Yliana Minterine Casiano
"Aray! Ano ba!"
"Shit, sorry, Miss. Sorry."
Inis na dinampot ko ang aking mga librong nahulog. Tinulungan ako ng lalaki pero agad ko ring binawi ang mga iyon sa kanya at bahagya akong umatras palayo. Kunot-noong tiningnan ko siya. Agad namang napakurap-kurap ang lalaki at napatitig sa akin. Ang weird niyang makatingin tapos medyo nakaawang pa ang kanyang labi. Tinaasan ko siya ng kilay. Wala naman sinagot. Napailing na lang ako. Inayos ko ang aking mga gamit.
"Excuse me," sabi ko lang at nilagpasan na siya. Natulala yata siya sa kinatatayuan niya. Parang natuod siya roon, e.
"Grieve, bro! Tara na!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki kaya napalingon ako. Iyong lalaking nakabangga ko yata ang tinawag niya.
Natatawang tinapik pa noong lalaking sumigaw iyong nakabangga ko. Agad namang napabalik sa reyalidad iyong lalaki. Weirdly, lumingon din siya sa direksyon ko kaya nagtama ang paningin namin. Tamad na tiningnan ko lang siya habang tila mangha naman siyang nakatingin din sa akin.
Umiwas ako ng tingin at naglakad na ulit. Ang weird ng isang iyon. Tsk. Ano ba iyan. Late na ako! Napaungot ako at halos tinakbo na ang building ng first class ko. First day na first day, Yliana, late ka?! Patay ka talaga nito!
Wala na akong paki kung sobrang pawis ko nang nakarating ng room namin. Kung anong nakita kong bakanteng upuan ay iyon na lang din ang inupuan ko. Nasa may harapan iyon at napapagitnaan ng lalaki at babae. Lumunok ako at inusog bahagya ang upuan ko papunta sa babae. Nakatungo ang prof namin sa lamesa kaya di yata napansin na may mga late. Hindi ko alam kung makakahinga ako nang maluwag o hindi, e. Kasi naman, Yliana ang tagal mong gumising.
Nasapo ko na lang ang aking noo.
"Hi! Ako si Aia!" Napalingon ako sa aking katabi.
Isang babaeng may maikli at straight na buhok ang nakangiti sa akin. Nakaumang ang isang kamay niya. Awkward na tinanggap ko iyon.
"Uhm h-hi? Yliana, pwede ring Yle na lang..." marahang sambit ko at tipid na ngumiti sa kanya.
Mas lumapad ang ngisi niya. "Nice! New student ka? I mean hindi ka from high school department ng school?" tanong niya pa.
Umayos ako ng upo at saka umiling. "New student ako."
Tumango-tango siya. "Ohh same!"
Ngumiti lang ako. Ang bungisngis naman ng isang ito. Naalala ko tuloy ang mga high school friends ko. Napailing na lang ako at ipinokus na ang atensyon sa harapan. Nagsimula na rin ng orientation ang professor namin. May usual introduction since first year college kami lahat. Karamihan talaga ay hindi magkakakilala. Mabibilang lang sa kamay ang nanggaling sa high school department ng university. Karamihan din sa amin ay malalayo at nagpunta lang dito para mag-aral.
Ang Cebu City University kasi ang isa sa mga pinakamalaking state university sa Cebu at sa Visayas kaya maging iyong mga nasa kalapit na probinsya ay dito rin nagpupunta. Sobrang daming estudyante rito at sobrang diverse rin. Marami kasing ino-offer na programs kaya one of the choices talaga lalo na sa mga taong hindi ma-afford ang mamahaling private universities.
Mabilis lang na natapos iyong Understanding the Self namin since introduction lang naman iyon. Iyong ibang klase namin naman ay ganoon lang din ang nangyari kaya maaga rin ang uwian. Maluwag ang schedule namin ngayon, e. Ganoon yata talaga pag first year pa.
"Uy, Yle, sama tayo sa kanila! KFC sila ngayong lunch, tara na!" Hindi na ako nakapagsalita pa nang hilahin na ako ni Aia papunta sa kumpol ng mga classmates namin. "Guys, sama kami ni Yle!" masayang sabi niya kahit na wala pa akong sinasabi.
"Uy sige! Nice! The more the merrier!" sagot ng babaeng blonde na hanggang balikat ang buhok. Lumapit siya sa amin at umangkla sa kabilang braso ko.
Awkward na ngiti lang ang isinagot ko.
"Oh, let's go then!" yaya naman ng isang lalaking naka-spike ang buhok na walang dalang bag. Ay grabe, genius ba siya?
Nagsang-ayunan ang mga kaklase namin sa kanya at sumunod na. Halos malula ako sa dami ng mga kasama. Si Aia lang din ang kilala ko kasi di ko matandaan iyong mga pangalan ng iba. May apat na lalaki at apat din kaming mga babae.
Panay na ang usapan nila ng kung ano-ano pero hindi na ako nakisali kasi di rin naman ako maka-relate.
"Ikaw, Yle, nag- BPO ka na rin?" tanong pa ng blonde na babae. Napalingon tuloy lahat sa akin. Nakagat ko ang aking labi.
"Uhmm h-hindi pa, e," sambit ko.
"Ohh. Taga City ka lang din?" tanong pa ni Aia.
Tumango ako. "Malapit lang ang amin sa school," sagot ko.
"Baka magkapit-bahay kayo ni Thomas!" masiglang sabat naman ng isang payatot pero matangkad na lalaki. Tinuro niya iyong naka-spike ang buhok. Thomas pala ang pangalan noon.
"Sa St. Ignacio Village ako," sabi ni Thomas. Tipid na ngumiti ako.
"Iyong kalapit na subdivision ang amin," sagot tapos iniwas ang tingin. Narinig ko silang nag-sang-ayunan. Bumuntong-hininga ako, hindi na nakisali sa kanila.
Nangunguna iyong apat na lalaki. Si Thomas na may spike na buhok, matangkad at halatang athletic ang katawan, iyong katabi niyang payatot pero matangkad din ay si Luis. Iyong isa naman na maliit at naka-glasses at clean cut na buhok ay si Neo at iyong medyo matabang matangkad ay si George. Sinaulo ko na rin ang pangalan nila kasi nakakahiya namang di ko sila kilala tapos kakausapin nila ako.
Iyong blonde na babae, si Marie. Iyong isa pa naming kasama na naka-glasses at tirintas ang buhok ay si Trini. At least kilala ko na sila.
Sobrang ingay nila pagkarating namin sa KFC. Iyong mga lalaki ang kumuha ng lamesa sa itaas tapos sina Marie at Trini ang nag-order para sa kanila. Kanya-kanya naman kami ni Aia. How weird. Kakikilala lang nila may paganoon na agad. I mean, hindi pa naman sila talaga close pero kung makaasta sila ay parang ilang years na silang magkakilala, e.
Napailing ako. Baka ganoon nga lang sila. Ako kasi, sobrang hirap sa akin makipag-socialize. Introvert kasi ako at mas pipiliin kong sa bahay na lang kaysa gumala. Isa lang ang itinuturing kong kaibigan simula pa lang. Si Edgery, kaso lumipat silang Manila para ngayong college.
Bumuntong-hininga ako.
"Isang Ala King Rice bowl po tapos fries," sabi ko. Ngumiti ang cashier.
"200 pesos, Ma'am."
Inabot ko iyong exact amount sa kanya at saka gumilid. Sumunod si Aia. Nasa gilid lang ako nang may maiingay na grupong pumasok sa fast food. Sa ingay nila napatingin tuloy ako sa gawi nila.
"Tangina, bro, mas malakas pang humilik iyong gagong iyon sa akin! Pinagpalit ako! The fuck!"
"Pft! Kael, mas gwapo lang talaga iyong pinalit."
"Oh, shut up!"
Napangiwi ako sa sobrang ingay nila. Nasa limang lalaki sila, makakasingtangkad silang lahat. Mga nasa six feet siguro. Basta parang mga basketball players. Halata ring may mga kaya. Sila iyong tipo ng mga badboys na pinagkakaguluhan ng mga babae sa school kasi mga gwapo at mayaman. Ano bang kagusto-gusto sa mga badboys? Di ko gets.
Akmang iiwas na ako ng tingin nang may mahagip ang mata ko. Pamilyar iyong isang lalaking kasama nila. Siya yata iyong nakabangga ko kanina. Napatitig tuloy ako sa kanya. Mas natingnan ko iyong mukha niya. Halatang may lahi. Mestizo, medyo brown-ish ang magulong buhok. Palagi pang nakangiti. Kitang-kita ang puti at perpektong mga ngipin.
Lumingon siya sa direksyon ko. Saktong hindi pa ako nakakaiwas kaya nagkasalubong ang mga mata namin. Sa isang iglap ay nawala ang ngiti niya at parang natulala na naman. Para siyang nabato sa kanyang kinalalagyan. Napakunot tuloy ang noo ko.
Bakit para siyang nakakita ng multo?
"Yle, iyong order mo."
Nabalik lang ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Aia.
"Sorry," sabi ko na lang at saka kinuha na ang order ko. Sabay kami ni Aia na pumunta sa itaas.
Nagchi-chikahan na naman iyong mga kasamahan namin. Tahimik na umupo lang ako sa tapat nina Thomas at Trini. Katabi ko si Aia sa kaliwa. Nasa pinaka-edge ako ng upuan kaya wala na akong katabi sa kanan. Nagsimula na kaming kumain. Ang iingay pa rin nila. Nagtatanungan ng kung ano-ano tungkol sa senior high school. Sumasali naman ako pag tinatanong pero hindi ako nag-i-initiate.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang dumating iyong mga maiingay na lalaki kanina. Natigil nga sina Thomas at Luis sa pag-uusap. Kita ko rin ang pagtingin nina Marie at Trini sa mga lalaki. Sinundan pa nga nila ng mga tingin hanggang sa makaupo ang mga iyon sa lamesang katapat ng sa amin.
"Shet, ang gwapo ni Grievance," Trini said dreamily.
Suminghap si Luis. "Di ka papansinin niyan. Asa," asar pa nito.
Umirap si Trini. "Che!" Tinawanan siya ng apat na lalaki.
"Hmp, makatawa ang mga ito. Magiging master niyo iyan, no. Di ba nga gusto niyong mag-frat?" sabat ni Marie. Natigil ako sa pagkain at napatingin kay Marie.
"Fratmen sila?" hindi ko na napigilang magtanong. Halos lahat sila napatingin sa akin.
"Alpha Delta Phi," sagot ni Thomas.
Napatanga ako. Para akong binuhusan ng tubig sa narinig. That name. I know that name. I'll never forget that name. Napalunok ako. Shit. Agad akong nag-iwas ng tingin. Para akong nanghihina na ewan dahilan para mabitiwan ko ang mga kubyertos ko.
"Okay ka lang?" Muntik pa akong mapaigtad nang hawakan ako ni Aia. Lumunok ako at saka tumayo.
"Uhm. C-CR lang ako," natatarantang sabi ko bago mabilis na umalis doon.
Habol-habol ko ang hininga nang makapasok ako sa cubicle. Napasandal pa ako sa dingding dahil pakiramdam ko ay matutumba ako sa panghihina ng tuhod ko. Shit. Bakit ko ba nakalimutang nandito nga pala ang mga iyon? It's in this school. It happened in this school. Akala ko okay na ako. Akala ko mahaharap ko na iyon. Two years na. Two years na ang lumipas pero narinig ko lang ang fraternity na iyon parang sumisikip na naman ang dibdib ko.
Huminga ako nang malalim at mariing pumikit. Kalma, Yle. Kalma. Hindi ka naman magagalaw ng mga iyon. Walang mangyayari. Hindi na mangyayari iyon. Kinalma ko ang aking sarili. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon bago ko tuluyang naramdaman na kumalma na ako. Bumuga ako ng hininga. When I felt okay, lumabas na ako. Inayos ko ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng cubicle. Nag-uusap na ulit iyong mga kasama ko pagdating ko.
"Yle!" si Aia. Tipid na ngumiti lang ako. Hindi natinag iyong pag-uusap nila. Wala namang problema sa akin. Tahimik na umupo lang ako sa upuan ko. Uminom ako ng iced tea.
"Uy pero wala naman na rawng hazing. Iyan ang legacy ni Grievance. Nawala na sa spotlight ang mga initiation ng frats dito sa school mula noong naging president siya."
"Rinig ko nga, e. Kaya ako sasali!"
"Tangina, takot ka sa initiation?"
"Gago, hindi! Ayoko lang mamatay, no. Nakamamatay kaya iyong hazing nila noon."
"True ba talaga iyon? As in hazing talaga?"
"Totoo. May hazing nga sila." Natigil na naman sila sa pag-uusap nang sumabat ako. Nakatitig lang ako sa pagkain ko pero ramdam ko ang titig nila.
"May alam ka roon, Yle?" tanong ni Aia.
Tumahimik sila. Bumuntong-hininga ako. "Uhm. Narinig ko lang. Tiningnan ko sila at nagkibit-balikat na lang. Umiwas ulit ako ng tingin. Hindi agad sila nagsalita pero nagsimula na rin naman sila ng topic. Huminga ako nang malalim.
Brotherhood? Tsk. Brotherhood nilang mukha nila. May magkakapatid bang pumapatay? Kailangan ba talagang maghirap muna para makasali sa brotherhood na iyon? Bakit ganoon? Hindi ko gets ang concept nila ng brotherhood.
"Hey, you all freshmen?"
Isang nakabibinging katahimikan na naman ang namayani pagkatapos ng boses na iyon. Nag-angat ako ng tingin at ramdam kong ganoon din ang mga kasama ko.
"Oh my gosh!" impit na sambit ni Marie.
Hindi ko matanggal ang tingin ko sa lalaking nasa aking harapan. Nakangiti siya sa mga kasama ko, nakapamulsa. Iyong mga kasamahan niya nasa likuran at kumakaway pa sa mga kasama ko na parang mga idols na nakikipagsalamuha sa mga fans.
"Master Grieve!" Narinig ko si George. Mukhang tumayo pa nga kasi may gumalaw na upuan. Mas ngumisi ang lalaki at nagkamot pa ng ulo.
"Nah. Grieve na lang. Pol scie students din, right?"
"Yes po!" Rinig na rinig ko sa boses ni Trini ang pagka-excite.
Maaliwalas na ngumiti iyong Grievance. "Nice. We'll have our department orientation later. Enjoy the campus!"
"Thank you po!"
"Sure iyan, Master!"
Sunod-sunod ang sabi ng mga kasama ko. Hindi pa rin ako umiimik. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Ramdam ko pa rin ang titig noong lalaki sa akin pero hindi ko pa rin pinansin. Hindi ko naman siya kilala saka hindi ako interesado sa mga sinasabi niya. Kumain na lang ako roon hanggang sa narinig kong umalis na nga iyong Grieve. Nang mag-angat ako ng tingin ay saktong nagkatitigan kami sa hindi malamang dahilan. He was looking at me tenderly, I don't even know why.
~***~
"Dito tayo, Yle!" Agad akong hinila nina Marie at Aia papunta sa pinakaharapan ng function hall. Nakagat ko ang labi at saka nagpahila na lang. Marami ng tao pero may bakante pa rin sa harapan.
"Salamat sa pag-reserve, George!" sabi ni Marie kaya nasagot din agad ang hindi ko pa nae-ereng tanong. Bumuntong-hininga ako at umupo na lang din doon. Nagsidatingan na ang mga estudyanteng school mates naming. Ang dami pala naming political science dito. Napailing na lang ako at saka prenteng umupo roon. Kinuha ko na lang ang aking phone at t-in-ext si Mama kung ano na ang nangyayari sa school.
Simula noong nangyari iyon sa kuya ko, palagi nang hindi napapakali si Mama kaya tini-text ko na rin siya palagi pag may time ako.
"Omg! Ayan na si Master Grieve!" Agad na napalingon ako sa katabi nang bigla na lang siyang nagtatalon sa upuan niya. Sinundan ko ang kanyang tinitingnan at nakita ko iyong lalaking lumapit sa amin kanina, iyong fratman.
Hindi ko alam pero nakatingin din pala siya sa akin kaya nagkatitigan kami ng wala sa oras. May something sa titig niya na hindi ko maipaliwanag, parang nanghahagod ng tingin at tila pinag-aaralan ako. Mind reader ba siya? Gusto niyang basahin ako? Maya-maya pa ay ngumiti siya sa akin kaya nag-iwas na ako ng tingin kasi ang weird niya.
"Hey." Nabigla ako nang nasa harapan ko na siya, nakatitig pa rin sa akin at nakangiti. Hindi ako sumagot. Inilahad niya ang kamay. Napakunot pa ang noo ko nang tingnan ang isang maliit na post-it doon. "I know we just met, and I sense that you don't like me, but I am Grieve, and I'd like to know you, Miss Freshman," walang atubiling sabi niya na nagdulot ng hiyawan at bulungan sa buong function hall.
Namilog ang mga mata ko sa kanya. Ano bang trip niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top