Chapter 6

Chapter 6: Do You Wanna Die?

Nanggigigil pa rin ako tuwing naalala ko ang nangyari, pakiramdam ko ay nagtataasan lahat ng dugo ko sa sobrang inis ko.

Sinipa ko ang isang latang nakaharang sa dadaanan ko sa sobrang inis ko.

"Napakabwisit ka! Sarap mong patayin!" Sigaw ko sa sobrang inis ko.

"Oh! There she is!" Napalingon ako sa isang grupo ng mga babaeng hindi pamilyar sa akin but when I stared at them, mayroong dalawa dito ang parang nakita ko na somewhere.

"Girls, do you know who she is?" Narinig kong sabi ng isang babaeng pamilyar sa akin.

Hindi ako tanga para hindi ko malaman na ako ang pinag-uusapan nila kaya naman sinadya kong tumigil bago magcross arms para pakinggan ang mga sasabihin nila sa akin, I'm not that rude you know.

About sa akin to for sure, so I must listen to them.

"She is Jin's sister, but you know girls? They are not living in the same roof, naiisip nyo ba ang naiisip ko?" Napataas ang kilay ko habang hinihintay ang susunod nilang sasabihin.

"I think she's an illegitimate child." Sabi ng isa sa mga alagad ng kalamares na ito.

"Yuck, anak sa labas." Parinig pa ng isa.

Excuse me? Ginusto ko bang maging anak ako sa labas?

"Stop talking at my back, will you?" Inis na tanong ko sa kanila.

"Nakaharap ka naman di ba?" Pambabara sa akin ng isang lamang dagat.

Napairap ako sa kawalan dahil sa sinabi niya. Whatever!

"If I ever hear you talk about me again, hindi lang paglutang ng katawan nyo sa ilog pasig ang sasapitin nyo dahil ipapakain ko pa kayo sa mga kamag-anak nyong lamang dagat." Pagbabanta ko sa kanila bago ko sila talikuran.

"Akala mo kung sino anak lang naman sa labas! Siguro pokpok lang sa kanto yung nanay niya at nalabasan lang ng init sa katawan ng isang mayaman na negosyate."

Agad nagpantig ang tenga ko sa narinig ko at namalayan ko nalang namalayan ang sarili ko na lumapit sa babaeng iyon para sapakin sa mukha.

Nakita ko gulat sa mga babaeng kasamahan ng makita nilang dumudugo ang ilong nito.

"What have you done?!" Sigaw nito habang gulat na gulat na nakatingin sa kamay niyang may dugo.

"Unang una sa lahat hindi ko alam kung bakit kayo nagagalit sa akin, hindi nyo kinaganda ang pag-uusap sa may buhay ng may buhay, pangalawa hindi ko naman ginustong maging anak sa labas at higit sa lahat, never call my mother a slut. Sa uulitin mong sabihin mo pa yan tatanggalin ko na lahat ng buhok mo sa katawan." Mariin kong sabi sa kaniya bago ko sila inisa-isang tingnan ng masama at talikuran.

Bwisit ng mga babae yan! Sirang-sira na nga ang araw ko dahil sa lalaking mahilig sa lollipop na iyon tapos dagdagan pa ng mga kalamares na iyon!

"POKPOK ANG NANAY MO!"

Napatigil ako sa paglalakad ko at napatingin sa iskandalosang bangus na iyon, galit na galit siyang nakatingin sa akin bago ako biglang sinugod para sabunutan.

Papatalo ba ako? Syempre gumanti ako! Gaga pala siya eh. Mas maganda pa yung buhok ko kaysa sa pagmumukha niya eh.

Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay sinipa ko siya sa tiyan para mapabitaw siya sa akin at napaupo sa sahig.

Inayos ko ang buhok kong nagulo dahil sa kanya.

"Do you wanna die?!" Galit na tanong ko sa kanya.

Bigla siyang sumigaw bago bumangon sa pagkakaupo, hindi ako nagpatinag sa sigaw niya. I'm not scared.

Nang maramdaman kong may isa sa mga kasamahan niya ang titira sa akin sa likuran ay agad ko iyong sinangga. Someone in my left grab my hair but when I kick her jewel napabitaw siya.

What the hell? Nasa isang cliche drama ba ako kasamahan ang mga mean girls? Whatever.

Pinaikutan ako ng mga kasamahan niyang mga mukhang bangus, I guess they are one of the kind of girl who are not afraid of breaking their fingernails. Well, I'm sorry but I'm the kind of girl who's not afraid of those kind of girls.

I dodged the first punch at sinipa ko sa tiyan ang isa. I gave them my hardest and strongest punches and kicks, I usually do punches because it can give them more pain than kicking them. Sanay akong makipag-away kung iyon ang tanong niya, I usually get in trouble when I was kid because I hate it when people are making fun of me or teasing me bacause I'm an illegitimate child.

People will not stop making fun of you until you gave them a punch in their face.

I stopped when someone grabbed my neck, what the actual hell?! I almost choke because of that! Mabuti nalang ay mas mabilis ako sa kanya kaya naman nagawa ko pa siyang i-upper cut and that caused her to passed out.

"One down." I whispered.

Nang may makita akong susuntok sa akin mula sa gilid ay agad kong hinila ang buhok ng isa sa mga kasamahan niya para maiharang ko ang mukha niya sa paparating na suntok ng kasamahan niyang lamang dagat din.

Napanganga sa gulat ang sumuntok ng makita niyang tumabing ang ilong ng kaibigan niya, maski ako ay na gulat sa lakas ng suntok noon pero hindi ko mapigilan ang mapangiti ng makita ko ang reaksyon niya. I guess she's rich, maybe she can afford another plastic sugery for her broken nose.

"O-Oh my gosh..." Hinawakan niya ang ilong niya at nakita niyang nagkadugo ang kamay niya, para bang hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa gulat and then boom! She passed out.

"Two down." I whispered while smiling develishly.

Nang mapatingin ako sa akin ang babaeng sumuntok sa kaniyang kaibigan ay agad kong inapakan ang paa niya bago pa niya ako masaktan, I punched her face continuously and when I saw a coming punch from my peripheral vision I dodge it pagkatapos ay pinag-untog ko silang dalawa.

"Sleep well." Bulong ko sa kanila ng makita kong hinimatay sila at bumagsak nalang sa sahig.

Nang makita nila ang dalawa nilang kasamahan na halos sabay na bumagsak ay sabay-sabay na nila akong inatake pero umiwas lang ako, hanggang sa sila-sila nalang din ang nag-away dahil sa kani-kanila lang din naman tumatama ang bawat atake nila.

Dahan-dahan akong umalis sa away nila pagkatapos ay pinanuod ko sila nagsasakita. Look at these bitches.

Nang makita kong may papalapit na mga school administrator ay agad akong nagtatakbo. I should not be caught! For pete's sake scholar lang ako!

Napailing ako ng makita kong wala akong makitang daanan kaya naman nagtago ako sa may isang malaking puno.

"Aish!" Inis na sabi ko habang sinisilip ko ang mga babaeng iyon na kahit may mga school administrator na ay nanatili pa rin silang naghihilahan ng buhok.

"Bwisit naman!" Sabi ko habang naiinis dahil hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta ngayon dahil baka mahuli ako.

"Ang ingay. Natutulog ako dito eh!" Agad nanlaki ang mata ko at napatingala sa taas.

Akala ko ay si Jungkook na naman ang makikita ko pero this time ay iba na. It's the guy who cursed Teacher Deighn on my first day of class. Nakahiga siya sa sanga ng malaking puno.

If you think Jungkook is weird because he's sleeping on the bleachers. Well, think again. This guy can sleep anywhere.

"Sshhh!" Idinikit ko pa ang index finger ko sa bibig ko para senyasan siyang huwag siyang maingay.

Nakita kong napairap siya bago bumaba sa malaking puno and then he grabbed my arms pero sinipa ko siya sa kayaman niya.

"Aray--" Agad kong tinakpan ang bibig niya para hindi siya makagawa ng kahit anong ingay.

Nang sumenyas siya sa akin na hindi na siya ulit magsasalita ay binitawan ko na ang bibig niya.

"I'm just gonna help you to get out of here." He mouthed.

"Is there someone here?" Rinig kong boses ng isang school administrator. Shit!

nila

"Let's go." Aniya bago ako hinila ng mabilis. Hanggang sa nakita ko nalang na papalapit kami sa isang motorbike. Woah! This is so cool.

"Suotin mo yan." Aniya ng hinagis niya sa akin ang isang helmet mabuti nalang at nasalo ko iyon.

"How about you?" I asked him.

"Of course, I have another one." Aniya bago kinuha ang isang pang helmet. Agad kong sinuot iyon at umangkas sa kanya.

"Are you ready?" Tanong niya sa akin.

"Of course!" After I answered that with confident, he drives his bike faster than I thought. Napakapit tuloy ako ng mahigpit sa kaniya.

Who ever he is, I don't care. I don't really care, as long as he help me then we're okay.

Pero teka!

"San mo ko dadalhin?!" Sigaw ko ng makita kong medyo malayo na kami sa school.

"Wag ka ngang maingay!" Saway niya sa akin.

"Loko ka ba?! Baka kung saan mo ko dalhin! Ibaba mo na ako!" Inis na sabi ko habang hinahampas ko siya.

"Do you wanna die?!" Banta niya sa akin. Oh geez! That's so thoughtful of him.

Wala naman siguro siyang balak na masama sa akin no?

Halos mawala ako sa aking sarili ng pinatakbo pa niya ng mas mabilis ang motorbike.

"Iyang pagpapatakbo mo ng mabilis ang ikamamatay ko eh!" Saway ko sa kanya pero parang hangin lang iyon dahil hindi naman niya pinakinggan.

Nang makatapat kami sa isang coffee shop ay inihinto na niya iyon, akala ko ay kamatay ko na dahil sa bilis niyang magpatakbo, pinatay niya ang kanyang motorbike bago siya bumaba doon.

Habang ako ay tinanggal ko muna ang helmet pero nagkabuhol-buhol ang buhok ko doon kaya hindi ko mai-alis ng ayos. So he helped me to remove the helmet.

"Nasan tayo?" Tanong ko sa kanya ng makababa na ako ng motor.

"Nasa Pilipinas pa din naman tayo." Aniya bago niya inayos ang motor niya sa pagkakaparada.

"Pilosopo. Not because you helped me it means that you can bring me anywhere you want." Inis na sabi ko sa kanya.

"Punyeta naman! Tigilan mo na nga yang kaka-english mo." Iritado niyang sabi sa akin.

"Ikaw din naman nag-english ka kanina ah!" Sagot ko pabalik sa kanya.

"Alam mo bang hirap na hirap na akong mag-english kanina! Ang tagal kong prinactice noon, baon ko pa yung english na yun." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Seriously?!

"By the way, nakita kitang nakikipag-away kanina." Aniya bago sumandal sa motorbike niya.

"And you didn't help me? How rude of you."

"It because it looks like you doesn't even need a help." Malamig niyang sagot sa akin.

Napangiti dahil sa sinabi niya kaya naman lumapit ako sa kaniya bago ko sinapak ang braso niya.

"I like you." Diretso kong sabi habang natatawa.

Napangiwi siya agad ng marinig niya sa sinabi ko. "I don't like you." Honest na sagot niya.

"I like you as a person, don't get me wrong." Sagot ko agad sa kanya baka kasi kung ano pang maisip niya.

"I'm Min Yoongi." Naglahad siya ng kamay sa akin, napataas ang kilay ko habang pinagmamasdan ko ang kamay niya sa harapan ko.

"Kim Djermayne, I think you already know my name." Sagot ko sa kanya pero hindi ko tinanggap ang kamay niya.

Napatingin siya sa kamay niyang hindi ko tinanggap.

"Actually ngayon ko lang nalaman ang pangalan mo. Can't you just put your hands on me so we ca have a handshake? I'm trying to introduce myself nice and properly to you, can you please cooperate?" Iritado niyang tanong sa akin.

"Woah, look at this jerk." Inis na sabi ko bago ko tinanggap ang kamay niya para makipag-handshake.

"Tingnan mo nag-english ka din eh, prinactice mo din ba yan?" Tanong ko sa kanya, nagkibit balikat lang siya sa akin.

"Anyway, thank for the help. I wished that we don't see each other again but I guess it will be impossible because we're classmates, right? So, thank you again. Bye!" Sabi ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.

"Do you think I help you for nothing?" Tanong niya sa akin.

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya, kahapon ay si Rigelle ngayon siya naman? Wala bang tutulong sa akin ng walang kapalit?

"What do you want?" Bored kong tanong sa kanya.

"You will know." Aniya bago ako hinila papasok sa coffee shop.

"What the..." Sabi ko nalang hanggang sa makapasok kami sa loob ng coffee shop.

Nakita ko si Teacher Deighn na nagpupunas ng lamesa kaya naman agad nanlaki ang mata ko. Is she the owner of this?

Napatingin siya sa magkahawak naming kamay ng lalaking ito bago kami tumigil sa harapan niya.

"Girlfriend ko."

Agad nanlaki ang mata ko at napatingin kay Yoongi na seryosong nakatingin kay Teacher Deighn. Nagbalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa na nagtititigan.

Naguguluhan ako ngayon, pinapakilala ba niya sa akin si Teacher Deighn as her girlfriend o pinapakilala niya ako kay Teacher Deighn as her girlfriend?!

Napaturo pa ako sa sarili ko habang nagugulumihanan ako sa nangyayari.

Nang tumingin sa akin si Teacher Deighn ay mas lalo akong naguluhan but when she smiled at me medyo nakalma ako.

Ngayon ay si Yoongi naman ang napatingin sa amin dalawa.

"Tss, sabi ko na nga ba hindi gagana eh." Bulong ni Yoongi sa sarili niya bago naglakad papunta sa pinakadulong upuan.

"Teacher Deighn, di totoo yun ah! Di niya ako girlfriend." Bulong ko agad sa kanya ng makalayo si Yoongi.

Nakita kong napangiti siya sa akin at bahagyang natawa.

"I know, don't worry." Sagot niya sa akin.

"Di ba may klase pa kayo? Hinila ka ba ni Yoongi para lang diyan?" Tanong niya sa akin.

"Hindi po! A-Ano po kasi..." Agad akong nag-isip ng dahilan ko hanggang sa matigil ang tingin ko sa nakadikit sa salamin nila.

Perfect!

"Actually Miss Deigh, naghahanap po talaga ako ng mapapasukang part time job kaya humingi ako ng tulong kay Yoongi and he helped me." Palusot ko, sa totoo lang ay perfect na palusot to dahil naghahanap naman talaga ako ng panibagong part time job.

"Tinulungan ka talaga ni Suga?" Nagtatakhang tanong ni Miss Deighn sa akin bago napatingin kay Yoongi na tahimik na nakikinig ng music sa dulo, nang makita niyang napatingin kami sa kanya at tinaasan nila lang kami ng kilay.

"Suga? As in Suga na asukal?" Tanong ko kay Miss Deighn, napangiti siya sa akin at tumango.

"He must be cold outside but you know he's sweet on his on way." Ani Miss Deighn sa akin bago ako hinarap ulit.

"At dahil ikaw ang kauna-unahang kaibigan ni Yoongi after Jungkook then you're hired." Sabi ni Miss Deighn bago niya ginulo ang buhok ko.

What? Is that it? Dahil lang akala ni Miss Deighn na kaibigan ako ng naglalakad na harina na iyon?

Woah! Akala ko ay may galit sa isa't-isa ang dalawang to dahil noong first day of school, pero ngayon ay pakiramdam ko na close silang dalawa.

"So kaylan ako mag-start ng work ko Teacher Deighn?" Tanong ko sa kanya.

"Any time you want." Aniya bago tinanggal ang paskil na nakadikit sa salamin.

"Uhmm, siguro kapag uwian nalang ganoon Teacher Deighn, okay lang ba?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang counter.

"Of course, part time job mo lang naman eh." Aniya sa akin.

"Nga pala, wag mo na akong tawaging Teacher Deighn, just call me Ate Deighn, okay?" Nakangiti niyang sabi sa akin. Agad akong tumango sa kanya bago ako mapatingin kay Yoongi na nakatingin sa aming dalawa na para bang nagtatakha sa pinag-uusapan namin.

"Balik lang ako sa kanya Ate Deighn." Sabi ko sabay turo ko kay Yoongi, napatingin din siya doon bago ako tinanguan.

Lumapit ako kay Yoongi.

"Do you like her?" Tanong ko sa kanya na kinabigla niya.

"Nope." Sagot niya agad ng makabawi siya.

"Don't me nga! Alam ko yung mga ganyang galawan no." Sabi ko sa kanya sabay flip ko pa ng hair ko.

"Tss! Nagtatanong ka tapos di ka maniniwala." Inis na sabi niya sa akin.

"Sungit!" Diretsong sagot ko sa kanya.

"Pangit!" Sagot niya pabalik sa akin.

"Wala ka ng pag-asa sa kanya! Ikakasal na siya." Pang-iinis ko pa sa kanya pero this time ay mukhang seryosong galit na talaga siya.

Medyo nabigla din ako sa sinabi ko, kahit kaylan talaga tong bunganga ko na to. Mabuti nalang talaga ay may biglang tumawag sa kanya kaya naman tingin siya sa akin bago niya iyon sinagot.

"Hello?" Aniya sa kabilang linya.

"Huh? Papaano mo nalaman na kasamahan ko-- Okay! Okay! Eto na ibibigay ko na." Napatingin ulit sa akin si Yoongi bago niya inabot sa akin yung cellphone.

"Rigelle." Napakunot ang noo ko ng sabihin ni Yoongi iyon kaya naman kunot noo kong tinanggap ang cellphone.

"Hello--"

"DJERMAYNEE!!!" Pagkatapos ng malakas na sigaw na iyon ay puro hagulgol nalang ang narinig ko.

What the... hell?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top