Chapter 7
Chapter 7: Confident
"Rigelle ano ba?! Ikalma mo nga yang puday mo!" Iritadong banggit ko sa kabilang linya.
"Djermayne kasi! Kaylangan kita dito! Bumalik ka dito sa school si Jin kasi... Si Jin..." Bigla na naman siyang ngumawa kaya medyo napalayo ako ng bahagya sa cellphone dahil masakit iyon sa tenga. "Si Jin kasi! Kaylangan mo talagang bumalik dito!"
"Oh anong gagawin ko kay Jin? Kung binasted ka niya Gelle wala na akong magagawa doon." Diretsong sabi ko sa kanya.
"P-Paano mo nalaman?" Nagugulahan niyang tanong, bigla akong napangiwi dahil tama pala ang hinala ko.
"Wag mo na ngang ipaalala pa iyon! Basta bumalik ka na dito! Kaylangan mo na talagang puntahan si Jin dito kausap siya ni Daddy!" Napangiwi akong lalo.
"Bakit naman pinakausap mo pa si Jin sa daddy mo? May sayad ka din eh." Napakamot ako sa batok ko dahil nai-stress na ako sa babaeng to.
"Hindi naman to about sa akin." Napahikbi siya. "About to sa'yo!" Napiyok na sabi niya.
Agad napakunot ang noo ko ng bigla niyang sabihing about sa akin iyon.
"Teka, sino ba yung daddy mo?" Naguguluhan kong tanong.
"Si daddy ang may-ari ng school natin at siya din yung principal." Pagkasabi niya noon ay bigla na naman siyang umiyak.
Napakagat akog bigla sa labi ko, what have I done?
Nakita kong nakatingin nalang sa akin si Yoongi at para bang inaantabayanan niya ang reaksyon ko.
"Papunta na ako diyan." Sabi ko at agad kong ibinaba ang tawag bago inabot kay Yoongi pabalik ang cellphone niya.
"Ihatid mo ko pabalik sa school." Utos ko sa kanya.
"Aba't-- sumusobra ka naman yata! Tinulungan na nga kita kanina tapos ngayon gagawin mo pa akong driver!" Iritadong sabi niya sa akin.
Agad akong nagpuppy eyes... pero hindi sa kanya kundi kay Ate Deighn.
Humarap ako kay Ate Deighn at nagpapaawa ako sa kanya.
"Suga, ihatid mo na iyang si Djermayne baka emergency yun." Utos ni Ate Deighn kay Yoongi. Agad akong napangiti ng humarap na ako kay Yoongi pero ng humarap ako kay Ate Deighn ay nagpapaawa ulit ako.
"Aish! Tara na nga!" Nabubwisit na sabi ni Yoongi bago nauna ng lumabas sa akin, nang humarap ako kay Ate Deighn ay agad akong nagthumbs up sa kanya at nginitian nalang niya ako.
Sumunod ako kay Yoongi sa kanyang motor bago ko isinuot ulit ang helmet at umangkas agad ako sa kanya.
"Kumapit ka ng mabuti at ayokong sisihin pa ako ni Deighn kapag namatay ka." Inis na sabi neto sa akin.
Tama nga si Ate Deighn, he's sweet on his own way.
"Okay." Simpleng sagot ko sa kanya bago niya pinaandar ulit ng mabilis ang bike niya.
Halos malipad na ang kaluluwa ko sa sobrang bilis noon kaya naman ilang minuto lang ay nakabalik na agad kami sa school.
Nakita kong nagkakagulo ang estudyante sa tapat ng principal office pero ng makita nila akong naglalakad papalapit doon ay agad silang nag-iwasan sa akin para bigyan ako ng daan.
"Djermayne!" Agad akong napatingin sa gilid ko at nakita ko si Rigelle na...
"Bakit naka-uniform ka na panlalaki?" Tanong ko sa kanya.
Napakagat lang sya sa labi niya bago pinunasan ang luha niya.
"Wag mo ng itanong! Pumasok ka nalang sa loob! Huhuhu!" Bigla na naman siyang napahagulgol kaya napangiwi akong lalo.
Napailing nalang ako bago ako pumasok sa loob ng prinsipal office, nakita ang mga lamang dagat na binugbog ko kanina pero biglang napako ang tingin ko sa kapatid ko.
Nakaluhod siya sa harap ng Principal.
Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw at ayaw ding magfunction ng ayos ng utak ko.
"Nakikiusap po ako Principal Park, huwag nyo pong tanggalin ang scholar ng kapatid ko. Sisiguraduhin ko pong hindi na mauulit yung nangyari ngayon basta wag nyo lang pong aalisin ang scholar niya." Agad akong napanganga dahil sa sinabi niya.
"Jin hijo, tamayo ka na diyan. Tanggapin na natin na mali yung ginawa ng kapatid mo at masyadong--"
"What are you doing Jin?!" Sigaw ko na dahilan kung bakit napatingin sila lahat sa akin.
"Nandito na pala ang kapatid mo hijo." Ani ni Principal Park.
Agad akong lumapit sa kapatid ko. "Tumayo ka diyan!" Utos ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
Kaya naman hinila ko ang kamay niya para tumayo siya pero mas lalo lang siya napayuko.
"Tumayo ka diyan sabi!" Napiyok pa ako sa sobrang lakas ng pagkakasabi ko, tahimik ang lahat sa loob ng Principal Office kahit na nandito ang mga kalamares na ito kasamahan ang mga guardian nila.
"Nakiki-usap po ako Principal Park, matalino po ang kapatid ko and I know she deserve to be a scholar." Mas lalong yumuko si Jin kay Principal Park.
Rinig na rinig ko ang hagulgol ni Rigelle.
Napapikit ako ng mariin dahil nararamdaman ko ang panginginig ng luha ko. No, no, no. I won't cry!
"Tumayo ka diyan Jin!" Sigaw ko pero hindi pa rin niya ako pinansin kaya naman sumuko na ako.
"If you won't stand up then luluhod ako kasama mo." Sabi ko bago ako dahan-dahang lumuhod pero hinawakan niya ang braso ko para hindi ako tuluyang makalahod.
Napatigil ako saglit sa ginawa niya pero tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin bago ako lumuhod sa tabi niya.
"Nakiki-usap po ako Principal Park na huwag nyo pong tanggalin ang scholar ko, pinapangako ko po na hindi na iyon mauulit." Halos mapapikit ako habang sinasabi ko ang mga salitang iyon.
Damn you Jin dahil sa'yo natuto akong magbaba ng pride.
Kahit hindi ako nakaharap kay Jin ay alam kong nakatitig siya sa akin.
"Di ba ay anak sila ni Mrs. Kim? Bakit sila nakiki-usap na huwag tanggalin ang scholarship kung kaya naman nilang pag-aralin ang sarili nila dahil alam naman ng lahat mayayaman ang mga Kim." Tanong ng isang guardian kaya naman mas lalo akong napayuko.
I know where this conversation will go...
"Eh anak lang kasi yan sa labas--"
"Kahit kaylan hindi namin tinuring na anak sa labas si Djermayne! Kapatid ko siya! Purong kapatid ko siya!" Bigla nalang sumigaw si Jin kaya naman mas lalo akong napayuko.
Stop Jin, please...
"Jin hijo, wala na tayong magagawa dahil batas iyon ng paaralan at bilang Student Council ka--"
"DADDYYY!" Napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang pamilyar na hagulgol na iyon.
Mas lalong nanginig ang luha ko ng makita ko si Rigelle sa tabi ko na nakaluhod na din.
"Daddy, wag mong tanggalin yung scholarship ni Djermayne!" Ani Rigelle bago muling humagulgol. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ko ang nagbabadyang luha sa mata ko.
"Dad! She's the only friend I have kung tatanggalan mo siya ng scholar ay hindi na siya makakapag-aral pagkatapos noon hindi ko na siya makikita! I can't dad! She's my friend! Please! Nakikiusap ako daddy!"
Napa-facepalm ako hindi dahil sa ginagawa ni Rigelle, bakit nagagawa niyang lumuhod para sa akin? I understand my brother but Rigelle? No way.
"Rigelle, stand up." Utos ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako habang nakasibi at may ilan pang bakas ng luha sa mata niya.
"No! You're my friend! Dito lang ako." Aniya sa akin.
"Please Principal Park! Nakiki-usap po ako." Napatingin akong bigla sa kapatid ko na iniyuko na din ang ulo sa sahig.
Kaya naman napatayo na ng tuluyan si Principal Park lalo na ng gumaya pa si Rigelle.
"Please daddy!" Umiiyak na paki-usap nito habang nakayuko na din ang ulo sa sahig.
Parang naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa na nagkakaganiyan dahil sa akin kaya naman yumuko nalang din ako katulad ng ginawa nilang dalawa.
"Nako namang mga bata kayo! Magsitayo na nga kayo diyan! Sige na! Sige na! Hindi ko na tatanggalin ang scholar ni Kim Djermayne basta sa isang kondisyon." Utos ni Principal Park sa amin habang iniisa-isa kaming itinatayo.
"Oh my gosh daddy! You're the best talaga!" Biglang niyakap ni Rigelle ang daddy niya kaya naman napakamot ako sa ulo ko. "Pero ano naman yun dad? Bakit may ganoon-ganoon pa?"
"Rule is a rule, hindi natin pwedeng baliwalain ang ginawa ni Djermayne. Kaya naman kapalit ng hindi pagkawala ng scholar ni Djermayne ay kaylangan makabawi kayo sa akin at may naisip na akong paraan." Ani Principal.
Nagkatinginan kami ni Jin bago muling mapatingin kay Principal Park.
"Kaylangan nyong sumali sa House of Cards." Agad kaming nagkatinginan ni Rigelle dahil sa sinabi ng kanyang ama.
"Pero teka Daddy! Hindi ba ay kaylangan ng labing limang kalahok doon?" Nagtatakhang tanong ni Rigelle.
"No, fourteen person will do." Sagot nito.
"Pero teka lang po Principal Park, sino-sino naman po ang isasama namin doon? I'm sure no one will join us." Sagot ni Jin.
"You should bring your whole section for that school activity." Mas lalong napanganga ang dalawa dahil sa sinabi ni Principal Park.
Siguro ay ibig sabihin nila sa pagnganga ay masyado na iyong impossible.
"Hindi na makatarungan yan daddy!" Sagot ni Rigelle.
"And besides we're only thirteen in our class Mr. Park." Ani Jin.
"That's another mission for you kids, you should bring a person who's capable of controlling your section. We all know that your special section is not that good at para na din ito sa inyo, I'm sure kung gugustuhin nyo ay maipapanalo nyo ang house of cards dahil matatalino naman talaga kayo." Nagulumihanan akong lalo.
Ano ba iyong house of cards na iyon.
"I'm doing these for you kids pero hindi ko maitatanggi na ito ang binigay kong kondisyon ay para na din sa school natin, If you kids win that contest then it will be credited to our school, right?" Napabuntong hininga ako ng makita ko ang reaksyon ni Jin at ni Rigelle.
It looks like it will be really hard.
"Sige dad! Ita-try namin." Pagchi-cheer ni Rigelle kahit na bakas din sa mukha niya na medyo nag-aalangan siya.
Nang mapatingin sa kanya si Jin ay tumango din siya. "Kaya po namin yan Principal Park."
Agad napangiti si Principal Park dahil sa sinabi noong dalawa, fine. Kung pumayag sila then go!
Akala ko talaga ay mawawala na ang scholar ni Djermayne! Hindi ko talaga kinaya yung pagluhod ni Jin kanina. Hays! Okay lang kaya siya?
Napatingin ako sa uniform na suot-suot ko, bakit ba ginagawa ko pa to?
Nakaupo ako sa isang bench ngayon habang nagpapahinga.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa malayo. Tanaw ko si Djermayne at si Jin na naglalakad papalayo, nagpaalam na kasi sila sa akin na uuwi na sila.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri, I should stop this. Wala na talaga akong pag-asa kay Jin and besides ayaw nga daw niya sa babae di ba!
Kahit siguro pagpilitan ko na maging lalaki ako para magustuhan niya ay napaka-imposible ng mahalin niya ako.
"Gelle." Napatingala ako sa taong tumawag sa akin, nang makita ko si Jin sa harapan ko ay agad akong nataranta.
Bakit napunta agad siya dito? Kanina ay nasa malayo pa siya.
"O-Oy!" Nagugulumihanan kong sagot.
"Salamat nga pala kanina." Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko, jusko! Hindi dapat ako kiligit pero traydor ang buong organ system ko.
"W-Wala yun." Sabit ko habang hindi nakatingin sa kanya.
"About nga pala kahapon--"
"Ay oo nga pala Jin! Aalis na ako! Kaylangan ko na kasing umuwi, bye!" Agad kong pinutol ang sasabihin niya dahil ayoko ng marinig pa yung idudugtong niya.
Aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Saglit lang." Napatigil ako at napatingin sa kanya.
"I'm sorry dahl sa nangyari kahapon--"
"Wag kang mag-sorry." I cut him off again.
"Alam kong nasaktan ka--"
"Syempre masasaktan talaga ako!"
"Pero hindi ko sinasadya--"
"Stop it!" Mariin na sabi ko sa kanya.
"Hindi ko talaga ginusto yun--"
"Kaya nga wala kang dapat ikahingi ng tawad!!!" Napasigaw na ako dahil sa sobrang takot ko na sabihin niya ulit iyon kasi this time ay hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ulit.
Nakita ko ang gulat sa mata niya ng sigawan ko siya, maski ako ay nagulat din ako sa sarili ko.
"Listen to me first." Aniya.
"Wala na akong dapat pang marinig Jin! Sapat na yung nangyari kahapon! Wag mo ng dagdagan pa! Para na din sa akin! Para tigilan ko na din yung kahibangan ko kasi narealize kona na mali na 'tong ginagawa ko! Nababaliw na ako kasi pinalitan ko na ang hilig ko para sa'yo! I always wear pink para mapansin mo dahil mahilig ka doon and then what? I even buy a Mario Collection dahil mahilig ka din doon!"
Hindi ko akalain na lalabas lahat to sa bibig ko ngayon.
"Tapos... Tapos ngayon nagpalit ako ng uniform na lalaki and I even tried to act like a guy dahil mahilig ka sa--" LALAKI!
Pero hindi ko na sinabi iyon dahil hindi ko alam kung kakayanin ko bang marinig ko iyon sa sarili ko.
"Yung ginawa ko ngayon ay hindi na para sa iyo, I'm doing these for Djermayne because she's my friend, my only friend. Kung iniisip mo na ginagamit ko lang siya para sa'yo, then think again." Sabi ko sa kanya bago ko siya nilakuran.
Nang makalayo na ako ay napaupo nalang ako sa damuhan.
Napanguso ako ng maalala ko lahat ng sinabi ko kay Jin, masyado ba akong harsh sa kanya? Huhu!
Papaano kung nasaktan pala siya sa mga sinabi ko?! I shouldn't said that!
Kinabukasaan noon ay agad kaming nagkita ni Rigelle para mapagplanuhan ang gagawin namin. It's weekend kaya naman may time pa kami para makapagplano ng para sa gagawin namin.
Nasa bahay nila ako ngayon, in her room to be specific.
"Papaano natin mapipilit ang mga kaklase natin na sumama sa House of Cards kung sa dalawa palang ay sablay na ako? I mean apat pala." Sabi ko sa kanya habang kinakain ko ang cake na hinanda ng maid nila para sa amin.
"You mean who?" Tanong nito sa akin.
"First of all Taehyung, he won't come kapag nalaman niyang ako ang dahilan ng House of Cards na iyon, second is Jungkook. Aba sinapak ko iyon sa mukha noong first day of school ko at yung dalawang kalamares pa." Sabi ko sa kaniya.
"Dalawang kalamares? You mean Amery and Angel?" Tanong nito sa akin pero nagkibit balikat lang ako, aba malay ko sa pangalan nila?
"I know that it will happen kaya hinanda ko na ang mga pictures nila, for sure ay hindi mo pa kasi sila kilala kaya sasabihin ko sa iyo ang mga ugali nila para makapag-plano natin sila mahihikayat individually because I'm sure hindi lang sa apat na iyan ka mahihirapan dahil mahihirapan ka sa kanilang lahat." Confident na sabi ni Rigelle.
"Woah, ready na ready wah." Sabi ko ng mailapag niya ang mga pictures ng mga kaklase ko sa kama.
And even me.
"Saan mo naman to nakuha?!" Tiningnan ko ang picture ko na halatang stolen shot, mukhang isang paparazzi ang kumuha ng picture but I'm pretty sure na isa lang sa mga utusan niya ang nagpicture nito.
"I'm a stalker, nakalimutan mo na ba?" Sabay agaw niya sa akin noong picture pero inagaw ko ulit iyon sa kanya.
"Whatever, let's just start from Jin." Aniya at itinaas ang picture ng kapatid ko.
"I already know him." Agad na sinabi ko sa kanya pero hindi siya nagpatinag dahil tinititigan pa din niya ang picture ng kapatid ko.
Oh akala ko ba ay magmo-move on na siya?
"Pero teka ha, kadiri ka. Saan mo nakuha yung picture ng kapatid ko na yan. I mean look at this! Nakabath-robe lang siya." Sabay dukdok ko sa kanya ng picture ng kapatid ko. I think it was a stolen shot from someone at nakuha niya lang, dahil mukhang matagal na ang picture.
"I have my ways." Aniya. I rolled my eyes because of what she said.
"Okay, let's start. Kim Seokjin, The handsome class president and school councilor, he always gets on top of his school but never credits himself and yes, he's too hot, he's sexy, handsome, cute, he's perfect--"
"Tama na! Kilala ko na nga sabi siya eh." Sabi ko bago ko inagaw sa kanya ang picture ng kapatid ko sa ibinalik sa kama.
"But yet, he doesn't even recognize a beautiful girl like me." Dugtong pa niya kaya naman napa-irap nalang ako.
"Next is Kim Namjoon." Pinakita niya sa akin ang picture. It's a selca! The heck?
"IQ 148, he's a rap monster and he has a sexy brain because he's seriously smart but then naalala ko he tried to cut onion with the back of knife during a cooking class kaya na bobo din ang tingin ko sa kanya. Well, honesly matalino talaga siya and he loves watching porn and reading books."
Napangiwi ako sa huling sinabi niya.
"How do you even know that kind of personal stuff?" Tanong ko kay Rigelle.
"Stalking is my hobby." Simpleng sagot niya kaya naman napailing nalang ako.
"Next is Hwang Amery."
"She's just mean when she's with Angel pero kapag hindi niya iyon kasama ay tahimik lang siya." Napatingin ako sa picture at nakita kong eto yung isa sa pamilyar na lamang dagat kahapon.
Tinaas pa ni Rigelle ang isang picture and then here she goes, yung kasamahan ng lamang dagat, yung tropa niyang bangus.
"And it's Choi Angel, the mean girl of our class. He like Taehyung so much to the point that she can actually kill a person for him." Ani Rigelle.
"Parang ikaw no?" Pambabara ko sa kanya.
"What?! No! Nagmu-move on na nga ako eh." Sabay irap niya sa akin kaya nagkibit balikat nalang ako.
"Next is Jung Hoseok." I looked at his picture. Another Selca, what the hell?
"He's the hope of our class, he's our J-Hope. The nicest and funniest one, laughs at his own jokes, cheats on every test yet end up failing." Nagkibit balikat siya pagkatapos ay kumuha siya ng panibagong picture.
"Lee Chris Jane, she loves playing games in her phone, she's a hyper one, not so friendly pero okay na din, she's not that conservative dahil pakiramdam niya ay nasa bahay lang siya kapag nasa classroom siya, she don't mind sitting like a boss even if we're on the middle of our class, mabunganga ng very light." Napatabingi ang ulo ko habang pinagmamasdan ko ang babae na iyon sa picture. She's pretty.
"And then Min Yoongi, he always don't give a shit and the shit don't give him anyway, he's too lazy to move, he thinks that he's genius but in reality he still use calculator for 7+2, he doesn't know the pronounciation of inspire. When slept once and he will always missed the whole semester plus he can sleep anywhere but don't you don't to wake him up kung ayaw mong makatikim na malutong na mura."
Napataas ang kilay ko ng marinig ko ang pangalan ni Yoongi.
"Well obviously he can sleep anyway but is he that close to Teacher Deighn?" Tanong ko kay Rigelle.
"What? I don't think so, hindi ko nga alam na pwede palang maging close silang dalawa, Yoongi is just sleeping in our class everytime na nagtuturo si Teacher Deighn, kaya sa tingin ko ay hindi." Agad akong nagtakha sa sinabi ni Gelle.
Pero kahapon pakiramdam ko talaga close sila eh.
"Kalimutan na natin si Yoongi dahil mukhang kilala mo naman na siya eh, let's move on Park Jimin also known as Chimchim." Napataas ang kilay ko ng mapatingin ako sa picture ni Jimin, I will probably steal that picture later.
"He looks innocent but he's a fuckboy, he always checks his hair every 2 seconds, abs is life, actually Teacher Deighn give him A+ for existing."
"I will do that too if I'm also a teacher." Wala sa sarili kong sagot.
"What?" Nagtatakang tanong ni Rigelle sa akin.
"W-Wala! J-Joke lang. Kalimutan mo na!" Bigla tuloy akong napainom sa juice dahil sa kaba ko, muntik na ako doon.
"Okay next is Seung Tiffy." Napatitig ako sa picture because she doesn't wear any glasses here and she looks like a damn goddess.
"She's the one who always wear glasses, she's pretty whatever she do, mas tinalbog pa niya ang pagiging cold mo, she's just staring every time and judging us. Joke lang! I'm not sure why she's always silent, hindi ko nga siya nakakausap kaya wala akong alam about sa kanya." Napatingin ako sa picture ulit cause I suddenly remember that she's the girl who's with Taehyung that time.
Aish! Naalala ko na naman iyon.
"Next is Jeon Jungkook." Woah, that big nose.
"He always care about what his looks, he always got lower than 10 over 100 on english test, he's the youngest on our class, he can do anything, he's very competetive, he's talented, ang hindi niya lang kayang gawin ay ipasa ang english exam, he's afraid of bugs and girls. Except from Teacher Deighn, of course." Napakunot ang noo ko.
"Teacher Deighn? Close silang dalawa?" Nagtatakhang kong tanong.
"Absolutely yes, they're always with each other hanggang sa mabalitaan nalang namin na ikakasal na si Teacher Deighn at doon na nag-umpisang lumayo si Jungkook sa kaniya, I don't know! I don't really care anyway." Sabi niya bago itinaas ang isa pang picture.
I was stunned, is that really him?
"Let's move on Kim Taehyung, he's weird, mood maker, funny, sweet--"
"Wait, wait, wait! Is that real?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Actually yes, he's like that. Siguro ay mali lang ang umpisa niyong dalawa but he's actually the nicest in all of the boys in our class." Mas lalo akong napangiwi, hindi obvious!
Mukha siyang laging galit sa mundo at mukhang laging papatay ng tao.
"He's good at socializing with other, he's a nice person but weird at the same time and yes, he's childish." Dagdag pa nito.
Napaisip tuloy ako dahil sa sinabi niya. It looks like he's the opposite of what is Rigelle telling about him.
"And lastly, tadah! It's me! I'm the prettiest and jolliest among of these students, I'm hot and cute, sexy and smart--"
"Tigilan mo nga ako Rigelle." Pagsaway ko agad sa kanya.
"Ano ka ba naman! Time ko na to para purihin ang sarili ko eh!" Anito.
"Kaysa purihin mo yang sarili mo ay tulungan mo nalang akong mag-isip ng mga gagawin natin para mapapayag natin sila." Sabi ko sa kanya.
"Yeah, pero napakahirap niyan especially for Yoongi, he doesn't give a shit kaya. Lalo na sa mga ganyang bagay." Ani Rigelle.
"But I think there's a way for him. Kalimutan mo muna siya dahil may naiisip na ako about diyan." Sabi ko.
"What? Are you close with him? Parang confident ka na mapapapayag mo siya ah? He's not that easy you know." Dagdag pa nito habang kumakain ng cheesecake.
"More than confident." Sabay ngisi ko.
"Whatever Djermayne, but I warn you that he's not that easy." I rolled my eyes.
"So, ayun na! Mag-isip ka na ng plano natin imbes na ngumata ka diyan ng cheesecake." Sabi ko sa kanya tiningnan niya ako ng masama bago bumaba ang tingin niya sa hawak kong pinggan na may laman ding cheesecake.
"You're eating too." Pambara niya sa akin pero ng tiningnan ko siya ng masama ay napa-pout siya bigla.
"Fine! Pero imbes na mag-isip ng gagawin natin dapat ang isipin muna natin ay kung sino pa ang isa nating isasama." Dagdag pa niya.
Agad akong napangiti pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Don't worry, alam ko na kung sino ang isasama natin."
Then I gave Gelle a wink na naging dahilan para mapangiwi siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top