Chapter 28
Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip ko nang mga panahong iyon at dire-diretso akong lumabas ng apartment at kumuha ng taxi pabalik sa condo ni Teon. Ni hindi ko alam kung nandoon siya. Panay ang tawag ko sa kanya habang nasa taxi pero wala talaga siyang sinasagot.
Napalunok ako at nakagat ang aking labi. Huminga ako nang malalim at kinalma ang aking sarili. Ramdam ko na naman kasia ng pangingilid ng mga luha sa aking mga mata. Saglit kong ipinikit ang mga iyon.
Kalma, Cassia. Kalma. Mahahanap mo rin siya. Makakapag-usap din kayo.
"Ma'am, nandito na po tayo."
Nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig iyon. Umayos ako ng upo at saka tahimik na kumuha ng pera sa aking wallet. Inabot ko iyon sa driver at saka lumabas na rin ng taxi. Mabilis na naglakad ako papasok ng building. Napahinto pa ako malapit sa elevator nang mamataan kong may mga naka-unipormeng lalaking nagkalat sa lobby ng building. Huminga ako nang malalim at ipinilig ang aking ulo.
Tumuloy ako sa elevator. Nagdadasal akong sana nasa itaas si Teon. Kailangan na kailangan ko siyang makausap. Umayos ako sa pagkakatayo nang tumunog ang elevator. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas at naglakad papunta sa unit niya.
Sobrang kumalabog ang aking dibdib nang sa wakas ay nasa harapan na ako ng pinto. May spare key naman ako pero ayaw kong gamitin iyon. Huminga ako nang malalim at kumatok. Malakas ang kutob kong nandito siya. Ewan ko basta, alam ko lang. Nakatatlong magkasunod na katok na ako pero walang sumagot. Kumatok ulit ako pero wala ulit.
"Teon?" tawag ko tapos ay sumilip sa peephole para makita niyang ako ito.
Naghintay ako ng ilang segundo pero wala pa ring lumabas o sumagot man lang. Mariin kong naipikit ang aking mga mata at saka napabuga ng hininga. Kinuha ko ang spare key. Mabuti nga at nadala ko pa ito sa kabila ng pagmamadali kanina. Marahan ko iyong ipinasok sa lock at pinihit iyon.
Sinalubong ako ng madilim at napakatahimik na unit. Mas lalong kumakalabog ang dibdib ko habang dahan-dahan akong pumasok. Walang tao sa kusina pero may mga kalat doon. Huminga ako nang malalim at saka binalingan ang sala. Pahakbang na ako roon nang bigla namang bumukas ang pinto sa itaas. Tumingala ako at ganoon na lamang ang pagkapako ko sa aking kinalalagyan nang makita si Teon na pababa kasama si Flynn.
Napasinghap ako at nagmamadaling pumunta sa kanila.
"Cass..." hindi makapaniwalang sambit ni Flynn nang makita ako.
Nakapahawak ako sa may railing dito sa itaas. Nakita kong lumingon sa akin si Teon. Nakagat ko ang aking labi habang nakatitig sa kanyang mukha.
Parang kinukurot ang dibdib ko sa kanyang mga tingin. Ni hindi ako makatingin nang diretso sa kanyang mga mata. Ibang iba na yung awra niya ngayon. Parang wala na yung Teon na kalmado lang. Ramdam ko yung frustration at galit sa mga tingin niya.
"Flynn, leave us first," malamig niyang sambit kay Flynn.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Narinig ko ang mga paalis na yapak ni Flynn. Huminga ako nang malalim at saka siya tiningala.
"Teon – "
"What are you doing here?" Napaawang ang bibig ko nang putulin niya ang aking dapat na sasabihin.
Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata nang mag-abot ang aming mga tingin. Lumunok ako at sinubukang lumapit sa kanya pero lumayo siya. Nakagat ko ang aking labi.
"Just leave, Cass. I don't want to say anything that I would regret."
Tuluyan nang bumagsak ang maiinit na luha sa aking mga mata.
"T-Teka...hindi mo ba ako kakausapin? Hindi ba tayo mag-uusap? Bakit ka naman ganyan?" Halos pumiyok na ako nang sabihin iyon pero pilit kong kinakalma ang aking sarili kahit sa totoo lang ang bigat bigat na ng dibdib ko.
Hindi siya nagsalita. Nakatingin pa rin siya sa kawalan at seryosong seryoso ang mukha.
Lumunok ako. Sinubukan kong abutin ang kamay niya pero agad niyang pinalis ang akin.
"M-Mag- usap tayo please? Bakit ayaw mo akong kausapin? Please? Te – "
"I said leave!"
Natutop ko ang aking bibig at bahagya pang napaatras sa sigaw niyang iyon. Humahangos pa siya at igting na igting ang panga habang nakatitig sa akin. Hindi ko na napigilan ang sunod- sunod na pagbagsak ng mga luha sa aking pisngi.
Hindi ko maintindihan! Bakit siya galit na galit sa akin, e, pareho naman kaming nag-iwasan. Siya nga itong hindi ko mahagilap.
"Bakit ganito? H-Hinanap kita! Hinanap kita noong natanggap ko yung kaso! Tinawagan kita, hindi ka sumasagot. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka ganyan!"
"You accepted the case! You knew it was my father! Yet you filed it! You filed the case! Don't you get it?! I was supposed to call you, but the subpoena came, and then I just knew that you were the prosecutor! How am I supposed to feel?!"
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha sa pisngi ko.
"Anong ibig mong sabihin? Na dapat binasura ko? Kasi daddy mo? Hindi mo alam kung ilang araw kong dinasalan yan! Hindi mo alam kung ilang beses kong pabalik balik na binasa para lang mahanapan ng butas kasi hindi ako makapaniwala dahil si tito iyon! Pero wala, wala akong makita...k-kailangan kong gawin ang trabaho ko...bakit hindi mo naiintindihan? Akala mo ba madali iyon? Akala mo madali sa aking mag-file ng kaso sa taong itinuring ko na ring tatay? Hindi ko naman pinili ito, e! Hindi ko pinili ito!" Nasapo ko ang aking bibig para pigilan ang paghikbi.
Humigpit ang kapit ko sa railings habang nakatitig pa rin sa kanya. Iniwas niya ang tingin sa akin. Walang nagsalita. Pasikip nang pasikip ang dibdib ko. Bakit ganoon? Bakit parang ako yung sinisisi niya? Bakit siya galit sa akin? Tinawagan ko siya, tinext ko ng ilang beses. Hinintay ko siya rito. Siya itong bigla na lang nawala tapos sa akin siya galit kasi ni-file ko yung kaso? Bakit parang ang unfair niya naman yata? Ni hindi man lang niya ako pinakinggan. Hindi man lang niya ako inintindi?
"Teon, bro, tumawag si Atty."
Natigilan ako at agad na napatingin kay Flynn. Saglit niya rin akong tiningnan bago ibinaling ang tingin kay Teon.
"I'm coming." Si Teon. Nilingon niya ako saglit. "Lock up me when you leave." At nilagpasan niya na ako.
Ganoon lang. Wala na siyang sinabi. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto sa ibaba. Natanga ako sa kawalan at bahagyang umawang ang aking labi. Tumukod ako sa railing. Mariin kong naipikit na lamang ang aking mga mata habang tuloy-tuloy na bumabagsak ang mga luha sa aking pisngi.
Ganoon na lang talaga iyon? Ganoon na lang talaga? Bakit ang unfair niya? Bakit naman siya ganoon? Bakit naging ganito kami?
~***~
"Prosecutor, nandito na po iyong asawa at mga anak."
Huminga ako nang malalim at saka pinahid ang medyo natuyong luha sa aking pisngi. Lumunok ako at saka inayos ang coat ko. Tumayo ako at hinarap ang secretary namin. Tipid ko siyang nginitian.
"Uhm papasukin mo na," sabi ko.
Tumango lang siya at saka bumalik na rin sa labas. Nakatitig lang ako sa pinto ng opisina ko hanggang sa isa-isang pumasok doon ang pamilya ng biktima.
"Magandang umaga po," bati ng isang ginang na tingin ko ay nasa mga early 50's. Tipid na ngumiti ako sa kanila at tumango.
"Upo po kayo," ani ko at binalingan ng tingin ang kanyang mga kasama. Siguro ito iyong mga anak nila. Isang teenager na babae na hula ko ay nasa mga 15-17 years old yata. Iyong isang lalaki naman na halos kasintaas na ng babae ay tingin ko mga nasa 13- 14 years old. Kandong kandong naman ng ginang ang isang toddler na babae.
Huminga ako nang malalim at saka umupo na rin. Nasa may visiting couch ang dalawang teenager at kapwa nakayuko lang. Nasa harapan ko naman at nakaupo sa visiting chair ko. Lumunok ako bago tiningnan ang ginang.
"Maraming maraming salamat po sa pagtulong niyo sa amin," mangiyak ngiyak na sabi nito. Agad akong nag-iwas ng tingin nang makita ko ang paglabas ng luha sa mga mata niya. Kinalma ko ang aking sarili bago siya tipid na nginitian.
"Wala naman po kayong dapat ipagpasalamat dahil ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko. Isa pa po, nagsisimula pa lamang ang laban natin. Mamaya niyo na po ako pasalamatan kapag nanalo na tayo." Para akong sinasakal nang sabihin ko ang panghuling pangungusap ko.
Kitang kita ko ang pagngiti ng ginang sa akin. "Salamat po talaga. Ang dami po kasing nagsabing mababasura ang kaso at hindi makakarating sa korte kasi ang lakas po ng kapit noong kalaban namin. May koneksyon po kasi iyon, e. Kaya muntik na talaga kaming mawalan ng pag-asa."
Parang kinukurot ang puso ko nang marinig ko iyon. Ganoon na ba talaga kasama ang mundo? Paano pala kung hindi sa akin napunta? Totoo kaya ang sinabi niya na baka mabasura ang kaso? Iniisip ko pa lang ay nasasaktan na ako. Hindi lang para sa mga biktima, pati na rin sa kaalamang baka nga gamitin nina Teon ang mga koneksyon nila?
Malapit ako sa kanila at itinuring ko silang pamilya na. Nakita ko kung paano sila naiiba sa ibang mga mayayaman, pero ang tanong kilala ko na nga ba talaga sila? Hindi ko alam. Ayaw ko nang isipin kasi habang mas iniisip ko mas naguguluhan ako.
Huminga ako nang malalim. "Gusto ko po sanang malaman lahat ng detalye mula sa alitan ninyo hanggang ssa humantong sa gabing iyon."
~***~
"May schedule na pala ang arraignment ng hawak mo, Cassia." Iyan ang unang narinig ko pagkapasok ko ng opisina kinabukasan. Sandali akong natigilan. Nasa lounge kami noon at nandoon ang iba kong mga kasama. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Hindi naman lingid sa kaalaman nila kung ano ko si Teon. Iyan na nga yata ang usap-usapan dito, e.
Sandali ko lang silang binalingan tapos ay dumiretso na rin ako sa opisina ko. Pabagsak akong umupo sa upuan at napatitig na lamang sa aking lamesa. Ilang araw na akong walang balita kay Teon. Gusto kong tawagan sina Flynn at Adolf pero pinipigilan ko ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi ang insensitive ko. Tsaka pakiramdam ko rin pagbabawalan sila ng abogado nilang makipag-usap sa akin kahit na mangungumusta lang naman ako sa boyfriend ko. Ilang araw na akong lutang. Para na akong mababaliw sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nagkita kami sa arraignment. Ayoko nang ganito. Labas naman dapat kami, e, pero hindi ko rin naman siya masisisi kasi ama niya iyon. Pero paano naman ako? Naipit lang din naman ako. Ang gusto ko lang sana ay mag-usap kami at sana intindihin niya rin ako. Iyon lang naman.
Ang hirap kasi ng sitwasyon ko dahil pakiramdam ko nakatuon lahat ng atensyon sa akin at parang hinihintay lang nila akong pumalya. Dahil ba malalaking tao ang kalaban? Ganoon na ba talaga kabulok ang sistema na kapag may lumalaban parang ang bago- bago noon, samantalang dapat iyon naman talaga dapat ang ginagawa?
Sa totoo lang, simula noong sumbatan namin ni Teon gusto ko na lang isuko ang kasong ito. Gusto kong makiusap na sa iba na lang. Gusto kong mag-quit na lang pero noong narinig ko mismo sa bibig ng asawa ng biktima iyong nangyari, kahit paano ay nabigyan ako ng motibasyon at lakas ng loob na ipagpatuloy ito. Nanumpa akong aalagaan ko ang batas at nagkamali si Tito kaya dapat niyang pagbayaran iyon. Kahit na ganoon, malaki pa rin ang respeto ko kay Tito. Alam kong hindi siya masama. Nagkamali siya, pero hindi siya masama. Iyon nga lang kailangan niyang managot sa batas. Hindi ko alam pero ipinapanalangin ko na lang na sana ay mag-plead guilty siya.
Ang hirap-hirap ng mga nangyayari. Wala akong makausap. Wala akong ibang kaibigan. Ayaw ko na namang tumawag kay Ate Arra dahil baka mas mag-alala lang ang mga iyon. Ang hirap.
Lumunok ako at saka pinahid muli ang luhang bumagsak na pala sa aking pisngi. Sana matapos na lang ito. Gusto ko na lang matapos ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top