Chapter 29
Disclaimer: I do not claim to be expert in the field of Law. All the scenes and statements in this chapter are purely based on research and experience. If you see inconsistencies and wrong information, feel free to message me, so I can edit it immediately.
Read at your own risk.
****
Huminga ako nang malalim habang tinitingnan ang aking sarili sa salamin. Naka itim na pencil skirt ako tapos ay inner white collared long sleeves na pinatungan ko ng isang itim na blazer din. Nakasuot din ako ng isang 2 inches closed shoes heels. Inayos ko ang aking blazer tapos ay napatitig sa aking mukha. Nakalugay lang ang itim at hanggang balikat kong buhok.Naglagay lang din ako ng usual na nilalagay ko sa aking mukha pag pumupunta ng trabaho – pulbo at liptint.
Sanay na naman ako sa hearing dahil maraming beses na akong naka-attend kaya hindi ko alam kung bakit sobrang kaba ang nararamdaman ko. Kung tutuusin kasi ay hindi pa dapat ako kabahan. Arraignment pa lang ito, hindi pa mismong trial. Bumuntong-hininga ako at saka tiningnan ang aking cell phone. Nakita ko roon ang text ng babaeng anak ng biktima. Mabilis ko na kinuha ang aking bag tapos ay pinasadahan ulit ng tingin ang aking suot. Pagkatapos noon ay lumabas na rin ako at pumara ng taxi.
Medyo traffic na nang papunta ako ng Regional Trial Court pero nakarating din naman ako roon on time. Kasama kong umakyat ang pamilya ng mga Garcia. May mga media sa labas na nagpupumilit pumasok pero may mga guards naman doon na hinaharangan ang mga ito. Pasakay kami ng elevator nang may nakasalubong akong dating katrabaho sa PAO. Napalunok pa ako nang magtama ang mga tingin namin.
"Good luck, Cassia," ani Trina at nginitian ako. Tipid na ngumiti lang din ako at tumango.
Pareho kami ng floor na binabaan pero hindi kami pareho ng branch. Bago pumasok sa courtroom ay hinarap ko ang pamilya Garcia. Isa- isa ko silang tiningnan.
"Arraignment pa po tayo. Malaki po ang posibilidad na magpi-plead sila ng not guilty. Pag nangyari po iyon, saka tayo sasalang sa trial. Gusto ko lang po kayong ihanda sa mga posibilidad pagkasalang na natin sa mismong trial," sabi ko sa kanila.
Nakita kong niyakap lang ni Aling Marie ang dalawa niyang anak bago siya tumango. Itong mga teenagers lang ang kanyang dala at ang bunso niya ay iniwan lang daw niya sa kanyang pinsan.
"Sino po yung judge?" Napabaling ako sa batang lalaki. Seryosong nakatingin lang siya sa akin.
Bumuntong-hininga ako. "Judge Fuentes," sagot ko.
"Matino po ba siya?" Hindi agad ako nakasagot.
"JR, ano ba," saway ng kanyang ina.
Huminga ako nang malalim at tipid na nginitian siya. "Basta nasa atin ang katotohanan. Mananaig at mananaig naman ang hustisya," pagsisigurado ko.
Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa akin. "Depende rin po sa husgado kung may respeto siya sa batas at hustisya. Pasensya na po. Alam kong naniniwala kayo sa hustisya at nagpapasalamat po akong may mga katulad pa ninyo pero hindi rin naman po kami bulag sa kabulukan ng sistema."
Hindi ako nakasagot. Hindi na rin naman siya nagsalita at tumuloy na papasok ng court room. Natulala na lang ako habang pinagmamasdan ang likod nilang papasok ng kwarto. Bumuga ako ng hininga at kinalma ang aking sarili.
Akmang papasok na ako nang bigla kong mamataan ang isang grupo na palapit din sa court room. Para akong natuod sa aking kinalalagyan nang makita sina Teon at Flynn kasama ang isang matandang naka-three piece suit.
Nag-iwas ako ng tingin. Biglang sumikip ang aking dibdib. Napalunok ako at kahit na nanginginig ay mabilis akong pumasok ng courtroom. Nagmamadaling umupo ako sa pwesto namin at iniyuko na lamang ang aking ulo.
Hindi ako pwedeng umiyak dito. Hindi pwede.
~***~
"All rise for the presence of the Honorable Judge Justicio Fuentes. Let us pray." Huminga ako nang malalim at saka iniyuko ang aking ulo.
"Court is in session. Read the cases," ani ulit ng clerk. Umupo kaming lahat. Humugot ulit ako ng hininga at ikinuyom ang aking dalawang kamay sa itaas ng aking mga hita. Pinanatili ko ang aking tingin sa harapan. Ayaw kong lumingon-lingon dahil pakiramdam ko ay iiyak ako pag nakita ko sina Teon sa kabila.
Hindi ko rin kayang makita si Tito Matthew na naka-orange at may posas ang dalawang kamay. Sobrang sakit sa dibdib at parang tinutusok iyon ng napakaraming karayom. Ganoon kahirap tapos magagalit siya na para bang sobrang dali nitong lahat? Pare-pareho lang naman kasi talaga kaming nahihirapan.
"For arraignment, Criminal Case No. 15190 People of the Philippines vs Matthew Escueda for the crime of Murder," basa ng clerk. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata at saka huminga nang malalim.
Tinawag ang presence ng defense at prosecution. Muntik pa akong matumba nang tumayo ako dahil sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Ni hindi ako tumingin kahit saan. Tanging sa Judge lang ako nakatingin.
Pagkatapos noon ay kay Tito naman bumaling ang judge. Nakayuko pa rin ako pero medyo nahahagip ng peripheral vision ko ang side nina Teon at ang nakatayong si Tito.
"Do you understand all your rights?" tanong ng Judge.
"Yes, your honor."
Isang malalim na hininga na naman ang aking pinakawalan nang marinig ang boses ni tito. Parang may nagbara sa aking lalamunan.
"Read the complaints," utos ni Judge.
"Criminal Case No. 15190 People of the Philippines vs Matthew Escueda is charged of Murder under Article 248 of the Revised Penal Code. Information reads that on the 25th of April 2015, in the Province of Quezon, Philippines and within the jurisdiction of this Honorable Court, the above-named accused, Matthew Escueda, with the intent to kill, with treachery and evident premeditation, did, then and there willfully, unlawfully and feloniously shot and hit one Armando Garcia hereby inflicting upon the latter a "bullet wound passing through the body, entering the left costal arch mammary line and passing out of the right-mid-infra clavicular lines, which resulted to his instantaneous death."
Parang hindi ako makahinga sa sobrangpaninikip ng dibdib ko. Kinailangan ko pang kalmahin ang aking sarili para lang makahinga ako nang maayos.
"How do you plead?" tanong ng judge. Doon ako naglakas ng loob para lumingon sa kabila.
Nakita ko si Tito na diretso lang ang tingin at walang ekspresyon sa mukha.
"Not guilty, Your Honor." Napapikit na lamang ako. Saglit kong binalingan ang aking mga kliyente at marahan silang tinanguan.
Kitang kita ko ang pagpapakalma ng babaeng anak ni Aling Marie sa kanya.
Huminga ako nang malalim at saka ibinalik muli ang tingin sa harapan.
"I would like to request for a Bill of Particulars and to review the material evidence of the prosecution, Your Honor." Rinig kong sabi ng defense. Huminga ulit ako nang malalim.
"Granted. Pre-trial will be scheduled 15 days from now. Court adjourned." Narinig ko na lang ang pagpukpok ni Judge sa gavel tapos ay tumayo na ito. Nagsitayuan na rin ang mga nandoon sa courtroom.
Saglit akong pumikit at saka tumango na rin. Pumunta ako kina Aling Marie at tumulong din sa pagpapakalma sa kanya. May sinabi lang ako kay Aling Marie tapos ay pinauna ko muna sila sa labas. Inalalayan ng dalawa ang kanilang in ana pumunta muna sa banyo.
Huminga naman ako nang malalim at inayos ang gamit ko bago tuluyang lumabas din ng court room. Akmang didiretso ako CR para puntahan sina Aling Marie nang mamataan ko si Teon sa may gilid ng CR. Nakatagilid siya sa akin at may kausap sa cell phone. Ikinalat ko ang aking tingin sa buong paligid pero hindi ko na nakita ang mga kasama niya.
Napalunok ako. Huminga ako nang malalim at naglakas ng loob na lumapit sa kanya.
"Teon..." sambit ko.
Kitang kita ko ang pagtigil niya at ang dahan-dahang pagbaba niya ng cell phone. Parang slow motion na lumingon siya sa akin. Huminga ako nang malalim at kinagat ang aking labi.
"What?"
Hindi ako nakapagsalita dahil sa tono ng boses niya. Sobrang lamig ng tingin niya sa akin at blangkong blangko ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Para na namang nilalakumos ang aking puso dahil sa ginagawa niya. Dumiin ang pagkakakagat ko sa aking labi at marahang iniiwas ang aking tingin. Sinubukan kong bumuo ng salita para lamang makausap pa siya ng matagal pero walang lumalabas sa aking bibig. Parang may nagbara sa aking lalamunan at parang inipit ang aking dila para hindi na ako makapagsalita pa. Hanggang sa umalis na lamang siya sa aking harapan ay hindi na ako nakagalaw pa. Nakagat ko na lang ang aking labi at napayuko na lang. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaan na lamang ang mga luhang tumulo sa aking pisngi.
~***~
May ilang araw pa akong natitira bago ang sila sumalang sa trial pero ito ako ngayon at sa halip na nag-aaral para sa kaso ay tulala lang. Sanay naman akong mag-isa pero hindi naman ako nakaramdam ng ganitong bigat sa pakiramdam. Pakiramdam ko wala akong kasama. Ang lungkot lungkot. Wala akong ibang mapagsabihan. Wala akong matakbuhan. Hindi katulad noon na may mga natatakbuhan ako at may nakakausap. Ngayon, parang ayaw sa akin ng lahat. Wala akong Karamay at ni wala man lang akong matawagan. Ganito ba talaga ang kapatlit ng pagtatanggol ko sa hustisya? Bakit naman ganoon?
Kinagat ko ang aking labi at saka tiniklop lahat ng mga papeles na nasa lamesa. Bumuntong-hininga ako at tumayo para magtimpla ng kape. Wala sa sariling tiningnan ko ang bintana sa may sala hababng nagtitimpla ako ng kape. Ang lakas ng ulan sa labas parang nakikisimpatya rin ang langit sa bigat na nararamdaman ko. Bumuga ako ng hininga at tiningnan ang kape ko. Kinuha ko iyon at bumalik na rin ako sa kinauupuan ko kanina. Pahigop pa lang ako ng kape nang biglang mag-vibrate ang telepono ko.
Fel calling...
Para akong natuod sa aking kinalalagyan sa nakita. Bigla ay parang sumibol ang pag-asa sa aking dibdib. Mabilis kong sinagot ang tawag.
"Hello, Fel?" medyo na-excite kong sabi.
Narinig kong bumuntong-hininga siya sa kabila.
"Can we meet? Were here in the Philippines," tanging sabi niya. Natigilan ako, ang kaninang pag-asa at excitement ay tila dahan-dahang naglaho dahil sat ono ng boses niya.
Napalunok ako. "S-Sige...bukas? Saan ba?" Kinagat ko ang aking labi. Narinig ko ulit siyang bumuntong-hininga.
"Lunch time. Sa tambayan natin dati sa tapat ng Clarke."
"Hmm. Sige."
Binaba niya ang tawag. Natulala na lang ako sa aking kinalalagyan. Hawak-hawak ko pa rin ang cell phone sa aking tenga. Bumuntong-hininga ako at sa huli ay niligpit na rin ang aking mga gamit.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Ramdam ko ang bulong-bulungan ng mga kasama ko tungkol sa kaso. May ilan pang nagtatanong sa akin pero hindi ko sila sinasagot. Pinag-aralan ko buong umaga iyong mga ebidensya namin para sa trial. Bago mag alas-dose ay lumabas na agad ako sa opisina. Mabilis akong pumara ng taxi at nagpahatid sa Starbucks sa tapat ng Clarke.
Bumungad sa akin ang maraming estudyante na nag-aaral sa loob. Malamang ay mga Law Students o Med ang mga iyon. Mapait akong napangiti. Naalala ko tuloy iyong mga study out namin dito rati. Bumuga ako ng hininga at saka ipinilig na lang din ang aking ulo. Naghanap ako ng mauupuan namin sa may dulo at umupo na rin doon. Kinuha ko ang aking cell phone at tinext siya na nandoon na ako. Bumuntong-hininga ako at inilagay ang aking dalawang kamay sa lamesa. Hindi na ako um-order. Hindi rin naman kasi ako gutom. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa pagkikita naming ito ni Fel. Iba kasi ang tono at awra ng boses niya nang tumawag siya kagabi. Hindi ko alam. Iba ang pakiramdam ko.
Napatuwid ako ng upo nang mag-reply siya na naroon na rin daw siya. Agad kong ikinalat ang aking paningin at itinaas ang aking kamay nang makita siya. Tipid akong ngumiti habang hinhintay siyang makalapit. Wala pa rin siyang pinagbago. Social at fashionista pa rin siya kung manumit. Naka black bodycon tube siya at naka black pumps. May suot din siya shades at may nakapatong sa kanyang balikat na cream coat. Hawak-hawak niya sa kanyang kanang kamay ang isang maliit na black bag.
"Hi...Fel," bati ko nang makarating siya sa tapat ng upuan ko. Hindi siya sumagot. Tinanggal niya lang ang kanyang sunglasses at umupo na rin. Napalunok ako.
Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Parang iyong mukha ni Teon sa tuwing nakikita niya ako nitong mga nakaraang araw. Lumunok ako at tiningnan siya.
"Kumusta ka na? Gusto mong mag-order?" tanong ko. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi siya sumagot.
"I don't want to make this longer, Cassia." Huminga siya nang malalim. Nanatiling nakatitig naman ako sa kanya. "You need to give up this case."
Hindi agad ako nakapagsalita. Umawang ang bibig ko at nagkunot ng noo sa kanya. "F-Fel, a-anong ibig mong sabihin?"
"Transfer it to other prosecutor, drop the case. I don't know, Cass. Just give up the case...please." Agad na napatingin ako sa kamay niyang nakahawak na rin sa isa kong kamay. Hindi makapaniwalang napatitig lang ako sa kanya. Mas lalong nangunot ang noo ko.
"Bakit? Fel, hindi ko maintindihan..."
Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko. Nanginginig ang aking labi at kahit na gusto ko pang magsalita. Shit. Kagaya rin siya nila? Ano pa nga bang e-eexpect ko? Pero bakit ganoon? Bakit ayaw naman nilang pakinggan ang side ko?
"Anong bakit, Cassia? Cause its Teon. This is breaking him!" mariing sambit niya, halatang halata na pinipigilan lang ang pagtaas ng boses.
Napasinghap ako at napailing sa kanya.
"Pero paano yung kliyente ko naman?"
Tinanggal niya ang kamay sa akin.
"What about Teon?!"
Nanlaki ang mga mata ko at napanganga.
"Fel, anong gusto mong gawin ko? Nasasaktan din naman ako!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses.
Kitang kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. "Then fucking dismiss the case!"
Hindi ako nakagalaw nang hampasin niya ang lamesa. Maging ang mga tao roon sa café at nagtinginan na rin sa amin. Kitang kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib ni Fel. Mariing pumikit siya at saka tumayo. Lumunok siya at tiningnan akong maigi. Wala na namang ekspresyon ang kanyang mukha.
"Please, Cass, I dont want you involve in this cause we will do everything to help tito," malamig niyang sambit.
Nanginig ang buo kong kalamnan at nanlalaking matang napatitig sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"You know what I mean."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top