Chapter 12

Nanatili ang aking tingin sa listahan ng mga kasong sinend ni attorney sa email ko. Isa isa ko yung ni-copy tas ni- paste sa SCRA. Sobrang dami noon na kaya pakiramdam ko buong linggo na naman akong magda-digest. Kailangan matapos ko na yung sinusulat ko ngayong weekdays pa lang para sa linggo, aral at digest na lang ang gagawin ko.

Noong college, hindi naman ako tinamaan ng tinatawag nilang writer's block kaya palagi akong advance sa mga deadlines ko pero ngayong nasa law school na ako, parang pilit na lahat ng sinusulat ko habang patagal nang patagal e. Buti nga di ako nasisita ng editor at di ako pinagre-revise. So okay pa naman siguro? Baka yung pakiramdam ko lang talaga yung parang walang gana magsulat kung di lang dahil sa deadlines. Para kasing pagod na pagod na ang utak ko sa sobrang dami ng binabasa at kinakabisado ko araw- araw. Di ko na alam kung saan pa ako huhugot ng mga isusulat ko.

Hay, buhay. Wala rin naman akong choice. Hindi naman ako pwedeng tumigil sa trabaho. Wala akong pagkakakuhanan ng pang-araw araw. Yung allowance ko para sa libro yun. Wala akong ibang pagkukunan. Ayoko na rin namang maghanap pa ng ibang trabaho kasi sobrang convenient na ng trabaho ko ngayon sa akin.

Bumuntong-hininga ako at bahagyang nag-inat. Grabe. Hindi pa ako nakakalahat sa mga ise-save. Tiningnan ko ang aking relo at malapit na mag- 3:30.

Biyernes ngayon kaya kailangan ko talaga tapusin mag-save kasi ayoko na magpa-load para sa internet. Tipid na rin ba. Huminga ako nang malalim at saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Tahimik lang ang mga kasama kong nagbabasa. Nasa library kami kagaya ng nakasanayan at seryosong seryoso silang apat kasi lahat sila on-deck sa Consti namin. Tapos na ako noong nakaraan kaya okay na ako ngayon. Mabuti na rin siguro ng ganyang tahimik sila at nang hindi na sila nagtatanong tungkol sa kung anong nangyayari sa amin ni Teon at bakit di kami nagpapansinan.

Mula kasi noong gabing pumunta siya sa apartment ko di na niya ako kinibo. Ramdam na ramdam ko yung mga katanungan nila ni Fel sa mga titig lang pero pilit kong hindi pinapansin. Gusto ko nga sana siyang kausapin na talaga kasi ayoko ng ganitong parang hangin lang ako sa kanya. Sigurado na akong galit siya sa akin at ayoko noon.

Ang kaso, binagsakan naman kami ng mga professors ng sandamakmak na kaso. Palibhasa pa-finals kaya ganto na karami. Sa sobrang pagod ko sa mga binabasa at mini-memorize, nakakalimutan ko ng galit siya sa akin. Hay, pagkatapos talaga nitong finals, kakausapin ko na siya. Ayoko ng ganito talaga. Magso-sorry ako kung nagalit siyang iniiwasan ko siya. Kasi naman, e. Mas gumugulo lang lahat. Ay ewan. Nagkakabuhol-buhol na yung mga iniisip ko. Di ko na nga alam kung anong uunahin na.

"Cass, pa- borrow nung pink mo na highlighter. Mine's ubos na." Bumaling ako kay Fel.

"Ito, o." Inabot ko yung pencil case ko at niusog ko pa sa gitna para kung may gustong kumuha, pwedeng kumuha.

"Thanks, Cassie." Nginitian ko lang siya bago sumulyap sa tatlo.

Hindi nakatakas sa tingin ko si Teon na nakaharap sa libro niya at seryosong nagbabasa. Hindi ko alam pero dumako ang tingin ko sa lapis na nasa tabi ng libro niya. Yun na lang ginagamit niya. Hindi na siya nanghihiram ng highlighter ko. Hindi ko alam pero hindi rin ako mapakali sa kaalamang iyon. Talagang galit siya sa akin.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at saka bumuntong-hininga. Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa paglilipat ng mga kaso. Yun lang ang ginawa ko hanggang may alas kwatro.

Nakasabay ako kay Fel habang papunta kami sa classroom namin. Yung tatlo naman ay nasa likod namin. Pagkapasok namin ay marami na ang nandoon kaya tahimik na dumiretso na lang kami sa usual naming inuupuan. Titig na titig na naman ang mga kaklase namin. Napabuntong-hininga na lang ako. Akala ko pag iniwasan ko si Teon wala nang maninitig nang ganyan pero meron pa rin pala. Hindi na nga lang katulad noon na para nila akong kakainin nang buhay sa sobrang sama ng tingin nila. Ngayon, parang yung mga tsismosang kapit- bahay namin. Siguro nagtataka sila kung bakit parang naiba ang pagkakaupo namin.

Hindi ko na kasi katabi si Teon. Lumipat siya sa gitna nina Adolf at Flynn. Bale ako, si Fel, Adolf, siya tapos si Flynn. Bumuga ako ng hininga at sinulyapan ulit siya. Nakatungo pa rin siya sa kanyang libro kaya nag-iwas na lang din ako ng tingin.

"Hey." Nilingon ko si Fel nang kinalabit niya ako.

"Ha? Bakit?"

Sandali niya akong tinitigan tapos ay hinawakan ang kamay ko. Bahagya akong kinabahan at napakunot noo. Parang ang seryoso niya kasi at ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito ka-seryoso na para bang may problema.

"Fel, ba-"

"What's really the real deal? You've gotta tell me, Cass. So I can help. I hate seeing both of you like this. It's not you. And gosh... this is making the three of us worried already." Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang sinasabi iyon.

Napakurap-kurap ako at saka nag-iwas ng tingin. Bumuntong-hininga ako. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay kaya napabaling ulit ako ng tingin sa kanya.

Nakakunot ang noo niya at halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. Napalunok ako at muling napasulyap kay Teon. Nakagat ko ang aking labi at magsasalita na sana nang biglang bumukas ang pinto ng classroom.

Halos sabay pa kaming napabuntong-hininga ni Fel at napatingin doon. Binalikan niya rin ako ng tingin.

"Talk tayo later. Adolf and I will walk you home then let's talk muna. This is seriously killing me." Pinisil niya ulit ang kamay ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka tumango. Ibinaling na rin namin ang aming atensyon sa harapan nang magsimula na ng klase si Attorney.

~***~

"Pasok muna kayo," sabi ko kina Fel at Adolf.

"It's fine, Cass. I'll just smoke here. You do your girl thing." Ngumiti si Adolf. Umirap naman si Fel. Tumango na lang ako at saka pumasok na sa loob.

"Upo ka," sabi ko. Umupo na rin siya roon. Umupo rin ako sa tabi niya.

"I won't be making paligoy- ligoy." Bumuntong-hininga siya at tiningnan ako. Napahinga na rin ako nang malalim at nakagat ang aking labi. "What really happened between the two of you? I mean the last thing we know naman, okay kayo then you started acting weird...Teon was worried about it you know? He even asked us what was wrong. E we didn't know naman. So, he went to you then it was just weirder..."

Ngumuso siya at nagkibit-balikat. Nakatingin pa rin siya sa aking mga mata. Bahagya naman akong napayuko. Nahihiya akong tumingin sa mga mata niya.

Kasi naman...

Bumuga ako ng hininga. Gusto ko naman sanang dumiretso na kay Teon para maayos na ito, e, pero ayoko rin naman magsinungaling kay Fel. Alam ko namang gusto niya lang tumulong tsaka aminin ko man o hindi, naaapektuhan na rin ang mga kaibigan namin. At ayoko nang ganoon kaya baka makatulong na rin si Fel dito.

"Kasi...Fel... ano, e." Nakagat ko ang aking labi. Kumunot naman ang noo niya pero hindi pa rin nagsasalita. Humugot ako ng malalim na hininga. "Uhm n-naiilang lang ako...k-kasi pinagtitinginan na kami palagi ng mga tao...tapos yun parang ang sasama ng tingin nila? Ayoko ng gulo. Ayoko talaga ng may kaaway kaya umiwas na lang ako sa kanya...tsaka naiilang ako pag tinutukso niyo? W-Wala naman kasi talaga...m-magkaibigan lang kami...tayo..." Huminga ako nang malalim at saka mas lalong ibinaba ang tingin.

Kasi naman nakakahiya! Napakapit ako sa isa kong kamay."Y-Yun yung sinabi ko sa kanya noong gabing pumunta siya rito...kinabukasan, wala na...iniiwasan niya na rin ako..."

Bumuntong-hininga ako. Hindi pa rin ako tumitingala. Binalot kami ng katahimikan. Naramdaman ko pa ang medyo pag-init ng mukha ko. Kasi naman,e!

Hindi ko alam kung ilang segundo kaming tahimik lang. Hinihintay kong magsalita siya saka sana ako mag-aangat ng tingin. Hindi talaga kasi ako makatingin sa kanya.

"Hmm. So that was why..." Nag-angat ako ng tingin nang sa wakas ay nagsalita na siya. Kinakabahan pa ako nang magtagpo ang mga tingin namin pero agad din akong nagtaka nang makita ang mukha niya.

Para kasi siyang nagtitimpi ng tawa.

"B-Bakit?" takang tanong ko.

Kasi naman, bakit siya tatawa doon sa sinabi ko? Anong nakakatawa?

Kinunutan ko siya ng noo pero tuluyan lang siyang ngumiti tapos ay sinapo ang mukha ko. Bahagyang namilog ang mga mata ko.

"Aww. Omg. You're so innocent." Bumaba ang kamay sa mga kamay ko. Mas lalo lang akong naguguluhan sa kanya. "I'm so sorry for teasing you. I didn't know you felt that way. Promise, di na mauulit. Gosh that was your problem pala. And shocks, omg!"

Napanganga na lang ako nang biglang parang kinikilig siya tapos hindi pa mawala-wala ang mga ngiti. Hala siya.

"Hindi kita maintindihan?"

"Hmm?"

"Uhm anong nakakatuwa?"

Mas lalo siyang ngumiti tapos ay niyakap pa ako nang mahigpit.

"Gosh, you're really for him." Humagikhik siya. "You're so bagay! Gosh."

Kumalas siya sa yakap, abot tenga pa rin ang ngisi sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi siya nagsalita at nakangisi pa rin sa akin. Ilang segundo pa kaming nanatiling ganoon hanggang sa tumayo siya at tumalikod na.

"See you tomorrow, Cass! Don't freak out, this is just as good as it is," huling sabi niya bago tuluyang lumabas ng apartment ko.

Mas lalo akong natanga roon. Ano yun?

~***~

Bumuntong-hininga ako at napaiwas na lang ulit ng tingin kay Teon. Nandito kami ngayon sa library. Wala pa yung tatlo kasi maaga pa naman. Parang noon lang din na kami ang nauuna pero iba ngayon. Iba kasi wala kami sa iisang lamesa. Nasa usual spot ako namin tapos siya ay nasa malayong lamesa. Mga tatlong lamesa ang layo sa akin.

Nasapo ko na lang ang aking noo. Grabe na talaga to. Noong mga nakaraan tumatabi pa naman siya sa akin, tahimik nga lang pero ngayon...grabe naman. Bumuga ulit ako ng hininga at saka itinuon na lang ang aking tingin sa reviewer ko. Paborito pa naman ako ng Persons baka matawag ako mamaya. Cassia, focus ka muna.

"Woah. This is really getting serious." Napatingin ako kay Fel na nakaupo na sa tabi ko. Nasa harapan namin si Adolf samantalang si Flynn naman ay nakita kong na kay Teon sa kabilang lamesa. Bumuga ulit ako ng hininga at yumuko sa aking libro.

Focus, Cassia. Mamaya mo na isipin to. Maayos din to. Maayos din.

Hindi ko alam kung paano ko napanatili ang focus ko buong maghapon kahit na pasulyap sulyap ako kay Teon at talagang nakakalungkot yung mga nangyayari sa amin. Noong nag-lunch kami, muntik na siyang humiwalay sa amin kung hindi lang pinigilan ni Flynn.

Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Ang bigat sa dibdib kapag nagkakatitigan kami tapos umiiwas siya na para bang hangin lang ako. Ayoko talaga ng ganito.

Napailing na lang ako. Wala na rin naman akong nagawa. Ayoko namang gumawa ng eksena. Baka magalit lang siya lalo sa akin. Ipinokus ko na lang ang lahat ng atensyon ko sa klase namin. Hindi naman ako natawag sa kabutihang palad. Good mood yata ang mga professors namin at sobrang smooth ng mga recit namin ngayong gabi. Buti na lang din nakakasagot yung mga kaklase kong natatawag.

Pagkatapos ng klase, nauna na lang ako kina Fel. Di ko na sila hinintay na matapos silang mag-usap noong kasama ni Adolf. Ayoko na rin kasi talagang makasama si Teon sa iisang lugar. Mas bumibigat ang pakiramdam ko.

Nanatili ang tingin ko sa kisame. Hanggang kailan naman kaya kami ganito? Ayoko na talaga nito. Pakiramdam ko pag nagtagal baka maapektuhan na ang pag-aaral ko,e. Di pwede yun

"Ugh! Cassia!"

Madali kong kinuha ang unan ko at itinakip yun sa aking mukha. Doon ako sumigaw at saka nagpagulong gulong sa kama.

Kasi naman! Bakit ba nangyayari to sa akin? Gusto ko lang mag-aral! Napakakomplikado naman ng buhay o!

Lumipas ang buong linggong iyon na ganoon pa rin ang pakikitungo ni Teon sa akin. Minsan na nga lang siyang sumama sa amin e at mas gumagrabe talaga yung paglayo niya.

"Fel, una na ulit ako, ha. Maaga ako bukas, e. Kukunin ko yung allowance ko," paalam ko kay Fel pagkatapos ng Legal Writing namin. Kausap ulit nina Adolf yung mva ka-frat niya kaya hindi pa kami umaalis. Nauna na rin naman si Teon sa amin kagaya ng palagi niyang ginagawa nitong nakaraan lang.

"Hmm. Sige, Cass. You sure you don't want Flynn to walk with you?"

Nginitian ko lang siya at inilingan.

"Okay lang. Sige. Bye."

"Bye, beadle. Ingat." Tinanguan ko lang din si Flynn tapos ay tumalikod na.

Napatingin ako sa kalangitan habang naglalakad ako palabas ng gate. Walang mga bituin. Grabe parang uulan ngayon. Kaninang hapon pa kasi medyo makulimlim ang langit pero di pa naman umuulan. Baka mamaya pa ito.

Binilisan ko na lang ang lakad ko para hindi ako abutan ng ulan. Pagkarating ko sa apartment ay madali akong nagbihis ng pantulog. Di muna ako dumiretso sa kwarto at sa sala muna ako umupo. Kinuha ko ang aking laptop at ipinatong iyon sa unang nasa aking hita. Kailangan kong makatapos ng tatlong chapters ngayon para wala akong problema para sa tatlong araw. May quiz kasi ako sa crim sa lunes at plano kong sa weekend iyon gagawin kaya kailangan maabot ko na nag qouta ko sa pagsusulat.

Nagtimpla lang din ako ng kape at nilagay yun sa may tabi ko. Di naman ako magpupulaw talaga kasi maaga ako bukas para sa allowance ko. Ilang minuto lang nang magsimula akong magsulat ay siya namang pagbagsak ng malakas na ulan. Napatingin ako sa labas. Nakabukas kasi ang jalousie ko para malamig at di na kailangang mag-electric fan. Grabe yung hangin at sobrang lakas ng ulan. Itinabi ko muna yung laptop at saka ako lumuhod sa couch at humarap sa jalousie. Tiningnan ko muna yung labas. Baka kasi bumaha. Ang sabi naman ng land lady, di naman pinapasok ng baha rito pero noong nakaraang araw na umulan din, nagulat na lang ako basa na ang sa may pintuan ko.

Pinagmasdan ko muna ang labas. Sana naman hindi bumaha medyo malakas pa naman talaga ang ulan. Inaninag ko ang gilid ng bahay. Papasara na ang mga tindahan at nakita ko ring sunod sunod na lumalabas ang mga kotse sa Clarke.

Bumuntong-hininga ako at akmang isasara na ang jalousie nang biglang may mahagip ang tingin kong bulto ng taong nakatayo sa may pintuan ko. Basang basa siya!

Agad kong sinarado ang jalousie at mabilis na pumunta sa pinto. Binuksan ko iyon at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang sumalubong sa akin ang basang basang si Teon na nakatalikod sa akin. Yakap yakap niya ang sarili habang nanginginig pa. Hindi niya pa agad ako napansin.

"Teon? Anong ginagawa mo rito?" Doon siya napalingon sa akin.

Kitang kita ko ang panginginig ng labi at ng katawan niya habang yakap yakap ang kanyang sarili. Kanina pa ba siya rito?

"I ate in Aling Mila's... w-was about to go b-back to school for my c-car...the rain p-poured..." Napasinghap ako.

"Teka, halika nga pasok ka. Dali." Inalalayan ko siya papasok tapos ay sinara ang pinto. "Diyan ka na muna," sabi ko at saka agad na tumungo sa banyo ko.

Kumuha ako ng tuwalya at madaling bumalik ako sa kanya at binalot siya noon.

"Uhm, hubarin mo muna yung suit mo? Doon ka muna sa CR. Uhh hahanap ako ng malaking t-shirt." Tumango lang siya at pumunta na rin ng CR.

Pumunta naman ako sa kwarto at hinalungkat ang mga damit ko. Kasi naman, bakit nagpaulan yung isang yun? Wala man lang ba siyang dalang payong o ano? Tsaka bakit hindi siya sumilong muna kina Aling Mila.

Napailing na lang ako. Hiniklad ko yung isa kong t-shirt. Oversized yun. Tiningnan ko ang size. Large naman siya. Pwede na siguro to? Wala naman kasi akong mapapahiram na pambaba.

Bumuntong-hininga ako. "Pwede na to."

Agad akong lumabas at kumatok sa banyo. "Uhmm, may t-shirt ako rito..." sabi ko.

"Can you hold it for a while?"

"Ha? Ah o sige. Hintayin na lang kita." Ngumuso ako at sumandal na lang muna sa gilid ng pinto ng CR.

Napaigting lang ako nang mag-click yung door knob. Umayos ako ng tayo. Sakto namang bumukas yung pinto. Napalunok ako nang makita siyang naka-boxers lang tapos ay nakasampay ang towel sa magkabilang balikat niya.

"Uhh." Bahagya akong nag-iwas ng tingin bago inabot sa kanya ang t-shirt. "Uhmm kasya naman siguro to sa'yo. Wala akong pang-ibabang mapapahiram, e. Sorry..."

"It's fine. Thanks, anyway." Muntik ko nang mahigit ang aking hininga nang maglapat ang mga kamay namin pagkakuha niya ng t-shirt.

Tumikhim ako at saka bahagyang umatras. Akala ko babalik siya sa loob ng CR para magbihis pero nang sulyapan ko naman siya ay isinampay niya lang ang tuwalya sa isang malapit na upuan tapos ay sinuot yung t-shirt. Kinuha niya ulit yung tuwalya at saka ibinalot sa ulo niya.

Bumuntong-hinibga ako. "Uhm timpla kitang kape para mainitan ka. S-Sa sofa ka muna." Lumunok ako.

Madaling tinabi ko muna yung mga gamit ko sa may dining table bago ako nagpainit ng tubig. Sinulyapan ko siya at nakita ko naman siyang umayos ng higa sa may sofa. Bumuntong -hininga ako at tinapos na yung kape. Pagkatapos, bumalik na ako sa kanya.

"Ito na yung kape mo. Higop ka muna para mainitan ka," sabi ko. Dahan-dahan siyang umupo at tinanggap iyon.

"T-Thanks..."

Tipid na tumango lang ako. Napatinginako sa labas. Sobrang lakas pa rin ng ulan. Tumikhim ako at binalingan siya.

"Uhm, patila ka na lang muna rito. Dalhin ko lang yung gamit ko sa kwarto," sabi ko.

Tiningnan niya ako at saka tinanguan. Bumuntong-hininga ako at tumalikod na. Kinuha ko yung laptop at kape ko tapos ay pumasok na sa kwarto.

Umupo ako sa kama at nagsimula na ulit mag-type. Iniwan ko na lang nakaawang ang pinto para makita ko siya sa labas. Sandali akong napatigil at napatitg din sa kanya na umiinom ng kape. Bumuga ako ng hininga at saka mariing pumikit.

Pokus muna, Cassia. Pokus muna.

Ipinilig ko ang aking ulo at saka nagsimula na ulit mag-type. Pilit akong nag-concentrate sa sinusulat ko. Di ko alam kung nakatulong yung ulan sa concentration ko at dire-diretso ang naging sulat ko. Pagkatapos ng tatlong kabanata, nag-inat inat na rin ako. Napatingin ulit ako sa labas.

Itinabi ko muna yung laptop ko at saka lumabas ng kwarto. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya.

"Te-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko siyang himbing na himbing na at kumot kumot pa yung tuwalya.

Napatingin ako sa labas. Umuulan pa rin. Sobrang tulog na tulog naman siya. Binaling ko ang tingin sa aking orasan. Mag-aalauna na ng umaga. Bumuntong-hininga ako at kinuha na muna ang tuwalya. Isinampay ko yun sa may upuan tapos ay bumalik ako sa kwarto at kumuha ng extra kumot ko at unan. Bumalik ako sa kanya at kinumutan ko siya. Dahan - dahan ko ring inangat ang ulo niya para lagyan ng unan.

Napatigil pa ako nang medyo gumalaw siya. Bumuntong-hininga ako at hinaplos ang buhok niya. Lumuhod ako at tinitigan lang ang kanyang mukha. Ang amo ng mukha niya. Seryoso pero maamong maamo. Parang ang tahimik at linis din nitong tingnan kahit na medyo halata na ang facial hair niya. Napabuntong-hininga ulit ako.

Sana maging maayos na tayo. Ayoko nang magkagalit tayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top