Chapter 12: Cerberus - Sai Kerberos

Kanina habang kausap ni Rain ang kaniyang mga kaklase ay napansin niya si Aris at labis siyang nagtaka sa kalagayan nito. Bakas kasi sa mukha nito ang mga sugat at kapansin-pansin din ang mga benda nito sa braso.

"Kung ganon ay malakas pala itong si Sai? Pero anong klaseng mythical shaman ba si Aris?" Sambit ni Rain.

"Si Aris ay isang werewolf, samantalang si Sai naman ay isang mythical shaman ng Cerberus." Tugon ni Mark.

*** Notes: Ang Werewolf ay isang class-S na mythological creature, isang normal na tao lang ang anyo nito ngunit sa oras na masilayan nila ang liwanag ng bilog na buwan ay nagpapalit ang kanilang mga anyo. Isang malaking lobo na nakakatayo sa pamamagitan lang ng dalawang mga paa nila ang tunay na anyo ng isang werewolf. Mabibilis at malalakas ang mga ito, malakas din ang kanilang pandama, pang-amoy at matalas din ang kanilang paningin. Kumpara sa mga Lycans ay higit na mas malakas ang mga werewolf, dahil na rin sa taglay nilang mga lakas at kapanyarihan.

Ang Cerberus ay isang class-A na mythological creature, isa itong malaking aso na may tatlong ulo. At ang bawat isa sa mga ulo nito ay may kapangyarihan ng: "Fire", "Lightning" at "Ice". Mabilis at malakas din ang mga cerberus, kaya mahirap silang kalabanin. ***

"Mag-ingat ka dyan! Pabago-bago kasi ang pagkatao nyan, dahil tatlo ang ulo ng Cerberus. Ang hirap kausap nyan! Minsan masaya, minsan galit, at kung minsan umiiyak na lang bigla." Sambit ni June.

"Pabago-bago ang pagkatao niya? Tatlo ang ulo? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." Sambit muli ni Rain.

"Makinig ka, Rain. Dahil tatlo ang ulo ng mythical creature na cerberus, ay may tatlong split-personality ang mythical shaman nito. At ito ay ang "Galit", "Masaya" at "Malungkot". At ang bawat personalidad na ito ay may kani-kaniyang taglay na kapangyarihan. "Galit" para sa kapangyarihan ng "Apoy", "Masaya" para sa kapangyarihan ng "Kidlat" at "Malungkot" para sa kapangyarihan ng "Yelo". Pero hindi lahat ng mythical shaman na may maraming ulo ay may split personality na!" Sambit ni Mark.

"Whoa! Medyo komplikado naman pala ang pagkatao niya, pero salamat at ipinaliwanag mo ito sa'kin." Sambit muli ni Rain.

Ilang sandali pa ay isa-isa ng nag-alisan ang mga kaklase ni Rain, dahil oras na din para kumain ng tanghalian. Sa mga oras na ito ay nagroon si Rain ng panandaliaan katahimikan, ngunit may masamang aura siya nararamdaman at kanina pa ito nakatingin sa kaniya. Batid naman niya kung kanino ito nagmumula (kay Selina), kaya minabuti na lang niyang wag na lang itong pansinin pa, dahil baka lalo lang itong magduda sa kaniyang mga kwinento.

Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang aura na nararamdaman niya, kaya naman napamukmok na lang siya sa kaniyang lamesa. Sandali siyang nagmasid-masid sa paligid at dito ay bigla siyang nabuhayan matapos mahagip ng kaniyang paningin si Krystine, habang masayang nakikipagkwentuhan sa kaniyang mga kaibigan.

Masayang pinagmamasdan ni Rain si Krystine, ngunit ilang sandali pa ay bigla na lang siya nagulat dahil biglang nagpakita si Selina sa lugar kung saan siya nakatingin.

"*Huwaah?! Ano ka ba naman Selina?! Wag mo naman akong ginugulat ng ganiyan! Aatakihin ako nyan sa puso eh." Sambit ni Rain.

"Mga lalaki nga naman. Itigil mo na nga yang pagpapantasya mo. Nakakahiya ka!" Dismayadong pagkakasambit ni Selina.

Matapos magsalita ni Selina ay medyo galit na tumayo si Rain. Kasunod nito ay naglakad na siya papalabas ng kanilang classroom.

"Oi Rain! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Selina.

Hindi tumugon si Rain at nagpatuloy lang ito sa kaniyang paglalakad. Napansin naman siya ng kaniyang mga kaibigan, pati na rin si Krystine.

"Annie, Mark! Parang malungkot yata si Rain ah." Sambit ni June.

"*Hah? Nasaan?" Tanong ni Annie.

Agad hinanap nina Mark at Annie si Rain, subalit tuluyan na itong nakalabas ng kanilang classroom.

"Kakalabas lang niya ng classroom. Ano kaya ang nangyari? Mukhang badtrip din si Selina eh." Sambit muli ni June.

"Ang mabuti pa tanongin na na'tin si Selina." Sambit ni Annie.

"Mabuti pa nga." Sambit muli ni June.

Agad natungo ang tatlo sa kina-uupuan ni Selina upang tanungin ito. Hindi naman nagtagal ay tuluyan na nila itong nalapitan.

"Selina, ano ang nangyari? Bakit lumabas si Rain nang classroom?" Tanong ni Annie.

"Ewan ko sa lalaking yon. Bigla na lang akong hindi pinansin, kaya baha siya sa buhay niya." Tugon ni Selina.

"*Hmm.. Mukhang may LQ kayong dalawa ah.. *Te..hehe!" Sambit ni June.

"Pwede ba? Tigil-tigilan mo ako June ah at kung hindi masasaktan ka sa'kin." Sambit muli ni Selina.

"Eto naman, hindi na mabiro. *Huhuhu" Sambit muli ni June.

Samantala, tahimik namang nakikinig si Krystine sa pinag-uusapan nina Selina at ilang sandali pa ay tumayo na ito at kalaunan ay lumabas na din ng kanilang classroom.

"Krystine? Saan ka pupunta?" Tanong ni Khaye.

"Mag Ba-banyo lang ako." Tugon ni Krystine.

Samantala, kasalukuyang nasa campus cafeteria si Rain upang bumili ng maiinom. At matapos makabili ay umalis na din ito ng cafeteria at nagsimula ng mag-ikot-ikot sa campus. Hindi pa rin kasi niya tuluyang nalilibot ang buong campus, kaya naisip nito na ngayon na ito gawin.

Naglakad nang naglakad lang siya hanggang sa mapunta sa isang magandang lugar. Isang hardin ang nakita niya at dahil sa angking ganda nito ay agad niya itong pinuntahan upang dito ay saglit na magpahinga. Nang makarating ay agad siyang nahiga sa ilalim ng lilim ng malaki at nag-iisang puno doon.

"Haay! Hindi ko inaasahang may ganito kagandang lugar dito sa loob ng campus!" Sambit ni Rain.

"Refreshing ang lugar na ito diba?" Sambit ng isang babae.

"Oo naman, sinabe mo pa.!" Tugon ni Rain.

At dahil nilalasap ni Rain ang sariwang hangin ay hindi na sumagi sa kaniyang isipan na may kasama at kausap na pala siya, hanggang sa muling magsalita ang babae.

"Alam mo bang ang lugar na ito ay para lang sa mga mythical shaman na myembro ng Forest Fairy clan?" Sambit muli ng babae.

"Forest fairy clan?" Nagtatakang pagkakasambit ni Rain.

Sa mga sandaling ito ay tuluyan ng sumagi sa isipan ni Rain na may kinakausap na pala siya, kaya agad itong bumangon at kalaunan ay hinanap ang taong kumakausap sa kaniya. Ngunit ilang sandali pa ay laking gulat niya sa kaniyang nakita.

"Krystine?!" Sambit ni Rain.

"Mabuti naman at kilala mo pala ako." Nakangiting pagkakasambit ni Krystine.

Tila huminto ang oras para kay Rain, dahil may ilang segudo din itong tulala. Ngunit hindi naman nagtagal ay bumalik na din siya sa kaniyang sarili at dito ay agad siyang nag-isip ng mga magagandang sasabihin.

"*Ahh.. Krystine.. Ba..ba..ba..bakit ka nandi..di..di..dito? Ah... ano.. naglalakad-lakad lang ako nang makita ko ang lugar na ito, kaya naisip kong magpahinga muna dito. Ayon.. tama.. ganon na nga.. *Haha..ha!" Natatarantang pagkakasambit ni Rain.

Agad napatakip ng kaniyang bibig si Krystine at kalaunan ay mahinhin na tumawa. At sa mga sandaling ito ay halos maiyak si Rain sa labis na kasiyahan.

"Ang cute nya pagnakangiti at pagtumatawa.. Ay dyos ko lord! Maraming salamat po sa pagkakataong ibinigay nyo sa akin!" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Agad namang napansin ni Krystine ang kasalukuyang nangyayari kay Rain, kaya muli na itong nagsalita.

"Rain?" Sambit ni Krystine.

"Ay sorry. Pero teka, tama ba ang narinig ko? Tinawag mo ang pangngalan ko?" Sambit ni Rain.

"Syempre naman. Kahit nga sa ibang section ay sikat na ang pangngalan mo eh. Napanood ko din yung paglalaban nyo ni Riki. Nagulat talaga ako don nung mag enchant ka bigla." Sambit muli ni Krystine

"Oh God! Kilala niya ako! At na gagalingan din siya sa'kin! Oh dyos! Bathala o kung sinumang lumikha! Pwede mo na akong kunin!" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

"*Ahh.. Rain?" Sambit muli ni Krystine.

"Ay, sorry ulit. Nasabi mo nga palang para lang sa mga Forest fairy clan ang lugar na ito. Pasensya ka na kung napanghimasukan ko man ang lugar nyo. Sorry talaga." Sambit muli ni Rain.

"*Ahh.. Wag mo ng isipin yon. Tutal bago ka palang naman dito sa campus, kaya sa tingin ko ay maiintindihan ng aming clan ang nagawa mo. At ang totoo nga nyan ay sinundan talaga kita nung lumabas ka ng classroom na'tin kanina. Mukha kasing may problema ka eh." Sambit muli ni Krystine.

Hindi inaasahan ni Rain ang mga huling sinabi ni Krystine, kaya mabilis na siyang nagtanong.

"Bakit mo naman ako sinundan?" Tanong ni Rain.

"*Um.. Ano.. Nag-aalala kasi ako sayo.. Para kasing malungkot ka nung lumabas ka nang classroom na'tin." Tugon ni Krystine.

Mas lalong ikinagulat ni Rain ang kaniyang sumunod na narinig. At dahil dito ay pinaghalong kaba at saya ang kasalukuyang nararamdaman niya ngayon.

"Nag-aalala siya para sa'kin? Gu..gu..gusto na rin niya kaya ako?" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

"Rain?" Sambit muli ni Krystine.

Hindi nagawang magsalita ni Rain at nalang siya kay Krystine suot ang mga nangungusapa na mata. Sa mga sandaling ito ay binabalak na niyang magtapat, kaya lakas loob na siyang nagsalita

"Krystine.." Sambit ni Rain.

"*Huh? Bakit Rain? May masakit ba sayo? Namumutla ka na kasi eh." Sambit muli ni Krystine.

"I like you!" Sambit muli ni Rain.

Agad napa-pikit si Rain matapos niyang magsalita at hanggang sa ngayon ay hindi niya magawang pigilan sa panginginig ang buo niyang katawan. Samantala, ikinagulat ni Krystine ang kaniyang mga narinig, kaya sandali siyang natahimik.

Ilang sandali pa ay dahan-dahan ng idinilat ni Rain ang kaniyang mga mata, kasabay ng kaniyang paglunok. Sa mga sandaling ito ay nakita niyang nakangiti si Krystine habang nakatingin sa kaniya, kaya mas lalong bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso.

"*Umm.. Ano.. Thank you sa like!" Mahinang pagkakasambit ni Krystine.

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOSH!! ***

** FRIENDZONE SLASH! ** Sambit ni chufalse habang nakangiting sinusulat ang mga salitang ito.

*** SFX: BOOOOOOGOOOOOOOM! ***

(Note: Ang "FRIENDZONE SLASH" ay isang special skill na ang author lang ang makakagawa. Sa pamamagitan ng skill na ito ay mahahati ang puso sa dalawa ng sinumang character na nagtapat ng kanilang mga damdamin sa isang character na gustong-gusto nila na kalaunan ay hindi tinanggap. Tandaan, ang skill na ito ay lubhang panganib. xD)

"*Umm.. Ano.. Thank you sa like!" "Thank you sa like!.." "Thank you sa like!.."

Paulit-ulit naririnig ni Rain ang mga salitang ito habang siya ay nananatiling tulala. Sa ngayon ay tila nagunaw ang mundo para kay Rain. Kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha ay napaluhod siya at kalaunan ay napayuko. Napatitig na lang siya sa mga damo na kasalukuyang nasa kaniyang harapan.

Samantala, hindi naman lubusang maunawaan ni Krystine ang nangyayari kay Rain, kaya dali-dali niya itong nilapitan upang alamin kung ano ang nangyayari dito.

"Rain? Okay ka lang ba?" Sambit ni Krystine.

Sa pagkakataong ito ay mas lalong napabagsak si Rain, dahil tila hindi nauunawaan ni Krystine ang pinsala na idinulot sa kaniya ng mga salitang binitiwan nito.

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOM! ***

** FRIENDZONE SMASH! ** Sambit muli ni chufalse habang nakangiting sinusulat ang mga salitang ito.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOGS! ***

(Note: Ang "FRIENDZONE SMASH" ay isang special skill din na ang author lang ang makakagawa. Ang skill na ito ay pang-combo sa naunang skill na "FRIENDZONE SLASH", para lubusan ng mapatay ang puso ng character na nagtapat sa isang character na gustong-gusto niya na nareject kalaunan. Tandaan, ang skill na ito ay lubhang ding panganib. xD)

Hindi talaga malaman ni Krystine ang nangyayari kay Rain, kaya naman agad na itong umalis upang humingi ng tulong sa iba. Samantala, tuluyan ng nawalan ng malay si Rain at dahil ito sa labis na panghihina dulot ng labis na kahihiyan.

May ilang minuto pa lumipas ay unti-unti ng nagkamalay si Rain. Sa mga sandaling ito ay may naririnig na siyang ilang mga tinig at tila tinatawag nito ang kaniyang pangngalan. Ilang sandali pa ay tuluyan ng magkamalay si Rain at kasunod nito ay ang mabilis niyang pagbangon.

"Panagip lang? *Haay.. Mabuti naman at panagip lang ang lahat." Sambit ni Rain.

"Panaginip? Bakit Rain? Ano ba ang napanaginipan mo?" Tanong ni Khaye.

"Rain, mabuti naman at mukhang okay ka lang. Sabihin mo ano ang masakit sayo? At pagagalingin ko gamit ang kapangyarihan ko." Sambit ni Krystine.

Sa pagkakataong ito ay gulat na napatitig si Rain kina Krystine at Khaye.

"*Huh?!" Sambit ni Rain.

"Kung ganon, hindi ako nananaginip? Totoo ang mga narinig ko kanina! Busted agad ako? *Huhuhu." Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Lalong nag-alala si Krystine para sa kalagayan ni Rain, dahil hindi na nito nagawang tumugon sa kanila.

"Ano ang masakit?! Sabihin mo at papagalingin ko." Sambit muli ni Krystine.

"Oy Rain, ano ba ang nangyari sayo? Bakit hinimatay ka?" Tanong ni Khaye.

"Mukhang hindi na iintindihan ni Krystine ang nagawa niya at ang nararamdaman ko ngayon.* Huhuhu." Sambit muli ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

"*Ah.. ano.. hindi kasi ako nakapag-almusal kanina.. Baka sa gutom lang, kaya ako nawalan ng malay. *He..He..he.." Medyo awkward na pagkakasambit ni Rain.

"Haaay.. Mabuti naman, akala ko talaga kung ano na ang nangyari sayo eh." Sambit muli ni Krystine.

"Wag mo nga akong tinatakot Krystine, akala ko talaga may masamang nangyari dito kay Rain. Napag-alala mo din tuloy ako." Sambit muli ni Khaye.

Samantala, nanlalata man ay agad nang bumangon si Rain at nagsimula ng maglakad papalabas sa hardin.

"Rain? Saan ka pupunta?" Tanong ni Khaye.

"Mauuna na akong kumain sa cafeteria.. pasensya na sa abala!" Tugon ni Krystine.

"Rain!! Kung gusto mo ng kausap o kaya ay matatanungan, wag kang mahihiyang lumapit sa'kin ah. Tutal naman ay magkaibigan na tayo!" Masayang pagkakasigaw ni Krystine.

Agad natapilok si Rain matapos marinig ang mga sinabi ni Krystine sa kaniya. Ngunit agad din siyang bumangon at muling naglakad.

Hindi na tumugon si Rain at itinaas na lang nito ang kaniyang kanang kamay habang patuloy sa kaniyang paglalakad.

"Siguro nga ay gutom na gutom na siya. Sobrang nanghihina na siya eh." Sambit ni Krystine.

Ngunit hindi kumbinsido si Khaye na nanghihina si Rain at batid na nito ang posibleng nangyari, kaya sinimulan na nitong tanungin si Krystine.

"Sabihin mo nga Krystine, may sinabi ba sayo si Rain bago siya nanghina?" Tanong ni Khaye.

"*Hmm.. Teka, sa pagkakaalala ko ay sinabi niya sa'kin na gusto niya ako. At matapos kong magpasalamat ay bigla na lang siyang nanghina." Tugon ni Krystine.

Agad napa-facepalm si Khaye matapos marinig ang sinabi ni Krystine sa kaniya.

"Sinasabi ko na nga ba eh.." Dismayadong pagkakasambit ni Khaye.

"Bakit? May problema ba sa sinabi ko?" Tanong ni Krystine.

"Kailan ka ba talaga mag ma-mature, Krystine?" Tanong muli ni Khaye.

"Bakit? Ano ba ang ginawa ko?" Sambit muli ni Krystine.

"Ah! Wala! Kalimutan mo na ang sinabi ko at mabuti pang kumain na din tayo!" Dismayadong pagkakasambit muli ni Khaye.

Halos malapit ng matapos ang klase bago mag lunch break kaya halos ang buong class Fire-1 ay nasa cafeteria na upang kumain.

Nakabili na ng pagkain at naghahanap na lang ng mapwe-pwestuhan sina Mark, June, Annie, at Selina nang makita nila si Rain na malungkot na nakaupo sa tabi ng lamesa. Agad nila itong pinuntahan upang dito na sila kumain at upang kausapin na rin si Rain tungkol sa kung ano mang sanhi ng kalungkutan nito ngayon.

Sa pagtabi ng apat ay napansin sila ni Rain, ngunit hindi man lang ito nagsalita at bumalik na lang sa kaniyang pagmumukmok. Samantala, walang ideya ang kaniyang mga kaibigan, kaya nagsimula na silang magtanong.

"Anyare sayo Rain?" Tanong ni Annie.

"Oo nga, bakit parang malungkot ka?" Sambit ni Mark.

"Siguro inaway ka nitong si Selina kanina, kaya ka umalis ng classroom, ano?" Sambit ni June.

Habang nagsasalita ay turo-turo ni June si Selina, kaya hindi na napigil ni Selina ang kaniyang sarili.

*** SFX: POOOOOOOOINKS! ***

"Aray!" Sigaw ni June.

Agad napahawak si June sa kaniyang ulo, dahil malakas siyang kinutusan ni Selina dito.

"Isang salita mo pa ng walang katuturan ay mas malala na dyan ang aabutin mo sa'kin." Inis na pagkakasambit ni Selina.

"*Huhuhu. Sorry na! *Huhuhu." Sambit muli ni June.

"Ano ba talaga ang nangyari sayo, Rain? Bakit ba malungkot ka?" Tanong ni Selina.

"Wala.. Wag nyo na lang akong pansinin." Tugon ni Rain.

"Sinasabi-ko-na-nga-ba-Selina-at-ikaw-ang-may-kagagawan-kung-bakit-malungkot-itong-si-Rain!" Sambit muli ni June.

*** SFX: BUGS! BUGS! BUGS! BUGS! BUGS! BUGS! ***

Sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan ni Selina ang kaniyang sarili, kaya tuluyan na niyang ginulpi si June.

"Ikaw!" Galit na pagkakasambit ni Selina.

*** SFX: PAAAAAAAAK! ***

"Aray!" Sambit ni June.

"Isa pa!" Galit na pagkakasambit muli ni Selina.

*** SFX: BOOOOOOOOG! ***

"Aray!!" Sambit muli ni June.

"Isa pa!" Galit na pagkakasambit muli ni Selina.

*** SFX: PAAAAAAAAK! ***

"Tama na!" Sambit muli ni June.

*** SFX: BOOOOOOOOG! ***

"Isang salita mo pa!" Galit na pagkakasambit muli ni Selina.

"TAMA NA MASAKET!" Sigaw ni June.

Salamat dahil tumigil na si Selina sa paggulpi kay June. Ilang sandali pa ay agad ng inayos ni Selina ang kaniyang sarili at matapos nito ay tinanong muli niya is Rain.

"Ano nga ang dahilan kung bakit malungkot ka? Wag mong sabihin ako nga ang dahilan?" Tanong ni Selina.

Hindi tinugon ni Rain si Selina at napabuntong hininga na lamang ito.

"Sina..sa.." Sambit ni June.

Hindi na nagawang ituloy ni June ang kaniyang sasabihin, dahil agad napatingin si Selina sa kaniya suot ang mga nanlilisik na mata.

"Wag kayong mag-alala, wala kayong kinalalaman sa nararamdaman ko." Sambit ni Rain.

"*Hmmp! Pabayaan mo na nga yan Selina at kumain na lang tayo. Tayo na nga ang nag-aalala para sa kaniya, pero ayaw pa rin niyang magkwento." Sambit ni Annie.

"Mabuti pa nga!" Sambit muli ni Selina.

Ilang sandali pa nga ay nagsimula na silang kumain at kahit gustuhin ni Mark na kausapin si Rain ay mukha walang balak itong magkwento sa kanila, kaya nagsimula na din siyang kumain. Samantala, nakita ni Krystine si Rain na kasama ng mga kaibigan nito, ngunit nagtaka siya matapos mapansing si Rain lang ang hindi kumakain. Muli ay labis siyang nag-alala para kay Rain, kaya naman bumalik ito sa harapan ng cafeteria at bumili ng isang double patty na burger. Matapos noon ay nagtungo na siya kina Rain upang ibigay dito ang binili niya.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng nakalapit si Krystine, ngunit hindi naman siya napansin ng magkakaibigan na nasa tabi na nila ito. Napalingon na lang sila kay Krystine matapos nitong magsalita.

"Rain, sa tingin ko ay nakalimutan mo ang pera mo, kaya hindi ka makabili ng pagkain para sa lunch ngayon. Kaya ito, ibinili kita ng burger." Nakangiting pagkakasambit ni Krystine.

Dahan-dahang lumingon si Rain sa taong kumakausap sa kaniya at biglang natauhan ng makita si Krystine.

"Krystine?" Sambit ni Rain.

"Ito, kunin mo na habang mainit pa." Nakangiting pagkakasambit muli ni Krystine.

Kahit nagtataka ay tinanggap ni Rain ang burger na inabot sa kaniya ni Krystine. Sa mga sandaling ito ay hindi ninya lubusang maintindihan kung bakit siya binigyan ng burger ni Krystine, hanggang sa muling magsalita ito.

"Sige kumain ka na, alam kong kanina ka pa nagugutom." Nakangiting pagkakasambit muli ni Krystine.

Napatango na lang si Rain at ilang sandali pa ay sinimulan na niyang kainin ang burger, ngunit labis na nagtaka ang magkakaibigan at ilang sandali pa ay karamdam sila ng galit matapos makita si Rain habang umiiyak na kumakain. Samantala, nakangiting umalis si Krystine matapos niyang makitang kumakain si Rain.

Matapos makabalik si Krystine sa kaniyang mga kaibigan ay saktong naubos na ni Rain ang burge. At sa pagkakataong ito ay masaya siyang napalingon sa kaniyang mga kaibigan, ngunit labis siyang nagtaka matapos makita ang ekspresyon ng mga ito.

"*Eh? Bakit parang galit kayong lahat sa'kin?" Tanong ni Rain.

*** SFX: BUGS! POINKS! CLANK! TONK! ***

Matapos niyang magsalita ay agad siyang ginulpi ng kaniyang mga kaibigan.

"Ano ba mga problema nyo!?" Galit na pagkakasambit ni Rain.

"Nagugutom ka lang pala, tapos nahihiya kang sabihin sa'min na nakalimutan mo ang pera mo? Ano akala mo sa'min? Mga walang pera? Kuripot? Makasarili? Sana sinabi mo na lang agad na wala kang pera para natapos na agad ang problema mo! Tingnan mo tuloy ang nangyari sa'kin! Nabugbog ako ni Selina, dahil sa pag-aalala sayo." Galit na pagkakasambit ni June.

"Oo nga naman. Tama naman si June sa mga sinabi niya. Sana nanghiram ka na lang sa'min ng pera. Kung tutuusin nga ay pwede ka pa na'ming ilibre eh." Sambit ni Mark.

"Mga lalaki nga naman." Dismayadong pagkakasambit nina Annie at Selina.

"Ano ba ang mga pinagsasasabi nyo? Oo, gutom nga ako, pero wala akong ganang kumain kanina. At may pera akong pambili ng pagkain ko no!" Sambit ni Rain.

Sandaling natahimik ang magkakaibigan at kalaunan ay nagtinginan. Hindi naman nagtagal ay nagsimula na muli silang magsalita.


"So ano ang pino-problema mo?" Tanong ni Annie.

"Ang totoo nyan.." Mahinang pagkakasambit ni Rain.

"Totoong ano?!" Sabay-sabay na pagkakasambit ng apat.

"Na busted kasi ako ni Krystine kanina." Mahinang pagkakasambit ni Rain.

"*Buwahahahaha!" "*Fuwahahahaha!" "*Wahahahahahaa!" "*Giwahahahaha!" Malalakas na pagtawa nina Mark at June.

"Na busted ka? *Wahahaha! Kaya pala wala kang ganang kumain! *Wahahaha!" Sambit ni June.

"*Pttt! *Haha..ha.. Sorry, Rain. Hindi ko mapigilang tumawa! *Fuwahahahaha! Haay.. Haay.. Okay, ano ba sinabi niya matapos mong magtapat?" Sambit ni Mark.

"*Um.. te..te..Thank you daw.. sa like.." Mahinang pagtugon ni Rain.

"*Buwahahahaha!" "*Fuwahahahaha!" "*Wahahahahahaa!" "*Guwahahahaha!" Malalakas na pagtawa muli nina Mark at June.

"Thank you sa like?! *Buwahahahaha! Ano yon, Facebook?! *Buwahahaha! Tama na! *Hahaha! Tama na! Please! *Buwahahaha! Thank you sa like?! *Buwahahahaha! Hindi ko na kaya! Tulungan nyo ako! *Hahaha!" Sambit muli ni June.

*** SFX: TOOOOOOOOOOOINKS! ***

Matapos magsalita ay agad kinutusan ni Selina si June.

"Aray." Sambit muli ni June.

"Ano, nakatulong ba ako?" Tanong ni Selina.

"*Uhm! Salamat." Tugon ni June.

"*Ptttt! Bakit?! Ano ba sinasabi mo? I Like you!? *Ptttt! *Hahaha! Sorry talaga, Rain! *Wahahaha!" Sambit in Mark.

*** SFX: TOOOOOOOOOOOINKS! ***

Matapos magsalita ay agad kinutusan ni Annie si Mark.

"Aray." Sambit ni Mark.

"Ano, gusto mo pa ng isa?" Sambit ni Annie.

"Sorry." Sambit muli ni Mark.

"So tama pala ang hinala ko." Sambit ng isang babae.

Agad palingon ang lahat sa babaeng nagsalita. Agad naman nila itong nakilala dahil kaklase nila ito.

"Khaye?" Sambit nina Mark, June at Annie.

"Hello? *Hehe! Pasensya na kung nakinig ako sa mga pinag-uusapan nyo. Gusto ko lang kasi makumpirma ang hinala ko, na ngayon ay nakumpirma ko na." Nakangiting pagkakasambit ni Khaye.

"Ano ang nakumpirma mo, Khaye? Ang pagtatapat ni Rain kay Krystine?" Tanong ni Annie.

"Yup." Tugon ni Khaye.

Agad nalungkot si Rain dahil muli niyang naalala ang masakit na nangyari sa kaniya kanina. Napansin naman ito ni Khaye, kaya muli na itong nagsalita.

"Rain makinig ka. Immature pa si Krystine, kaya hindi niya alam kung paano mag re-response sa pagtatapat na ginawa mo kanina. Hindi lang ikaw ang unang tao na nakaranas ng ganito. Marami na kayong nagtapat sa kaniya, pero lahat iyon ay pinasalamatan lang ni Krystine. Dahil iyon ang turo ng kaniyang ina sa kaniya. i-e-explain ko kung bakit. Ayaw kasi ng mga magulang ni Krystine na hindi isang elf ang makatuluyan ng kanilang anak, kaya hanggang sa ngayon ay wala pa rin kamuwang-muwang pagdating sa pag-ibig itong si Krystine. Kaya unawain mo na lang sana siya. At isa pa, magandang senyales ang ginawang kabutihan sayo ni Krystine. It means na gusto ka niya, pero hindi romantically, kundi bilang isang kaibigan." Sambit muli ni Khaye.

Matapos marinig ay biglang nabuhayan ng loob si Rain at dahil na rin dito ay muli siyang nagkaroon ng pag-asa. Dala ng labis na kasiyahan ay napatalon si Rain sa kaniyang kinauupuan at kasunod nito ay mabilis siyang lumapit kay Khaye. Nang tuluyang makalapit ay agad niyang hinawakan ni Rain ang mga kamay ni Khaye at umiiyak itong nagpasalamat dito.

"Khaye, isa kang fairy para sa'kin! Maraming salamat sa pagsasabi sa'kin nito! Pangako, hindi ako susuko para sa puso ni Krystine! Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko para sa kaniya!" Sambit ni Rain.

"*Umm.. Ano, hindi ako fairy, isa akong Nymph. *Hehe." Sambit ni Khaye.

*** SFX: TOOOOOOOOOOOOOOOINKS! ***

"Ah..ray!" Sambit ni Rain.

Agad napahawak sa kaniyang ulo si Rain, dahil malakas siyang pinukol ni Selina nang baso. Ilang sandali pa ay galit siyang napalingon sa mga ito, ngunit nagsisimulang maglakad ang mga ito papalabas ng cafeteria.

"Oy! Saan kayo pupunta?" Tanong ni Rain.

"Wala ka ng paki alam at wala na rin kaming paki sayo!" Inis na pagtugon ni Annie.

Samantala, hindi na nagsalita pa si Selina at dere-deretso lang itong naglakad.

"*Um.. Rain.." Sambit ni Khaye.

"Ano yon, Khaye?" Tugon ni Rain.

"Pwede mo na bang bitawan ang mga kamay ko?" Sambit muli ni Khaye.

Agad namang binitiwan ni Rain ang mga kamay ni Khaye matapos magsalita ito.

"Sorry! Masyado akong nadala sa mga sinabi mo." Sambit muli ni Rain.

"Wala un.. Basta, do your best lang. Lalo na ngayon na kaibigan na ang turing sayo ni Krystine." Sambit mui ni Khaye.

"*Uhm! Maraming salamat talaga." Sambit muli ni Rain.

"Okay, sige aalis na ako ah. Good luck sayo!" Sambit muli ni Khaye.

Matapos magsalita ay tuluyan ng umalis si Khaye. Samantala, sina Mark at June ay tahimik lang na nakinig sa mga nangyaring pag-uusap habang sila ay kumakain.

"Paano tara na? Balik na tayo sa classroom." Sambit ni Mark.

"Okay!" Tugon ni Rain.

Matapos nilang kumain at mag-usap-usap ay bumalik na sila sa kanilang classroom. Sa pagpasok nilang tatlo ay agad nakita ni Rain si Krystine. Ganon din si Krystine, kaya agad niyang kinawayan si Rain. Napangiti naman si Rain at kinawayan din si Krystine.

*** SFX: PSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS PLOOOOOK! ***

Isang hindi matukoy na bagay ang mabilis na tumama sa mukha ni Rain, dahilan upang matumba ito. Mabilis namang bumangon si Rain at galit na galit ito habang hinahanap ang gumawa nito sa kaniya.

"June, Mark, nakita nyo ba ang pumukol sa'kin?" Tanong ni Rain.

Hindi na nagsalita ang dalawa at itinuro na lang nila ang pumukol. Dahan-dahan pang nilingon ni Rain ang lugar kung saan nakaturo ang dalawa at laking gulat niya sa nakita.

"SELINA?!" Sigaw ni Rain.

Sa pagsigaw ni Rain ay nabaling niya ang lahat ng atensyon ng kaniyang mga kaklase, maliban kay Selina, Annie, Chris, Sai, Aris at Roby.

"Rain?" Nagtatakang pagkakasambit ni Krystine.

Nahiya naman si Rain sa kaniyang ginawa, kaya nagsimula na itong maglakad patungo sa kaniyang upuan. Ganon din ang dalawa.Nang makarating sa kaniyang upuan ay hindi na lang nagpansinan sina Rain at Selina.

Hanggang matapos ang lunch break ay hindi nagpansinan ang dalawa. At ilang sandali pa nga ay dumating na ang kanilang guro sa Special myth, si Driego.

"Okay, class. Lahat ng sasabihin kong mga pangngalan ay ang mga hindi nakapasa bilang "Average-class" sa nangyaring combat practice kahapon." Sambit ni Driego.

(Note: Dahil silang lahat ay first year pa lang, "Average-class" lang ang ibibigay na rank sa mga mythical shaman na pumasa sa combat practice. Kaya kahit "Mid-class" o "High-class" ang kasalukuyang level ng isang mythical shaman, ngunit kung first year naman ito ay average-class pa rin ang magiging legal na lebel nito. Ngunit magandang advantage ito para sa mga mid-class o high-class para maitago ang kanilang mga lakas sa ibang istudyanteng nakakatataas sa kanila. xD)

Agad nagbulungan ang magkakatabing magkaklase matapos marinig ang sinabi ng kanilang guro.

"Okay, Ang apat na Eyesdrop lang ang hindi pumasa. Kaya mananatili sila sa level na "Low-class". Ang totoo nyan ay napahanga ako ng iba sa inyo. Katulad nina; Aron, Chris, Alex, Selina, Sai, Aris, at si Rain na nagpag-alaman na'tin na isa din palang mythical shaman na. Ang mga pumasang pangngalan na nabanggit ko ay masasabi kong nasa antas na ng mid-class ang level. Kaya pagbutihan nyo pa ang inyong pag-aaral para mas lalo kayong lumakas at sikapin nyong makasali sa gaganapin "Duel-event" ngayon taon." Sambit muli ni Driego.

Muli ay nag-usap-usap ang mga magkakatabing magkaklase, dahil nalaman nilang sila ay pumasa sa naganap na combat practice. Samantala, naging malungkot naman ang apat na Eyesdrap sa naging resulta ng combat practice para sa kanila.

Matapos i-anunsyo ni Driego ang mga pumasa at bumagsak ay nagsimula na nga itong magturo ng kaniyang mga leksyon.

Halos ilang oras ang lumipas at sa ngayon ay patapos na ang klase, ngunit hindi pa rin nagpapansinan sina Selina at Rain. Nang matapos na ang klase ay nagmadaling lumabas ng classroom si Rain. Hindi na siya napigilan pa ni Mark, kaya silang apat nalang na magkakaibigan ang sabay-sabay na lumabas ng classroom.

"Tsk! Ano ba ang problema ng Selina na yon? Hindi ko talaga siya maintindihan minsan" Inis na pagkakasambit ni Rain.

Nang malabas si Rain nang campus ay may pamilyar na mukha siyang nakita. Sandali siyang huminto at kalaunan ay kinausap niya ito.

"Ikaw si Sai Kerberos di ba?" Tanong ni Rain.

"Tama ako nga si Sai Kerberos. At mabuti naman at nakita kita, ikaw talaga ang hinihintay ko dito." Galit na pagtugon ni Sai.

*** Sai Kerberos. 16 years old at isa siya sa mga iniiwasan sa loob ng paaralan, dahil na rin sa kaniyang kakaibang personalidad. Hilig niya ang makipaglaban sa mga malalakas at dahil dito ay mahina siya sa klase. Kadalasang tahimik lang ang kasami sa pamilya ng Kerberos, kaya isang misteryo pa rin ang kanilang pagkatao.

Medyo matipuno ang pangangatawan ni Sai, nasa 5'5" ang kaniyang taas, medyo maputi ang kulay ng kaniyang balat at itim na medyo may kahabaan ang kaniyang buhok. ***

Labis na nagtaka si Rain kung bakit siya hinihintay ni Sai, ngunit masama ang kutob niya para dito.

"At bakit mo naman ako hinihitay?" Tanong muli ni Rain.

"Gusto kasi kitang hamunin para sa isang shaman Fight *Huhuhu!." Malungkot na pagtugon ni Sai.

Napahinto si Rain at napaatras ng konti sa mga sinabi ni Sai sa kaniya. At ilang sandali pa nga ay dahan-dahan na siyang nagsalita.

"Sha..sha..shaman Fight? Teka, ano yun?" Sambit ni Rain.

*** Note: Ang Shaman Fight ay isang legal na duel sa pagitan ng mga mythical shaman. Ang sinumang maglalaban sa ilalim ng shaman fight ay pipili ng lugar kung saan wala silang masisirang istablisyemento at mga pribadong pagmamay-ari ng iba. Nakasaad kasi sa batas ng travincial na bawal makipaglaban ang mga mythical shaman ng hindi dumadaan sa pag-uusap na ito.

At sa ilalim din ng kasunduang ito ay hindi mapaparusan ang mythical shaman, kung mapaslang niya ang kaniyang mga katunggali. Ngunit ang sinumang mapatunayan lumabag sa batas ay agad patatawaran ng kaukulang parusa. Ang parusa ay dipende sa laki na nagawang pinsala nila sa lugar. ***

Hindi maunawaan ni Rain ang bagay na sinabi ni Sai sa kaniya, dahil na ituro na ito sa special myth bago pa man siya nakapag-enroll dito. Hindi pa rin niya binasabasa ang mga notes na ipinahiram ni Mark sa kaniya, kaya hindi niya ito alam.

"Isang duwelo sa pagitan ng mga mythical shaman! Tinatanggap mo ba o naduduwag ka na?" Galit na pagkakasambit ni Sai.

"Ako? Naduduwag? Wag mo nga akong patawanin! Sige, tinatanggap ko ang hamon mo!" Tugon ni Rain.

"Wow! Isang shaman fight!" "Ayos! Laban!" "Wooooo may duel, may duel!" "Maganda to! Mamaya na nga makauwi." "Oy, Oy! May magaganap na shaman fight! Manood muna tayo bago umuwi!"

Hindi sinasadyang marinig ng mga naglalakad na estudante ang naganap na pag-uusap sa pagitan nina Rain at Sai, kaya agad na silang napahinto at nagtawag pa ng iba. Ilang sandali pa ay agad nilang dinala ang dalawa sa gitna ng field upang dito nila isagawa ang magaganap na shaman fight.

Samantala, habang naglalakad ang magkakaibigang Mark, Annie, June at Selina papalabas ng kanilang classroom ay mabilis silang hinabol ni Aron upang kausapin.

"Whoi! Asan na si Rain? Akala ko ba sasama siya pauwi sa akin para makausap ang aking ama?" Sambit ni Aron.

"Oo nga pala ano. Nauna na siyang lumabas eh. Ang mabuti pa ay bukas mo na lang siya isama. Tutal mukhang wala siya sa mood ngayon." Tugon ni Mark.

"*Hmm.. Okay sige, sasabihin ko na din sa aking ama ang tungkol kay Rain sa pag-uwi ko." Sambit muli ni Aron.

"Kung ganon, sabay-sabay na tayong lumabas ng campus." Sambit ni June.

"Okay sige." Tugon ni Aron.

Ilang sandali pa ay sabay-sabay na silang naglakad, ngunit sa paglabas nila ng campus ay laking pagtataka nila matapos makita ang kumpulan ng mga tao.

"Ano kaya ang meron don at ang daming tao?" Tanong ni June.

"Baka may shaman fight na namang nagaganap." Sambit ni Mark.

"Shaman fight? Tara manood muna tayo bago umuwi!" Sambit muli ni June.

"Okay, pero anong year naman kaya ang nagdu-duel ngayon?" Sambit muli ni Mark.

Wala ng nagawa pa sina Annie at Selina, kaya sumunod na sila sa dalawa. Hindi naman nagtagal ay narating na nila ang kumpulan ng mga tao at dahil sa kagustuhan ni June na makita ang nagaganap na pangyayari ay agad itong sumingit at kalaunan ay gumawa ng puwang upang makadaan din ang kaniyang mga kaibigan. Ngunit ilang sandali pa ay laking gulat nila matapos makita ang kasalukuyang kaguluhan.

"Si Rain at si Sai?! Teka, ano ba talaga ang nangyayari dito?" Sambit ni Mark.

"Rain." Sambit ni Selina.

"*Tsk! Ano naman ang pinasok ng bugok na Rain na yon?!" Sambit ni Annie.

"Pero tingnan nyo, ang dami ng sugat ni Rain! Mukhang dehado siya sa laban." Sambit ni June.

"Rain! Ipakita mo ang lakas ng isang Dragon sa kanila!" Sigaw ni Aron.

Samantala, kanina habang nag-uusap-usap ang magkakaibigan ay kasalukuyan ng nakikipaglaban si Rain kay Sai. Ang totoo nito ay nahihirap ngayon si Rain na pigilan ang ginagawang pag-atake ni Sai sa kaniya, dahil paiba-iba ito ng elementong ginagamit. At malaki na din ang kalamangan ni Sai, dahil bihasa na ito sa pakikipaglaban. Hindi rin nagawang mapanood ni Rain ang naging paglalaban nito at ni Aris sa combat practice nila nung nakaraang araw.

Sa ngayon ay kasalukuyang hinahabol ni Rain ang kaniyang hininga. Marami na rin siyang natamong mga pinsala sa katawan.

"*Tsk! Totoo nga ang sinabi nina Mark! Malakas nga ang isang 'to!" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay agad napalingon si Rain sa mga manood, dahil may narinig siyang pamilyar na boses na tumawag sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay nakita niya ang kaniyang mga kaibigan. Samantala, ginamit naman ni Sai ang pagkakataong ito at mabilis siyang sumugod at kalaunan ay umatake.

"Ano ang tinitingin-tingin mo dyan? *Huhuhu! ** FROST BITE! **" Umiiyak na pagkakasambit ni Sai.

"Sh*t!" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Imposible na para kay Rain na umiwas pa, kaya gamit ang kaniyang kanang braso ay nasangga niya ang pag-atakeng dapat sa leeg niya tatama. Kasabay ng kaniyang pagsalag ay malakas niyang sinipa si Sai, ngunit mabilis itong tumalon paatras kaya hindi niya ito tinamaan.

Ilang sandali pa ay agad napahawak si Rain sa kaniyang kanang braso, dahil unti-unti na itong nagye-yelo. Sa ngayon ay hindi niya alam ang kaniyang gagawin, dahil tulad ni Sai ay wala siyang dala o gamit na sandata.

Habang tumatagal ay mas lalong lumalawak ang yelo sa kanang braso ni Rain, kaya naman agad na siyang nag-isip upang maalis na ito.

"Hindi ako makakapag-enchant dahil wala akong gamit na sandata. Mukhang susubukan ko na lang ang skill na ginawa ni Aron sa combat practice." Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay bahagyang inangat ni Rain ang kaniyang kanang braso at matapos nito ay ang kaniyang pagsasalita.

"** ENCHANT! BURNING CLAW! **" Sigaw ni Rain.

Matapos magsalita ay biglang nabalutan ng matingkad na apoy ang kaniyang kanang braso. At salamat dito dahil tinunaw nito ang yelong bumabalot sa buo niyang braso at kalaunan ay nahulma na parang isang malaking kamay na may mahahabang mga kuko.

"Magaling! Pero sana naman ay ipakita mo na ang tunay mong kapangyarihan, Rain Esfalls." Masayang pagkakasambit ni Sai.

"*Tsk!" Sambit ni Rain.

Sa pagkakataong ito ay sandaling napahinto si Rain, ngunit ilang sandali pa ay mabilis na itong sumugod.

"*Tsk! Nakakainsulto ka, Rain Esfalls. ** MASSIVE LIGHTNING BOLT! ** " Galit na pagkakasambit ni Sai.

Matapos magsalita ay may maliit na bola ng liwanag ang lumabas sa kanang kamay ni Sai at kalaunan ay mabilis na ipinukol patungo sa pasugod na si Rain.

Samantala, napansin naman ni Rain ang ginawang pag-atake ni Sai. Ngunit labis siyang nakaramdam ng galit, dahil pakiramdam niya ay ini-insulto siya nito. Mukha kasing hindi malakas na pag-atake ang pinakawalan ni Sai, kaya hindi na niya ito pinansin pa. Hindi na niya niya ito inilagan at mabilis na lang na dinaanan habang mabilis siyang pasugod. Subalit ang hindi niya alam ay isang malaking pagkakamali ang kaniyang ginawa, dahil matapos dumikit sa kaniyang katawan ang pag-atake ni Sai ay bigla na lang siyang tinamaan ng kidlat.

*** SFX: ZUUUUUUUUUUUUM.. BOOOOOOOOOOOOM! ***

Labis na nagulat ang lahat, lalo na ang mga kaibigan ni Rain dahil agad siyang bumulagta sa lapag. Sa mga sandaling ito ay natapos na ang nagaganap na shaman fight at ang nagwagi ay walang iba kundi si Sai.

Ilang sandali pa ay mabilis ng nagtakbuhan ang magkakaibigan patungo kay Rain, ngunit may nauna sa kanila at ito ay si Krystine. Walang pag-aaksaya ay mabilis nitong ginamot ang mga natamong pinsala ni Rain. Mabilis na nakalapit ang magkakaibigan at nakahinga sila ng maluwag matapos malamang buhay pa si Rain.

Lumipas ang ilang minuto ay isa-isa ng nag-aalisan ang mga tao hanggang sa sila na lang ang matira. Sa mga sandali ding ito ay unti-unti ng nagkakamalay si Rain habang patuloy siyang ginagamot ni Krystine gamit ang kapangyarihan nito bilang isang elf.

"Rain! Okay ka lang ba?! Naririnig mo ba ako?!" Sambit ni Selina.

"Oy Rain! Gumising ka!" Sambit ni Mark.

"Anong nangyari? Nasaan ako?" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nagmalay at sa pagkakataong ito ay agad niyang naramdaman ang sakit ng kaniyang katawan.

"Wag ka munang gumalaw, malubha ang pinsalang tinamo ng katawan mo." Sambit ni Krystine.

Agad napatingin si Rain kay Krystine at kasunod nito ay napansin na niya ang kaniyang mga kaibigan.

"Krystine? Selina? Annie? Mark? June? Aron? Ano ang nangyari?" Sambit ni Rain.

"Nasisiraan ka na yata ng ulo! Bakit mo tinanggap ang hamon ni Sai?! Di ba sabi ko sayo iwasan mo yung nilalang na yon?!" Sambit ni Mark.

Sa mga sandaling ito ay lubusan ng naalala ni Rain ang mga nangyari. Naalala din niya ang huling pag-atakeng tumama sa kaniya, kaya agad siyang napalunok.

"Natalo ako." Mahinang pagkakasambit ni Rain.

"Wag mong intindihin kung natalo ka o hindi, pasalamat ka nga at hindi ka napatay ni Sai eh.. Alam mo bang "Master-class" na ang talagang level class ni Sai?" Sambit muli ni Mark.

"Master-class!?" Gulat na pagkakasambit ni Rain.

"Kanina lumapit dito si Sai upang alamin ang kalagayan mo at sinabi niyang na dismaya siya dahil hindi mo daw inilabas ang tunay mong lakas. May sinabi pa siya sa dulo, kaso hindi ko na narinig masyado. Nicks? Yun ata ang sinabi niya sa dulo, ewan ko ba kung ano ang ibig sabihin nun." Sambit ni June.

Matapos marinig ang mga sinabi ng kaniyang mga kaibigan ay dahan-dahan nang tumayo si Rain. Inalalayan naman siya ng kaniyang mga kaibigan.

"Aron, sasama ako sayo. Ipakilala mo ako sa inyong clan leader." Sambit ni Rain.

"Bukas ka na lang pumunta kina Aron at magpunta na tayo ngayon sa ospital para mapatingin ang kalagayan mo!" Sambit ni Annie.

"Wag kayong mag-alala, kaya ko na ang katawan ko. Salamat kay Krystine at okay na ako." Sambit muli ni Rain.

Batid na nina Selina na hindi na nila mababago ang isipan ni Rain, kaya sinunod na lang nila ang kagustuhan nito.


Chapter end.


Afterwords.

Pagpasensyahan nyo na  po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to.. 

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Napagpasyahan ko nga po palang mag lagay ng extra chapters kada, 5 chapters na na-update.. Kaya po asahan nyo na may Extra chapters after po nito.. kasalukuyang nakalimutan ko kasi ang usb ko sa bahay, wala po kasi akong internet :( Expect po sa more info sa bawat extra chapters.. :) Aun.. 

At kung gusto nyo pong malungkot, mapaisip, at ma-in love.. try nyo din pong basahin yung short story ko.. title po ay

"Paglalakbay para sa ikatlong bagay". - Completed

Aun po thanks po ulit..


Susunod.

Chapter 13: Dragon Clan leader - Drake Draken.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top