Chapter 20


Halos hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga araw. Siguro dahil sobrang paulit-ulit lang naman ang ginagawa ko. Kung noong first year ay halos parang dumaan lang na parang bula ang mga araw, parang mas mabilis yata ngayon. Hindi ko alam kung dahil sa sobrang pagod na namin araw-araw kaya parang ang bilis lang talaga.

Bumuga ako ng hininga habang nakatitig sa mga syllabus ko. Pini-print ko kasi ang mga yun para mas madali siyang maging pointers at guide ko pag exam na. Mukha na ngang coloring book yung syllabus ko noong midterms. Ngayon, ewan ko na lang kung anong mangyayari rito.

Nahilot ko ang aking sentido. Grabe talaga. Finals na! Finals exam na namin ngayon second year at pakiramdam ko mamamatay na rin ako sa sobrang pagod at puno na ng utak ko. Parang sasabog na nga sa sobrang puno, e. Nakakatakot tuloy at baka ma-mental block ako sa final exam. Sabi kasi nila pag na-sobrahan ka ng aral, may mga oras na mame-mental block ka na lang. Nakakatakot yun.

"Oh gosh, this is just so confusing! And nakakainis!" Halos isubsob na ni Fel ang kanyang mukha sa lamesa. Nakasimangot na hinablot niya ang frappe na nasa tabi ng kanyang reviewer at mabilis na sinipsip iyon. Rinig na rinig nga namin ang pagsipsip niya. Natawa pa nga sina Flynn sa kanya. Nandito kami sa law library at inuubos ang oras namin sa pagre-review para sa unang finals exam namin.

"Damn. Where's the poise, Fel," natatawang sambit pa nito.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Fel at padarag na binalik sa lamesa ang frappe niyang halos paubos na. "Shut up, Flynn. This is not freaking funny and it's really not a good feeling at all. It's nakakainis! Just want to get this over with. Tss."

Ngumuso siya at napangalumbaba sa lamesa.

"Tss. We'll get over this soon. And after that, we're all gonna be planning a full-blown vacation with no books and shits." Si Adolf na agad umakbay agad kay Fel na nakasimangot na at nakahilig kay Adolf.

Napangiti na lang ako sa kanila. Ang cute talaga ng dalawang ito.

Bumuntong- hininga si Fel at umupo nang maayos.

"School is eating all of us so, we really need to have a vacation," sabi niya pa at isa- isa kaming tiningnan.

"Hmm. Let's go to Siargao, then. Cousin's giving me a free barkada staycation in one of their hotels in Siargao. What do you guys think? Are we in?" singit ni Adolf. Isa-isa silang nagsitanguan. Napangisi pa si Fel at kitang kita sa mukha niya ang excitement.

Tipid akong ngumiti at saka ngumuso.

"Ahh uuwi ako, e," nahihiyang sabi ko.

Agad namang nagsilingunan sa akin.

"Huh?" taking tanong ni Fel.

Bumuntong- hininga ako.

"Uuwi akong cebu. Nangako ako sa pinsan ko na kada bakasyon ako uuwi, e. Enjoy na lang kayo sa Siargao." Nginitian ko sila.

Agad na sumimangot si Fel.

"Aww, that's so sad naman. I don't wanna be stuck with just these boys no," reklamo niya pa.

Umismid si Flynn. "Don't wanna be stuck with you either, Fuschia Elise." Binelatan pa ni Flynn si Fel.

Umirap lang si Fel sa kanya tapos ay sumimangot ulit sa akin. Sandali niya pa akong tinitigan na para bang nag-iisip. Napakunot ang noo ko. Ilang sandal pa ay naningkit ang mga mata niya.

"Hmm what if we'll go there na lang?" excited na sabi niya tapos ay ngumisi.

Napaawang ang bibig ko. Agad naman siyang lumingon sa tatlong lalaki na mukhang napapaisip na.

"Come on na, Cass! Yie! That would be so fun! Then you'll get to tour us! Oh my gosh, ang fun noon!" Napapalakpak pa siya habang abot-tenga ang ngiti. Napanganga na lang ako at napatitig sa mga lalaki.

Kunot noong nakatingin lang si Flynn sa akin tapos ay marahang tumango-tango para sumang-ayon. Ngumisi rin si Adolf at nagkibit-balikat.

"Let's go then."

Mabilis akong napatingin kay Teon na kasasara lang ng libro niya.

"T-Teka. Pupunta kayong Cebu? Sasama kayosa akin?" taking tanong ko. Hindi agad sila sumagot at nagkatitigan pa.

Mas ngumisi si Fel.

"Yep!" excited na sabi niya tapos ay nagsitinginan na rin sa akin yung tatlo.

"So, let's book a flight?" tanong pa ni Flynn. Mas lalo tuloy akong natulala.

"Go na, Flynn!" masayang sabi pa ni Fel.

"Okay! I'll call my secretary," mabilis na sabi naman ni Flynn at saka tumayo na at may tinawagan.

Hindi ako agad nakapagsalita habang si Fel ay nag-iingay na sa mga bibilhin niya at gusto niyang gawin daw sa Cebu. Hala siya. Sasama nga sila sa akin?

"I'm excited to be with you this vacation." Bahagya akong napaigting nang biglang sabihin iyon ni Teon sa may tenga ko.

Nakagat ko ang aking labi at bahagya siyang binalingan. Tipid na ngumiti lang naman siya sa akin tapos ay ginulo ang buhok ko.

Hala ka. Bakit pa baa ko nagulat, e, kakaiba nga ang trip ng mga ito. Hay nako.

~***~

"This is it! Oh gosh, forget my finals answers na no! I just wanna enjoy!" Napangiti na lang ako sa sinabi ni Fel. Hinawi niya ang kanyang buhok at saka inayos ang kanyang sunglasses. Kalalapag lang namin sa Mactan Airport at naghihintay kami ng taxi para maghatid sa amin sa Ayala terminal. Doon kami sasakay ng para sa probinsya namin sa Tuburan.

"Ayan na yung sa atin," sabi ko pa. Sakto namang pumarada ang taxi sa harapan namin. Agad naming inayos ang mga bagahe naming. Hindi pwede ang lima sa isang taxi kaya dalawa ang inokupa naming. Sakay ng unang taxi sina Fel, Adolf at Flynn. Kami naman ni Teon sa kabila.

"Sa Ayala terminal sila, kuya. Sa may v-hire," sabi ko sa driver ng taxi ng tatlo bago pumunta sa susunod na taxi namin. Naisakay n ani Teon ang mga bagahe naming kaya pumasok na rin kami sa loob. "Ayala terminal po. Sa v-hire," sabi ko bago sumandal sa sandalan ng upuan.

Naramdaman ko pang tumingin sa akin si Teon. Nginitian ko lang siya bago binaling ang tingin sa labas ng v-hire.

"This will be so fun." Dinig kong sabi niya pa. Naibalik ko tuloy ang tingin sa kanya.

"Excited ka?"

Nagkibit- balikat siya. "I don't know. I'm nervous actually." Agad na nagsalubong ang kilay ko.

"Ha? Bakit ka naman magiging nervous?" natatawang tanong ko.

Bumuga siya ng hininga. "Damn. I don't know either, okay. I just feel really ... nervous." Kinagat niya ang labi. Mas lalo lang tuloy akong natawa sa kanya.

Tinapik ko ang balikat niya.

"Di naman nangangagat ang mga tao roon. Wag ka nang kabahan," sabi ko pa.

Napatitig siya sa akin.

"I know...it's just that I'm meeting your family. It makes my heart flutter..."

Hindi agad ako nakasagot. Nagkatitigan kami. Hindi ko alam pero bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Nakagat ko na lang ang aking labi nang maramdaman na naman ang pag-iinit ng aking mukha.

Bumuntong-hininga ako at tipid na ngumiti na lang.

"Chill ka lang. Malayo pa ang biyahe."

Umiwas ako ng tingin at pinanatili na lang yun sa labas. Kasi naman, e. Ganda ng timing talaga.

Mas Mabuti pa sigurong ituon ko na lang ang atensyon ko sa ma-traffic na daan ng Cebu. Parang Manila lang din naman kasi. Doble lang talaga roon. Pero kahit ganoon ay parehas pa rin naman na nakaka-stress no.

Mag-iisang oras nang makarating kami sa terminal. Marami-rami rin kaming nakakasabay kasi pa-bakasyon na rin naman talaga. Nasa pinakalikod kami ng v-hire nakaupo. Si Flynn lang yung naiba na nasa harapan naming kasi pang- apat lang ang upuan sa pinakalikod. Medyo madaldal pa si Fel noong mga unang parte ng biyahe pero makalipas ang ilang minute at nang makarating na kami sa parang bitukang manok na daan ay natulog na rin siya sa balikat ni Adolf. Baka raw kasi masuka pa siya. Napagod yata silang lahat sa biyahe kaya kalaunan ay nakatulog na rin sila. Nakatulog na rin naman ako pero sandaling sandal lang yun at nagising din naman ako bago kami makarating sa Tuburan Terminal.

"Oh, are we here na?" humihikab na tanong ni Fel. Tumango ako sa kanya. Agad naman siya napangiti at kitang kita ko ang pagkabuhay ng excitement sa kanyang mukha.

Nang makalabas kami ay isa isa naming kinuha ang mga bagahe namin sa likod.

"Saan ang sa inyo, beadle?" Dinig kong tanong ni Flynn.

"Hmm. Malapit lang pwedeng lakarin pero sakay na lang tayo. Ang dami kasi nating bagahe," sagot ko.

Walking distance lang naman kasi talaga ang mga lugar dito sa amin, hindi katulad sa city at sa Manila na kailangan kada lakad mo, mamamasahe ka.

Inilibot pa ni Fel ang tingin sa buong paligid. Medyo nagkakagulo na nga ang mga motor at pedicab sa pagkuha ng mga pasahero. Katabi lang kasi ng mga v-hire ang mga malalaking bus din galling Cebu City kaya dito talaga nagkikita palagi ang mga pasahero.

"Hey, Cass, what's that pala?" Nginuso ni Fel ang mga nakahilerang pedicab sa may tapat.

"Sikad mo, Ma'am, Sir?" (Pedicab po, Ma'am, Sir?)

Nginitian ko si Fel at tinanguan naman ang nag-alok na mama.

"Tulo, kuya. Daghan mig dala gud," sagot ko sa pedicab driver na agad namang tumalima at kumuha pa ng mga kasama niya. (Tatlo po, kuya. Marami kasi kaming dala.)

Binalingan ko naman si Fel na nakanguso at nakakunot ang noo sa akin. "Sikad tawag sa amin dito. Madalas ito ang sinasakyan pag ayaw mong maglakad," sabi ko.

Nagkatinginan pa silang apat tapos ay sabay-sabay pang tumango.

Napailing na lang ako at napangiti na rin. Grabe, parang ngayon lang yata sila nakakita ng ganitong pedicab, e.

Pagkaparada ng mga pedicab sa harapan namin ay isa-isa na rin naming ipinuwesto yung mga gamit naming. Pinauna ko na muna sila ng sakay. Sina Adolf at Fel magkasama syempre. Kami ni Teon magkasama sa isa at si Flynn naman sa isa. Tig-tatlong tao lang kasi ang sa isang pedicab – dalawa sa loob tapos isang sa likod ng driver. Binigay ko naman ang direksyon ng sa bahay namin at saka naksunod naman kami sa kanila. Kami pa yung nasa pinakahuli. Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa lugar naming. Medyo nasa loob yung bahay naming kasi dikit-dikit yung mga bahay doon. Yung mga kapit-bahay naman namin ay mga kamag-anak lang din naman namin so magkakakilala lang ang mga tao roon.

"Bayad." Inabot ko ang bayad sa pedicab naming habang si Teon ay binababa ang mga bagahe namin. Papunta na rin sana ako sa ibang mga pedicab nang magsalita si Fel.

"It's fine na, Cass. I have barya naman," sabi niya pa.

Tumango lang ako at saka nauna na sa may daan papasok. Nakasunod yung apat sa akin.

"Hala, Inday Cassia, ikaw na?" (Hala, Inday Cassia, ikaw na ba yan?)

"Hala, si Cassia!"

"Uy, Cassia!"

Tipid na napangiti na lang ako sa mga bumabati sa akin. Ramdam na ramdam ko pa ang mga tingin nila lalo na sa mga nasa likod ko.

"Cassia!"

Mabilis akong napangiti nang marinig ang boses ni Ate Arra.

"Ate!"

"Jusko, nana ka!" (Jusko, nandito ka na!)

Agad na yumakap si Ate sa akin. Napatigil pa nga kami sa paglalakad.

"Nganong wa man ka gaingon na abot na ka?" kunot-noong tanong niya. (Bakit hindi ka nagsabing dumating ka na?)

Ngumuso ako. "Uhm okay naman na kami. Tsaka di ba naghahanap ka ng matutulugan nila?" mahinang sabi ko. Agad namang napasinghap si Ate Arra.

"Oh! Oo nga pala! Wait..." Bumaling siya sa mga tambay naming mga kamag-anak sa gilid. "Nong, patabang mi bi. Palihug." (Nong, patulong kami, please.)

Mabilis namang tumalima yung mga tambay sa min at kinuha ang mga bagahe naming.

"Thank you, po." Rinig kong sabi pa ni Fel. Binalingan ko silang apat.

"Tara na. Yan na yung bahay namin," ani ko.

Ngumisi si Fel sa akin tapos ay sumabay sa akin. Tumuloy kami sa bahay namin.

"Pasok, pasok. Nako, sensya na sa bahay naming, ha." Bahagyang tumawa pa si Ate Arra. "Pasok, pasok."

"Upo kayo, Fel," sabi ko naman. Umupo silang apat sa pahabang kahoy na upuan habang ako ay sa isang monoblock na katabi lang din ng upuan nila.

"Ay wait lang ha, itong mga bagahe niyo ilipat ko muna, ha? Kina Ate Marliza. Payag naman silang doon kayo. Cass, kuyogi lang niya sila ha. (Cass, samahan mo na lang sila, ha.)" Si Ate Arra.

Tumango lang ako. Nang makaalis sila ay binalingan ko sina Fel. "Uhm okay lang kayo? Gusto niyo magpahinga na muna? Yung pagsi-stay-han natin yang katabing bahay lang." Tinuro ko yung bahay na katabi ng sa amin. Mula sa isa pang pintuan. Dalawa kasi pintuan ng bahay namin. Isa sa may right side kung saan ang daan papasok at isa sa kaliwa na nagsisilbing connecting naman sa bahay ng tiyahin namin sa tabi.

"It's fine lang naman, Cass..." Si Fel.

Binalingan ko pa si Flynn at Adolf na kunot na kunot ang mga noo. "E, kayong dalawa, okay lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ko sa kanila.

Nagkamot pa ng ulo si Flynn. "Uhh beadle... I hope you don't mind but do they have food na? I'm really hungry..."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

"I second the motion, Cass." Dinig ko namang dagdag ni Adolf. Napaawang tuloy ang bibig ko.

Mabilis akong tumayo. "Hala, sorry. Hindi pa nga pala tayo kumakain. Teka lang, teka." Halos magkanda-dapa dapa na ako sa pagmamadali papunta kay Ate Arra na nasa kabilang bahay. Nakagat ko ang aking labi.

Grabe, Cassia! Nakakahiya! Ano ba naman yan!

~***~

"Sorry, ha. Hindi ko man lang kayo napakain agad. Sorry. Nawala sa isip ko talaga." Halos gusto ko nang lumubog sa kahihiyan habang sinasabi iyon sa kanila.

Kumakain na kami ngayon ditto sa bahay nina Ate Marliza. Sina Ate Arra ang nagluluto at may iilang mga kamag-anak din naman kaming sumilip doon. Nasa sala nga lang sila sa ngayon kasi pinapakain ko pa itong mga ito.

"Nah. It's fine, beadle. Bawi naman, e. Damn, why is their tinola yummier here?" Kumunot pa ang noo ni Flynn tapos ay sumandok ulit sa bowl ng tinola.

"Yeah, bro. Nakaka-refresh ang ulam nila dito." Nagkibit-balikat si Adolf habang aliw na aliw sa pagbabalat ng shrimp niya.

Bahagya akong natawa. Kanina kasi hirap na hirap silang magbalat kaya tinuruan ko. Nang matuto ayan parang naadik na.

"And I love the seafoods ha! I love it, Cass!" sabi pa ni Fel na tanggap nang tanggap naman ng mga binabalatan ni Adolf. Mataas kasi kuko niya kaya di siya makapagbalat ng sarili niya. Binalingan ko naman si Teon at binigyan din siya ng binalatan na shrimp.

"Gusto mo pa?" tanong ko. Umiling lang siya.

"I'm fine. Here, have some fish."

Ngumuso ako at hinayaan na rin siyang ilagay ang hinimay niyang isda sa akin.

"O, kain pa kayo, ha. Marami pang mga pagkain dito, ha." Rinig kong sabi ni Ate Arra.

"It's fine na po. It's so dami na nga. You should let them eat din, o," sagot naman ni Fel at nginuso pa ang mga kababata naming sa may sala na panay rin ang tingin sa amin.

"Ay sus! Okay lang yan! Mamaya na kami. Kain lang kayo, ha," paalala pa ni Ate Arra bago tuluyang umalis.

Bumuntong-hininga ako.

"Tama na 'yan," pigil ko pa kay Teon kasi panay ang lagay niya ng hinimay na isda sa plato ko.

"You should eat a lot. You're getting skinny," sagot niya naman at hindi pa nagpaawat. Ngumuso ako.

"Hindi ko na mauubos yan, e," reklamo ko.

"I'll eat it," kaswal na sabi niya pa. Mas napanguso ako.

Kulit ng isang ito.

Bumuntong-hininga ako at ibinalik na lang ang atensyon sa pagkain.

Pinagpahinga ko muna yung apat pagkatapos ng tanghalian namin. Alam ko naman kasing pagod ang mga yun. May isang kwarto sa itaas kaya doon kami ni Fel. Itong tatlo naman ditto sa ibaba. Tulog na sina Fel, Adolf at Flynn pero itong si Teon wala yatang balak magpahinga.

"Hindi ka ba pagod? Magpahinga ka muna," sabi ko sa kanya. Tinutulungan niya pa kasi kami ni Ate Arra.

"Ay, oo nga, Teon. Teon, tama?" sabat ni Ate.

Tipid na ngumiti at tumango lang si Teon.

Nakita ko pang mas ngumisi si Ate Arra. "Okay na kami rito. Pahinga ka muna." Lumipat ang tingin niya sa akin. "Ikaw rin, Cass. Nako, pagod kayo sa biyahe. Magpahinga na muna kayo at may itinerary na kayo bukas!"

Agad na kumunot ang noo ko. "Itinerary talaga Ate?" natatawang tanong ko.

Humalakhak siya. "Ay sus, Cass. Ready kayo na si Arra sa inyong pag-abot. Excited kaayo ma-meet imong mga amiga ug amigo!" sabi naman ng isang tiyahin naming. (Ay sus, Cass. Ready na ready 'yang si Arra sa pagdating niyo. Excited na excited 'yan na ma-meet ang mga kaibigan mo.)

Tipid lang akong ngumiti ulit.

"Ay mas excited ako dito kay Teon."

Mabilis na napatingin ako kay Ate Arra. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Siya naman ay mas ngumisi lang. Napalunok tuloy ako at saka palihim na tumingin kay Teon na noon ay nakangiti na rin sa akin. Ano ba iyan!

"B-Bakit?" Tumikhim ako. Nagkibit-balikat naman siya at ipinagpatuloy ang pagpupunas niya ng mga pinggan.

"So, kinukwento mo ako kay Ate Arra?" nakangising tanong niya. Hindi ko siya sinagot, sa halip ay nag-iwas ako ng tingin. Kasi naman,e. "Speechless, huh." Dinig ko pang sabi niya. Sinimangutan ko siya. Tinawanan lang naman niya ako.

"Ewan ko sa'yo, Giovanni Matteo!"

~***~

"Ito po sina Fel, Flynn, Adolf at saka si Teon. Mga classmate ko po sila at kaibigan sa law school," pakilala ko sa apat sa mga kamag-anak naming na nakaupo sa may malaking tambayanan sa harapan ng bahay nina Ate Marliza. Halos lahat yata ng mga kamag-anak naming nandito sa lungsod at nandito. Yung mga kababata ko nasa may labas pa ng tambayan at nakatingin lang sa amin.

Nahiya naman tuloy ako kina Fel kasi para kaming humaharap sa mga panel na kamag-anak ko.

"Murag mga anak nig mga politician, no, Cassia?" (Aba'y mukhang anak to ng mga politician, no, Cassia?) tanong ng isa kong tiyuhin.

Tipid na ngumiti lang naman ako at tumango. Napanguso na lang ako at napatingin sa kanilang apat. Nakakahiya kasi ang mga tanong ng mga tiyuhin ko. Kasi naman, e. Kaya ayokong ganitong gathering.

Hindi ko kasi alam kung bakit parang fiesta ang handa ni Ate Arra. Sobrang dami na naging hanggang hapunan na namin. Ininit na nga lang yung ibang ulam, e. At dahil nga sobrang dami ng mga iyon ay inimbita na rin niya ang mga kamag-anak namin. Para tuloy kaming nag- Q and A. Buti na lang at mukhang okay lang naman kina Fel na sumagot.

Napayuko na lang ako. Bahagya pa akong napaigting nang may brasong pumulupot sa aking bewang. Kunot-noong napalingon ako. Muntik pa akong atakehin sa puso nang magtagpo ang tingin naming ni Teon.

"You okay?" tanong niya pa. Napabuntong- hininga ako.

"Hmm. Pasensya na kung ang dami nilang tanong." Kinagat ko ang aking labi.

Tipid na ngumiti lang siya. "Nah they're fine with that. Sanay ang mga 'yan."

"Kasi naman, e."

"Tss. It's really fine, Cass. They seem to be enjoying it anyway."

Napatingin tuloy ako sa tatlo at mukhang game na game naman silang nakikipag-usap sa mga tito ko. Politika ang pinag-uusapan nila at kung ano ano pa.

"O, tam ana muna ang chikahan, mga tsong. Kain na tayo!"

Natigil lang sila dahil sa pagdating ni Ate Arra. Agad na rin namang nagsitayuan ang mga nandoon at nagsipuntahan na sa mga pagkain na nasa gitna lang naman ng tambayan.

Nagkatinginan pa kami ni Teon. Siya pa nga ang nag-gayak sa akin na kumuha ng pagkain.

"You want crab? I'll get one for us." Hindi na ako nakasagot dahil agad din naman siyang nagtungo sa may kinalalagyan ng crab.

Bumuntong-hininga ako at kumuha na lang din ng kanin.

"Ehem."

Napatingin ako sa sumundot sa akin.

"Bakit, Ate?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya tapos at mas ngumisi.

"Hmm. Wala naman. Siya yun no? Siya ang crush mo. Yiee. Ikaw, ha. Bigatin niyan, te."

Napaawang ang bibig ko. "Ate!" Pinandilatan ko siya pero ang magaling kong pinsan ay tinawanan lang naman ako.

Kasi naman, e!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top