Chapter 19

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatitig kay Fel na nagsi-set up ng isang airbed sa tabi ng kama ko. Hindi magkasya kasya yung binili niyang airbed dahil maliit lang naman yung space pero hindi pa rin siya tumitigil para pagkasyahin yun.

"Pftt. She does never give up." Nilingon ko si Adolf na umiinom ng kape niya. Naiiling na nakatingin ito kay Fel habang nakasandal sa may hamba ng pinto ng kwarto ko. Nilingon ko sina Flynn at Teon pero busy naman sila pareho sa pagda-digest.

"Ugh! Seriously! Adolf, freaking help me or you will go home and I will be the only one who's going to stay!" Nakagat ko na lang ang aking labi nang inis na sumigaw na si Fel. Naalerto na rin sina Flynn at Teon.

"I live here, Fel. You can't make me leave." Rinig kong sambit ni Teon kaya agad ko siyang pinandilatan.

Nagkibit balikat lang naman siya. Nga naman! Tong mga ito, mas inaasar lang si Fel! Napairap ako at saka nag-martsa papasok sa kwarto. Hinila ko yung airbed para tulungan siya. Natatawa na lang ako pag sinasamaan niya ng tingin yung tatlo.

"Gosh, these boys ang useless!" reklamo pa niya. Umiling na lang ako.

Pagkatapos naming ma-set up ang tutulugan nila mamaya ay saka kami nag-aral. Hindi ko talaga alam kung anong trip nitong si Fel at gusto na namang magovernight. Napapailing na lang ako. Halos walang nag-uusap sa amin noong nag-law library kami kasi lahat kami on deck sa Crimpro. Grabe yung panginginig ng tuhod ko nang pumasok kami sa klase at nagsimula na yung recit. Sa row namin, nasa pinakadulo pa kami kaya mas lalo akong nanginig. Mas kinakabahan kasi ako pag nasa dulo ako. Si Teon lang talaga yung parang wala lang sa amin. Buti pa siya.

Nagpasalamat na lang ako na yung natanong sa akin ay yung talagang kinabisado ko kaya kahit paano ay nakahinga rin ako nang maluwag.

"You fine?"

Sinimangutan ko si Teon. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "What?" tanong niya ulit.

Mas sumimangot ako. "Wala. Sumakit lang ulo ko sa recit," sabi ko. Bahagya niya pa akong tinawanan tapos ay ginulo na naman ang buhok ko. Hobby niya talagang mangialam

ng buhok ng may buhok.

"Nah, you got that," sabi niya pa.

Ngumuso lang ulit ako at saka nagpatuloy na sa paglalakad. Agad din naman siyang sumabay sa akin sa paglalakad. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dahil yung tatlo, nag-take out at namili ng mga kakainin namin. Di ko alam kung ano na naman ang nakain ni Fel at ginusto na namang mag-overnight. Sabagay, malapit na rin naman ang midterms kaya puspusan na naman sa pag-aaral. Hindi ko talaga alam kung dahil ba marami kaming ginagawa at hindi na namin namamalayan ang panahon. Pagkatapos ng midterm, finals na. Tapos second semester na ulit. Grabe sana talaga makapasa ako sa lahat ng subjects ko.

Pagkarating namin sa apartment ay nag-set up na muna ako ng mga kakailanganin namin. Si Teon dumiretso sa kwarto at may kukunin ata. Habang nagsi-set up ako ay bahagya ko siyang narinig na may kausap sa loob. Sinilip ko pa siya at nakita kong hawak hawak niya ang kanyang cellphone sa tenga.

"I told you, dad, I'm not coming home when she's there yet!" Bahagya akong napaigtad nang marinig iyon sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako at saka umalis na lang doon.

Hindi pa rin sila bati ng pamilya niya. Ilang beses na ngang tumatawag ang papa niya sa amin pero sa tuwing sinasabihan namin siya about doon ay nagwo-walkout naman siya o di kaya ay nag-aaktong walang narinig. Hindi na lang tuloy namin siya pinipilit kasi pag mas pinipilit namin ay mas lalo siyang hindi lang nakikinig kaya hinayaan na lang namin.

Bumalik na lang ako sa may kainan at umupo sa isang upuan doon. Ilang sandali pa ay lumabas na rin naman si Teon sa kwarto.

"They're not yet here yet?" tanong niya pa. Marahang umiling lang ako.

Tumabi siya sa akin. Napatitig pa ako sa kanya. Nakatungo lang siya sa cellphone niya at kunot na kunot ang noo. Pagkatapos noon ay in-off na rin naman niya iyon at itinabi na. Nag-iwas na lang ako ng tingin at hindi na rin nagsalita.

Nanatili lang sa may pinto ang tingin ko hanggang sa bumukas iyon at iniluwa niyon sina Fel, Adolf at Flynn.

"Gosh, ang daming tao sa takeout. It's just annoying," reklamo ni Fel. Sinalubong namin sila ni Teon at tinulungan sila sa mga dala nila.

In-arrange namin iyon sa lamesa. Bahagya pa akong napasulyap kay Teon na blanko na naman ang mukha na para bang walang tumawag sa kanya. Bumuntong-hininga na lamang ako at tinuloy na ang pag-aarange ng kakainin namin.

~***~

Kumain muna kaming lahat bago kami nagpatuloy na sa pagre-review. Natatawa na lamang ako kina Flynn at Adolf na parang mga batang nag-uunahan sa banyo. Hindi gaya noong una nilang overnight ay mas ready sila ngayon at may dala na silang mga damit. Ayon ang dalawa at nag-aagawan kung sino ang mauuna sa CR.

"Gosh, these brutes. So immature." Umirap si Fel. Tumawa lang ako sa kanya. Nasa sofa kaming dalawa habang si Teon ay nagsisimula na sa pagbabasa.

Kinuha ko na lang din ang mga libro ko at saka nag-indian sit sa sahig. Ipinatong ko ang mga libro at notes ko sa sofa. Naramdaman ko naman ang pagtingin ni Fel sa akin.

"You sure you're okay in there? We can all be in the table naman. Hard diyan, Cass." Tiningala ko siya at tipid na nginitian lang.

"Okay lang ako.Ganto naman talaga ako nag-aaral pag dito sa apartment."

Ngumuso lang siya at saka tumango na lang. Tumayo na rin siya at saka tumabi kay Teon habang sina Adolf at Flynn nag-aaway na naman sa toothbrush. Hay nako, ewan ko lang talaga kung may mangyaring aral sa dalawang iyan. Sa aming lima, sila yung mga estudyantedng nagchi-chill lang talaga pag may group meeting o overnight na ganito.

Napailing na lang ako at ipinokus ang tingin ko sa aking libro.

Huling tingin ko sa relo noong nagsimula akong magbasa ako ay alas otso, nang tumingin ako ulit ay halos mag aala-una na. Napahikab na lang ako at saka nag-inat inat.

Nang lumingon ako sa kanila ay halos nakasubsob na rin ang mga mukha nila sa lamesa. Kasi naman no, ilang oras na kaya kaming nag-aaral. Nagpapahinga naman kami pero maliliit na breaks in between lang iyon. Nakaka-drain pa rin ang mga pinag-aaralan namin.

Parang sasabog na nga ang ulo ko,e.

"Ugh. That's it guys. I'm really not up for this. I'm sleeping na." Tumayo na si Fel. Halos sabay pa kaming nagtinginan sa kanya. Humikab ulit ako at nag-ayos na rin.

"Tutulog na rin ako. Kayo ba?" tanong ko sa kanila.

"Finishing freaking case digest." Si Adolf. Nakita kong nag-aayos na rin si Teon habang si Flynn ayon at busy pa rin sa pinapanood.

Nauna ako sa loob ng kwarto kasi nag-cr pa si Fel. Pagod na pagod na dumapa ako sa kama at ibinaon ang mukha ko sa unan. Ilang segundo pa ay may naramdaman na rin akong tumabi sa akin. Ang akala ko nga si Fel na yun pero agad din akong napatingin sa tabi ko nang marinig ko ang boses ni Fel.

"What are you doing there?! Kami ni Cassia magtatabi!" Kunot na kunot ang noo ni Fel at nakapamewang pa habang masamang nakatingin kay Teon na siya palang tumabi sa akin. Kaso hindi man lang gumalaw si Teon. "Oh come on! Giovanni Matteo!" inis na sabi ni Fel. Hindi pa rin gumagalaw si Teon. Napasinghap si Fel. "Oh my gosh, are you being serious?! Dito kayong tatlo sa airbed! Cassia, o!" Tumingin na siya sa akin.

Napanguso na lang ako at tiningnan din si Teon. Hindi pa rin siya gumagalaw. Bumuntong hininga ako at saka bahagya siyang tinapik. "Teon, nandiyan na si Fel,"sabi ko pa pero hindi pa rin siya kumikilos. Ilang beses kong inulit hanggang sa napahikab na lang ulit ako.

Binalingan ko si Fel at tapos ngumuso ako. Mas lalo lang tuloy siyang nainis. "Ugh! Seriously!" Napapadyak na lang siya tapos ay mabibigat ang mga paang nagmartsa papunta sa airbed na nasa tabi lang din naman ng kama. Napabuga ako ng hininga at saka sumubsob na ulit sa unan. Antok na antok na ako pero bago pa ako tuluyang magpadala sa antok ay narinig ko ang bahagyang paghagikhik ni Teon. Sinulyapan ko pa siya at ganoon na lang ang gulat ko nang nakatingin din siya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero ngumisi lang siya at sinenyasan akong wag maingay. Tong isang to, inaasar na rin si Fel. Ay ewan. Sinasabi ko, ang weird talaga nila madalas e. Kung ano ano na lang ang mga naiisip.

Kinabukasan, alas diyes ng umaga na ako nagising at maaga na yun ha kasi yung mga kasama ko tulog na tulog pa. Napangiti na lang ako nang mabalingan ko sina Adolf at Fel na magkayakap. Ang cute nila! Si Flynn naman unan ang yakap yakap. Yan yung mga unan na dinala nina Fel at Adolf. Si Teon ayun tulog pa rin.

Dahan- dahan akong bumaba ng kama at saka lumabas. Hindi ko alam kung anong oras na silang natulog kagabi kaya di ko na lang din gigisingin. Dumiretso ako sa banyo at naghilamos muna tapos ay bumalik na rin ako sa kusina. Hinanda ko na yung mga lulutuin ko para sa agahan namin.

Usual na breakfast food lang naman iyon – may hotdogs, bacon, at egg. May bread na rin ako tsaka pancake kasi si Fel di naman nagra-rice yun. Nagsaing na muna ako tapos inuna ko na yung pancake tapos itlog. Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang nagulat ako nang may yumakap sa likod ko. Nanlalaking mga matang lumayo ako at tiningnan ang yumakap.

"What?" kunot-noong tanong pa ni Teon.

Napalunok ako. Kasi naman! Bakit nangyayakap?! Nakagat ko ang aking labi nang maramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Agad akong nag-iwas ng tingin.

Tumikhim ako. "Uhmm kasi ano, e. N-Nakakagulat ka naman kasi." Ngumuso ako.

Hindi na naman siya nagsalita at lumapit na sa akin. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Nasa harap na siya ng lutuan. Kinuha niya pa ang sandok na hawak ko.

"I'll help you," sabi niya sabay ngiti. Ngumuso ako.

"Marunong ka ba –"

"Shit!"

Nanlaki ang mga mata ko nang napatalon siya dahil sa talsik ng mantika. Napaawang ang bibig niyang napatingin sa akin. Naitakip ko naman ang isang kamay ko sa aking bibig para pigilan ang pagtawa.

Ang cute naman nito! Pftt!

"Seriously?" Rinig kong sabi niya tapos sumimangot. Mas lalo tuloy akong natawa. Mas lalo rin siyang sumimangot. Napailing na lang ako.

"Akin na nga," sabi ko at kinuha ang sandok. Hindi pa agad siya pumayag pero kinuha ko na rin naman.

"Just wanna help," sabi niya pa, nakasimangot pa rin.

Ngumiti lang ako. "Yung sa lamesa na lang," sabi ko.

Bumuntong-hininga na lang siya at saka kinuha na yung mga pancake at saka itlog. Umiling lang ulit ako at ipinagpatuloy na lang ang pagluluto.

"Morning!" Halos sabay pa kaming napalingon ni Teon nang marinig iyon.

Nginitian ko si Fel. "Morning din, Fel," bati ko.

Kumunot naman ang noo niya at saka panaka-nakang tiningnan kami ni Teon.

"Sabay kayo nag-wake-up?" Naniningkit ang mga matang tanong niya.

"Nauna ako," sagot ko na lang. Ngumuso naman si Felt apos ay nagkorteng- o and bibig sabay tango-tango.

Ngumisi pa siya sa akin tapos ay tumingin kay Teon na abala sa pag-aasikaso ng mga niluto ko. Napailing na lang ako at hindi na lang siya pinansin. Kasi naman,e. Alam na alam ko na yang mga ganyang tinginan ni Fuschia Elise.

Halos bandang alas onse na rin kaming nakakain kasi ang tagal nagising nina Adolf at Flynn. Hindi na nga nakapaghilamos yung dalawa pagkakain namin, e.

"Anong oras ba kasi kayo natulog at sobrang pagod niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Humikab si Adolf. "Past 4, I think. I was finishing a fucking digest. Tss."

"And who's fault is that? Duhh you could've made that last week pa no," sabat naman Fel.

Hindi na lang sumagot si Adolf at kumain na lang. Napailing na lang din ako.

"Tss. I just don't get why they let us do 300 case digests. I mean, do they even have time to check those? Tss," rant na naman ni Adolf na inirapan naman ni Fel. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Tahimik na kumakain si Teon habang si Flynn naman ay panay ang hikab.

"Yow guys, before I forget. The frat's having a party after midterms. We're all invited," sabi ni Flynn tapos ay humikab ulit.

Walang sumagot agad. Di naman ako mahilig diyan tapos si Fel naman bihira lang din kung sumama dahil ayaw niya sa mga sorority members.

"I'll be there." Si Adolf.

Ngumuso si Fel. "I'd rather have another sleepover," sabi niya pa at tinusok tusok ang pancake niya. Bumaling siya sa akin tapos ngumisi. "I love these sleepovers. We're doing this again, ha!"

Napailing na lang ako. Nsrinig ko pang umungot si Flynn. "Seriously, Fel. You're no fun. Tss."

Sinimangutan lang siya ni Fel.

"Eh sa I don't like your girl minions no." Umirap pa siya. Binelatan naman siya ni Flynn kaya sinamaan niya ito ng tingin. Napailing na lang ulit ako.

Pagkatapos namin kumain ay tumambay muna kami saglit doon. Si Adolf at Fel naglalaro ng video game habang si Flynn ay lumabas naman at may kinausap sa cellphone. Hinahanda ko ang mga gamit ko para sa klase mamaya. Si Teon ay nasa sofa at kaharap na naman ang cellphone. Bumuntong -hininga na lang ako at muling binalingan ang aking cellphone.

From: Tito

Please talk to her hija. He listens to you. Tatanawin ko itong malaking utang na loob.

Napatitig na lang ako sa text ng papa ni Teon. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang number ko pero noong hindi umubra ang pangungumbinsi nina Fel at Adolf na bumalik na si Teon sa kanila ay bigla na lang itong nag-text sa akin.

Binalingan ko ulit si Teon tapos ay sina Fel at Adolf na naglalaro pa rin. Bumuga ako ng hininga at saka tumayo at lumapit sa kanya.

Mahina akong tumikhim na agad naman niyang napansin.

"Hmm?" aniya.

Tipid akong ngumiti at pinaglapat ang labi ko. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tinuro ko ang kwarto.

Sandali pa siyang napatitig sa akin tapos ay sa kwarto. Yumuko ako. Sa huli ay bumuntong-hininga lang din siya at tumayo na. Tahimik kaming pumunta sa kwarto. Naupo ako sa kama at tumabi rin naman siya.

"What is it?" tanong niya pa.

Huminga ako nang malalim at tiningnan siya. "Hanggang kailan mo titiisin ang papa mo?" mahinang tanong ko.

Hindi siya agad nakasagot. Nanatili ang tingin ko sa kanya habang siya naman ay hindi pa rin makatingin sa akin. Ilang segundo kaming natahimik bago siya bumuga ng hininga.

"You'll really not give that up?"

Bahagyang umawang ang bibig ko. Nakagat ko ang aking labi.

"Teon, ilang linggo na rin naman,e. Tsaka baka wala na rin ang...m-mama mo..." Mas dumiin ang pakakakagat ko sa aking labi.

Doon siya tumingin sa akin at bumuntong hininga. "Her flight's yesterday. Dad called me to join them in the airport."

Natahimik ako. Kaya pala siguro siya sumisigaw kahapon.

Ngumuso ako. "So pwede ka nang umuwi?" tanong ko pero hindi naman siya sumagot. Bumuntong-hininga ako. "Umuwi ka na, Teon. Nag-aalala ang papa mo. Tsaka panigurado miss ka na rin noon. Alam kong hindi kita mapipilit na makipag-ayos sa mama mo kasi wala naman ako sa lugar pero hindi naman siguro tamang idamay mo ang daddy mo? Ikaw na rin naman mismo ang nagsabing wala na nga siya roon di ba? So bakit ayaw mo pang umuwi?"

Nagkatitigan kami. Hindi siya agad nakapagsalita. Sa huli ay nabigla na lang ako nang hapitin niya ako ng yakap. Nabitin sa ere ang mga kamay ko nang ibinaon niya ang kanyang mukha sa balikat ko at mas hinigpitan pa ang yakap.

"Hmm cause I still wanna be with you? And...I'm loving every moment with you, Cass. It makes me forget about shits..."

Parang kinuryente ang buo kong katawan nang maramdaman ang paghinga niya sa may leeg ko. Napalunok ako nang mariin at napahinga nang malalim. Tuluyan ko na ring iniyakap ang mga kamay sa kanya. Parang aatakehin na naman ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napapikit ako. Ano ba yan.

Hay nako, Cassia!

~***~

Ala-una na nang umalis kami ng apartment at nagpunta ng Starbucks. Gustuhin man kasi naming tumambay lang doon, hindi pwede. May quiz kami mamaya at second round ng recit kaya kailangan pa ring maghanda.

"Tinext mo na si tito?" kulit ko kay Teon habang papasok kami ng Starbucks.

"Tss. Yeah yeah," walang ganang sabi niya. Ngumuso lang ako.

Agad ko namang napansin na nagtinginan ang tatlo sa amin. Nauna si Teon sa loob at siya na rin ang naghanap ng pwesto namin.

"I'll order for us, guys. My treat," sabi ni Flynn at dumiretso na sa counter. Kinuha ko na lang ang gamit ko at naglatag na. Magkatapat kami ni Fel tapos katabi ko si Teon.

Bumaling ako kay Fel na kanina ko pa napapansin ang titig. Tumayo naman si Teon at nagpaalam na mag-cr. Doon lumipat si Fel sa tabi ko at pinidpid ako sa gilid.

"B-Bakit?" naguguluhang tanong ko.

Pinaningkitan niya lang ako at makahulugang tiningnan. "What's really the deal now, huh?" Ipinagkuros niya pa ang kanyang mga braso at mas pinaningkitan ako.

Kumunot naman ang noo ko. "Ha?"

Agad siyang umirap. "Duhh you and Teon." Tinaasan niya ako ng kilay. Nakagat ko ang aking labi at saka nag-iwas ng tingin.

"Wala," sagot ko. Wala naman kasi talaga.

"A-huh. Sure?" Sinulyapan ko siya at nakita kong mas naningkit na naman ang kanyang mga mata.

Nag-iwas ulit ako ng tingin. "Wala nga."

Sandali siyang tumitig sa akin bago muling nagsalita. "Okay. If you say so," sabi niya pa at tumayo na para bumalik sa upuan niya. Sinundan ko pa siya ng tingin. Hindi rin nakaligtas sa tingin ko ang mga ngisi ni Adolf na mukhang kanina pa rin nakikinig.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Hindi ko alam kung bakit sa buong pag-aaral namin ay ramdam na ramdam ko ang mga titig nina Fel at Adolf sa amin ni Teon. Wala naman silang sinasabi pero yung mga titig pa lang nila parang may sinasabi na,e.

Hindi ko rin alam kung guni guni ko lang ba iyon pero hanggang sa campus kasi ay parang ramdam kong nakatitig lahat ng mga taong dinadaanan namin.

Nakagat ko ang aking labi at yumuko na lang. Gantong ganto iyong naramdaman ko noong una,e. Akala ko ba hindi ko na pinapansin ito? Bakit bumalik na naman?"

"You okay?" Muntik na akong mapatalon nang biglang dumikit sa akin si Teon. Nasa hallway kami ng ground floor ng law building at hinihintay si Fel na may pinuntahan sa registrar. Sina Adolf at Flynn naman may kausap na mga fratmen at may mga sorority members pang nasa gilid na parang kakainin ako ng buhay dahil sa mga titig.

Bumuga ako ng hininga. "Wala. Pakiramdam ko kasi may mga naninitig na naman."

Narinig ko siyang bumuntong- hininga. "Don't mind them. No change, right?"

Agad akong napatingin at napatitig sa kanya. Nararamdaman din niya? So, bumalik na naman pala sa dati?

Huminga ako nang malalim. Bahagya siyang ngumiti at saka ginulo na naman ang buhok ko. Ngumuso ako at saka tumango na rin. Mas ngumiti lang siya sa akin.

Napailing tuloy ako at saka bumuntong-hininga ulit. Tuloy ang buhay. Sobrang busy, Cassia, dapat di mo na pinag-iisip ang mga iyan. Di ka naman matutulungan ng mga iyan na mag-graduate.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top