Chapter 14
Dedicated to: YourMereFollower (thank you for the chikas 😂)
Lumipas ang mga araw at papalapit na papalapit na rin ang finals. Grabe ang bilis talaga ng panahon. Konting konti na lang at matatapos na rin ang first semester ko sa law school. Buwan na lang din ang bibilangin at matatapos ko na ang unang taon.
Grabe, nakakaexcite na nakakakaba. Kasi naman di ba? Parang noong college ako, pangarap ko lang talagang makapasok sa law school tapos ngayon ito na ako, malapit nang mag-second year. Sobra ang kaba ko noon at baka hindi ko kayanin pero ito ako ngayon, kinakaya kahit na pasuko na yung utak ko sa mga binabasa at dina-digest namin. Idagdag pang may trabaho rin akong inaatupag.
"Cass, tara. Adolf's here na. He's treating us to lunch." Agad na nagligpit ng gamit si Fel.
Napahinto din ako sa pagbabasa at agad na niligpit ang gamit ko. Nasa library kasi kami ngayon at nag-aaral gaya ng usual. Wala si Adolf kasi may family affair daw kaya kaming apat lang muna.
"Hey, your highlighter." Inabot ni Teon yung hiniram niya sa akin. Tipid lang akong ngumiti at saka kinuha yun.
Sinara ko yung bag ko at saka sinukbit iyon. Agad namang umangkla si Fel sa braso ko. Tipid ulit akong ngumiti kay Teon bago kami naunang maglakad.
Okay naman kami. Hindi na niya ako iniiwasan. Balik na nga sa normal gaya ng dati. Pero hindi talaga ganoon kabalik kasi kung noon, palaging kami lang dalawa, ngayon nandito na sina Fel at Flynn. Kay Fel na rin ako palaging dumidikit kasi wala naman palagi si Adolf. Nakakapagtaka nga e kasi sobrang aga na rin nila. Noon kasi kami lang ni Teon pero ngayon kaming apat na ang maaga. Minsan nandoon si Adolf pero madalas wala.
Nagpapasalamat na lang din ako at hindi na niya binabanggit yung pinag-usapan namin kaya di na masyadong awkward. Kaso nga lang minsan pag tumitingin ako sa kanya, bigla kong naaalala yun. Nakakainis nga. Wala naman siyang ginagawa pero yung mismong sarili ko yung parang nang aasar sa akin.
Bumalik yung mga tinginan ng mga kaklase ko at ng ibang mga makakita sa amin pero gaya ng sabi ni Teon, hindi ko na pinapansin. Hindi ko nga alam paano ko nagagawang hindi pansinin kahit na sobrang obvious nila. Siguro kasi yung utak ko puno ng kaso. Ginagawa ko kasing hobby nitong nakaraan na isipin yung mga kaso kahit na naglalakad lang ako o ano. Sabi ni Teon ganoon ginagawa niya minsan. Tinukso pa nga siya ni Flynn na kaya raw pala siya lutang madalas.
Nadala ko na rin yung ganoong strategy at masasabi kong effective naman siya sa pag-aaral at sa pag-distract na rin ng utak ko.
"Where are we going, Fel?" tanong pa ni Flynn nang palabas kami ng Law Building. Nilingon ko naman si Fel na busy sa phone niya.
"Wait, I'm calling him," sabi niya pa. Huminto muna kami at tumabi sa gilid. Nakaangkla pa rin siya sa braso ko habang nakahawak ang isa niyang kamay sa cellphone.
Ngumuso ako at napabaling ng tingin sa dalawang kasama namin. May kausap si Flynn na babae habang si Teon ay nakatingin lang sa cellphone niya.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Maraming palabas na tao galing sa department namin. Mag-aalas dose na rin kasi kaya panigurado lalabas ang mga iyon para magtanghalian.
"Okay, so we'll meet you there na lang?" Napalingon ako kay Fel. Kausap niya pa rin si Adolf. "Okay. We'll go na, bye." Binaba niya ang tawag at saka bumaling sa amin.
"So, where?" Si Flynn.
"His fave resto. Few blocks away from Rex. Let's go? Cassia and I will ride with Teon," sabi ni Fel at bahagya na akong hinila palayo. Narinig pa naming nagreklamo si Flynn.
"Seriously? Walang sasakay sa akin? It's so lonely guys!" Dinig ko pang reklamo niya.
Ngumisi lang si Fel sa akin. Bahagya na rin akong natawa. Gusto niya talagang inaasar si Flynn. Kaya para silang aso at pusa e. Napailing na lang ako.
"You go front seat na!" Wala na akong nagawa nang mauna na siyang pumasok sa likod ng sasakyan ni Teon at tinulak na ako sa may front seat. Nakakahiya rin naman kung doon kaming dalawa. Di naman namin driver si Teon.
Napabuntong-hininga ako at pumasok na rin doon. Ilang segundo pa ay pumasok na rin si Teon. Nabigla pa ako nang biglang bumusina si Flynn na katabi lang namin.
"Gosh, Flynn!" sigaw ni Fel sa bukas niyang bintana. Nakita ko pang humalakhak si Flynn na nakababa rin ang bintana.
"Tss." Si Teon. Nilingon ko siya. Napailing naman siya at minaniobra na ang sasakyan.
Napatingin ulit ako kay Flynn na nauna na sa amin. Narinig ko pa ang inis na palatak ni Fel sa likod. Natawa na lang ako sa kanya.
Traffic, as usual kaya mahigit isang oras din kaming na-stock doon. Sa tagal nga namin sa daan at sa paghahanap ng parking, pagdating namin sa reserved table ni Adolf nandoon na ang mga pagkain. Siya na yata ang um-order para sa amin.
"Hey, libre ko ito, Cassia. No side comments," bungad niya pa nang paupo ako. Ngumuso ako. Tumawa naman siya.
"Oh gosh. Thank god naman you orderes na for us. I'm freaking famished na," reklamo ni Fel at umupo sa tabi ko. Round table iyon. Magkatabi si Fel at Adolf. Katabi ko namana si Fel tapos sa kabila ay si Teon then si Flynn.
"Ang tagal niyo kasi," sabi pa ni Adolf.
"Tss. You know how Manila gets, bro," sagot ni Teon. Sumang-ayon pa si Flynn at sinundan iyon ng rant doon sa nakasabay nitong kotse.
Napailing na lang siya.
"Hey, here." Agad akong napatingin kay Teon nang lagyan niya ako ng marami pang pagkain sa plato.
"Ahh okay na ako, ang dami na..." sabi ko. Tumango naman siya at hindi na ako nilagyan.
Bumalik ako sa pagkain. Si Flynn lang yung nag-iingay. Minsan sumasabay din naman si Adolf. Hindi nga lang ako masyadong nakakasabay sa topic nila kasi tungkol sa frat na naman yata yun tsaka frat party.
"Hey, you guys should come to that party after finals. What you think, bro?" Bumaling si Flynn kay Teon. Nagkibit balikat lang naman ito at nagpatuloy sa pagkain. Dumako naman ang tingin niya sa akin.
"Come on, beadle. Sige na. It's fun, I swear." Tipid lang akong ngumiti.
"Sensya na, Flynn. Di ako mahilig sa ganyan, e. Kayo na lang nina Fel," sabi ko.
"Uhh nope. I don't like frat parties. They seuck," pigil naman ni Fel.
"Oh come on! You're my closest friends! You all should be there! Please?" reklamo pa ni Flynn, problemadong problemado ang mukha. Natatawa na nga si Adolf sa kanya.
Medyo natawa rin ako nang magpa-cute pa siya.
"Still a no, Fabella," sagot ni Fel tapos uminom ng iced tea.
Sumimangot naman ai Flynn at tumawa si Adolf. Tahimik lang si Teon kaya siya ang binalingan ni Flynn.
"Bro, come on!" pilit pa nito.
Bahagyang tumigil sa pagkain si Teon tapos ay nagpunas ng bibig.
"What, are you a child? You need chaperon?" Napuno ng halakhak ni Adolf ang buong lamesa. Natawa na rin ako.
Yung reaksyon din kasi ni Flynn nakakatawa talaga. Nakasimangot kasi siya tapos sobrang sama ng tingin. Yung parang bata na inagawan ng candy ng kaaway niya. Ganoon!
"Don't push it na kasi, Flynn," sabi pa ni Fel. Mas lalong sumimangot si Flynn.
"Pasensya na, Flynn. Di talaga ako mahilig sa party," sabi ko na lang.
Nakita kong tinapik ni Adolf ang balikat niya. "Don't worry, bro. I'll be the chaperon," natatawang sabi pa nito. At yun nagbangayan na naman sila ni Flynn.
"You guys shut up na nga," sabat pa ni Fel. Bumaling ako sa kanya. "It's almost finals na. Can we review? Sa penthouse ko na lang please." Ngumuso siya.
"Group study?" tanong ko. Ngumiti siya at saka tumango.
"Overnight!" dagdag niya pa.
"Sounds good!" Si Adolf.
Medyo nag-alangan ako. Tiningnan ko oa sina Flyn at Teon pero mukhang wala naman silang problema.
"Cass, sige na please." Napabaling ako kay Fel na nagpa-cute na.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Sige. Kailan ba?"
"Yes! Thank you!" Umangkla pa talaga siya sa akin. Napailing ako.
"Si Fel lang talaga nakakapag pa-yes sa'yo, Cass, ah." Si Adolf. Ngumisi lang si Fel.
Ngumuso naman ako. Para kasing pag siya yung nagyaya di ka pwedeng tumanggi. May ganoon siyang awra, e. Kahit naman kaya si Adolf napapa-oo niya palagi.
"Let's set it this weekend na lang," sabi pa ni Fel. Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Nagsitanguan sina adolf at Flynn.
"I'll bring booze!" sabi pa ni Flynn at nakipag-apir kay Adolf.
Natawa na lang ako nang hinampas ni Fel si Adolf.
"Ow! What the heck?" Sinamaan siya ng tingin ni Fel.
"We're there to study!"
"So?!"
"No drinks!" Agad na lumipat ang tingin ni Fel kay Flynn na ngumiwi naman at saka nagtaas ng kamay.
Mas lalo akong natawa at napailing na lang.
"Hey." Nilingon ko si Teon.
"Hmm?" Kumunot ang noo ko sa kanya.
"I'll fetch you at 9 this Saturday." Pinaglapat ko ang aking labi at saka tumango na rin. Ngumiti naman siya pabalik. Tipid na ngumiti lang din ako saka bumalik sa pagkain. Natapos ang tanghalian namin nang pinaplano ni Fel ang magiging overnight study out namin. Nagtatalo na naman sila ni Flynn kasi gusto ng huli na magdala ng beer pero ayaw ni Fel. Ewan ko rin ba kay Flynn at bakit siya iinom sa study out. Weird talaga minsan ng mga ito. Kung ano ano na lang ang mga trip.
Pagkatapos ng tanghalian ay bumalik na rin kami sa Clarke. Sa field na nga kami naghintay ng oras at nagbasa kasi punuan sa library. Ang crowded na nga nang dumating kami. Pag ganitong pa-finals lahat yata ng mga estudyante sa library na tumatambay.
Buong linggong iyon puro aral lang ang ginawa namin. Wala na rin namang bago kasi yun din naman ang ginagawa namin araw - araw. Siguro mas puspusan lang kasi nga pa-finals. May huling recit lang kami sa Crim at Consti. Yung ibang subjects, pumayag na ng ceasefire at mag-review na lang daw kami. Hindi na rin naman ako natawag pa kaya medyo okay ang buong linggo ko.
Noong biyernes ng umaga ay nagsulat lang ako para may pang-cover ako sa buong finals week. Di naman kasi pwedeng magsusulat pa ako habang finals. Madi-distract ako pag ganoon kaya sinigurado kong may pang isang linggo akong nasulat bago mag-finals.
Sabado ng umaga, alas otso na ako nagising. Mabilis lang din akong naligo at nagbihis. Nag-pandesal na nga lang ako at saka kape para mas madali. Inayos ko yung dadalhin ko para sa dalawang gabi. Yun kasi napag-usapan nina Fel. Lunes ng umaga ay sabay- sabay kaming pupunta ng Clarke tapos diretso na kami sa exam kinahapunan.
Saktong katatapos ko lang mag-ayos nang may narinig akong bumusina sa labas. Madaling sinukbit ko ang backpack ko at saka lumabas na. Sinigurado kong naka-lock ang pinto bago naglakad papunta sa kotse ni Teon. Binilisan ko ang kilos para makaalis na rin kami at nakaharang siya sa stop ng mga jeep.
"Morning," bati niya pa. Tipid akong ngumiti.
"Magandang umaga."
"Place your bag at the back," sabi niya pa. Sinunod ko naman siya at inabot ang bag ko doon sa may backseat.
Nakita kong may isang backpack din doon tapoa yung mga libro niya nakakalat sa upuan.
"Wow, may dala kang bag," sabi ko. Bahagya siyang tumawa at minaniobra ang sasakyan.
Napatingin ako sa kanya. Naka-sunglasses siya kasi tirik ang sikat ng araw. Naka-itim na shorts lang din siya tapos gray na plain t-shirt. Naka-sliders lang din siya. Naka mahabang shorts naman ako tapos puting t-shirt at strap na sandals na binili ko pa galing ukay. Ang ganda kasi tapos matibay. Umayos ako ng upo. Ewan, di ako sanay talaga na naka-casual kami. Parang ang weird lang.
Napabuntong-hininga ako at sumandal na lang sa likod ng upuan.
"You okay?" Dinig kong tanong niya, nakapokus pa rin siya sa harapan.
"Hmm. Oo naman."
Tumango siya.
"Sa penthouse tayo ni Fel so, the ride's longer."
Kumunot ang noo ko.
"Hindi sa dati nating pinuntahan?"
"Nope. It's her new penthouse in Legaspi Towers. Malapit sa Araneta katabi ng Fermin Hotels."
Napatango-tango lang ako. Wala na ring nagsalita sa amin pagkatapos. Nagpatugtog lang si Teon habang ako ay inabala ang tingin ko sa labas ng sasakyan.
Bandang mga 10:30 na nang makarating kami sa penthouse ni Fel. Halos namilog pa ang bibig ko habang paakyat kami ni Teon.
"Cass! Hello! Come in!" bati ni Fel pagkabukas niya ng pinto. Mukhang kanina pa siya gising kasi nakaayos na siya.
Hindi na ako nakaangal nang hilahin niya na ako papasok. Halos maluha ako sa view. Nakaglass wall kasi ang buong unit kaya mula sa loob, kitang kita swimming pool ng at clubhouse sa ibaba. Hala siya. Ang ganda!
Kusina agad ang bubungad pagpasok mo ng unit. Sa tabi naman ng sink yung dining area tapos may divider lang na nakalagay at sala na. Mas malaki yung sala niya rito kasi mas malaki rin naman ito kompara sa dati niyang condo. Dalawang mahahabang leather sofa ang nandoon tapos ay may dalawang recliner sa magkabilang dulo. Minimalistic pa rin ang style at kulay. Neutral colors nga lang ang gamit niya. Sa harap ng sofa set at isang malaking TV. Hindi ko alam kung ilang inches yun basta kalahati yata ng screen sa sinehan. May mga nakadisplay ring mga paintings sa wall na yun. May workout area din si Fel na nasa may kabilang side ng unit. Malapit iyon sa hagdan. Nandoon ang threadmill niya tapos ay yoga mat.
"Adolf and Flynn are upstairs," sabi niya pa at hinila ako papunta sa itaas. Wala na rin akong nagawa kundi ang magpatianod na rin. Grabe ang laki talaga ng unit na ito. At mas maganda rito sa itaas! Yung view sa ibaba, nakakalula!
"They're here na!" sabi ni Fel. Agad na naglingunan sina Flynn at Adolf sa amin.
"Hey, beadle!" Tinanguan ko lang si Flynn.
Nasa sofa sila sa gitna at naglalaro ng chess. Inikot ko ang tingin sa paligid. May apat na kwarto roon tapos yung gitna naman ay isang malaking sala set. Wala masyadong design kaya mapapansin at mapapansin mo talaga ang view mula sa mga glass wall.
"Cass, give me your bag, ako na maglalagay sa room natin," sabi ni Fel. Magrereklamo pa sana ako pero kinuha niya na naman iyon. Napabuntong - hininga na lang ako at saka hinatid siya ng tingin sa pumasok doon sa isang kwartong nasa kanang side ko.
Ngumuso ako at napatingin sa ginagawa nina Flynn at Adolf. Umupo ako sa tabi ni Flynn at pinanood sila. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Teon doon. Nindi ko na namalayan kung nasaan siya kanina kasi hinila agad ako ni Fel.
"Bro! Chess?" tanong ni Adolf.
Umiling lang siya tapos ay pumunta sa isang kwarto. Yung kwartong katapat ng pinasukan ni Fel. Sakto namang lumabas din si Fel pagkapasok niya.
"Order lang akong lunch. You okay with them, Cass?"
Tipid na ngumiti lang ako at saka tumango.
Buong umaga akong nanood lang kina Adolf at Flynn na mag-chess. Sumali rin si Teon kalaunan. Bale yung natalo kina Flynn at Adolf ang pinalitan niya. Grabe. Ang galing din niyang mag-chess. Natatawa nga kami ni Flynn kasi pana mura ni Adolf pag nachi-check siya ni Teon. Ang talino niya talaga. Nakakabilib. Hindi ako marunong mag-chess pero medyo pamilyar naman ako sa mismong laro. Napapanganga na lang talaga ako habang nakatingin sa kanila.
Nahinto lang ang laro nila nang magtanghalian na. Pagkatapos naman ng tanghalian ay saka kami nag-aral na. Dito sa itaas lang kaming lima. Naka-bilog kami sa center table tapos may mga chichirya sa gitna namin. Magkatabi kami ni Teon. Sa kabila ko naman ay si Fel tapos si Adolf at Flynn. Kanya kanya sila ng airpods habang nag-aaral kami.
Buong hapon lang din kaming nag-aral. May paunti unting break pero agad din namang bumabalik sa pag-aaral. Himala nga at di nagbabangayan sina Flynn at Fel. Seryoso lang sila pareho. Siguro kasi finals na. Wala nang mababawi pag hindi maganda ang scores namin.
Bandang alas siyete na kami kumain ng hapunan. Pagkatapos kumain, sina Adolf at Flynn nagpaghinga na muna sa ibaba habang kami nina Teon at Fel naman bumalik sa itaas at bumalik sa pag-aaral. May tinatanong si Fel kay Teon tungkol sa Consti. Ako naman ay binalikan yung mga coverage namin sa Persons. Tapos ko na ang Crim at Ethics kanina. Baka bukas pa ako sa Consti kasi mahaba talaga siya.
Sa sobrang busy naming mag-aral ay hindi na rin namin namalayan ang oras. Hindi na bumalik sina Flynn at Adolf. Baka nandoon pa rin sa ibaba. Si Teon nauna na sa kwarto niya. Alas nuebe nang mag-inat inat na ako. Si Fel ay may sinusulat pa.
"Antok ka na?" tanong niya pa. Ngumuso ako.
"Hmm hindi pa naman. Ikaw ba?"
Ngumuso siya. "I think I'm going to nap muna."
"Hmm sige. Sunod na lang ako," sagot ko.
Tumango siya at nag-ayos na rin ng gamit bago pumunta ng kwarto. Nanatili lang ako doon at paulit ulit na kinakabisado yung mga dapat kabisaduhin sa Persons. Ilang sandali ay nakita ko na ring umakyat sina Adolf at Flynn.
"Di ka oa matutulog, Cass?"
Inilingan ko lang si Adolf.
"Night, beadle!" Si Flynn.
"Una na kami, Cass," dagdag naman ni Adolf. Tinanguan ko lang sila at inihatid ng tingin papunta sa kanilangnmga kwarto.
Nag-inat ulit ako. Sumasakit ang likod ko kakayuko pero di pa naman ako inaantok. Sobrang ganado pa nga ng utak ko, e.
Baka mamaya na lang siguro ako matutulog. Sinandal ko na muna likod ko para makapagpahinga. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na rin ako sa pag-aaral.
Nakapikit ang mga mata ko habang mini-memorize yung isang provision nang may narinig akong bumukas na pinto.
Agad akong napadilat at napalingon doon. Bumungad sa akin ang nakakunot noong si Teon na kalalabas lang ng kwarto niya.
"Hi?" bati ko.
Nakakunot pa rin ang noo niya tsaka naglakad palapit sa akin.
"You're still studying?" tanong niya at tumabi sa akin. Ngumuso ako.
"May kinakabisado lang," sagot ko. Sandali siyang napatitig sa akin tapos ay tumango. "Ikaw di ka pa ba matutulog?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. Kumunot pa ang noo ko nang kinuha niya ang mga reviewe niya at hiniklad iyon.
"I'll join you."
Medyo nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ha? Okay lang naman ako rito. Matulog ka na lang. Hindi lang kasi talaga ako makatulog." Nakagat ko ang aking labi. Tumigil siya tapos ay bumaling sa akin.
"Can't sleep too. I'll join you," pinal na sabi niya tapos ay nagkatitigan kami.
Napalunok ako at napakagat muli ng labi bago nag-iwas ng tingin. Tumikhim ako.
"Uhm ikaw. Sige bahala ka diyan," sabi ko na lang at saka muling ibinaing ang atensyon ko sa binabasa.
Sandali ko siyang sinulyapan. Bahagya pa akong napahawak sa aking dibdib. Ang weird ng kaba ko.
Ano ba yan, Cassia. Mag-aral ka na nga lang!
~***~
Halos mapuno ng mga buntong - hininga yung classroom namin pagkalabas ni attorney sa huling exam namin.
"Oh my gosh. I freaking hate Consti!" nakasimangot at halos naiiyak na sabi ni Fel nang palabas kami ng Law Building.
"Hell yeah. May Constitutional Law pa tayo next sem. Tss." Si Flynn.
Mas ngumuso si Fel. Napabuntong-hininga na lang ako. Pareho naman yata kami ng reaksyon tungkol sa Consti pero wala, e. Tapos na naman.
"Okay ka lang?" Nilingon ko si Teon at nginitian.
"Okay lang. "
Kumunot ang noo niya. "You sure?" Tumango lang ako.
Sabay sabay kaming naglakad palabas ng campus. Sa apartment ko kami kakain tapos ay mag-oorder na lang daw sila. Sabi ko nga ako na magluluto pero sabi naman nila pagod na kami pagkatapos kaya hinayaan ko na lang. Si Teon at Fel ang um-order.
Nasa sala kami nina Teon at Fel habang sina Adolf at Flynn nasa dining. Naglalaro sila ng solitaire sa laptop ko. Kaming tatlo naman ay nakatutok sa cellphone ni Teon at nanonood ng mga Crime Series.
Medyo napaigik pa ako nang maramdaman kong sumandal ang ulo ni Teon sa balikat ko. Napalunok ako at napakagat ng labi. Nagahaharumentado na naman ang puso ko. Ang weird talaga. Amoy na amoy ko pa ang pabango niya. Seryosong nakatingin lang sila ni Fel sa cellphone niya.
Huminga ako nang malalim at bahagyang gumalaw pero hindi naman siya umalis sa pagkakasandal. Ano ba yan. Nilingon ko pa nang bahagya si Fel pero nakatutok lang naman siya sa cellphone.
"You'll spent christmas here?"
Muntik nang mapatalon ang puso ko nang magsalita si Teon. Umayos siya ng upo na parang wala lang.
Ngumuso ako at nagkibit-balikat.
"Hmm parang. Magastos e. Siguro pagkatapos na ng first year ako uuwi," sagot ko.
Agad na bumaling si Fel sa akin.
"You'll be alone here," sabi niya. Nagkibit-balikat lang ulit ako.
"Okay lang naman sa'kin. Saka baka maglibot-libot na lang muna ako. Mas tipid kasi talaga, e."
Pinlano ko na ito at nasabihan ko na rin si Ate Arra. Kailangan ko talaga kasing magtipid. Pagkatapos naman nito pwede na akong umuwi nang mas madalas kaya tiis tiis lang muna.
"You can spend holidays with us."
Agad akong napatingin kay Teon. Nakangiti siya sa akin. Umawang ang bibig ko at magsasalita pa sana nang may tumawag sa cellphone niya. Agad naman siyang tumayo at sumenyas sa amin. Nakaawang pa rin ang labi ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"Hmm. Now this is really getting interesting. Gosh you two are so bagay." Humagikhik siya sa tabi ko.
Sumimangot ako sa kanya. Tinawanan lang naman niya ako.
"Fel nga..."
Nakagat ko ang aking labi nang maramdaman ang pag-iinit ng mukha ko.
"What? You're bagay naman talaga!"
"Fel nga!"
Tumawa na naman siya. Nasapo ko na lang ang aking mukha. Kasi naman, e.
"Food's here." Napalingon lang kaming lahat nang marinig iyon.
Nag-unahan pa sina Adolf at Flynn na kunin yung mga paper bags na dala ni Teon. Gutom na gutom na yata.
"Cass, let's go." Bahagya akong napaigik nang may humawak sa braso ko. Nakagat ko ang labi. Pakiramdam ko talaga sobrang init na ng mukha ko. Idagdag pang ramdam na ramdam ko ang titig ni Fel sa amin tapos pagkabaling ko sa kanya nakangisi pa siya.
Kasi naman e!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top