Chapter 9

"Here's your order, Ma'am, sir."

Tipid na nginitian ko yung naghatid ng order namin at saka tinanguan. Kinuha ko iyong isang cup ng kape at inusog palapit kay Teon.

"Thanks," sabi niya na nginitian ko lang din. Inusog ko rin yung order ko sa akin. Tumingin ako sa aking relo tapos ay sa may pinto ng cafe.

Grabe. Ang usapan namin nina Fel, alas nuebe, mag-aalas diyes na! Wala pa rin sina Adolf at Flynn kaya kaming dalawa lang ulit ni Teon ang nandito. Ilang araw lang yung naging pahinga namin pagkatapos ng midterms. Ito kami ngayon, balik kayod na naman. Dapat sa Clarke kami ngayon e, pero sabi ni Fel dito na lang daw sa cafe kasi gusto niya mag frappe. E, siya itong wala. Labo rin talaga niya minsan.

"Ang tagal nina Fel," reklamo ko.

Nagkibit- balikat lang si Teon.

"What's new?" Pinanatili niya lang ang tingin sa kanyang binabasa. Ngumuso ako at bumuntong-hininga na rin. Kinuha ko na lang yung libro ko sa Crim at binuklat iyon.

Kinuha ko yung pink na highlighter at saka sinimulan ang pag-highlight.

"May copy ka na ba noong Genosa Case?" Tiningala ko si Teon.

Nakatungo pa rin siya at nagha-highlight.

"I'll have it printed later. Pasabay ka?"

Ngumuso ako. "Uhm pwede ba?"

Mas gusto ko na kasing mag physical copy na lang para mas madali sa akin at accessible. Yung ibang kaso na assigned sa amin, napa-print ko na. Yung kaso na lang na yun kasi sobrang haba, e wala ng oras noong nagpa-print ako kaya di tuloy nasama.

"It's fine. But you'll have to come with me." Binalik niya ang highlighter ko sa pencil case tapos ay bumaling sa akin.

Nagkibit-balikat ako. "Okay. Kailan ba?"

"Well if the three don't show up, let's just have our cases printed." Nag-ayos na siya ng mga gamit. Tapos na yata siyang mag-aral.

Kakainggit talaga ang bilis ng isang ito, e.

"Hmm. Text ko na lang si Fel. Ngayon na tayo aalis? Di pa ako tapos."

"I'll just wait for you. Your yellow highlighter is almost empty by the way. I'll just buy you a new one."

Napatingin ako sa highlighter na nasa pencil case. Umiling ako sa kanya.

"Okay lang. Ako na bibili."

"I insist. After all I think ako ang nakaubos." Nagkibit-balikat siya. Bahagya akong natawa.

"Paborito mo kasi yung yellow," komento ko. Yan kasi lagi niya hinihiram pag nagha-highlight. Lahat ng highlight niya yellow.

"Tss. Just because it's bright and easy to locate."

"Ha? E ang daming naka-highlight na yellow sa'yo."

"I just know."

Ngumuso ako. "Ikaw na."

Marahan siyang tumawa at saka umiling.

"I seriously insist. I'll buy the replacement."

"Ayaw mong bumili na lang ng sa'yo?" tanong ko. Paano gagamit pala siya ng highlighters pero di naman bumibili.

"Nah. Hassle. I'll just sponsor you then we can both use it. You have the case." Nagkibit balikat siya. Napakunot ang noo ko.

Minsan talaga ang lalabo nilang apat talaga. Magkakaibang labo pero malabo pa rin. Di sita tinatamad magdala ng malalaking libro pero highlighter lang hassle? Tsaka sa akin lang talaga siya nanghihiram, a. Nang tanungin ko kung bakit, ayaw niya raw ang brand nung kina Fel. Ewan ko.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Bahala ka. Pero mamaya na tayo umalis. Tapusin ko lang to. Ikaw na rin mag-text kay Fel?"

"Yeah no prob."

Tumango ako at bumalik na rin sa pagbabasa. Tinapos ko lang muna yung isang page habang si Teon ay nagsi-cellphone. Nang matapos ako ay saka kami umalis. Tinext niya na rin naman dq si Fel na mauuna na kami. May school supplies naman sa printing shop sa loob ng Clarke kaya doon na lang din daw siya bibili ng highlighter.

Magkasabay kaming naglalakad ni Teon sa corridor at ramdam na ramdam ko na naman ang kakaibang titig ng mga estudyanteng nadadaanan namin.

Alam mo yung tingin na parang babaon sa pagkatao mo? Ganoon sila. Sobrang talim na para bang may ginawa ako. E hindi ko nga sila kilala.

Napabuga ako ng hininga. Maging noong pumipila kami ni Teon grabe pa rin yung tinginan nila. Bakit ba kasi? Anong meron?

Yumuko ako. Nakakailang kasi talaga yung paraan ng pagtingin nila. Parang galit pa o ano. Basta di ko maintindihan.

"What's wrong?" Bahagya akong nag-angat ng tingin nang maramdaman ang kamay ni Teon sa braso ko.

Nakakunot ang kanyang noo sa akin.

"Ha? A wala naman."

"You sure?"

"Hmm."

Tipid lang akong ngumiti at saka yumuko na ulit. Nandiyan pa rin iyong mga titig. Hanggang sa matapos nga kami ni Teon at hanggang sa magtanghalian kami sa canteen, ganoon pa rin. Hindi ko talaga alam kung kung bakit ganoon silang makatingin. Alam kong dapat di ko na pinapansin yun kasi di ko sila dapat pinapakialaman pero talagang nakakailang lang kasi.

Napabuga ako ng hininga at saka napatitig sa lunch box ko.

"You're not eating." Dinig kong sabi ni Teon.

Tumingala ako sa kanya. Kakukuha niya lang ng isang pirasong pork chop mula sa isa ko pang lunch box. Nakabaon ako gaya ng palagi at share kami ng ulam. Nakasanayan ko na rin kasi na pag gantong kakain kaming sabay nina Fel dinadamihan ko yung luto ng ulam kasi alam kong manghihingi sila lalo na tong si Teon. Kami palagi magkasama nitong mga nakaraang araw kasi kung hindi late yung tatlo, MIA naman. At pag gantong sa canteen kami kumakain, pagkain ko lang talaga ang kinakain niya kasi ayaw niya sa mga pagkain dito.

Weird nga e. Ang sososyal kaya ng mga pagkain dito tapos mas gusto niya yung mga simpleng lutong bahay lang. Kakaiba lang.

Ngumuso ako at bumuntong-hininga.

"Kumakain ako." Pinakita ko sa kanya yung pork chop ko.

"It's not eaten yet," sabi pa niya.

Napabuga na lang ako ng hininga at umiling.

"Oh my gosh! Cass!"

Halos sabay kaming napalingon ni Teon nang marinig ang boses na yun. At ayun na nga ang tatlo. Nakakagat labing lumapit si Fel sa amin habang kasunod niya ang dalawa na nag-uusap.

"Sobrang late kayo," sabi ko.

Mas tumulis lang ang nguso niya at saka agad na umupo sa tabi ko at umangkla sa aking braso. Dumiretso naman yung dalawa sa tabi ni Teon at nakipag-fist bump dito.

"Sorry na. I was stuck with a fitting! May party kasi yung family this weekend and mandatory kami. Kainis nga e! Adolf was with me kasi you know naman I can't stand being alone with the fam..." Ngumuso siya.

Hindi kami nag-uusap palagi ng mga personal na bagay kasi halos aral lang naman kami pag magkasama pero noong nag-overnight kami sa condo ni Fel na nasundan pa nang nasundan paminsan minsan niyang kinukwento kung paanong ayaw niya sa mga gatherings ng pamilya nila at kung ano ano pa. Doon ko napagtantong parang pareho lang naman pala ang mundo. Akala ng iba sobrang saya at perpekto na ng buhay ng mga mayayaman kasi marami silang pera pero ang totoo katulad lang din naman sila ng mga ibang estado. May problema rin sila, may hinanaing din sila. Hindi palaging smooth sailing ang lahat. Hindi lang sa mga mahihirap applicable yun. Lahat tayo nakakaranas ng lubak na daan.

Bumuntong-hininga ako at tumango. "Gusto mo?" tanong ko. Umiling siya.

"No thanks, I'm full na. We had take out kasi nga I was so stressed with the cases assigned tapos we're going to have a party pa. I mean why is it even mandatory? It's not like I'm the guest of honor right? I don't even talk to people in there no. I just stand up tapos drink wine and then be bored on my seat na. Imagine spending a night with just that tapos I hve so many cases to read? So annoying!" Halos umusok na ang ilong niya sa pagra-rant. Napainom pa nga siya ng tubig ko sa sobrang hingal niya.

Hinagod ko ang likod niya para pakalmahin. Naiiling na nga lang ang tatlo sa kanya. Sa huli, pinakinggan lang namin si Fel na mag-rant tungkol sa party na ayaw niya at sa mga kasong di niya pa nababasa.

Mga ala- una na nang umalis kami roon. Dapat sa field kami pupunta para magpahangin muna bago ang klase pero dahil wala pang mga kaso sina Adolf at Fel ay pumunta muna sila sa printing center. Pareho kaming lahat na mas gusto ng physical copy kahit na hassle dalhin. Ewan mas effective lang sa akin.

Hinintay na lang muna namin sila sa may corridor katapat ng printing center. Nakatayo kaming tatlo malapit sa dingding at napapagitnaan nila ako.

Nanatili lang akong nakayuko dahil kada may dadaan tumititig sa akin. Ano ba naman yan. Hanggang dito talaga? Nakagat ko ang aking labi at pinanatili ang tingin sa ibaba.

"Hey, beadle, you okay?" Dinig kong tanong ni Flynn.

Ngumuso ako at saka medyo lumapit sa kanya.

"Yung mga tinginan kasi nila...kanina pa yan. Titig na titig sila sa amin ni Teon tapos parang ang sama ng tingin nila sa akin," bulong ko.

Sandaling kumunot ang noo ni Flynn at pinasadahan ng tingin ang paligid. Nilingon niya ako tapos tumawa siya.

E? Ang weird.

"Hala bakit ka tumatawa?" Tinitigan niya lang ulit ako tapos tumawa ulit. Napatingin tuloy sa amin si Teon. Nagkatitigan sila ni Flynn tapos tumawa na naman ito.

"Anong meron?" baling ko kay Teon.

Tiningnan niya muna s Flynn tapos ay bumuntong-hininga. "Don't mind Flynn." At nag-iwas na siya ng tingin.

Mas weird. Hala. Ano ba kasing meron? Bakit pakiramdam ko may alam sila? Ano ba kasi meron? Ang gulo. Ang gulo nilang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top