Chapter 17

Dedicated to: liahcentilles padayon bbgurl! 😘

Sobrang bilis ng panahon. Grabe, parang kahapon lang, sinasamahan pa ako ni Ate Arra sa pagkuha ng mga transcript ko tapos nagka-canvas pa kami ng mga murag apartment online na malapit sa Clarke. Parang kahapon lang din nang magsimula ang first day ko sa law school, pero ngayon ito na ako, tapos na sa first year.

Grabe talaga. Dama ko naman yun bawat araw na lumipas pero ngayon parang di ko na maalala yung mga detalye. Sobrang daming nangyari. Sobrang dami kong na-experience at sobrang dami ko ring nakita.

Hindi ko nga alam kung paano ko ginapang ang second semester. Halos mabaliw na ako sa ObliCon namin at akala ko talaga hindi ako papasa. Idagdag pa yung Consti 2 at Crim 2. Di ko na maalala kung paano ko nilampasan ang bawat araw sa mga subjects ko na yun. Ni noong umuwi nga ako ng Cebu, tulog lang ako nang tulog. Pakiramdam ko talaga gising ako buong second sem at gusto ko lamg bumawi ng tulog.

Takang taka nga yung mga pinsan ko, e. Bale yung bakasyon ko roon parang naging tulog lang din. Sumama ako minsan na mag outing sa kanila pero di naman kasi kami madalas lumalabas. Tipid tipid pa rin kami. Pero at least nakapagpahinga rin ako no.

Dalawang linggo na ang nakalipas nang makabalik ako rito sa Manila. Ayoko kasi ng magmamadali ako pagkapasukan na. Dapat nga magtatrabaho ako sa cafe pero kasi magpapasukan na rin at nahihiya ako sa mga kasamahan ko pati na sa pinsan ni Teon no, kaya tumanggi na lang muna ako. Dinoble ko na lang ang kayod ko sa pagsusulat para naman doble rin ang natatanggap ko. Nag-full time na rin naman ako kaya medyo malaki- laki na rin ang kinikita ko.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang buong field ng Clarke. May mangilan ngilan na ring mga nakaupo sa ibang benches at may mga naglalakad sa field. Medyo tirik ang araw pero malamig naman ang hangin kaya hindi siya ganoon kadama ang init. Sumandal siya sa sandalan at saka niyakap ang bago ko.

Napatingin ako sa aking relo. Mag-aalas diyes na ng umaga. Ang huling text ni Fel papasok na raw sila ng Clarke kaya baka parating na rin sila. Magkasama sila ni Adolf as usual. Si Flynn nasa frat headquarters daw tapos si Teon naman umalis muna para bumili ng pagkain. Gusto ko nga sanang samahan siya pero ayaw naman niya kaya hinayaan ko na lang.

"Hey, is iced tea okay with you?"

Agad akong napaangat ng tingin nang marinig iyon. Sinundan ko ng tingin si Teon hanggang sa makatabi siya sa akin. Umusog pa ako ng konti.

"Okay lang," sagot ko at saka kinuha ang inabot niyang iced tea.

"Here, burger," sabi niya pa at inabot din ang burger.

Kumunot pa ang noo ko sa kanya. "Akala ko ayaw mo sa oily?" natatawang tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Hmm. It's not so bad to have some at times."

Napailing ako at tinanggap na rin yung burger. Nagsimula kaming kumain habang nakatitig lang sa field.

Ngayon ang posting of grades namin at start na rin ng enrollment kaya sabay na kaming lima.

"Nag-text na si Fel. Baka palabas na ng parking yun," sabi ko. Tumango lang siya. Bumuntong-hininga ako at saka tiningnan siya. "Okay lang kaya subjects natin ngayong second year?" tanong ko.

Kinakabahan kasi ako sa mga sinasabi ng seniors. Second year daw ang do or die. Grabe. Do or die naman yata lahat ng level sa law no. Dapat hindi ka pabaya at confident.

Nagkibit-balikat siya. "Well for starters, there's no okay subject in law school." Ngumuso ako. Marahan naman siyang natawa.

"Nakakakaba. May property pala tayo ngayon. May Crim Pro din. Narinig ko marami raw bumagsak last school year kay Judge Saldivar." Ngumuso ako.

Ngumiti lang siya at saka ginulo na naman ang buhok ko. Sinimangutan ko lang siya.

"Hey!" Halos sabay kaming napalingon ni Teon nang marinig iyon.

"Hi." Kumaway ako kay Fel. Kasunod niya si Adolf.

Umusog ako pagkatabi ni Fel. Tinanguan ko naman si Adolf.

"O, nag-text na pala si Flynn. Tara na? Para makauwi na rin tayo," sabi pa ni Adolf kaya tumayo na rin naman kami.

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa may registrar kasi nandoon na raw si Flynn. Doon na rin namin ibu-view yung portal para sa grades namin. Pipila na rin kasi kami para sa enrollment.

"Hey! Dito, bro!" Kumaway si Flynn sa amin. Agad naman akong hinila ni Fel papunta roon. Na-reserved naman kami ni Flynn ng space kaya diretso pila na lang din kami.

Nauuna si Flynn tapos si Adolf, si Fel, ako at panghuli si Teon. Isa isa kaming tiningnan ni Fel.

"Let's view it na?" sabi pa niya. Halos sabay pa kaming bumuntong-hininga at kinuha ang mga cellphone namin.

Halos manginig nginig pa ang kamay ko habang nagta-type ng account ko sa portal. Grabe. Parang pagpapawisan ako sa pag-iisip ng mga grado ko sa second sem. Kasi naman e.

Bumuntong-hininga ako at saka halos pikit mata nang buksan ko ang portal. Halos mahigit ko pa ang hininga nang makita ang mga grado ko. Bahagya akong nagulat nang may biglang humawak sa braso ko.

Nilingon ko si Teon. "Bakit?" gulat na tanong ko.

Ngumiti lang siya sa akin. "Atty. Fortuna rarely gives 90 in Crim 2," sabi niya pa.

Bahagyang napaawang ang bibig ko nang tingnan muli ang portal. Ay grabe talaga ba? Nakagat ko ang aking labi at saka di ko na napigilan ang mapangiti. Ay grabe ang sarap pala sa feeling. Parang balewala yung lahat ng hirap na dinanas ko sa Crim 2. Wala na akong pake kung nakailang bokya akong recit. Sa takot kong bumagsak sa subject na ito, nag o-all nighter talaga ako.

"Oh my gosh! We survived first year!"

Napalingon kami kay Fel na halos mangiyak-ngiyak na sa tuwa. Marahan akong napatawa at saka napayakap din sa kanya.

"Congrats, Fel! Congrats sa atin," sabi ko sa kanila.

"Yeah. Let's go fucking second year," dagdag naman ni Adolf bago kami umusad na sa pila.

Magha-hapon na nang ma-enrolled kami. Ang taas kasi ng pila sa registrar tapos nagkaaberya pa sila. Ala-una na nga kaming nagtanghalian kaya ayun reklamo nang reklamo si Fel. Sa sobrang gutom niya ay sa karinderya ni Aling Mila kami kumain kasi malapit lang daw.

Pagkatapos naming kumain ay naghiwalay na rin naman kami. May meeting daw sa frat sina Adolf at Flynn. Si Teon at Fel naman ang sumama sa akin sa apartment ko. Gusto raw nila tumambay kaya pinabayaan ko na lang.

May ilang araw pa kami bago nagsimula ang klase. Wala naman akong ibang ginawa kundi mag-advance na lang ng sulat at baka maipit ako pag nagsimula na kami sa klase. Nang dalawang araw na lang bago mag-klase ay saka lang ako lumabas kasama si Teon. Bumili kami ng libro para sa mga subjects namin. Yung mga seniors kasi namin na kapareha namin ng profs, mababait at binigay ag mga recommended books sa amin kaya binili na rin namin para di na hassle sa klase.

"Ito yung sa Property di ba?" Pinakita ko kay Teon yung nakita ko.

Tiningnan niya naman iyon saka siya tumango. Kinuha ko na rin yun tsaka pinuntahan naman ang shelf para sa Crim Pro. Grabe kinakabahan ako sa subject na to. Pati na sa PIL. Sana maging maayos ang mga grado ko. Sana makapasa ako.

"You done?"

Agad akong napatingin sa kanya. Tumango ako at saka pinakita ang mga hawak kong libro. Tumango rin siya at saka kinuha na ang mga iyon. Ngumuso na lang ako at hinayaan siya.

Kinuha ko ang wallet ko at humugot ng pera. "Ito sa akin." Inabot ko sa kanya yun nang pumipila na kami. Di na rin naman siya nagtanong pa at kinuha na iyon.

Tumabi na lang muna ako at saka hinintay na lang siyang magbayad doon. Dala-dala niya ang mga pinamili namin nang lumabas kami ng Rex.

"Saan tayo?" tanong ko sa kanya nang papunta na kami sa kotse niya.

Nagkibit-balikat siya. "You want to eat?"

Napatingin ako sa kanya. Nilagay niya muna sa second seat ang mga pinamili namin. Nilingon niya ako pagkatapos. Kumunot naman ang noo ko.

Marahan siyang tumawa at saka ginulo ang buhok ko.

"Bakit?" takang tanong ko. Nagwi-weirdo na naman kasi siya.

"Nah you're just cute. Let's go eat." At inakbayan niya ako. Binuksan pa niya ang front seat at pinapasok ako roon.

Pinagmasdan ko lang siyang umikot papunta sa driver's seat.

"Saan tayo?" tanong ko ulit. Nagkibit-balikat siya.

"Aling Mila's na lang. Then I'll go to your apartment after."

Agad na kumunot ang noo ko. Nanatili naman ang kanyang tingin sa harap.

"Anong gagawin mo naman sa apartment ko?"

"Hmm. Just chill."

Napanguso ako at napailing na lang. Ewan ko sa kanya. Lately kasi palagi siyang tumatambay sa apartment ko. Nagtataka tuloy ako. Wala naman kasi siyang ginagawa roon. Nakaupo lang siya tapos habang nagsusulat ako nanonood lang din kami ng netflix. Wala naman siyang sinasabi. Hinahayaan ko na lang din.

Nang dumating ang lunes ay bumalik na rin kami sa dating routine namin. Magkasama kami ni Teon sa library umaga pa lang. Alam ko namang first week pa lang at usually wala naman talagang pumapasok na prof pero nagdesisyon kami nina Fel na magpunta pa rin. Sa library lang naman kami whole day tapos lumabas lang din nang mag-lunch.

"This will be tough," naiiling na sabi ni Adolf habang nakatingin sa pinasang syllabus ng senior niya sa frat.

Nasa classroom na kami ng Property class namin at walang prof. Pareho kami ng prof ng senior niya kaya nanghingi siya ng syllabus. Napapanguso ka na lang talaga. Parang sumakit na rin yata ang ulo ko nang makita yun.

"Gosh. Just by looking at it, I feel like hell already," reklamo ni Fel.

Narinig kong bumuntong-hininga naman si Flynn tapos umiling. "I fucking hate Civil Law tss."

Napabuga na lang ako ng hininga. Grabe naman talaga, o. Parang nakakapanginig ng tuhod ang Property. Idagdag pang may PIL, Sales at Crim Pro pala kami ngayong sem.

~***~

"That's enough."

Halos malagutan ako ng hininga nang sabihin iyon ni Atty. Nakagat ko ang aking labi at umupo na lang. Ngumuso ako.

"Nakakatakot si Attorney," bulong ko.

Narinig ko namang bahagyang tumawa si Teon. Tiningnan ko siya. Grabe. Siya lang talaga ang hindi takot kahit na gaano pa ka terror ang mga professor namin.

"Chill. You got this," sabi pa niya at tinapik ang balikat ko.

Napabuntong hininga na lang ulit ako. Grabe. Akala ko talaga nahanda ko na ang sarili ko sa stress na dala ng mga subjects ngayonh second year. Hinanda ko na kasi talaga ang sarili ko. May naka-schedule na nga ako e na time para sa pag-aaral pero noong nagsimula na talaga kami, grabe. Wala ring nasunod.

Buti nga hindi na ako beadle ngayon e. Parang ayoko na rin kasi dahil sa load ng subjects. Ang dami pang digests. Parang iiyak na nga ako sa every week na almost 100 ang ipinapasa naming digest mula sa iba't ibang subjects.

"Gosh. This is so frustrating na!" Halos masubsob na si Fel ang mukha sa lamesa namin.

Napasandal ako likod ng upuan at saka ibinaba ang ballpen ko. Nag-inat na rin ako at saka nag-stretch ng mga kamay. Nandito kami ngayon sa starbucks na ilang blocks lang sa apartment ko. Nitong mga nakaraang araw ay dito na talaga kami tumatambay. Ewan ko ba rin kung bakit nahawaan at napapayag ako ni Fel na dito na lang kami sa halip na sa library. Grabe kasi mas dumadami ang tao roon. Sabi nina Adolf kadalasan daw roon mga first years. Grabe ang dami nila ngayon e. Sila yata ang pinakamarami sa lahat ng naging batch sa Clarke ayon sa narinig ko.

Magkasama kaming lima ngayon. Kanina pa nga kaming umaga rito e. Alas dos na ng hapon ngayon. Nagda-digest ako para sa Crim namin. Sina Adolf at Flynn nag-aaral sa Sales naman habang si Fel nagpapaturo kay Teon sa Property.

Grabe sumasakit ulo ko talaga sa Property. Kaya hindi ko rin talaga masisi sina Adolf at Flynn na napapamura na lang pag nag-aaral kami. Sa Civil Law, Persons lang yata ang gusto ko. Mula noong nag ObliCon kami wala na parang nadi-drain na talaga ako. Buti na lang tapos na ako sa recit ng property. Yung sa Sales naman at sa PIL next week pa. Makakapag-aral pa naman ako ng weekend kaya tatapusin ko na muna ang digests ko. Ayoko nang matambakan ng digest.

"You okay?" Nilingon ko si Teon at sak tinanguan.

"Hmm malapit na ako matapos," kwento ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti at saka tumango.

Nag-inat lang ulit ako at saka tumayo.

"Gusto niyong donuts?" sabi ko. Sandali silang natigil sa mga ginagawa nila tapos ay halos sabay sabay na tumingin sa akin. Tipid akong ngumiti. "Libre ko," sabi ko pa.

"Aww ang sweet mo beadle! Sana ol tapos na sa recit." Ngumiwi si Flynn. Natawa ako sa sinabi niya.

"I want, Cass." Lumabi si Fel. Natawa lang ulit ako.

"Sige order ako. Donuts lang?"sabi ko pa. Hindi ulit sila sumagot. Napailing na lang ako. "Okay lang, no. Ako naman manlilibre," sabi ko at saka nginitian sila.

"The best ka, beadle!" sabi pa ni Flynn at nag-thumbs up.

"Thanks, Cass," sabi naman nina Fel at Adolf.

"I'll come with you."

Halos sabay kaming napatingin pa kay Teon nang tumayo siya.

"Okay lang naman ako," sabi ko pa pero di naman siya sumagot. Napanguso na lang ako.

"Pft. Come on bro. Ang lapit lang ng counter, o." Rinig kong sabi pa ni Adolf. Agad ko siyang nilingon at sinimangutan. Na-gets niya naman agad at nag-peace sign tapos tumawa na.

Napabuga na lang ako ng hininga. Kasi naman e. Minsan talaga napaka mapang-asar nila.

Nauna si Teon sa akin sa counter at nakasunod naman ako. Siya na nga lang ang nag-order tapos ako na lang ang nagbayad. Bumalik din kami agad at nag-aral na ulit. Di ko na lang pinansin yung mga asaran nina Flynn at Adolf sa amin ni Teon.

Nang mag alas tres ay saka kami bumalik na ng school. Dumiretso na rin kami sa classroom namin kahit maaga pa para hindi na kami ma-stress sa pagmamadali. Ayaw na ayaw pa naman ni Prosec ng late.

Usual recitations lang kami. Nagulat pa ako nang matawag ulit ako kahit na katatawag lang sa akin last meeting. Grabe yung panginginig ng tuhod ko habang nagre-recite kay Prosecutor Villa. Buti na lang talaga at nakapag-aral ako kaninang umaga bago ako mag-digest. Nag-quiz kami sa Property kaya mas lalong sumakit ang ulo ko.

Hindi ko nga alam kung ilang Pain Relief Rub na ang naubos ko dahil gabi gabi na lang sumasakit ulo ko. Siguro dahil sa dami ng loads namin tapos sunod sunod ng quizzes namin. Walang tawad pa sa digest kaya nananakit na talaga ang katawan ko.

Grabe simula pa lang ito ng second year namin ha tapos ganito na yung stress. Paano pa kaya sa mga darating na araw. Para na nga kaming zombies e.

Napahikab na lang ako at saka nag-inat inat bago ako lumabas ng kwarto. Linggo ngayon at katatapos ko lang mag-practice ng recitation para sa Admin Law namin. Alas singko na at wala ako sa mood na magluto talaga kaya naisipan kong lumabas na lang at kina Aling Mila na lang kumain. Humikab ako at saka kinuha ang wallet ko.

Grabe sumasakit pa rin kamay ko sa mga digest ko kanina pero worth it naman kasi natapos ko rin yun. May isang set pa ako para naman next week. Napabuntong-hininga na lang ako at saka lumabas na.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay ganoon na lang ang pagkagulat ko nang sumalubong sa akin ang nakapamulsang si Teon sa labas. Namilog ang mga mata ko at agad na lumapit sa kanya.

"Teon?" gulat na tanong ko. "Anong ginagawa mo rito?"

Hindi agad siya sumagot. Nagkatitigan kami. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa tingin niya. Parang malungkot ang mga mata niya.

"Can I crash?"

Bahagya akong napakurap kurap. "Ha?"

Bumuntong-hininga siya. "Please?"

Napaawang ang labi ko nang rumihestro sa mukha niya ang isang kakaibang lungkot. Namumungay ang mga mata niya pero halatang halata ang lungkot doon.

Bigla akong nag-alala. "Teka anong nangyari sa'yo?" kunot noong tanong ko.

Huminga ulit siya nang malalim at saka nagkibit-balikat. "Family's a mess."

Hindi ako nakapagsalita. Napaawang ang labi ko habang nakatitig sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin pero hindi siya nagsasalita. Napalunok ako at saka napabuntong hininga.

Tumikhim ako. "Uhm pasok na muna tayo..."

Bumuntong-hininga ako at saka inakay siya papasok. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa makapasok kami sa loob ng apartment. Pinaupo ko muna siya sa sofa. Nakatayo lang ako sa may gilid niya at hinihintay siyang magsalita sana pero hindi naman siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa kawalan at hindi umiimik.

Hala, ano bang nangyari? Nag-away sila ni tito?

Huminga ako nang malalim at saka tumikhim ulit.

"Uhm magdi-dinner pa kasi ako. Gusto mo sabay na lang tayo? Mag-take out na lang ako kina Aling Mila tas dito na lang tayo kumain," sabi ko. Doon siya tumingala sa akin. Wala pa ring reaksyon ang mukha niya pero halatang pagod ito.

Tipid akong ngumit. Bumuntong-hininga lang siya tapos ay tumango at nag-iwas na rin ng tingin.

Huminga ako nang malalim at saka marahan siyang tinapik.

"Sige, teka lang."

Iniwan ko muna siya roon at saka mabilis na naglakad papunta sa karinderya. Mabilis akong nag-order. Menudo at tortang talong tapos tatlong rice ang in-order ko.

"Salamat po," sabi ko kay Ate Lena at saka nagmamadaling bumalik na ng apartment ko.

Pagkapasok ko ay nandoon pa rin naman siya sa pwesto niya nang iniwan ko kanina. Nakatulala pa rin at walang imik. Napabuntong-hininga na lang ako at dumiretso sa may dining at inihanda na ang pagkain namin. Pagkatapos kong maghanda ay saka ako lumapit sa kanya.

"Uhm halika na? Nandiyan na yung pagkain. Yung paborito mo yung in-order ko." Tipid akong ngumiti.

Dahan-dahan lang siyang nag- angat ng tingin tapos ay tumayo na rin. Hindi pa rin siya umiimik at nakatungo lang.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hanggang sa pagkain namin ay tahimik pa rin siya. Nakakapanibago talaga siya. Nag-aalala ako. Tahimik siyang tao pero di naman siya ganyan. Ramdam ko talagang may kakaiba sa kanya. Ang tamlay niya tapos yung sinabi pa niya kanina.

Napahinga ako nang malalim at pinagmasdan siya. Gusto ko sanang tanungin siya kaso ayaw ko namang maistorbo ang pagkain niya. Tinapos ko na lang ang pagkain ko at saka hinintay siya.

"Akin na, huhugasan ko lang. Doon ka na lang sa sala. Sunod ako." Tipid ulit akong ngumiti tapos ay kinuha na ang mga pinagkainan namin. Hindi pa rin siya umiimik.

Grabe. Nakakapanibago talaga.

Napanguso na lang ako at saka naghugas na. Panaka naka ko lang siyang tinitingnan habang naghuhugas. Pagkatapos ko ay saka ako bumalik sa kanya. Hindi pa rin siya nagsasalita kaya tumabi ako sa kanya at tiningnan siya.

"Uhm gusto mo pag-usapan? Makikinig ako..." panimula ko.

Alam kong may problema siya. Halatang halata naman. Pero ayoko namang pilitin siyang magkwento agad kasi baka hindi siya komportable. Ayoko ring ako ang magsalita nang magsalita kasi baka mairita siya. Hindi ko naman kasi alam ang problema so ano namang karapatan kong magsalita di ba? Minsan kasi yung mga tao kailangan lang ng tagapakinig di naman necessary na may sabihin ka kasi presence mo pa lang minsan mas okay sa kanila.

Hindi agad siya sumagot pero dahan dahan din siyang tumingin sa akin. Tipid akong ngumiti. Bumuntong-hininga siya at saka nag-iwas ulit ng tingin.

"Tss. I just don't get it. How can she just come back like nothing happened? How can she just come back like everything's fucking okay when we know that it's not!"

Bahagya akong napausog nang bahagyang tumaas ang boses niya. Huminga ako nang malalim at saka marahang hinawakan siya sa braso. Kitang kita ko ang mabilis niya niyang paghinga. Umigting ang panga niya at nakakuyom ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa kawalan.

"She wasn't a fucking mother to me. She left me! She left me when I was 1! She didn't even dare to come back nor check on me! Kahit ako man lang! Wala! She made a family there after completely abandoning us and now she's back?! She has the guts to call me son?! Fuck her!"

Bumuga ako ng hininga at saka dahan dahang hinagod ang likod niya habang nakahawak pa rin ang kamay ko sa kanyang braso. Humihingal pa rin siya at nakakuyom pa rin ang mga kamay. Pulang pula na nag kanyang mukha hanggang leeg. Ramdam na ramdam ko ang galit sa lakas at diin ng boses niya.

Grabe ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit. Parang kung may mahawakan nga lang siya itatapon niya e. Para siyang sasabog sa loob pero sa kabila ng galit na yun kitang kita at ramdam na ramdam ko rin ang sakit na nararamdaman niya.

"Nandito lang ako, Teon. Makikinig ako. Isigaw mo lang,"sambit ko. Nakita ko ang medyo pagkalma ng paghinga niya tapos ay dahan-dahang tumingin sa akin. Tipid ulit akong ngumiti.

Bumuntong-hininga siya at saka umayos ng upo. Nagkatitigan kami. Hinahagod ko pa rin ang likod niya. Huminga ulit siya nang malalim tapos ay umiling.

"I can't forgive her, Cass. I can't even look at her. Her presence just piss me off. Everytime I look at her. . . everything just keep coming back..." Humugot ulit siya ng hininga at saka nag-iwas ng tingin.

Napaawang ang labi ko nang makitang halos nanginginig na sa galit ang panga niya. Huminga ako nang malalim at saka niyakap na siya mula sa gilid. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Nakasandal sa braso niya ang kaliwang pisngi ko habang yakap yakap siya.

"Sshh...nandito lang ako. Makikinig ako. Ilabas mo lang."

Hindi siya nagsalita pero naramdaman ko ang pagbilis na naman ng hininga niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at niyakap lang siya. Ilang sandali kaming nanatiling ganoon, nakayakap lang ako sa kanya habang siya ay tahimik lang at tila kinakalma ang sarili.

Ako na rin ang kumalas sa yakap pagkatapos. Agad siyang tumingin sa akin, namumungay ang kanyang mga mata, halatang pagod na pagod at nasasaktan.

"I can't be there, Cass. I can't be in the same place with her..." mariing sambit niya sabay iling iling. "Let me stay please..." halos paos na sambit niya.

Bumuntong-hininga ako. Sinapo ko ang kanyang pisngi. "Oo naman. Pwede ka rito sa akin."

Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kamay ko. Ipinikit niya pa ang kanyang mga mata at tila ba dinadamdam ang kamay ko sa kanyang pisngi.

"Gusto mong magpahinga na?" tanong ko.

Doon siya dumilat. Tinanggal ko naman ang kamay ko sa pisngi niya. Bumuga siya ng hininga at saka kunot noong tumingin sa akin.

"Uhm I can just sleep here in the couch."

Ako naman ang napakunot ng noo. "Ha? Hindi ka magkakasya rito no. Doon ka na sa kwarto, sa kama. Maglalatag na lang ako ng papag." Nginitian ko siya.

Mabilis na sumimangot ang mukha niya. "What? Hell no, Cass. You take the bed. I'll take the floor."

Umirap ako. "Hindi. Ako na sa-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang putulin niya ako.

"No. Shut it. I won't let it." Sunod sunod siyang umiling.

Napairap ulit ako at napanguso. "Hmm. Sige. Uhm ganito na lang, tabi na lang tayo?" kagat-labing tanong ko.

Agad na tumaas ang kilay niya at tila di pa makapaniwala sa sinabi ko. Ngumuso ako.

"What? We're gonna sleep on the same bed?"

Bumuntong-hininga ako at saka sumandal sa likod ng sofa. "Eh ayaw ko namang nasa sahig ka no."

"But Cass, are you not awkward with that?"

Sandali akong napatitig sa kanya. Parang kanina lang ang laki ng problema niya tapos ngayon parang bumalik na siya sa dati at ang pinag-uusapan pa namin ay kung magtatabi kaming matulog.

Bumuntong-hininga ako at saka tipid na ngumiti. "May tiwala naman ako sa'yo," ani ko.

Hindi siya agad nagsalita, sa halip ay tinitigan niya lang ako. Napatitig din ako sa kanya.

Alam ko naman ang ibig sabihin niya kaya siya nag-aalangan e. Ako rin naman no. Hindi rin naman talaga ako komportable na may makatabing lalaki pero kilala ko si Teon. Sa ilang buwan naming pagsasama namin, alam kong wala siyang gagawin. Ramdam ko. Ni minsan hindi ko naramdaman na nag-take advantage sa sitwasyon o sa akin. Oo, sinabi niyang gusto niya ako, pero noong sinabi ko naman ang sagot ko nirespeto niya iyon. Minsan medyo naiilang ako sa mga pa-sweet niya pero sinisigurado niya namang nawawala yung pagkailang ko. Kaya siguro ganoon ako ka-komportable sa kanya. Ramdam ko kasi ang respeto at pagpapahalaga niya sa desisyon ko.

Palagi siyang nandiyan para sa akin. Hindi niya ako tinuring na iba, ngayon ako naman ang nandito para sa kanya. Hindi man ako ang nakakaramdam, kitang kita ko ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. He's hurting and lonely. Ano ba naman yung matulog kaming magkatabi para lang maramdaman niyang may kasama siya at hindi siya nag-iisa.

Ako ang unang nag-iwas ng tingin. Tumayo ako at agad na kinuha ang kamay niya.

"Halika na. Magpahinga ka na," sabi ko at hinila na siya papasok ng kwarto.

Hinarap ko siya. Nakatayo lang kasi siya sa may paanan ng kama.

"You sure it's really okay with you?"

Napairap na lang ulit ako at napabuntong-hininga. "Oo nga. May tiwala ako sa'yo." Ngumiti ako sa kanya. Sandali siyang tumitig sa akin bago bumuntong-hininga at tumango na rin. "Sige na, maghihilamos lang ako," sabi ko at iniwan na siya roon.

Mabilis lang akong naghilamos sa banyo tapos ay bumalik na rin sa kwarto. Nakaupo na siya sa kama nang madatnan ko, parang hinihintay ako. Ngumiti lang ulit ako sa kanya.

"Okay lang bang naka-off ang ilaw? Di kasi ako makatulog ng naka-on," sabi ko.

"Yeah. It's fine," sagot niya naman. Tumango ako at umupo na rin sa kama. Binalingan ko siya.

"Tulog na tayo? Maaga pa tayo bukas di ba?" Sandaling kumunot ang noo ko. "Teka, diretso ka na ba bukas? O...uuwi ka pa?" nag-aalangang tanong ko.

Bumuntong-hininga lang siya. "It's fine. I have my clothes in my car."

Nagkorteng o lang ang bibig ko at saka tumango na rin. Pumwesto na ako sa kama. "Tulog na tayo," sabi ko pa.

Sandaling napatitig ulit siya sa akin tapos ay bumuntong-hininga. Pumwesto na rin siya sa tabi ko. Nginitian ko lang siya at saka pinatay na yung ilaw at humiga na ako. Nakatalikod ako sa kanya at nakakumot. May dalawang kumot naman ako kaya binigyan ko rin siya.

"Uhm you don't want to put a pillow in between?" Rinig kong sabi niya. Napangiti na lang ako at napailing. Bumaling ako sa kanya.

"Wala na tayong unan kung ganoon," sabi ko.

Bumuga siya ng hininga at saka tumango. Parang di siya mapakali at hindi pa makatingin sa akin. Hindi nga siya gumagalaw e at halos nasa pinakadulo na ng kama. Nginitian ko ulit siya.

"Matulog ka na. Alam kong pagod ka rin. Nandito lang ako. May tiwala ako sa'yo." Ginulo ko ang buhok niya.

Huminga ulit siya nang malalim at saka pumikit. Napangiti na lang ako at inayos na rin ang kumot niya.

"Good night, Teon."

"Good night, Cass...thank you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top