Chapter 9
Chapter 9: Do It By Yourself
Napatigil ako sa pagbabasa ko at napatingin sa isang lalaking pumasok sa library, I thought it will be just me and Namjoon the whole time since it's weekend kaya hindi naman talaga ako nag-eexpect na may pupunta pa dito.
I looked at the guy who just walk in, padabog siyang umupo sa harapan ko. I just rolled my eyes bago ko binalik ang pagbabasa ko pero kahit limang beses ko na yatang binasa ang isang sentense ay hindi iyon pumapasok sa isip ko dahil sa prisensya ng lalaking nasa harapan ko.
Ang dami naman kasing upuan dito bakit sa harapan ko pa ang napili niya, nananadya ba siya?!
Nagkatinginan kami ni Namjoon, siguro ay maski siya ay nagtataka kung bakit nandito din si Jungkook.
"Dude, what are you doing here?" Lumapit si Namjoon kay Jungkook at umupo rin siya sa harapan ko.
Oh great! Dito pa talaga sila sa harapan ko magkukwentuhan.
Sinarado ko ang binaba kong libro bago tumayo, binalik ko ang binabasa kong libro sa pwesto noon, I think nawalan na ako ng ganang magbasa. Uuwi nalang ako sa amin.
"Sa tingin mo may relasyon si Yoongi hyung at si Teacher Deighn?"
Natigilan ako sa sinabi ni Jungkook, anong sinabi niya? May relasyon si Teacher Deighn at si Yoongi? Is he freaking kidding me? Ikakasal na siya sa kapatid ko and besides... Teacher namin si Ms. Deighn.
"Bakit mo naman natanong yan Jungkook? Napakaimposible naman ng sinasabi mo."
Yeah, Namjoon is right. Napaka-imposible talaga ng sinasabi niya, baka naman gumagawa nalang siya ng kwento dahil maski siya ay nagkaroon ng issue dati na may relasyon sila ni Teacher Deighn.
"Yun nga! Napaka-imposible!" Pag-amin niya sa sarili niya.
Napailing nalang ako, napaka-nonsense kausap ng isang 'to. Mabuti pa ay umuwi nalang ako sa amin kaysa ma-stock ako sa iisang lugar kasama ang isang 'to.
"Ikaw Tiffy, anong sa tingin mo?"
Napatigil ako sa paglalakad ko at napatingin sa kanya, he's looking intently on me, para bang may gusto siyang iparating gamit ang tingin niya pero hindi ko makuha kung ano ang gusto niyang sabihin.
"Does my point of view matter?"
Tiningnan ko siya ng masama bago ako umalis at talikuran siya. I almost get out of balance ng bigla niyang hilahin ang damit ko! Sa dami niyang pwedeng hilahin bakit damit ko pa ang naisipan niya?!
Tinabig ko ang kamay niya dahil sa sobrang inis ko, tiningnan ko siya ng masama habang siya ay walang emosyon na nakatingin sa akin.
"Kapatid ka ni Tyron di ba?"
"And so?"
"Of course, your point of view is important."
I rolled my eyes, bakit ba kaylangan niya pa akong tanungin? He's just making a damn story at isa pa, wala namang magagawa ang pag-gawa ng kwento niya, kahit anong gawin niya hindi na matitigil ang kasal na iyon.
I know how much my brother loves that girl.
"If my point of view is important, then your point of view is not. Sino ka ba para pakealaman sila? Pabayaan mo nga sila."
Pagkasabi ko noon ay umalis na agad ako pero naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin, why is he tailing me? Tumigil ako sa paglalakad para tingnan siya pero tumigil din siya ng makita niyang tumigil ako.
"What's your problem?!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Do you know that Teacher Deighn will be our representative in House of Cards?" Bigla niyang tanong sa akin.
I didn't know na sasali pala ang section namin sa House of Cards at mas lalong hindi ko alam na si Teacher Deighn ang magiging representative namin, oh baka naman gumagawa lang siya ng kwento?
"Why are you always talking about Teacher Deighn? May gusto ka bang iparating?"
Nakita kong napalunok siya dahil sa sinabi ko, got you! Napailing ako habang pinagmamasdan ko siyang hindi alam ang sasabihin sa akin.
"Do you want me to stop my brother's wedding?" Tinaas ko ang kilay ko bilang panghahamon sa kanya pero mas lalo lang lumalim ang tingin niya sa akin.
"Is that what you want?" Napatalim ang tingin ko sa kanya pero walang siyang kibo sa mga tanong ko.
I rolled my eyes, mukhang wala siyang balak sagutin ang tanong ko. Tinalikuran ko nalang siya bago ako patuloy na naglakad, wala naman pala akong mapapala dito.
"Oo."
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Nakatingin siya ng diretso sa akin na para bang hinihintay niya ang reaksyon ko. I chuckled, look at this coward guy who wants me to do what he wanted to do.
"Then do it by yourself."
Tinalikuran ko nalang siya at hindi na muling humarap kahit tinatawag niya pa ang pangalan ko, I also heard Namjoon asking why is he shouting my name. Diretso lang ang lakad ko hanggang sa mapatingin ako sa malayo.
House of Cards with Teacher Deighn? That's a good idea.
"Pst!"
Napakusot ako ng mata ng may marinig ako, naramdaman kong may mabigat na nakadantay sa akin kaya naman napatingin ako sa likod ko.
Halos mapabaliktad ako ng makita ko si Jimin na nakayakap sa akin mula sa likuran. Pinagtutulak ko siya dahil sa gulat ko. Kakagising ko lang ay nandito na agad siya?!
Narinig ko ang halakhak niya ng makita niyang hindi maipinta ang aking mukha. Punyeta talaga nitong si Jimin! Porket binigay ko lang sa kanya ang isang susi ko sa apartment ay bigla-bigla nalang siyang papasok.
"Bwisit ka! Umalis ka nga diyan sa kama ko!" Pinaghahampas ko siya ng unan pero tumatawa lang siya habang sinasangga ang kamay niya sa unan.
"Ang aga mo namang mang-inis?!"
Inayos ko ang buhok ko dahil naalala kong kakagising ko lang, tumawa siya ng makita niyang nako-conscious ako sa hitsura ko. Napatigil ako sa pag-aayos ko bago ako nagtatakbo diretso sa banyo.
Bwisit naman neto kasi! Kakagising ko palang ay nandito na siya at isa pa! Anong ginagawa niya sa kama ko? May nalalaman pa siya ganoon! Pwede namang kurutin nalang niya ako sa pisngi para magising ako at hindi iyon makikihiga pa siya sa kama ko para lang yakapin ako!
Nang makapag-ayos na ako sa loob ng banyo ay ilang beses ko pang sinigurado na malinis na ako, baka nyan ay may tulong laway pa ako.
"Ang tagal mo namang mag-ayos."
Muntik na akong matalon dahil sa gulat ng bigla siyang pumasok sa banyo. Wala talagang privacy ang isang 'to!
"Hoy Jimin! Doon ka na nga sa sala!" Inis na sabi ko sa kanya bago ko siya tinulak papalabas ng banyo.
"Okay lang naman sa akin kahit anong hitsura mo eh, masyado ka namang nagpapaganda para sa akin." Natatawang sabi niya.
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya, excuse me? Ilang taon na kaming dalawa, hindi ko na kaylangan pang magpaganda para sa kanya!
Pero deep inside sa akin ay totoo ang sinabi niya. Kaya naman inirapan ko nalang siya bago ako lumabas ng banyo.
"Bakit ba ang aga mong mangbulabog?!" Singhal ko sa kanya.
"Hindi pa ako kumakain eh."
Nakita kong nagpapacute pa siya sa akin sa gilid na parang isang batang nawawala. Hay nako Jimin! Porket tinatablan lang ako ng pagpapa-cute mo ay inaaraw-araw mo na.
"Wala akong pagkain Jimin, alam mo namang bumibili lang ako ng mga lutong ulam dyan--"
Napatigil ako sa pagsasalita ko ng bigla niyang itinaas ang limang plastic bags na puro groceries ang laman.
"Bumili na ako ng groceries natin para sa isang buwan."
Nakangiti siya habang inilalabas niya ang mga pagkain doon ay inaayos sa lalagyanan habang ako naman ay nakanganga lang ako habang pinagmamasdan siya.
"J-Jimin, hindi ko matatanggap yan."
Agad akong lumapit sa kanya bago ko binalik sa plastic bags ang mga pinamili niya pero pinigilan lang niya ako agad.
"Para sa atin 'to, maaga akong pupunta dito para matikman ko palagi yung luto ng girlfriend ko tuwing umaga tapos kapag uwi ko galing school dito na ako didiretso para ipagluluto mo ulit ako ng hapunan, hindi ba magandang ideya yun?"
Nilapitan niya ako bago niya binalik ulit ang mga pagkain at inayos.
"Alam kong hindi mo tatanggapin yan kapag ibibigay ko nalang sa iyo basta-basta, kaya naman as exchange of that. Ipagluluto mo ako gamit 'tong mga pinamili ko. Ayos ba?" Nakangising sabi niya sa akin.
"Pero Jimin--"
Bigla niyang isinuot ang apron sa akin kaya naman halos mapaurong ako, nagmukha tuloy niya akong niyayakap dahil itinatali niya ang apron habang nasa harap ko siya.
"Hindi ako tumatanggap ng hindi, kaya naman ipagluto mo na ako."
Napatitig nalang ako sa kanya dahil alam ko namang mahirap makipagtalo sa kanya, napabuntong hininga nalang ako bago ako nagsimulang kunin ang mga gagamitin kong ingredients para sa lulutuin ko.
Nakita kong ngiting-ngiti siya habang pinagmamasdan akong nag-aayos ng gamit, nang inilapag ko na ang chopping board para makapaghiwa ng sibuyas ang naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.
Napairap ako dahil sa ginawa niya pero hindi ko mapigilan ang pagngiti ko habang patuloy ako sa paghihiwa ng sibuyas. Kahit umagang-umaga ang bango nitong si Jimin.
"Pagkagraduate natin, magpakasal agad tayo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagtawa ko, para bang napakasigurado na niya na ako na ang papakasalanan niya.
"Nako Jimin, ang daming babae diyan--"
"Ayan ka na naman eh! Binubugaw mo na naman ako sa mga babae diyan." Naramdaman kong kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin sa likod dahil sa sinabi ko.
Natawa nalang ako at hindi ko na pinansin ang pagtatuntrums niya pero siya din naman ang hindi nakatiis dahil niyakap niya ulit ako kahit na alam kong nakabusangot na ang mukha niya.
Napatingin ako sa reflection ko sa salamin, napangiwi ako sa weird na apron na suot-suot ko. Lagi ko nalang naaalala si Jimin sa kahit anong bagay, palagi nalang nagpa-flashback sa akin yung mga memories naming dalawa.
Ganoon ba talaga kapag hindi ka pa nakakamove on? Posible ba na ikaw ang nakipagbreak pero ikaw ang hindi makamove on? Napatitig ako sa apron, It's cute pero sa tingin ko ay hindi siya bagay sa isang tulad ko na matangkad, nagmumukha lang akong anime character na masungit na napilitang magsuot ng isang maid costume dahil sa isang school event.
Naalala ko na naman si Jimin dahil lang sa apron, tss!
Napangiwi ako bago ko itinali ang buhok ko at nagsimula na ulit maglinis ng lamesa, napatigil ako sa paglilinis ng maalala ko si Ate Deighn.
Napapayag na kaya niya yung walking harina na iyon?
Napatingin ako sa pinto ng may pumasok na costumer, bahagya akong yumuko sa kanila bago ko kinuha ang menu sa counter at inabot iyon sa costumer.
Medyo maaga pa kasi para sa mga costumer, may isa ulit pumasok na costumer na mukhang estudyante kasi may dala siyang laptop, kapag nga naman mayaman ka no? Pwede kang gumawa ng project kahit sa isang coffee shop.
Inasikaso ko ang ilang costumer ngayon, actually tatatlo lang naman sila kaya naman magaan lang ang trabaho ko.
Napatingin ako sa pinto ng tumunog muli ang chimes and there, I saw Tiffy walking towards somewhere na medyo gawing dulong upuan, hindi niya siguro ako napansin kaya naman nagkibit balikat nalang ako bago kinuha ang menu at inabot sa kanya, bahagya akong yumuko ng inabot ko iyon.
"Isang Caramel Macchia-- Djermayne?" Napatigil siya sa pagsasalita niya at napatingin sa akin, actually dumalawang tingin pa siya bago niya narealize na ako 'to.
"Ikaw may-ari neto?" Napatingin siya sa buong coffee shop at napailing naman agad ako.
"Nagtatrabaho ako 'to as part time job."
Tumango siya sa akin na para bang may malalim siyang iniisip bago niya tinuloy lahat ng sasabahin niya, tumunog ang chimes kaya naman napatingin ako doon and then I saw Ate Deighn na para bang nakakita na multo at tumakbo ng napakalayo kaya namumutla siya.
Or nahawa na siya sa pamumutla ni Yoongi?
"Ate Deighn!" Tawag ko sa kanya, napangiti siya sa akin pero tumagos ang tingin niya sa likod na naging dahilan para mawala ang ngiti niya.
"Nagtatrabaho din siya dito ng part time job?" Tanong sa akin ni Tiffy na naging dahilan para mapailing ako.
"Siya ang may-ari neto." Sabi ko.
Napakunot ang noo niya na para bang may iniisip na malalim, pati ako ay hindi ko na namalayan na nakalapit na pala sa akin si Ate Deighn.
"Anong ginagawa mo dito Tiffy?" Tanong ni Ate Deighn.
"Napadaan lang ako kasi bagong bukas daw, I didn't know na dito pala nagtatrabaho si Djermayne at ikaw... pala ang may-ari neto."
Napatingin ako kay Tiffy, she sounds like she's only talking on someone with the same age as her. Napa-irap tuloy akong bigla dahil sa inaasta niya.
"Ganoon ba? Oh sige." Ngumiti siya kay Tiffy bago humarap sa akin.
"Djermayne mauna na ako sa loob ha?" Aniya bago ako tinapik sa balikat ko.
Tumango nalang ako sa kanya as response bago ko siya sinundan ng tingin hanggang sa makapasok sa loob ng kitchen.
"House of Cards."
Nagpintig ang tenga ko sa biglang sinabi ni Tiffy, napatingin agad ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin ngayon.
"Is it true na sasali ang section natin sa House of Cards?"
Nakarating na agad sa kanya ang balita? Sino naman kaya ang nagbalita sa kanya kung ang totoo niyan ay si Jungkook at si Yoongi palang ang inaasikaso ko.
Tumango ako sa kanya.
"Is it true na si Teacher Deighn ang magiging representative natin?"
Natin? What she mean by natin? Sasama siya? So it is a domino effect? Kapag sumama si Teacher Deighn at sasama din siya? What's next? Sasama si Taehyung dahil sa kanya? Well, that's a good idea.
"Oo, bakit mo natanong?"
"Wala lang."
Napatitig ako sa kanya na mukhang malalim ang iniisip, nagkibit balikat nalang ako bago ko kinuha ang order niya at inabot iyon sa kanya.
Halos mag-iisang oras na pero hindi pa rin umaalis si Tiffy sa kinalulugaran niya, napatingin ako sa ilang mga costumer na nag-aalisan na. Sinilip ko pa ulit si Tiffy na may katext yata kaya hindi pa rin umaalis.
Hindi ko ba alam pero pakiramdam ko ay naa-awkwardan ako sa prisensya niya. Tiningnan ko si Ate Deighn sa loob at nakita kong nakatulala lang siya habang kinakagat niya ang kuko niya sa kamay, napatingin ako sa binebake niyang cake ng umamoy itong bigla.
"Ay shet!" Sigaw ko at agad akong nagmadali para isarado ang kalan.
Bigla siyang bumalik reyalidad ng makita niyang muntik ng masunog yung cake ng ginawa niya, inalis ko iyon sa oven habang siya ay hindi mapakali.
"Anyare Ate Dei?" Tanong ko sa kanya.
Napatitig lang siya sa akin bago napangiwi, napabuntong hininga ako bago ko tiningnan ulit na mukhang ang lalim pa rin ng iniisip, ano na naman kayang problema nitong si Ate Dei?
"Okay ka lang ba Ate?" Tanong ko sa kanya bago ko sinalat ang leeg niya, nakita kong bahagya siyang nagulat dahil sa ginawa kong paghawak sa leeg niya.
"O-Okay lang ako." Aniya bago inayos ang buhok niya at nagsimula ulit kumuha ng mga gagamitin sa lulutuin niya, napabuntong hininga ako bago ko kinuha ang mga asukal na binuhos niya halos.
"Ako nalang gagawa niyan Ate Deighn magpahinga ka na muna. Mukhang ang lalim ng iniisip mo eh."
Napatitig siya na naman sa akin hanggang sa marinig kong tumunog ulit ang pinto hudyat na may pumasok na namang costumer.
"Diyan ka lang, wag ka munang gumalaw ng kahit ano wa? Baka masayang pa 'tong mga 'to eh." Sabi ko habang tinuturo ko sa kanya ang mga gamit sa pag-gawa ng cake.
Napabuntong hininga nalang siya bago tumango sa akin, para tuloy ako na ang boss dito eh. Napailing nalang ako bago ako lumabas para tingnan kung sino ang pumasok.
Napatalikod agad akong bigla ng makita ko si Jimin na nakatayo sa harap ng counter.
"Djermayne!"
Napapikit ako ng mariin ng tawagin niya ang pangalan ko, kumuha muna ako ng lakas ng loob sa kung saan man bago ko siya harapin ulit ng naka-poker face na.
"Anong order mo?" Cold na tanong ko sa kanya.
"Uhmm... Pwede bang ikaw?"
Napatigil ako saglit bago ako muling nabalik sa reyalidad, bahagya akong umubo para mawala ang nagbabara sa lalamunan ko.
"Mukha ba akong tinda dito ha?" Kunwareng inis na tanong ko sa kanya.
"Eto naman di mabiro eh."
Nagpacute pa siya sa akin kaya naman umirap nalang ako para mawala ang tingin ko sa kanya at hindi ako tuluyang mamula dahil sa ginagawa niya.
"Alam mo kung hindi ka-oorder umalis ka nalang, sinasayang mo yung oras ko eh."
Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya ng sabihin ko iyon, parang nanikip ang dibdib ko ng makita kong nasaktan siya sa sinabi ko, para tuloy gusto ko ng bawiin lahat ng sinabi ko para naman bumalik na ulit siya sa pangungulit sa akin pero pinigilan ko yung sarili ko.
Umubo siya saglit bago tiningnan ang menu, sinabi niya sa akin ang mga oorderin niya bago siya nagbayad at naglakad papaalis.
Nakita kong nagtungo siya sa harap ni Tiffy kaya naman napanguso ako ng makita kong ngumiti siya kay Tiffy bigla ng magtama yung mata niya, bahala nga siya!
Padabog kong kinuha ang order niya at padabog ko din iyong inilagay sa table nilang dalawa. Bakit sila nagkita?! Ano ba sila!? Nililigawan ba siya ng bansot na 'to ha?!
Halos tumirik ang mata ko kakairap sa kanilang dalawa pero ng makita kong naglabas ng notebook si Jimin ay bigla kong naalala na silang dalawa ang magkapartner sa project namin sa isang major subject.
Kaso halos manlumo ulit ako dahil hindi ko alam kung nagawa na ba ni Namjoon ang assignment namin, may tiwala naman ako sa kanya dahil sa pagkakaalam ko ay mas matalino daw iyon kaysa sa akin. Well, ginawa ko naman na yung kalahati, siya na bahala sa iba. Kasalanan na niya yun kapag di niya natapos.
Patuloy lang ako sa pag-serve sa mga costumer na dumadating, panay ang tingin ko pa kay Jimin kada madadaan ako sa kanila pero hindi niya ako binabalingan ng tingin, masyado siyang focus sa ginagawa nila ni Tiffy.
Hindi ko alam kung bakit kahit alam kong project ang ginagawa nilang dalawa ay naiinis pa rin ako, wala naman akong karapatang mainis dahil hindi naman na kami pero naiinis pa rin talaga ako! Hindi ko naman siguro kasalanang mainis di ba? Di ba?!
"Djermayne?"
Napatingin ako kay Ate Deighn na biglang sumulpot sa gilid ko.
"Kumain ka na ba? Anong oras na oh!" Sabay turo niya sa wall clock.
Hindi ko na pala napansin ang oras dahil wala akong ibang ginawa dito kundi ang tingnan si Jimin at patayin ang sarili ko sa selos, napabuntong hininga nalang ako bago ko pumasok sa loob.
Nakita ko ang inihanda ni Ate Dieghn na pagkain para sa akin, napangiti ako dahil ngayon lang ulit may nagprepare ng pagkain para sa akin. Kahit yata ang pagkain ko ay naging mabagal dahil sa kung ano-ano ang gumugulo sa isip ko.
Napatitig ako sa mga binake ni Ate Deighn na sunog na cake, nakakailang sunog na ba siya? Pinuntahan ko iyon at nakita ko isa-isa. Ang daming nasayang na pagkain dahil lang dito.
Sinilip ko si Ate Deighn na nasa counter na nakatulala na naman. May problema talaga 'tong isang 'to eh. Nilapitan ko siya at nakita kong nanlaki ang mata niya ng makita niya ako sa gilid niya, para bang nakakita siya ng multo.
"Oh anyare Ate Dei?" Tanong ko.
"W-Wala! Nabigla lang ako kahit bigla kang sumulpot diyan."
Wow! Ako pa ang biglang sumulpot? Eh tulala lang talaga siya kaya hindi niya ako napansin. Napatingin ulit ako sa pwesto ni Jimin at nakita kong tumatawa siya habang si Tiffy ay tahimik lang na nagsusulat.
Pagkatapos ng ilang oras ay tapos na sila sa ginagawa nila dahil nakita kong nagliligpit na sila ng gamit, napatingin pa sa akin si Jimin bago sila lumabas ng coffee shop habangg si Tiffy naman ay diretso lang ang tingin.
Ihahatid ni Jimin si Tiffy?
Eh ano naman sa akin! Pake ko ba? Di ba? Wala naman akong pake! Akala naman nila! Tss!
Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakatulala simula noong umalis si Jimin at si Tiffy, hindi man lang nagpaalam sa akin si Jimin... teka! Bakit naman siya magpapaalam sa akin?! Bahala nga siya sa buhay niya!
Nahahawa na yata ako kay Ate Deighn na kanina pa rin tulala at pabalik-balik ang tingin sa cellphone niya, napatingin ako sa labas at nakita kong hindi na pala namin napansin na hapon na at malapit ng mag-gabi.
Kokonti nalang ang costumer ngayon dahil hapon na, usually kasi ay mas marami talagang pumupunta sa coffee shop na 'to kapag mga alas tres palang.
Nakatingin lang ako kay Ate Deighn na kanina pa nakatingin sa malayo pagkatapos ay bigla nalang magtatantrums ng walang dahilan, kung ibang tao ang makakakita sa kanya ay baka isipin ng nababaliw siya.
Lumapit ako sa kanya para sana kausapin siya ng makita kong nagba-vibrate ang cellphone niya at nakalabas doon ang pangalan na Suga. Napatingin ulit ako sa kanya mukhang hindi niya napapansin na nandito na ako sa tabi niya dahil nakatulala lang siya sa cellphone niya na nag-iingay.
"Hindi mo ba sasagutin yan?" Tanong ko.
Nakita kong nagulat siya sa biglang pagsasalita ko, kanina pa siya lutang eh. Hindi ba niya napapayag si Yoongi? Nag-away ba sila? O ano naman kung nag-away sila? Bakit mag-ano ba sila?
Ang daming tanong sa isip ko pero hindi nalang ako nagsalita dahil baka sabihan pa niya akong chismosa, napabuntong hininga siya bago niya kunin ang cellphone niya at sagutin iyon.
"H-Hello?" Aniya.
Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya, yung kanina malungkot na mukha ay ngayon ay napalitan ng pagkunot ng noo.
"Nasan ka?!" Tumaas ang boses ni Ate Deighn kaya bahagya akong umurong, baka mabuwisit 'tong si Ate Deighn kay Yoongi ay baka sa akin pa ibuhos yung galit at bigla akong pagsasabunutan dito, maganda na yung nag-iingat.
"Shit! Dyan ka lang! Wag kang lalabas!" Nakita kong natataranta na si Ate Deighn kaya naman mas lalo akong napaurong.
Nang ibinaba niya ang tawag ay bigla siyang pumasok sa loob kaya naman sinundan ko siya ng tingin, paglabas niya doon ay inabot niya sa akin ang mga susi na hindi ko alam kung para saan.
"Djermayne, mauna na ako ha? Ikaw nalang ang magsara nitong coffee shop."
Ahh, okay-- TEKA ANO DAW?!
Bago pa ako makapagsalita ay nakita ko na siyang nakalabas sa coffee shop at nagtatakbo, bakit iniwan niya sa akin 'tong coffee shop?!
Napatingin ako sa labas at nakita kong madilim na sa kalsada, ano yun?! Ganun nalang yun? Ako magsasara nito? Napakalaki naman ng tiwala nitong si Ate Deighn sa akin, papaano kung masunog ko 'tong coffee shop na 'to? Hays ewan!
Nagkibit balikat nalang ako bago ko sinilip muli ang labas ng coffee shop.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top