Chapter 3

"O ito na, Cass. Nako kang bata ka, mabuti na lang at nakita ko itong ID mo kagabi. Nako naman, oo."

Nakagat ko na lang ang aking labi nang abutin ang ID ko mula kay Aling Mila. Para rin akong nabunutan ng tinik pagkahawak ko ng ID ko. Kasi naman, hindi ko napansing nahulog pala ito kagabi noong kumain ako rito kina Aling Mila. Buti na lang at napulot niya.

"Nako, salamat po nang marami, Aling Mila! Hindi ko kasi napansing nahulog, e. Salamat po talaga." Nakagat ko ang aking labi.

Ngumiti lang si Aling Mila at tinuloy na ang pagpapaypay ng mga paninda niya.

Ngumuso ako.

"Sige po, salamat po ulit!" Ngumiti lang ako at nagpaalam na.

Binilisan ko na lang ang lakad papuntang inuupahan ko. Maguluto pa kasi ako ng para sa tanghalian ko. Napatingin tuloy ako sa relo ko. Mag-aalas onse pa lang naman. Ang dami kasing tao sa mall. Bumili lang naman ako ng ballpen kasi naubos na, inabot pa ako nang kalahating oras.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka binuksan na ang pinto. Nilagay ko lang muna sa maliit kong sofa yung binili ko tapos ay dumiretso na akong kusina. Binilisan ko ang kilos ko dahil gusto ko sana nasa Clarke na ako bago mag-12. Doon na lang din ako kakain ng tanghalian kasi may kukunin pa akong kaso sa SCRA. Wala naman kasi akong wifi dito sa bahay. Nagtitipid ako kaya di na muna ako nagpa-load.

Mabilis lang akong nagsaing tapos ay ininit ko na lang din yung tira kong kare-kare kaninang umaga. Maaga kasi akong nagising - mga bandang alas kwatro - kaya nakapag kare kare pa ako. Puro na lang kasi ako mga instant o kaya mga prito. Na-miss ko ring magluto ng lutong- bahay.

Nang matapos na ako sa pag-init ay agad ko rin iyong nilagay sa lalagyan tapos ay dumiretso na ako sa kwarto para magbihis. Tapos na naman akong maligo kanina kaya nagbihis na lang ako.

Nagmamadaling tumawid ako at saka dumiretso ng canteen. Buti na lang hindi pa taken yung usual na kinakainan ko. Mabilis akong umupo roon at saka kinuha ang laptop ko. Wala namang bawal dito sa canteen tsaka bibili naman ako ng iced tea mamaya para naman may nabili ako rito kahit paano.

Ni-log in ko agad ang SCRA account ko at saka hinanap yung assigned cases. Nang ma-copy ko na yun ay saka ako tumayo at bumili ng iced tea.

Pagbalik ko sa upuan ay saka ko kinuha yung baon ko. Sinimulan ko nang kumain habang nagso-scroll ng kaso.

"Hey, beadle!"

Sandali akong napahinto nang marinig iyon. Kunot-noong tumingala ako at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Flynn. Nasa likod niya iyong tatlo niyang kaibigan.

"Uy hi!" Mabilis kong binitiwan ang kubyertos at saka tipid na ngumiti.

"Can we sit?" tanong niya.

Ngumuso ako at napatingin sa paligid. Sa huli ay bumuntong-hininga lang ako at tinabi ang mga gamit ko.

"Uhm sige. Walang problema," sabi ko at saka sinara ang laptop ko at nilagay iyon sa bag ko.

"Wow, you're still studying here?" tanong ni Flynn. Umupo siya sa tabi ko. Yung tatlo niya namang kasama ay nasa tapat namin.

"Ah hindi kasi ako nakapagbasa. Di ko na-save yung kaso," sabi ko na lang.

"Flynn, let's go order." Tumayo iyong si Fuschia tapos ay si Adolf.

Tumayo na rin si Flynn at pumunta sa kanila.

Si Teon lang yung nanatiling nakaupo. Nakita kong binalingan siya ni Fuschia.

"Hey, you're not going to order?" tanong niya kay Teon.

Nagkibit-balikat lang ang huli at hindi na sumagot. Hindi na rin naman nagsalita ang mga kaibigan niya at umalis na roon.

Naiwan ako kasama si Teon. Napakagat ako sa aking labi saka ipinagpatuloy ang aking pagkain. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko siya pero seryosong nakayuko lang siya sa cellphone niya.

Napanguso ako.

Hindi ba siya nagugutom?

Napatingin ako sa baon ko tapos sa kanya. Bumuntong-hininga ako at saka tumikhim. Agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. Tipid akong ngumiti.

"Uhmm gusto mo?" mahinang tanong ko saka inusog nang konti ang lunch box ko sa kanya.

Tiningnan niya lang iyon. Nakagat ko ang aking labi.

"Uhmm lutong-bahay yan. Hindi ka ba kumakain ng ganyan?"

Hindi siya sumagot. Akala ko nga iiling siya pero nagulat na lang ako nang kunin niya iyon. Inusog ko rin ang kanin.

"Kanin, o," sabi ko.

Tumayo ako at saka pumunta sa may counter para humingi ng plastic spoon and fork.

Ibinigay ko iyon sa kanya.

"Ito na gamitin mo."

Sandali siyang tumigil at tiningnan ako.

"What about you?" kunot - noong tanong niya.

Tipid na ngumiti lang ako.

"Sige na, kumain ka na. Mukha kang gutom. Bakit kasi ayaw mo um-order?" di ko maiwasang magtanong.

Nagkibit-balikat lang siya.

"Unhealthy and oily. I prefer home cooked - food," sagot niya.

Ngumuso ako at tumango.

"Hmm okay. Sige kain ka lang." Nginitian ko siya. Tiningnan niya ulit ako.

"We could share. It's your lunch."

Bahagya akong natawa at saka umiling.

"Okay nga lang nakakain na rin naman akong konti," sabi ko na lang.

Ewan, naaawa kasi ako sa kanya. Nakita ko siyang sumusulyap sa pagkain ko kanina. Napailing na lang ako. Kinuha ko na lang yung laptop ko para magbasa na lang ulit ng kaso.

"Oh, you're eating..."

Napaangat na lang ako ng tingin nang marinig iyon. Nakabalik na pala yung tatlo. Umayos ako ng upo at ipinatong ang laptop ko sa aking hita. Napansin ko pang tinitingnan ako ni Flynn. Yung dalawa naman nakatingin kay Teon tapos ay bumaling din sa akin.

"Uhm mukha kasi siyang gutom kaya binigay ko na baon ko," sabi ko.

"What about you?" Si Flynn.

Ngumiti lang ako.

"Okay lang ako. Nakakain naman na ako."

"Wait, akala ko ba di ka gutom?" Dinig kong tanong ni Fuschia.

Nag-angat ako ng tingin.

"Kanina yun," sagot lang ni Teon tapos ay kumain ulit.

Nakita kong umirap lang si Fuschia tapos ay umupo na rin.

"Whatever," sabi pa niya tapos ay inayos na ang order niya.

Napatingin ako sa mga order nila. Carbonara yung order ni Fuschia. Yung sa dalawa naman mga salas tapos steak. Grabe, ang so-sosyal naman talaga nila.

"Wait, is this kare-kare?"

Tumingin si Fuschia sa akin. Tipid akong ngumiti at saka tumango.

"Who cooked?" tanong niya pa at saka sinuri yung lunch box ko.

"Ahh ako."

Namilog ang mga mata niya. "Oh my gosh! You can cook?" tanong niya pa na akala mo nakakagulat yun.

Ngumiti lang ako at saka tumango.

"Wow, can I have some? Please?"

Bahagya akong napatanga nang makita kong ngumiti si Fuschia. Noon ko lang kasi siya nakitang ngumiti sa akin. Ang sungit niya kasi palagi.

Natawa pa ako nang makita ko siyang parang batang kumuha sa lunch box ko.

"What the. You have your own food, Fel," reklamo ni Teon.

Umirap si Fuschia.

"You're greedy! It's not even yours!" balik pa nito at tinusok yung isang part ng kare-kare.

Hindi ko alam pero natatawa ako sa kanila lalo pa noong nakisali yung dalawa sa paghingi.

"What the hell. That's mine!" reklamo ulit ni Teon kasi paubos na yung ulam.

Nakagat ko na lang ang labi ko para pigilan ang pagtawa.

Natigil lang ako nang biglang tumingin sa akin si Fuschia. Nakanguso siya tapos ay tiningnan ako. Naningkit ang mga mata niya.

"Hmm. I think like you na," sabi niya pa at ngumiti. Inabot niya ang kamay sa akin.

"Call me Fel na. You're my friend na ha! Tsaka can I request for this tomorrow? Please? I'm so tired na of pasta!" Tumulis ang kanyang nguso.

Hindi ako agad nakapagsalita sa gulat. Umawang ang bibig ko. Mas lalo siyang ngumiti. Sa huli ay napangiti na lang din ako at tinanggap iyon.

"Damihan ko na lang bukas," sagot ko.

"Omg thanks!"

Natawa na lang ulit ako sa kanya. Hala, ang cute niya naman pala. Tsaka makulit din.

"Let's eat na! O, try this carbonara. It's good!" sabi niya pa. Umiling lang ako.

"Okay lang," sagot ko at bumalik na lang din sa pagbabasa.

Sa huli ay nagbasa na lang ako tapos sila kumakain at nag-aaway sa kung sino ang kukuha ng huling kare-kare. Natatawa na lang talaga ako.

Grabe, sobrnag seryoso ng tingin ko sa kanila noong mga nakaraang araw. Nakakagulat lang na ganoon pala sila kakulit at kakalat.

Si Fel sobrang iba na sa first impression ko na masungit. Palagi nga siyang nakakapit sa akin noong nag-library kami pagkatapos. Ang tatalino din nila, grabe. Yung mga hindi ko naintindihan, parang mani lang para sa kanila. Lalo na si Teon. Kung humahanga ako sa kanya sa klase, mas nakakahanga pala siya sa malapitan.

"Uhm salamat sa mga clarifications," sabi ko nang palabas na kami ng library.

Ngumiti lang si Fel.

"It's nothing. You're intelligent din naman, duh." Umangkla siya sa braso ko.

Ngumiti lang ako.

"Luh, mas matalino kayo no."

"Tss. Si Teon lang nerdy sa amin, Cass." Si Adolf. Tumawa si Flynn. Hindi naman sumagot si Teon at nauna pa sa amin.

"Tss. Ang pikunin ng isang iyon," sabi pa ni Fel at saka hinila na ako papunta sa classroom.

Pagkapasok namin ay bumungad na naman yung mga mapangmatang tingin ng mga kaklase ko. Hala. Grabe naman. Pakiramdam ko talaga tinutunaw nila ako sa mga tingin nila. Pero siguro kung ako ang nasa lugar nila, mapapatitig din ako, e. Kasi naman, ang bibigatin ng mga kasama ko di ba.

"Cass, dito ka." Tinuro ni Fel yung katabi niya tapos hinila na ako. Hindi na rin tuloy ako nakapagreklamo.

Tumabi sa isang gilid ko si Teon. Ngumiti si Fel sa akin tapos bumaling kay Adolf na nasa isang tabi niya. Si Flynn nasa tabi naman ni Teon. Bale ako ang gitna nilang apat.

Bumuntong-hininga na lang ako at ni-ready na ang mga kakailanganin ko. Naiyakap ko pa ang mga kamay sa aking sarili. Grabe, ang ginaw naman. Manipis yata itong nasuot ko. Basa pa kasi ang blazer na palagi kong gamit kaya itong manipis na parang carditan muna pinatong ko sa collared blouse ko.

Bumuga ako ng hininga at akmang magsusulat na sana sa notebook ko nang biglang may pumatong na coat sa balikat ko. Nanlalaking matang napatingin ako sa gawi ni Teon.

Gulat na gulat pa ako nang makitang naka-long sleeves na lang siya.

Hala, siya. Bakit niya binigay ang coat niya sa akin?

"Teon, coat mo." Kinalabit ko siya.

Agad naman siyang lumingon. Kinagat ko ang aking labi.

"It's fine. You're shivering," sabi niya lang at saka bumalik na sa pagsusulat.

Dumiin ang pagkakakagat ko sa aking labi.

"Baka pagalitan ka..."

"It's fine. Prof won't mind," sabi niya lang at itinuon ang tingin sa libro niya

Napanguso na lang ako at saka yumuko na rin.

~***~

"Class dismissed."

Agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko nang marinig iyon kay Attorney. Nag-inat inat mun ako saka tumayo. Nakatayo na rin sina Fel.

Nilingon ko si Teon at saka binigay ang coat sa kanya.

"Salamat sa coat," ani ko at nginitian siya. Tumango lang siya sa akin at kinuha iyon.

Bahagya pa akong napaigtad nang biglang umangkla ulit si Fel sa braso ko.

"Hey, give us your number!"

"Ha?" Napalingon ako sa kanya.

Nagkibit-balikat siya at kinuha ang phone niya. Sabay kaming naglakad palabas ng classroom. Yung tatlo ay nasa likod namin. "Number mo."

Inabot ni Fel ang phone niya. Kinuha ko naman iyon at nilagay ang number ko. Abot-tenga naman ang naging ngiti niya. Ngumiti na lang din ako.

"Sige, una na ako ha," paalam ko nang makababa na kami ng building.

"Uhh wait, saan ka nakatira?" tanong i Fel.

"Sa tapat lang." Tinuro ko yung tapat.

Tumango - tango siya.  

"Ohh, sa dorm?"

"Ahh, hindi. Sa may apartment diyan lang, sige. Ba-bye." Kinawayan ko sila.

Kumaway naman sila pabalik.

"Bye, beadle!" sigaw pa ni Flynn. Natawa na lang ako at tumango rin.

Humikab ako at binilisan na lang ang lakad. Mag-aalas diyes na at gusto ko na lang talagang humiga. Pagkarating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto at nagbihis. Inilatag ko lang sa sahig ang bag ko tapos ay nagpunta na ng banyo. Naghilamos lang ako nang mabilis tsaka bumalik na rin sa kwarto.

Pagkahiga ko ay saktong nag-vibrate ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko at kinuha yun.

From: Unknown  
Save our numbers!
- Fel

May pumasok ulit na text ng mga numbers tapos may label. Napangiti ako at ni-save yun isa- isa. Itinabi ko na rin ang cellphone ko saka tuluyan nang pumikit. Ang ganda lang ng araw ko ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top