Chapter 42
After two years...
"You're having that long face again."
Agad akong nag- angat ng tingin nang marinig ang sinabi ni Teon. Kinunutan ko siya ng noo.
"Ha? Anong face?"
Bahagya siyang tumawa at saka umiling. Lumapit siya sa akin. Nasa kama kasi ako at nakasandal sa headboard habang nakapatong sa hita ko ang aking laptop. Siya naman ay nasa may study table kanina at may ginagawa rin. Hindi ko na yata napansin ang paglapit niya dahil sa sobrang seryoso ko sa binabasa ko. Tumabi siya sa akin at ipinasok ang lower body niya sa comforter. Niyakap niya ako mula sa gilid at ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking balikat. Napapikit na lang din ako.
"What case?" tanong niya pa. Bumuntong-hininga ako.
"Rape Case."
Naramdaman ko ang paggalaw niya at ang pag-ayos niya ng upo. Nakapulupot pa rin ang kanyang kamay sa aking bewang.
Dumilat ako at bumuntong-hininga. Tinabi ko muna ang aking laptop tapos ay hinarap siya. Sumandal na rin siya sa headboard tapos ay hinila ako papunta sa kanyang dibdib.
"It's been two years since you handled crimes against persons," aniya. Napabuntong-hininga na lang ako. Yumakap ako sa kanya at ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. Tama siya. Two years na ang nakalipas nang huli akong makatanggap ng crime against persons na mga kaso. Ang huli ko ay Homicide na nag-plea guilty naman. Pagkatapos noon wala na ulit. Kadalasan, against property na ang mga hinahawakan ko. Tapos ito.
Ewan, hindi pa rin talaga ako nasasanay humawak kahit na may nahawakan na rin naman akong mga ganitong kaso noon. Ito ang pinakamahihirap na kaso para sa akin. Nakaka-drain.
"Malaking kaso. Involve ang mga Villamontero," sabi ko. Para siyang natuod sa kanyang kinauupuan. Agad naman akong kumalas sa yakap at saka tiningnan siya.
"Complainant is the daughter of Judge Castilleja."
Kumunot ang noo niya. "The first grandson's girlfriend? Who's the defendant?"
Bumuntong-hininga ako. "Iyong tatlong abogado. Prince, Than and Perth Villamontero. Si Caleiah Castilleja ang complainant."
Umawang ang bibig nyia at bahagyang napabalikwas pa ng upo. "What the hell?"
Napabuga uit ako ng hininga at napatango na lang. Kinakabahan ako sa totoo lang. First time kong mag-handle ng multiple defendant tapos malalaking pangalan pa.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Should we get bodyguards already?" tanong niya pa. Nakagat ko ang aking labi. Tumabi ako sa kanya at humilig sa kanyang balikat.
"Kailangan ba iyon?"
"Tss. You know the Villamontero's reputation. And I won't be there with you always. Hindi ako makakampante, Cassia." Ngumuso ako.
"Hindi ba kakilala ng mga Villamontero ang partners ng GM? Baka sa inyo kumuha ng Defense Attorneys," nag-aalalang tanong ko.
Bukod sa mga beterano na, si Teon ang isa sa mga inaasahan sa firm. Kadalasan ng mga malalaking kaso ay sa kanya napupunta. Nakakatakot lang ang posibilidad nab aka kunin siyang abogado ng kabila. Lantaran ang mga tactics na ginagawa ng mga Villamontero sa mga kaso pero sadyang malinis gumawa at walang ebidensya, malakas din ang kapit at maimpluwensya kaya hindi rin sila nahuhuli. Naiintindihan ko rin kung bakit natatakot si Teon.
Umakbay siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Doubt that. They have their special Attorneys, Cass. They'll represent them for sure," sagot niya. Huminga ako nang malalim. "I'm on another case. This will take a while so don't worry," dagdag niya pa. Nakagat ko na lang ang aking labi. Tiningala ko siya.
Nagkatitigan kami. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka inalapit ang mukha niya sa akin. Napapikit na lang ako nang magtagpo ang mga labi namin. Napakapit ako sa kanyang batok nang pahigain niya ako at patungan. "I love you," sambit niya sa gitna ng halik bago pinalalim iyon.
~***~
Dahil may kanya-kanya kaming mga kaso ni Teon ay hindi kami madalas magkasama at pokus kami sa kanya-kanyang kaso. Sobrang gulo sa kampo ng mga Castilleja. Sobrang nag-aalala rin si Teon sa akin pero nang sabihin ko sa kanya kung gaano kahigpit ang security detail ng mga Castilleja, medyo nag-lie low naman siya pero maya't maya pa rin ay tumatawag.
Hindi naging madali ang kaso ng mga Castilleja pero salamat sa Diyos at nairaos ko naman iyon sa tulong na rin ng pamilya ni Caleiah. Her sister, Cairish, was as determined as I am.
"I'm so proud." Napanguso ako sa sinabi ni Teon. Hinapit niya ako ng yakap. Ibinaon ko naman ang aking mukha sa kanyang dibdib. Nasa kwarto kami ngayon at nagyayakapan sa gitna.
Kanina lumabas ang hatol sa mga Villamontero. Sumama siya sa akin at dahil nanalo kami ay kumain muna kami sa labas. Bumalik kami ng trabaho after noon tapos ay sinundo niya ako at sabay na kaming umuwi rito.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. Tiningala ko siya. Nakangiti siya sa akin. Napapikit na lang ako nang halikan niya ako. Ikinawit ko ang aking dalawang kamay sa kanyang batok. Saglit na inilayo niya ang mukha niya at ipinagdikit ang aming mga noo. Ngumuso ako. Ngumisi naman siya. Ang dalawang kamay niya ay nakapulupot pa rin sa aking bewang.
"I think I wanna have a vacation again. I miss kissing you like this."
Nakagat ko ang aking labi at tinampal siya sa dibdib. Tumawa naman siya at niyakap lang ulit ako nang mahigpit.
"Hmm. Clear na schedule mo bukas ha," sabi ko.
"Uhuh. Clarke Reunion. Tss. Do we really need to go there?"
Umirap ako.
"Oo nga. Wag nang makulit. Pupunta tayo. Nakapangako na kaya tayo."
"Tss. Fine." Mas hinigpitan niya ang yakap. Napailing na lang ako.
Wala akong trabaho kinabukasan dahil Sabado. Si Teon ay kinailangan pang pumunta sa opisina nila. Wala naman akong ibang lakad maliban sa reunion mamayang gabi sa Clarke kaya ako na ang nagprisintang kumuha ng suit niya at damit ko sa designer. Ayaw ko na nga sanang magpa-designer pa pero nagpumilit siya at saka kasagsagan ng kaso ng mga Castilleja iyon kaya hinayaan ko na lang siya.
Naghahanda ako ng mga gamit ko para umalis nang biglang mag-ring ang telepono ko. Kunot noong tiningnan ko iyon.
Si Fel.
Napangiti ako at sinagot agad ang face time niya.
"Fel!" excited na sagot ko.
Bumungad naman sa akin ang nakanguso niyang mukha. Natawa pa ako sa kanya.
"I'm irritated that I cannot be in the reunion," sabi niya pa. Kitang kita kong nakahiga siya sa kanyang kama at madilim pa ang paligid. Kinuha ko ang aking bag at saka naglakad na palabas ng kwarto.
"Bakit kasi na-cancel iyong flight mo," sabi ko pa kasi dapat uuwi na siya last week pero na-move na naman dahil sa kung anong bagay.
Nakaharap sa akin ang cell phone ko habang pababa ako. Kinawayan ko na lang din sina Manang tapos ay lumabas na ako ng bahay. Ihahatid ako ni Mang Mando, driver ni Teon, na iniwan niya talaga para sa akin.
Sumakay na ako sa kotse habang kausap pa rin si Fel.
"Kainis nga kasi, e." Nailing ulit ako.
"Okay lang iyan, sure na naman iyan next week, di ba?" sabi ko pa.
Tumango-tango siya.
"Enjoy na lang siguro kayo." Sumimangot siya.
"Hmm. Oo sabihan ko si Adolf." Agad na nag-iba ang mukha niya.
Napakagat – labi tuloy ako. "Sorry," sabi ko.
Bumuntong-hininga naman siya tapos ay yumuko. Nabalot kami ng katahimikan.Na-guilty tuloy akong binanggit ko pa si Adolf. Ano ba naman kasi iyan, e.
"Uhmm hindi ko alam kung anong meron sa inyo, pero sure naman akong magkakaayos kayo," sabi ko pa.
Doon siya tumingala tapos ay ngumiti sa akin. "Thanks." Tipid na ngumiti lang din ako. "Where are you going pala?" tanong niya pa at kumunot ang noo.
"Sa designer. Pi-Pick-up-in ko yung damit namin ni Teon para mamaya."
"Ohh. Okay." Ngumuso siya. "So nakakainis talaga."
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Nag-rant pa muna siya sa akin bago siya magpaalam at matutulog na ra. Hay nako, na-miss ko na naman tuloy siya.
Bandang alas-dos nan ang makarating ako sa designer ni Teon. Hindi rin naman ako nagtagal at pagkakuha ko ay umalis na rin ako agad. Bago umuwi, pumunta muna ako sa sementeryo para dalawin si Caeon. Hindi pa namin nalaman kung anong gender niya kaya pumili kami ng pang uni-sex na pangalan na lang.
Bumuntong-hininga ako at saka inilagay ang bulaklak na dala ko sa tabi ng kanyang lapida. Umupo ako sa damuhan at nilinis ang mga patay na dahon sa paligid niya.
"Sayang, 2 years old ka na sana." Malungkot akong napangiti at hinagod ang lapida. Bumuntong-hininga ako at saka tinitigan lang ang lapida. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig lang doon hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi ng isang malamig na hangin sa aking katawan. Inayos ko bulaklak sa kanyang lapida bago ako tuluyang tumayo at umalis na rin doon.
Nasa bahay na si Teon nang dumating kami. Nasa sala siya at nagbabasa ng magazine.
"Hi," bati ko sa kanya at tumabi sa kanya. Hinalikan ko siya sa labi. Kumunot ang noo niya.
"Nagpunta ka rawng sementeryo?" tanong niya pa.
Ipinaglapat ko ang aking labi at saka tumango. "Na-miss ko lang siya," sabi ko. Bumuntong-hininga naman siya at tumango. Inakbayan niya ako tapos ay hinalikan sa gilid ng ulo.
"I miss our baby, too," paos na sambit niya. Huminga ako nang malalim. Nagkatitigan kami Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa maglapat ang aming mga labi.
Napapikit ako. Akmang lalaliman na niya ang halik nang agad ko siyang tinulak.
"What?" salubong ang kilay na tanong niya pa.
Pinaningkitan ko lang siya. Tinaasan niya pa ako ng kilay tapos tiningnan ang paligid. Ngumisi siya sa akin at agad na tumayo. Hinila niya ako agad papunta sa itaas. Napaawang na lang ang labi ko at inirapan siya. Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Kainis naman!
~***~
"Cognratulations!"
Napaawang ang bibig ko at napahinto kami ni Teon sa bukana ng auditorium nang bigla na lang kaming sinalubong ng palakpakan at hiyawan. May kasama pa iyong standing ovation sa mga tao. Agad kong nilingon si Teon. Halatang nagtataka rin siya sa mga nangyayari dahil nakakunot din ang mga noo niya. Napalingon lang kami nang lumapit sa amin sina Flynn at Adolf.
"Anong meron?" tanong ko.
Nagkatinginan pa silang dalawa tapos at sabay na nagkibit – balikat.
"We're celebrating every successful lawyer of the batch." Si Adolf ang sumagot. Napanganga na lang ako at inilibot ang tingin sa buong auditorium.
Kitang kita ko roon ang mga batchmates namin noon. Nakangiti silang lahat. Medyo late na kaming nakarating kasi ang tagal naming nagising kanina kaya punuan na talaga sa auditorium. Akala ko nga nagsisimula na sila, e. Tapos ito na nga.
"Don't worry, bro. Nag-grand entrance din kami kanina." Tumawa si Flynn.
Napairap na lang ako at napailing. Binalingan ko si Adolf. "Congrats sab ago mong trabaho," sabi ko at inabot ang kamay ko sa kanya.
Umiling lang siya tapos ay nakipagkamay rin sa akin. Makakasama ko na rin kasi siya sa Prosecutor's Office. Ngumisi siya sa akin at tumango.
"Damn you two are indeed Clarke's power couple." Si Flynn.
Kinunutan ko siya ng noo. Umiling lang naman si Teon sa kanya.
"O, what are you still doing there? Come on and let's start the party!" Lumapit si Judge Saldivar sa amin. Agad kaming ngumiti ni Teon tapos ay bumati kina Judge Saldivar. Nagulat pa nga akong halos lahat ng mga professors namin noong first year ay nandoon. Grabe, hinding hindi ko talaga sila makakalimutan.
Naging busy ang lahat sa mga pa-congrats at pagbati. Humihinto lang kami kapag may mga dumarating dahil ginagawa namin iyong pa-welcome kuno. Grabe naman. Ang effort nito.
"Who would've thought that it has been 5 years right?" Si Judge Alonzo na ngayon ay nagbibigay ng speech sa amin.
Nakaupo na kaming lahat at tapos ng kumain. Napangiti lang ako.
"Well, I can still remember our first day in Criminal Procedure," ani Judge. Nagtawanan kaming lahat.
"Tss. Who would've forget that? Tss." Si Flynn. Natawa ako at napailing.
"Yeah. You almost fail that. Pft," asar pa ni Adolf. Sinamaan naman siya ng tingin ni Flynn. Napailing na lang ulit ako.
"Well, when we had our first recitation, I was doubtful you'd even pass the Bar." Nagtawana ulit ang lahat. Nailing ulit ako. Ang harsh talaga nitong si Judge. "But look at you now. You're all brilliant in your field. We have hotshot lawyers from different firms. We have lawyers in the Supreme Court, and we also have great prosecutors. Well, I guess I just want to say that the faculty is proud of you, graduates." Nagpalakpakan kaming lahat.
Naramdaman ko ang pag-akbay ni Teon sa akin. Binalingan ko siya tapos ay humilig sa balikat niya.
"We are very proud of your achievements! Special recognition for those who just won their cases recently!" ani Judge. Naramdaman kong bahagyang nagtinginan ang mga batchmates namin sa amin.
Nagtaka pa ako at napaayos din ng upo. Nakagat ko ang aking labi at tipid na napangiti na lang Nahiya pa ako nang makitang nakatingin na rin sa amin si Judge. Napalunok tuloy ako.
"Escueda, Alvedrez, I knew you two will make big. Congratulations!" Abot-tengang ngumiti si Judge sa amin. Tumango si Teon. Ako naman at ngumiti lang din. Agad na nagpalakpakang muli ang mga batchmates namin. May pahiyaw-hiyaw pa sina Flynn at Adolf. Natawa na lang. "And to everyone, let's make a toast to that!" Muli ay nagpalakpakan kaming lahat at kinuha ang mga wine glass namin.
Sandali kong pinasadahan ng tingin ang buong auditorium. Grabe, parang kailan lang sobrang saya kong nakapasok ako ng scholarship sa Clarke. Hindi ko alam kung anong magiging kapalaran ko sa Law School, pero sumugal ako. Ang gusto ko lang naman ay maging abogado at tumulong pero higit pa ang ibinigay sa akin. Binalingan ko ang tatlong lalaking nasa aking tabi. Nagtatawanan sila na tila ba ay nagre-reminisce sa mga law school days namin. Napangiti ako.
Maraming hindi magandang nangyari sa amin pero hinding hindi ko pagsisisihang nakilala ko sila. Sa kabila ng lahat, nagpapasalamat pa rin akong nakilala ko sila.
Ako si Cassia, at ito ang kwento ko. Marami pa akong pagdadaanan pero alam kong malalagpasan ko iyon dahil sa mga pinagdaanan ko na rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top