Chapter 40

Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang natutulog na mukha ni Teon. Kitang kita ang pamumula sa kanyang mga pisngi dahil sa sinag ng araw na mula sa nakabukas na bintana. Nakapulupot ang kanyang isang kamay at binti sa aking katawan. Nakaharap kami sa isa't isa. Litaw na litat ang mapupula niyang labi dahil sa liwanag. Ang buhok niyang nakaayos palagi ay gulong gulo.

Marahang pinasadahan ko ng aking kamay ang kanyang buhok. Ang taas na rin pala nito. Kailan kaya siya huling nagpagupit? Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Nakagat ko ang aking labi habang marahang tinatanggal ang kanyang binting nakadantay sa akin. Nang ang braso na niya ang aking tatanggalin mula sa pagkakayakap ay napasinghap na lang ako nang sa halip na matanggal ay mas humigpit ang yakap noon. Nanlalaking matang napatingin ako sa kanya.

Nakapikit pa rin siya.

"Don't go. Don't leave me."

Napalunok ako at napatitig na lang sa kanya. Ibinalik niya ulit ang pagkadantay ng kanyang binti sa akin. Hindi ko alam kung naalimpungatan lang ba siya o talagang gising na. Nang akmang tatanggalin ko ulit ang kamay niya ay humigpit lang ulit iyon. Napabuga ako ng hininga. Ilang segundo pa ay nagmulat na siya. Nagkasalubong ang mga tingin namin. Bumuntong-hininga at saka bahagyang bumangon. Sumandal siya sa headboard tapos ay hinila niya ako pahiga sa kanyang dibdib at pinulupot ang kanyang dalawang kamay sa aking katawan.

Kinagat ko ang aking labi at saka napayakap na rin sa kanya. Nakabaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. Rinig na rinig ko ang tibok ng kanyang puso at ang kanyang paghinga. Huminga ako nang malalim. Naramdaman ko ang paghagod niya sa aking buhok.

"Don't go, please..." paos niyang sambit at saka hinalikan ang aking buhok.

Napapikit ako at mas lalong yumakap sa kanya.

"Hindi naman ako aalis. Bababa lang sana ako. Hindi ka ba nagugutom?" tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang pag-iling. Ngumuso ako at tumango na lang din.

Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung gaano katagal na walang nagsalita sa amin. Na-miss ko ito. Na-miss kong ganto kami, iyong hindi nag-uusap pero ramdam naming nandiyan lang ang bawat isa. Miss na miss ko ito.

Saglit akong gumalaw at inayos ang pagkakayakap ko sa kanya. Huminga ako nang malalim. Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga. Hinahagod niya pa rin ang buhok ko. Marahan akong nag-angat ng tingin. Nginitian niya ako.

"What did you do when we were away?" tanong niya.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. "Trabaho ulit...walang sawang trabaho."

"Tss. You were pushing yourself so hard again, hmm."

Bumuntong-hininga ako. "Iyon iyong paraan ko para hindi ako magmukmok at umiyak. Sobrang lungkot, e. Tsaka nadi-distract ako nang sobra pag naiisip ko iyong mga nangyayari sa atin."

Kinagat ko ang aking labi. Naramdaman ko ulit ang paghigpit ng yakap niya at ang paghalik niya sa noo ko. "I'm sorry, Cass... I'm sorry."

Hindi ako sumagot. Ilang segundo ulit kaming natahimik.

"Galit na galit ka siguro sa akin na ayaw mo talaga akong kausapin...miski noong birthday mo...naglasing kayo..." basag ko.

Ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan. Nang tingalain ko siya ay nakita ko siyang nakapikit. Bumuntong-hininga ulit siya.

"Yeah...I was angry... really angry of the situation, so I didn't want to talk to you. Cause I knew that I'd just be throwing my anger at you. Words are powerful, Cassia. Kung anong sasabihin ko sa'yo, hindi ko na mababawi iyon. I don't want to throw hurtful words because I am angry, because I cannot take that back anymore. I don't want to hurt you because I am angry of the situation. Ayokong may sabihing masama sa'yo kaya mas pinili kong wag ka na lang kausapin."

Sandali akogn napatitig sa kanya. Sa huli ay tumango ako. Naiintindihan ko. Noong huli kaming mag-usap bago ang trial, nagkasakitan na kami. Baka nga mas Malala pa iyong nangyari kung patuloy iyong komprontasyon namin. Bumuntong-hininga ako. Ngayon ko naisip na siguro may dinulot ngang mabuti iyong hindi namin pag-uusap...kahit na masakit.

Nakagat ko ang aking labi at ibinalik ang pagkakasandal ng aking pisngi sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang kanyang paghagod sa aking braso. "Let's start a new, Cass... this time, no more dodging... please?" Humigpit ang yakap niya sa akin. Napapikit ako. Ilang sandali ay tiningala ko siya. Nagkatitigan kami.

Bumuga ako ng hininga. "P-Pwede bang dumalaw ako kay T-Tito?"

Tila nagulat siya sa sinabi ko at sandali siyang napatitig lang sa akin. Napakurap-kurap pa siya sandali, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"You want to meet ...Dad?"

Tumango ako. "Kung magsisimula tayong muli, gusto kong isarado rin ang kabanatang ito ng buhay natin. Ang daming nasayang at nasira ng kaso, gusto ko sanang kahit paano ay may closure..." Napayuko ako. Hindi agad siya nakasagot.

Ilang segundo ang hinintay ko bago siya tuluyang bumuntong- hininga. "Okay, Cass."

~***~

Parang nagkakarera ang aking dibdib habang nakaupo sa visiting chair ng kulungan at naghihintay sa paglabas ni Tito. Nasa tabi ko si Teon at hawak- hawak lang ang kamay ko. Agad akong napatingala nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Naramdaman ko pa ang paghigpit ng kapit ni Teon sa aking kamay. Nilingon ko siya. "Galit ba siya sa akin?" tanong ko.

Sanfali niyang akong tinitigan tapos ay ngumisi siya. "He was never angry with you."

Hindi ko alam kung mabubunutan ako ng tinik o ano. Kaya ko namang tanggapin kung magalit si Tito, e. Buhay niya ang nakataya rito at kahit na sabihing trabaho lang iyon, maiintindihan ko kung masasaktan siya o magagalit kasi iyong naging anak-anakan din niya ang mismong nagpakulong sa kanya. Kaya ko iyong tanggapin.

"Cassia."

Mabilis akong nabato sa aking kinauupuan nang marinig iyon. Agad akong umayos ng upo at tiningnan si Tito. Nakagat ko ang aking labi.

"T-Tito..." tawag ko.

Tipid na ngumiti siya at marahang tumango. Nasa tapat ko siya ngayon. Bumuntong-hininga ako at kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak ni Teon. Tipid na tinanguan ko lang siya. Hinarap ko si Tito.

Napalunok ako at hindi makatingin nang diretso sa kanya.

"Kumusta ka na, hija?" basag niya sa katahimikan.

Hindi ko alam pero mas lalo lang akong kinabahan na halos lumuwa na ang puso ko sa aking dibdib. Lumunok ulit ako.

"O-Okay lang po...k-kayo po?"

Nagkibit balikat siya tapos ay ngumiti sa akin.

"Ito, okay naman ako. Nasasanay na."

Nakagat ko ang aking labi at agad akong napaiwas ng tingin. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga mata. Naikuyom ko ang aking mga kamay at saka huminga nang malalim. Kahit mahirap ay tiningnan ko si Tito sa mata.

"I-I'm sorry, Tito...I'm sorry kung umabot sa ganito."

Para akong sinasakal habang sinasabi iyon. Ang sikip sikip sa dibdib. Itong taong kaharap ko, na pinakulong ko ay tumayong tatay na rin sa akin sa loob ng isang taon. Bakit kasi ganito kakomplikado ang buhay? Bakit ganoon?

Yumuko ako. Ramdam ko ang pagkatuod ng aking katawan nang hinawakan ni Tito ang kamay kong nasa lamesa. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha. Iyon iyong ngiting palagi niyang suot sa tuwing kaharap ang mga tao. Iyon din iyong ngiti niya pag inaasar kami ni Teon.

Nakagat ko na lang ang aking labi.

"I don't know why you're saying sorry, hija." Umawang ang bibig ko. Mas ngumiti siya at tinapik ang kamay ko. Napatingin pa ako sa isa niyang kamay na tinapik din ang kamay ni Teon na nakapatong na rin sa mesa. Kitang kita ko pa ang pagkunot ng noo ni Teon sa ginawa ng daddy niya. Bumuntong-hininga si Tito. "I was wrong, hija. I committed a huge mistake. It's on me. You shouldn't be saying sorry for making a wrongdoing right, for giving justice." Sinalubong niya ang tingin ko. "I was overshadowed with greed. Siguro tama nga sila na kahit gaano pa ka-useful ang pera, nakakasira rin talaga." Hindi ako nakagalaw. Nanatili akong nakatingin lang kay Tito. Hindi ko alam pero kitang kita ko ang lungkot at pait sa kanyang mga mata. Lumingon siya kay Teon. "I wanted to give my son the best life he could ever have. I needed the land for the money..." Tumigil siya at saka yumuko.

"Dad..." Mariin akong napapikit. Rinig na rinig ko ang frustration sa boses ni Teon.

Huminga ulit ako ng malalim. Hindi ko alam kung pang-ilang beses na akong bumuga ng hininga para lang kalmahin ang sarili ko at hindi bumaba ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

Dumilat ako. Nakita ko si Tito na nakangiti at tinatapik ang kamay ni Teon na para bang sinasabing okay lang ang lahat. Umawang ang labi ko nang bumaling ang tingin ni Tito sa akin.

"I'm proud of you, Hija. I'm proud of the two of you. Teon needs you, Cassia. He needs you to be his light whenever he tends to go to the dark side. Kailangan ka niya para muli siyang ituwid kapag nakakalimot siya. You are right, hija. You two came from a very opposite world, but that's what makes you suitable for each other. You compliment each other because you get to show your partner the other side of reality, and you get to learn from him, too. Noon pa lang alam ko nang kayo talagang dalawa ang bagay."

"T-Tito..."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Humikbi ako. Naramdaman ko naman ang agad na pagyakap sa akin ni Teon. Humigpit ang kapit ni Tito sa aking kamay.

"P-Please take care of my s-son, Cassia. Take c-care of each other." Mas lalo akong umiyak at napayuko na lang nang marinig ko ang pagpiyok ni Tito.

Ito ang mundo. Kahit na ang pinakamabait na tao ay pwedeng makagawa ng masama. Tao lang tayo, makasalanan, natutukso. Kung hindi matibay ang prinsipyo mo, malilihis at malilihis ka ng landas pero hindi naman ibig sabihing pag nalihis ka na masama ka na talaga. Kaya nga tayo may parusa para mapagbayaran ang mga kasalanan at makapag-isip ang makasalanan. Nagkamali si Tito, si Teon at ang mga kaibigan ko. Maraming nasira sa pagkakamaling iyon, pero sa kabila noon, may natutunan sila. Nagising sila sa katotohanan, at iyon ang importante sa akin ngayon. Wala na rin namang silbi kung magagalit pa ako pare-pareho lang kaming nagsasakitan.

Nagawa na ang mali, hindi na maibabalik iyon, ang tanging magagawa na lang ngayon ay ang itama iyon at siguraduhin hindi na mauulit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top