Chapter 41

Wala pa man ako sa law school, naririnig ko na ang mga nakakatakot na mga sinasabi ng mga tao tungkol sa hirap ng buhay pag naging abogado ako. Iba -iba ang perception ng mga tao. Merong mga suportado ka at proud na proud pa sa iyo, wala pa man din. Meron at meron din namang mga taong wala pa man din inuunahan ka na na kesyo magiging kurap ka raw, gagaya ka raw sa mga abogadong nababayaran at kung ano- ano pang mga negatibong sinasabi. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil meron naman talagang mga ganoon at minsan pa nga harap – harapan na ang ginagawa. Nakakalungkot lang na ang mga tagapagtanggol ng batas pa ang gumagawa ng masama.

Noong magdesisyon akong tahakin ang landas na ito, sinabi ko sa sarili kong dapat matatag ang prinsipyo ko. Dapat pangangatawanan ko ang mga sinabi kong hindi ako magiging katulad nila. Akala ko madali lang lumaban kapag nasa tama ka. Akala ko madali lang ang magiging trabaho dahil hinanda na naman kami ng Law School dito. Pero sobrang mali ko pala. Walang madali. Mas mahirap pa sa law school. Kasi at least sa law school, may reference ka na, kailangan mo lang intindihin ang mga nangyari, sa totoong buhay ikaw ang magsusulat ng mga mangyayari sa kaso. Nakasalalay sa'yo kung anong mangyayari sa biktima at akusado. Lahat nasa iyo. Sabihin man nilang trabaho lang ang lahat, may accountability ka pa rin.

Susubukan at susubukan ka ng tadhana. Hindi lang ikaw, pati na rin ang mga taong nakapaligid sa'yo.

"This is frustrating, you know? I don't want to go there na." Ngumuso si Fel at saka yumakap sa akin.

Tipid lang akong ngumiti at niyakap siya pabalik. Tinapik ko ang kanyang balikat bago kami kumalas sa yakap. Nakatulis pa rin ang labi niya sa akin. Nandito kasi kami sa airport ngayon at babalik na rin siya ng States.

"Okay lang iyan. Di ba sabi mo uuwi ka rin naman dito pag naayos na ang mga gagawin mo roon?" tanong ko.

Bumuntong-hininga siya at saka yumuko. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin.

"Thank you... I'll miss you, you know." Sumimangot siya.

Huminga ako nang malalim at saka tipid siyang nginitian. "Mami-miss din kita. Contact na lang tayo sa Facebook at Viber," sabi ko. Ngumuso siya at sunod-sunod na tumango. Tinapik ko na lang ulit ang balikat niya. "Sige na, baka maiwan ka pa ng eroplano mo," sabi ko. Bumuga siya ng hininga at bumaling na rin sa tatlong lalaking kanina pa naghihintay sa amin.

Nakita kong nagkibit-balikat si Flynn. Walang imik at nakatungo naman si Adolf habang si Teon ay diretsong nakatingin lang sa amin. Nilapitan sila isa-isa ni Fel at niyakap. Nang kay Adolf na ay nakita kong nagdadalawang -isip pa siya kung yayakap ba siya o hindi. Para tuloy kaming mga timang na tatlo habang nag-aabang kung anong gagawin nilang dalawa. Sa huli yumakap si Fel pero agad din namang kumalas at tumalikod na.

Kumaway ulit siya sa amin tapos ay kinuha na ang dalawang maleta niya bago siya tuluyang pumasok para mag-check in. Kumaway lang din kami sa kanya at pinagmasdan siya hanggang sa makapasok sa loob.

Nang okay na ay nagkatinginan kaming apat.

"I'll go ahead," sabi ni Adolf at walang ano-ano'y tinalikuran na rin kami.

"Wew, that was awkward." Umiling si Flynn. Napabuga na lang ako ng hininga. Nilingon ko si Teon

"May problema yata sila ni Adolf," sabi ko. Pinulupot niya lang ang isang braso niya sa akin.

"Hmm. They'll over come that," sabi niya lang. Tiningnan ko siya. Tipid na ngumiti lang naman siya sa akin. Hinapit niya ako papunta sa kanya. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa kanyang balikat.

Naramdaman ko pang hinalikan niya ako sa noo.

"Damn. Really? You'll really do this in front of me?" Rinig naming sabi ni Flynn.

Natawa kami ni Teon. Umayos ako ng tayo

"Kain tayo, libre ko," sabi ko sa kanilang dalawa. Agad na nagliwanag ang mukha ni Flynn. Sumimangot naman si Teon.

"Akala ko ba date tayo ngayon?" nakasimangot na tanong niya pa. Natawa na lang ako at napailing. Humalakhak din Flynn tapos ay inasar pa si Teon. Hay nako, hindi na talaga nagbago itong mga ito.

~***~

Few months later...

Agad akong napaayos ng tayo nang bumukas ang pinto ng courtroom na nasa aking tapat. Huminga ako nang malalim at saka inayos ang aking dalang shoulder bag. Nakarinig ako ng iyakan habang palabas ang mga tao. Halos matulala na lamang ako nang makita ang dalawang ginang at tatlong mga batang nag-iiyakan na habang palabas ng korte. Mas sumunod pang parang mag-asawa. Yakap – yakap ng lalaki ang babae na nakayuko na.

Napalunok ako nang ang sumunod na lumabas ay tatlong mga lalaking naka-three piece suit kasama ang tumatawang dalawang lalaking naka yellow na t-shirt.

"Maraming salamat, Attorney. As expected," sambit ng lalaking naka-itim na three-piece suit at may maputi ng buhok. Iniabot niya ang kanyang kamay kay Teon na kalalabas lang ng courtroom. Nakita kong tinanggap iyon ni Teon. Nagtanguan pa ang mga kasama nito at isa-isang nakipagkamay kay Teon.

Lumunok ako. Nag-usap pa sila sandali bago siya lumingon sa direksyon ko. Tipid na ngumiti lang ako at kumaway. Hindi ako agad lumapit. Kinausap niya ulit iyong mga lalaki bago siya tuluyang lumapit sa akin.

"Hey," bati niya at agad akong niyakap at hinalikan sa noo. Yumakap ako pabalik. "Katatapos mo lang, o hindi ka talaga pumasok?" tanong niya pa. Bumuga ako ng hininga at kumalas sa kanya.

"Sorry. Ayokong pumasok," diretsong sabi ko. Tipid na ngumiti lang siya at saka tumango. Hinawakan niya ang kamay ko at saka kami nagsimulang maglakad.

"It's fine. I understand." Tipid na ngumiti lang ulit ako sa kanya tapos ay humilig na sa kanyang braso habang papasok kami ng elevator.

May hearing ako sa kabilang courtroom na kasabay ng kanya pero mas madaling natapos iyong akin kasi wala iyong defense kaya ang nangyari nag-reschedule na lang kami. Sinadya kong hindi pumasok sa courtroom niya dahil alam kong Drug Case ang hawak niya. Alam ko ring mananalo siya at ayokong makita iyong mga pamilya ng mga biktima sa korte. Sinabihan niya ako tungkol sa kasong iyon. Hindi ko gusto iyong kaso pero trabaho niya naman iyon. Isa pa, dumalo ako noong previous hearings niya dahil pinadalo niya ako. Minsan nga gusto niyang sabihin sa akin kung anong plano nila ng kampo niya para raw masigurado kong wala siyang ginawang iba.

Nagpapasalamat akong pinahahalagahan niya pa rin ang stand ko sa mga ganoong bagay pero ayoko namang isipin niyang wala akong tiwala sa kanya at na lahat ng gagawin niya ay dapat may approval ko kaya hindi ako pumayag. Magaling naman talaga kasi siya. Kaya niyang maipagtanggol ang kliyente niya nang walang daya.Iba iyong kaso ni Tito dahil emotionally involve siya at sadyang marami lang talagang ebidensya. Isa ang kasong iyon sa mga kasong talagang alam mo na ang patutunguhan. Isa pa, nasara ko na ang pahinang iyon ng buhay ko, ayaw kong makahadlang na naman iyon sa amin. Masyado na kaming nagkasakitan.

"thank you," ani ko pagkatapos niya akong allalayan papasok ng sasakyan niya. Ngumiti lang siya sa akin tapos ay umikot na sa driver's seat.

"I already booked our ticket for the two weeks vacation. Handa na mga gamit mo?" tanong niya habang nagsi-seatbelt kami. Ngumuso ako.

"Hmm. Ni pack ko na rin yung iba mong gamit ikaw na lang doon sa iba. Di ko kasi alam kung anong gusto mo roon."

Tumango siya at tinapakan na ang gas. "I'll check it later. Where to eat?" Nilingon niya ako. Ngumuso lang ulit ako at saka sumandal sa likod ng upuan.

"Hmm pwedeng sa bahay mo na lang tayo kumain? Nagluto naman sina Manang di ba?" sabi ko.

"Okay, whatever you want." Nginitian niya ako. Ngumiti rin ako pabalik.

Nakakapagod ang mga araw Ilang linggo n amula noong bumalik ako sa trabaho. Ni hindi ko natapos iyong vacation leave ko dahil tuwing nasa bahay lang ako ay naaalala ko si baby. Ilang beses na muntik na akong mag-overnight sa puntod niya dahil sobrang lungkot talaga. Medyo gumaan ang loob ko noong magkaayos kami ng mga kaibigan ko at ni Teon pero noong bumalik na sa normal ang lahat at nagkanya-kanya na ulit kami, bumalik na naman sa akin ang sakit na wala na ang anak ko. Noong minsang tumawag ako kay Ate Arra ay muntik na akong dalhin ni Teon sa hospital dahil ayokong tumigil umiyak. Muntik na ring lumuwas si Ate Arra dahil doon. Hanggang ngayon nga ay minsan natutulala na lang ako. Kaya nga hindi na inaalis ni Teon ang tingin niya sa akin lalo nap ag wala akong ginagawa dahil bigla bigla ay umiiyak ako.

Ramdam ko pa rin iyong nawala sa akin. Minsan dinadalaw pa rin ako ng pakiramdam na may kulang sa akin. Hindi ko kasi maintindihan kung anong naging mali. Ilang beses ko nang tinanong ang OB ko tungkol doon at ilang beses na rin niyang ipinaliwanag ang posibleng dahilan noon medically, pero ewan ko, hindi ko pa rin matanggap. Hindi na madalas ang pagkatulala ko ngayon pero tuwing wala akong ginagawa ay talagang lumilipad ang isip ko sa anak ko. Kaya nga rin ako nagtrabaho na para kahit paano ay may pinagkakaabalahan ako at kaya rin kami uuwi ng Cebu ni Teon para makapagpahinga at magkaroon ng time sa isa't isa dahil di namin nagawa iyon sa dami ng nangyari pagkatapos kong makunan.

Sobrang bilis ng mga araw. Ilang tulog ko lang, paggising ko, flight na namin pa-Cebu. Madaling- araw ang flight namin kaya sobrang aga naming umalis ng bahay. At dahil nga sa sobrang aga ay halos tulog kaming dalawa buong biyahe sa eroplano at sa v-hira papunta bahay namin.

"O nandito na sila! Tuloy na tuloy!" bungad ni Ate Ara pagkarating na pagkarating namin sa bahay. Agad na nagsilabasan iyong mga kamag-anak namin sa kapitbahay at sinalubong kami.

"O, kami na rito, Cassia. Kami na," sabi pa ng isang kababata ko na tumulong sa aming buhatin ang mga dala namin. Tipid na nginitian ko lang sila at pinaubaya na rin ang mga dala naming bag. Pinadiretso kami ni Ate Arra sa may tambayan sa harap ng bahay ng tiyahin namin na tinuluyan nina Fel noong dinala ko sila rito.

Napaawang pa nga ang labi ko nang makitang halos pam-piyesta na naman ang handa. Sinundot ko pa si Ate Arra.

"Bakit ang dami?" takang tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya.

"Paano excited makita iyang boyfriend mo."Agad na kumunot ang noo ko. Saglit ko pa siyang tinitigan. Bumuntong-hininga lang naman siya. "Na-warningan ko na iyang mga iyan, wag kang mag-alala. Walang babanggit dun sa kaso."

Nakahinga ako nang maluwag at saka tumango na lang. Binalingan ko si Teon at saka ako umangkla sa braso niya. Nginitian ko siya. "Sorry, alam mo namang over sila maghanda."

Bahagya siyang tumawa tapos ay pinulupot ang isang braso sa aking bewang. "Yeah. I'm trying to get use to it." Hinalikan niya ang aking noo. Napangiti na lang ako.

"Cassia! Halina kayo, lalamig na ang pagkain, o!" Agad kaming tumalima sa tawag ni Ate Arra at nakisabay na rin sa kanila.

Boodle fight ang pa-theme kuno nila kaya sabay – sabay kaming kumain. As usual sobrang ingay na naman nila at kung saan saan na lang napupunta ang usapan. Napapangiti na lang din ako. Hindi kami close ng mga kamag-anak ko talaga pero dahil nasa iisang compound lang kami rito ay nasasanay na rin ako at komportable na rin ako sa kanila. Tiningnan ko pa si Teon na nakikinig at nakikitawa sa mga tiyuhin namin.

Napahilig ako sa kanyang braso at nakinig na lang din sa mga pinag-uusapan nila.

Wala kaming plano sa mga gagawin namin dito, di gaya noong nandito sina Fel, Adolf at Flynn. Pagkatapos ng mini salo-salo na iyon ay nagpahinga muna kami. Nagkayayaang mag-videoke kinagabihan kaya sumama kaming dalawa kahit di naman kami kumakanta. Pinagmasdan na lang namin ang mga kababata ko na nagpapataasan ng score.

Ngumuso ako nang maramdaman ang paghapit ni Teon sa akin at ang paghalik niya sa gilid ng aking ulo. "Hmm?" Tiningala ko siya. Sumalubong naman sa akin ang kunot na kunot niyang noo.

"That guy has been looking at you since we got here," bulong niya pa tapos ay hinalikan ako sa gilid ng labi.

Halos manlaki pa ang aking mga mata sa ginawa niya. Paano ba naman kasi, ang daming tao! Nilingon ko iyong tinutukoy niya.

"Si JR?" kunot noong tanong ko. Mas nagsalubong ang kilay niya.

"Is he your ex?"

Namilog ang mga mata ko at napatitig sa kanya. Nakagat ko ang aking labi. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. "Ano ka ba, hindi. Pinsan ni Ate Arra iyan sa mother's side. Ikaw nga ang first and last boyfriend di ba," sabi ko pa at inilingan siya.

"Tss. I know how a guy looks at a girl. He likes you," bulong niya pa. Napasinghap na lang ako.

"Grabe ka. Ang judger mo. Wala iyan. Kahit naman may gusto nga, e, ano naman?" Tinaasan ko siya ng kilay. Bumuntong – hininga na lang siya. Natawa tuloy ako. Yumakap ako sa kanya at ibinaon ang mukha ko sa kanyang dibdib, nawalan na rin ako ng paki na may mga kasama kami sa totoo lang.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Para na tuloy kaming nakahiga sa lagay na ito. Nakasandal kasi siya sa inuupuan namin tas ako nasa dibdib niya at nakayakap. Hinalikan niya ang buhok ko.

"I love you," paos na bulong niya.

Napangiti ako at hinigpitan din ang yakap ko. Ipinikit ko pa ang aking mga mata. "I love you, too."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top