Chapter 37
"You hungry again?"
"Teon!" Nanlaki ang aking mga mata at nasapo ko ang aking dibdib sa sobrang gulat nang bigla kong makita si Teon sa hamba ng aking pinto at nakasandal lang sa gilid.
Halos lumabas na sa dibdib ko ang aking puso sa sobrang kaba. Mag-aalas-dose na ng gabi at tama siya, nagugutom na naman ako kaya bababa sana ako. Pero di ko naman inaasahang nandoon pala siya sa hamba ng pinto ko.
Napalunok ako at saka dahan-dahang bumaba ng kama. Nakagat ko ang aking labi habang naglalakad palapit sa kanya.
"K-Kanina ka pa riyan?" tanong ko. Umayos siya ng tayo at bumuntong-hininga.
"I just checked you. I was on my way out when I notice you getting up."
Tumigil ako ilang metro lang ang layo sa kanya at yumuko.
"Sorry. Nagugutom ulit ako," mahinang sabi ko. Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Napaangat lang ako ng tingin nang bigla niyang kunin ang isang kamay ko at saka kami lumabas ng kwarto. Namimilog ang mga mata kong nakatitig sa mga kamay namin. Wala siyang imik hanggang sa makarating kami sa dining area. Inalalayan niya pa akong umupo sa upuan tapos ay pumunta siya sa may pantry.
"Nagpaluto ako ng carbonara kanina kay manang, gusto mong initin ko?"
Nanlaki ang mga mata ko. Kinagat ko ang aking labi para itago ang ngiiti sa aking mukha.
"Talaga?" Nilingon niya ako. Bumuntong-hininga siya at tipid na ngumiti. Hindi agad ako nakagalaw sa ginawa niya. Ngumiti siya! First time niyang ngumiti... ngayong magkasama kami. Lumunok ako. Halos hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko. Pinagmamasdan ko lang siyang iniinit iyong carbonara. Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na rin iyon.
Binasa ko ang aking labi nang inilagay niya na ang plato sa aking harapan. Grabe mas nagutom ata ako nang maamoy ko iyon. Napapalakpak pa ako nang ipaghain niya ako noon. Ngumiti ako sa kanya.
"Thank you!" Bumuntong-hininga lang siya at tumango. Kumuha na rin siya ng kanya tapos ay sabay kaming kumain.
Napahawak ako sa aking tiyan. Grabe, hindi ko alam kung blessing in disguise ba ang pagkagutom ko ng hatinggabi. Napabuntong -hininga na lang ako.
Hindi ko alam kung bakit pero simula noong magutom ako ng hatinggabi ay nagtuloy-tuloy na iyon. Parang gabi-gabi na lang din. Si Teon naman ay palaging nandoon na sa aking kwarto kada magigising ako. Kapag tinatanong ko naman siya palagi niyang sinasagot na baka raw magutom ako tsaka chinicheck lang daw niya ako. Hindi ko nga alam kung maniniwala ako sa kanya, minsan kasi naabutan ko na lang siyang nakaupo na sa tabi ng kama ko at nakatitig sa akin.
Gaya na lang ngayon.
"Teon? Okay ka lang?" tanong ko sa kanya dahil nasa tiyan ko ang tenga niya na para bang pinapakinggan ang bata roon at parang kinakausap pa ito. Marahan siyang bumangon at umupo nang maayos. Kumunot ang noo ko sa kanya. Bahagyang umawang pa ang aking labi nang makita kong pumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
Napalunok pa ako nang sapuhin niya gamit ang kanyang kaliwang kamay ang aking pisngi. Bumuntong-hininga siya.
"Uhm...can I sleep beside you? I just wanna hug the baby..."Umiwas siya ng tingin.
Napatanga naman ako sa kanya. Parang nahigit ko ang aking hininga. Lumunok ulit ako.
"Uhh...s-sige..." Kinagat ko ang aking labi at saka umusog ng konti para makahiga siya sa tabi ko. Walang imik na pumasok siya sa comforter. Tumalikod ako.
Nanayo ang aking mga balahibo nang maramdaman kong yumakap siya sa akin mula sa likod. Pumwesto ang kanyang kamay sa aking tiyan. Naramdaman ko pang ang baba niya ay nakapatong sa aking balikat. Napahinga ako nang malalim at napapikit na lang. Hindi ako makagalaw.
"Good night, Cassia," marahang bulong niya sa aking tenga. Bigla ay parang nagkakarera ang aking puso. Lumunok ako.
Hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako sa mga nangyayari ngayon. Paano na pag nanganak na ako? Bakit parang nakakatakot kung anong mangyayari sa amin...
~***~
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong nagka-cramp ang aking puson. Nakagat ko ang aking labi at marahang bumangon para hindi magising si Teon na nasa tabi ko. Halos gabi-gabi na siyang dito natutulog katabi ko dahil gusto niya raw makasama ang bata. Hindi na rin naman ako nagsalita at hinayaan na lamang siya.
"Hmm..."
Napadaing ako at napahawak sa aking puson. Ang sakit sakit niya.
Huminga ako nang malalim para kalmahin ang aking sarili. Dahan-dahan akong bumaba ng kama at nagsimulang maglakad papunta sa CR. Sapo-sapo ko ang aking puson habang pinipilit na maglakad pero hindi pa ako nakakarating ng CR nang mas lumala ang sakit ng tiyan ko.
Shit.
"A-Ahh...Aray!" Napaupo na lang ako sa sahig. Shit! Ang sakit ng puson ko. Parang bibiyakin ang buong katawan ko sa sobrang sakit noon.
Nakagat ko ang aking labi at napaluha na lang.
"Shit! Cassia?!" Habol-habol ko ang aking hininga at napahikbi na lamang ako nang marinig iyon. Agad kong naramdaman ang pagbuhat ni Teon sa akin. "Fuck! You're bleeding!"
Agad na bumalot ang takot sa aking katawan nang marinig iyon. Nanlaki ang aking mga mata at humikbi na lang ako sa kanyang dibdib. Ramdam na ramdam ko ang pagmamadali namin palabas ng kuwarto. Sobrang gulo ng mga naririnig ko sa paligid. Wala na akong ibang maintindihan. Iyak lang ako nang iyak. Iyong baby ko...iyong baby ko.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng ulirat. Nagising na lang ako ulit na nasa isang puting kwarto na naman ako. Mabilis kong iginala ang aking tingin at bumungad sa akin ang nakaupong si Fel sa tabi ng aking kama.
Kitang kita ko ang bahagyang pagkagulat niya nang makita akong gising na. Napatayo pa siya at tila takot na takot.
"F-Fel? A-Anong nangyari? Iyong baby ko?" Agad akong napahawak sa aking tiyan. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Fel.
Pinilit kong bumangon pero hinang hina pa ako. Lumunok ako. Bumalot na naman ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Tiningnan ko ulit si Fel.
"Fel...a-anong nangyari?" Tuluyan nang bumaba ang luha sa aking mga pisngi. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Fel. Kagat – kagat niya ang kanyang labi habang nakatitig sa akin.
"I-I'm sorry...the baby's gone, Cass.... Wala na ang baby..."
Tila huminto sa pag-ikot ang mundo ko sa narinig. Awang ang bibig na napatitig ako sa aking tiyan. Parang may nagbara sa aking lalalmunan. Sobrang sikip ng aking dibdib. Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang aking tiyan. Mariing naipikit ko na lamang ang aking mga mata at humikbi ako nang humikbi.
Wala na ang anak ko...ganoon na lang? Ganoon na lang?! Bakit ganoon?! Bakit?!
"Cassia..."
"W-Wala na siya... wala na ang b-baby ko.... M-Mag-isa na naman ako...m-mag-isa na naman ako!"
"Oh, Cass."
Mas lalo lang akong naiyak nang maramdaman ko ang pagyakap ni Fel sa akin. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang balikat at doon umiyak nang umiyak. Naramdaman ko ang paghagod niya sa aking likod. "G-Ginawa ko naman l-lahat...I-Inalagaan k-ko yun...b-bakit ganoon..."
"Shh...hush now, Cass...I-I'm here...it's not your fault...shhh."
****
Contact me!
Facebook: Daiana Dee
Twitter: droyaleswp
Instagram: droyaleswp
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top