Chapter 11
"Hey."
Muntik na akong mapatalon nang may biglang tumabi sa akin. Halos nahigit ko pa ang aking hininga nang paglingon ko ay medyo malapit ang mukha namin ni Teon.
Agad akong nag-iwas ng tingin at bahagyang iniusog ang upuan ko palayo sa kanya. Kasi naman! Bumuntong- hininga ako at inayos na lang ang aking mga gamit.
Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Kasi naman...
Napabuga na lang ako ng hininga at ibinalik sa pagbabasa. Cassia naman, bakit ka ba kaso naiilang? Ah ewan. Simula noong gabing kumain kami ng barbeque kina Aling Mila parang nag-iba ang pakiramdam ko. Idagdag pang grabe mang-asar sila Fel ngayon. Palagi nila akong tinutukso kay Teon. Hindi naman nagsasalita si Teon pero naiilang lang talaga ako.
Parang bumabalik sa akin yung nangyari noong gabing iyon. Iyong parang slow mo tapos - Cassia! Ugh! Ano ba yan! Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Kailangan mong mag-focus, Cassia! Focus!
Whoo!
Umayos ako ng upo at inabot ang pencil case ko. Kukuha sana ako ng isang highlighter nang biglang may mainit na kamay na dumantay sa akin. Namilog ang mga mata ko at dahan dahang napatingin doon.
Napalunok na lang ako nang makitang nakatingin din si Teon doon at magkalapat ang mga kamay namin. Sandaling nanigas ang katawan ko at para akong pinalibutan ng malamig na hangin at nagsitaasan ang balahibo ko.
Lumunok ako. Narinig ko siyang tumikhim. Kasabay noon ay ang pagtanggal ng kanyang kamay.
"Sorry. Uhm I was just going to borrow the yellow. You...go ahead..." Nag- iwas siya ng tingin.
Doon lang ako nakahinga nang maluwag at saka umayos ng upo. Mabilis kong kinuha yung unang highlighter na nakuha ko. Bumalik ako sa binabasa ko kanina.
Bumuntong-hininga ako. Nakakainis! Hindi ko alam pero talagang naiilang ako at kahit na anong gawin ko, parang may kakaiba na talaga kasi at nakakailang talaga. Parang dahil sa sinabi pa nina Fel at Adolf mas lalo kong napapansin yung mga maliliit na bagay na ginagawa ni Teon pag magkasama kami. Noon hindi ko naman binibigyan yun ng pansin pero mula noong inaasar nila kami parang pati tuloy ako binibigyan na ng malisya lahat ng ginagawa niya kahit na hindi ko naman alam kung anong meron.
Alam mo yun? Ayoko namang maging feeler or assuming pero talagang...ah basta! Nakakailang! Siguro dapat iwasan ko na lang si Teon? Kasi naman eh! Yung tatlo hindi naman mahilig gumising ng maaga. Si Teon palagi kong kasama kasi pareho kaming maaaga gumising. Sino na kasama ko pag iniwasan ko siya? At pag hindi ko naman siya iniwasan, para naman akong natatanga sa mga nararamdman kong kakaiba. Kainis! Cassia naman, focus!
Aral lang. Aral.
"Hi!" Agad akong napaangat ng tingin nang marinig iyon.
Sumalubong sa akin ang nakangiting si Fel na may dalang isang paper bag.
"What's up, beadle,"si Flynn na umupo sa tapat ko. Nginitian ko siya at tinanguan.
Sa kabilang tabi ko naman si Fel. Nilapag niya ang dala sa harapan namin. Si Adolf naman ay nakatayo lang sa gilid ni Flynn.
"Ano yan?" tanong ko kay Fel.
"Oh. That's some bread for the two of you. Baka you're hungry na."
"Salamat."
"No prob! What are you studying ba? We'll study na rin tas eat tayo sa karinderya ulit please? I lvoe their foods!"
Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Kinuha na niya ang mga gamit niya at nagsimula na ring mag-scan. Pumwesto na rin si Adolf sa tabi ni Flynn at kumuha na rin ng gamit niya.
"Hey, Teon, bro, ever heard what happened to Alpha Omicron Phi? Damn bro, sabon sila kay Judge Saldivar. That old man hated that frat." Marahang tumawa si Adolf habang nagpi-flip ng babasahin.
Sandali kong tiningnan si Teon pero wala naman siyang imik. Napalunok pa ako nang bigla siyang tumingin sa gawi ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at saka bumuga ng hininga.
"Uhm, Cass, borrow ako ng list of cases nga. I think I missed a digest," sambit ni Fel. Tipid akong ngumiti at tumango. Akmang kukunin ko na yung listahan ko ng kaso sa digest nang biglang inabot ni Teon iyon.
Bahagya akong natanga at napatingin pa sa kanya.
"I borrowed it earlier," sabi niya kahit wala naman akong tinatanong. Lumunok ulit ako at kinuha na lang iyon at binigay kay Fel.
"Thanks!"
Tumango lang ako at bumuntong- hininga. Itinuon ko ang atensyon sa pagbabasa pero naramdaman kong may nakatitig sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko sina Adolf at Flynn na palipat ng tingin sa amin ni Teon.
Nakagat ko ang aking labi at saka nag-iwas ulit ng tingin.
Ano ba yan! Cassia, focus na! Aral!
Buong maghapon kaming nag-aral pero naiilang pa rin talaga ako sa sitwasyon namin ni Teon lalo pa at nakikisali na rin sina Flynn at Adolf sa mga tingin. Nagpasalamat na lang ako na hindi napapansin ni Fel yung mga awkward nilang tinginan kasi pag nagkataon ay di ko na talaga alam.
Kay Fel na nga lang ako dumidikit maghapon kasi may sarili rin namang mundo yung tatlo.
"You think, I'll be called tonight sa Persons?" Lumabi si Fel. Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya.
"Okay lang naman. Nag-aral ka naman di ba?" sabi ko. Mas lumabi siya.
"Stil scary no. I don't wanna be sabon. Attorney looks like in a bad mood pa naman. I heard she lost a case earlier daw."
"Oh yung custody?" Binaling namin ang tingin kay Adolf. Nasa tapat namin silang tatlo. Na kina Aling Mila kami at nagtatanghalian. Tapos na naman kaming kumain halos. Si Fel na lang yung hindi at si Adolf na sinasabayan siya.
Ewan ko pero napapangiti ako sa kanilang dalawa. Ang cute kasi nila lalo na pag sinasabayan at inaalalayan ni Adolf si Fel. Minsan di ko lang talaga gets ang mga trip nila.
"Custody? Yung binibida niya last meeting? Akala ko sigurado siyang mananalo yun?" tanong ko naman.
Confident na confident kasi si attorney noong kinuwento niya sa amin. Tsaka magaling daw talaga siyang child custody lawyer. Nakakagulat na natalo siya.
"Well, guess she found her match." Nagkibit balikat si Adolf.
Mas lalong nabahala ang mukha ni Fel.
"Ihh! That's it na nga. Edi mas bad mood siya. You know naman how she gets when bad mood." Ngumuso siya.
Bumuntong-hininga ako at tinapik ulit ang balikat niya.
"Kaya mo yan. Gaganda ng recit mo sa persons no," pampagaan loob ko. Nginitian ko siya. Sandali siyang tumingin sa akin tapos ay bumuntong-hininga na.
"Thanks. You're my angel talaga." Marahan akong natawa nang yumakap siya sa akin. Napailing na lang ako.
"Tapusin mo na kaya yang kinakain mo, Fuschia Elise," singit pa ni Flynn na nagsi-cellphone.
Inirapan lang siya ni Fel pagkaalis nito sa yakap. Napailing ako. Bumaling ako kay Flynn at hindi sinasadyang napasulyap ako sa gawi ni Teon. Muntikan pa akong mapaigting sa gulat nang magtagpo ang mga mata namin. Mabilis akong umiwas ng tingin at saka kinagat ang aking labi.
Hinga, Cassia. Hinga.
"I'm done, let's go na?" Halos sabay din kaming tumayo lahat pagkatayo ni Fel.
"Salamat po," sabi ko kay Ate Ina at saka kinuha ang mga gamit ko. Akmang kukunin ko pa lang yung isang libro ko nang hawakan din yun ni Teon.
Agad akong napahinto at napatingin din sa kanya. Napalunok pa ako nang magtagpo ang tingin namin.
Ano ba yan. Kasi naman!
"I'll carry it."
"Wag! Uhm...o-okay na. Ako na lang. Mabilis kong kinuha yung libro at saka niyakap yun at lumapit kay Fel.
Naramdaman ko na naman ang mga weird na tinginan nilang tatlo pero hindi ko na lang pinansin at umangkla ako sa braso ni Fel. Naramdaman ko rin yung pagtingin niya sa akin pero di rin naman siya nagsalita.
Buti na lang din kasi di ko alam kung anong sasabihin ko.
Kasi naman Cassia e!
Bumuntong-hininga ako at ipinilig ang ulo ko. Tahimik kaming lahat habang pabalik ng Clarke. Gusto ni Fel sa field muna kami kaya roon kami nagpalipas ng oras.
"Fel, dito ka," agad na sabi ko pagkaupo ko sa dulo ng bench.
Nakita ko pa silang nagkatinginan nang tapikin ko ang tabi ko. Naramdaman ko rin ang tingin ni Teon sa akin pero hindi ko siya pinansin. Kinuha ko na lang ang libro ko at saka sumandal sa likod ng upuan.
Ilang sandali pa ay umupo na rin naman si Fel sa tabi ko. Pinanatili ko ang tingin ko sa aking libro. Tahimik lang ulit kami habang nagbabasa kahit na ramdam na ramdam ko pa rin ang mga panaka-naka nilang tinginan sa akin.
Focus lang, Cassia. Focus lang.
"Uhh, Flynn, pwede ba ako na lang dito?"
Nakagat ko ang aking labi habang ramdam na ramdam ko ang tingin ng halos lahat ng mga kaklase ko. Pati ba naman sila?
Bumuntong-hininga ako at tumingin kay Flynn. Sa huli ay nagkibit-balikat siya at saka tumango. Mabilis akong umupo sa tabi ni Adolf at binuksan ang libro ko. Halos isubsob ko na nga yung mukha ko sa libro ko.
Lord, sana mabilis lang matapos tong gabing ito.
~***~
"Class dismissed."
Doon ako nakahinga nang maluwag. Inayos ko ang aking mga gamit at saka pinasok yun sa aking bag.
"Cass, you in a hurry?" Sandali akong napahinto nang marinig iyon.
Nilingon ko si Fel na kunot na kunot ang noo sa akin. Bumuntong-hininga ako at tipid na ngumiti.
"Uhm oo may kailangan akong tapusin sa trabaho, e. Sige." Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at mabilis akong sumabay sa mga nagmamadali naming mga classmates.
Hindi ako tumigil sa paglalakad. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makarating ako sa bahay at padapa akong bumagsak sa aking kama. Kasi naman, e. Sobrang awkward na talaga at saka weird.
Ayoko nang ganito. Ayoko nang palagi akong hindi napapakali. Ayoko nang ganitong naiilang ako. Sila na nga lang kaibigan ko tapos iiwas pa ako dahil lang sa ang awkward ko kay...hay. Bakit kasi ganoon? Nag-aaral lang naman ako. Kailangan kong mag-aral lang. Yun lang ang ipinunta ko rito. Hindi ako pwedeng ma-distract. Hindi pwede.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at isinubsob yun sa aking unan. Gusto ko lang bumalik sa normal lahat pero paano? E magkatinginan lang kami naiilang na ako. Idagdag pa yung maintrigang tinginan ng iba. Cassia Farrise! Jusko ka!
"Cassia?"
Otomatikong dumilat ang mga mata at agad akong napabangon nang marinig iyon.
Teka...
"Cassia?"
Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatayo sa kama. Si Teon ba iyon? Hala siya. Bakit siya nandito?
Nagmamadaling lumabas ako ng kwarto at saka dumiretso sa may pinto.
"Cass-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang buksan ko ang pinto. Namilog ang mga mata ko nang makita si Teon na nakapamulsa sa harapan ng pintuan ko. Tiningnan ko kung nakaparada ang sasakyan niya pero wala roon. Napalunok ako.
"A-Anong ginagawa mo rito?"
"You're avoiding me. You're avoiding me every chance you got.
Hindi agad ako nakapagsalita. Nag-iwas ako ng tingin. Alam ko namang mahahalata niya. Ang talino niya kaya at observant. Bumuntong-hininga ako.
"Teon kasi- "
"Don't lie or make excuses. Come on. I just want to know why you're avoiding me."
Bumaling ako sa kanya. Bahagyang nakakunot ang noo niya at namumungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
Bumuntong-hininga ulit ako. Nakagat ko ang aming labi. "Uhm ayoko lang pagtinginan nila. Nakakailang kasi..."
Kumunot ang noo niya. "What? What are you saying? And what does that have to do with me?"
Hindi ako agad nakapagsalita. Paano nga ba? Paano ko ba sasabihin na napapansin ko lahat ng mga ginagawa niya at dahil sa mga tukso nina Fel ay parang nawe-weirduhan na rin ako sa mga bagay bagay na ginagawa niya kahit na noon ay hindi ko naman binibigyan ng pansin.
Napabuga ako ng hininga.
"Sorry...hindi ko alam kung paano to sasabihin..." Dumiin ang pagkakakagat ko sa aking labi. Huminga ako nang malalim. "Kasi ano, e... a-ayoko lang nang pinagtitinginan talaga. Naiilang ako... a-alam ko namang pinagtitinginan nila ako dahil l-lagi tayong magkasama. A-Ayoko lang ma-issue...ayoko ring iba ang isipin ng mga tao. T-Tapos kasi nakakailang na talaga...d-di ko alam kung bakit kaya u-umiiwas na lang ako.... Di ako galit..."
Umiwas ulit ako ng tingin. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri dahil hindi ako mapakali. Isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa amin. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Nang balingan ko siya ay nakatitig lang siya sa akin.
"S-Sorry..." Kinagat ko ang aking labi.
Bumuga siya ng hininga at saka tipid na tumango.
"I'm sorry for making you feel awkward, too." Hilaw siyang ngumiti at walang ano ano'y tumalikod.
Umawang ang aking bibig at napatanga na lang ako sa papalayo niyang likod. Napalunok ako at mariing napapikit. Bumuga ako ng hininga.
Cassia ano yun?
Buong gabi akong binubulabog ng reaksyon ni Teon. Kahit na noong nakahiga na ako hindi ako mapakali. Ewan ko. Hindi maalis sa isip ko yung reaksyon niya kanina. Parang wala lang pero may kung ano sa mata niyang... hay.
Bandang alas dose na nga yata ako nakatulog dahil paulit ulit na nagri-replay sa utak ko yung mukha niya at pagtalikod niya. Galit ba siya? Hala paano kung magalit siya? Ayoko siyang magalit... mas magiging awkward lang yun...
Nasapo ko ang aking ulo at napahikab na lang. Isinalin ko na yung mga dadalhin kong kanin at ulam sa lunch box. Tiningnan ko ang aking relo. Mag-aalas diyes na. Halos pumutok na rin ang cellphone ko sa daming text. Sigurado akong kina Fel galing yun. Baka nagtataka ang mga yun kung bakit ang tagal ko. Kasi naman ang tagal kong nakatulog kaya matagal akong nagising.
Bumuntong-hininga ako at saka nilagay na ang mga yun sa paper bag. Sinukbit ko ang aking tote bag na nasa upuan at saka kinuha ang paper bag at blazer ko. Lumabas na ako ng bahay pagkatapos. Nang makatawid ako, saka ko kinuha ang cellphone ko at nireply-an sina Fel.
To: Fuschia Elise
Nasa school na ako.
From: Fuschia Elise
We're at the field
To: Fuschia Elise
Okay.
Isinilid ko sa aking bag ang cellphone at saka dumiretso na ako sa field. Wala namang masyadong tao roon kaya agad ko silang nakita sa palagi naming tinatambayan.
"Hi," bati ko sa kanila.
"Hi, Cass! Here, o." Ngumiti ako kay Fel at saka umupo sa tabi niya. Naramdaman kong nakatitig sina Adolf at Flynn sa akin. Nasa kabilang bench sila kasama si Teon.
Bumuntong-hininga ako at saka sinulyapan siya. Hindi ko alam kung naramdaman niyang nakatitig ako kaya siya lumingon at nag-abot ang mga tingin namin. Lumunok ako. Siya ang unang nag-iwas ng tingin at saka tumayo.
"O, bro, saan ka?" tanong pa ni Adolf.
"Printing," sagot niya lang at tuloy tuloy ba naglakad. Ni hindi siya lumingon sa amin.
Napabuntong - hininga ako at nag-iwas na lang din ng tingin. Yumuko ako. Ramdam ko na naman ang mga tingin nila. Ilang sandali pa ay kinalabit ako ni Fel. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Bakit?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya at tiningnan muna yung dalawa bago tumingin ulit sa akin.
"Are you and Teon okay?"
Sandali akong napatigil. Tumikhim ako.
"Ha? Oo naman...b-bakit?"
Pilit kong tinitingnan siya sa mata kahit na hindi ko talaga alam kung paano siyang tingnan. Idagdag pang nakatingin din sa amin sina Adolf at Flynn na mukhang naghihintay ng sagot.
"You two are getting weird." Narinig kong sabi ni Flynn.
"Yeah. Ang moody nga ni Teon kagabi pagkabalik niya galing sa apartment mo. Ano bang pinag-usapan niyo? Parang ang seryoso, a." Napatingin ako kay Adolf.
Napabuntong-hininga ako at saka bumaling kay Fel.
"Hindi ko rin alam... may sinabi lang ako tapos yun...umalis na siya."
"Why? What did you tell him ba?"
Nagkatitigan kami ni Fel. Sasabihin ko ba? Baka mas maging awkward?
Bumuga ako ng hininga at saka tipid na ngumiti lang.
"Wala. Sinagot ko lang yung tanong niya tapos yun na." Nagkibit-balikat ako. Kunot noong napatitig si Fel sa akin. Tipid na nginitian ko na lang siya tapos ay bumalik na rin ako sa pagbabasa.
Ano ba naman kasi ito. Gusto ko lang naman mag-aral, e. Nako, Cassia. kailangan mong ayusin to. Hindi pwedeng hindi. Mas mababahala lang ako kapag ganito. Hindi ko pa alam kung galit siya o ano. Ayoko ng may kagalit at mas lalong ayokong magalit ang kaibigan ko sa akin. Ang bigat lang noon sa pakiramdam.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top