Chapter 27

"Prosecutor Alvedrez, ito na po yung mga panibagong complaints."

Tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa clerk pagkalapag niya ng mga papel sa lamesa ko. Umayos ako ng upo at saka inayos yung lamesa ko. Tinabi ko muna yung panibagong mga papel at kinuha ang planner ko para tingnan kung may schedule ako ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng pagtingin nang bigla namang nag-ring ang telepono ko.

Kunot-noong tiningnan ko iyon.

Giovanni Matteo calling...

Bakit naman kaya tumatawag to? Ang alam ko may meeting siya ngayon. Alam naman kasi namin ang schedule ng isa't isa saka hindi siya talaga masyadong tumatawag pag oras ng trabaho kaya nakakapagtaka lang.

"Hello?"

Inipit ko ang cell phone sa aking tenga at saka kinuha ang mga papel na inilagay ng clerk kanina.

"Cass..."

Natigil ako sa pagpakli ng pahina nang marinig ko ang boses niya. Isinarado ko muna iyon at itinabi.

"Teon? Bakit ganyang ang boses mo? Okay ka lang?"

Hindi siya sumagot, sa halip ay narinig ko siyang suminghot. Bigla ay tinubuan ako ng kaba sa dibdib. Narinig ko ang pagbuga ng hininga niya sa kabila.

"Uhh yeah...uhm can you go home early? I need to talk to you about something..."

Napalunok ako. Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero parang natatakot ako nae wan. Sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko.

"Teon, anong meron? Kinakabahan ako..." Nakagat ko ang aking labi. Muli siyang bumuntong-hininga at saka suminghot. Umawang ang labi ko. "U-Umiiyak ka ba?" kinakabahang tanong ko.

Napatayo na ako at napatukod sa aking lamesa. Hindi pa rin siya sumasagot pero rinig na rinig ko ang paghinga niya sa kabila. Mas lalo akong hindi mapakali.

"Just... please go home early...and sorry I can't fetch you. I love you, Cassia."

"Teon –" Hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin nang bigla niyang ibinaba ang tawag.

Napako ako sa aking kinatatayuan at napatitig na lang sa aking cell phone. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi na niya iyon sinagot.

Nakagat ko ang aking labi at napalunok ako. Hindi pa rin mawala-wala ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Hindi na talaga ako mapakali. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko.

Napaupo ako sa aking upuan at saka nilagay ang cellphone ko sa lamesa. Huminga ako nang malalim. Hindi talaga ako mapakali. Sa huli ay tumayo ako at lumabas muna ng opisina. Dala ko lang ang cell phone ko. Nasa may labas ako ng prosecutor's office para huminga. Pasulyap sulyap ako sa aking cell phone pero wala pa ring message galing kay Teon.

Kinalma ko ang aking sarili. Para akong na-blanko nae wan. Ang sama talaga sa pakiramdam. Minsan ko na siyang nakitang galit noon dahil sa mga problema ng pamilya niya pero hindi ko pa siya naririnig na umiyak. Tapos hindi ko pa alam kung bakit. Mas kinakabahan ako dahil sa sinabi niya kanina.

"Grabe naman ito, o. Kawawa naman iyong Lumad. Iba na talaga ang mga mayayaman. Tsk."

"Sinabi mo pa. Kung sino pa kasi iyong mga may kapangyarihan ay siyang nagiging hakog. Hindi pa nakontento sa kung anong meron sila."

Nanatili akong nakayuko habang kinakalma ang aking sarili pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang usapan ng dalawang guards sa may pinto. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata at muling tiningnan ang aking cell phone. Napabuntong-hininga na lang ako nang wala pa rin akong makitang mensahe kay Teon.

Sa huli, ako na ang nagtipa ng message sa kanya.

To: Giovanni Matteo

Tawagan mo ako, please.

Itinago ko na ang cell phone ko sa bulsa ng aking slacks pagkatapos.

"Saan naman kaya mapupunta tong kaso no? Nako, panigurado napakalaki nito."

Binalingan ko sina Kuya Guards.

"Magandang umaga po, Ma'am," bati nila.

Tipid na ngumiti lang ako at saka tumango sa kanila. Nagbitiw ako ng isang malalim na hininga at saka bumalik na rin sa loob. Kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong maay pagkaabalahan. Ayoko ng ganito. Ayokong mag-isip nang mag-isip. Mas lalo lang akong kinakabahan.

Bumuntong-hininga ako at saka sumalampak sa aking upuan. Inilagay ko lang din ang cell phone ko sa tabi at kinuha na ang mga papeles na dapat kong basahin.

Pagkabukas ko ng complaint affidavit na inilagay ng clerk kanina ay sandali akong napatigil.

Marites Garcia

Complainant

vs

Matthew Escueda

Respondent

For Murder

Natulala ako sa aking nabasa at halos mahigit ko ang aking hininga sa nabasa. Ang kaninang kaba ko ay mas lumala. Nanginig ang buong katawan ko. Kinailangan ko pang ikuyom ang aking mga kamay habang unti-unting binasa ang laman ng complaint.

Napalunok ako. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking labi at saka ng aking mga kamay. Parang nanlalambot ang aking mga tuhod. Hindi ko alam kung anong gagawin. Ramdam kong tila may nagbara sa aking lalamunan. Ang sikip ng dibdib ko. Unti- unti ay nararamdaman ko ang panunubig sa aking mga mata. Marahas kong binitiwan ang affidavit at pabagsak na sumandal sa likod ng aking upuan. Tumingala ako at mariing ipinikit ang aking mga mata.

Hindi ako palamura pero shit naman. Bakit ito? Bakit ako? At bakit si tito? Bakit si Teon? Bakit kami?!

~***~

Tulalang nakaupo ako sa kama namin ni Teon. Parang naging mabagal ang ikot ng mundo habang nakatingin ako sa balitang ipinapalabas sa TV. Kagat-kagat ko ang aking labi habang unti-unting tumutulo ang mga luha sa aking pisngi.

Bakit kasi ganito ka-komplikado ang buhay? Bakit kailangan ganito? Ano bang ginawa kong mali at kailangang ganito ang maranasan namin? Halos ilang araw akong hindi makatulog. Noong natanggap ko ang complaint na iyon, parang tumigil ang mundo ko. Hindi ako nagpakita kay Teon. Wala rin siyang naging tawag sa akin. Bumalik ako sa apartment ko noon. Buti na lang at bakante pa iyon dahil saktong umalis naman ang bagong nangupahan. Dalawang gabi akong hindi natulog mapag-aralan lang ang kasong isinampa. Ayokong magkamali. Gusto kong timbangin ang lahat ng sinasabi sa affidavit.

Pero matapos ang dalawang araw na iyon, alam kong kailangan ko nang sundin ang batas. Kailangan kong i-file iyon kahit na ipinagdarasal ko gabi-gabi na sana walang bearing. Sana hindi totoo. Sana frame- up o kung ano pa man, pero matibay ang hawak na witness ng mga complainant at hindi ko pwedeng baliwalain iyon.

Nang maging abogado ako, ipinangako ko sa aking sarili na hinding hindi ako tutulad sa mga kurap na nabibili ng pera at koneksyon. Akala ko madali lang kasi katotohanan naman ang papanigan mo, pero wala sobrang hirap pala.

I needed to file the case, and I did. Alam kong iyon ang tamang gawin, pero hindi ko alam kung tama iyon para sa amin ni Teon. Nang i-file ko iyon sa korte, dumiretso ako rito sa condo niya. Gusto kong ako ang unang magsabi ng ginawa ko kahit na mali pero wala akong nadatnan. Ang sabi ng kabilang unit, ilang araw na raw na hindi inuuwian ito.

Ito kaya iyong gusto niyang pag-usapan? Alam niya kaya ito? Baka nga alam niya na sa akin na-shuffle. Kaya siguro hindi niya ako kinakausap?

Napalunok ako. Iniisip ko pa lang iyon ay parang nilalakumos na ang puso ko. Bakit ba kailangang ganito ka-komplikado? Bakit ngayon pa? Bumuga ako ng hininga at pinahid ang mga luha sa aking mga mata. Kinuha ko ang aking cell phone at tinawagan si Teon pero hindi talaga siya sumasagot. Hindi ako mapakali. Pabalik balik na ako sa kwarto. Wala akong matawagan. Sobrang gulong gulo na ako. Ayoko namang tawagan si Ate Arra dahil ayoko siyang mag-aaalala.

Teon naman kasi. Nasaan ka ba? Panay ang dial ko sa number niya pero hindi niya talaga sinasagot. Tinawagan ko na rin si Flynn pero hindi rin siya sumagot.

Sobrang gulo ng utak ko. Hindi ako makapag-isip nang matino. Pumasok ako sa trabaho kinabukasan nang wala sa sarili. Mabuti nga at wala akong hearing. Ilanga raw akong hindi mapakali. Palagi ko pa ring chinicheck si Teon sa condo kahit na nasa apartment ako pero wala pa rin siya. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Hindi ko na alam kung anong iisipin. Pumunta ako sa firm niya pero ang sabi nag-sick leave daw siya.

Nasapo ko na lang ang aking noo bago sumandal sa aking upuan dito sa apartment. Muli na namang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan nang makita ko ang isang article sa internet.

Retired Chief Justice Matthew Escueda, arestado sa kasong Murder.

Tulalang napatitig ako sa article habang patuloy sa pagtulo ang aking mga luha. Natigilan lang ako nang biglang nag-ring ang aking cell phone. Mabilis ko iyong tiningnan at ganoon na lamang ang aking pagbalikwas nang makita kung sino ang tumatawag.

Nanginginig ang mga kamay kong sinagot iyon.

"T-Teon?" Halos wala ng boses ang lumabas sa aking bibig. Hindi agad siya sumagot. Doon ko naramdaman ang kakaibang kabang bumalot sa aking Sistema. Napatayo pa ako. "T-Teon...n-nasaan ka?"

"Is it true?" Para akong binuhusan ng isang malamig na tubig dahil sa lamig ng kanyang boses. Napaawang na lang ang aking labi. Hindi pa niya sinasabi pero alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. Naipikit ko na lang ang aking mga mata at hinayaan ang mga luhang bumagsak nang bumagsak.

"T-Teon...m-mag-usap tayo p-please? P-Please..."

"You filed the case. You're my dad's prosecutor."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top