Chapter 4
Napahikab ako at saka nag-inat pagkababa ko ng kama. Tiningnan ko ang aking cellphone. Alas otso pa ng umaga kaya may oras pa akong magluto. May oras pa akong magsulat para sa trabaho ko tapos makakapagbasa pa rin ako at makakabili rin ako ng mga libro ko mamaya.
Magluluto rin pala ako ng para tanghalian ko at nina Fel. Ngayon kasi yung sinabi kong magluluto ako ng para sa amin. Mabilis akong naligo at saka nagsaing. Itlog lang muna ang niluto ko at habang hinihintay ang sinaing ay nagsulat at basa muna ako.
Grabe, sanay naman akong mag-multitask pero parang sasabog utak ko pag ganito.
Bumuga ako ng hininga at saka inayos ang codal ko. Napahinto pa ako nang sunod-sunod na mag-vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon ay bumungad sa akin ang pangalan ni Fel.
From: Fel
Studying early?
Ngumuso ako kinuha iyon.
To: Fel
Ah hindi. Sa bahay lang muna ako. Marami ako gagawin
From: Fel
Ohh okay! Text you later! Imma gym muna!
Napabuntong-hininga ako at napakagat labi na lang. Hanggang sa text, naririnig ko ang boses ni Fel. Ang cute lang niya. Ewan ko ba, parang biglang nawala yung pagkamasungit niya. Hindi niya na rin ako iniirapan. Yung tatlo naman masaya rin. Palaging nag-aasaran sina Flynn at Adolf. Si Teon lang talaga ang tahimik, pero nakikisama naman.
Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na nakikipag-usap sila sa akin. Tapos sabi ni Fel, friends na raw kami. Ewan, ang saya lang sa pakiramdam.
Napangiti na lang ako at napailing. Ibinalik ko ang tingin sa aking laptop. Kaya ko to. Kayang kaya ko. Kakayanin ko. Hindi na ako nag-iisa ngayon.
~***~
"So where are you?" bungad ni Fel sa akin nang sagutin ko ang tawa niya.
Sinara ko ang pinto gamit ang kaliwa kong kamay at saka ni-lock iyon.
"Ahh papunta akong Rex, Fel. May bibilhin pa akong mga libro. Kita na lang tayo mamaya?"
Hinulog ko sa aking bag ang susi tapos ay pumara ng jeep.
"Oww puntahan ka namin!"
"Ha?" Bahagya akong napatigil.
"Yeah, we'll go to Rex din! Bye!" At binaba na niya ang tawag.
Sandali akong napatanga roon pero sakto namang may humintong jeep kaya napabuntong-hininga na lang ako at sumakay na roon. Inihulog ko na lang din ang cellphone ko sa tote bag at saka niyakap iyon.
Pagkarating ko ng Rex ay dumiretso agad ako sa loob. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang text ni Fel.
From: Fel
We're here.
To: Fel
Nandito na rin ako.
Ibinalik ko ang cellphone sa bag ko at saka ikinalat ang tingin ko sa paligid.
"Hey! Cassia, here!" Agad akong napatigil nang marinig yon.
Nang lumingon ako ay agad kong nakita si Fel na kumakaway sa akin. Nasa likod niya yung tatlo. Ngumiti at kumaway ako pabalik. Agad silang lumapit sa akin.
"Hi!" bati ko.
Agad na yumakap sa akin si Fel.
"Hey, beadle!" Si Flynn. Kumaway si Adolf. Si Teon naman ay tumango.
Ngumiti lang ako at saka kumalas kay Fel. Malaki ang ngiti niya sa akin.
"Bili rin kaming books!" sabi niya pa.
Ipinaglapat ko ang aking mga labi at saka tumango.
"Hmm, sige." Agad na umangkla siya sa aking braso.
Napangiti na lang ako. Sabay kaming pumunta sa shelves.
"What are you gonna buy? Is it for Consti?" tanong ni Fel habang namimili kami.
Tumango ako. "Hindi ako nakabili noong last time."
Kinuha ko yung libro ni Bernas at tiningnan ang presyo noon. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha iyon.
Tiningnan ko ang mga kasama ko. Nakaangkla pa rin si Fel sa akin habang kumukuha iyong tatlo ng mga libro nila.
"Hey, Fel, you got your Civil Code codal?" Narinig kong tanong pa ni Adolf. May hawak siyang mga codals.
Mukhang kay Fel yung iba tapos yung iba ata sa kanya. Tag- 2 copies kasi yun. Si Flynn naman ay may tinitingnang lista. Nakita kong kadalasan ng kinukuha niya ay mga reviewer. Si Teon may hawak lang na isang libro. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa kanyang cellphone. Bumuntong-hininga ako.
Bigla pa akong napaigting nang kalabitin ako ni Fel. Agad akong napatingin sa kanya.
"Bakit?" tanong ko.
"You done. Done na sila." Ngumiti siya.
Nagkorteng o ang bibig at sakaa napatango. Nginitian ko siya.
"Uhm oo. Tapos na ako."
"Okay! Great! Tara, let's pay na. I'm starving," reklamo niya pa at hinila na ako papunta sa counter.
Nauna na yung tatlo sa amin. Nasa unahan ko si Teon habang si Fel ay nakaangkla pa rin sa akin. Napangiti na lang ako. Ang cute niya kasi. Ngiti siya nang ngiti sa akin tapos sumasandal pa sa balikat ko.
"Sorry, I'm a clingy friend," sabi niya pa at saka bahagyang tumawa.
Natawa rin ako.
"Halata naman. Hindi ka na masungit," sabi ko. Ngumuso siya. Nakagat ko tuloy ang labi ko. "Sorry, ang sungit mo kasi noong una," sabi ko na lang.
Narinug ko pang tumawa yung tatlo sa harapan namin. Sinamaan lang sila ng tingin ni Fel tapos tumingin ulit siya sa akin at mas lumabi.
"Sorry. I'm just really not that sociable. Lalo na when I'm not comfortable with the person. But then I'm comfortable with you, so I like you and you're my friend na!" Abot tenga ulit ang ngiti niya tapos ay sumandal sa balikat ko.
Natawa ulit ako. "Ang cute mo," sabi ko. Mas ngumiti lang siya.
Lumingon sa amin sina Adolf, nakangisi.
"Now, you have a friend," sabi pa nito. Umirap si Fel.
"Shut up. At least I'm not stuck with just you na lang no!" sabi pa ni Fel.
Tumawa ulit sina Flynn at Adolf. Si Teon naman ay umiling lang. Napangiti ako at napailing na lang din.
Lumingon si Teon sa amin. Tipid lang akong ngumiti sa kanya.
"Give me that."
Napaawang ang bibig ko at kumunot ang aking noo.
"Ha?"
Tinuro niya ang hawak kong libro. Mabilis akong umiling. .
"Ahh, di bale na. Isa lang naman to. Di gaanong mabigat." Ngumiti ulit ako. Nakatitig lang siya sa akin.
"Bigay mo na yan Cass. Let them worry about that na." Napalingon ako kay Fel. Ngumiti lang siya at tumango. "Tara!" Kinuha niya ang libro sa kamay ko at binigay yun kay Teon. Napaawang ang bibig ko.
"Ha? Teka, wait. Uh ito bayad ng libro ko." Nagmamadaling kinuha ko sa aking totebag ang wallet ko.
"Sila na bahala, Cass," sabi pa ni Fel at hinihila na ako pero agad akong umiling at inabot kay Teon yung dalawang libo.
"Hindi, may pera naman ako," sabi ko. Hindi pa agad kinuha ni Teon yun. Tiningnan ko siya.
"Cass, okay na-"
"Hindi. Para sa libro talaga iyan, Fel," putol ko at nilingon si Fel.
Napanguso ulit siya at akmang magsasalita pa nang kinuha ni Teon iyong pera.
"It's fine, Fel. You two go outside. We'll take it from here." Si Teon.
Napabuntong-hinibga si Fel at nagkibit-balikat. "Let's go na," sabi niya pa at hinila na ako palabas ng Rex.
Pagkalabas namin ay dumiretso kami sa isang sasakyang nakaparada roon. Mataas iyon, army green ang kulay tas may nakalagay na jeep sa harap. Nakita kong may kinuhang susi si Fel tapos may pinindot siya then pumasok siya sa loob ng driver's seat.
"Hey, sakay ka muna. The line is long. They may take a while," sabi niya pa.
Napatingin tuloy ako sa may passenger seat. Sumenyas ulit si Fel nang nagdadalawang isip ako. Sa huli ay pumasok na rin ako roon.
"Sa'yo to?" takang tanong ko.
Parang di lang kasi ako makapaniwalang ganito ang sasakyan niya. I mean parang mas panlalaki kasi at sa pormahan ni Fel parang di siya yung mag sasakyan ng Jeep.
"Hmm nope. It's Adolf's. I don't bring car cause I'm tamad mag-drive. Also, I don't want a driver na. There's Adolf naman to pick me up. So yeah." Nagkibit-balikat siya at saka ngumiti.
Tumango-tango ako at saka bumuntong-hininga. Niyakap ko ang ang sarili.
"Hmm. You grew up in the province? From Cebu di ba?" tanong niya pa. Lumingon ako at tumango. "Oh. Di ba there's a great law school naman in Cebu. You make dayo pa here?"
Ngumuso ako. "Ah yung scholarship na nakuha ko kasi pwede kahit saan kaya pinili ko na rito. Kasi mas maraming mga oportunidad dito, e. Tsaka dream school ko talaga ang Clarke."
Ngumiti ako. Nagkorteng-o ang bibig niya at saka tumango-tango.
"Hmm sabagay. I think you did a good choice din. Kasi if not, we won't be friends, di ba?" Abot-tenga siyang ngumiti.
Natawa ako at tumango na lang. Huminga ako nang malalim at mas niyakap ang sarili ko. Hala siya, ang lamig naman ng aircon nito.
"Oh my, you're shivering! Wait, I think napalakas yung aircon. Wait. Here, o." Inabutam niya ako ng jacket.
Kumunot ang noo ko pero tinanggap din iyon. Ang lamig kasi talaga.
"Sorry. Gosh. I'm sanay kasi sa super lamig and it's just so hot outside." Hininaan niya ang aircon at nag-peace sign sa akin.
Napangiti na lang ulit ako. "Okay lang. Di lang ako sanay. Sa classroom nga hindi pa ako masanay sanay, e."
Bahagya siyang tumawa at saka ipinagkuros ang kanyang mga hita. Prenteng sumandal siya sa sandalan at tumingin sa akin.
"You'll get used to it, Cass. You'll love the cold din!"
Napangiti ako.
"Sana nga. Palagi akong nanginginig, e."
Natawa ulit kami. Bumuntong-hininga siya. May kinalikot siya doon sa may harap. Sumandal naman ako sa may likod ng upuan. Bahagya pa akong napatalon nang biglang bumukas ang pinto ko.
"Oh shit! Sorry!"
Napaayos ako ng upo nang biglang bumugad sa akin si Adolf.
"The hell, Dolf!" sabi ni Fel. Nakagat ko tuloy ang labi.
"I didn't know, okay?" Nilingon ako ni Adolf. "Sorry," sabi niya pa.
Ngumiti lang ako at tumango. Narinig ko pang nagreklamo si Fel sa kabila. Agad naman akong bumaba. Iniwan ko yung jacket sa upuan. "Jacket mo ata. Nilamig kasi ako kaya binigay ni Fel," sabi ko lang.
Tumango lang naman si Adolf.
"Come on, I'm starving!" reklamo pa ni Fel tapos ay umangkla ulit sa akin.
Ngumiti lang ako.
"Here." Bahagya akong napalingon nang may supot na lumantad sa harap ko.
Doon ko naalala ang libro kong na kay Teon pa pala. Mabilis kong kinalas ang hawak ni Fel at kinuha iyon. Sinunod niyang ibinigay yung sukli.
"Uhm, thank you," sabi ko na lang. Tumango naman siya.
"Hey, tara na!" sabi pa ni Flynn at pinatunog ang katabing sasakyan.
Humarap sa akin si Fel at hinawakan ang kamay ko.
"Saan kayo?" tanong ko pa. Kumunot ang noo niya.
"We'll get lunch. I'm so hungry na." Lumabi siya sa akin.
"Ah magluluto pa sana akong lunch, e. Di ba gusto niyo magpaluto?" tanong ko.
Nagkorteng- o ang bibig ni Fel.
"Oh gosh. Oo nga pala. Hmm what about eat out muna tayo? Tapos next time na lang ikaw magluto? Please?"
Nakagat ko ang aking labi.
"Ah, e nagtitipid ako..."
"My treat!"
Mabilis akong umiling.
"Ha? Wag na. Hindi!"
"Come on. Hindi lang naman ikaw iti-treat ko. This lunch is on me. All our lunch." Nagkibit-balikat siya at tiningnan ang tatlo.
"Yun! Tara na!" masayang sabi ni Flynn at tumawa pa. Inirapan lang siya ni Fel at tiningnan muli ako.
"Please. Sige na." Lumabi ulit siya. Napanganga na lang ako.
Naramdaman kong medyo lumapit si Teon sa akin.
"Just let her." Dinig kong bulong niya pa. Bahagya tuloy akong napatingin sa kanya. Tinanguan niya lang ako at saka bahagyang nginitian.
Sandali pa akong napatanga. Mas lalo kong natitigan ang mukha niya. Bilog ang kanyang mga mata. Medyo may pagka brown na black. Sobrang kinis din ng kanyang mukha. Depina pa ang kanyang panga tapos medyo may mga facial hair siya.
"Ehem. Uhm, are we going or not?" Napatigil ako sa pagtitig nang marinig iyon.
Binalingan ko ulit si Fel na nakanguso pa rin. Yung dalawa naman ay naghihintay na ng sagot. Nakagat ko na lang ang aking labi at napabuntong-hininga.
"Uhmm s-sige. Ikaw..."
Agad na lumiwanag ang mukha ni Fel.
"Yey! Let's go na! I'll ride with Adolf and you can-"
"She can ride with me," putol ni Teon.
Bahagyang nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Nakatitig lang ulit siya sa cellphone niya. Natahimik kaming apat. Narinig ko pang tumikhim si Flynn.
"Hmm. Okay, dude. So, to where?" sabi pa niya.
Tiningnan namin si Fel. Nagkibit-balikat lang siya. "To my fave. Tara!"
Ngumiti siya sa akin at saka akmang tatalikod na nang hinawakan ko ang braso niya.
"Why?"
"Uhm pwede bilisan natin? Di pa kasi ako nakakapagbihis." Nakagat ko ang aking labi. Akala ko kasi babalik pa ako sa bahay para magluto. Di ko naman akalaing kakain na pala kami sa labas.
Naka-formal na kasi sila kaya panigurado ay didiretso na kami sa Clarke.
"Oh! No worries. You know I got an idea!" Ngumisi siya.
Napakunot ang noo ko.
"Ano?"
Nanatili ang ngisi niya bago hinarap ang mga kasama namin.
"I change my mind. Let's take out na lang then let's eat sa apartment mo!"
"Ha?"
~***~
Halos hindi ako makapagsalita habang papunta kami sa gusto nilang kainan. Napanganga pa ako nang makita ko yung presyo ng mga pagkain.
Limang daan sa isang plato? Grabe. Pang tatlong linggo ko na yata iyan kung sa karinderya ako kakain. Napalunok na lang ako habang sinusundan ang mga menu na sinasabi ni Fel.
Napatingin ako sa kanya. Tinutulungan siya nina Adolf at Flynn sa pag order. Kami lang ni Teon ang tahimik dito sa likod nila.
"Don't try to stop her. She's stress eater."
Napalingon ako sa nagsalita. Tipid na ngumiti lang si Teon sa akin. Napabuntong-hininga ako at saka paunting lumapit sa kanya.
"Uhmm a-ang dami niyang order, "bulong ko.
Nakagat ko ang aking labi. Nilingon niya naman ako. Ngumisi siya.
"You'll get used to it." Tinapik niya ang balikat ko. Napanguso na lang ako at napabuga ng hininga.
"Parang hindi yata ako masasanay," sabi ko pa.
Narinig ko lang siyang bahagyang tumawa. Napabuntong-hininga na lang ulit ako.
Halos isang oras na nagtagal sina Fel bag kami umalis doon. Nagpa-drop na lang muna ako sa apartment tapos ay sila naman nag-park muna sa Clarke. Wala naman kasing pagpa-park-an sa labas ng apartment ko.
Inilagay ko ang mga take out sa maliit kong lamesa tapos ay nagmamadaling bumalik ako sa kwarto para magbihis. Halos magkanda-ugaga na nga ako sa pagmamadali lalo na noong narinig ko na abg boses ni Fel sa labas.
"Sandali," sabi ko at madaling binuksan ang pinto.
"Hi!" nakangiting bati ni Fel.
Tipid na ngumiti lang ako at nilakihan ang bukas.
"Uhm pasok kayo. Pasensya na, uhm medyo maliit lang tong apartment ko."
Unang pumasok si Fel tapos sunod-sunod na sila.
"It's fine, Cass super clean nga nitong place mo no. Unlike Adolf's," sabi pa ni Fel.
Kinantyawan ni Flynn si Adolf. Natawa na lang ako. Nagpahuli ako at isinara muna ang pinto.
Pinuntahan ko sila pagkatapos. Grabe, parang sobrang lumiit yung apartment ko sa mga ito. Ang tatangkad kasi ng tatlong lalaki tapos medyo mataas din talaga si Fel.
"Uhm upo muna kayo. Ihahain ko lang ang take out," sabi ko. Agad na pumunta si Fel sa akin.
"I'll help you!" Siya na mismo ang humila sa akin papunta sa lamesa. Nagpahila na lang din ako. Hinanda namin iyong takeout habang yung mga lalaki ay may pinagkakaabalahan sa may sofa.
"You're so independent, grabe. I can't even imagine how you live alone, no," sabi pa ni Fel. Ngumiti lang ako.
"Ikaw ba naman ang maulila na ng ilang taon. Sanayan lang iyan. Noong nasa Cebu pa ako, mag-isa na rin naman ako...technically." Nagkibit-balikat ako.
Ngumuso siya. Kumuha ako ng mga plato at inilagay iyon sa lamesa. Namroblema pa ako kung anong uupuan noong tatlo. Dalawa lang naman kasi ang upuan ko rito, e.
"May problem?"
Nilingon ko si Fel at saka ipinaglapat ang aking labi.
"Uhm kasi...wala ng ibang upuan?"
Kumorteng o abg bibig niya at saka tumango tango. Tumingin siya sa paligid at saka binalingan ang tatlong nasa couch ko.
"Hmm. We'll be late if we'll buy so let's just let them stay there. Then tayong two na lang dito." Ngumiti siya sa akin.
Bahagyang umawang pa ang bibig ko nang marinig ang sabi niyang buy. Hala siya. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na mali-late na kami kasi kung hindi baka bumili nga sila ng upuan!
Tumikhim ako.
"Ah, sige, sige. Upo ka na, tawagin ko lang sila."
Tumango-tango lang siya at saka umupo na roon. Pinuntahan ko ang tatlo.
"Hey! Shall we eat?" tanong ni Flynn. Tipid akong ngumiti at tumango. "Shoot! Thank god! I'm famished!
Sabay-sabay silang tumayo. Nauna pa si Flynn doon sa lamesa.
"Ah, teka,"pigil ko. Napahinto naman silang tatlo at napatingin sa akin. Bumuntong-hininga ako. "Uhm wala na kasi akong ibang upuan. Okay lang bang dito na lang kayo sa couch umupo?" Nakagat ko ang aking labi. Nakakahiya kasi. Sigurado magagara at malalaki ang mga dining ng mga ito. Mas malaki pa nga yata sa buong apartment ko.
"Nah! It's fine, beadle! No problem at all." Kumindat si Flynn at saka agad na kumuha na ng plato.
"We'll buy some chairs next time." Si Adolf na ngumiti rin at saka kumuha na rin ng pagkain.
Napanguso na lang ako.
"Let's go."
Napalingon ako sa katabi ko. Bahagya pa akong napatalon nang bahagyang humawak si Teon sa braso ko at inalalayan ako papunta sa lamesa.
Tipid na ngumiti lang ako at saka pumunta na rin doon. Umupo ako sa tapat ni Fel habang yung tatlo naman ay nagsikuha ng mga pagkain.
Napatingin ako kay Teon na katabi ko. Tahimik lang siya pero halata namang nakikinig din sa mga bangayan nina Flynn at Fel. Natatawa na lang talaga ako sa mga bangayan nila. Tapos si Adolf ginagatungan pa.
"You'll get used to them, don't worry." Rinig kong sabi ni Teon. Nginitian ko lang siya at tinanguan. Tipid na ngumiti rin naman siya bago naglakad palayo sa amin dala-dala ang plato niya.
Sinundan ako siya ng tingin papuntang couch. Wala, ang cute niya lang tingnan. Naaalala ko yung tuwing namimista kami ni Arra sa Cebu. Yung pagkakuha namin ng pagkain sa monoblock kami uupo tas nasa hita namin yung paper plate.
Ang cute lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top