Chapter 16

Dedicated to: kylovilla

"Oh my gosh! Why do I miss you kahit na we're not that long naman na nagkahiwalay?"

Bahagya akong natawa kay Fel. Napailing ako at saka inilagay na ang mga order nila

Nandito kami ngayon sa cafe na pinagta-trabahuan ko at hindi ko alam kung anong meron sa kanila na nagpunta pa talaga rito. Kompleto nga kami ngayon, e. Sabi ni Adolf, si Fel ang nag-ayaw sa kanila ni Flynn. Si Teon kasi araw-araw naman na nandito.

"OA ka talaga, Fel," asar ni Flynn na agad din namang inirapan ni Fel.

Natawa ako.

"Uhm sige, diyan na muna kayo, ha? Doon na muna ako sa counter," paalam ko.

Tumango-tango si Fel. " Sige! Catch up tayo later! We'll be here lang!" Ngumiti siya.

Tumango rin ako at saka ngumiti rin. "Sige."

Tinalikuran ko na sila at saka bumalik ako ng counter. Nagtrabaho lang muna ako habang sila ay nandoon lang. Lumabas sandali si Fel kasi may bibilhin daw kaya sinamahan muna siya ni Adolf pero bumalik din naman sila pagkatapos. Sina Flynn at Teon naman hindi talaga lumabas ng cafe. Si Teon nagbabasa pa rin habang si Flynn naman ay naglalaro yata sa cellphone niya.

Nang magtanghalian na ay saka nila ako niyaya. Hindi nga dapat ako sasama kasi syempre may trabaho ako pero nang si Fel na ang nakiusap sa pinsan ni Teon wala na rin naman akong choice kundi ang sumama. Si Fel pa, e ang galign mangumbinsi. Parang di ka pwedeng tumanggi.

Dinala niya kami sa isang italian restaurant sa fourth floor kasi gusto nia raw mag-pasta.

"It's my treat ha. Don't make any comments," sabi niya agad na para bang winawarningan na ako.

Napabuntong -hininga na lang ako at saka tumango. Agad naman siyang ngumiti at nag-thumbs up.

"Okay. Let's order na!"

At umupo na kami. Pasta lang din yung in-order ko kasi di naman ako masyadong gutom. Nag-order din ng malaking pizza si Fel para sa aming lahat.

"That would be all na," sabi ni Fel sa waiter.

Nang makaalis ang waiter ay bumaling sa amin si Fel. "We should have a get together sa new year. Celebrate tayo together please," sabi niya sa amin.

"Hindi ba kayo magsi-celebrate sa mga pamilya niyo?" tanong ko.

Halos sabay pa silang nagkibit balikat maliban kay Teon.

"Out of the country sina Mommy. Di ako sumama." Si Flynn. Nag-thumbs up naman si Adolf.

"Please na, Cassia!" kulit pa ni Fel. Binalingan ko si Teon.

"Tanungin niyo muna si Teon. Baka di siya pwede. Tsaka may trabaho ako, no."

"Nah. Pag sumama ka, Cass, sasama yan for sure." Ngumisi si Adolf.

Ngumuso ako. Ayan na naman, e.

Napalingon ako nang yugyugin ako ni Fel.

"Please. Nagtatampo na ako. You didn't tell us you were with Teon sa christmas!"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at saka napabaling sa kanya.

"Paano mo nalaman?" takang tanong ko.

Narinig ko pang tumawa sina Adolf at saka Flynn.

Sumimangot si Fel sa akin. "I saw a pic! May pic pa kayo, ha!"

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at saka bumaling din kay Teon. Hala? Pinost niya?

Napatingin siya sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. Tumingin siya kay Fel at saka umayos ng upo. Nasa gitna kasi nila akong dalawa tapos sina Flynn at Adolf nasa tapat namin.

"That was not planned, Fel. It's all of a sudden."

Mas ngumuso si Fel. Napabuntong-hininga na lang ako at saka napailing.

"Sige na, sasama na ako. Saan ba tayo?"

Agad siyang napangiti nang abot - tenga tapos ay napapalakpak pa. Napailing na lang ako.

"Well, Adolf and I are hosting a yacht party for New Year! Yey! Sa island nina Flynn tayo after. Gosh! I'm so excited."

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Parang gusto ko na tuloy bawiin na lang ang pagpayag ko. Yacht party? Panigurado maraming mga malalaking pangalan ang imbitado riyan. Di ko pa nakakasalamuha ang mga kaibigan nila sa elite circle nila pero alam kong bigatin din ang mga yun. Panigurado, mga may ibubuga rin.

Nakagat ko ang aking labi.

"Uhm, Fel...pass na lang ako. Hindi ako mahilig sa party tsaka baka di ako payagan ng boss ko."

Agad siyang sumimangot. "Come on! No bawi na! And I'll take care of that na, no. Also, kami bahala sa'yo, okay? I'll dress you up! You'll be gorgeous that night! As in. Trust me. Payag na please. You already said your word. Making bawi is a no no in court." Pinaningkitan niya ako ng mga mata.

Napatanga naman ako. E? Anong konek naman noon? Nang balingan ko sina Adolf at Flynn ay naiiling na lang sila habang nagpipigil ng tawa. Si Teon ay nagkibit-balikat lang naman.

Bumuga ako ng hininga at saka tumango na rin.

"Yey! You're so the best!" sabi pa niya at niyakap ako nang mahigpit.

"Damn. You can never really say no to Fel, huh," sabi pa ni Adolf.

Napailing na rin ako. Kumalas na rin si Fel sa yakap at dumating na yung mga order namin.

Bumuntong-hininga ako. "Di mo sinabing may picture..." bulong ko na agad na-gets ni Teon dahil tumingin siya sa akin.

"Ohh. Sorry about that. I tagged you by the way." Umaawang ang bibig ko at saka napatingin sa kanya. Nakagat ko ang aking labi.

"Di na ako nag-iinstagram o facebook."

Ngumisi siya. "Hmm don't worry, maganda ka roon."

Napanguso ulit ako. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Kainis talaga to minsan e.

Bumuntong-hininga na lang ako at saka ipinokus ang tingin sa aking pagkain. Na-busy na naman si Fel sa pagkukwento ng mga plano para sa New Year's party. Tumatango na lang din ako sa mga gusto at sinasabi niya.

Pagkatapos ng tanghalian namin ay bumalik na rin ako sa cafe. Nandoon pa rin si Teon sa dati niyang puwesto. Yung tatlo nag-stay din ng ilang oras pero umuwi na rin sila ng mga bandang alas kwatro ata.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Teon habang nagliligpit sa katabing table niya.

Umayos siya ng upo at saka ibinaba ang kanyang binabasa.

"I'll wait for you, still."

Bumuntong-hininga ako at saka ngumuso.

"Bahala ka," sabi ko na lang at bumalik na rin sa may counter. Wala na naman pang nga costumer kaya relax muna kami.

Sinulyapan ko ulit si Teon pero nagbabasa pa rin naman siya. Bumuntong-hininga ako at sumandal sa may counter. Tiningnan ko ang cellphone ko na nasa counter. Wala pa namang tao kaya naisipan kong silipin muna yung instagram ko. Di ko naman kasi talaga tinitingnan na ito dahil sa trabaho at wala namang klase. Yung gamit lang naman kasi nito ay pang klase lang. Well messenger lang naman kasi talaga ang gamit ko.

Doon ko nakita yung tag ni Teon. Nakagat ko ang aking labi. Yung pinost niya kasi yung picture naming dalawa lang tapos ang caption, 'Merry Christmas.'

Napanganga pa ako sa dami ng comments doon. Unang una pa nga si Fel! Tapos si Adolf at Flynn. Grabe. Yung tatlo lang kilala ko sa mga nag-comment, e.

Napanguso ako at muling sinulyapan si Teon. Nakatungo pa rin naman siya sa kanyang binabasa. Napailing na lang ako. In-off ko na lang yung cellphone ko saka nilagay yun sa aking bulsa. Ewan ko ba talaga sa mga iyon e. Hay nako.

Pumunta na lang ako sa may gilid at doon nag-asikaso ng mga stocks at cups namin.

Alas nuebe nang maihatid ako ni Teon sa apartment. Tiningnan ko siya pagkatanggal ko ng seatbelt.

"Uhm salamat."

Tumingin din siya sa akin tapos ay tipid na ngumiti.

"Always welcome. Will fetch you on new year, okay?"

Ngumuso ako. "Sabi ni Fel sa penthouse daw ako pupunta para aayusan niya ako..."

Tumango siya. "Okay. Hahatid kita roon."

Napatitig ako sa kanya. "Sasabay ka na sa amin?"

"Yeah." Tumango siya. Bumuntong-hininga ako. "Uhm sige na, una na ako. Ingat ka ha?"

"Yeah. Good night, Cass."

"Good night din."

Kumaway ako sa kanya at saka tuluyan nang lumabas ng sasakyan niya. Hinintay ko na munang makaalis siya bago ako tuluyang pumasok ng apartment.

Grabe, parang di ko naramdaman yung pagod ngayong araw. Ang saya talaga pag kasama ang mga kaibigan mo.

~***~

"Teka lang, Fel. Nakakahiya naman ito, e." Kagat-kagat ko ang aking labi habang hinihila pababa ang dress na pinasuot ni Fel sa akin. Bahagya ko ring hinila yung manggas pataas.

Off shoulder kasi iyon na red polka-dot dress. Mga 2 inches above the knee yata kaya medyo maiksi. Sumimangot ako. Kasi naman e.

"Come on, Cass. You're so pretty kaya!" sabi niya pa at pinagbawalan ang kamay kong hawiin yung damit ko pababa. Pinatayo niya ako nang maayos. "Wag na makulit, Cass. You're pretty na nga o, look." Iniharap niya pa ako sa full body mirror ng kwarto.

Halos hindi pa ako makapaniwala sa hitsura ko. Siya kasi nag-make up sa akin. Kinulot niya rin ang buhok ko tapos pinagsuot niya ako ng 2 inches na silver heels. Gusto niya pa nga na yung 5 inches ang isuot ko pero syempre umayaw ako. Ito na raw yung pinakamababa niya kaya ito na rin ang sinuot ko.

"Let's go na nga! Kanina pa sila nagwi-wait! Tara!" Hindi na ako nagsalita nang hilahin niya ako palabas ng kwarto.

Nasa hotel na kami ng resort nina Flynn. Isang suite kaming magkakaibigan. Yung tatlo magkakasama tapos kami ni Fel. Nagulat nga akong mago-overnight pala kami rito e. Di ko talaga alam kung anong sinabi ni Fel sa pinsan ni Teon at pumayag itong hindi ako pumasok ngayon e. Bukas kasi hindi raw ito magbubukas.

Napailing na lang ako. "Hey boys, tada!" sigaw ni Fel nang nasa sala na kami.

Agad na nagsilingunan ang mga lalaki sa amin. Pumalakpak pa si Flynn.

"Wow! You look good, beadle!" Nag-thumbs up siya sa akin. Tipid na ngumiti lang ako.

"Wow, Cass. Mukhang may luluwa anag mata rito, e," natatawang hirit ni Adolf tapos ay inakbayan si Teon. Nakita ko pang sinamaan siya ng tingin ni Teon na tinawanan lang naman niya.

Nakagat ko ang aking labi at saka nag-iwas na lang ng tingin. Ayan na naman kasi sila, e. Nang-aasar.

"Tss. Don't mind him. Let's go?" Napaangat ang tingin ko.

Doon ko nakita si Teon na iginigiya na ang braso niya. Bumuntong-hininga ako at umangkla na rin doon. Nauna si Flynn palabas tapos ay sina Fel at Adolf then kami. Hindi ko alam eksakto kung anong theme ng pa-party ni Fel pero base sa suot ng mga lalaki at namin ay mukhang di naman ganoon ka formal. Naka polka-dots na polo shirt din kasi yung tatlo tapos naka puting shorts at sneakers lang. Iba -iba silang kulay.

Pareho kami ni Teon na naka-shade of red. Sumakay kami ng shuttle papunta sa dock area. Doon ko nakita ang isang napakalaking yate. May mga tao na sa loob noong papason kami. Grabe. Ang laki tsaka sa ilaw palang eleganteng elegante na.

Napakapit tuloy ako kay Teon habang paakyat kami.

"Oh my gosh! Hi Fuschia!"

"Hi!" Agad na bumeso si Fel doon sa babaeng sumalubong sa amin.

Nakafitted dress siya tapos ay naka-6 inches yata na heels. Grabe talaga. Hindi ba siya nahihirapan?

Iniwas ko na lang ang tingin ko. Dumiretso kami sa pinakataas na bahagi ng yate. Kitang kita ko mula rito yung mga tao sa baba. Ilang sandali pa ay naramdaman ko nang umaandar yung yate. Nasa may side deck kami nakatambay nina Teon at Flynn habang sina Adolf at Fel nasa mga bisita sa loob.

"Beadle, champaign?"

Tipid na nginitian ko lang si Flynn at saka inilingan. Ibinalik ko ang tingin ko sa harapan. Ang lamig ng hangin tsaka ang linaw ng dagat.

"You okay?" Dinig kong tanong ni Teon sa tabi ko. Nilingon ko siya at saka nginitian.

"Hmm. Okay lang."

Tumango-tango siya at inilipat na rin ang tingin sa harapan. Nilingon ko si Flynn at may kausap na naman siyang babae.

Grabe wala akong kakilala rito. Di yata mga taga -law school ang nandito e.

"Wala ka bang ibang kakilala?" tanong ko kay Teon. Nagkibit-balikat siya.

"I have downstairs."

"Oh ba't di ka makihalubilo?"

"Nahh. I'd rather be here. Not in the mood to drink. I'll just wait for the countdown."

Nanlaki bahagya ang mga mata ko.

"May countdown?"

"Ahuh. There's fireworks too. We'll stop in the middle of the sea for it."

Bigla akong nakaramdam ng excitement sa sinabi niya. Hala siya! Ang ganda noon! Hinanda ko agad ang cellphone ko. Dapat mahunan ko yung fireworks.

Pagtingin ko sa orasan, mas lalo pa akong na-excite. Ilang minuto na lang kasi. Yung kainan mamaya pa raw sa mega noche. Sa loob yata yun o baka sa resort na pagbalik namin.

"You look excited, huh." Nilingon ko siya. Ngumuso pa ako nang nakita kong medyo natatawa siya.

"Excited lang ako sa fireworks. Vi-video-han ko yun!"sabi ko pa. Mas lalo siyang ngumiti tapos ay ginulo ang buhok ko. Ano ba yan.

"How about I take a picture of you here?"

Medyo namilog ang mga mata ko.

"Pwede?" tanong ko pero agad ding napakamot ng ulo. "Nakakahiya,e."

Tumawa lang siya tapos ay kinuha ang phone ko.

"Nah. Go, pose." Bahagya pa akong nataranta nang agad siyang magbilang. "One, two, three..."

Ngumiti lang ako at saka sumandal sa railing. Grabe naman ito. Ang bilis.

"One more," sabi pa niya. Ngumiti ulit ako.

"Sali ka naman!" sabi ko at saka kinuha ang phone ko. Tumabi ako sa kanya tapos ay tinutok sa amin yung cellphone. Ngumiti kaming dalawa.

"Smile!"sabi ko at ni-click ang camera.

"Yung sa akin naman," sabi niya pa.

Agad din naman akong humarap sa camera niya at nag-picture kaming dalawa.

"Ehem!"

Halos sabay kaming napalingon nang marinig ang pagtikhim na iyon.

"Why are you not making us sali?" nakangusong sabi ni Fel.

Bahagya tuloy akong natawa. "Halika na Fel," sabi ko.

Agad naman siyang lumapit at umangkla sa isa kong braso.

"Wait, I'll ask someone to take a pic," sabi ni Adolf. Pumwesto naman kaming apat.

Si Fel sa kanan ko tapos si Teon sa kaliwa then si Fel. Pagbalik ni Adolf sa tabi siya ni Fel pumwesto. Isang lalaki yung may hawak ng cellphone yata ni Adolf.

"Okay, one two three..."

Ngumiti kaming lahat. Unang pose namin, nakangiti lang tapos may kung ano pang pakulo si Fel na wacky tapos may candid pa. Natawa na lang kami pagkatapos habang tinitingnan yung shots.

"Gosh, Flynn! You're so panget!" asar pa ni Fel.

"Mas panget ka!" balik naman ni Flynn at nag-asaran na naman sila. Napatawa na lang ako.

Muli kong tiningnan yung candid picture namin. Hindi ko alam pero napangiti ako nang makita yung sa amin ni Teon. Para kasing sinasadya na nagkatinginan kami tapos nakangiti. Di ko nga napansin yun kanina. Ang cute lang...tsaka ang gwapo niya roon.

Nakagat ko ang aking labi. Ano ba yan, Cassia! Wag ka nga!

"Hmm. That looks great." Agad akong napalingon sa gulat nang marinig siyang magsalita.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Ngumuso ako. "Hmm. Ang ganda nga. Parang natural."

Tinitigan ko ulit yung picture. Nakita kong tumango siya mula sa peripheral vision ko. Bumuntong - hininga ako at muli siyang binalingan.

"Salamat," sabi ko.

Sinalubong niya ang aking tingin at kinunutan ako ng noo. "For what?"

Nagkibit-balikat ako at ngumuso. "Hmm sa pagsama sa akin. Akala ko kasi mag-isa lang ako sa pasko at new year. Pero ito kayo...ito ka." Nginitian ko siya. "Salamat."

Sandali siyang tumitig sa akin. Bumunton-hininga siya bago ngumiti rin pabalik. "I told you, Cass, I'm just here. I'm always here."

Mas ngumiti ako. "Salamat ulit."

Tumango siya. Nagkatitigan ulit kami tapos ay bumuga siya ng hininga.

"So uhmm, I know this is weird." Nagkamot siya ng ulo. "Can I get a hug?"

Sandali akong napatitig sa kanya at saka napakunot din ng noo. Napatawa ako. "Oo naman." Nagkibit- balikat ako.

Ngumiti siya at yumakap na rin sa akin. Niyakap ko rin siya pabalik. Grabe feeling ko ang liit liit ko kasi taga hanggang leeg niya lang ako. Naramdaman ko pa ang paghigpit ng yakap niya. Napapikit ako.

"Salamat, ha," sabi ko.

"Hmm." Naramdaman kong tumango siya.

Bumuntong-hininga ako. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya. Parang pakiramdam ko ay ang secure secure ko.

"Okay, guys! Let's start with the countdown already!"

Napakalas lang kami nang marinig iyon. Nag-ingay ang mga tao sa buong yate. Napatingin kami sa kalangitan. Nakaakbay pa rin si Teon sa akin habang ako naman ay naka hawak din sa bewang niya.

"Five, four, three, two, one..." nakisabay kami sa kanila. "Happy New Year!" halos ay sabay sabay na sigaw namin kasabay rin ng pagputok ng mga fireworks sa itaas.

"Happy new year, everyone!"

"Yey!"

"Whoo!"

Napuno ng sigawan ang buong yate. Halos hindi na nga magkarinigan dahil sumasabay sila sa fireworks.

"Happy new year, Cassia Farrise." Narinig kong sambit ni Teon sa may tenga ko. Napangiti ako at binalingan siya.

"Happy new year din, Giovanni Matteo."

Bahagya siyang natawa at ginulo na naman ang buhok ko. Napanguso ako.

"Ang saya ko. Salamat ulit."

"This is my happiest new year too, Cassia."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top