Chapter 34

"Magpacheck-up ka na kasi. Napakatigas naman ng ulo mo, Cassia."

Napapikit na lamang ako sa sermon ni Ate Arra. Hinayaan ko na lang muna siyang magsalita nang magsalita at nagtalukbong na lang ako ng kumot. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Hindi na ako makabangon sa pagkahilo tapos maya't maya pa kung sumuka ako. Ito na ba ang kapalit ng pagkawalang pahinga ko?

"Cassia! Ano ba, magpacheck up ka na ha! Magpunta ka rin kaya ng OB. Nako kang bata ka. Ako ang kinakabahan sa'yo, e."

Halos matuod ako sa aking kinalalagyan nang marinig ang huling sinabi ni Ate Arra. Wala sa loob na napabalikwas ako ng bangon at agad na napatingin sa cell phone kong nasa tabi ko lang at naka-loud speaker. Napalunok ako. Wala nang nagrerehistro sa utak ko kahit na ang dami pang sinasabi ni Ate Arra.

Parang nag-hang ang buo kong katawan sa salitang OB. Bigla ay bumulusok ang kaba sa aking dibdib at kahit na mahilo-hilo pa ako ay bumaba ako ng kama at nilapitan ang drawer ko. Binuksan ko iyon at ni check.

Nakagat ko na lang ang aking labi nang makita ang dalawang pack ng napkin na bagong bago pa at hindi pa bukas. Napaawang ang aking bibig at dahan dahan kong isinara ang drawer. Nanghihinang bumalik ako sa kama at pabagsak na napaupo. Napalunok ulit ako. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking mg kamay habang inilalapat ko ang mga iyon sa aking tiyan.

Dahan-dahan kong iniangat ang suot kong t-shirt at tiningnan iyon. Nakagat ko ang aking labi. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, ang alam ko lang ay gusto kong umiyak. Dumiin ang pagkakagat ko sa aking labi at hindi ko na nga napigilan ang mga luha kong bumaba sa aking pisngi.

Awang ang labi kong napatingin sa kawalan. Buntis ako? Magkaka-baby ako...k-kami...ni Teon. Napasinghap ako. Bumuga ako ng hininga at saka tumayo. Kahit na medyo hilong hilo pa siya ay pinilit niyang tumayo para magbihis.

Hawak-hawak ko ang aking tiyan habang papunta ako ng hospital. Ni hindi ko maalis ang aking kamay roon. Hindi ko alam pero parang natatakot akong baka may masamang mangyari pag inalis ko siya. Tila iyong kamay ko ang assurance ko na protektado ang tiyan ko.

Saglit akong pumikit. Mas niyakap ko gamit ang aking kaliwang kamay ang aking tiyan. Bumuga ako ng hininga bago tuluyang pumasok sa clinic ng OB.

~***~

"You see that? Iyan ang baby mo." May itinuro ang doctor sa itim na nasa screen. Ni hindi ko alam kung saan nga iyong tinutukoy niya kasi sa paningin ko ay puro itim lang naman ang mga iyon. Tumingin siya sa akin at nginitian ako. "Congratulations. It's a healthy baby. We won't know for now kung anong gender niya kasi medyo maaga pa naman, but malakas naman ang kapit ng bata at malakas naman ang heartbeat niya. Just make sure na iinumin mo nang walang palya ang mga vitamins mo, okay? And healthy foods as much as possible. Iwas din sa stress."

Huminga ako nang malalim at bahagya nang bumangon. Naglakad si Doc pabalik sa kanyang lamesa habang ako naman ay dahan-dahang umaalis sa kamang kinahihigaan ko. Hawak-hawak ko pa rin ang aking tiyan. Grabe. Hindi ako makapaniwala. May tao sa tiyan ko. Buntis ako.

Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang pagluha ko. Huminga ako nang malalim at saka nilapitan si Doc. Nginitian niya ulit ako habang may isinisulat siyang riseta.

"What do you do for a living, Miss?" tanong niya pa. Lumunok ako.

"I work in the prosecution, Doc." Sandali siyang natigilan tapos ay binalikan ulit ng tingin ang chart ko.

"Oh. Prosecutor ka pala. Nako, ingat tayo sa stress ha? Kahit malakas ang kapit ng bata, it is still dangerous kung palagi kang exposed sa mga stressful na bagay." Tipid niya akong nginitian. "I hope you don't mind. My husband is a prosecutor and I see the stress everytime he goes home. Ingat lang talaga, okay?" Mas nginitian niya ako tapos ay binigay na niya sa akin ang sinulat niyang vitamins. Huminga ako nang malalim at tumayo na.

Tipid na nginitian ko lang ulit siya at tinanguan.

"Salamat," sabi ko at saka tumalikod na at umalis doon.

Bumuga ako ng hininga at sandalling napasandal sa nakasarado niyang pinto. Kinagat ko ang aking labi at muling tinitigan ang binigay niyang picture sa akin. Napahawak ulit ako sa aking tiyan. Humugot ako ng hininga at saka hinawakan muli ang aking tiyan. Lumunok ako at saka tuluyan nang umalis doon.

Hawak-hawak ko ang aking cell phone habang sakay ako ng taxi pauwi. Medyo nahihilo pa rin ako pero hindi ko na napapansin iyon at mas natutuon ang atensyon ko sa tiyan at sa picture na hawak ko. Hanggang sa makarating ako sa apartment ay tulala pa rin ako sa picture na hawak ko. Makailang beses na akong lumunok habang panaka-naka ang tingin sa aking cell phone. Panay ang tunog noon dahil sa kati-text at katatawag ni Ate Arra. Sinend ko lang sa kanya via text ang picture ng ultrasound ko. Hindi ko siya kayang makausap sa tawag kaya tinext ko lang siya. Nangangatog pa rin ang mga kamay ko at tuhod. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may laman ang tiyan ko.

Nakagat ko ang aking labi at saka tiningnan ang cell phone ko. Binasa ko ang mga texts ni Ate Arra.

From: Ate Arra

OMG!

Hala ka!

Buntis jud ka! (Buntis ka talaga!)

Ano na ngayon?!

Sasabihin mo ba?

Sinabi mo na?

Hoyy!

Cassia!

Bakit baa yaw mong sagutin ang tawag ko!

Bumuntong-hininga ako at nagtipa ng reply sa kanya.

To: Ate Arra

Hindi ko pa sasabihin.

Syempre sasabihin ko.

Nasapo ko ang aking noo. Dumausdos ulit ako sa aking kama at nagtalukbong na ng kumot. Kinuha ko ulit ang cell phone ko at saka tinitigan iyon. Sasabihin ko kay Teon. Karapatan niya ito. Anak niya rin ito. Kahit na ganitong may problema kami at kahit na alam kong maaaring hiwalay nan ga kami, karapatan niya pa ring malaman ang tungkol sa anak niya...sa anak namin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at saka bumuga ng hininga. Bumangon ako at saka sumandal sa headboard ng kama. Kinuha ko iyong unan at inilagay sa aking hita habang tinitingnan ang cell phone ko. Kinagat ko ang aking labi at denial ang number niya. Bumuntong-hininga ulit ako bago tuluyang tinawagan ang number niya. Kagat-kagat ko ang aking labi tapos ay hinintay siyang sumagot, pero wala. Naging missed call lang iyon. Tinawagan ko uli nang sunod-sunod pero wala pa rin. Kung hindi nagiging missed calls, pinapatay naman niya. Sa huli ay sumuko na rin ako. Nag-compose na lang ako ng message para sa kanya.

To: Giovanni Matteo

Mag-usap tayo, please. May kailangan akong sabihin. Importante lang.

Lumunok ako at sinend na iyon. Pagkatapos ay umalis ako ng kama at iniwan na muna ang cell phone ko roon. Nagpunta ako ng kusina para kumuha ng makakain. Gusto ko nga sanang mag-order na lang pero naalala ko ang sabi ng doctor ko na dapat healthy foods kaya pinigilan ko ang sarili kong mag-fast food at napilitan akong magluto ng gulay. Buti na lang talaga at puno pa ang stocks ko. Nagluto lang ako ng utan tapos ay tumambay na ako sa sala at nanood ng TV. Gusto ko munang i-relax ang sarili at isip ko kaya lang bad move yatang binuksan ko iyon dahil agad na bumungad sa akin ang kapapasok na balita lang tungkol kay Tito.

Natulala ako habang tinitingnan si Tito nan aka-orange ng damit at nakaposas ang dalawang kamay habang iginigiya ng mga pulis. Ipinikit ko ang aking mga mata at agad na pinatay iyon.Tumayo ako at saka bumalik na lang din sa aking kwarto. Tiningnan ko ang cell phone ko ng ilang segundo bago muling denial ang number ni Teon. Umupo na ako sa kama at tinitingan ang cell phone ko. Hindi pa rin siya sumasagot. Ilang minuto ang lumipas at hindi na ako mapakali. Sa huli ay nagdesisyon akong umalis at puntahan siya.

Mabilis akong nagbihis ng panlakad ulit. Simpleng maong jeans, maroon t-shirt, at doll shoes lang ang suot ko. Inilugay ko ang aking buhok at isinukbit ang aking tote bag tapos ay lumabas na rin.

Pumara ako ng taxi. Lately, hindi ako makapag-jeep dahil nasisikipan ako at nahihilo ako. Akala ko noon ay dahil talaga iyon sa pagod ko pero ngayon, mas malinaw na kaya baka hindi na talaga muna ako mag-jeep pa.

Una kong pinuntahan ang condo niya. Tinanong ko na ang receptionist pero ang sabi ay wala raw tao sa unit. Nanlumo ako at kahit na ayaw ko ay wala akong choice kundi pumunta sa bahay nila.

"Dito na lang po, salamat," ani ko sa driver at saka lumabas ng taxi.

Nag-doorbell ako. Ilang segundo lang naman ay bumukas na iyon at bumungad sa akin ang isang pamilyar na kasambahay. Tipid ko siyang nginitian. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ako. Huminga ako nang malalim.

"Uhm s-si Teon ba nandito?" tanong ko. Saglit pa siyang napatitig sa akin bago tumikhim.

"Ahh w-wala po,e. Dinalaw po si S-Sir Matthew...gusto niyo pong pumaosk?"

Napalunok ako at saglit na napatitig sa kanya. Sa huli ay ngumiti ako. "Uhm h-hindi na...sige..." sabi ko lang at tinalikuran na siya.

Huminga ako nang malalim at nag-book na lang ng Grab. Pupunta ako sa kulungan. Pupuntahan ko si Teon.

~***~

Napakapit ako sa hawak kong tote bag habang naglalakad papasok ng visiting area. Lumunok ako. Ramdam na ramdam ko ang mga tinginan ng mga presong nandoon at may bisita rin. Huminga ako nang malalim at ikinalat ang tingin ko sa buong lugar. Natigilan lang ako nang sa wakas ay makita ko na si tito kasama si Teon at ang tatlo.

Nakagat ko ang aking labi at saka dahan-dahan akong naglakad palapit. Seryosong nag-uusap sina Tito at Teon habang ang tatlo ay nakatingin lang sa kanila.

"Dad..."

"It's okay, son. It's okay."

Huminto ako ilang metro na lamang ang layo sa kanila. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanila. Lumunok ulit ako. Akmang magsasalita na ako nang mapatingin sa gawi ko si Adolf. Mas lalo akong kinabahan. Akala ko ay magsasalita siya pero hindi siya nagsalita at nakatitig lang siya sa akin. Napansin yata nina Flynn at Fel kaya napatingin din sila sa gawi ko. Napatayo si Fel dahilan para mapatingin din sa amin sina Tito at si Teon.

Mas humigpit ang kapit ko sa aking bag nang magtama ang tingin namin ni Teon. Huminga ako nang malalim at naglakas loob na lumapit na sa kanya.

"Teon – "

"What are you doing here?" mariing putol niya sa akin at lumapit na rin.

Huminga ako nang malalim. "Gusto ko lang makipag usap, please?"

"Wala na tayong pag-uusapan. Di ba sinabihan na kitang lumayo muna?" Napapikit ako sa riin ng pagsasalita niya.

Nakagat ko ang aking labi. Naramdaman ko na ang pag-iinit ng aking mga mata. "P-Please? Importante lang talaga. Saglit lang to. Kailangan mo lang ta –"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang biglang may magsigawan doon. Mabilis kaming napatingin doon at nakita naming may nagkakagulong mga preso ilang lamesa lang mula sa amin. Napaigik na lang ako nang mas lumala ang gulo. Nakikisali na rin iyong iba. Halos lumabas na sa aking dibdib ang aking puso sa sobrang takot. Naramdaman ko ang paghawak ni Teon sa aking braso, hinihila ako palayo roon sa mga nagsusuntukan.

"Shit. Teon! Lumabas na tayo!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang mas lumala ang away at nagrambol na sa loob. Na-trap kami roon sa may gilid. Rinig na rinig ko ang mura nina Flynn at Adolf. Hawak- hawak pa rin ako ni Teon. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang may biglang lumipad an monoblock sa akin.

"Cassia!" Mabilis na umilag ako pero may natapakan akong kung ano dahilan para matumba ako.

Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang paupo akong bumagsak.

Jusko!

Nakagat ko na lang ang aking labi at agad na napahawak sa aking tiyan. Agad na binalot ako ng takot nang maramdaman ko ang panunuot ng sakit sa aking puson.

"Oh my god! Cassia's bleeding!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top