Chapter 18

Dedicated to AileencrisTanduyan 😍


Kinabukasan, naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nakatitig sa akin. Pagkabukas ko ng aking mga mata ay agad akong napatakip sa aking bibig nang sumalubong sa akin ang mukha ni Teon na titig na titig sa akin.

Napabalikwas pa ako ng bangon at napaatras.

"A-Anong ginagawa mo?" tarantang tanong ko habang hindi inaalis ang pagkakatakip ko sa bibig.

Kasi naman. Kagigising ko lang no! Malay ko ba kung bad breath ako! Nakakahiya!

Nakagat ko ang aking labi at naramdaman kong nag-init ang aking mukha. Kasi naman! Bakit siya nakatitig ba?!

"Relax, Cass. You just look cute when you're sleeping." Marahan siyang tumawa tapos ay umayos ng upo sa kama.

Napalunok tuloy ako at saka weirdong napatingin sa kanya.

"Bakit kasi nakatitig ka sa akin?" tanong ko pa.

Nagkibit-balikat lang siya tapos ay bumaba na ng kama.

"Told you you're cure when you're sleeping."

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Ngumisi lang naman siya tapos ginulo ang buhok ko.

"Good morning, Cassia." Ngumiti siya sa akin tapos ay tumalikod na rin at lumabas ng kwarto.

Napabuga ako ng hininga at saka napatakip na lang ng mukha. Kasi naman, e!

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at saka iniling ang aking ulo bago tumayo at umalis ng kama. Mabilis kong kinuha ang tuwalya ko at halos patakbong nagpunta ng banyo. Mabilis akong naghilamos at saka nag-toothbrush.

Nang makalabas ako ay bahagya pa akong nagtaka nang walang tao sa sala. Nasaan kaya si Teon? Lumabas? Sinilip ko ang kwarto ko pero wala naman siya roon. Lalabas pa nga sana ako nang bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa siya roon.

May dala siyang bag. E? Kailan pa nagba-bag ang isang to?

Nakagat ko ang aking labi. "Uhm lumabas ka?"

Nagkibit-balikat siya at saka pinakita ang bag niya. "I got these."

Ngumuso ako. "Saan ba naka-park ang kotse mo?"

Isinampay ko muna sa likod ng pinto ang tuwalya ko bago siya tinabihan sa sofa. Nakisilip na rin ako sa bag niya at napataas na lang ang kilay ko nang makitang may mga damit doon tapos isang water jog.

"My formal clothes are in the car, as well as my books," sabi niya pa.

Napatanga ulit ako sa kanya. Sandali ko siyang tinitignan. "N-Naglayas ka ba?" nag-aalangang sambit ko.

Doon siya natahimik. Nakagat ko tuloy ang labi ko. Hala siya. May nasabi ba ako?

Bumuga siya ng hininga at saka sumandal sa likod ng sofa. Itinabi niya ang bag niya na kanina ay nasa kandungan niya. Nakatitig na naman siya kawalan.

Bumuntong-hininga ako at saka tiningnan siyang maigi.

"Uhm. Okay ka lang ba? Pwede akong makinig ulit... kung gusto mong magkwento." Kinagat ko ang aking labi at bahagyang umusog.

Bumuntong-hininga siya at saka tumitig sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya. "Uhm kung ready ka lang naman," agap ko.

Ayoko kasi talaga siyang pilitin.

Huminga siya nang malalim at saka tumingin ulit sa kawalan. Pinaglapat niya ang kanyang mga labi.

"My mom left me when I was 1 year old. Dad was still starting his career as a defense lawyer. He's older than mom by 8 years. She was already done in college when she had me and they married because she had me..." Sandali siyang tumigil. Kitang kita ko ang paglalim na naman ng kanyang hininga. Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kanya. Kumunot ang kanyang noo na tila ba may naaalala siya. "She said she wasn't ready. She said she's still so young. She wanted more, so she flew away...she left me."

Napatingin ako sa kanyang dalawang kamay na nakakuyom na. Kitang kita ko rin ang pag-igting ng kanyang panga. Bumuntong-hininga ako at saka marahang hinawakan ang kanyang kamay. Bahagya siyang kumalma pero nakakuyom pa rin ang mga kamay at nakaigting pa rin ang panga. Bumuga siya ng malalim na hininga. "I had no mother for 24 years, Cass...now she's back like nothing happened...tss I don't even think I could live with her." Nilingon niya ako

Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita ang kanyang mga mata. Ang lungkot ng mga iyon. Kitang kita ko ang panunubig ng mga iyon at kitang kita ko rin ang galit na kanyang nararamdaman. Hinigpitan ko ang kapit sa kanyang kamay. Lumunok ako at saka tipid siyang nginitian.

Huminga siya nang malalim at saka umayos ng upo. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko. "I know it's too much to ask...b-but can I crash here for a few days? Just...just enough for her to go." Nag-iwas siya ng tingin.

Napatitig ako sa kanya. Sa huli ay bumuntong-hininga lang ulit ako.

"Sige. Walang problema," sagot ko.

Bumaling siya sa akin. "Really?"

Ngumiti ako at saka tumango. "Oo. Nandito lang ako. Makikinig ako sa'yo," pagsisigurado ko sa kanya.

Nagkatitigan kami. Tipid na ngumiti siya sa akin. Kinagat niya ang labi. "Can I hug you?" parang nahihiyang sabi pa niya.

Bahagya akong napatawa at sa halip na sumagot at niyakap ko na lang siya. Naramdaman ko siyang bumuntong-hininga tapos ay humigpit ang yakap sa akin.

Tinapik ko ang likod niya. "Okay na. Uhm breakfast na tayo? Nagugutom na ako, e."

Naramdaman ko siyang tumawa tapos ay kumalas na sa yakap. Ngumiti ako sa kanya at ganoon din naman siya.

"Wait, I'll just get my other stuff from the car," sabi niya pa at tumayo na. Tumango lang ako at saka bumuntong hininga.

Tumayo na rin ako at nagpunta sa kusina. Tiningnan ko ang stocks ko roon sa maliit na ref. Kumuha ako ng hotdogs tsaka ham. Nagra-rice naman si Teon kaya di na ako nag-pancake pa. Wala rin naman kasi akong pang-pancake mixture.

Hinanda ko rin yung kape sa lamesa at baka gusto niya. Nagsaing muna ako tapos ay nagluto na. Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang makabalik si Teon.

"Lagay mo na lang sa kwarto ko," sabi ko sa kanya.

Bahagya ko siyang nilingon at napakunot pa ako ng noo nang seryosong nakatitig lang siya sa kanyang cellphone.

Bumuntong-hininga ako at tinapos na ang pagpi-prito. In-off ko ang kalan tapos ay lumapit sa kanya.

"Okay ka lang?" tanong ko. Bahagya pa siyang nagulat sa akin. Ngumuso ako. "Ako na lang magdadala nito." Nginitian ko siya at kinuha yung dala niya.

Bumuga siya ng hininga at saka tumango rin. Iniwan ko siya roon at nilagay ang backpack niya sa ibabaw ng cabinet ko. Lalabas na sana ako nang mag-vibrate ang cellphone kong nasa kama. Kunot noong nilapitan ko yun at saka tiningnan.

Fel calling...

Bakit ito tumatawag? Wala naman kaming usapan.

"Hello?" sagot ko at saka umupo sa kama.

"Oh thank god you answered! Are you with Teon ba? Tito called us! He didn't went home daw!"

Sandali akong natigilan at bahagyang napatingin sa labas. Huminga ako nang malalim at saka bumuga ng hininga.

"Uhm oo, Fel. Dito siya natulog...may problema raw sa kanila..." Nakagat ko ang aking labi.

Hindi ko alam kung alam nila ang tungkol sa nangyari kay Teon at sa pagbabalik ng mama niya or kung alam man nila ayaw ko lang na pag-usapan namin nang wala si Teon. Tsaka hindi ko naman storya yun.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Fel sa kabila.

"Oh gosh, thank you naman. I'll just tell tito na he's safe. We'll meet later na lang?"

Ngumuso ako. "Hmm sige," sagot ko na lang.

Pinatay niya ang tawag. Tumayo na rin ako at saka bumalik sa labas. Naabutan ko pa si Teon na nakaupo sa sofa at nakatutok na naman sa cellphone niya.

Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. Ngumiti ako. "Kain na tayo?" tanong ko.

Tipid na ngumiti rin siya at saka tumayo na. Sabay kaming nagpunta sa dining at umupo na. Tahimik lang kami buong agahan. Ayoko namang mag-open ng topic dahil mukhang wala siya sa mood kaya hinayaan ko na lang siya na tahimik na lang. Nginingitian ko na lang siya pag nagsasalubong ang mga tingin namin.

Pagkatapos naming mag-breakfast ay nagbihis na rin kami para makaalis na dahil magkikita kami nina Fel mamaya.

"You know, I can split the rent with you." Rinig kong sabi niya habang paalis kami ng apartment.

Umirap lang ako at saka ni-lock na nang apartment. Hinarap ko siya.

"Wag na nga. Okay lang naman, e. Tsaka bayad na ako sa whole semester."

Agad na tumaas ang kilay niya. "Seriously?"

Natawa ako. "Yung ipon ko yung binayad ko. Ayoko kasing namo-mroblema buwan buwan."

Tila nagulat pa siya sa sinabi ko. "Seriously. You're so organized," naiiling na sabi niya. Natawa lang ulit ako.

"Halika na," sabi ko na lang at nauna nang maglakad. Sa Starbucks kami ngayon at ilang blocks lang naman iyon kaya maglalakad lang kami.

Yung kotse niya naman ay nasa may bakanteng lote katabi ng Dormitory rito. Kaibigan ng landlady ko yung may-ari noon kaya napakiusapan. Hindi ko alam kung malakas ako sa landlady ako dahil wala siyang problema sa akin sa bayaran kaya siya pumayag na doon mag park si Teon o sadyang gustong gusto niya lang talaga si Teon. Fan na fan siya e. Hindi ko alam kung bakit.

"Cassia!" Halos sabay kaming napalingon ni Teon nang marinig iyon.

Agad din akong kumaway kay Fel na nasa parking ng starkbucks sa gilid. Hinintay na muna namin sila bago tuluyang pumasok sa loob.

"What's up bro, Cass," bati ni Adolf. Ngumiti ako sa kanya at saka bumeso rin.

"Hi beadle!" Si Flynn naman. Kinawayan ko lang din siya tapos ay yumakap na ako kay Fel.

Natawa pa ako nang mahigpit ang naging yakap niya.

"Okay ka lang?" tanong ko nang kumalas kami. Ngumuso lang siya at saka umangkla sa akin. Humarap kami sa tatlo.

"I'm not okay. I wasn't able to sleep kasi I was worried! Kainis kasi ito!" Sinamaan niya ng tingin si Teon. Napabaling tuloy kaming lahat sa kanya.

Bumuntong-hininga lang naman siya. "I'm with Cassia, and I'm fine," pinal niyang sabi at saka nauna pang pumasok sa Starbucks.

Nakagat ko na lang ang aking labi. Nagkatinginan kaming apat. Bumuntong-hininga si Adolf.

"Told you, just let him be. He'll come around," sabi nito at saka pumasok na rin sa loob.

Napabuntong-hininga na rin ako at saka sumunod na rin kami.

Tahimik pa rin ang naging pag-aaral namin. Panay ang tinginan nina Fel at Adolf na para bang may gustong sabihin pero sa huli ay hindi naman sila nagsasalita. Ganoon lang kami pati na sa mga sumunod na araw.

Halos mag-iisang linggo na rin simula noong naging housemate ko si Teon. Wala naman akong problema sa kanya. Natutuwa nga ako kasi kahit na hindi naman siya marunong sa gawaing bahay, sinusubukan niya pa ring tumulong. Sinabi ko na ngang okay lang naman kasi bisita ko naman siya pero ayaw paawat kaya sige hinayaan ko na lang din.

"Cassie, sige na let us overnight na! Or at least until twelve na lang? Ang daya niyo ni Teon! You always pull an all nighter!"

Hindi ko alam kung pang-ilang kulit na iyan ni Fel sa akin ngayong araw. Napailing na lang ako. Inayos ko ang tote bag ko. Mas lalo naman siyang umangkla sa akin.

"Hindi kami nag-o-all nighter ni Teon no. Maaga akong natutulog. Siya yung nagda-digest pa. Tsaka ano ka ba naman ano namang gagawin niyo roon? Di naman kayo nag-aaral," sagot ko.

Magchichikahan lang naman kasi sila pag tumatambay sila sa apartment ko.

Mas ngumuso siya sa akin. "Ehh! Please na!" Niyugyog niya pa ako nang niyugyog habang paakyat kami ng Law Building. Tiningnan ko pa si Adolf na ngumisi lang naman. Si Flynn naman ay ayun nagkibit-balikat lang.

Napailing lang ulit ako. Hanggang sa makarating kami sa classroom ay kinukulit pa rin ako ni Fel. Kung di nga dumating si Attorney hindi siya titigil. Panay pa ang paawa ng mata niya habang nagka-klase kami.

Sa huli ay pumayag na rin ako kasi sure naman akong di siya titigil.

"Yey! You really love me talaga!" tuwang tuwang sabi niya.

Napailing na lang ako.

"Bili muna akong pang-dinner natin. Mauna na lang kayo," sabi ko nang makalabas kami ng campus. Binigay ko kay Teon yung susi ng apartment.

Ngumuso na naman si Fel at tumingin sa akin.

"Sama ako!" nakangising sabi niya pa.

Napabuntong- hininga na lang ako. Tiningnan ko yung tatlo pero busy naman sila.

"Oo na," sabi ko na lang kaya tuwang tuwa naman si Fel.

Pagkatawid namin ay naghiwalay muna kami. Yung tatlong lalaki dumiretso sa apartment habang kami ni Fel ay nag-take out ng pagkain kina Aling Mila. May sari-sari store din naman sa gilid kaya bumili rin kami ng snacks na papapakin.

Pagbalik namin sa apartment ay naabutan silang tatlo na nasa dining at nagtatawanan.

"Ang happy niyo ha!"komento pa ni Fel na nagpalingon sa kanila. Napangiti na lang ako.

Agad namang tumayo si Teon at lumapit sa akin. "I'll prepare this," sabi niya pa at kinuha ang dala ko.

"We got this, beadle!" sabi naman ni Flynn sabay tayo.

Mas lalo akong napangiti. Ang cute nila talaga. Tsaka nakakabilib sila kasi ang yayaman kaya nila pero pag kasama ko sila parang ang normal normal nila. Nakaka proud nga rin kasi sa akin yata sila natututo ng mga gawaing bahay. Ang swerte swerte ko talaga sa kanila.

"Hmm. Baka matunaw siya, huh." Agad akong napalingon kay Fel.

"Huh? Anong pinagsasabi mo?" takang tanong ko. Pinaningkitan niya lang ako at saka nginisihan.

Pinanlakihan ko naman siya ng mata na tinawanan niya lang. Sumimangot ako. Kasi naman e! Ayan na naman yang asar asar.

"But seriously,Cass, thanks for being there for him. He never talks to us about his mom."

Sandali akong natahimik at napakagat labi. Ngumiti naman si Fel tapos ay tinapik ako sa balikat.

Bumuntong-hininga ako.

"I'm really glad you're here for him, Cass," dagdag niya pa. Tipid din akong napangiti.

"Kayo rin naman, e. Nandiyan din naman kayo palagi sa akin," sabi ko.

Lumabi lang siya at saka yumakap pa sa akin. Natawa na lang kaming dalawa.

"Hey, ladies, dinner's ready!" sigaw pa ni Adolf. Kumalas kami ni Fel bago pumunta na rin sila.

Lima na ang monoblocks ko rito kaya nagkakasabay sabay na kaming kumain. Di ko nga alam kung anong pumasok sa isip ng landlady ko at binigyan ako ng ganito. Fan nga talaga siguro siya ng mga kaibigan ko kaya ayan para hindi na kami mahirapan. Minsan kasi naabutan niya kami rito. Akala ko nga magagalit siya e pero noong pinakilala ko ang mga kasama ko, lumaki yung ngisi kaya yan binigyan niya ako ng monoblocks.

"We should totally do thus often," sabi pa ni Fel habang kumakain kami.

Napailing na lang ako.

"All nighter tayo?" tanong ko. Bahagya pa silang nagkatinginan tapos sabay na nagkibit balikat.

Hay. Sabi ko nga. Well, nag-all nighter naman talaga kami, mas marami nga lang yung chikahan nila. Ang ingay nga nina Flynn at Adolf tungkol sa mga issue ng frat. Ewan ko kung anong nangyari pero may hazing atang nangyari at may namatay pa. Napapangiwi na lang talaga ako.

Nakapag-aral naman ako. Hindi rin naman din ako nagtagal talaga. Nauna akong matulog sa kanila. Magkasunod kami ni Fel habang yung tatlo ay talagang hanggang umaga yata talaga.

Kinabukasan, napangiti na lang ako nang makita silang nagkakape na.

"Morning, beadle!" bati ni Flynn tapos ay humikab.

"Morning. Matulog kaya muna kayo," sabi ko pa.

Tiningnan ko si Teon na nakaharap na sa laptop niya. Tong isang to, ang aga aga pa laptop agad. Napabuntong-hininga na lang ako habang pinagmamasdan siya. Medyo um-okay naman na siya nitong mga nakaraang araw. Siguro kasi ang dami na rin naman naming ginagawa. Pero sana maayos na nila ng mama niya yung alitan nila. Tsaka sana kausapin niya na rin ang papa niya kasi hanggang ngayon, nirereject niya iyong tawag.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top