Chapter 11: Rain Esfalls - Ang Mythical shaman ng Elemental fire Dragon?!
Kinabukasan, halos inaantok pa ng lumabas ng kanilang bahay si Rain, dahil na puyat ito sa pagbabasa ng notebook na binigay sa kaniya ng kaniyang ate. Sa ngayon ay may kalayuan na ang kaniyang nalalakad, ngunit ilang sandali pa ay may mga pamilyar na mukha ang biglang nagpakita sa kaniya.
"Ikaw pala ang sinasabi ng aming panginoon na nanakit sa aming taga pagmana. Ngayon pagbabayaran mo ang ginawa mo. *Fufufu." Sambit ng lalaki.
"Teka, naalala ko ang mga pagmumukha nyo ah! Kayo yung mga satyr na humahabol kay Selina!" Sambit ni Rain.
"Teka, papaano mong nalaman na hinabol na'min si Selina, ang siren?" Sambit muli ng lalaki.
"Nabura na nga pala ni Selina ang mga alaala nila tungkol sa'kin.. *Hahaha!" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.
"*Tsk! Bakit ka tumatawa? Sagutin mo ang tanong ko, bakit mo alam na hinahabol na'min ang siren na si Selina!?" Sambit muli ng lalaki.
"Hindi na yon mahalaga. Siguro mga tauhan kayo ng tatay ni Riki? Hindi na nakakapagtaka.. Haaay, sakto at masusubukan ko ang ilang skills na natutunan ko kagabi. *Hehehe." Sambit muli ni Rain.
"Ikaw!! Sige, tingnan na'tin kung saan ang itatagal mo. Sugod mga kasama!" Sambit muli ng lalaki.
Matapos magsalita ang lalaking madaldal ay agad ng nagsuguran patungo kay Rain ang mga kasamahan nito. Samantala, si Rain naman ay biglang lumuhod at agad inilapat ang kanang kamay sa daan.
"** SCORCHED EARTH! **" Sambit ni Rain matapos nitong mahawakan ang simentong daan.
Matapos magsalita ay biglang nag-apoy ang tinatapakan nila. ikinagulat ito ng mga lalaki na, kaya napahito ang mga ito at kalaunan ay napaatras.
Hindi naman kalawakan ang lugar na nag-apoy gawa ng pinakawalang kapangyarihan ni Rain, ngunit sapat na ito para sa susunod niyang pag-atake.
"Bakit kayo nag si-atras? Sige, sugurin nyo na siya." Sambit muli ng lalaki.
Matapos magsalita ay muling sumugod ang kaniyang mga kasamahan, subalit habang kasalukuyang sumusugod ang mga ito ay hindi nila napapansin na unti-unti na palang nasusunog ang ilang parte sa kanilang mga damit. Samantala, dahan-dahang tumayo si Rain at nang tuluyang makatayo ay dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang kanang kamay. Sabay,
*** SFX: SNAP! ***
"** IGNITE! *" Sambit ni Rain.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Matapos i-snap ni Rain ang kaniyang daliri ay isang malakas na pagsabog ang naganap sa bawat lalaking pasugod sa kaniya. At kasama na dito ang lalaking madaldal na parang boss kung maka-utos, tapos mahina na naman pala.
*** Note: Ang "Scorched earth" ay isang paraan, kung saan magagawa ng caster na pagliyabin ang isang area, mapalupa man ito o sementado. Isa itong mataas na uri ng "Fire technique" na bibihira lang ang may alam.
At ang "Ignite" ay isa ding paraan, kung saan nagagawang pasabugin ang anumang bagay na nagliliyab. At isa din itong mataas na uri ng fire technique na bibihira lang din ang may alam. ***
Matapos makita ni Rain na nagbuwalan na ang mga kalaban niya ay nagsimula na itong maglakad, dahil inaalala niya na baka mahuli siya sa kaniyang klase.
"Te..te..teka lang.. Anong klaseng pag-atake ang ginawa mo?" Sambit ng lalaking parang boss kung makapag-utos, pero mahina naman pala.
"Wag na wag kasi kayong makikipaglaban sa isang mythical shaman ng elemental fire dragon.
At sa susunod na magkaharap tayo, sisiguraduhin ko ng magiging mga abo na kayo." Sambit ni Rain.
Matapos magsalita ni Rain ay tuluyan ng nawalan nang malay ang lalaking madaldal na parang boss kung maka-utos, tapos mahina na naman pala. Napa-buntong hininga na lang si Rain at ilang sandali pa ay nagsimula na siyang tumakbo, dahil mahu-huli na siya sa kaniyang klase.
Sakto nang marating si Rain ay narinig na niya ang sinyales na malapit ng magsimula ang mga klase, kaya mas binilisan pa niya ang kaniyang pagtakbo upang hindi mahuli sa kanilang klase. Sa awa naman ng dyos ay hindi siya na huli sa klase at nakarating ito sa kanilang classroom na hinihingal.
Sa pagpasok niya nang kanilang classroom ay agad na siyang naglakad patungo sa kaniyang upuan, ngunit lahat ng kaniyang mga kaklase, kasama ang kanilang guro na si Unice ay natahimik at napatingin sa kaniya. Labis naman niya itong ipinataka, kaya agad siyang huminto at kalaunan ay nagtanong sa kanilang guro.
"Teka, ano po ba ang nangyayari? Na-late na po ba ako sa klase?" Tanong ni Rain.
"*Umm.. Hindi pa naman, sa totoo lang ay ngayon pa lang ako mag-a-attendance. *Ahh! Sige maupo ka na sa iyong upuan." Tugon ni Unice.
"Yes! Ang akala ko ay late na ako.. *Hahaha." Sambit muli ni Rain.
Muli ay ipinagpatuloy ni Rain ang kaniyang paglalakad patungo sa kaniyang upuan, ngunit sa pagkakataong ito ay napansin niya na nagbubulungan na ang karamihan sa kaniyang mga kaklase habang nakatingin ang mga ito sa kaniya. Nang makaupo sa kaniyang upuan ay agad na niyang tinanong si Selina kung may alam ba ito sa kung ano ang mga pinag-uusapan ng kanilang mga kaklase.
"Ano ba mga pinag-uusapan ng mga kaklase na'tin? Bakit parang ako yata ang pinag-uusapan nila?" Tanong ni Rain.
"Pinagpupustahan nila kung anong mythical shaman ka. Kaya sabihin mo nga sa'kin ang totoo, anong klaseng mythical shaman ka nga ba?" Sambit ni Selina.
"*Hmm.. Mukhang tama yung hinala ko na baka isa akong mythical shaman ng dragon." Tugon ni Rain.
"Ano? Bakit hinala mo lang? Teka, kung ganon hindi mo pa alam? Hindi ba sinabi sayo nang ate mo kung anong klaseng mythical shaman ka?" Sambit muli ni Selina.
"Ang totoo nyan ay walang alam si ate tungkol sa pagiging isang mythical shaman ko. Nagulat pa nga siya nung sabihin ko sa kaniya na isa akong mythical shaman eh. At doon niya na nga sinabi sa'kin na hindi talaga kami magkamag-anak at kinupkop lang ako nang mga naging magulang na'min." Sambit muli ni Rain.
"*Hmm.. Nasisiguro kong may mali sa mga kwento mo. *Glare!" Sambit muli ni Selina.
Napalunok na lang si Rain matapos magsalita ni Selina, dahil hanggang sa ngayon ay tinititigan siya nito ng masama.
*** SFX: *Clap! *Clap! *Clap! ***
"Okay class, tama na yang pagku-kwentuhan nyo at magsisimula na akong mag-attendance." Sambit ni Unice.
Agad nakahinga ng maluwag si Rain at salamat ito sa kanilang guro, dahil iniligtas siya nito sa mga kamay ni Selina.
"Aron Draken." Sambit ni Unice.
"Present!" Tugon ni Aron.
"David Hegantes." Sambit muli ni Unice.
"Nandito po!" Tugon ni David.
Bla bla bla bla! Hanggang matapos mag-attendance si Ms. Unice xD
Nang matapos ng mag-attendance si Ms. Unice ay agad na nitong sinimulan ang kaniyang klase. Samantala, sa loob ng ospital, sa isang silid na hindi kalayuan sa kung nasaan nagpapahinga at nagpapagaling si Riki.
"Teka, ano ang nangyari? Bakit kayo na ospital? Sino ang may-gawa nito sa inyo?" Tanong ni Styl.
"Pasensya na po boss, masyadong malakas ang mythical shaman na nakalaban ng anak nyo. Isang pag-atake lang ang ginawa niya at lahat kami ay biglang nawalan na ng malay at nagtamo ng mga pinsala." Tugon ng lalaking madaldal na parang boss kung maka-utos, tapos mahina na naman pala.
"Rain Esfalls! Tatandaan ko ang pangngalan mo at hinding-hindi ko makakalimutan hanggang sa mapatay kita gamit ang sarili kong mga kamay." Sambit muli ni Styl.
Mabalik tayo sa paraalan kung saan malapit ng matapos ang ikalawang klase nina Rain, ang Math.
"Okay class, iuwi nyo na lang ang mga activity na'tin ngayon at idagdag nyo itong isusulat ko sa blackboard bilang inyong assignment." Sambit ni Augost Skyland.
"Okay sir!" Tugon ng lahat.
*** Augost Skyland. Hindi tukoy ang kaniyang edad, ngunit tinatayang may isang daang taon na rin itong nabubuhay. Isa siyang mythical shaman ng Harpie at kabilang sa "Winged clan". Noon pa man ay hilig na niya ang pagtuturo, kaya matapos niyang mag retiro sa mga misyon ay itunoon na lang niya sa pagtuturo ang kaniyang nalalabing panahon.
Wala na sa tamang sukat ang pangangatawan ni Augost, nasa 5'4" ang kaniyang taas, medyo maputi ang kulay ng kaniyang balat at kulay puti ang mahaba niyang buhok. ***
*** Note: Ang Harpie ay class-B na mythological creature, ang itsura nito ay kalahating ibon at kalahating tao. Matatalim ang kanilang mga kuko at mabibilis silang lumipad. At ayon sa alamat, ang mga harpie ay may kakayahan na magpaamo ng mga dragons, ngunit ang bagay na ito ay hindi pa napapatunayan hanggang sa ngayon. ***
Matapos mai-sulat ni Augost ang kaniyang iniwang takdang aralin sa blackboard ay agad na itong nagsalita.
"Hindi nga pala makakarating ang teacher nyo sa History at sa Science, dahil may mga mission sila sa ngayon." Sambit ni Augost.
"Woooooooooo!" "Yesssssss! Ang haba ng lunch break na'ten!" "Wooooooooooo!" "Ayoooooooooos!!" "Tara maglaro muna tayo!!" Wooooooooo!"
Kani-kaniyang hiyawan ang mga magka-kaklase at syempre puro lalaki ang mga ito.
"Teka, mission? Bakit ang mga teacher pa na'tin ang binigyan ng mission na yon?" Tanong ni Rain.
"Hindi ko alam kung anong mission ang gagawin nina Mrs. Eve at Sir. Niel. Pero mukhang mapanganib ito, dahil isang high-class na vampire at werewolf ang ipinadala nila." Tugon ni Selina.
(Note: Si Eve Nightmiere ay isang vampire na kamag-anak ni Alex (Teacher nila sa Science). Samantala, si Niel Vielzkud ay isa namang werewolf at kamag-anak naman ni Aris (Teacher nila sa History).)
"Okay class, tapos na ang klase ko, kaya wag kayong masyadong mag-ingay upang hindi magambala ang katabi nyong klase. Maliwanag ba?" Sambit muli ni Augost.
"Okay po sir!" Tugon ng lahat.
Matapos marinig ni Augost ang pagtugon ng kaniyang mga istudyante ay umalis na ito at nagtungo na sa susunod niyang tuturuang section.
Agad nagkaniya-kaniya ang bawat istudyante ng class fire-1 ng maka-alis ang kanilang guro, ngunit laking gulat ni Rain matapos maglapitan ang halos lahat ng kaniyang mga kaklase at kalaunan ay inulan na siya nang tanong ng nito.
"Rain!! Ang lupet ng ipinakita mong laban kahapon sa special myth! Ipinaliwanag na din sa'min ni Unice, bago ka pa man makarating kanina. Alam na na'ming hindi mo talaga alam ang pagiging isa mong mythical shaman! Pero ang lupet mo talaga! Lalo na yung skill naginawa mo kahapon!" Sambit ni Mhumak.
"Oo nga! Ambilis nung ginawang mong pag-atake kay Riki! Halos hindi ko na nga nakita ang nangyari eh! Paano mo nagawa ang skill na yon?!" Sambit ni Magu.
"Pero mas nagulat ako dun sa pag enchant mo sa katana! Sobrang cool non, grabe!" Sambit ni Wolkan.
"*Ah.. Tungkol sa bagay na yan.. Hindi ko rin alam kung papaano ko na gawa ang mga yon eh.. Para kasing sinaniban lang ako nung mga oras na yon! *He..he..hehe.." Medyo awkward na pagkakasambit ni Rain.
"Mukha yatang palakaibigan kayo ngayon, mga cobolds?" Medyo inis na pagkakasambit ni Selina.
"Pero maiba ako Rain, anong klaseng mythical shaman ka ba?" Tanong ni David.
"Ang totoo nyan ay hindi ko pa tiyak kung anong klase mythical shaman ako. Wala kasing alam si ate tungkol sa pagkatao ko eh. At ang sabi pa niya ay napulot lang daw ako ng mga magulang na kinikilala ko, kaya nagulat din siya nang sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa pagiging isang mythical shaman ko." Tugon ni Rain.
Agad napalunok si Rain matapos niyang magsalita, dahil lahat ng nakapalibot sa kaniya ay tinititigan siya ng masama. Hindi kasi kumbinsido ang mga ito sa mga sinabi niya.
"*Hmm.. Marunong kang gumamit ng fire element. Kokonti lang naman ang mga mythical creature na gumagamit ng apoy. Baka isa ka sa mga yon, tulad ng dragon." Sambit muli ni
David.
"Posible ngang isa ka ding dragon na tulad ko. Pero ang apoy na nagagawa mo ay mas matingkad kaysa sa apoy na nagagawa ko. Pero hindi ibig sabihin non ay mas malakas ka sa akin ah!" Sambit ni Aron.
"Sigurado ka ba talagang walang alam ang ate mo tungkol sa buo mong pagkatao? Nakakasiguro kasi akong isang mythical shaman din ang ate mo eh." Sambit ni Selina.
Medyo nabigla si Rain sa kaniyang mga narinig, kaya natataranta itong napatugon kay Selina.
"*Ahhh.. Wala..wala..talagang alam si ate.. sinabi ko na yon sayo kanina diba? *He..hehe.." Sambit ni Rain.
Lalo lang nagduda si Selina sa mga ikinikilos ni Rain. Batid kasi niya na hindi ito nagsasabi sa kanila ng totoo.
*** Flashback! ***
Kaninang umaga, habang kumakain sina Rain nang almusal.
"Ate, papaano ko ipapaliwanag sa mga kaklase ko ang pagkatao ko?" Tanong ni Rain.
"*Ahh! Oo nga no! Mabuti naman at napaalala mo ang tungkol dyan. Okay.. *Hmm.. Sabihin mo sa kanila na wala talaga akong alam at sabihin mong napulot ka lang ng mga magulang ko at pinalaki ka na'min. At wag mong kakalimutang sabihin sa kanila na mga tao ang mga kumupkop sayo. In-short sabihin mo ding tao ako at hindi isang mythical shaman. At tutal ang akala mo ay dragon ka, mabuting ito na lang ang sabihin mo sa mga kaklase mo." Tugon ni Rachelle.
"Okay! Okay! Ganun na lang ang sasabihin ko." Sambit muli ni Rain.
"At kapag sa tingin mo ay may gumagamit sayo nang "hypnosis" skill ay mas mabuting magpanggap kang tinablan nito, para hindi nila paghinalaang malakas kang mythical shaman." Sambit muli ni Rachelle.
"Hypnosis? *Ahh! Parang pagkanta ng mga siren?" Sambit muli ni Rain.
"Oo, ganon na nga. At kapag ginamit sayo ang skill nila ay palabasin mo na tinablan ka nito at kapag itinanong nito sayo ang totoo tungkol sa pagkatao mo, ulitin mo lang ang sinabi ko kanina. Nakuha mo ba?" Sambit muli ni Rachelle.
"Okay ate, na-gets ko yun! Para makompirma ng mga nagdududa sa mga kwento ko ang sinasabi mo, tama ba?" Sambit muli ni Rain.
"Okay good! Mabuti naman at nauunawaan mo. Sige na at bilisan mo na ang pagkain! Baka ma-late ka pa nyan sa klase mo!" Sambit muli ni Rachelle.
"Ay oo nga!" Sambit muli ni Rain.
Matapos mag-usap ay nagmadali na ngang kumain si Rain at agad ng naghanda para pumasok sa paraalan ng mga oras na yon.
*** Flashback end's here! xD ***
Mabalik tayo sa kasalukuyan.
"Kaduda-duda ang mga sinasabi mo! Pero okay lang dahil malalaman at malalaman ko din naman ang lahat kapag ginagamit ko ang kapangyarihan ko sayo. *Fufufu!" Sambit muli ni Selina.
"Wag naman sana.. *He..he.hehe.." Mahinang pagkakasambit ni Rain.
"Balita ko ay nagkamalay na si Riki at nabalitaan ko din na galit na galit ang tatay nito sayo!" Sambit ni Mark.
"Mukhang totoo nga yang sinasabi mo, Mark. Kanina lang kasi nung papasok na ako dito sa school ay nakasalubong ako nang mga satyr. Yung mga humahabol sayo dati Selina, pero dahil alam kong isa akong mythical shaman. Pinatikim ko sa kanila ang "Dragon breath" ko!
Sunog sila eh! *Wahahaha!" Masayang pagkakasambit ni Rain.
Kahit batid niyang mas lalong magdududa ang kaniyang mga kaklase ay pinili pa rin ni Rain ang magsinungaling. Ngunit nagawa naman niyang magtagumpay, dahil nagulat ang lahat sa kaniyang mga sinabi. At sa pagkakataong ito ay inulan na naman siya ng mga katanungan.
"Totoo?! Sinugod ka ng mga satyr?! At ginamitan mo sila ng dragon breath?" Sambit ni June.
"Yup! Kaya nga muntik na akong ma-late eh." Tugon ni Rain.
"Wala na ngang duda, isa ka na ngang mythical shaman ng dragon! Pero hindi ko pa alam kung anong klaseng dragon ka talaga! Tutal naman ay hindi mo alam kung sino ang mga tunay momg magulang, bakit hindi ka na lang sumama sa'kin at tanongin na'tin ang kasalukuyang clan leader ng Dragon clan?" Sambit ni Aron.
"Naku Patay!" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.
"Tama si Aron, mabuti kung sumama ka sa kaniya mamayang pag-uwi na'tin. Baka sakaling malaman mo kung sino ka at kung papaano ka napulot ng mga kumopkop sayo." Sambit ni Annie.
Mukhang sa pagkakataong ito ay wala ng pagpipilian pa si Rain kung hindi ang gawin ang iminungkahi ni Aron.
"Okay sige! Sasama ako sayo mamaya, Aron." Sambit ni Rain.
"Tutal hindi pa rin naman na'tin alam kung anong klaseng uri ka ng dragon, siguro naman doon ay malalaman na na'tin kung anong klaseng mythical shaman ka talaga." Sambit muli ni Annie.
"Oo nga no, malay mo mas malakas ka pa pala kay Aron! *Fuwahahaha!" Sambit ni June.
"Kayo talaga.." Sambit ni Rain.
Hindi na nagawa pang matapos ni Rain ang kaniyang mga sasabihin, dahil napatingin siya bigla kay Aris. Ngayon lang niya ito napansin, kaya hindi niya inaasahan ang kasalukuyang anyo nito.
"Teka maiba ako, ano ang nangyari kay Aris at mukhang marami siyang sugat?" Sambit muli ni Rain.
"Ang nasa likod ng inuupuan ni Aris, siya ang dahilan kung bakit ganon ang kalagayan ni Aris ngayon. Sila kasi ang naglaban sa combat practice kahapon." Tugon ni David.
Sandaling napatahimik si Rain dahil napatitig siya sa lalaking tinutukoy ni David.
"Sino ba ang isang yon?" Tanong ni Rain.
"Siya si Sai Kerberos. Mag-iingat ka sa isang yan! Sobrang delikado siya!" Sambit ni Mark.
"Sai Ker..beros?" Mabagal na pagkakasambit ni Rain.
Chapter end.
Afterwords.
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
*Uhmm.. Wag po sana kayong mahihiyang magcomment.. sa mga feedbacks nyo lang po kasi ako kumukuha ng inspiration.. aun po maraming salamat po ulit :)
Medyo mahaba na din po ang nasusulat ko, kaya expect more actions, comedy, romance, twist and revelation..
at sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Napagpasyahan ko nga po palang mag lagay ng extra chapters kada, 5 chapters na na-update.. Kaya po asahan nyo na may Extra chapters after po nito.. kasalukuyang nakalimutan ko kasi ang usb ko sa bahay, wala po kasi akong internet :( Expect po sa more info sa bawat extra chapters.. :) Aun..
At kung gusto nyo pong malungkot, mapaisip, at ma-in love.. try nyo din pong basahin yung short story ko.. title po ay
"Paglalakbay para sa ikatlong bagay". - Completed
Aun po thanks po ulit..
Susunod.
Chapter 12: Cerberus - Sai Kerberos
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top