Chapter 7
"Tuloy tayo? Ngayon?" Inipit ko sa aking balikat at tenga ang aking cellphone habang inaayos ko yung mga gamit ko sa banyo.
Kabibili ko lang kasi ng mga bagong toothpaste, shampoo at kung ano ano pa kaya inaayos ko sa sink. Nang matapos ko nang ayusin yung mga gamit ko ay kinuha ko yung mga wala ng laman at nilagay na iyon sa plastic na basurahan ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at hinawakan na yun gamit ang kaliwang kamay ko.
"Yep! Please? Okay lang ba. Sorry for the short notice, Cass!" Napabuntong hininga ako at napailing.
Naiimagine ko kasi na ngumunguso si Fel. Lumabas ako ng banyo at saka tumungo na sa kusina. Tiningnan ko ang wrist-watch ko. Mag-aalas otso pa lang naman. Siguro kaya pa? Makakapag-multitask din ako. Mamayang tanghalian pa naman, e.
"Hmm sige. Sige. Sakto naman at may stock ako sa ref."
"Yey! Thank chuu, Cass! We'll be there at twelve! Gosh I miss your cooking!"
Bahagya akong natawa at napailing na lang. "Sige na."
"Okay! Bye! Labyoo, Cass!"
In- end ko na ang tawag. Hay. Ang kulit talaga ng babaeng iyon. Bumuntong-hininga ako at nilagay ang cellphone ko sa may lamesa. Tinungo ko ang ref at kinuha yung karne na gagamitin ko. Kare-kare ang lulutuin ko sa kanila. Ibinabad ko muna sa tubig yun para lumambot tapos ay hinanda ko na ang mga sahog.
Kinuha ko na rin yung mga gamit ko at pinuwesto sa may dulo ng lamesa. Hiniwa ko na lahat ng mga dapat hiwain tapos ay nag-init na rin ako ng kawali. Nang nailagay na niya lahat ng mga sahog sa kawali ay saka ko naman binalingan yung mga babasahin ko. Hininaan ko lang yung kalan tapos ay umupo na ako sa may dining para magbasa. May date na ang midterms namin kaya kinakabahan ako.
Palala nang palala yung mga araw namin sa totoo lang. Kaya siguro stress na stress yung si Fel. Kasi naman stress eater yung isang yun, e. Kaya panay naman ang kain namin nitong nakaraang araw. Syempre siya yung pinakagrabe kumain. Sinasamahan lang namin siya. Kaya rin siguro nag-request yun na ngayon ko na lang sila ipagluto. Stress na stress na yun sa StatCon. Yun kasi palagi niyang nirereklamo.
Ang hirap naman kasi talaga. Lahat ng subjects namin mahihirap pero hindi ko alam kung bakit triple yung statcon sa akin kaya ramdam na ramdam ko talaga si Fel.
Napabuntong-hininga na lang ako at saka itinuloy ang pagbabasa ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kunot noong tiningnan ko iyon. Sinulyapan ko pa ang niluluto ko bago tuluyang binuksan yung message ni Teon.
Bakit nga ba nag-text ito? Madalang kasi ito mag-text, kadalasan talaga ay tumatawag siya.
From: Giovanni Matteo
On my way to your apartment. Just gonna park in Clarke.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa iyon. Bigla pa akong napatayo. Hala siya.
Tiningnan ko ulit ang text niya. Nasa Clarke pa naman daw siya so baka -
"Cassia?" Namilog ang mga mata ko nang marinig iyon. Sinundan pa iyon ng katok.
Hala siya!
Madaling tumakbo ako sa pinto at binuksan iyon.
"Teon!" gulat na sambit ko. Napalunok pa ako nang makita siya. Naka t shirt na puti lang siya tapos itim na shorts at saka converse na sapatos. May sunglasses din na nakasabit sa kanyang neckline.
Agad na kumunot ang kanyang noo. Napatingin pa ako sa kaliwang kamay niyang may dalang supot.
"Anong ginagawa mo rito nang ganito kaaga? Saka ano yan?" Kinagat ko ang aking labi..
Tiningnan niya ang kaliwang kamay tapos ay nagkibit-balikat.
"Bored. Might as well come early. These are snacks. Fel told me to buy some." Nagkorteng o ang labi ko at saka tumango. Nakakunot pa rin ang noo niya. "Uhhh can I come in?"
Doon ako bahagyang nagulat ulit. Muntik ko nang matampal ang sarili kong noo. Agad akong nagkagat labi at saka umatras.
"Sorry. Pasok ka." Napakamot ako sa aking ulo.
Mabilis din siyang pumasok. Siya pa nga ang nagsara ng pinto. Gumilid na lang ako. Narinig ko pa siyang bahagyang tumawa pagkalapag ng supot na hawak niya sa couch.
"You look tensed. Why is that?" Humarap siya sa akin, nakangiti na.
Awkward na ngumiti ako at napakamot ulit ng ulo.
"Sorry. Nagulat lang talaga ako sa maagang pagdating mo, e. Akala ko kasi lunch..." Ngumuso ako.
Narinig ko siyang bahagyang tumawa. "Sorry. Just really bored." Nagkamot siya ng ulo.
Napanguso ako. "Uhm nagluluto ako, e. Okay ka lang ba diyan? Baka ma-bored ka?" nag-aalangang tanong ko.
Ngumiti lang siya. "It's fine. Do your thing. I'll just read."
Bumuntong-hininga ako at tumango na rin. Nag-aalangan akong iwan siya roon pero sa huli ay iniwan ko rin siya kasi baka masunog yung kare-kare ko. Agad na sumalubong nag usok sa mukha ko ang alisin ko ang takip ng kawali. Kumuha ako ng kutsara tapos ay tinikman iyon.
Napatingin ako kay Teon na nagbabasa lang sa may couch. Nakagat ko ang aking labi. Gusto ko sanang ipatikim sa kanya kasi baka di niya magustuhan?
Ano ba naman yan, Cassia. Lumunok ako at saka sinulyapan ulit siya.
"Something wrong?" Muntik na akong mapatalon nang magsalita siya at nagsalubong ang mga mata namin.
Lumunok ulit ako at ipinaglapat ang aking labi. "Uhm ano kasi..."
Ano ba yan! Nakakahiya!
"What is it, Cass?" Kumunot ang noo niya at tumayo na rin.
Napabuga tuloy ako ng hininga. "Uhm. Pwedeng tikman mo? Baka kasi hindi okay sa'yo?"
Ngumuso ako. Sandali pa siyang tumitig sa akin tapos ay ngumiti. E? Anong meron?
Lumapit siya sa akin at kinuha yung hawak kong kutsara. Napaawang pa ang labi ko nang nilagyan niya iyon ng sabaw mula sa sandok tapos ay tinikman iyon. Nakagat ko ang aking labi habang pinagmamasdan siya.
"O-Okay lang ba?" nag-aalangang tanong ko.
Hindi siya agad nagsalita. Sa halip ay tumango-tango siya tapos ay tumingin sa akin at ngumiti.
"It's good. Just like the last time. Fel will love it. I love it." Nagkibit-balikat siya at saka binigay sa akin ang kutsara.
Napabuntong-hininga na lang ako. Narinig ko pa siyang bahagyang tumawa.
"Bakit?" takang tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "Nothing you're just cute."
"E? Conscious lang ako no. Baka mamaya di niyo gusto."
"Well, Fel is not that choosy. And besides, natikman na naman niya ang luto mo." Ngumuso ako. Bahagya pa akong nagulat nang guluhin niya ang buhok ko. "Chill, Cass. It's really great," sabi pa niya.
Napabuga na lang ulit ako at tumango.
"Salamat. Sana nga."
Tumawa siya at umiling. "You're paranoid. It's great." Ngumiti siya sa akin. Tipid na lang din akong ngumiti. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa akin. "You know what? I can help you. I mean if you want assistance or anything."
Kumunot ang noo ko at tinitigan siya. Nagkibit-balikat lang siya at saka ngumiti. Bumuntong-hininga ako at nagkibit-balikat lang din.
"Okay. Uhm, tapos na rin naman iyan, e. Hmm bale, takpan na lang natin ng foil tapos mag sa-salad ako," sabi ko. Magbi-vegetable salad din ako para sa side dish namin.
Unang beses kong gumawa noon pero alam ko naman kung paano. Kasi naman no, mga health conscious ang mga kasama ko. Saka gusto ko rin subukan.
"I'll hold that," sabi ni Teon. Binigay ko sa kanya ang tupperware tsaka ko niligpit muna yung gamit ko.
Nilagay ko lang muna yung gamit ko sa may sofa tapos ay binalikan siya.
Kinuha ko yung tupperware at nilagay sa lamesa. "Uhmm ikaw na magbuhos?" tanong ko.
Agad naman siyang tumalikod at kinuha yung kawali. Binuhos niya iyon sa tupperware habang ako naman ay kinuha yung foil. Sinulyapan ko ang aking wristwatch. Mag- aalas onse pa lang naman. Siguro mga quarter to twelve pa naman darating sina Fel.
"Give me that. I'll help you." Inabot niya ang hawak kong foil at siya na mismi ang nagtakip ng tupperware. Tinulungan ko lang siya g ayusin yung mga gilid.
"Teka, magsa-salad lang ako," sabi ko at kumuha ng isang bowl.
Binuksan ko ang ref nang mapatanga ako. Hala ka, Cassia. Wala ka nga palang pang-salad! Napasapo na lang ako sa aking noo. Wala nga pala akong ingredients na pang salad! Kasi naman ngayon lang ako gagawa. Nakalimutan ko pa kanina. Ano ba naman yan.
"Hey, anything wrong?"
Bumuga ako ng hininga at nilingon si Teon. Nakagat ko ang aking labi at sinara na lang ang ref. Lumapit ako sa kanya at nilagay ang hawak kong bowl sa tabi ng tupperware.
"Wala akong ingredients ng salad. Kailangan ko pang bumili," sabi ko at nagkagat labi. "Okay ka lang ba rito? I mean, okay lang sa'yo maiwan dito mag-isa?"
"Oh. Uhm. Can I just come? I mean, the mall's just near and maybe I can help you."
"E? Sure ka?"
"Yeah."
"Ohh okay. Sige." Ngumuso ako at tumalikod na. Madaling kinuha ko lang yung pitaka at susi ko sa kwarto tapos ay binalikan siya. "Tara?" aya ko.
Nauna akong lumabas tapos ay nakasunod siya. Dalawang beses kong chineck yung pinto bago tuluyang bumalik sa kanya.
"Should I get my car?" tanong niya pa habang nasa gilid kami ng kalsada.
Tumingin ako sa kanya at umiling.
"Nako, wag na. Uhm mag-jeep na lang tayo? I mean kung okay lang sa'yo? Hassle na kasi sa'yo kung kukunin mo pa? Okay lang ba?"
"No problem with me." Nagkibit-balikat siya. Napangiti na lang ako at saka tumango.
Sakto naman at may paparating na jeep. Pinara ko iyon at agad na tiningnan si Teon. Nakatitig lang siya sa papahintong jeep na medyo puno na.
"Wait, are we go-"
"Oo tara na!" Mabilis kong kinuha ang kamay niya at hinila na siya papasok ng jeep. Nakasunod siya sa likod ko habang hawak ko pa rin ang kamay niya. "Excuse me po," ani ko at umupo doon sa may bakanteng space. Umusog ako at binitiwan na ang kamay niya. Tinapik ko ang katabi ko. Nag-aalangan man ay umupo na rin siya.
"Okay ka lang?" tanong ko. Tipid na ngumiti lang siya at saka tumango. Napangiti lang din ako. "Ang cute mo rin," sabi ko. Mataas kasi siya at medyo mababa yung jeep kaya para siyang batang nakayuko roon.
"Tss. Seriously?" Bahagya siyang natawa. Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang tawa. Napailing na lang ako.
~***~
"First time mong sumakay ng jeep no?"
Tumawa lang si Teon at saka dumiretso na sa may mga malalaking pushcart. Natawa rin ako. Kinuha niya yung isang pushcart at nagsimula nang magtulak. Nakasabay ako sa kanya. Napailing ako.
Halata namang first time niya, e. Noong may nag-abot ng bayad sa kanya parang hindi niya alam ang gagawin niya kaya ang ending kinalabit niya pa ako. Tapos noong pinausog ko siya kasi bakante na yung upuan sa kabila niyang tabi ayaw niya pa. Pinagtinginan pa kami ng mga tao noong medyo tumaas ang boses niya kasi di niya raw ma-gets kung bakit kailangan umusog. Tapos nauntog pa siya noong pababa kami. Ang taas niya naman kasi. Tsaka di na rin ako magtataka kung first time niya iyon kasi sa lifestyle nila impossible talagang nagko-commute sila no.
"You really find it amusing that it's my first time, huh?" sabi niya bigla.
Bahagya ulit akong natawa. Tiningnan ko siya.
"Oo. Bihira sa tulad mong pumayag sumakay sa ganoon no."
"Nah. I'm game for anything. There's always a first time plus it was fun." Nagkibit- balikat siya.
"Fun yung makipag-argue kung bakit uusog?" asar ko.
Agad naman siyang tumigil at humarap sa akin.
"Oh, come on. I just don't get the point okay? Why can't you just be on your seat?" namomroblemang tanong niya. Mas natawa ako. Tinapik ko siya sa balikat.
"Oo na. Oo na. May point ka naman. Pero yun yung nakasanayan pag sumasakay ng jeep. Halika na nga!" Tinulungan ko siyang magtulak ng push cart. Narinig ko pa siyang may binubulong tungkol doon sa jeep. Natawa lang ulit ako.
Ang cute naman ng isang to.
Tumigil kami sa mga vegetable rack. Kumuha ako ng mga kakailanganin ko. Di ko alam kung anong klaseng salad ang gusto ni Fel pero mahilig naman iyon sa gulay so okay lag siguro tong recipe na napili ko.
"So you make salads too, huh?" Dinig kong sabi ni Teon.
"Hmm. First time ko nga, e. Hindi naman ako nagsa-salad."
"Well, I know you're great and for sure, Fel's gonna love that. She's a big fan of your cooking. So, really, no need to worry."
Nilingon ko siya ay nilagay ang mga kinuha ko sa push cart. Nakatukod ang dalawang siko niya sa may handle ng push cart. Ngumuso ako.
"Tagal na kayo magkakilala nina Fel?"
Ewan ko kung bakit yun yung natanong ko. Napansin ko kasing sobrang close nilang apat. Hindi naman namin napapag-usapan masyado yung mg personal na buhay kasi pag magkasama kami, puro kaso at professors yung usapan.
"I'm neighbors with Flynn. He's friends with Adolf and Fel's like with Adolf ever since they started walking." Nagkibit-balikat ulit siya.
Tumango ako at saka naglakad na papunta sa ibang rack. Naramdaman ko rin siyang sumunod.
"What about you? Are we your only friends?"
"Hmm. Oo. Wala naman akong ibang kasama, di ba?" Nginitian ko siya. Ngumiti lang din siya pabalik.
"Well, I'm glad you're part of us, too."
"Salamat. Ako rin naman."
~***~
"Wait, should I put the tomatoes here?"
"Huh? Uhm oo, tama. Tama. Teka. Ito muna tapos yung kamatis."
"Okay. Okay. Got it."
Napangiti ako at napatitig kay Teon. Ang cute niya lang tingnan sa ginagawa niya. Bumuntong- hininga ako at saka nilinis na yung mga kalat namin habang siya ay seryosong seryoso na nagpi-plating. Di ko nga alam kung bakit naging perfectionist siya bigla doon sa salad.
Napailing na lang ako. Tinipon ko yung mga kalat tapos nagpunas ako ng lamesa. Sabay pa kaming napalingon nang may kumatok sa pinto. Sinundan iyon ng tili ni Fel sa labas. Nagkatinginan kami.
"Ako na," sabi ko at ngumiti sa kanya. Tumango lang siya tapos tinuloy yung ginagawa niya.
Tumuloy ako sa pinto at binuksan iyon.
"Cass!"
"Hey beadle!"
Halos matawa ako nang sabay na nagsalita sina Fel at Flynn. Si Adolf naman tatawa tawa lang sa likod. Bumeso sa akin si Fel tapos ay pumasok na.
"Did Teon brought snacks?" tanong pa ni Fel.
"Uhm oo."
"Okay. Good."
"What the heck bro, you a chef now?" Sabay kaming napalingon sa may kusina nang sabihin iyon ni Flynn. Sinundan iyon ng kantyaw ni Adolf at sabay pa silang dalawa na lumapit kay Teon.
"Tss. Get off, Flynn." Rinig na rinig ko ang pagkairita sa boses ni Teon.
Natawa ako lalo na noong pinagtripan at inasar na naman siya ng dalawa.
"Di mo naman sinabing may inner chef ka pala, bro." Tumawa si Flynn. Sinakyan naman iyon ni Adolf kay mas lalong nainis si Teon sa kanila.
So ang nangyari bago kami nakapagtanghalian ay nag-asaran muna sila. Muntik na nga kaming ma-late sa klase kasi nga inaasar pa rin nila si Teon sa pagsa-salad nito.
"Well I guess the salad worked, bro. I wasn't roasted!" pahayag pa ni Flynn habang pababa kami ng Law Building. Humalakhak si Adolf. Si Teon naman ay inirapan sila.
Di ba? Hindi pa rin sila tapos sa salad. Napailing ako. Humilig naman si Fel sa akin. Nakaangkla kasi siya sa braso ko at nauuna kaming maglakad sa tatlo.
Si Flynn yung nag-recit at swerte siya kasi hindi siya tinusta ni Atty. Good mood na pumasok kasi panalo raw yung kaso kaya yan, good news din sa amin.
"Tingin mo titigilan nila si Teon sa salad?" tanong ko kay Fel. Bahagya siyang tumawa at saka umiling.
"It'll take years, probably. You know those guys naman. They're all for teasing and the likes."
Sabagay, tama naman siya. Nagkibit-balikat na lang ako at saka nagpatuloy sa paglalakad. Tumigil kami sa may bukana ng parking lot.
Humarap ako sa kanila. "Uwi na kayo. Okay lang ako," sabi ko.
"What? You sure, Cass?" Tinanguan ko lang si Fel.
Tiningnan ko ulit ang tatlo. Lumapit si Teon sa akin.
"I'll walk you home. I left something." Kumunot ang noo ko sa kanya at akmang magtatanong pa nang mauna na siyang maglakad. Mabilis akong tumingin kay Fel.
"Ano yun?" takang tanong ko pero sa halip na sumagot ay pinaningkitan niya ako ng mata tapos ay ngumisi sa akin. Mas lalo tuloy akong nagtaka.
Hala siya, ano na namang trip nitong isang to?
"Why don't you ask him kaya, Cass?" makahulugang tanong niya pa tapos ay tumingin sa dalawa.
Nang lumingon ako sa dalawa ay mga nakangisi na rin sila. Umawang ang labi ko at napakamot ako ng ulo.
"Ano ngang meron?"
"Cassia, let's go!" Sabay kaming napatingin kay Teon na medyo malayo na pala. Ang bilis naman ng isang iyon.
Narinig kong tumawa si Flynn. "Have a great night, beadle. See you tomorrow!"
"Yeah, Cass, see you tomorrow na. Bye!" Si Fel.
"Huh? Uy teka bakit-"
"Good night, Cass. Puntahan mo na yung isa. Baka pumutok na yun sa inis." Si Adolf sabay akbay kay Fel.
Magsasalita pa sana ako nang tumalikod na silang tatlo at kumaway sa akin. La sila. Ang lalabo talaga nila minsan, e.
Napailing na lang ako at bahagyang tumakbo na papunta kay Teon. Kunot pa rin ang noo niya at mukhang inis pa rin. Sabay kaming naglakad. Hindi siya nagsalita. Hindi ko na rin ginambala kasi baka mas lalong mainis. Pero nagtataka ako kung anong naiwan niya e wala naman siyang dalang gamit kanina. Tsaka yung damit niya kanina nasa sasakyan niya. Ay ewan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top