Chapter 13: Dragon Clan leader - Drake Draken.
Matapos ang naging paglalaban sa pagitan nina Rain at Sai ay agad ng nag-alisan ang mga istudyanteng nanood. Samantala, buo na ang pasya ni Rain na pumunta sa lugar nina Aron upang magpaturo sa clan leader nila ng ilang mga fire skills. Batid niyang hindi pa sapat ang kaniyang kaalaman, dahil halos kailan lang niya nalaman ang tungkol sa tunay niyang pagkatao. At isa pa ay sinabihan siya ng kaniyang ate na wag gamitin ang tunay niyang kapangyarihan, dahil posibleng madiskubre agad ng kanilang mga kalaban ang tunay niyang pagkatao.
Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad papaalis ng campus sina Rain. At dahil hindi pa tuluyang nababawi ni Rain ang kaniyang lakas ay kasalukuyan siyang akay-akay nina June at Mark hanggang sa makarating sila sa lugar nina Aron.
Habang naglalakad ang magkakaibigan ay unti-unti ng nakakaya ni Rain na maglakad ng hindi tinutulungan ng kaniyang mga kaibigan. At kahit medyo may kalayuan ang lugar na pupuntahan nila ay nagawa pa rin nilang makarating dito. Isang malaking kastilyo ang tumambad sa kanila ng marating na nila ang malaking gate. At ang kastilyong ito ay tinatawag na "Dragon Empire", dahil dito naninirahan ang lahat ng kasapit sa dragon clan.
"Ang laking kastilyo! Ito na ba ang dragon empire ng dragon clan?" Sambit ni June.
"Tama! Kaya pumasok na tayo sa loob." Tugon ni Aron.
Matapos magsalita ay agad naglakad patungo sa gate si Aron. Matapos nito ay agad niyang inilapat ang kaniyang kanang kamay sa gate at kalaunan ay nagsimula na itong magsalita.
"**kitto.. omoi.. dasu.. koto.. mo.. na..i!**" Sambit ni Aron.
Matapos magsalita ni Aron ay biglang nagbukas ang malaking gate. Agad na siyang pumasok dito at kalaunan ay inaya na niya sina Rain na pumasok sa loob. Agad namang sumunod ang mag kakaibigan at ilang sandali pa ay pumasok na din sila sa loob. Nang tuluyang makapasok ang lahat ay bigla na lang nagsara ang malaking gate.
"Okay lang ba na pati kami ay sumama dito, Aron?" Tanong ni June.
"Wag kayong mag-alala, hindi naman illegal ang pagpasok nyo sa teretoryo na'min. Hangga't kasama nyo ako, wala kayong dapat ikatakot." Tugon ni Aron.
"Sana nga." Sambit muli ni June.
May isang minuto ang nilakad nila para marating ang pinto ng mismong dragon empire. Agad naman itong binuksan ni Aron at dito ay laking gulat niya matapos makita ang kaniyang ama.
"Ama! Sakto po! May ipapakilala po ako sa inyo, wala pong duda na isa din siyang mythical shaman ng elemental fire dragon. Pero hindi po niya alam ang tungkol dito, kaya po gustoka na'ming makausap." Masayang pagkakasambit ni Aron.
"Elemental Fire Dragon na tulad na'tin? Pero, konti lang ang elemental fire dragon sa ating clan." Tugon ni Daigon.
*** Daigon Draken. 31 years old at siya ang pansamantalang gumanap bilang clan leader, habang wala ang kaniyang ama. Isang siyang magaling na pinuno, kaya kahit ang ibang mga mythical shaman ay ginagalang siya.
Matipuno ang pangangatawan ni Daigon, nasa 5'7" ang kaniyang taas, medyo maputi ang kulay ng kaniyang balat at kulay pula na medyo may kahabaan ang kaniyang buhok. ***
"Sa totoo lang po ay hindi ko po talaga alam kung elemental fire dragon ba ako o hindi." Sambit ni Rain.
"Ito nga po pala si Rain Esfalls, siya po yung tinutukoy ko." Sambit ni Aron.
"Magandang gabi po." Sambit muli ni Rain.
"At ang apat namang kasama na'min ay sina: June Swatzron, Mark Lionheart, Annie Lernards at si Selina Oceanus." Sambit muli ni Aron.
"Magandang gabi po!" Sambit ng apat.
"At mga kaibigan, siya naman ang aking ama at kasalukuyang dragon clan leader, si Daigon Draken." Sambit muli ni Aron.
"Magandang gabi din sa inyo. Pero anak, kung ang clan leader ang hinahanap niyo ay maaari na kayong magtungo sa kwarto niya sa itaas." Sambit muli ni Daigon.
"Masusunod po, ama." Tugon ni Aron.
Matapos magsalita ay agad ng pumasok ang magkakaibigan sa loob at agad naglakad patungo sa hagdanan. Ngunit ilang sandali pa ay napahinto si Aron sa kaniyang paglalakad at kalaunan ay hinabol ang kaniyang ama. Hindi kasi ito sumunod sa kanila at naglakad pa palabas.
"Ama, may gagawin pa po ba kayo, kaya hindi kayo sasabay sa amin papunta sa kwarto nyo?" Tanong ni Aron.
"Tama ka anak, inutusan ako ng ating clan leader, pero babalik din ako ka agad." Tugon ni Daigon.
Sa pagkakataong ito ay labis na nagtaka ang magkakaibigan at kalaunan ay napatingin sa isa't-isa.
"Inutusan ka po ng ating clan leader? Papaano po mangyayari yon, ama?" Tanong muli ni Aron.
"*Ahh! Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo. Hindi na ako ang clan leader. Ang mabuti pa ay magtungo na kayo sa kwarto ng clan leader, para makilala nyo na siya." Sambit muli ni Daigon.
Matapos magsalita ay masayang umalis na si Daigon. Samantala, hindi malaman ni Aron kung binibiro lang siya ng kaniyang ama sa mga oras na ito.
"*Umm.. Aron? Ano ba ang nangyayari?" Tanong ni Annie.
"Ang totoo, hindi ko rin alam." Tugon ni Aron.
"Ang mabuti pa siguro ay puntahan na na'tin yung kwartong sinasabi ng Papa mo." Sambit ni June.
"Mabuti pa nga." Sambit muli ni Aron.
Muli ay nagsimula ng maglakad ang magkakaibigan patungo sa kwarto ng clan leader. Ngunit may limang minuto na silang naglalakad paakyat ay nakakaramdam na ng pagod sina Mark, June at Annie.
Makalipas ang sampu pang minuto ay narating na nila ang pinaka tuktok ng dragon Empire. Isang maigsing hallway na lang ang kanilang lalakarin at mararating na nila ang nasabing kwarto.
"Aron! Uhaw na uhaw na ako! Wala ba tayong maiinom dyan?!*Haa.. haa.. haa.." Sambit ni June.
"Konti na lang, malapit na tayo!" Tugon ni Aron.
"Pagpunta lang ba ito sa kwarto at hindi isang pagsubok? *Haa.. haa.. haa.." Sambit ni Annie.
"Tulungan nyo ako! Hindi ko na maigalaw ang mga binti ko! *Arrrgh!" Sambit ni Mark.
"*Tsk! Ano ba ang gagawin ko sa inyong tatlo?" Sambit muli ni Aron.
Sa sobrang taas ng kanilang inakyat ay hindi na kinaya nina June, Mark at Annie ang sobrang pagod, kaya sandali silang napahiga sa sahig. Halos na pagod din sina Selina at Rain, ngunit may isang bagay na hindi napapansin si Rain sa kaniyang katawan ngayon.
Ilang sandali pa ay may lumabas na isang babae sa kwarto kung saan nila binabalak na magpunta. Agad silang nakita nito at kalaunan ay mabilis silang nilapitan.
"*Ahh! Kuya!" Sambit ni Airen.
*** Airen Draken. 12 years old at siya ang nakababatang kapatid ni Aron. Hindi tulad ng kaniyang kuya ay mahilig magbasa ng mga aklat si Airen. Hindi rin siya napagpapabaya sa kaniyang pagsasanay, kaya kahit sa mura niyang edad ay nasa average class na ang kaniyang lebel.
Slim ang pangangatawan ni Airen, nasa 4'6" ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, kulay asul ang buhok na naka pigtail ang kaniyang buhok at may hinaharap naman. (if you know what I mean :3). ***
"Airen? Ano ang ginagawa mo sa kwarto ni ama? Teka, wag mong sabihing ikaw na ang bagong clan leader?!" Sambit ni Aron.
"Ano ba ang pinagsasasabi mo kuya? Hindi ako ang bagong clan leader! At wala namang bagong clan leader!" Sambit muli ni Airen.
"Kung ganon, niloloko lang ako ni ama na inutusan siya ng bagong clan leader na'tin? *Hahaha! Si ama talaga, nakuha pang magbiro. Pero saan siya pumunta? Kailangan na'ming makausap siya tungkol dito kay Rain." Sambit muli ni Aron.
"Rain? *Ahh! Kuya Rain! Ikaw si Kuya Rain?! *Yiepi!" Masayang pagkakasambit ni Airen.
Matapos magsalita ni Airen ay agad nitong niyakap si Rain. Samantala, hindi naman maunawaan ni Rain ang dahilan kung bakit siya niyayakap nito.
"Te..te..teka, Aron! Ano ang nangyayari sa kapatid mo?" Sambit ni Rain.
"Kuya Rain! Kuya Rain! Kuya Raaaaain! *Hmmmm!" Masayang pagkakasambit ni Airen.
"Whoi! Teka..teka..teka.. Bakit tinatawag mo akong kuya?" Sambit muli ni Rain.
"*Tsk! Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko, Rain. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan ngayon. Hoy Airen! Itigil mo na nga yan at sabihin mo na kung nasaan nagpunta si ama!" Sambit muli ni Aron.
"Hindi ko alam, ang alam ko ay binigyan siya ng misyon ng ating clan leader!" Tugon ni Airen.
"Tama na ang pagbibiro at sabihin mo na kung saan nagpunta si ama." Sambit muli ni Aron.
"Hindi ako nagbibiro, binigyan nga siya ng misyon ng ating clan leader! Hindi ka ba nakikinig, kuya?!" Sambit muli ni Airen.
"Airen?! *Tsk! Okay sige, bakit naman bibigyan ni ama ang sarili niya ng isang misyon?" Sambit muli ni Aron.
"*Huh? Hindi ka talaga nakikinig, kuya. Sinabi na ngang clan leader na'tin ang nagbigay ng misyon kay ama eh! Ang kulit mo!" Sambit muli ni Airen.
"Ano ba pinagsasabi mo! Baka nakakalimutan mong si ama ang clan leader na'tin?" Sambit muli ni Aron.
"*Areh?! Hindi pa ba nasabi sayo ni ama na nagbalik na si lolo?" Sambit muli ni Airen.
"Lolo? Teka! Wag mong sabihing.." Sambit muli ni Aron.
"Tama, nagbalik na si Lolo Drake!" Sambit muli ni Airen.
"Ano?!" Gulat na pagkakasambit nina Rain at Aron.
Matapos malaman ni Aron ang balita ay nagmadali na itong pumunta at kalaunan ay pumasok na nga sa loob ng kwarto ng kanilang clan leader. Samantala, si Rain naman ay gusto na ring tumakbo, ngunit hindi naman niya magawang makawala sa pagkakayakap ni Airen sa kaniya.
Samantala, sa mga oras na ito ay hindi na mapigilan nina Annie at Selina ang kanilang nararamdamang galit, kaya tuluyan na nilang inilabas ito.
*** SFX: TOOOOOOOINKS! BLAAAAAAAAAG! ***
"ARAY!!" Sigaw ni Rain.
"Hanggang kelan mo ba mamanyakin ang kapatid ni Aron?! *Hah?!" Galit na pagkakasambit ni Annie.
"*Uhm! *Uhm!" Pagsang-ayon ni Selina.
Nagalit naman si Airen sa ginawa nina Selina at Annie kay Rain, kaya agad niyang nilapitan ang mga ito.
"Ano ba ang mga problema nyo at nagawa nyong saktan si kuya Rain!?" Sambit ni Airen.
Medyo na inis naman si Selina sa naging attitude ng kapatid ni Aron. Napansin naman ito ni Rain, kaya agad na siyang pumagitna sa dalawa.
"Oy, tama na yan. Please wag naman kayong mag-away!" Sambit ni Rain.
"O..o..nga..ta..ma..na..yan..at..tu..lu..ngan..nyo..na..lang..ka..me.."
"Tu..big.. pa..hi..ngi..ng..tu..big..*aah.."
Sa pagkakataong ito ay biglang natahimik ang tatlo. At sa hindi nila maipaliwanag na dahilan ay bigla silang nakaramdaman ng takot matapos makarinig ng nakakatakot na boses mula sa kanilang likuran. Ilang sandali pa ay mabagal na nila itong nilingon, ngunit nang makita na nila ito ay labis silang natakot.
"Zo..zo..zo..zo..zombies?!" Sigaw ni Annie.
"*Kyaaaaaaaaaaaaaa!" Sigaw nina Selina at Airen.
Matapos sumigaw ay agad nagtakbuhan ang mga babae at kalaunan ay pumasok ang mga ito sa kwarto ng dragon clan leader. Samantala, naiwan naman si Rain at kalaunan ay nilapitan ang kaniyang mga kaibigan na mukha ng mga zombies dahil sa labis na pagkauhaw.
"Ra..in..*aah..big..yan..mo..ka..mi..ng..tu..big..*aah.." Sambit ni June.
"Wag kayong mag-alala, nandito na tayo. Kaya bumangon na kayo dyan!" Sambit ni Rain.
Matapos magsalita ni Rain ay agad na nitong inalalayan ang dalawa niyang kaibigan at kalaunan ay pumasok na rin sila sa loob ng nasabing kwarto.
Makalipas ang limang minuto. Kasalukuyan ng nasa loob ng kwarto ng dragon clan leader ang magkakaibigan. Nakainom na rin at kasalukuyang kumakain ng biskwit sina Mark at June sa mga oras na ito.
"*Ehem.. Ako nga pala si Drake Draken. Ang ikalawang naging clan leader ng dragon clan. Kaninang umaga lang ako nagbalik at katulad ng aking inaasahan ay nagulat ang pansamantalang naging clan leader ng makita niya ako. Pero nakakahiya mang sabihin ay naiyak siya ng makita ako. *Hahaha!" Sambit ni Drake.
*** Drake Draken. Hindi tukoy ang kaniyang tunay na edad, ngunit pinaniniwalaang higit isang daang taon na siyang nabubuhay. Siya ang nag-iisang mythical shaman ng element dragon na may taglay ng apat na makapangyarihan elemento.
Matipuno ang pangangatawan ni Drake, nasa 5'8" ang kaniyang taas, medyo maputi ang kulay ng kaniyang balat at kulay puti na medyo may kahabaan ang kaniyang buhok. ***
Chapter end.
Afterwords
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Napagpasyahan ko nga po palang mag lagay ng extra chapters kada, 5 chapters na na-update.. Kaya po asahan nyo na may Extra chapters after po nito.. kasalukuyang nakalimutan ko kasi ang usb ko sa bahay, wala po kasi akong internet :( Expect po sa more info sa bawat extra chapters.. :) Aun..
At kung gusto nyo pong malungkot, mapaisip, at ma-in love.. try nyo din pong basahin yung short story ko.. title po ay
http://www.wattpad.com/story/9497292-paglalakbay-para-sa-ikatlong-bagay
"Paglalakbay para sa ikatlong bagay". - Completed
Aun po thanks po ulit..
Susunod
Chapter 14: Yami Clan - Samahan ng mga kalaban
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top