Chapter 25
Halos hindi ko na marinig ang mga mga kasama ko at ang aking sariling boses sa sobrang ingay ng mga nag-iiyakang mga examiners. Hindi ko na rin napigilan ang aking sariling mapaluha.
"Oh my gosh, I can't believe this! Ohgosh, we're lawyers na!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Fel pagkatapos ay yumakap sa akin. Bahagya pa kaming natawa sa kanya. Niyakap ko rin siya pabalik.
"Aw, come on, Fel, don't be so dramatic, let's freaking celebrate!" sabi pa ni Flynn.
Marahang natawa ako.
"Tss. Come on, let's just have a group hug," sabi pa ni Adolf.
Lumabi si Fel sa amin pero agad din namang umamba ng yakap. "Come here na nga!" sabi niya pa at hinila kaming apat.
Natawa lang ulit ako habang nagu-group hug kami.
"Damn, you're such a drama queen, Echevarria," asar pa ni Flynn na inirapan lang ni Fel. Napatingin ako kay Adolf na kanina pa tahimik. Ewan ko ba parang hindi ako sanay na hindi siya sumasali sa kantyawan nina Fel at Flynn, e, silang tatlo itong suki sa mga kantyawan.
"Shut up na nga Flynn, ha. Can we like eat na lang? I'm very hungry na ang it's so hot na in here," reklamo ni Fel. Saka lang kami kumalas at nagsimula na rin umalis doon sa kumpol ng mga tao.
Nginitian ko si Teon nang maramdaman kong pumulupot ang kamay niya sa aking bewang.
"Congrats, Mr. Top 1," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami.
Bahagya siyang tumawa at tinaasan ako ng kilay. "Same to you, too, Miss Tops 2." Ngumuso ako. Tinawanan niya naman ako at mas hinapit lang sa kanya.
Nasa unahan namin sina Flynn at Fel na nagbabangayan na naman sa kung ano- anong mga bagay tapos sa pinakauna nila ay si Adolf na tahimik pa rin. Ang weird niya talaga ngayong araw. Simula noong pagdating namin sa harapan ng Supreme Court, tahimik na siya. Ni hindi nga sila nagpapansinan ni Fel. Basta ang weird lang. Hindi ako sanay na hindi sila magkadikit, e.
Bumuntong-hininga ako. Nakalabas na kami mula sa napakaraming kumpol ng tao. Bahagya kong nilingon ang LCD na nakapwesto katabi ng mga bulletin board. Lumulundag ang puso ko sa sobrang tuwa. Top 2. Grabe. Di ko inakala iyon. Ni hindi ko nga inisip na mag-top. Ang gusto ko lang naman ay makapasa at maging abogado.
Alam kong big deal naman talaga ang maging top notcher, pero sa totoo lang naniniwala kasi akong pagdating ko na sa trabaho, walang bearing yung pagiging top notcher ko. Nasa pinakaibaba pa rin ako ng food chain dahil nagsisimula ako. Ang gusto ko lang talaga pumasa at maging abogado. Pero laking pasalamat ko na rin na nakapasok sa top notcher. Dominating na naman ang Clarke. Sila ang nakakuha ng top 3 spots tapos 4 sa top 6 to 10 ay sa amin din galing.
Grabe rin naman kasi ang dinanas namin noong Review Year namin. Kulang na lang talaga umiyak kami ng dugo. Yung tipong, nag-aral ka naman kaya hindi mo maintindihan kung bakit hindi mo mapunto-punto ang sagot. Pero worth it naman ng lahat ng yun. Sobrang worth it.
"Hey, sa fave resto ko nearby tayo! Convoy na lang!" sabi pa ni Fel bago tumakbo papunta sa sasakyan ni Adolf. Tipid na tumango lang ako sa kanya.
Narinig ko ang pagtunog ng sasakyan ni Teon. Iginiya niya ako papasok sa front seat tapos ay umikot naman siya papunta sa driver's seat.
Bumuntong-hininga ako at tiningnan siya.
"May problema yata sina Adolf at Fel," sabi ko nang pinapaandar niya na ang sasakyan.
"Hmm. Why'd you think?"
Nagkibit- balikat ako. Nakatuon pa rin naman sa harap ang tingin niya. "Ang tahimik kasi ni Adolf. E, di ba silang tatlo yung nag-aasaran lagi. Tapos di pa sila nag-uusap ni Fel." Ngumuso ako at sumandal sa upuan. Bumuga ulit ako ng hininga. "Ewan. Ang weird lang," sabi ko pa.
Nagkibit-balikat lang siya. "Don't worry about them. They've been like that since college anyway."
Tiningnan ko siya pero seryosong nakatingin pa rin naman siya sa daan. Sa huli ay bumuntong- hininga na lang ako at nagkibit-balikat din.
Mahigit kalahating oras kaming nakarating sa restaurant na sinasabi ni Fel. Grabe kasi yung traffic. Ang lapit-lapit lang naman pero halos di na gumagalaw ang mga sasakyan kaya ayun ang tagal naming nakarating. Buti na lang at kilala na yata si Fel kaya nabigyan pa rin kami ng upuan kahit na magpupunuan na.
Nag-order muna kami pagkaupo namin sa upuan na binigay noong server. Tiningnan ko ang mga kasama ko. Hindi ko alam pero parang may awkward atmosphere talaga sa pagitan nina Fel at Adolf.
"Hey, this is my treat ha. My farewell treat for you guys." Marahang tumawa si Fel.
Agad naman akong napatingin sa kanya. "Ano?" takang tanong ko.
Sandali siyang natigilan at unti unting nawala ang masayang ngiti sa kanyang labi. Napalitan iyon ng malungkot na ngiti. Hinarap niya ako. Magkatabi kasi kaming dalawa, napapagitnaan nila ako ni Teon habang sina Adolf at Flynn nasa tapat namin.
Kitang kita ko ang pag-iwas ni Adolf ng kanyang tingin. Mas lalo akong nagtaka at nagkunot ng noo kay Fel.
"Fel, a-anong nangyayari? Bakit kayo nag-iiwasan? At saka anong farewell?"
Huminga siya nang malalim at saka nagkagat labi.
"Uhm, that's what I'm going to tell you sana." Ngumuso siya at malungkot na ngumiti ulit. Huminga siya nang malalim at isa isa kaming tiningnan. Hinawakan niya pa ang kamay ko bago magpatuloy sa pagsasalita. "I'm going to the states, Cass. My family decided to migrate there na. I'm not yet sure kung I'll be practicing there ba or will I practice law. I'm not sure din if babalik pa ako rito. Basta after ng oath taking ang signing of roll, we'll fly na." Ngumuso siya. "I'll miss you, Cass."
Hindi naman ako iyakin pero hindi ko alam kung bakit parang naiiyak ako sa sinasabi niya. Bukod sa mga pinsan ko, itinuring ko na rin siyang parang kapatid ko, e. Nakakalungkot lang.
Bumuntong-hininga ako at saka niyakap siya.
"Mami-miss kita," sabi ko.
Narinig ko pa siyang bahagyang tumawa. "I'll miss you, too."
Kumalas ako sa yakap at tiningnan din ang tatlo. "Ma-mimiss ko rin kayo," sabi ko pa.
Agad na kumunot ang noo ni Teon sa akin. "Why? You're leaving, too, hmm? You never told me," sabi pa niya.
Natawa rin ako.
"Hindi naman. Ang akin lang, maghihiwa-hiwalay na tayo kasi magtatrabaho na tayo. Iyon lang." Nagkibit- balikat ako. Ngumisi naman siya at umakbay pa sa akin.
"Lucky for us, we'll be living together."
Sumimangot ako. "Hindi pa ako pumapayag," sabi ko na tinawanan lang niya.
Narinig ko pa ang pag-ungot nina Flynn at Fel.
"Seriously, dude. A little consideration here?" sabi pa ni Flynn. Natawa lang ulit si Teon.
Binalingan ko naman si Fel na nakatitig kay Adolf. Hindi pa rin nagsasalita si Adolf habang si Fel ay kitang kita ang lungkot sa mga mata habang nakatitig sa kanya.
Nakagat ko ang aking labi. Ano ba iyan. Nakakalungkot naman ito.
"Tss. Can we cut the drama na pwede? Let's celebrate this na lang! Hello! We're attorneys na kaya!" sabat ni Fel
Napangiti na lang din ako at sumang-ayon na rin. Ilang sandal lang ay dumating na rin naman ang mga orders namin at nagsimula na rin kaming kumain. Sinubukan naman naming parang wala lang at maging masaya lang pero ramdam na ramdam pa rin talaga ang tension lalo na kay Adolf na hindi pa rin nagsasalita. Parang wala lang siya roon, tahimik lang at ni hindi nakikipag-usap. Pag tinatanong naman tumatango o umiiling lang. Siguro nasasaktan talaga siya sa desisyon ni Fel. Sana mapag-usapan nila.
"Bye!" Malungkot akong ngumiti at saka yumakap muli kay Fel. Natawa pa siya sa akin. "Hey, we'll see each other pa naman sa oath taking no," sabi pa niya.
Ngumuso lang ako at saka sumimangot. Tumawa ulit siya. Kinawayan ko lang din silang tatlo pagkaalis namin. Tahimik ang naging biyahe namin ni Teon papunta sa condo niya. Hindi ko alam kung dahil ito sa announcement ni Fel kanina o sadyang napagod lang kami ngayong araw.
Stereo lang ang nag-iingay sa loob ng kotse. Paminsan minsan ay sumasabay siya tapos ay paminsan minsan ay hinawakan niya rin ang kamay ko. Napapangiti na lang din ako. Sa ilang buwan na naging kami, parang wala na rin namang nagbago. Kung ano at pano kami noong magkaibigan pa lang kami ay ganoon pa rin naman. Nadagdagan lang siguro ng mga ibang love language pero ganoong ganoon pa rin naman.
Bumuntong-hininga ako. Napalingon pa ako sa kanya nang maramdaman kong nilalaro niya ang kamay ko habang papasok kami ng parking. Habit niya na yata iyang ganyan. Ewan ko sa kanya. Binitiwan niya rin naman agad nang makapasok na kami at papunta na siya sa usual spot niya.
Nakaakbay siya sa akin nang makalabas kami at naglalakad na papunta sa elevator. Umangkla ako sa braso niya at bahagyang humilig doon.
"Maaayos kaya sina Fel at Adolf? Hindi ako sanay na cold sila sa isa't isa," sambit ko sa kanya.
Naramdaman ko pang diniin niya ako sa kanya tapos ay hinalikan sa buhok. "They'll get through that," sabi pa niya.
Bumuntong-hininga na lang ako at hindi na nagsalita pa.
"Anong gusto mong ulam for dinner?" tanong ko sa kanya pagkarating namin ng unit niya. Diretso siyang sumalampak sa sofa habang ako naman ay dumiretso sa kusina para maghanda ng lulutuin para sa hapunan namin.
"Anything, Cass. I'll eat whatever you cook anyway."
Umirap ako. "Ay sus, sabihin mo na lang kasing adobo. Nahiya ka pa," sagot ko. Narinig ko naman siyang humalakhak.
Paano limang araw straight na yang adobo palagi ang kinakain. Kaya nga hindi na ako nag-go-grocery ng pang-adobo. Ang kaso noong nag-vegetables naman ako ay ang liit ng kinain. Idadahilan pang busog daw siya samantalang alam ko namang ayaw niya sa ulam, di lang niya sinasabi.
"I mean it, Cass. Anything. And I had too much adobo," sabi niya pa ulit tapos ay yumakap na sa likod ko. Umirap ulit ako. Binuksan ko yung freezer ng ref niya habang siya naman ay parang batang nakayakap sa akin mula sa likod. Ramdam ko pang inaamoy niya ang buhok ko. Weirdo talaga ng isang ito.
"Amoy alikabok ang buhok ko. Wag ka nga," sita ko sa kanya.
Ang loko, tinawanan lang ako. Hinigpitan niya pa ang yakap sa akin. Huminga ako nang malalim at nilagay muna ang hawak kong Tupperware sa may countertop. Bumuntong hininga ako at tinanggal ang yakap niya. Hinarap ko siya. Agad din namang pumulupot ang mga kamay niya sa bewan ko tapos pinagdikit niya ang mga noo namin. Ngumuso ako at humawak sa braso niya.
Akmang magsasalita na sana ako nang bigla niya naman akong hinalikan sa labi. Napahigpit ang kapit ko sa kanyang braso at napapikit na lang ako nang nilaliman niya ang halik.
Napahinga ako nang malalim nang bumitiw siya at ipinagdikit muli ang mga noo namin. Pinanatili ko ang tingin ko sa ibaba. Nakagat ko na lang ang aking labi at saka ipinikit ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
Kasi naman, e. Hindi pa rin ako nasasanay sa mga ganito niya, e.
"You're still shy," mahinang sabi niya pa tapos at marahang tumawa.
Sumimangot ako ay ibinaon na lang ang mukha ko sa dibdib niya. Tumawa naman siya at mas hinigpitan na rin ang yakap sa akin.
"I love you, Atty. Alvedrez," paos na sambit niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang may sumikdo sa puso ko nang marinig iyong katagang 'Attorney'. Tiningala ko siya.
"Hmm. Mahal din kita, Atty. Escueda." Ngumiti ako sa kanya. Napangiti na rin siya at muling binaon ang mukha ko sa kanyang dibdib.
"Hmm. I'm gonna miss you," sabi pa niya.
Ngumuso lang ako. Uuwi kasi akong Cebu habang siya ay sasama sa Daddy niya at may dadalawin daw silang kamag-anak. Ilang linggo rin iyon. Babalik kami bago mag- oath taking. May pa-despidida rin kasi si Fel. Grabe, iniisip ko pa lang nakakalungkot na.
"Wag kang mag-alala. May video call naman kaya," sabi ko pa.
Hindi siya sumagot, sa halip ay mas niyakap lang ako. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinigpitan din ang yakap ko sa kanya.
Ang sarap talga sa pakiramdam ng yakap niya. Pakiramdam ko sobrang safe na safe ako at nawawala lahat ng takot at agam-agam ko sa buhay.
~***~
Mag-iilang araw nan ang makarating ako rito sa Cebu. Okay naman ang lahat. Nagkaroon lang kami ng salo-salo noong pagkarating ko tapos ay tinutulungan ko na si Ate Arra para sa negosyo niyang ukay. Wala rin naman kasi akong ginagawa maliban sa pagta-trabaho at pakikipag-usap kay Teon. Hindi ko pa nakakausap yung tatlo mula noong umalis akong Cebu. Pero sabi naman nila magkikita kami before ng oath taking.
Alas otso na ng gabi ngayon at ito ako nakadapa na sa kama habang nakatutok sa laptop ko at nasa tabi ang cellphone ko. Ilang sandali pa ay tumunog iyon. Agad ko namang sinagot ang facetime ni Teon at hinarap ang camera sa akin.
"Hi," bati ko sa kanya. Tipid na ngumiti lang naman siya sa akin. Agad na kumunot ang noo ko at tiningnan siya. "Okay ka lang?" takang tanong ko. Para kasing malungkot siya at parang may problema siya.
"Yeah." Tipid na ngumiti lang ulit siya sa akin. Doon na ako medyo nabahala. Umupo ako at kinuha ang cellphone ko. Sumandal ako sa dingding at hinawakan ang cellphone ko.
Hindi agad ako nagsalita ulit. Hinintay ko muna na magsalita siya pero wala pa rin kaya bumuntong-hininga ako at tipid na nginitian siya.
"Pwede mo akong sabihan," sabi ko sa kanya. Siya naman ang bumuntong-hininga.
"I know. I know," sabi niya pa.
Tumango-tango na lang ako. "Okay," sabi ko na lang.
Huminga siya nang malalim at saka umayos din ng upo. "Can we talk about something else? How's your day? Mine was just as boring as yesterday." Sumimangot siya.
Natawa ako at napailing na lang. Kumuha ako ng isang unan at ipinatong iyon sa aking hita bago sinimulan ang pagkwento ng araw ko sa kanya.
Ganoon lang naman kami araw-araw, nagkakamustahan at nagsasabihan ng mga nangyari sa amin sa isang araw. Iyon lang naman ang ginagawa namin gabi-gabi.
Mabilis lang din namang lumipas ang mga araw. As in sobrang bilis na para bang hangin lang na lumipas ang mga pangyayari. Nag-despidida si Fel, Oath Taking namin tapos signing at trabaho na.
Si Teon ay sa Galdamez- Mazo pumasok, isa sa mga pinakamalaking Law Firm sa bansa. Halos lahat ng nasa top may offer doon. Meron din ako pero alam ko na namang sa PAO talaga ako kaya doon ako pumasok. Si Flynn, sa sarili nilang law firm habang si Adolf naman ay hindi ko alam kung saan. Nagkakausap naman kami sa chat kasi kinukumusta ko siya pero sa tuwing tinatanong ko siya kung saan siya, hindi siya sumasagot.
Hindi ko na lang din siya kinulit pa.
"On the matter of the People of the Philippines vs. Mario Manansala, this court finds the defendant not guilty for the crime of theft for the reason that the prosecution has failed to prove that Mr. Manansala has indeed trespassed the property of Mr. and Mrs. Cruz, in which he was working as a family driver, and has taken the Diamond Necklace that the respondents claim to be missing. Court adjourned."
Para akong tinanggalan ng tinik sa dibdib pagkarinig ko sa tunog ng gavel ni Judge. Agad akong napatingin sa pamilyang nasa likod namin ni Mang Mario. Nakagat ko ang aking labi habang tinitingnan ang mga itong nagyayakapan at nag-iiyakan. Nasapo ko ang aking bibig habang nakatingin sa kanila.
"Salamat po, Attorney!" Muntikan pa akong maiyak nang yumakap sa akin ang asawa ni Mang Mario.
Grabe. Unang kaso, unang panalo. Ganito pala ang feeling? Ganito pala ang pakiramdam na makapagligtas ka ng isang buhay na inaabuso ng mga nakatataas.
Bumuntong-hininga ako at nginitian sila. "Pwede na po kayong umuwi. At kung nangangailangan po kayo ng trabaho, sabihan niyo lang po ako at tutulong po ako sa abot ng aking makakaya," sabi ko.
"Salamat, Attorney! Maraming maraming Salamat. Sobrang swerte namin na kayo ang naging abogado ng asawa ko."
"Okay na po yun, Nay. Trabaho ko po ito."
"Maraming maraming Salamat po!"
Huminga ako nang malalim. May mga bumabati sa aking mga kasamahan ko sa PAO na may hearing din pagkalabas ko. Nginingitian ko lang sila. Magkasabay pa kami ng mga kliyente kong lumabas ng RTC. Nang nasa labas na kami ay saka lang kami naghiwalay. Kumaway ako sa kanila habang pasakay sila ng taxi.
"I heard the congratulations are in order." Mabilis akong napalingon nang marinig iyon.
Otomatikong napangisi ako sa kanya at agad siyang tinalon siya ng yakap.
"Thank you!" Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib at hinigpitan ang kanyang yakap.
Naramdaman ko ang marahan niyang pagtawa.
"I'm so proud, Cass," paos na sambit niya.
Tiningala ko siya. "Ako rin." Ngumiti siya. Kinagat ko ang aking labi at hindi na siya hinintay pang sumagot. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi at saka muling ibinalik ang mukha ko sa kanyang dibdib.
Marahan ulit siyang tumawa. "You already won a case, yet you still feel shy about us kissing."
Hinampas ko siya. "Wag ka nga." Kumalas ako sa yakap at napatingin sa paligid. Buti na lang walang tao. Ngumuso ako at umangkla sa braso niya. "Tara na, may hearing ka pa di ba?" sabi ko. Tumawa lang ulit siya tapos ay tumango.
Umayos ako ng tayo at saka sabay kaming pumasok muli ng RTC para mag-attend ng decision ng pang limang panalo niyang kaso. Sure kasi akong panalo siya. Uma-attend kasi ako ng hearing niya tsaka nakikita ko sa TV ang progress ng kaso. Grabe, usap usapan nga rin siya sa PAO na on streak siya, e. Wala pa siyang pinapatalo na kaso sa mga naging hawak niya sa GM.
Napatingin ako sa kanya. Sobrang proud ko lang talaga sa kanya, bilang kaibigan at bilang girlfriend. Grabe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top