Chapter 10
"That's all, Miss Alvedrez. Tiongco, do you agree with Miss Alvedrez? Why or why not?"
Nakagat ko na lang ang aking labi at saka umupo sa aking upuan. Sigurado na akong pangit yung recit ko. Yung kasong natanong kasi sa akin ung di ko pa kabisado! Akala ko next meeting pa yun, e. Ang sabi hanggang 10th lang yung ngayon. Bakit lumagpas sa 12? Hay. Kaya nga ako nag-advance reading na para sa mga gayang trip nila pero wala, natiyempohan pa rin ako.
Dalawa lang naman yan para malaman kong pangit ang recit. Either ang bilis kong ni-dismiss ni Attorney o may pinasagot siyang iba. Kadalasan kasi pag ganoon, may na-miss kang point o mali yung pagpapaliwanag mo. Ilang beses ko nang naranasan iyan last midterm. Swerte lang ako at ako yung pangalawang tinatanong kaya pag ganoon na, alam kong no na agad at makakaisip na ako ng paaran kung bakit mali yung nauna. Ngayon naman na-tiyempohang ako yung may mali.
Ngumuso ako at lihim na nakatitig lang kay Attorney na tumatango sa nagre-recite. Bumuga ako ng hininga. Bad recit nga.
"That's fine. You already gained last recit. Plus, that won't be the last." Napatingin ako kay Teon.
Tipid na ngumiti lang siya sa akin tapos at tinapik ang balikat ko. Bumuntong-hininga ako at saka marahang tumango. Bawi na lang ako next recit.
Hindi ko alam kung dala ng pagod talaga o talagang naapektuhan ako sa pangit na recit kaya pagod na pagod ako pagkauwi ko ng apartment. Diretsong humiga lang ako sa kama pagkatapos kong magbihis. Grabe. Unang beses to na nalungkot ako sa recit. Hindi naman ako perpekto sa lahat ng recit ko pero ito yung unang beses na napunta ako sa ganoong sitwasyon.
Ewan ko. Nakakalungkot lang kasi nag-aral naman talaga ako ng readings. Talagang yung reading na tinanong sa akin hindi part noong binasa ko. Nakakainis nang konti kasi sana sinabi na lang di ba na lahat pala cover ng recitation. Bakit pa nag-set ng boundary kung kasali naman pala yung iba?
Hay ewan.
Bumuga ako ng hininga at inayos ang unan at kumot ko. Mabuti oang itulog ko na nga lang ito.
Pahiga na sana ako nang bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang aking noo at saka inabot iyon sa gilid ng aking unan.
Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang tumatawag. Bakit tumatawag si Teon?
Umayos ako ng upo at saka sinagot iyon. Kinuha ko yung isang unan ko at saka niyakap iyon bago tinapat ang cellphone sa aking tenga.
"Hello? Bakit ka napatawag?" tanong ko agad.
Narinig kong bumuntong-hininga siya.
"Just wanted to check if you're okay."
"Okay naman ako, a."
"Nah. I know you're not. That's like your first bad recit ever since."
"Hmm medyo nainis lang ako sa coverage."
"Tss. You know how attorney works."
"Kaya nga."
"Just be careful next time."
Bumuntong-hininga ako.
"Oo."
Narinig ko rin siyang bumuga ng hininga sa kabila. Tumikhim siya pagkatapos.
"Well, study out tomorrow? Fetch you in your apartment.
Agad na kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit, saan ba tayo mag-aaral?"
"I knowa newly opened place near Rex. I'll get some reviewers. Let's just settle there."
"E? Talagang lalayo pa tayo? Sa lib na lang o sa field?"
"Nah. You need new environment. Plus, it's my cousin's cafe. It's a treat. She says I could bring a plus one."
Ngumuso ako. "Talaga? Paano sila Fel? Teka sinabihan mo na?"
"You know they're not fans of morning, Cass." Tumawa siya. Napangiwi ako.
Sabagay, kami palagi ni Teon magkasama kasi kung di sila late may ganap naman.
Bumuntong- hininga ako. "Hmm. Sige. Anong oras ba? Diretso na ba tayong Clarke pagkatapos?"
"Yeah we can. Around 8 I guess? Rex opens at 9 though. We can chill at the cafe first then I'll grab my reviewers."
"Hmm. Pwede. Ang sipag mong bumili ng reviewers ayaw mo namang bumili ng highlighters," asar ko. Tumawa siya.
"It's hassle and I might just lose it."
Sabagay sa bulsa ng polo niya kasi nakalagay yung nag-iisang ballpen niya. Ang awkward naman kung lalagyan din niya ng highlighter yun di ba?
"Hmm sige. Bukas."
"Great. Don't have breakfast. Sagot ng cafe."
"Eh?"
Marahan ulit siyang tumawa. "Yeah. Don't complain. It's on me."
Ngumuso ako. "Okay. Basta sagot ko lunch," pag-bargain ko.
"Yeah. Yeah. My favorite okay?"
Napailing ako. "Opo."
"Yeah. Good night, Cass. Sleep tight." Hindi ko alam pero naiimagine ko siyang nakangiti sa boses niyang iyon. Ay ewan.
"Good night. Ikaw rin. Salamat sa pagkukumusta."
"Always, Cass."
"Hmm."
At pinutol ko na ang tawag. Huminga ako nang malalim at saka ibinalik sa lagayan ang cellphone ko. Tuluyan na akong humiga at niyakap ang aking unan. Hindi ko maintindihan pero napangiti na lang ako hanggang sa tuluyan na akong dapuan ng antok.
Kinabukasan, maaga pa rin akong nagising kasi magluluto pa ako ng para sa tanghalian namin ni Teon. Kare-kare ang niluto ko kasi yun ang pinakagusto niya. Hindi ko alam kung saan kami kakain ng tanghalian kaya dalawang box ng kanin anag pinack ko tapos isang box naman ng ulam. Sinobrahan ko yun kasi baka magkasabay kami nina Fel o di kaya ay lumaki kain ni Teon. Buti na lang marami akong mga food container dito. Napabili na ako kasi madalas akong magdala ng ulam para sa aming lima.
Nang matapos ko na ang pag-pack ng mga ulam namin ay naligo na rin ako. Naka itim na slacks at puting long-sleeve blouse ako tapos flat na sapatos. May dala akong blazer pero di ko pa isusuot. Nang makapagsuklay ako ay kinuha ko na rin ang bag ko. Chineck ko kung nandoon lahat bago ako bumalik sa kusina at kinuha yung paper bag na may ulam. Iniiwan ko lang yun sa kotse ni Teon tapos kinukuha ko pagkauwi na kasi hinahatid niya naman ako pauwi palagi.
Sakto namang pagkakuha ko ng paperbag ay narinig ko ang busina sa labas. Hinablot ko agad iyon at saka nagmamadalinh lumabas. Nilock ko nang maigi ang pinto tapos at patakbong naglakad papunta sa kotse niyang nasa may gilid.
"Morning!" bati ko pagkapasok. Agad niyang kinuha ang paperbag ko saka nilagay iyon sa may likod. "Salamat," sabi ko at nilagay na rin ang bag ko sa aking hita. Tiningnan ko siya at gaya ko ay naka- tuxedo na rin siya. Magmumukha na naman kaming others nito sa mga suot namin.
"Morning, too. Did you sleep well?" Ini-start niya na ang makina. Ngumuso ako at tumango habang inaayos ang seatbelt ko.
"Ikaw ba?" balik ko naman.
"It's fine. You're the one with the bad recit."
Sumimangot ako. "Wag mo na ipaalala."
Marahan siyang tumawa. "Sorry."
Bumuntong - hininga ulit ako at sumandal na lang sa upuan. Since maaga pa naman at hindi naman ganoon kalayo yung rex ay mabilis lang din kaming nakarating roon. Ilang blocks mula sa Rex yung sinasabi niyang cafe. Nagpark lang din siya sa gilid noon.
Dahil maaga pa ay wala pa talagang tao. Nakasunod lang ako sa kanya papasok ng cafe.
"Giovanni!" bungad ng isang babaeng may maiksing buhok na kulay brown. Naka-polo shirt ito na puti na may logo sa may kaliwang dibdib tapos ay naka-denim jeans. Nagyakap sila ni Teon."Nice to see you again! It's been so long!" sabi pa nito.
Ngumiti lang si Teon tapos bumaling sa akin. Tipid na ngumiti rin ako doon sa babae.
"Blech, this is Cassia...my friend. Cass, Blech is my cousin," pakilala ni Teon. Ngumiti iyong babae at nag-abot ng kamay. Tinanggap ko iyon at ngumiti rin sa kanya.
"Nice to finally meet you," sabi niya pa. Bahagya naman akong nagtaka pero ngumiti pa rin ako.
"Ah ako rin."
"Nice. Uhm upo muna kayo. Your breakfast will served later." Ngumiti ulit siya sa amin. Tumango naman ako at pumunta na sa tinuro niyang upuan.
Magkatapat kami ni Teon at nasa may glass wall kami kaya kitang kita namin ang mga sasakyan sa labas.
Bumuntong-hininga ako.
"You okay?" tanong ni Teon.
Tumango ako sa kanya. "Sina Fel ba? Pupunta sila?" balik ko.
Nagkibit-balikat siya. "Don't know. But I told them."
Tumango lang ulit ako. Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Medyo maliit lang naman yun kung tutuusin pero minimalistic ang style kaya maaliwalas tingnan comfortable din ang mga upuan at lugar kaya maganda nga mag-aral dito. Ang liwanag pa ng mga ilaw bukod sa natural na ilaw sa labas.
"Yung pinsan mo pala... mahilig sa minimalism no?" tanong ko.
Tumingala siya at saka sumandal sa upuan.
"Yeah. She designed the interior actually."
Bahagyang umawang ang labi ko.
"Wow. Interior Designer siya?"
"Yup."
Mas lalo akong namangha sa paligid lalo na sa combination ng kulay. Puti at gold kasi yung combination. Napaka-unusual lang ng color-combination. Glass wall din lahat ng dingding kaya mas lalong maaliwalas. Ang hirap naman linisin nito.
"Mukhang ito na ang magiging usual tambayan mo," sabi ko at bahagyang natawa. Binalingan ko siya.
Nagkibit-balikat siya.
"If you want. Yeah we can hangout here."
Ngumuso ako at tipid na ngumiti na lang.
"Hey there, here's your breakfast! Buena mano kayo at kayo ang first costumer ha. Enjoy!" Nakangiting inilapag ni Blech yung isang tray sa harapan ko. Yung isang lalaki naman ang naglagay ng kay Teon.
"Salamat." Ngumiti ako sa kanya.
"Yeah, no problem! Anyone close to my cousin!" Halos hindi na makita ang mata niya pagkangiti niya.
Ang cute niya naman.
"Thanks, Blech."
"Welcome, cousin. Enjoy kayo ni Cassia."
At iniwan niya na kami. Usual breakfast lang naman yung handa. May bacon, hotdog at scrambled eggs. Namangha pa ako sa plating nila kasi parang yung sa mga cooking show na grabe kung mag-effort na para bang ija-judge? Ang ganda lang. Nakakabilib. May kape ring kasama yun na may nakalagay pang heart a pinakatuktok.
Napangiti tuloy ako.
"Now you're entertained."
Bahagya akong natawa.
"Ang ganda kasi." Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan muna iyon. Di naman ako pala picture at pala-post sa instagram pero ang ganda lang kasi talaga ng pagkaka-arrange. Nakaka-impress nga siya.
Napapost pa tuloy ako sa instagram.
Hindi lang sa looks maganda ha, gustong gusto ko rin yung timpla nila. Hindi ko alam kung magkano ito pero sure akong sulit na sulit ito sa mga bibili no. Sa sobrang sarap nga ay naubos ko agad.
Tiningnan ko si Teon. "Uy thank you sa paglibre sa akin dito,"sabi ko habang nilalabas ang mga libro ko.
May mga tao na ring pumapasok at as expected, nasulit nila ang unang beses nila sa shop.
"No problem." Ngumiti siya at saka kinuha ang yellow na highlighter ko. Umayos siya ng upo at tiningnan ako. "Let's review you first. I'll help you."
Sandali akong napatigil at napatitig sa kanya.
"Talaga?"
"Yep."
Napabuga ako ng hininga saka napangiti. "Salamat."
Marahan siyang tumawa. "It's nothing. Now, shall we get started?"
Tumango ako. "Sige."
Kagaya ng sinabi ni Teon ay tinulungan niya akong matapos yung readings. Tapos na naman daw kasi siya kaya okay lang. Bandang alas dose kami umalis doon. Saktong lunch kaya napagdesisyunan naming sa field na langnng Clarke kumain. First time namin doon kumain kaya ewan ko kung ano na naman ang trip ni Teon. Buti na lang may mga bench dito. At buti na lang din nagdala ako ng extra na kubyertos.
"Anong trip mo at dito tayo kumain?" tanong ko. Nagkibit-balikat siya.
"Nothing. Just wanna feel the cold breeze here."
"Okay. Ang weird mo talaga minsan."
Tumawa siya. Di ba? Ang weird. Napailing na lang ako at saka nagpatuloy sa pagkain. Tumingin ako sa patag na field sa harapan namin. Nakaka-refresh sa mata ang green. Kapagod kasing nakatutok ka lang palagi sa mga libro at papel.
Ang sarap talaga ng hangin. Sarap sigurong mag-picnic dito. Napailing ako. Pag si Fel sinabihan ko nito baka bukas naka-picnic na kami. Iba trip noon e. Actually silang apat. Akala ko talaga sobrang seryoso nila pero ang hindi alam ng iba ay weird talaga sila madalas.
Napabuntong-hininga ako at saktong nagbaling ako ng tingin kay Teon nang marinig ko ang isang pag-click ng camera. Agad akong nagkunot ng noo sa kanya pero mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin.
Magtatanong pa sana ako Nang cellphone ko naman ang tumunog. Ngumuso ako at saka kinuha iyon. Notification sa Instagram. E?
Halos namilog ang mga mata ko nang makita yung tinag na post ni Teon at yung comment ni Fel.
giovanni.e: smile
Nakapost yung picture ko kanina sa cafe habang tuwang tuwa kong kinukuhanan ng picture yung breakfast namin. Hala siya?
Dumako ang tingin ko sa comment ni Fel.
felechevarria: ohmygod! Where is this? And omg! 😂😍
Umawang ang labi ko at agad na nilingon siya.
"Teon baki-"
"Hey, I need to fetch something from the printing shop. Meet you at the classroom." Nginitian niya ako at saka ginulo ang buhok ko bago madaling tumayo at naglakad palayo.
Hala siya. Kita mo yung isang yun! Iniwan ako!
~***~
"Nice comeback, huh." Nakangising sabi ni Teon sa akin nang palabas kami ng Crim Classroom.
Nginitian ko lang siya.
"Salamat sa pagsama sa aking mag-review at saka pagtulong na rin," sabi ko.
Ngumiti rin siya at ginulo ang buhok ko. Ngumuso ako. Hilig niyang mangialam ng buhok ng may buhok talaga e.
"Nah, you're already good."
Ngumuso lang ako sa kanya. Tumawa naman siya.
"Hey! Dinner tayo?" Lumingon si Fel sa akin.
Nagkibit - balikat ako. "Kayo. Saan?"
"Hmm. Actually, I'm thinking of something new. Let's eat sa karinderya near your apartment?" nakangising sabi niya.
"Ha? E mag-aalas diyes na. Di ko alam kung bukas pa sila tsaka bakit gusto mo roon?"
"Hmm nothing. Just wanna try. Ang daya! Teon tried it na!" Lumabi pa siya.
Napakamot na lang ako sa ulo. Tiningnan ko si Teon pero tumawa lang siya. Iba na naman ang trip ni Fel. Hay nako. Bukas pa naman kaya yun?
"Hey, what's up! Late dinner? Damn I'm famished," reklamo ni Flynn. Si Adolf ay umakbay kay Fel na nakanguso pa rin sa akin.
Napabuntong-hininga ako.
"Sige, pero pag sarado na, uhm take out na lang kayo?" nag-aalangang tanong ko pa.
Umangkla si Fel sa akin. "I have faith they're open pa!" maligayang sabi niya at saka hinila na ako paalis doon. Wala na rin akong nagawa kundi magpatianod sa kanya.
Naglakad lang kaming lima patawid. Si Fel pa nga nauna sa karinderya. Luckily, bukas pa iyon pero syempre halos wala ng ulam kasi mukhang pasara na rin sila.
"Oh my! Barbecue! I love this!" Agad na tumakbo si Fel sa nakahilerang bbq sa gilid.
"Uy, Cassia, hello!" Kinawayan ako ni Ate Ina. Kumaway rin ako sa kanya at lumapit sa may counter.
"Hi po. Uhm kakain po kami ng mga kaibigan ko. Pwede pa po ba?"
"Aba, oo naman! May barbeque pa naman diyan. Pili lang kayo. Serve ko na lang."
"Sige po, salamat."
Bumaling ako sa may display ng bbq at nandoon na nga silang apat, kanya kanya na nang kuha ng mga orders. Napailing ako at lumapit na rin sa kanila at nakikuha na rin. Actually, inubos na nila yung stocks kaya naman tuwang tuwa rin sina Ate Ina.
Habang niluluto ang mga iyon ay naupo kami sa may malapit sa kalsada. Medyo marami rami pa ang sasakyan pero maluwag na naman ang daan. Magkatabi kami ni Teon tapos silang tatlo sa tapat namin.
Nagkukwento si Adolf tungkol sa upcoming frat party raw. Hindi ako nakisali pero nakikinig ako. Ilang sandali lang ay dumating na rin yung mga orders namin. Masayang masaya pa sina Fel at Adolf na agad nilantakan yung mga barbeque. Ang cute pa nga tingnan ni Fel.
"Ouch! Adolf, ano ba. That's mine!" sigaw pa ni Fel nang kagatan ni Adolf barbeque niya.
Natawa ako. Ang kulit talaga ng dalawang to. Humalakhak pa si Adolf dahil inis na inis si Fel. Napailing ako at kumuha ulit ng isang stick. Pakagat na ako nang bigla akong kalabitin ni Teon.
"Bakit?" tanong ko.
Sandali siyang napatitig sa akin tapos ay may kinuhang tissue. Kumunot pa ang noo ko pero agad akong natigilan nang dumampi iyong tissue sa may gilid ng labi ko. Napatanga ako sa kanya. Nagkatitigan kami at para akong natulala sa kinauupuan ko. Hindi ko alam pero para akong lumulutang habang nakatitig siya sa aking mga mata. Parng huminto ang oras at parang nag-slow mo lang lahat.
"Ehem."
Napakurap-kurap ako at agad na napaiwas ng tingin nang marinig iyon. Naramdaman ko ang mga titig nila ni Fel kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Tumikhim ako at iniyuko na lang ang mga tingin. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa amin. Nakagat ko ang aking labi.
Cassia! Ano naman yun! Kinagat ko ang aking labi at saka kumain na lang. Nakakailang! Ang tahimik pa tsakaa ang awkward.
"Hmm. So I think you two will tell us naman if there's something to tell di ba?" Dinig kong sabi ni Fel. Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin.
Bahagya akong nag-angat ng tingin.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ko.
Tumaas ang kilay niya tapos ay binlaing kay Teon ang tingin. Bahagya rin aking napatingin tuloy sa kanya pero agad din naman akong nag-iwas ng tingin.
"Well, about your hangouts and the picture."
"Ohhh. Oo nga bro, baka may gusto kang sabihin." Dinig na dinig ko yung pang-aasar sa boses ni Adolf.
"Tss. Shut up." Dinig kong sagot naman ni Teon.
Mas dumiin ang pagkakakagat ko sa aking labi. Humigpit ang kapit ko sa kubyertos ko.
"Hmm but I guess they'll tell us naman guys if meron," Si Fel ulit. Hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin.
Dinig na dinig ko ang mga kantyawan nina Adolf tapos ang inis na boses ni Teon.
Napalunok ako lalo na nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Hala siya. Ano ba to?! Nakakailang!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top