Chapter 26
Parang hangin na lumipas lang din ang mga naging experience ko sa PAO. Magtatatlong taon na ako roon nang sabihan akong may opening slot daw sa prosecutor's office dahil may mga nagretire. Mula noong pumasok ako ng law school, ang alam ko gusto kong maging abogado. Iyon lang. Wala pa akong napupusuan pero habang nag-aaral ako at noong nag practice court na kami, parang may nanaig sa akin ang kagustuhan kong maging prosecutor. Oo, marami ang mga inosenteng sinasamantala ng mga mayayaman kaya dapat marami ring mga tagapagtanggol nila pero marami ring mga mahihirap ang nahihirapang maipanalo ang kanilang mga kaso dahil mayayaman at maraming koneksyon ang kalaban nila. Afford na afford ng mga ito ang mga high caliber lawyers na kayang ibaliktad ang kaso sa korte. Naranasan ko nang maging walang laban noon, ngayong may kakayahan akong tumulong na lumaban, lalaban ako para sa kanila.
Nag- PAO ako pagkatapos ng law para mas may chance ako sa prosecutor's office. At ngayon nga ay nangyari na siya. Sa wakas ay nakapasok na ako. Simula na naman ulit ng panibagong laban para sa hustisya.
"Congrats, beadle!"
Tinanggap ko ang high- five ni Flynn at inilingan na lang siya. "Hanggang ngayon talagang iyan na ang tawag mo sa akin. Isang beses lang naman akong naging beadle, a," sabi ko pa.
Marahang natawa na rin siya.
"Well, naging habit na." Nagkibit-balikat siya. Umiling lang ulit ako.
"Saan pala si Edge?" tukoy ko roon sa girlfriend niya. Mabilis siyang sumimangot kaya napakunot ako ng noo.
"U.S tss."
Natawa ako. Itong isang ito, ayaw pa umamin na gusting gusto niya si Edge samantalang halata naman. Galit na galit pag umaalis ito. Hay nako, Flynn.
Napailing lang ulit ako at iniwan siya roon sa couch. Nasa condo lang naman kami ni Teon. Konting salo-salo lang naman kasi ang selebrasyon k. Iilang kasamahan ko lang sa PAO ang inimbita ko tapos mga close ko sa Law School, which is sina Teon at Flynn lang. Si Fel bumati naman pero syempre hindi nakapunta. Si Adolf tinext ko pero hindi naman nag-reply kaya ewan ko kung pupunta siya. Sa aming lima, sila ni Fel ang pinakamailap ngayon. Si Flynn kasi kahit paano ay may communication pa kami ni Teon.
Bumuntong-hininga ako at lumapit sa ibang mga kaibigan ko.
"Kain lang kayo, ha," sabi ko pa.
"Congrats, Cass!"
"Congrats ulit, Cassia!"
"Congrats, Prosec!"
Tanging ngiti at pasasalamat lang ang isinagot ko sa kanila. Iginala ko ang tingin sa buong condo ni Teon. Nakita ko siya sa second floor. Nagpaalam lang muna ako sa mga kasama ko saka ako pumanhik sa itaas. Naabutan ko siyang nakasandal sa may glass na railing. Lumapit ako sa kanya at sumandal din doon.
Agad naman siyang bumaling sa akin.
Bumuntong-hininga siya. "It's Adolf. He can't come."
Tipid na napatango na lang din ako at saka tipid na ngumiti sa kanya. "Okay lang ba siya?" tanong ko.
"Yeah. Don't worry about him. He's fine," sabi niya pa.
Ngumuso ako at tumango na rin. Sandaling napatitig siya sa akin. Huminga siya nang malalim at saka ako hinila payakap sa kanya.
Huminga ako nang malalim at yumakap na rin sa kanya. "Sana okay lang talaga siya," sabi ko. Naramdaman ko siyang tumango.
"Hmm. He is fine. No need to worry, Prosecutor Alvedrez." Narinig kong marahan siyang tumawa. Ngumuso ako at kumalas sa yakap. Bumungad sa akin ang nakangisi niyang mukha. Mas ngumuso ako.
Natawa ulit siya tapos ay sinapo ang mukha ko. Pinagdikit niya ang mga noo namin. "I'm so proud of you, Cass. So proud." Huminga siya nang malalim at saka inilapat ang labi niya sa akin.
Napapikit ako at dinama ang labi niya ng ilang Segundo bago siya tinulak.
"What?" sabi niya pa. Sumimangot ako.
"May mga bisita pa ako," sabi. Sandali siyang napatingin sa akin tapos ay tumawa rin.
"Okay, fine. Later then." Kumindat siya. Nakagat ko ang aking labi. Hinampas ko siya nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Tinawanan lang niya ako. Kainis talaga ito!
~***~
"Good morning..."
Nakusot ko ang aking mata at mas sumiksik sa dibdib ni Teon. Naramdaman ko naman siyang tumawa at niyakap din ako nang mahigpit.
"Ayoko bumangon," reklamo ko sa kanya. Tumawa lang ulit siya.
"You always say that whenever it's Monday."
Ngumuso lang ako at saka niyakap din siya. Naramdaman ko pa ang paghinga at paghalik niya sa aking leeg.
"Hmm," ungot ko. Naramdaman ko siyang tumawa tapos ay bahagyang lumayo sa akin.
Naramdaman ko siyang bumangon. Bumuntong-hininga ako at saka kinusot kusot ang mga mata. Inabot ko ang cell phone sa may bedside table para tingnan ang oras. Mag-aalas sais na. Ngumuso ako at saka padarag na bumangon na rin. Nilingon ko si Teon na ngising ngisi sa akin.
Kinunutan ko siya ng noo. "O? Bakit?" tanong ko pa. Marahan siyang tumawa at saka umiling.
Sumimangot ako. Weirdo talaga. Napailing na lang ako at saka umalis ng kama. Nakita ko naman siyang humiga ulit kaya tinapunan ko siya ng unan.
"What?" natatawang sabi niya pa.
"Bangon na! Ikaw tong nanggigising tapos ayaw mong bumangon!" reklamo ko. Tumawa lang ulit siya sa akin.
Ngumuso ako at saka tumalikod na lang din. Hinayaan ko na muna siya roon at dumiretso na sa kusina. Tiningnan ko pa ang pwedeng maluto para sa agahan.
"Bilisan mo na, Teon!" sigaw ko pa at baka hindi pa gumagalaw iyon.
Narinig ko lang siyang um-oo. Napailing na lang ako at nagsaing na muna. Itlog at bacons lang ang niluto ko. Nang matapos ko ang pagpi-prito ay bumalik na rin ako sa kwarto para ako naman ang maligo.
"Teon!" agad na sigaw ko at saka mabilis na tumalikod nang pagkabukas ko at saktong pagtanggal niya ng tuwalya.
Narinig ko siyang humalakhak. Sumimangot ako at naitakip ang aking dalawang kamay sa aking mukha. Sobrang init na noon at panigurado ay namumula na rin. Kasi naman, e!
"What, Cass?" Dinig kong tanong niya pa. Umirap ako.
"Bakit kasi di ka sa CR nagbibihis?!" inis na sabi ko. Narinig ko siyang tumawa na naman.
"Sorry na. Didn't know you'll get inside anyway."
Mas tumulis ang labi ko. "Tapos ka na?"
"Yeah. You can turn around now."
Bumuntong – hininga ako at saka lumingon na sa kanya. Nakangiti na siya sa akin tapos ay nakalahad na ang dalawang kamay na para bang inaanyayahan ako ng yakap. Bumuga ako ng hininga at saka lumapit at yumakap na rin sa kanya. Natawa pa siya habang hinahagod ang buhok ko.
"Ang pilyo mo, kainis," reklamo ko. Tumawa lang ulit siya. Saka ko naramdaman ang paghalik niya sa buhok ko.
Kumalas ako sa yakap. Pinagdikit niya naman ang mga noo namin at akmang hahalikan ako sa labi nang pinigilan ko yun ng aking kamay. Umiling ako. Kumunot naman ang noo niya.
"What?"
"Hindi pa ako nagto-toothbrush. Saka baka kung saan na naman mapunta...ayokong ma-late." Kinagat ko ang aking labi. Sandali siyang napatitig sa akin tapos ay ngumisi nang makahulugan. Mabilis akong sumimangot at saka kumawala sa kanya. "Lumabas ka na! Yung kanin natin! Maliligo lang ako!" At mabilis na tumakbo ako sa banyo.
Baka mamaya kung anong kapliyuhan na naman ang maisipan noon. Hay nako! Mula noong nagsama na kami sa iisang bahay mas nakita ko ang pilyong side niya. Hindi na siya iyong Teon na seryosong seryoso. Para na siyang sina Adolf na ang hilig mang-asar. Hindi lang siya pilyo sa mga maliliit na bagay...pati na sa...iba.
Ah basta yun! Ano ba yan, Cassia! Maligo ka na nga!
~***~
"Cassia, sa labas na kami. Di ka sasama?"
Nginitian ko lang si Prosecutor Delante. "Okay lang. Mamaya pa ako lalabas," sabi ko na lang.
"Sige, sige."
Kinawayan ko lang sila tapos ay bumalik na sa pagbabasa ng mga kaso sa desk ko. Saglit konh tiningnan ang cellphone ko sa tabi at nakitang may text doon si Teon.
From: Giovanni Matteo
Let's have dinner together?
I'll prepare.
Agad na napaangat ang tingin ko sa mensahe niya. Nagtipa ako ng sagot.
To: Giovanni Matteo
Magluluto ka?
Itatabi ko na sana ulit iyon sa tabi ko pero agad din naman siyang nag-reply.
From: Giovanni Matteo
Hmm let's see.
Bahagya akong natawa at nailing.
To: Giovanni Matteo
Wala ka bang trabaho?
From: Giovanni Matteo
Just waiting for a case decision this afternoon.
Nagkorteng o ang bibig ko.
To: Giovanni Matteo
Twelfth?
From: Giovanni Matteo
Hahahah yeah freaking confident.
Napangiti ako. Pang-labingdalawang straight wins niya na ito kung sakali. Wala pa siyang natatalong kaso simula noong nagtrabaho siya sa GM. Grabe talaga. Matatagal kasi ang mga kasong nahahawakan niya at hindi rin naman basta basta ang mga tao at ang mga kaso May isa nga siyang kaso na humantong ng isang taon noon, e. Estafa iyon. Di ko alam ang facts kasi di naman kami nag-uusap ng trabaho sa bahay. Parang unspoken rule na namin yan kasi sa magkabila kami nagtatrabaho. Basta na- acquit ang kliyente niya.
Naiintindihan ko naman ang trabaho niya kaya wala talagang kaso sa akin ang mga iyon. I mean, ayokong pumasok siya sa relasyon namin. Kung ano man ang totoo sa mga iyon, ginagawa lang naman ni Teon ang trabaho niya. Everybody has the right to be defended and be presumed innocent until proven guilty. Nagtrabaho rin naman ako bilang defense counsel sa PAO kaya alam ko ang sitwasyon. Basta ba wala siyang ginawang illegal, wala namang problema roon. Saka magaling lang talaga siya makipag-argumento at magpresinta ng mga ebidensya kayaa nananalo siya. Alam ko iyon dahil nanonood ako ng hearing niya pag may hearing ako at pareho kami ng branch.
Masaya lang ako sa mga achievements niya gaya ng pagiging masaya niya para sa akin. So, magse-celebrate kami. Iyon naman ang palagi naming ginagawa.
Bumuntong-hininga ako at saka inayos ang mga papel sa lamesa ko. Pasado alas-dose na rin naman kaya kakain na rin ako.
Hindi ako pupunta sa RTC kaya buong araw lang ako rito sa Prosecutor's Office. Dahil na una na naman ang mga kasamahan ko ay mag-isa akong kumain na lang sa malapit na kainan. Nang maghapon na ay agad na rin naman akong umuwi. Nag-commute lang ako kasi nauna na si Teon sa condo at maghahanda raw siya. Syempre, dismissed yung kaso niya.
Alas-sais na nang makarating ako sa unit ni Teon. Pagbukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa akin ang mabango at matamis ng vanilla scent. Kumunot ang noo ko at dahan-dahang naglakad papasok ng dining. Napahinto ako nang makita ko si Teon na nakatalikod sa akin at nagsasalin ng wine sa dalawang baso. May naka-set table for two roon tapos punong puno ng mga rose petals ang sahig. May flowers din sa gitna ng lamesa. Kitang kita ko rin ang dalawang hiwa ng steak. Nakagat ko ang aking labi at saka huminga nang malalim. Huminto ako sa tabi niya. Doon siya napalingon sa akin.
"Oh, hey, Cass." Ngumiti siya at agad na pinulupot ang dalawa niyang braso sa aking bewang. Huminga ako at yumakap na rin sa kanya. Pinaglapat ko ang mga noo namin. Tiningnan ko siya sa mata at walang pasabing pinaglapat ang aming mga labi. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa bewang ko habang pinapalalim niya ang halik. Ipinikit ko ang aking mga mata at tinugunan ang intensidad ng halik niya.
Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung gaano katagal iyon halik basta ang alam ko ay humihingal na ako pagkatapos at nakangisi na naman siya. Nakagat ko na lang ang aking labi at binaon ang mukha ko sa dibdib niya. Narinig ko siyang tumawa.
"You're so cute," sabi niya pa at hinalikan ang buhok ko. Tiningala ko siya.
"Congrats... and happy anniversary." Ngumisi ako.
Sandali pa siyang napasinghap bago ako hinawakan sa magkabilang pisngi at muli akong hinalikan nang mariin. Napapikit ako at napakapit na lang sa kanyang leeg. Mabilis niyang tinanggal ang shoulder bag ko at saka ako binuhat. Bahagya pa akong napatili nang maramdaman kong naglalakad kami habang nakapulupo ang dalawa kong paa sa kanya at naghahalikan.
Jusko, Cassia!
Naramdaman ko na lang ang paglapat ng likod ko sa sofa. Tumigil siya sa paghalik at tiningnan ako.
Napatitig din ako sa kanya. Huminga siya nang malalim. "You can always tell me to stop, okay? No pressure." Ngumiti siya at hinalikan ulit ako sa labi.
Huminga ako nang malalim at saka hinigpitan ang kapit sa leeg niya. Napalunok pa ako nang unti-unting bumaba ang halik niya sa baba ko papunta sa leeg ko. Muli siyang tumigil at tiningala ako.
"Uhm. I could really stop...you know," paos na sambit niya.
Sandali ko siyang tinitigan. Nakakunot ang noo niya sa akin at kitang kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Ramdam ko ang malambot ang magagaan niyang kamay na para bang ingat na ingat sa akin. Palagi siyang ganyan. Sa tatlong taon na magkarelasyon kami hindi niya ako pinilit. Palagi niya akong tinatanong kung okay lang ba raw o kung komportable baa ko sa ginagawa namin. Ang saya at gaan lang sa pakiramdam na ganoon ang trato niya sa akin.
Huminga ako nang malalim at saka tipid na ngumiti sa kanya. Hindi pa rin siya gumagalaw. Nakasandal ako sa sofa habang siya ay nakaluhuod sa harapan ko at hawak hawak ako sa magkabilang braso. Inangat ko ang kamay ko sa kanyang pisngi at marahang tumango.
"Hmm..."
"You sure?"
"Sure." Tipid ulit akong ngumiti at ako na mismo at tumuwid ng upo at humalik sa kanya. "Mahal kita," sambit ko bago tuluyang ipinikit ang aking mga mata.
"And I love you, too."
~***~
"Wag ka nga! Ano ba!" Sinamaan ko ng tingin si Teon na hanggang ngayon ay titig na titig pa rin sa akin. Mag-aalauna na ng madaling araw pero ewan ko ba at hindi kami makatulog. Ang weird. Pagod naman kami pero wala panay lang kami titig sa kisame tapos itong isang to panay ang titig.
Tumawa siya tapos ay niyakap at siniksik ulit ako sa kanya. Inayos niya ang comforter namin at saka hinalikan ako sa noo. Yumakap din ako sa kanya at binaon ang mukha ko sa dibdib niya.
"You sure you don't want a bubble bath? I can prepare for you," sabi niya pa.
"Okay nga lang," sagot ko naman.
"It'll help you with the soreness, Cass." Mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran. Napadaing naman siya pero mas hinigpitan niya lang ang yakap. Umirap ako. Kainis.
"Wag na nga kasi mang-asar!" bulong ko sa dibdib niya. Marahan siyang tumawa.
"I'm not, Cass! Just trying to help." Naramdaman ko siyang magkibit-balita. Ngumuso lang ako.
"Hug na lang."
"Hmm. Fine. I'll hug you tight."
At hinigpitan niya nga ang yakap sa akin. Bumuntong-hininga ako at saka ipinikit ang mga mata ko.
"Anong kaso nga iyong pinagse-celebrate natin ngayon?" tanong ko. Sandali siyang tumigil at saka bumuga ng hininga.
"Homicide case."
Natigilan ako at napadilat. Tiningala ko siya at tinitigan sa mata. Lumunok ako at saka marahang tumango. Agad na kumunot naman ang noo niya.
"Why? Something wrong?"
Mabilis akong umiling at saka ibinaon ang mukha sa kanyang dibdib ulit. Huminga ako nang malalim at hinigpitan ako ng yakap.
"You wanna talk about it?" Rinig kong tanong niya. Umiling lang ako. Siya naman ang bumuntong-hininga. "You really don't like talking about cases of destruction of life."
Pumikit ako. "Ayoko lang marinig kung paano mo dinipensahan yung suspect."
Bumuntong-hininga ulit siya. "Yeah. Of all cases in crim, you hated those parts."
Ngumuso ako.
Alam ko namang hindi maiiwasan iyon sa field. Swerte ko lang siguro hindi pa natataon sa akin ang mga ganoong klase ng kaso. Ewan ko ba, nalulungkot at nagagalit ako sa mga kasong ganoon. Kaya ayaw ko ring pag-usapan na lang yung mga kasong ganoon.
Swertihan lang siguro talaga ako, pero alam ko namang darating ang araw na makakahawak din ako ng ganoong kaso lalo na ngayong nasa prosecution na ako. Humugot ako ng hininga at saka mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. "Tulog na tayo," sabi ko na lang.
"Hmm. Good night, Cass. Happy 4th anniversary."
"Good night, Teon. Happy 4th."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top