Chapter 22

Dumaan ang dalawang araw na hindi ako makatulog nang maayos. Nagyaya sina Fel na gumala noong lingo pero hindi ako sumama. Hindi ko rin alam kung sumama ba si Teon. Hindi pa rin kasi kami nag-uusap simula noong huling exam namin. Ewan ko. Hindi ko rin talaga siya kinakausap o kinikibo pa kasi hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin sa kanya. Buong weekend akong nakakulong lang sa apartment. Simula noong tawagan namin ni Fel hindi na ako mapakali. Paano ba kasi? Gets ko naman yung sinasabi niya, at oo, gusto ko rin naman mag-enjoy...kaso...ewan, natatakot ako. Ganito ba talaga pag unang beses?

Napabuntong-hininga ako.

Ano ba yan, Cassia! Nagtatanong pa lang kung pwedeng manligaw!

Napanguso ako at saka umayos ng upo. Sumandal ako sa headboard ng aking kama at mas niyakap ang aking unan. Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko naman siya sasagutin...pa.

Napatitig ako sa aking cellphone. Kinuha ko yun at tinitigan ang lockscreen ko. Picture naming lima yun sa Molobolo Hotspring. Nakaakbay si Teon sa akin at nakangiti kaming lahat sa camera.

Bumuga ako ng hininga.

Gusto niya raw ako. Gusto niya akong ligawan. Kung ako ang tatanungin kung gusto ko ba siya...ewan...hindi ko alam. Pagkagusto na ba ang tawag kapag masaya ako sa tuwing kasama siya at kapag bumibilis ang tibok ng puso ko at naiilang ako sa kanya sa tuwing nagiging sweet siya?

Huminga ako nang malalim at saka bumuga ulit ng hininga. Itinabi ko ang aking cell phone at saka ibinaon ang aking mukha sa unang yakap-yakap ko. Ano ba yan, Cassia! Ngumuso ako at saka dumausdos para tuluyan nang mapahiga. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at saka hinigpitan ang yakap sa aking unan.

Bahala na bukas. Wala namang mawawala kung susubukan...

~***~

"Hey, you called me this early..."

Agad na kumunot ang noo ko nang iyon ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto ng apartment. Napalunok pa ako habang pinapasadahan ng tingin si Teon. Naka-hoodie siyang itim, putting shorts at sliders. Gulong gulo pa ang kanyang buhok at medyo mamasa masa oa nga iyon.

"Uhm... kagigising mo lang?" nag-aalangang tanong ko habang binubuksan nang Malaki ang pinto at ginigiya siya papasok.

Humikab pa siya at inayos ang kanyang buhok.

"You called, so I went here immediately." Ngumuso ako at sinundan siya sa sofa. Nakaupo na siya samantalang ako ay nakatayo sa harapan niya.

"Ang sabi ko lang naman ay mag-usap tayo mamaya bago pumuntang school. Ala-sais pa lang, o," sabi ko.

Kasi naman ang plano sana talaga kagaya lang ng dati na mag-aaral kami at mag-uusap tungkol doon sa ... sagot ko... pero wala ito siya, nandito na ng ala-sais.

Sandali niya akong tinitigan. Nag-iwas ako ng tingin.

Narinig ko siyang bumuntong- hininga. "I'm sorry. I was...just nervous and...well, excited." Sinulyapan ko siya. Nakita ko pa siyang nagkamot ng ulo tapos yumuko.

Ngumuso ako. Nakagat ko na lang ang aking labi at saka bumuntong-hininga.

"Paano 'yan? Uuwi ka na naman para magpalit ng damit?"

Nagkibit-balikat siya at saka sumadndal sa likod ng upuan.

"I brought my formal clothes."

Nagkorteng o ang aking bibig at tinanguan na lang siya. Bumuntong-hininga ako.

"Uhm pwede bang maligo muna ako bago tayo mag-usap? Tsaka nagsasaing pa ako. Sabay na lang tayo mag-agahan," sabi ko pa. Sunod-sunod na tumango lang naman siya. Tinanguan ko na rin siya.

"Sige, ligo muna ako," sabi ko ulit at dumiretso na sa kwarto ko para kunin ang damit at tuwalya.

Binilisan ko talaga ang pagligo at pagbibihis kasi magluluto pa ako ng ulam. Tahimik na nakaupo pa rin siya sa sofa nang matapos na ako. Hindi na lang muna ako nagsalita at itinuon ang atensyon ko sa niluluto ko. Simpleng hotdog at bacon lang naman iyon kaya madali lang ding naluto.

Nang mahain ko na yun sa lamesa ay saka ko siya tinawag.

"Kain na tayo." Nginitian ko siya.

Tumango naman siya at saka sumunod na rin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang mga tiitg niya habang kumakain kami pero hindi ko siya pinansin. Itinuon ko lang ang atensyon ko sa pagkain at ni hindi siya binalingan kahit na medyo nakakailang na nga ang mga tingin niya. Napalunok pa ako.

Ano ba yan. Baka mabilaukan pa ako nito.

Huminga ako nang malalim at saka binilisan na lang din ang pagkain. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso naman ako sa lababo para maghugas. Hindi ko nga alam kung bakit ko binabagalan ang paghuhugas,e. Kasi naman! Hindi pa ako hand ana pag-usapan yung sagot ko...

Nakagat ko ang aking labi at saka bumuga ng hininga. Tahimik pa rin naman siya. Nang matapos ako sa paghuhugas ay pumunta na rin ako sa kanya. Agad naman niyang ibinaba ang kanyang cellphone at tumingin sa akin. Umayos siya ng upo.

"So, can we talk now?"

Mas dumoble ang tibok ng puso ko sa tanong niya. Hindi ko na nabilang kung ilang beses akong bumuntong hininga bago siya tinitigan.

"What is it, Cass?" paos na tanong niya saka tumayo. Mas lalo kong nahigit ang aking hininga nang mas lumapit siya sa akin. Sobrang lapit talaga na kulang na lang ay magdikit na ang mga katawan namin.

Napalunok ako at saka humugot ng malalim na hininga. Kunot na kunot ang noo niya. Napaatras pa ako nang mas inilapit niya ang katawan sa akin.

"Damn, Cass. This is killing me," halos hindi ko na marinig ang kanyang boses dahil sa sobrang hina noon. Kinagat ko ang aking labi. Lumunok ako at saka sinalubong ang tingin niya. Napahawak pa ako sa kanyang dalawang braso kasi pakiramdam ko matutumba ako sa sobrang kaba.

Bumuga ako ng hininga.

"Uhm tungkol doon sa tinanong mo noong Biyernes? Uhm s-sige. Ikaw bahala. P-Pero walang kasiguraduhan, ha..." Bumigat ang paghinga ko at tinitigan siya.

Sandaling napatitig din siya sa akin tapos ay unti-unting ngumiti. "R-Really?" tila hindi makapaniwalang tanong niya pa.

Ipinaglapat ko ang aking mga labi at saka mahinang tumango. "P-Pero walang assurance ha." Nakagat ko ang aking labi. Mas lalo naman siyang ngumiti.

"Yeah... o-of course. No problem at all, Cass. I totally understand. Damn...thank you, Cass!"

At walang sali-salitang niyakap niya ako. Napasinghap ako at napapikit na lang. Niyakap ko siya pabalik.

Sana maging okay ito, Lord. Sana maging maayos ito.

Grabe naman. Gusto ko lang namang mag-aral pero ito nagkaroon pa ako ng mga mabubuting kaibigan tapos liligawan pa ako ng gwapo at mabait na lalaking ito! Grabe. Tama nga silang sa buhay, you really expect the unexpected.

~***~

"Hey." Bahagya akong nagulat nang mabilis na umakbay sa akin si Teon. "Will you go out this Sunday? Cousin's inviting us to her café," nakangiting sabi niya pa.

Tipid na ngumiti ako. "May appointment ako sa sponsor ko," sagot ko.

Tumango tango naman siya. "Hmm. I'll wait for you then. Or I'll drive you there."

"Wag na," agad na sagot ko. Ayoko kasing ginagawa naman siyang driver no. Nakakahiya rin sa kanya na hindi naman siya kasali roon tas iistorbohin ko pa.

"It's fine with me, though." Mabilis ko siyang tiningnan. Sandali pa siyang napatigil pero bumuntong- hininga na rin naman. "Fine. I'll just wait for you," sabi niya pa tapos ngumiti.

"Damn bro, you're so whipped. Ligawan pa lang ba yan o kayo na?" sabat ni Flynn sa amin sabay ngisi nang makahulugan.

Sumimangot ako sa kanya at agad na nag-iwas ng tingin.

"Mind your own business, Flynn," sagot naman ni Teon at hindi na siya pinansin.

Nasa harap kasi kami ng registrar's office ngayon. Hinihintay namin si Fel at Adolf na may kinukuhang files yata. Kagagaling lang naming lunch at bago pumunta ng library ay dumaan muna kami rito.

Napabuntong- hininga na lang ako at saka yumuko. Tinanggal ko na rin ang pagkakaakbay ni Teon sa akin. Tipid na ngumiti lang naman siya at tumango. Ilang lingo na rin simula noong pinayagan ko siyang manligaw at wala naman talagang malaking pagbabago bukod sa mas naging touchy yata siya at ewan sabi ni Fel naging sweet daw. E, ganoon pa rin naman siya kahit noong hindi pa siya nanliligaw. Pansin ko lang ngayon palagi talaga kaming magkasama na parang sanggang dikit kami. Kung noon palagi na, mas naging madalas yata ngayon. Pati kasi weekend ay magkasama pa rin kami. Parang walang araw na hindi kami nagkikita,e. Sa pagtulog lang yata kami hindi nagkakasama at mangilan ngilang oras sa isang araw.

Hindi ko alam kung na-broadcast sa buong campus ang sitwasyon namin pero mukhang alam naman ng mga kaklase namin kasi sobrang ingay nina Flynn at Adolf pag nang-aasar. Sangkaterbang masasamang tingin na naman tuloy ang natatanggap ko. Kung nakamamatay nga lang ang tingin baka double dead na ako,e.

Hindi ko na lang talaga sila pinapansin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila kasi.

"Let's go na?" tanong ni Fel nang matapos sila. Tipid na ngumiti ako at tumango.

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa law building. Normal na araw lang naman iyon. Natawag ako sa lahat ng subjects namin ng gabing yun kaya para na namang prinito ang utak ko. Halos wala nan gang nagsasalita sa aming lima nang makalabas kami ng building. Wala na ring nagyaya ng kain at pagkahatid sa akin ay umalis na rin agad si Teon. Pinaalis ko talaga agad kasi sobrang nakakapagod talaga ng gabing iyon.

Bukod kasi sa sakit sa ulo ang mga tanong sa recit, nabugahan kami ng apoy ni Attorney sa Torts. Iyong mga naunang tinawag kasi hindi nakasagot sa mga kaso kaya ayon muntik na talaga akong magpanic nang ma-move nang ma-move ang mga kasong naka-assign na dapat. Kasi naman, e. Ayoko namang manisi at alam ko naman ang pinagdadaanan nila. Baka mamaya may problem apala sila sa kanila at hindi na nila naisabay ang pag-aaral di ba.

Dasal na lang talaga ako nang dasal kanina habang umuusok na sa galit si Attorney.

Sa sobrang pagod ko ng gabing iyon ay agad akong nakatulog pagkahiga ko pa lang ng kama.

Linggo ng umaga, maaga akong nagising as usual. Ngayon kasi ako pupunta sa sponsor ko para sa book allowance next semester. Bandang alas nuebe ako umalis ng apartment. Traffic pero hindi naman ako natagalan sa opisina kaya nakabalik na rin ako ng apartment ng mga tanghalian. Nag-take out na lang muna ako kina Ate Ina tapos ay dumiretso na sa bahay.

Pagkarating ko sa harapan ng pinto ng aking apartment ay sandali akong napatitig sa handle ng pinto. Biglang umusbong ang kaba sa aking dibdib nang makitang wala na ang kandado roon. Napalunok ako at agad na sinilip ang loob mula sa nakabukas na jalousie. Sinarado ko ito kanina!

Nang inaninag ko na ang loob ay ganoon na lang ang pagkunot ng aking noon ang may nakita akong pamilyar na bulto ng tao. Mabilis akong tumungo sa pinto at binuksan iyon.

"Sino ka?!" malakas kong sigaw kasabay ng paglingon niya.

Isang nakangiting Teon ang sumalubong sa akin. "Hey, I ordered take out," kaswal na sabi niya pa habang ako ay halos atakehin na sa puso sa sobrang gulat.

Napasinghap ako at agad na sinara ang pinto. Mabilis ko siyang nilapitan.

"Paano ka nakapasok?" taking tanong ko. Saglit niya lang akong nilingon bago ipinagpatuloy ang paghahain ng pagkain sa lamesa.

"Uhh your landlady. I bumped into here earlier."

"Eh? Pinayagan ka?"

Kunot-noong tiningnan niya ako. "Uhh. Yeah. She said instead of waiting, she'll just let me in using her spare key." Nagkibit- balikat siya. Mas lalo naman akong napatanga

Grabe naman. Ganoon ba siya ka-fan ng mga kaibigan ko? Talagang pag-iinitan ako ng mga katabi kong borders dahil sa favoritism niya sa mga kaibigan ko,e.

Napakamot na lang ako ng ulo. Nginitian pa ako ni Teon tapos ay iginiya na ako paupo. Ibinigay ko na lang din sa kanya ang dala kong ulam at siya na rin ang naghanda noon. Weird na nakatingin pa rin ako sa kanya kasi hindi ako makapaniwala sa ginawa ng landlady ko habang siya naman ay ngiting- ngiti lang.

Napailing na lang ako. Ginayuma niya yata yung landlady ko, e.

Ay, ewan.

"Let's have dinner together. I'll eat here later," sabi niya pa nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain.

"Ha? Kala ko mag-aaral tayo sa café ng pinsan mo?" tanong ko kasi yun ang plano namin talaga. Susunod din doon sina Fel at Adolf, e. Si Flynn kasi may lakad.

Nagkibit-balikat siya.

"After then."

Ngumuso ako. "Wala akong stocks, e. Panigurado sasama yung dalawa."

Marahan siyang tumawa. "Okay, then let's have grocery before heading to the café," sagot niya lang na para bang kay dali dali lang ng problema ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumango na rin. Mas ngumiti siya at ginulo na naman ang buhok ko. Sinimangutan ko siya pero tinawanan lang naman niya ako.

Grabe, bakit ang hilig niya sa buhok ng may buhok?

Napailing na lang ako. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na rin kami sa mall at nag-grocery nga muna.

Napatitig na lang ako sa kanya habang siya ang namimili ng bibilhin. Ako ang magbabayad pero siya pinapapili ko kasi siya naman madalas mag-request ng lulutuin pati sina Fel at yung dalawa.

Grabe, hindi lang ako makapaniwalang kasama ko siya ngayon. Siya na anak ng isang prominenteng tao ay kasama ko na isang ordinaryong tao lang. Grabe talaga magplano ang tadhana. Lumuwas lang naman ako rito para mag-aral ng batas. Ang magka-scholarship pa nga lang sa isang malaking skwelahan sobrang swerte ko na idagdag pang may mga kasama at kaibigan akong tinanggap ako nang buong buo.

Sana hindi sila magbago. Sana kahit anong mangyari magkasama pa rin kami sa huli. Sana, Lord. Sana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top