Chapter 38

Bakit ganoon? Ang hirap maging masaya. Akala ko ba pagkatapos ng unos may bahaghari, bakit ganito? Bakit kailangan pang kunin ang anak ko? Hindi ko maintindihan. Nag-ingat ako. Wala akong ginawang makakasama sa kanya. Lahat ng vitamins ko ininom ko. Lahat ng payo ng doctor, sinunod ko, pero bakit kinuha pa rin siya?

Siya na nga lang ang kasama kong bumangon pagkatapos mawala sa akin ang lahat pagkatapos ng klase. Bakit kinuha siya? Ano bang kasalanan ko? Wala naman akong ginawa. Wala akong tinapakan. Wala akong kasong dinaya. Pero bakit iyong anak ko, kinuha?! Bakit siya nawala?!

Mariin kong naipikit ang aking mga mata habang hinahayaan ang mga luha kong tumulo sa aking pisngi. Naramdaman ko ang paghinto ng wheelchair. Dumilat ako. Bumungad sa akin ang malaking pinto ng bahay nina Teon. Nasa hamba naghihintay ang tatlo niyang kasambahay.Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila habang nakatingin sa akin. Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin lang sa kawalan.

"Manang, pakihanda na lang po ng dinner. Sa kwarto ko na kami kakain." Narinig kong sambit ni Teon bago itinulak ulit ang wheelchair ko papasok ng bahay. Nang nasa sala na kami ay marahan niya akong binuhat pa-bridal style. Wala pa rin akong imik hanggang sa nakarating na kami sa master's bedroom

Inilapag niya ako sa kama at pinasandal pa sa headboard. Kinumutan niya rin ako. Hindi pa rin ako nagsasalita at nakatitig lang sa kawalan. Wala akong lakas. Wala akong mahugot na lakas. Isa lang ang alam ko ... wala na ang anak ko. Wala na naman akong kasama.

Nakagat ko ang aking labi. As if on cue ay bigla na lang dumausdos ang mga maiinit na luha sa aking pisngi. Parang naka-program na yata sa sarili kong umiyak nang umiyak na lang. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit umabot sa ganito. Ito ba iyong ganti sa pagtatanggol ko sa tama? Sa paghahangad kong itama ang baluktot na paniniwala ng boyfriend ko at ng mga kaibigan ko? Ito talaga?! Anak ko talaga?! Hindi ko maintindihan! Bakit siya? Bakit siya pa!

Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Huminga ako nang malalim. Pagkadilat ko ay nagtagpo ang tingin namin ni Teon. Nakatingin lang siya sa akin...hindi rin nagsasalita.

Lumunok ako at bumuntong – hininga.

"Quits na tayo. Nawala ang baby dahil pinakulong ko ang daddy mo..." mariing sambit ko sa kanya.

Kitang kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. Napasinghap siya at mabilis na lumapit sa akin.

"The fuck are you talking about?!" Iniwas ko ang aking tingin at muling humikbi. Kung ganti ito dahil pinakulong ko si Tito, sana naman ako na lang. Hindi na kailangang madamay ng anak ko. Wala naman siyang kasalanan doon, e. "You really think I want this?! Damn it! Hindi lang ikaw ang nasasaktan! That was my blood too!"

Mas lalo akong umiyak. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya kahit na ibinaballing na niya ang aking mga balikat sa kanya. "Cass...p-please... hush now... I know you're hurting...but damn it. I hate seeing you cry," halos mapaos na sambit niya.

Humikbi ulit ako. Nilingon ko siya. "G-Ginawa ko naman lahat, a.... Hindi a-ako nagpabaya... b-bakit g-ganoon?"

Mariing pumikit ulit ako. Naramdaman ko na lang ang paghila niya sa akin payakap sa kanya. Mas humagulgol ako at ibinaon ang aking mukha sa kanyang balikat.

"M-Mag-isa na n-naman a-ako... p-palagi na lang a-akong m-mag-isa..."

"Damn it, you're not! You're not alone, Cassia... you'll never be..."

~***~

Sobrang sakit ng ulo at mata ko nang magising ako. Agad kong inilibot ang aking mga tingin. Nasa kwarto pa rin naman ako ni Teon. Maliwanag na rin sa labas. Nang tingnan ko ang wall clock ng kwarto ay nakita kong alas-sais na pala ng umaga.

Bumuntong-hininga ako at marahang bumangon.

"Good morning..."

Natigilan lang ako nang marinig ang boses na iyon. Nilingon ko ang aking tabi at bumungad sa akin ang nakaupong si Teon. Nakapambahay lang siya at may dala siyang food tray.

"H-Hindi ka pumasok?" tanong ko.

Bumuga siya ng hininga. "I took a leave. You should formally take a leave, too... the clerk called, I told her you're sick..."

Nag-iwas ako ng tingin. Kinagat ko ang aking labi at wala sa sariling dumantay na naman ang kamay ko sa aking tiyan. Tila de-remote control naman ang mga luha kong automatikong bumaba. Narinig ko ang malutong na pagmumura ni Teon bago ko naramdaman ang pag lapit at paghila niya sa akin payakap.

Naibaon ko na lang ang aking ulo sa kanyang dibdib at doon ako humagulgol. Grabe. Wala na bang katapusan ito? Bakit ang hirap maging masaya at payapa? Iyong akala mo okay na lahat pero may unos na naman palang darating. Bakit ganito?

"Shh...shhh. It's not your fault...it's not..."

Kumalas ako sa yakap at tiningnan siyang maigi. "B-Bakit siya nalaglag?"

"Fuck...Cass..."

Hinapit niya ulit ako ng yakap. Umiyak lang ulit ako nang umiyak doon.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nasa ganoong posisyon. Hindi ko rin alam kung anong oras na akong natapos umiyak. Tila napagod na rin yata ang mga mata ko na kusa na lang silang tumigil matapos ang ilang sandali.

Sinubukan akong pakainin ni Teon, pero wala akong gana. Ni wala akong maramdaman. Nandoon na naman iyong empty feeling na parang isang malaking butas lang ang nasa loob mo. Sobrang hollow.

~***~

"Hi, Cass."

Bahagya akong napalingon nang marinig ang boses na iyon. Bumungad sa akin ang mukha ni Fel na tipid na nakangiti. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Nang tingnan ko ang likuran niya ay nakita ko sina Adolf at Flynn na nakatayo roon. Tipid na ngumiti pa si Flynn sa akin.

"Hey beadle..." paos na sambit niya. Bahagyang umawang ang bibig ko. Nag-iwas ako ng tingin.

"Ang tagal na noong huli mo akong tinawag nang ganyan," sabi ko.

Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya. "Yeah...miss it though."

Hindi ako nagsalita. Diretso lang ang tingin ko sa harapan. Nabalot kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung anong oras na. Hindi ko alam kung anong araw na, Pakiramdam ko ay ang tagal ko nang nakaupo lang dito sa kama. Hindi na ako gumalaw at umalis dito simula nang dumating kami. Lahat ng pagkain dinadala ni Teon dito. Sinasamahan niya ako, dito na gna rin siya gumagawa ng trabaho niya.

Minsan niyayaya niya akong manood daw ng movie, kinukwentuhan at kung ano- ano pang paglilibang, pero palagi ko siyang tinatanggihan. Wala akong gana. Ayokong gumalaw. Ayokong magtrabaho. Gusto ko na lang lumubog sa kamang ito. Gusto kong pumikit. Gusto kong matulog na lang... ayoko ng gumising kung itong pakiramdam na ito lang din naman ang mararamdaman ko.

Na-grant na ang vacation leave ko sa trabaho. Maraming nagtanong sa akin, maraming nagmi-message pero ni isa wala akong sinagot. Ipinasa ko na rin lahat ng hawak kong kaso. Hindi ko alam kung babalik pa ba ako. Ni hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bumuntong – hininga ako at binalingan sila. Ikinalat ko ang aking tingin sa buong kwarto.

"He's downstairs." Narinig kong sabi ni Adolf. Tiningnan ko siya. "If you're looking for Teon, he's downstairs. May kinausap lang na kliyente. Babalik na rin iyon." Saglit na tumango lang ako. Isa isa ko silang tiningnan.

Ang daming nagbago. Ibang iba na ang mga taong nakikita ko ngayon kaysa sa mga taong nakasama ko sa Law School noon. Tinitigan ko sila. Bigla ay bumalik na naman sa akin ang nangyari sa kaso ng mga Garcia. Huminga ako nang malalim at saka nag-iwas ng tingin.

"Wala ba kayong mga trabaho?" tanong ko na lang.

Wala agad sumagot. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Fel. Naramdaman ko rin ang pagkuha niya sa aking kamay. Napatitig ako roon.

"We decided to skip work... for you..."

Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang bahagyang pagngiti niya sa akin. Sinalubong ko ang mga tingin niya.

"Bakit? Hindi niyo naman ako obligasyon."

"Cass..."

Nilingon ko sila. Kitang kita ko ang pagkunot ng noo at pagkagat ng labi ni Fel. Kita ko rin ang pagyuko nina Adolf at Flynn.

"Bakit kayo nandito? Bakit bigla kayong bumalik? Bakit ngayon pa?"

"Cause we're here for you. And I know that you need us." Humigpit ang kapit ni Fel sa kamay ko. Kinuha ko iyon. Kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.

Bumuntong – hininga ako at tiningnan siya sa mga mata. "Pero few weeks ago, gusto niyo akong pabagsakin di ba? Willing nga kayong ipa-ambush ako, di ba?"

Umawang ang bibig ni Fel. Parang gusto niyang magsalita pero walang lumalabas na salita sa kanyang bibig. Lumunok ako. Unti-unti ay nararamdaman ko na ang pag-init ng sulok ng aking mga mata.

Huminga nang malalim si Fel at saka umiwas ng tingin. "Y-You really think that wasn't difficult? We weren't trying to hurt you, Cass...we can never do that...i-it was just a warning. W-we just did that for Teon a-and T-Tito..." Pumiyok siya.

Nakagat ko ang aking labi at napatingin sa kanila. Nanatiling nakayuko pa rin ang dalawa habang si Fel ay nagpupunas ng luha.

"Akala niyo madali sa kin yun? Hindi. Walang madali. Tinuro sa law school ang mga procedures, lahat ng facts na pwede mong i apply pero hindi naman itinuro kung paano maging isang abogado. Para akong namimili at naiipit sa dalawang pamilya ko. Pero alam niyo kung anong masakit? Iyon iyong ma-realize kong kaya niyo ngang gawin ang lahat para sa mga mahal niyo at kaya niyo ring manakit kahit mahal niyo para hindi lang kayo mahuli...t-tinuring ko kayong pamilya pero sa nangyari...h-hindi ko a-alam kung itinuring niyo rin akong isa." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa aking pisngi.

Nanatili ang tingin ko sa kanila. Humahagulgol na si Fel habang alo-alo na siya ni Adolf. Nanatili si Flynn na nakayuko lang sa likuran nila. Nag-angat ng tingin si Fel sa akin. Umiiyak pa rin siya.

Huminga ako nang malalim. Umiling ako. "Hindi ko pinalanging makulong o mapahamak si tito. Alam niyo ba kung gaano kahirap sa akin ang gawin iyon? P-Pagkatanggap ko pa lang ng complaint pinagdasal ko nang sana may b-butas. S-Sana walang probable cause...s-sana hindi na lang totoo. Pero wala...g-ginawa niya. H-Hindi ako galit na sa kanila kayo kumampi k-kasi alam kong kakayanin nila iyon kung may suporta niyo...p-pero hindi ko akalaing kaya niyong i-tolerate ang mali m-makatakas lang sa kasalanang i-iyon...i-iyon ba ang paraan niyo ng pagmamahal? N-Ng s-suporta? K-Kung ganoon, sorry.... S-Sorry kung hindi ako katulad niyo. Sorry kung p-pinili ko yung tama." Hindi pa rin sila nagsasalita. Iyak pa rin nang iyak si Fel. Nasapo ko ang aking noo at umiyak na rin. "N-Napakamapalad niyo na. A-Ano pa ba ang gusto niyo? Oo, nakulong si Tito. Pero ni minsan ba naisip niyong iyon ang hustisya niya? May ginawa siyang mali. Paano naman iyong biktima? Paano sila. Sila yung walang wala na. Hindi niyo kasi naiintindihan. Kasi hindi naman kayo galing doon. Ako naiintindihan ko kasi pareho kami... pareho kami..."

Mas lalo akong umiyak.

"Cassia..." Narinig kong sambit ni Fel. "C-Cassie...s-sorry...s-sorry..."

Mariing naipikit ko na lang ang aking mga mata. Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. "I'm sorry...I-I'm so sorry..." paulit ulit niyang sambit habang nakayakap sa akin. Mas lalo akong humagulgol. Humigpit ang yakap niya sa akin. Nanatili akong nakapikit. Dumilat lang ako nang kumalas siya sa yakap. Umiiyak pa rin siya.

Nakita kong nakaupo na si Adolf sa tabi ni Fel. Naramdaman ko ring tumabi si Flynn sa akin. Binalot kami ng katahimikan. Tanging mga hikbi na lang yata ang maririnig sa buong kwarto.

"We owe you an apology, Cass..." Bumuntong-hininga si Adolf. Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Flynn sa akin mula sa likod.

"I'm sorry, b-beadle..."

Dumiin ang pagkapikit ko. Muling humagulgol si Fel at saka niyakap ako nang husto.

"P-Please forgive us... y-you're not alone...C-Cass...w-were always here... h-hindi ka mag-isa."

Tila walang kapaguran sa pag-agos ang mga luha sa aking pisngi. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Tila may kung anong humaplos sa aking dibdib habang yakap-yakap nila ako. Noon ko na lang ulit naramdaman ang pakiramdam na iyon. Bumuntong-hininga ako at saka kumalas sa yakap. Nagkatinginan pa kaming apat.

Nakaangkla si Fel sa aking braso. "I miss you. I miss you so bad sa States kasi wala akong friends doon. Imagine how painful it was to go against you..."

Yumuko siya at muling yumakap sa akin. Huminga ako nang malalim at saka niyakap din siya pabalik. Naramdaman ko na lang ulit na yumakap ang dalawa sa amin. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat ni Flynn.

Sabay pa kaming napalingon nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa aming ang nakakunot noong si Teon.

"Did I miss something?" takang tanong niya. Umiwas ako ng tingin.

Narinig kong bumuga ng hininga si Adolf. "Yeah. A lot. I think, we need to settle our mistakes and ask for forgiveness from each other." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Isa- isa niya kaming tiningnan. "You guys are my family. I already had a broken one. Ayoko namang pati ito maging broken family rin."



****

Contact Me:

Facebook - Daiana Dee

Twitter - droyaleswp

Instagram - droyaleswp

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top