Chapter 8

Note: First of all, Sorry SinB and Yuju. Hindi ko kayo gustong sabihan ng masama dito. Love ko kayong dalawa promise! Kaylangan ko lang talaga ng dalawang makaka-away ni Sowon baby. Next is hindi talaga ako nagmumura pero si Suga, nagmumura siya. Medyo cencored yung bibig ni Suga dito. Sorry na agad sa mga mag-babasa na hindi sanay nakakarinig o nakakabasa ng mura. PS. Huwag tularan. Lastly, pagkatapos nyong basahin ng chapter na 'to sino gustong sumama sa akin abangan si Deighn sa kanto? De joke lang. ^__^

--

Chapter 8: First Love

"Gusto ko yung first date natin sa sementeryo"

"Huh? Bakit naman sa sementeryo? Di ka ba natatakot?" Tanong sa akin ni Jimin.

"Bakit naman ako matatakot? Kaya nga gusto ko doon dahil tahimik, wala akong ibang maririnig kundi yung tibok lang ng puso nating dalawa." I winked at him.

"Bakit di nalang sa kwarto? Tapos isarado natin yung pinto para wala ding ingay, maririnig din natin dun yung tibok ng puso natin." He winked at me.

Biglang nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya, what a pervert.

"Eh kung palunukin kaya kita ng Stethoscope Jimin?!" Tinaas ko pa ang kamao ko para makita niya iyon.

"Eto namang gilrfriend ko hindi na mabiro, halika nga dito. Alam mo namang sobra ng laki ng respeto ko sa iyo kaya nga kahit kiss dito wala pa eh." Sabay hawak niya sa labi ko. Hinampas ko ang kamay niya kaya naman napangiwi siya at dahil hindi pa ako nakontento sa pang-gigigil ko sa kanya kaya naman kinurot ko ang singit niya dahil sa ginawa niyang paghawak sa labi ko.

"Napakakorni mo!" Sabi ko.

"Aba! Nagsalita ang hindi korni, kamusta naman ang sementeryo pick up line mo?" Pang-aasar niya sa akin.

"Wag mo na ngang paalala!"

"Tara dahil kunware kinilig ako dyan sa pick up line ming baduy iki-kiss kita sa cheeks dahil di pa pwede sa lips."

Nang maramdaman ko ang yakap niya ay napangiti ako bago dahan-dahan akong pumikit para hintayin ang pagdapo ng labi nya sa aking pisngi hanggang sa...

*Tok!*

"Aray ano ba!" Sigaw ko kay Rigelle dahil bigla niya akong kinutusan. Napakamot tuloy ako doon.

"Kanina ka pa tulala dyan! Ano ba yang iniisip mo?" Singhal niya sa akin.

"Wala!" Awkward akong napaiwas ng tingin.

Naalala ko na naman si Jimin, palagi nalang ganyan. Tuwing natutulala ako ay naalala ko yung mga memories namin, pakiramdam ko tuloy ay nagiging hopeless romantic ako.

"Pwede mo namang hingin sa akin yung picture ni Jimin, imbes na nakawin mo."

Agad nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, what the hell?! Nakita niya akong kinuha ko ang picture ni Jimin?

Magpapalusot na agad ako ng bigla siyang nagtanong sa akin.

"Why do you love Jimin that much?"

Nawala ang gulat ko sa mukha bago ako napangiti sa tanong ni Rigelle, papaano ko ba sasagutin iyon? May tama bang sagot sa tanong nya?

"I don't know exactly why I love him." I smiled.

"But I remember the moment I saw him for the first time, that was the moment that I fell for him."

Napakurap si Rigelle habang nakatingin sa akin ng seryoso, sumimsim siya ng juice sa kanyang bago habang nakaupo kami sa gilid ng kanyang kama at nakasandal doon.

"So it was love at first sight? Possible ba yun? I've been in love to Jin for almost 10 years pero hindi iyon love at first sight." Rigelle said.

She brings up my brother again, napailing nalang ako bago ko kumuha ng panibagong nachos sa harapan namin.

"It was not love at first sight na kagaya sa mga telenovela. Jimin is a kind-hearted guy, sa lahat ng taong nakilala ko siya ang pinakamabait sa lahat."

Napangiti ako ng maalala ko yung mga nangyari, I can't believe that i'm actually telling this to Rigelle.

"I know that you already know that i'm just an illegitimate child. Ang mommy ni Jin ang tunay na asawa ng daddy niya while my mother is just... A third party." I smiled bitterly.

"Hindi lang sa isang lalaki kundi sa dalawa, hindi lang ang pamilya ni Jin ang sinira ng mama ko, pati na rin ang ibang pamilya but I loved my mother so much, 12 years old ako noong nalaman kong hindi pala totoong asawa ni Papa si Mama, may nauna palang asawa si Papa at iyon ang Mommy ni Jin, namatay ang mommy ni Jin dahil sa sobrang galit sa papa niya dahil sa pangangaliwa na ako ang naging bunga."

Tiningnan ko si Rigelle na tahimik na nakikinig sa akin.

"Kaya ko nalaman iyon dahil may isang babae ang sumugod sa bahay namin, we used to be happy family, ako, si Jin, si mama at si papa. Wala kaming alam ni Jin na hindi kami buong magkapatid dahil bata pa siya noon kaya di niya din alam until eto na nga. May pumuntang babae sa bahay namin, she looks like the same age with my mother. May pinakita siyang picture kay Papa at sa amin ni Jin, it's a picture of my mother with another guy at hindi iyon itinanggi ni Mama hanggang sa nalaman kong kabit lang pala talaga ni Papa si Mama bago mamatay ang Mommy ni Jin."

"And now my mother is ruining another family. Umalis ako sa bahay noon because i'm embarrassed pero noong nalaman ko na nasa may sakit si Mama ay nawala lahat ng galit ko sa kanya, nalaman ko na hindi niya talaga mahal ang Papa ko, naano lang daw siya ng papa ko and then after knowing na buntis siya ipinaglaban niya ako dahil gusto niya akong mabigyan ng magandang kinabukasan. My mother's first love is a guy who's already married kaya naman naging kabit siya. She really loves him pero hindi ko talaga maintindihan but I can't deny that i love my mother so much kahit siya pa ang maging pinakamakasalanang tao sa mundo."

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"I was so depressed that time, namatay ang mama ko sa tabi ko ng hindi man lang ako tinutulungan ni Papa dahil masama ang loob niya kay Mama. I am the only one who was with my mother when she died, idagdag mo pa na kumalat ang chismis na anak daw ako ng pokpok at kung ano-ano pa. Binabastos na din ako ng mga lalaki sa school because they think that i'm a slut. Kaya pinagtangkaan ko ng tapusin na ang buhay ko noon sa tulay."

Napayuko ako at napayakap sa tuhod ko ng maalala ko iyon.

"Oh my gosh! Why?!"

"Hindi ko rin alam Gelle, nababaliw na ako noon. Wala na ako sa tamang pag-iisip noon, pero hindi ko natuloy ang pagpapakamatay ko, thanks to Jimin. Noong tatalon na ako sa tulay ay pinigilan niya ako even though di namin kilala ang isa't isa noon. Hinawakan niya ako sa kamay and he said miss wag kang magpakamatay hindi ko alam kung bakit mo gustong tumalon pero alam kong malalagpasan mo rin yan. After he said that tsaka palang pumasok sa isip ko ang lahat ng mali ko, I'm not crying that time pero I was broken inside. He stayed by my side noong mga oras na yun dahil natatakot siya na gawin ko iyon and that's the moment I fell for him."

"D-did Jimin... Oh my god! I-I'm speechless." Napangiti ako ng makita kong di matuloy-tuloy ni Rigelle ang sasabihin niya.

"Hindi niya ako iniwan kahit di niya ako kilala, hinatid niya ako sa bahay noon at paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na wag akong magpakamatay, kahit di niya ako kilala ay nag-effort siyang ihatid pa ako sa bahay, araw-araw yata niya akong binibisita at kinakamusta. Hanggang sa naging close na kami at naging magkaibigan, after that we fell for each other, we have a normal relationship, minsan nag-aaway pero hindi naman kami naghihiwalay. He's my first love at hindi ako nagsisisi na naging masaya ako kahit minsan." I chuckled before i felt my tears in my eyes.

Pinigilan ko ang pagluha ko dahil it is very unlike me, di naman ako naiiyak pero netong mga nakakaraan nararamdaman kong nagiging emosyanal na ako.

"Then how your relationship ended up?" She asked.

"Si Jimin, mabait siya, gwapo, maalagain, kahit kinulang siya sa height di naman siya nagkulang sa pagmamahal sa akin pero Rigelle, si Jimin deserve niya ang lahat, he deserve someone better than me, kumalat na kasi ng tuluyan ang kwento na anak ako ng... Alam mo na, hanggang sa pamilya nila, I don't want his parents know that i'm his girlfriend pero hindi ko kayang makipag-hiwalay sa kanya."

Napakagat ako sa labi ko as the moment I remember what I did.

"Hindi ko siya kinausap noon, palagi kong iniiwasan si Jimin, I want him to cheat on me para hindi na ako ang makipaghiwalay sa kanya, that's why I ask the girl on the bar to kiss him pero ang masakit doon ay hinalikan niya pabalik. I thought I was ready pero hindi pala ako ready, nagtatakbo ako noon and I know that Jimin saw me. He was sorry for what he did, hindi ako makapagsalita kahit alam kong ako ang may kasalanan, guilty siya sa isang bagay na ako ang nag-umpisa, he really doesn't deserve me. Madami pang babae diyan at hindi dapat ako yun."

"He keeps on bugging me that time pero iniiwasan ko siya, tinakasan ko siya kaya lumipat ako ng inuupahan kong bahay at hindi na kami ulit nagkita pero after that... I was so lonely again, gusto ko ng magpakamatay ulit dahil pakiramdam ko napakasama kong tao."

"I didn't know that you're suicidal Djermayne! My gosh!" Napapaypay si Rigelle sa mukha niya.

"Pero noong magtatangka ulit ako, there's a guy who suddenly pulled my hand and put a uniform in my face kaya hindi ko siya nakita, I don't know what his intention for doing that pero nacurious ako sa kanya, I want to know who he is, buong gabi ata akong nakatitig sa uniform niya noon, it was a guy uniform from this School, kaya naman nagtake ako ng scholarship dito even though alam kong dito nag-aaral si Jimin at ang kapatid ko."

Napatigil ako sa pagsasalita ko ng makita kong umiiyak si Rigelle, she's sobbing in her blanket. Why is she crying?!

"Are you okay?" Nilapitan ko siya at hinawi ang buhok niya, she's still sobbing. What the hell?

"Why do you need to suffer like that!" Patuloy siya sa pag-iyak niya na para bang siya ang nakaranas ng lahat ng pinagdaanan ko.

"Stop crying Rigelle!" Saway ko sa kanya pero mas lalo lang siyang umiyak ng umiyak. Seriously?!

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin, she cried in my arms. Pakiramdam ko ay ngayon lang ulit ako nakaranas na may isang taong nag-aalala sa akin just like what Jimin did.

"Shit." Mura ko ng mamali ako ng sinulat.

Bwiset naman! Umagang-umaga hindi ako makapag-isip ng ayos. Nilukot ko ang papel na iyon tsaka ko tinapon sa kung saan man, magsusulat nalang ulit ako ng bago.

Napatigil ako sa pagsusulat ko ng may kumatok sa kwarto ko. Napatingin ako sa pintuan dahil may mali.

Mag-isa lang akong nakatira sa condo ko bakit may kakatok sa pinto ng kwarto ko? Kung helper or delivery man iyon dapat ay doon sila sa main door kakatok at hindi dito sa pinto ng kwarto ko.

Agad kong hinawakan ang baseball bat sa gilid ng lamesa pero binitawan ko din iyon agad ng makita ko kung sino ang pumasok.

"What's wrong with your room? It's a total mess and why there are so many papers on the floor?" She gasped.

Nakita kong pinulot niya ang isang nakabilot na papel at binuksan iyon.

"Why did you throw a black paper away? Seriously Suga?" Tanong pa niya sa akin.

"Hindi yan blangko, may nakasulat na isang word diyan at tsaka anong ginagawa mo dito? Sinong bantay sa coffee shop?" Tanong ko sa kanya.

"Si Djermayne, she's working on the coffee shop now." Umupo pa siya sa kama ko.

What the actual fuck is she doing here in my room?

"Bakit ka pumunta dito? Ngayon ka palang pumunta dito." Sabi ko sa kanya bago ako tumalikod sa kanya at nag-umpisa na ulit akong magsulat but I can't focus because of her presense!

"I want to ask you why you didn't come in the coffee shop."

Tss, she's curious now.

"May ginagawa ako." Tipid na sagot ko sa kanya.

"Is that important?" Tanong niya sa akin, napatigil ako sa pagsusulat ko dahil sa tanong niya pero kalaunan ay pinagpatuloy ko ulit ang pagsusulat ko.

"Oo." Tipid na sagot ko sa kanya.

Napatahimik kaming dalawa ng ilang segundo bago siya muling magsalita.

"Hindi ka nagpapapasok sa kwarto mo." That's not a question, that was actually a statement.

"Uhm." I nodded.

"You should stop me from coming inside your room." Aniya.

"You're my girlfriend, it's your rights." Sabi ko.

"Stop kidding around Suga, it's not funny." Napangiti ako dahil sa sinabi niya pero dahil nakatalikod ako ay hindi naman niya makikita ang reaksyon ko.

"It's a joke, Deighn."

"It sounds like it's not a joke Suga." Nagbabanta niyang sabi sa akin.

"Depende na sa iyo yun kung ite-take mo iyon as a joke o hindi." Sabi ko sa kanya bago ako nagpatuloy nalang ulit sa pagsusulat ko.

"I'm getting married soon." Napatigil ako ulit sa pagsusulat, why is she always bringing that?

"And so?"

"That's why I'm coming with your section in house of cards." Natigilan ako sa sinabi niya. What did she said? She will come with our section? In that fucking childish game?

"Djermayne said that you won't come, sayang naman." Napatingin ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Hindi ko sinabi hindi ako pupunta." Dipensa ko agad.

"Huh? Pero sabi ni Djermayne di ka daw sasama--"

"Namali lang siya ng dinig." Sabi ko sabay harap sa kanya.

Napatigil siya sa pagsasalita at agad nag-iwas ng tingin sa akin, why the hell is she sitting on my bed?! Nag-iwas ako ng tingin sa kanya para mabalik ang tingin ko sa papel. I can't write properly because of her damn fucking presense.

"Are you okay Suga?"

Napapikit ako ng mariin dahil sa tanong niya, anong klaseng tanong ba naman iyon?! Bakit ba kasi pumasok pa siya sa kwarto ko? Pwede naman kaming mag-usap sa sala at hindi dito sa kwarto ko.

I almost stiff when I felt her hands touching my neck. Why do you fucking touch my neck inside my room?!

Iniwas ko agad ang leeg ko sa kanya, pakiramdam ko ay nanlalamig ako dahil sa ginagaw aniya, bakit ba kasi ang hilig niyang manghawak basta-basta?!

"Hindi ka naman nilalagnat but you look so pale."

"I'm always pale Deighn. I have pale skin. Will you please leave my room? Sa salas ka muna." Iritadong sabi ko sa kanya bago ako tumayo sa upuan ko.

"Nagagalit ka ba sa akin?"

Natigilan ako sa tanong niya bago ako napatingin sa kanya na diretsong nakatingin sa akin. We just stared at each other for awhile.

Tangina naman Deighn! Why do you keep on giving me a hard time?!

"I'm sorry Suga, I'm sorry kung saan ka man nagagalit, I don't understand anything but still I'm sorry kung ano man ang ginawa ko sa'yo--"

Agad ko siyang hinila papalapit sa akin bago ko siya yinakap, I hugged her as tight as I could. Wala akong pakealam kung pagnakawala siya sa akin at sapakin nalang niya akong bigla.

"Let me go..."

Napapikit ako ng mariin dahil sa binulong niya but I didn't let go of her, why would I? Kung gusto niyang umalis edi gumawa siya ng paraan para makaalis siya.

"I said let me go!" Medyo tumaas na ang boses niya pero wala akong pakealam.

Nang tinulak na niya ako tsaka nalang ako bumitaw, nakita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatingin sa akin, hinahabol niya ang sarili niyang hininga kahit wala namang nakakapagod sa ginawa ko sa kanya. I just hug her then why is she looks like she runs a one hundred kilometer.

"Ano bang problema mo! You're being so random!"

Napaikot ang mata ko dahil sa sinabi niya, hanggang kaylan ba magiging manhid ang babaeng 'to.

"Hoy Deighn--"

"Min Yoongi! Stop calling me like that! Baka nakakalimutan mong mas matanda ako ng tatlong taon sa'yo!"

And there she goes again with her lecture.

Bored ko siyang nilapitan at nakita kong napapaurong siya kada lumalapit ako, why is she scared of me now? Sa pagkakaalam ko we used to be very closed. Anong nangyari? Iyan ba yung napapala niya sa pakikipag-relasyon sa estudyante niya?

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya and I can see from here that she's scared pero pinapakita niya sa akin na matapang siya.

"Natatakot ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Nakita kong nag-aalangan siyang sagutin ang tanong ko, tila ba nangangapa siya sa sasabihin niya dahil hindi niya ako matitigan sa mata ko.

"I'm scared." Halos pabulong niyang sabi sa akin.

Napatango ako sa sinabi niya. Okay, I see.

"Dapat lang na matakot ka sa akin."

Inilayo ko na ang mukha ko sa kanya bago ko siya tinalikuran. Kung ayaw niyang umalis sa kwarto ko ay ako nalang ang aalis, hindi magandang ideya na magkasama kami sa isang kwarto na kaming dalawa lang.

"Suga saan ka pupunta!" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya naman inis ko siyang hinarap.

Tangina Deighn ha! Isa pang pigil mo sa akin!

"Pake mo ba?!" Nakita kong bahagya siyang nagulat sa sinabi ko pero agad ding nawala iyon.

"Min Yoongi ano ba kasing--"

Without any hesitation I kissed her to cut her fucking mouth. Akala ko ay pagsususuntukin niya ako but she just stopped, masyado yatang nagulat sa ginawa ko.

I just stay like that for a while bago ako pumikit, I don't know if she already close her eyes but fuck! Ano ba 'tong ginagawa ko?!

Bigla akong kinabahan dahil sa ginawa ko ng tsaka palang iyon nag-sink in sa utak ko, hindi naman ako natatakot makasuhan ng rape pero teka! Putangina.

I tried to open her mouth and shit, she gave me an access. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa laylayan ng damit ko.

Putangina. Putangina. Putangina!

Why are you kissing me back? Itulak mo ko papalayo! That's what you should do! Not this! Nababaliw ka na ba Deighn?

Muntik na kaming mabuwal kaya naman hinawakan ko siya sa likod niya and you know what she did after that?! Pinalupot niya ang kamay niya sa leeg ko to think na nababaliw na ako kakaisip kung anong gagawin ko para matigil 'to.

But she keeps on kissing me back, pero teka dapat tumigil din ako di ba? Shit! I can't stop but we need to fucking stop bago pa...

"Hyung."

Napatigil kaming dalawa ng bigla naming marinig ang isang pamilyar na boses, napatingin kami sa pintuan ng kwarto ko and I saw Jungkook there while holding a plastic bags.

Natahimik kaming tatlo at wala ni isa sa amin ang nagsasalita, nakahinto lang siya sa pwesto niya pero hindi mapakali ang mata niya.

Maski ako ay walang emosyon na nakatingin sa kanya, I don't know what to react, oo nagulat ako kasi nandito siya pero hindi ko naman kayang ipakita iyon.

"I-Iiwan ko nalang 'to sa k-kusina." Sabi niya bago umalis na.

Napatingin ako kay Deighn na nakaupo sa upuan ko habang nakatulala. Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa kanya na halos hindi maipinta ang mukha.

"N-Nakita ba niya?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako sa kanya, nakita kong mas lalong nataranta ang mukha niya, she looks like she's worried about Jungkook. Napailing nalang ako sa kawalan, ano pa bang in-expect ko? Of course she will care about that bastard instead of me.

"Aren't you going to chase him?" Tanong ko.

Nakita kong napalunok siya sa sinabi ko, I chuckled. So pwedeng iniisip na nga niyang habulin si Jungkook sa mga oras na 'to? Hindi ko naman siya pipigilan dahil sanay naman na akong iniiwan niya kapag nandiyan si Jungkook.

"Umalis ka na, sundan mo na siya."

Nakita kong napayuko siya bago niya kunin ang bag niya sa kama ko, sinundan ko siya ng tingin habang sinusukbit niya ang bag niya sa kanyang balikat. Humarap siya sa akin at bahagyang yumuko, hindi ako kumibo habang tinititigan ko siya.

Tangina Deighn, wala ka ng ibang ginawa ko din saktan ang ego ko.

"Aalis ako hindi para sundan si Jungkook, aalis ako dahil... kaylan ko ng umalis." Bahagya siyang yumuko sa akin bago ako tuluyang iwan dito mag-isa.

Pinanuod ko lang siya habang umaalis sa kwarto ko at ng marinig ko na ang pagsara ng pinto ng condo ko ay napasipa nalang ako sa upuan ko bago ako napamura ng malakas.

Napatitig ako sa bangkong nabuwal bago ko iyong kinuha at damputin para ibalibag sa salamin dito sa kwarto ko.

Ang bilis ng paghinga ko dahil sa sobrang iritasyon ko. I want to hate her and Jungkook pero hindi ko magawa.

I'm so fucked up with my life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top