Chapter 8
Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o sadyang wala na lang akong naging pakialam kung anong araw na. Midterms na next week. Grabe, parang kailan lang, first week pa lang namin tapos ngayon pa-test na kami. Kinakabahan ako na ewan, syempre. Bukod kasi sa grabeng aralan na ito, mas nakakakaba kasi unang midterm ko ito. Nakakakaba kasi hindi ko alam kung anong aasahan tapos di ko rin alam kung anong magiging type ng exam. Kaya rin di ko masisisi si Fel na sobrang stress na ngayon.
"So, what are our plans? Hell week na next week," reklamo pa niya at halos isubsob na ang mukha sa lamesa.
Tiningnan ko ang aking wristwatch. Nasa law library kami ngayon. Mag-aalas dos pa lang at kagagaling lang naming magtanghalian sa apartment ko.
Medyo marami na ang tao pero buti na lang nagpa-reserve si Adolf sa mga ka-brod niya. Grabe talaga impluwensya ng mga fraternity. Kaya di ko rin masisi yung iba na ginugustong sumali roon kahit nakakatakot, e. Ang sarap sarap ng buhay ng mga miyembro at kitang kita ko yun sa tuwing may hinihinging pabor si Adolf sa mga ka-brod niya. Para bang hindi ka pwedeng tumanggi? Oo, convenient yun pero nakakatakot din no.
"Ikaw? You always set is anyway. What's the plan?" sabi ni Adolf at ipinagkuros anag mga braso.
Tamad na tiningnan siya ni Fel at nagpangalumbaba pa. Nasa gitna kasi namin si Fel tapos sina Flynn at Teon nasa tapat namin. Nagbabasa lang si Teon habang si Flynn nilalaro ang ballpen niya sa lamesa.
Bumuntong-hininga ako. Nilingon ako ni Fel.
"You, Cass? Saan ka?"
"Ako? Aral lang ako. Baka sa bahay lang din."
Ngumuso siya at saka tumango -tango.
"My daddy's home so I'll be at our house, not in my condo." Si Flynn.
"Well, same," segunda naman ni Adolf.
Bumuga ng hininga si Fel at saka umayos ng upo.
"Well, I guess kanya kanya muna tayo? VC na lang tayo if ever," sabi pa niya. Tumango naman kami.
Bumuga ako ng hininga at bumalik na lang sa pagbabasa. May ilang oras pa naman kami kaya makakapagbasa pa ako. Nagbabasa rin naman sila. Hindi ko alam kung matatawag ako ngayon, pero sana naman hindi na. Ilang beses na akong natawag sa Persons, e. Hindi ko alam kung dahil pamilyar na si Atty sa akin dahil ako palagi ang nakikipag-communicate sa kanya kaya palagi akong natatawag kahit kare-recite ko lang noong nakaraan. Sana talaga di na ako matawag. Pakiramdam ko pa naman tatawag ako sa second subject. Sobrang sakit sa ulo ng sa lahat ng klase natatawag ka. Parang sasabog na ang ulo ko, e.
Bumuntong-hininga ako at nagsimula nang mag-highlight. Nilagay ko sa gitna ang pencil case kasi nagha-highlight din si Teon nf kanya. Isang color lang naman ang gamit niya. Ako naman, dalawa o tatlo. Si Fel lang naman yung pinakamarami at may mga iba ibang colored pens pa. Sina Flynn at Adolf parang si Teon lang din pero kung ano anong matripan nilang kulay ang nilalagay nila.
Yun lang ang naging pampalipas oras namin hanggang sa nag-alas kwatro na kaya pumunta na rin kami sa classroom namin. Iniyuko ko na lang ang aking ulo habang papasok kami. Medyo marami na kasing tao sa classroom pagkapasok namin at gaya ng dati pinagtitinginan na naman kami. Bumuntong-hininga ako at umupo na sa kadalasan kong inuupuan. Ganoon pa rin ang ayos namin. Napapagitnaan ako ni Teon at Fel. Katabi ni Teon sa kabila si Flynn tas si Adolf sa kabila ni Fel.
Isinandal ko ang aking likod sa sandalan. Ilang minuto rin naman ay dumating na ang professor namin. Napaayos ako ng upo at agad na binuksan ang listahan ng kaso ngayong gabi. Hindi naman clean desk kaya okay lang na may notes kami.
Napalunok ako nang makita ang pag-shuffle ni Atty. sa mga hawak na index card. Sana naman hindi na ako. Wag na sana akong matawag.
Tumikhim si Atty at inayos ang salamin niya habang nakatitig sa papel. Bumuga ako ng hininga. Sana talaga wag ako.
"You're nervous." Dinig kong bulong ng katabi ko. Bahagya kong sinulyapan si Teon.
"Palibhasa ready ka palagi. Kota na ako sa recits dito no," reklamo ko. Narinig ko siyang mahinang tumawa. Ngumuso ako.
"Alvedrez." Dumagundong ang boses ni Atty sa buong classroom na nagpalaglag ng panga ko.
"Hmm. You are her favorite, beadle," asar ng katabi ko. Mahina pa siyang tumawa.
Napabuga na lang ako ng hininga at walang choice kundi tumayo. Huminga ako nang malalim at sineryoso ang aking mukha.
Grabe. Favorite nga yata ako ni attorney. Ano ba naman yan.
~***~
Nahilot ko ang aking sentido habang nakatitig sa reviewer ko sa StatCon. Napahinga ako nang malalim habang paulit-ulit na binaa yung kaso. Medyo naiintindihan ko naman pero parang may kulang. Parang may gap at hindi ko matukoy kung ano. Alam mo yung kuha mo naman yung parang kabuuhan pero pag hinimay-himay mo may isang parte roon na hindi malinaw. Ayoko ng ganoon kasi kailangan kong maintindihan talaga kahit yung mga maliliit na detalye kasi strikto yung prof namin sa StatCon.
Napabuntong-hininga ako at handa na sanang bumalik sa simula nang mag-vibrate ang cellphone ko. Pagkabukas ko noon ay nakita ko ang sunod-sunod na chat ni Fel sa group chat namin. Nagrereklamo rin siya sa Consti.
Isa pa pala iyan. Yan yung sumunod sa StatCon sa mga pinaka nahihirapan ako. Kasi naman may mga provisions sa Constitution na mapapa-question ka kaya mas mahirap pag in-apply na sa kaso yung doctrines. Pasulyap-sulyap lang ang ginawa ko sa group chat namin habang nagbabasa pa rin. Nagpapalitan ng message sina Adolf at Fel dahil may kinaklarong doctrine si Fel.
Himala. Hindi magkasama tong dalawang to. Napailing ako. Kinuha ko yung hand written notes ko para may basehan ako sa binabasa ko. Minomonitor ko pa rin naman ang group chat. Nagulat na lang ako nang may nag-pop up na text. Kumunot ang noo ko at tiningnan iyon.
From: Giovanni Matteo
Statcon?
Ngumuso ako at nag type ng reply.
To: Giovanni Matteo
Oo hirap
From: Giovanni Matteo.
What about?
Maybe I can help.
Sandali akong napatigil at napatitig sa text niya. Nakagat ko ang labi. Wala naman sigurong masamang magpatulong? Ang tagal ko nang nakababad sa kasong to tapos may imememorize pa ako.
From: Giovanni Matteo
I'll call.
Agad akong napakunot noo nang makita ang text niya pero bago pa man ako makapag-type ng reply ay tumawag na siya. Hala ka. Bigla tuloy akong nataranta. Sa taranta ko ay sinagot ko agad iyon.
"Hello?" sabi ko pagkapindot ko ng loud speaker. Ang hirap naman kasi kung pany ang hawak ko sa cellphone.
Tumikhim siya sa kabila.
"Which case and what reviewer is that?" tanong niya.
Ngumuso ako at tiningnan yung reviewer ko tapos ay sinabi at in-explain ko sa kanya. Di ko kasi sigurado kung pareho kaminng reviewer kasi ang madalas na binabasa nila yung galing sa frat nina Adolf. Itong akin naman ay mula sa mga naririnig kong recommendation ng iba naming kaklase.
"Medyo naguguluhan din pala ako dun sa isang kaso sa Consti? Pwedeng patulong din?" Nakagat ko ang labi. Dinig ko ang pag-flip ng mga pahina sa kabila.
"Can't find that on mine. VC so you can show me."
"Ha? Video call?"
"Yeah. So I can explain and you can show me."
"E? Kailangan talaga? Naka-data lang ako." Napakamot ako sa aking ulo.
"It's fine. It's just messenger."
Napabuga ako ng hininga at napanguso. Sa huli ay pumayag na lang din ako. Ako na ang tumawag sa group chat namin.
Fuschia Elise Echevarria:
Why VC?
Adolf Fabella:
Yeah
Flynn Josiah Degollado:
Miss mo na kami beadle? Hahaha
Napanguso na lang ako sa mga chat nila. Sasagot sana ako nang biglang nagjoin si Teon. Inayos ko yung cellphone ko at sinandig iyon sa mga codal ko. Kumaway ako sa kanya. Tipid na ngumiti lang naman siya sabay ayos ng reading glasses niya. Sandali akong napatitig sa kanya. Minsan ko lang siya nakikitang mag reading glasses. Mas naging mature siya tingnan.
"Which one?"
Umayos ako ng upo at saka tiningnan ang reviewer ko. Itinapat ko yung sa camera ng cellphone ko.
"Kita mo?" tanong ko.
"Yeah. Just hold it still. I'll read."
"Sige."
Ilang minuto niyang in-explain sa akin yung mga concept na medyo alanganin ako. Sa kabutihang palad, na-gets ko naman. Isinulat ko yung mga explanation na sinabi niya tungkol sa relevance ng doctrine sa kaso. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa isang yun bago ko tinanong yung sa consti pero masaya naman kasi naintindihan ko nang mas mabuti. Ewan ko, talent yata ni Teon yun na i-summarize sa paraan niya yung mga concepts. Pakiramdam ko magaling na teacher ito. Ang galing magturo e.
Fuschia Elise Echevarria:
Can we join na?
Kumunot ang noo ko sa chat ni Fel.
Cassia Farrise Alvedrez:
Oo naman.
Ngumuso ako at bumalik sa pagsusulat. May sinasabi pa si Teon sa screen tungkol doon sa tinatanong ko. Ilang sandali pa ay pumasok na yung tatlo. Nginitian ko lang sila habang seryoso pa ring isinusulat yung mga sinasabi ni Teon.
Buong hapon din kaming naka-video call lang tapos ay nagdi-discuss ng mga past lessons namin. Karamihan si Teon yung nagsisilbing teacher kasi wala namang dudang siya ang pinakamagaling. Para na rin tuloy kaming magkasamang nag-aral. Halos mag-aalas singko na nang matapos kami pero okay lang kasi pakiramdam ko mas magaan na yung mga inaaral ko. Laking tulong talaga ni Teon at ang galing niya sobra.
Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang chat namin.
Giovanni Matteo Escueda:
Hey, study on monday?
Ngumuso ako at tiningnan nag-type ng reply.
Cassia Farrise Alvedrez:
Sige. Ano oras? Sa school na agad?
Giovanni Matteo Escueda:
Yeah. Law lib.
Cassia Farrise Alvedrez:
Sige sige.
Giovanni Matteo Escueda:
See you
~***~
"Oh my gosh! Where the hell did attorney get those questions?!"
Halos manlumo na rin ako sa reklamo ni Fel nang palabas na kami ng classroom. Grabe parang natuyo yung utak ko talaga sa exam. Tapos ang malupit pa ay parang di ko naman na-review yung paraan ng exam grabe. Parang half lang yata ng naging focus ko yung lumabas.
"Damn. Where did she get those questions anyway?" reklamo rin ni Flynn. Napabuga na lang ako ng hininga.
Sana talaga okay na yung sagot ko. Kailangan kong makapasa. Sana makapasa ako.
Humilig si Fel sa balikat ko. Tinapik ko lang ang braso niya sa kabila. "Okay lang yan. Panigurado naman lahat tayo nahirapan," sabi ko.
Ngumuso lang siya. "Not Teon."
Napalingon ako kay Teon na tahimik pa rin. May tinitingnan lang siya sa cellphone niya. Siya lang yata yung napakakalmado rito, e. Sabagay, tama naman si Fel.
Bumuntong-hininga ako. Lumingon naman si Teon sa akin. Nagpang-abot ang mga mata namin. Ngumiti ako sa kanya, ganoon din naman siya.
"Ehem. So, aside from the out of nowhere exam, care to explain why you two guys did not invite us earlier in your study group?"
Halos sabay kaming napatingin kay Flynn na naka-cross arms na at nakatingin sa amin. Bumaling din si Adolf sa akin. Kumunot ang noo ko. Ramdam ko rin ang papalit palit na tingin ni Fel sa akin at kay Teon.
"Yeah, Cass. Why didn't you tell us about that?"
"Ha? Teka, sinend ko sa inyo yun. Sa group chat iyon, e. Kayo nga yung di pumunta kaya."
Agad kong kinuha ang cellphone ko. Napakaimposible naman yatang di nika nakita? Akala ko late lang talaga sila kanina kaya kami na lang ni Teon yung nag-aral.
"If we saw it, we could've been there, Cass." Si Adolf.
Mas lalong nangunot ang noo ko at napatingin pa kay Teon pero hindi namab siya nakatingin sa akin. Teka lang, ang gulo naman?
"Teka tingnan ko," sabi ko na lang saka binuksan ang messages ko.
Akmang bubuksan ko yung group chat namin nang makita ko yung recent chat ko. Napasulyap ako kay Teon tapos ay sa cellphone ko.
Hala siya. PM pala yun? Akala ko sa group chat niya chinat! Personal message niya pala sa akin!
Nakagat ko ang aking labi at alangang napatingin sa tatlong naghihintay ng sagot ko. Tumikhim ako. Hindi pa rin nagsasalita si Teon sa gilid. Tipid ko silang nginitian.
"Uhm sorry...di ko pala na send? Di ko na send yung message ko tungkol sa study out..." Nag-iwas ako ng tingin.
"Oh okay. So why did Teon find out?" Si Fel. Napalunok ako.
"Uhm kami magka-chat kasi may pinapatulong ako..." Ipinaglapat ko ang aking labi.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Totoo naman kasi. Akala ko group chat yun...
Nagkatinginan silang tatlo. Nagkibit-balikat pa si Adolf at ngumisi lang. Binalingan ko si Fel at ako naman ang umangkla sa braso niya.
"Hmm kain na lang tayo?" bulong ko sa kanya. Umungot siya roon.
"Seriously? You're making me fat."
Bahagya akong natawa.
"Yun lang kasi ang nakakapagparelax sa'yo," sabi ko pa. Umirap lang siya at nagsimula na kaming maglakad.
Nauuna sina Adolf at Flynn tapos kami ni Fel at si Teon sa likod. Bahagya ko siyang nilingon at sakto namang nagkasalubong ang mga tingin namin. Dahan-dahan akong bumitiw kay Fel. Sakto namang pumunta rin siya kay Adolf. Pasimple akong tumabi kay Teon at tumikhim.
"What?" Tumingin siya sa akin.
Huminga ako nang malalim. "Bakit di mo naman sinabing pm pala yun? Di mo sinend sa gc?" bulong ko sa kanya.
Sandali siyang tumigil kaya napatigil din ako. Tumingin siya sa akin at kinunutan ako ng noo.
"I thought you knew and I pm-ed you because you were the only one interested in waking up early. Those three are not morning persons." Bahagya siyang tumawa. Napanguso ako at napatingin sa tatlong nasa unahan namin.
Sa bagay, kung may study out kami, late talaga sila palagi. Tapos yung mga study out na yun 9 AM pa ha. Ay nako, kasi naman Cassia titingnan kung kanino na-si-send ang message. Napailing na lang ako at saka bumalik na rin sa paglalakad. Grabe, unang araw pa lang to ha pero ganto na ako kapagod.
Jusko, Cassia, may susunod pa! Kaya mo ito. Kakayanin mo!
Parang hangin lang na lumipas ang mga araw namin. Hindi ko alam kung naging lutang na ako at hindi ko na napansin yung mga araw. Panghuling araw na kasi ng exam ngayon at hindi ko alam kung paano kami naka-survive hanggang dito. Grabe. Sanay naman ako sa puyatan noong college pero hindi ko alam triple yata ang puyat at pagod ko ngayon sa law school.
Napabuga ako ng hininga at saka niyakap ang aking bag.
"You okay?"
Lumingon ako kay Teon at saka tipid siyang nginitian.
"Hmm. Pagod lang," sabi ko.
Nginitian niya lang din ako tapos ay ginulo ang buhok ko.
Sumimangot ako. Namumuro na to sa kakagulo ng buhok ko, e. Di ko alam trip niya, e.
"Last na ito," sabi pa niya. Ngumuso lang ako at saka bumuntong-hininga.
Magkasabay kaming lima papunta ng last exam namin. Ang weird pa nga kasi ang tahimik nina Fel, Adolf at Flynn. Umepekto yata yung midterms sa kanila. Ganoon kagrabe yung puyat na pati yung maiingay ay napapatahimik na lang.
Bumuga ako ng hininga. Si Teon ang nagbukas ng pinto tapos ay sabaya kaming pumasok doon. Nauna lang siya nang kaunti tapos ako. Sa likod ko naman yung tatlo.
Medyo marami na ang mga tao sa loob at halos mapuno na nga yun. Malapit na rin kasi ang time at natagalan kami sa library para sa last minute review namin. Mas nag-aaalala lang kasi si Fel pag maaga kaming dumating kaya sa library muna kami.
Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mga kaklase ko sa amin - lalo na sa akin. Yumuko na lang ako at hindi na lang iyon pinansin. Sa mga nakaraang araw, napansin kong parang grabe yung mga titig nila sa amin pag magkakasama kami o kapag magkasama kamig dalawa ni Teon kasi kami naman yung palaging maaga. Hindi ko alam pero simula naman noong nakasama ko itong apat ay parang nasanay ako sa mga tinginan nila, pero nitong mga nakaraang araw. Ewan ko pero may iba akong nararamdaman sa mga titig nila. Na-a-awkward ako. Parang iba kasi ang bigat ng mga iyon. Tapos kakaiba pa.
Bumuntong-hininga na lang ako at saka umupo na sa usual kong inuupuan. Alam ko naman kung bakit ganyan sila. Sa bigatin ba naman ng mga kasama ko di ba? Talagang magtitinginan ang mga tao. Idagdag pang hindi naman sila ganoon ka- sociable sa iba. Kami kami lang din kasi ang magkakasama kahit kung minsan ay yung mga ka-frat ni Adolf pero sobrang dalang lang.
May mga naririnig nga akong usapan bg mga kaklase ko na gustong gusto raw nilang makausap sina Teon at yung tatlo pero di naman daw nila nakakausap kaya naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang mga titig nila. Ako na lang siguro ang iiwas. Wala naman akong ginagawa sa kanila. Nandito ako para mag-aral. Yung maging kaibigan ko ang tatlo, bonus na yun sa akin. Kahit ganito lang hanggang sa matapos ako sa law school. Okay lang naman, e. Okay naman ako sa kung anong meron ako ngayon. Kontento na ako.
~***~
"Ha? Hindi kayo sasama?" Nakagat ko ang aking labi habang nakatapat ang cellphone sa aking tenga.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Fel sa kabila.
"Sorry na, Cass. We had an emergency family meeting and we needed to meet some relatives. Sina Flynn at Adolf naman may ganaps din. You know naman it's almost campaign period so Flynn's dad is a bit busy. Si Adolf naman need niya pumunta sa mom niya. Teon's with you naman. I'm sure he won't hindi ka niya pababayaan naman."
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Sige. Okay lang. Ingat kayo."
"Wiee thank you! Love you, Cassie!"
"Hmm sige na." Napangiti na lang ako at napailing.
In-end ni Fel ang tawag. Ako naman ay napabuga na lang ng hininga. Napatingin tuloy ako sa ayos ko mula sa maliit kong salamin. Simpleng maong shorts lang at t-shirt ang suot ko tapos doll shoes. Hindi ko alam kung saan kami ni Teon ngayon. Ang plano kasi naming lima manonood ng pelikula so baka yun din ang gagawin naming dalawa? Katatapos lang ng exam namin at gusto nila na mag-unwind naman daw kamo kahit dito lang. Ang labo nga kasi sila yung gustong mag-unwind tapos ang ending kami lang pala ni Teon pupunta. Alangan namang mag-backout din ako di ba?
Nakagat ko ang aking labi. Sinuklay at nilugay ko lang ang hanggang balikat kong buhok. Okay na naman ako. Hihintayin ko na lang si Teon.
Lumabas ako ng kwarto at sa sala na naghintay. Ilang minuto pa ay dumating na rin naman siya. Lumabas na ako agad pagkatext niya sa akin para diretso na kami. Ang hassle naman kasi kung bababa pa siya tapos hihinto.
"Hello!" bati ko pagkasakay ko. Tipid na ngumiti lang siya at saka nagmaniobra na sa manibela.
"Seatbelts please."
Mabilis kong inayos ang seat belt ko at saka prenteng sumandal sa likod ng upuan. Tumingin ako sa labas tapos ay kay Teon.
"Mall tayo?" tanong ko.
Tumango siya. "Yeah. You wanna watch movie right?"
"Hmm okay lang."
"There's a lot of showing right now. What's your type of movie?"
"Wala namang specific. Basta maganda. Ikaw na lang pumili."
"Okay. What else are we gonna do?"
Napanguso ako at napaisip. Ano pa nga ba? Hmm.
"Uhm pasyal sa mall? Sorry hindi ako masyadong maalam sa gala." Bahagya akong tumawa. Di naman kasi ako palagala no.
"It's fine. I'm not an expert too. We can just stroll and eat. Just take our mind off the midterms." Saglit niya akong nilingon at nginitian. Tumango ako.
"Buti pa nga. Pakiramdam ko kasi na deteriorate yung brain cells ko sa exam," reklamo ko. Bahagya siyang tumawa at umiling.
"Yeah right."
Agad na tumaas ang kilay ko at tiningnan siya. "Yeah right? E ang kalmado mo kaya!"
Marahan siyang tumawa, hindi inaalis ang tingin sa harapan. "But it doesn't mean I wasn't exhausted."
Napangiwi na lang ako.
"Parang di ka naman napagod," sabi ko pa. Tinapunan niya lang ako ng tingin tapos ay tipid na nginitian. Umiling pa siya. Napanguso lang ulit ako.
Maaga pa naman at kahit medyo traffic ay hindi naman ganoon ka-stress papunta sa mall. Nag-park lang si Teon tapos ay dumiretso na kami sa loob. Alas nuebe pa lang kaya kabubukas lang ng mall. Wala pa rin masyadong tao sa Cinema.
"Sure ka nood na tayo?" tanong ko sa kanya. Baka kasi kami pa lang ang nandoon, e.
"Yeah. Come on. This one's fun." Tinuro niya iyong isang poster ng isang movie na feeling ko SciFi.
Nagkibit balikat lang ako at saka sumunod na sa kanya papunta sa ticketing booth. Magkahiwalay kaming bayad - syempre kasi ayoko talaga ng nililibre. Sa snacks naman, mapilit siya kaya pinagbigyan ko na basta ako naman lilibre ng drinks niya. Wala naman siyang problema. Madali naman kasi talaga siyang kausap.
"Ticket po."
Si Teon ang nagbigay ng ticket namin doon sa bantay. Tinatakan kami tapos ay pumasok na kami sa loob. Dahil kabubukas nga lang ng mall. Mabibilang lang sa kamay namin ang mga nandoon. Halos mga upuan nga lang ang nakikita ko roon e.
Pumwesto kami ni Teon sa may gitna para kitang kita ang screen. Inayos namin anag mga pagkain at popcorn namin. Prenteng sumandal muna ako sa likod ng upuan.
"Maganda ba ito?" tanong ko.
"I don't know, but it better be." Marahan siyang tumawa. Napangiti at iling na lang ako.
"Alam ko ngayon lang ako nakanood ulit ng sine," kwento ko pa.
"Why?"
Nagkibit-balikat ako. "Di kasi ako palagala. Tsaka sa busy natin sa school, wala akong oras gumala. Yung labas ko pag kasama ko lang kayo."
"Hmm well you should enjoy sometimes. Fel loves hanging around but yeah law school's taking up our time."
Napanguso ako at saka siya binalingan ng tingin.
"Alam mo, ang weird. Silang tatlo yung gustong mag-unwind tapos tayo yung nandito. Ang labo, a."
Tumingin siya sa akin bago tumawa ulit nang marahan. Umiling iling pa siya kaya kinunutan ko ng noo.
"Well I guess events are just wrong timing." Nagkibit balikat siya. Bumuntong-hininga ako at ibinalik ang tingin sa harapan.
Ang tagal naman nito magsimula.
"Ikaw? Di ka busy? Wala kang family affair?" tanong ko ulit.
"Not really. Dad's in the Supreme Court all the time. Mom's not here, so yeah. Those three has their families here doing politics and all, I'm not."
Muli akong napatingin sa kanya. Bahagya pa akong nagulat nang nakatingin pala siya sa akin. Tipid siyang ngumiti at kumuha ng popcorn niya. Ngumuso ako.
"Baka naman maubos mo na yan. Wala pang palabas," sabi ko. Nagkibit balikat lang ulit siya at marahang tumawa.
Napabuga ako ng hininga. Ilang sandali pa ay nagsimula na rin ang palabas. Umayos ako ng upo.
"This really better be good." Narinig ko pang sabi ni Teon. Natawa ako at nilingon siya. Nagkibit balikat siya pagkakita sa akin at binaling na rin ang tingin sa harap.
Sana nga maganda to no. Sayang yung ticket, ang mahal pa naman.
Bale dalawang oras yung palabas kaya saktong paglabas namin ay patanghalian na rin kaya nagdesisyon kaming kumain na lang din. Sobrang tagal pa naming nakapagdecide kung saan kakain. Kasi naman, itong si Teon ayaw paawat. Gusto niyang siya magbayad edi naghanap ako ng murang kainan. E ayaw naman niya sa fastfood!
"Ugh. Come on, can we just head to that restaurant. I'm really hungry," reklamo niya pa.
Ngumuso ako at bumaling sa kanya. "KKB tayo," sabi ko.
Agad na nangunot ang noo niya. "What?"
Muntik pa akong mapairap. Ano ba yan! "Kanya kanya bayad!"
"Ohh. Hey, come on. I said it's on me! It's just food, Cass!"
"Ayoko nga nang nililibre." Sumimangot ako. Ang kulit naman kasi, e.
Napabuga na lang siya ng hininga. "Fine. Let's have a deal. You buy meryenda, I'll buy lunch," pinal na sabi niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata. Seryosong seryos naman siyang nakipagtitigan. Sa huli ay bumuga na lang ako ng hininga at saka pumayag na. Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya.
"Okay, let's go then!" sabi pa niya at agad na tumalikod, nagmamadaling maglakad papunta sa resto.
Napailing na lang ako at saka sumunod na rin. Hindi ko alam kung paano ko nasikmurang kumain doon kahit na lulang lula ako sa presyo. Napapangiwi na lang talaga ako. Sinubukan ko namang orderin yung pinakamura kasi nakakahiya pero itongn makulit na si Teon dinagdagan ba naman. No choice tuloy ako kundi ubusin pa rin yun. Syempre ayokong masayang yun no! Ang hirap kaya kumita ng pera.
"Pili ka lang anong gusto mong merienda! Kahit ano!" sabi ko pa pagkalabas namin ng resto.
Agad niya akong sinimangutan.
"We just ate, Cass," sabi niya pa.
Napairap ako. "Oo na. Pero meryenda mamaya ha," paalala ko. Tumango tango naman siya.
Huminto kami sa paglalakad. Saktong nasa gitna kami ng mall at saka nilibot ang tingin.
"Saan tayo?" tanong ko. Nilibot niya rin ang mga mata. Para tuloy kaming tanga rito na nililibot ang paningin sa buong mall.
"How bout that?"
Sinundan ko ng tingin ang kamay niya. Timezone. Nilingon ko siya at pinaningkitan. Ipinagkuros ko pa ang aking mga braso.
"Laro tayo? Ang matalo may consequence." Ngumisi ako sa kanya. Tumaas ang kanyang kilay at sinuri ako ng tingin.
"Really, huh? You're that confident?" nakangising tanong niya.
Pinantayan ko rin ang tingin niya. "Expert ako sa timezone!" pagyayabang ko.
Mas lalo siyang ngumisi at saka bahagyang tumawa.
"Okay, Alvedrez, let's see how good you are."
Pinaningkitan ko siya. Tumawa lang ang loko at saka ginulo ang buhok ko. Sumimangot ako. Hinila niya naman ako papasok sa timezone. Huh! Humanda ka ngayon!
~***~
Inis na tiningnan ko ang nakatawang si Teon. Ang saya niya lang habang kumakain ng ice cream.
"So, I thought you're a legend in timezone?" nakangising tanong niya habang kumakain ng ice cream. Mas lalo akong sumimangot sa kanya at mas lalo naman siyang tumawa.
Itong isang to! "Isang point lang kaya lamang mo!" sabi ko pero tinawanan niya lang ako at saka ginulo ang buhok ko.
"You're cute."
Ngumuso ako. "Ewan ko sa'yo."
Tumawa na naman siya.
"Chill out. Let's get fries. Come on." Bahagya akong nagulat nang inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad palayo sa ice cream stand.
"Akala ko ba ayaw mo ng oily?" tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya, nakangisi pa rin.
"Yeah but I can eat sometimes."
"Labo mo rin."
"Mas malabo ka. I thought you're good in timezone." At tumawa na naman siya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Mapang-asar din pala ang isang to. Minsan talaga yung mga tahimik may tinatago ring kulit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top