Chapter 13


Dedicated to gloryplaza


Kinabukasan.

Bumuntong-hininga ako at pinanatili lang ang tingin sa aking pagkain. Walang nagsasalita sa amin ni Teon. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig sa buong mesa. Kinagat ko ang aking labi. Sinusulyapan ko siya nang paminsan minsan pero nakatungo lang din naman siya. Hindi pa rin siya nagsasalita at aprang hangin pa rin ako sa kanyang tabi.

Napabuntong-hininga na lang ako. Pagkatapos naming kumain ay nagpunta siya sa banyo para yata kunin ang pinatuyo niyang damit. Di ko nga alam kung natuyo yun. Ako naman ay naghugas ng mga pinagkainan namin. Pagkalabas niya ng banyo, nakabihis na siya ng damit niya kagabi. Hawak niya rin ang t-shirt na pinahiram ko.

Nag-abot ang mga tingin namin. "Uhh where should I put this?" Itinaas niya ang t-shirt.

Agad akong nagpunas at kinuha yun.

"Akin na."

Tumango siya at saka inayos ang kanyang wristwatch. "Thanks for last night," aniya na nakatingin pa rin sa relo.

Ngumuso ako. Hinintay ko siyang matapos. Akala ko titingin siya sa akin pero dumiretso siya sa may sofa at saka nagsuot ng sapatos niya.

"I'll go ahead, Cassia. Thank you again," sabi niya pa pagkasuot niya noon. Ni hindi niya ako tiningnan at dumiretso na siya palabas ng apartment.

Napabuntong-hininga na lang ako at hinatid siya ng tingin. Napapikit na lang ako. Wala na rin naman akong magagawa kung ayaw niya talaga akong pansinin. Bumalik ako sa kwarto at nilagay yung t-shirt sa marurumi kong damit. Dumiretso na rin ako sa banyo pagkatapos. Kailangan ko pa kasing pumunta ng opisina ng sponsor ko para kunin yung book allowance ko para sa second semester.

Bandang alas nuebe ng umaga ako umalis ng bahay at pumunta ng opisina ng sponsor ko. Naka-formal attire na ako kasi didiretso na ako sa campus mamaya. Nakapagpa-appointment naman ako kaya mabilis lang din akong natapos. Bandang alas diyes ng umaga nasa law library na ako. Ikinalat ko ang tingin sa buong library pero hindi ko nakita yung apat. Maging si Teon nga wala.

Napabuntong-hininga ako. Naalala ko na naman yung naging asta niya kanina at kagabi. Grabe naman. Talagang galit siya? Ganoon kagalit? Mas lalo lang tuloy akong nababahala at nalulungkot. Napailing ako at saka ipinokus na lang ang atensyon sa binabasa ko. Panaka-naka ko ring tinitingnan ang cellphone ko kung may chat sina Fel. Ang sabi niya mga 11 pa raw sila.

Noong mag-alas onse, dumating nga sina Fel at Adolf. Wala pa sina Flynn at Teon at noong tinanong ko sina Fel di naman daw nila alam. Di na rin ako nag-usisa pa. Kaming tatlo lang din ang nagtanghalian dahil wala pa naman yung dalawa. Bumuntong-hininga ako at tumungo sa aking pagkain. Nandito lang kami sa canteen ngayon. Magkatabi sina Adolf at Fel sa tapat ko habang wala naman akong katabi.

Talaga bang sobrang galit niya kaya di na siya nagpakita buong araw? Baka talagang ayaw na niyang makihalubilo sa akin. Grabe parang pakiramdam ko nahahati sina Fel at Flynn sa aming dalawa. Ayoko talaga ng ganitong pakiramdam e.

"Hey, Cass, are you okay?"

Sandali akong napahinto at agad na napaangat ng tingin kay Fel. Nakatingin silang dalawa ni Adolf sa akin at kapwa nakakunot ang noo.

"I'm worried, Cass. You don't look...fine..."

Ngumiwi si Fel. Bumuga ako ng hininga at saka ngumuso.

"Malungkot lang kasi na... galit si Teon sa akin. Nakakalungkot," sambit ko. Agad na nagsalubong ang kilay ni Adolf.

"What? Teon's angry with you?" tanong niya pa. Malungkot na tumango lang ako. Tila hindi pa siya makapaniwalang napatingin kay Fel. Umirap naman si Fel at saka bumaling sa akin.

"Cass, Teon's not angry okay? He's busy lang talaga siguro." Nagkibit-balikat siya.

"Yeah. There's no way in hell Giovanni Matteo will be angry with you." Napatingin ako kay Adolf at umiling.

"Di okay lang. Alam ko naman, e. Okay lang din na wag niyo na ako samahan. Ayos lang naman ako."

"What? Cassia!" Nginitian ko si Fel.

"Okay lang talaga ako," pag-assure ko pero bumuntong-hininga lang siya at pinisil ang kamay ko.

"Don't be so nega nga. Teon's not angry with you okay? He's not angry. Period."

"Yeah. He'll never be angry," segunda ni Adolf tapos ngumisi.

Huminga ako nang malalalim at tipid na ngumiti lang sa kanila. Bumalik na lang ako sa pagkain at hindi na muling nagsalita pa. Pagkatapos naming kumain ay bumalik lang din kami sa library. Doon lang kami nagpalipas ng oras hanggang sa mag-alas kwatro. Wala pa rin sina Flynn at Teon. Hanggang sa makarating nga kami sa classroom ay wala pa rin sila.

Absent ba sila? Bakit wala pa sila? Napabuntong-hininga ako. Siguro dapat umiwas na ako kina Fel. Baka ako yung dahilan kung bakit umiiwas si Teon. Ito na nga ba ang sinasabi ko, e. Ang lungkot. Sila na nga lang kaibigan ko tas ganito pa.

Bumaling ako sa katabi kong si Fel at magtatanong na sana nang bigla namang bumukas ang pinto ng classroom namin. Napaayos ako ng upo dahil akala ko si attorney na pero sandali rin akong napahinto nang makitang pumasok si Teon at Flynn. Nasa likod nila yung mga fratmen na ka-grupo ni Adolf. Napalunok ako at agad na napatingin kay Adolf na tumayo at lumapit sa mga ka-frat niya. Pinagmasdan ko sina Flynn na umupo sa mga upuan nila. Lumingon si Fel sa akin pero nag-iwas na lang ako ng tingin at kinuha ang binder ko. Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pag-doodle habang naghihintay kami kay attorney. Si Fel naman ay kausap ata sina Flynn. Hindi na lang ako nakialam pa.

Buong klase ay itinuon ko ang aking tinginsa harapan. Pinilit ko talagang wag nang lumingon lingon pa. Nadi-distract lang kasi ako pag nakikita si Teon. Mas lalo lang akong nalulungkot.

"Dismissed."

Mabilis kong inayos ang aking mga gamit nang sabihin iyon ni attorney. Sinukbit ko ang aking bag at akmang lalabas na nang pigilan ako ni Fel.

"Bakit?" baling ko sa kanya.

Tumayo siya at tumabi sa akin. "Wait na muna. Sabay na tayo this time please?" Ngumuso siya.

Sandali akong napatingin kina Adolf na kausap yung mga ka-frat niya. Nakaupo pa rin si Teon at nakatutok lang sa cellphone niya. Napabuntong-hininga ako. Binalingan ko si Fel na nakasimangot na.

"Sige," sagot ko na lang. Agad siyang ngumiti at umangkla sa braso ko.

"Yey! Thanks! Let's wait here na lang." Bumaling siya kay Adolf. "Faster ha!" sabi niya pa rito na tinanguan naman ni Adolf.

Umupo na muna kami habang naghihintay. Nasa tapat namin si Teon na seryoso pa ring nakatingin sa cellphone niya. Si Fel naman ay daldal nang daldal tungkol sa mga damit. Tumatango tango na lang ako. Hindi rin naman nagtagal at natapos na rin si Adolf kaya lumabas na rin kami ng classroom.

Nauuna kami ni Fel habang yung tatlo nakasunod naman. Nang makalabas kami ng law building ay saka kami huminto.

"Uhm, una na ako," baling ko sa kanila. Tipid lang akong ngumiti tsaka tatalikod na sana nang lumapit si Teon sa akin.

"I'll walk you home."

Sandali akong napahinto at napatitig sa kanya. Lumunok ako. Lumalapit siya sa akin? Totoo ba ito?

"Oo nga, beadle, hatid ka na ni Teon." Dinig ko pang sambit ni Flynn. Napatingin ako kay Fel na nasa tabi na ni Adolf. Ngumiti lang siya at tumango.

Bumaling ako kay Teon. Seryosong nakatingin lang siya sa akin habang nakapamulsa. Bumuntong-hininga ako at tipid na umiling.

"Wag na. Okay lang naman ako," sagot ko at saka agad na tumalikod.

Ayoko namang mapilitan siya dahil lang sinabi lang nina Fel. Ayoko nang ganoon. Humakbang ako pero agad din akong napahinto nang may humawak sa kanang braso ko. Sandali kong tinitigan iyon. Hindi ako lumingon hanggang sa siya na mismo ang bumitiw

"I insist. Let's go," sabi niya pa at nauna pang maglakad.

Napabuntong-hininga na lang ako at sumunod na lang din. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makatawid na kami.

"S-Salamat," sambit ko pagkarating namin sa apartment ko.

Bumuntong-hininga ako at agad na nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang titig niya. Nakapamulsa pa rin siya. Nang ibalik ko ang aking tingin sa kanya ay napalunok ako. Nakagat ko ang aking labi.

"Uhm m-may sasabihin ka ba?" tanong ko. Wala kasi siyang imik at mukhang hindi pa naman siya aalis.

Humigpit ang kapit ko sa aking tote bag at saka muling lumunok. Nakakailang ang titig niya. Hindi ko mabasa ang kanyang mga mata. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako.

Bumuga ako ng hininga.

"Uhm, Teon kung may-"

"I like you."

Naampat ang aking labi at natulala sa kanya.

"A-Ano?"

Bumuntong-hininga siya. "I like you...so much. I like you since the day that you let me eat your lunch." Marahan siyang tumawa at saka umiling pa na para bang may naalalang nakakatawa. "I always thought if you did something on the food that you gave me. Why would I like someone that easily? Dahil lang sa binigyan mo ako ng pagkain? Tss. Kalokohan." Umiling ulit siya.

Humigpit ang pagkakapit ko sa aking tote bag. Hindi ako makapagsalita. Halos mahigit ko ang aking hininga habang nakatitig sa kanya. T-Teka... ano tong sinasabi niya? Hala siya. Totoo ba ito? Naguguluhan ako!

"T-Teon-"

"Shh," pigil niya. Bumuga siya ng hininga. "Can you let me finish first? Baka mawalan ako ng lakas ng loob."

Wala sa sarili akong napatango sa kanya. Muli siyang humugot ng hininga.

"I...really like you, Cassia...not just as a friend...I-I just like you so much." Suminghap na naman siya at saka nakangising umiling. Napalunok na naman ako. Pakiramdam ko ay parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok noon. Para akong na-freeze sa kinatatayuan ko. Idagdag pang sobrang nakakailang ng titig niya sa akin. "I was not angry, Cass. I'll never be angry with you... I can't be angry with you."

Huminga ako nang malalim.

"B-Bakit ka u-umiiwas?"

"Cause you told me that you were awkward with them teasing us. I don't want you to be awkward, Cass." Bumuga siya ng hininga hininga at ipinaglapat ang mga labi. "Fel warned me about this, you know?" Umiling siya, amuse na amuse anag mukha.

Kumunot ang noo ko.

"Saan?"

Nagkibit-balikat siya. "This. You being naive. Everyone in school was staring at us weirdly because they know what I feel for you...ikaw na lang yata ang hindi." Marahan ulit siyang tumawa.

Mariin kong nakagat ang aking labi at agad na iniwas ang aking tingin. Paano ba ito? Kasi naman...

Ilang segundo kaming natahimik. Hindi pa rin mawala wala ang kalabog ng dibdib ko. Halos manginig na nga ang kamay ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa strap ng aking tote bag. Ano bang sasabihin ko? Para akong nakalutang. Parnag blurry lahat. Hindi nagsi-sink in sa akin ang mga sinabi niya.

Ako? Gusto niya? Gusto niya ako...higit sa pagkakaibigan... hala siya. Hindi ko alam ang ire-react. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ano ba dapat?

Dumiin ang pagkakakagat ko sa aking labi. Parang bigla akong gininaw na ewan. Ano ba kasing sasabihin ko? Tsaka bakit ba siya titig na titig?

Tumikhim ako at umayos ng tayo.

"Teon...h-hindi ko..." Natutop ko ang aking sasabihin.

Ano ba kasing sasabihin mo, Cassia? Mas lalong kumalabog ang dibdib ko kasi nakatitig lang siya sa akin at parang naghihintay ng sagot. Bumuntong-hininga ako.

"T-Teon...hindi ko alam ang sasabihin..." Napalunok ako. Ramdam ko ang pag-iinit ng buo kong mukha habang nagkakatitigan kami. "H-Hindi ko kasi p-priority..." Para kong nahigit ang aking hininga.

Hindi ako mapakali lalo na noong bigla siyayng ngumiti na para bang manghang mangha sa sinabi ko.

"I know. And I'm not expecting you to do anything or to feel the same way."

Agad na kumunot ang noo ko. "Eh? Bakit mo sinasabi?"

Nagkibit-balikat siya. "I just want you to know. And because I don't want you to think that I'm angry. I am not. I like you so I am staying away because you don't want to receive those stares and because they make you uncomfortable. Hindi ako galit, Cassia. Gusto lang kita."

Nakagat ko ang aking labi. Lalong nag-init ang aking mukha at mas napakapit ako sa aking tote bag. Bumuntong-hininga ako.

"P-Pwede bang wag mo na ako iwasan? Magkaibigan naman tayo di ba?" nag-aalangang tanong ko. Hindi na rin mapakali ang aking mga mata dahil ayokong nagkakasalubong ang mga tingin namin.

Bumuntong-hininga siya. "But you'll receive those stares again...and I can't promise that I'll treat you just as a friend when I know that you are special...I don't want you to be uncomfortable."

Sandali akong napatitig sa kanya. Nakangiti pa rin siya. Ano ba yan, Cassia! Paano nga ba? Pero ayoko ng ganoon kami. Malungkot yun. Ayoko rin namang maging selfish.

Lumunok ako. Paano ba?

Hindi ko alam kung ilang segundo na naman kaming natahimik. Hindi ko na kasi talaga alam ang susunod kong sasabihin.

"How about this..." Nag-angat ako ng tingin nang magsalita siya.

"Ano?"

"Hmm. There's no need to change. We can stay as we are...friends. And di na rin kita iiwasan... also, let's don't mind what others will say or how they will think. So we won't feel differently. Let's act just like the old times." Nagkibit-balikat siya. "Deal?" Sandali akong napatitig sa kanya at sa kamay niyang nakalahad. Ngumiti siya sa akin.

Bumuntong-hininga ako at ngumiti na rin. Tinanggap ko ang kanyang kamay.

"Sige."

"Nice."

Tumango ako.

"Friends... tayo ha," sabi ko.

Marahan siyang tumawa at umiling. Napakamot pa siya sa batok.

"Damn you really have to rub it to my face that I'm being friendzone?"

Umawang ang labi ko at agad akong nag-iwas ng tingin. Ramdam ko na naman ang pag-iinit ng mukha ko. Kasi naman!

Narinig ko siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Mas ngumisi siya at nag-peace sign pa. "Fine. Sorry. I won't say it again."

Ngumuso ako. "Wag mo na lang banggitin please? Hindi ka naman pangit. Marami ngang nagkakagusto sa'yo, e. Uhm ayoko lang talaga pag-usapan yun kasi di naman priority..." Tumungo ako.

"I know, Cass. And I understand. Also, not because I like you, youre obliged to like me back. I just really like you and I'm just telling you what I feel. That's it."

Tumingala ako at napangiti na lang. "Salamat."

Ngumiti siya at tumango.

"So, see you tomorrow then?"

"Hmm. Sige. Maaga ka?"

"Yeah. "

"Okay."

"Bye, Cassia. Sleep tight."

"Bye." Kinawayan ko siya. Hinintay ko pa munang tuluyan siyang makatawid bago ako tuluyang pumasok ng apartment.

Pabagsak akong umupo ng sofa at napasapo na lang saking mukha. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko.

Gusto ako ni Teon. Hala siya.

~***~

"Morning." Muntik na akong mapatalon nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting si Teon.

Malinis ang ayos ng buhok niya. Naka-suit na rin siya habang nakapamulsang nakasandal sa gilid ng pinto ko.

Kumunot ang noo ko. "Okay ka lang? Bakit ka nandito?"

Umayos siya ng tayo at nagkibit-balikat. "Fetching you. Study, remember?"

"Oo nga, pero bakit kailangan mo pang pumunta rito?"

"I was bored. My car's at Clarke already."

Ngumuso ako at isinara na rin ang pinto sa likuran ko.

"Okay," sabi ko na lang at saa sumabay na sa kanya sa paglalakad.

Pagkapasok namin sa campus ay bumuntong-hininga ako at binalingan siya. Ngumiti siya sa akin.

"Old times sake."

Napangiti na rin ako at saka tumango. Dumiretso kami sa library pagkatapos. Gaya ng dati ay sabay kaming nag-review at naghabol ng readings. Gaya rin ng dati, nanghihiram pa rin siya ng highlighter sa akin. Napailing na lang ako.

Bandang mga alas diyes ng umaga nang dumating sina Fel, Flynn at Adolf. Kunot na kunot pa ang noo ni Fel nang makita kami.

"You guys are okay na, hmm?" tanong niya pa.

Ngumiti ako at saka tumango. Nag-approve sign sina Flynn at Adolf tapos pinuntahan si Teon.

"Sa wakas, ayos na rin kayo." Si Flynn na tumatawa. Hindi siya pinansin ni Teon.

Umupo si Fel sa tabi ko. Yung dalawa naman sa tapat namin. Bale napapagitnaan ako ni Teon at Fel.

"Buti naman at ayos na kayo," sabi pa ni Adolf. Nag-angat ng tingin si Teon.

"Yeah. So quit your weird looks," sabi niya tapos ay bumalik sa pagbabasa.

Ngumisi si Adolf. Agad naman akong napatungo. Alam din kaya nila?

Nakagat ko ang aking labi. Bumalik sa akin ang sinabi ni Teon kagabi tapos yung sinabi ni Fel noong nakaraang araw. Sandali akong napatigil nang may mapagtanto. Bakit nga ba di ko naisip yun?

Dumiin ang pagkakagat ko sa aking labi. Bumuntong hininga ako at ipinilig ang aking ulo. Focus, Cassia. Focus. Waga mo nang isipin yun! Friends kayo! Normal lang lahat. Back to normal na. Wag mo na isipin yun. Di yun priority. Aral na!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top