang magsalita ni Rain, dahil pinipigilan nito ang kaniyang pagtawa habang pinapagalitan ng kaniyang ate si Daigon. Ngunit may ilang sandali pa ay napakalma na niya ang kaniyang sarili, kaya nakuha na niyang magsalita.
"Teka, ano ang nangyayari dito, ate?" Tanong ni Rain.
"*Ahh.. Sinabi lang sa'kin nitong pamangkin ko na, nagbalik na si kuya sa amin clan." Tugon ni Rachelle.
"Mauuna na po ako, auntie Rachelle!" Sambit muli ni Daigon.
"Rachelle lang! Rachelle!! Alisin mo na yung auntie, bwisit kang bata ka! Sige umuwi ka na at sabihin mo kay kuya na okay na ang lahat." Sambit muli ni Rachelle.
"Opo.. Pasenya na po. Mauuna na po ako.." Sambit muli ni Daigon.
Matapos magpaalam ni Daigon ay tuluyan na itong umalis. Samantala, hindi na nga napigilan ni Rain ang kinimkim niyang pagtawa matapos makaalis ni Daigon, kaya tuluyan na niya itong inilabas.
"*Buwahahaha! *Fuwahahaha! *Gwa..gwa..gwa..gwa! *Hakhak! *Uhmm! *Haa.. *Haa.. Hindi ako makapaniwala na pinagalitan mo ang naging pansamantalang dragon clan leader! *Hahaha!" Sambit ni Rain.
"Tama na yan at kumain ka na, matapos noon ay matulog ka na at maaga pa ang pasok mo bukas!" Sambit ni Rachelle.
"Okay!" Tugon ni Rain.
Batid ni Rain na alam na ng kaniyang ate ang lahat ng nangyari at dahil dito ay hindi na niya kinailangan pang magpaliwanag. Kinabukasan, pumasok si Rain nang may benda ang mukha at ilang parte ng kaniyang katawan.
Chapter end.
Afterwords.
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Asahan nyo na po ang susunod na extra chapter kasabay ng next update ko sa linggo. Thanks po ulit :)
Susunod.
Chapter 15: Fenrir - Mark at Ryan Lionheart.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top