Chapter 1: School of myths - Olympus University

Hunyo 14, taong CS240. Araw ng byernes, kinaumagahan ay kasalukuyang nagmamaneho ng kanilang sasakyan si Rachelle, nakakatandang kapatid ni Rain. Sa ngayon ay silang dalawa na lang ang magkasamang namumuhay, dahil ang kanilang mga magulang ay namatay sa aksidente, labing dalawang taon na ang nakakaraan. Hindi rin nila matukoy kung nasaan na ngayon ang kanilang mga kamag-anak, kaya bilang nakatatanda ay si Rachelle na ang nagta-trabaho para may matirahan at makain silang dalawa.

Wala silang permanenteng tirahan sa kadahilanang laging nasisipa itong si Rain sa paaralan, lagi kasi itong nakikipag-away. At kahit anong gawin ni Rachelle para mapatino ang kaniyang kapatid ay nababalewala lang, dahil sa labis na katigasan ng ulo nito.

Marami na ring paaralan ang napuntahan at napasukan ni Rain at lagi nga itong nasisipa dahil sa kaparehong dahilan, ang pakikipag-away. At dahil sa labis na pagmamahal ay ginagawa ni Rachelle ang lahat upang mapagtapos ang kaniyang sutil na kapatid.

Habang nasa daan.

"Ate, saan naman tayo pupunta ngayon?" Sambit ni Rain.

*** Rain Esfalls. 15 years old boy at tulad ng mga nabanggit sa kaniya ay mahilig siyang makipag-away. Mabait at maaasan naman siya, subalit sadyang lapitin lang siya ng gulo. Tamad at mahina din siya sa klase at isang himala na nakapagtapos pa siya ng elementarya.

Slim ang pangangatawan ni Rain, nasa 5'5" ang kaniyang taas, medyo maputi ang kulay ng kaniyang balat at kulay pula na medyo may kahabaan ang kaniyang buhok. ***

"May nahanap na akong bagong trabaho at salamat sayo at aalis na naman tayo. Mabuti at may libreng pabahay yon, siguro dahil konti lang ang taong gustong magtrabaho doon." Tugon ni Rachelle habang nagmamaneho.

*** Rachelle Esfalls. 24 years old at siya ang mag-isang nagtataguyod para sa ikinabubuhay nilang magkapatid. Mahigpit at kadalasan siyang masungit, dulot ng sutil niyang kapatid. Ngunit sa kabila nito ay hindi maalis sa kaniya ang mag-alala para sa kalagayan ng kapatid, kahit batid niyang kaya na nito ang kaniyang sarili.

Slim at nasa magandang hubog ang katawan naman ni Rachelle, nasa 5'4" ang kaniyang taas nito, maputi at makinis ang kaniyang balat, kulay brown at nasa katamtamang haba ang kaniyang buhok. At may hinaharap naman. (if you know what I mean :3). ***

"Ayos pala eh. Pero ate, alam mo naman kung sino ang nauna diba? Hindi naman ako makikipag-away kung hindi sila ang nauna." Sambit muli ni Rain.

"Oo alam ko, pero ang problema ay bakit kailangan mong bugbugin ng sobra ang mga nakakaaway mo? Tingnan mo at lahat sila ay na ospital. Mabuti na lang at napakiusapan ko ang mga magulang ng mga ginulpi mo at hindi na sila nagsampa ng kaso. At salamat doon ay naubos lahat ng ipon ko. For god sake naman, please lang Rain wag ka ng makipag-away. Hindi ko na nga alam kung may tatanggap pang paaralan sayo eh." Sambit muli ni Rachelle.

"Okay, okay. Pipilitin ko." Tugon ni Rain.

Napa-iling na lang si Rachelle sa sinabi ng kaniyang kapatid at iniisip na sana nga ay totoo ang mga sinasabi nito.

Gabi na ngunit nasa daan pa rin sina Rachelle. At dahil hindi pa sila kumakain ay minabuti nilang huminto sa isang tindahan na kanilang nadaanan upang dito ay bumili. Mga ilang minuto pa muli na silang bumyahe at sa pagkakataong ito ay nakita na nila ang papasok sa loob ng bayang pupuntahan nila.

Lumipas pa ang ilang mga minuto ay narating na nila ang address ng bahay na tutuluyan nilang magkapatid. Medyo nakakatakot ang bahay, ngunit mukhang hindi naman ito luma at abandonado lang.

"Ate, sigurado ka bang yan yung address ng bagong bahay na'tin? Bakit parang haunted house yan? Tsaka bigla akong kinilabutan. *Brrrrr!" Sambit ni Rain.

"Well, not bad. Okay tara, pasok na tayo!" Sambit ni Rachelle.

Napalunok na lang si Rain, dahil wala na siyang magagawa pa kapag nagdisisyon na ang kaniyang ate. Gamit ang isang susi ay nabuksan ni Rachelle ang pinto. At sa pagbukas niya ay laking gulat nila sa kanilang nakita. Sobrang linis ng loob nito at halos kompleto ang mga kagamitan.

"Wow! Don't judge a book by its cover. Sigurado ka ba ate na hindi tayo nagkakamali ng address? Pero okay lang kung hindi!" Sambit ni Rain.

"I guess it's true kaya tara na at ipasok na na'tin ang mga gamit, para makapagpahinga na tayo." Sambit ni Rachelle.

"Okay!" Tugon ni Rain.

Kahit hindi gaanong kalakihan ang bahay ay may dalawang kwarto ito, isang kusina, banyo, sala, at hapagkainan. At ang gabing iyon ay naging mahimbing ang tulog nilang magkapatid.

Kinabukasan, tanghali ng nagising si Rain. Agad nitong hinanap ang banyo at nang makalabas ay nagpunta na ito sa hapagkainan na halos katabi lang ng kusina. Sa lamesa ay may nakita siyang pagkain at kalakip nito ay may isang papel. Agad niya itong kinuha at kalaunan ay binasa ang nakasulat.

"Rain, alam kong tanghali na ang gising mo, kaya naghanda na ako ng almusal mo. Baka mga hapon pa ang uwi ko. Magluto ka na lang para sa tanghalian mo. Ingat ka at wag na wag kang makikipag-away. -ate Rachelle. <3"

Matapos mabasa ay binitiwan na ni Rain ang papel at nagsimula itong kumain.

"Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon?" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Matapos kumain ay nagtungo ito sa sala at dito ay nanood siya ng T.V.. Ilang sandali pa ay nabagot na siya, dahil kakaiba ang mga palabas na napapanood niya. Ilang sandali pa ay nagdisisyon na itong lumabas upang maglakad-lakad na lang.

Mga ilang minuto din siyang naglakad at napapansin niyang maraming kakaiba dito sa bagong lugar na napuntahan nila. Kung bakit niya nasabing kakaiba? Dahil ang mga bahay, gusali, halaman at mga hayop, ngunit maliban lang sa mga tao dito ay sadyang kakaiba. Kakaiba dahil hindi pa niya ito nakita kailanman, kaya nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Napapansin na rin niya na halos lahat ng taong makita niya ay napapatingin sa kaniya, kaya napaisip tuloy siya kung anong mali sa itsura niya sa ngayon.

Habang patuloy sa paglalakad.

"Anong trabaho kaya ang napasukan ni ate? At bakit kaya ang weird ng lugar na ito. Lahat parang bago sa paningin ko." Sambit ni Rain.

Nagpatuloy pa si Rain sa kaniyang paglalakad hanggang sa makarating siya sa isang malaking paraalan. Sa pagkakataong ito ay may pamilyar na tanawin na siyang nakita, dahil halos katulad ng dating paraalan niya ang paaralang nasa harapan niya ngayon. Ngunit ang ipinagtataka lang niya ay ang pangngalan ng mismong paraalan.

"Olympus University?! Ano namang klaseng paaralan ito?" Sambit ni Rain.

Maya-maya pa ay may isang sasakyan ang huminto sa harap paraalan. At ilang sandali pa ay bumukas na nga ang pinto at may isang tao ang lumabas. Medyo na bigla si Rain nang makita niya ang babaeng bumama sa sasakyan. Blonde ang buhok nito, kasing puti ng gatas ang balat, mga nasa 5'2"-5'3" ang taas, asul ang mga mata, at higit sa lahat ay maganda ang hubog ng katawan.

Habang naglalakad papasok ang magandang babae ay sinusundan ito ng tingin ni Rain. Hindi naman siya napansin ng babae hanggang sa makapasok na nga ito sa loob ng paraalan. Natulala si Rain sa ganda ng babae at napaisip kung pwede din ba siyang mag-aral dito sa paaralan. Hanggang sa isang pamilyar na boses ang kaniyang narinig.

"Rain?" Sambit ni Rachelle.

"Teka, parang boses ni ate yun ah." Sambit ni Rain.

Matapos magsalita ay ang napalingon si Rain sa kaniyang likuran at dito ay nakita niya ang kaniyang ate. Agad naman siyang nilapitan ni Rachelle matapos siya nitong tawagin.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Rachelle.

"Naglalakad-lakad lang. Ikaw ate, bakit ka nandito? Wag mong sabihing dito ka nagta-trabaho?" Sambit ni Rain.

"Hindi, pero medyo malapit lang ang pinapasukan ko dito at nakita ko nga itong school na ito. Naisip kong baka sa school na ito pwede pa kitang ma-enroll, kaya dumaan na rin ako ngayon breaktime ko." Sambit muli ni Rachelle.

"Talaga ate? Kung ganon sasama ako!" Sambit muli ni Rain.

"Okay, pero tumahimik ka lang ah!" Sambit muli ni Rachelle.

"Okay! Okay!" Masayang pagkakasambit muli ni Rain.

Chapter end.

Susunod

Chapter 2: Siren - Selina Oceanus

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top