Chapter 5
Chapter 5: Tearless
Habang nilalagyan ko ng icing ang cupcake sa harapan ko ay biglang tumunog ang chimes sa pintuan ng aking Coffee shop.
Napa-angat ang tingin ko sa pumasok na panibago, masyado pa kasing maaga para magkaroon ng costumer.
Agad napakunot ang noo ko ng tumama an paningin ko sa kanya.
Dire-diretso ang pasok niya habang patungo sa pinakadulong upuan kung saan palagi ang pwesto niya.
"Yoongi." Tawag ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin ng tawagin ko siya pero walang ekspresyon sa mukha niya.
Palagi nalang siyang nandito at tahimik na natutulog sa pwesto niya palagi hanggang sa sumapit ang gabi.
"Bakit di ka pumapasok sa school?" Diretsong tanong ko sa kanya.
"Wala akong gagawin doon." Aniya bago tuluyan ng umupo at dinukdok na naman ang mukha sa lamesa para matulog.
"Wala ka naman ding ginagawa dito kundi matulog, sa bahay nyo pati sa school ay natutulog ka lang pati ba naman dito?" Pangaral ko sa kanya.
"Eh wala naman akong pwedeng ibang gawin dito." Aniya habang nakapikit na.
Napailing nalang ako sa sinabi niya, kahit kaylan talaga ang batang to! Napakapilosopo kaya hindi ko nalang pinatulan.
Pinagpatuloy ko nalang ang pag-lalagay ko ng icing sa mga cupcakes.
Napatingin ako sa orasan, ala sais palang ng umaga pero nandito na agad siya.
Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko siya habang natutulog bago ako bumalik sa kusina.
Kinuha ko ang agahan ko at dinagdagan ko na din iyon pagkatapos ay nagtimpla ako ng dalawang kape.
Paglabas ko ng kusina ay natutulog pa rin siya kaya naman dumiretso na ako sa harapan niya at inilapag ko ang tray doon bago ko siya gisingin.
"Yoongi-ah" Tinapik ko balikat niya para magising siya.
Napatingin siya agad sa akin bago nagkusot ng mata niya.
Inayos ko ang pinggan at tasa bago ko ibinaba ang tray sa katabi kong upuan.
"Kain ka muna, i'm sure di ka pa nag-aagahan." Inilapit ko sa kanya ang pinggan pero ang tingin niya ay nakadiretso lang sa akin.
"Kumain ka na baka lumamig pa yan." Sabi ko bago ko inumpisahan na ang pagkain ko pero siya ay nananatiling nakatingin sa akin kaya na-awkwardan ako ng bahagya.
"Hindi ka mabubusog kung tititig ka lang sa akin." Pangaral ko.
Napabuntong hininga siya bago niya inumpisahan ang pagkain niya.
This time ay ako naman ang napatingin sa kanya habang kumakain siya.
Hindi siya nagsasalita at seryoso siyang kumakain kaya naman napatitig na lang ako sa kanya.
"Hindi ka mabubusog kung tititig ka lang sa akin." Panggagaya niya habang diretso lang ang tingin niya sa mga pagkain.
Napabuntong hininga nalang ako bago ko pinagpatuloy ang pagkain ko.
Tahimik lang kaming kumakain na dalawa at kahit tinginan ay hindi namin ginagawa.
Bigla akong napatigil ng bigla niyang inilapit sa akin ang tasa ng kape ko.
"Inumin mo na yan para hindi ka manlata, mahirap gumising ng maaga para magtrabaho." Aniya.
Napatitig ako sa kanya na diretso lang ang tingin niya sa akin, dahan-dahan kong hinawakan ang tasa ng kape ko.
Biglang pumasok sa isip ko ang linya niya dati.
"Ate Dei, inumin mo to oh! Para hindi ka manlata, mahirap siguro yang gigising ka ng maaga para magtrabaho no?" Inabot sa akin ni Yoongi ang isang instant coffee pero bago iyon ay tinanggal ko muna ang nakasuot sa ulo kong mascot bago ko iyon tinanggap.
"Salamat Yoongi, nag-abala ka pa." Sabi ko sa kanya bago ko ininom ang kape na binigay niya.
"Ayos lang yun Ate, alam kong nahihirapan ka na dyan, pwede namang ako muna duan di na nila mahahalata yun."
Natawa ako dahil sa sinabi niya.
"Baliw ka talaga! Patay ako sa amo ko kapag nahuli ako, kaylangan ko pa naman ng mas marami pang part time jobs para sa pang bayan ng apartment ko kahit scholar ako ay kaylangan ko pa rin ng pera."
"Hayst! Di talaga ako makapaniwala na may ganyan kaganda sa loob ng mascot na iyan, di bale! Ilang araw nalang ay makakagraduate ka na at magiging teacher ka na."
"Nanuya ka pa dyan! Ah basta mag-aral ka ng mabuti at baka maging estudyante pa kita." Nakangiting sabi ko sa kanya bago ko piniga ang ilong nya.
"Aray! Wag mo nga akong ituring na bata at tatlong taon lang ang agwat mo sa akin sadyang matalino ka lang kaya nag-excel ka! Kung hindi naku! Baka nga kaklase lang kita eh! Dapat nga Deighn nalang ang itawag ko sayo dahil di naman kita ka-ano ano!" Naiinis na sabi nya.
Natawa ako ng malakas bago ko siya hinampas sa braso.
"Tatlong taon pa rin ang tanda ko sa'yo kaya dapat ate pa rin ang itawag mo sa akin kahit di tayo magka-ano ano." Nakangising sabi ko sa kanya.
"Aish! Kaibigan mo ko dapat Deighn lang ang tawag ko sayo!" Giit pa nya.
"So? Mas matanda ako ng tatlong taon, mas marami na akong nakakaing kanin sayo kaya Ate dapat ang tawag mo." Pang-iinis ko pa.
"Anong kinalaman ng kanin sa edad natin ha?" Tanong nya sa akin.
"Tss! Bahala ka nga! Magtatrabaho na ako at baka mahuli pa ako ng boss ko na nakikipagdaldalan lang sayo."
"Aba! Kayang kaya kong bilhin buong kompanya baka akala niya."
Napangiwi ako sa sinabi niya, here goes the Arrogant Yoongi again.
"Alam kong mayaman ka kaya wag mo ng pagkalandakan pa." Sabi ko sa kanya bago ko sinuntok ang braso niya at muli kong sinuot ang pang-mascot.
"Oyy, lalamig na yang kape." Aniya habang winawagayway nya ang kamay niya sa mukha ko.
Nagulat ako ng marealize kong kanina pa pala ako nakatulala.
"Wag mo munang isipin yang kasal mo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Hindi naman kasal ko ang iniintindi ko ngayon kundi siya pero di nalang ako nagsalita at baka kung ano pa ang maisip niya.
"Don't worry about me Yoongi, stop caring for me. Live your life now, please." Pakiusap ko sa kanya.
Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko pero agad din siyang nakabawi.
"If that's what you want." Aniya.
Pero this time ay ako naman ang nagulat.
Nasan ko ba nalagay iyon?! Nakakainis naman!
Pabalik-balik ako sa hallway ng school namin habang iniisa-isa ko sa isip ko kung ano ang mga possibleng nangyari sa cellphone ko.
Kanina kasi pag gising ko ay hindi ko na makita ang cellphone ko.
May tatlong maaaring nangyari, pwedeng nahulog ko iyon noong pauwi ako, pwedeng naiwan ko kila Rigelle at pwede ding naiwan ko iyon sa covered court bago ako umalis.
Imposible naman kasing nakawin iyon dahil kung meron mang nagnakaw noon ay baka maawa pa sa akin at magkusa na silang ibalik iyon dahil sa sobrang awa na naramdaman nila sa akin.
Kaya naman kung saan ang pinakamalapit ay doon na ako pumunta.
Ang pinakamalapit sa akin ngayon ay ang covered court kaya naman dumiretso na agad ako doon.
Pumunta ako sa pinuwestuhan ko kahapon at doon ako naghanap, pakiramdam ko ay nilibot ko na ang buong covered court pero wala akong nakitang kahit isang bakas ng cellphone ko.
Sa sobrang pagod ko ay napaupo nalang ako sa may bleachers at napapikit doon habang pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang aking kamay sa sobrang init.
"Please Taehyung, just leave me alone."
Napadilat ang isang mata ko at napatingin sa nagsalita, nakita ko ang babaeng nakasalamin sa room namin at ang lalaking mahilig sa lollipop na sumira ng araw ko at patuloy pa niyang sisirain.
"Tiffy, if you want to cry just go somewhere na walang makakakita sa iyo."
Napataas ang kilay ko sa sinabi ng lalaking mahilig sa lollipop.
So Taehyung ang pangalan niya at ang isa namang to ay Tiffy ang pangalan?
Nakita kong napayuko ang babae habang ako naman ay napatagilid ang ulo ko.
I saw her twinkling eyes.
Umiiyak siya?
"Huwag na huwag mong ipapakita sa ibang tao na umiiyak ka, ayokong mangyari na naman sa iyo ang nangyari dati."
Nakita kong lumapit si Taehyung sa babae at dahan-dahan niyang tinanggal ang salamin ni Tiffy.
She's so pretty lalo na kapag wala siyang salamin and I can't deny it.
Pero ng dahan-dahang pinunasan ni Taehyung ang luha ni Tiffy sa mata ay halos bumaliktad ang sikmura ko sa sobrang pandidiri ko, kinaskas ko pa ang balat ko dahil kinikilabutan ako sa kakornihan niya.
Pakiramdam ko nanunuod ako ng isang cliche, cheesy and old film telenovela.
Biglang hinawi noong babaeng nagngangalang Tiffy ang kamay ni Taehyung, napangiti akong bigla for unknown reason.
Siguro ay nandiri din yung Tiffy kaya hinawi niya ang kamay ni Taehyung.
"After a year bigla ka nalang lalapit sa akin at kakausapin mo ulit ako? Can you please stay on what we used to be?" Malamig na sabi ni Tiffy.
Oh ang taray!
May sinabi pa si Taehyung pero hindi ko na iyon narinig kaya sinubukan kong lumapit sa kanila but out of sudden bigla nalang ako natalisod.
"Ay tiny shining pepper ni Jimin!" Napasigaw ako sa sobrang gulat ko.
Sabay napatingin sa akin ang dalawa, nanlaki ang mata ko ng marealize kong nakatingin sila sa akin, napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa sobrang pagka-awkward ko.
Si Tiffy ay walang emosyong nakatingin sa akin kahit na bakas na bakas pa rin ang luha sa mata niya samantalang si Taehyung ay masama ang tingin sa akin.
"Nadaan lang ako, hindi ako nakikinig sa usapan nyo. Hehe! Mauna na ako! Bye!" Naglakad ako papalayo sa kanila para matakasan ko na ang dalawa ng bigla akong hilahin ni Taehyung papalapit sa kanya.
Hanggang sa maramdaman ko nalang na naglapat ang labi naming dalawa.
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay para akong nawala sa sarili ko, nakita kong nakapikit lang siya habang ako naman ay dilat na dilat.
Parang tumigil ng mga limang sigundo yung puso ko.
"Ah shit! Get a room!" Sigaw ng lalaki bago biglang sumara ulit pintuan sa covered court.
Pagkasarado noon ay bigla niya akong binitawan kaya naman muntik na akong mabuwal.
Anong nangyari?
Napatingin ako sa walang hiya na iyon na agad lumapit kay Tiffy na nagulat sa nangyari, nagbabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa bago siya napatulala kay Taehyung.
"Okay ka lang ba? Punasan mo na yang luha mo, baka makita pa nila na umiiyak ka." Sabay punas ni Taehyung sa luha ni Tiffy.
While me? I was left dumbfounded here.
"Muntik ka na nilang makitang umiiyak." Ani Taehyung.
Napanganga ako ng mag-sink in na sa utak ko ang nangyari.
Did he kissed me just because he wants does guys to see us kissing instead to see Tiffy crying?
What the...
Biglang kumulo ang dugo ko sa naisip ko. So ibig sabihin noon ay alam na niyang may papasok ditong mga lalaki kaya hinalikan na niya agad ako. Is that it?
Agad kong kinuwelyuhan si Taehyung para sapakin.
Binigay ko lahat ng naipon kong lakas para sa isang sapak na iyon, naramdaman ko ang panginginig ng luha ko habang patuloy ko siyang pinagsusuntok.
Napapasigaw pa ako sa sobrang inis ko.
When I broke up with Jimin, when I left our home, when I knew that I was an illegitimate child, when my mother died... I never cried.
I'm tearless Kim Djermayne.
But that was before.
Napapagod na ako sa tagal ko siyang sinasaktan, kahit ganti o ano ay hindi niya ginawa kaya naman tumigil nalang ako sa pagbabato ko sa kanya ng mga suntok ko.
Nang tumigil na ako ay mabibigat na ang hininga ko dahil sa pagod at galit.
I never expect that my first kiss would be someone I hate the most, buong akala ko ay kay Jimin ko iyon maibibigay dahil siya lang naman ang lalaking minahal ko.
He's my first love and my first boyfriend pero kahit kaylan ay hindi niya ako hinalikan sa labi dahil alam niyang masyado pa kaming bata. Halikan man niya ako sa pisngi lang o sa noo.
But this guy stole my first kiss.
Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako, siguro ay ganoon lang talaga kaimportante at sobra kong pinapahalagahan ang first kiss.
Tiningnan niya ako pero wala akong makitang emosyon sa mata niya.
"Are you happy now? You make other girl cry just cry just to make the girl you love stop from crying? You're a big bullshit!" Mahina pero mariin kong sabi sa kanya bago ko sila tinalikurang dalawa.
Bago pa bumagsak ang isang butil ng luha na namumuo sa mata ko ay pinunasan ko na agad iyon.
I thought my first kiss would be sweet and magical but it turns out to be sad and tragic.
Bakit ako naiiyak? Dahil ba pakiramdam ko ay naapakan na ako ng ibang tao? Dahil ba pakiramdam ko ay ginamit ako?
Siguro nga ay dahil ang pinapahalagahan kong bagay ay napunta lang sa walang kwentang tao sa isang walang kwentang pangyayari para sa walang kwentang dahilan.
Hindi ako iiyak dahil hindi iyon dapat. Pipigilan ko hangga't kaya ko.
I guess I'm still tearless Kim Djermayne after all.
Napapikit ako ng mariin ng makita ko si Chris Jane na nakaupo habang nakataas ang paa niya sa desk kahit na nakaskirt lang siya tapos napakaingay pa ng cellphone niya dahil sa nilalaro niyang games.
Napahilot ako ng sintido ko dahil nabubuwisit na ako ng isang to.
Aapat palang kami sa loob ng classroom, ako, siya, si Amery at si Angel pero kahit na nga ba ako palang ang nag-iisang lalaki dito ay lalaki pa rin ako.
Dahil hindi na ako nakapagpigil kaya naman tumayo na agad ako para sipain ang desk na pinagpapatungan niya ng paa niya.
"Ay anak ng-- Game over na!" Sigaw niya dahil sa sobrang inis.
Tiningnan niya ako ng masama na para bang sinira ko na ang buong buhay niya dahil lang na game over siya.
"Loko ka ba!? Bakit mo sinipa yung desk! Hindi mo ba nakikitang nakapatong yung paa ko diyan ha?!" Singhal niya sa akin.
"Bobo ka ba?! Kaya nga sinipa ko yan para alisin mo yang paa mo dyan! Hindi mo ba nakikitang may lalaki dito ha! HA?!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
Hindi pa rin niya iyon binaba sa halip ay tiningnan pa rin niya ako gamit ang masama niyang tingin.
"Wala akong nakikitang lalaki dito!" Aniya.
"Anong tingin mo sa akin ha bakla?!" Ang kapal din ng isang to, mukha ba akong bakla ha?!
"Hindi ko sinabing bakla ka ha! Defensive ka masyado at tsaka hindi ko kasi napansin na nandyan ka pala, ang liit mo kasi!"
Sa sobrang inis ko sa kanya kaya naman sinipa ko ng mas malakas ang desk kaya napababa na ng tuluyan ang paa niya.
"ANO BA?!" Sigaw niya sa akin ng napababa bigla ang paa niya.
Naiinis talaga ako sa isang to! Kabaligtaran siya ni Djermayne!
"Umayos ka kung ayaw mong mabastos ka! Pasalamat ka at kahit lalaki ako pinipigilan kong tumingin diyan, papaano kung nandito na yung ibang kaklase natin ha?!"
"Aba't-- Loko ka ha! Kung nakikita mo na palang ganoon edi sana wag kang tumingin! Dukutin ko yang mata mo eh!"
"Ikaw na nga tong tinutulungan na hindi mabastos ikaw pa tong galit!" Nakakapikon na talaga ang isang to.
"Sabihin mo manyak ka lang talaga!" Magsasalita pa sana ako ng bigla kong makita si Jin na pumasok sa loob ng room habang tumitingin-tingin sa paligid na para bang may hinahanap.
"Si Djermayne ba yung hinahanap mo? Wala siya dito, umalis siya kanina." Sabi ko agad kay Jin, nakita kong napatingin lang siya sa akin saglit bago tumango at nagsimula muli siyang tumingin-tingin sa paligid.
Nakita kong gumawi pa ang tingin niya sa likod kaya naman napatingin din ako doon pero wala namang tao at isa pa, hindi naman doon nakaupo si Djermayne.
"Sino bang hinahanap mo?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya sa akin.
"Oy Jin!" Napatingin kaming bigla sa dalawang pumasok ng room habang may hawak-hawak na bola si Hoseok.
"Di ba kapatid mo si Djermayne?" Tanong ni Namjoon kay Jin.
Agad nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang pangalan ni Djermayne.
Nagkatinginan muna kami ni Jin bago siya tumango kay Namjoon.
"Sabihin mo sa kapatid mo na huwag gawing motel yung covered court." Ani Namjoon.
"Pinagsasabi mo dyan Namjoon?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit kasi sa covered court sila naghahalikan ni Taehyung? May malapit namang motel dito ah? Mura lang dun."
Agad napakunot ang noo ko sa sinabi ni Namjoon.
"Tigil-tigilan mo na nga yang panunuod mo ng porn Namjoon, pati si Djermayne dinadamay mo eh!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Totoo yun Jimin! Bakit hindi ikaw mismo ang pumunta doon sa covered court para makita mo? Baka nga hindi na halikan ang ginagawa nila doon." Natawa pa si Hoseok sa sinabi niya.
Napayukom ang kamao ko dahil sa sinabi niya.
"Ginagago mo ba ako?" Malamig na tanong ko sa kaniya.
"Mukha ba kaming nakikipag gaguhan sa'yo Jimin?" Tanong pabalik ni Hoseok sa akin.
Napipikon na talaga ako sa isang to.
"Tingnan mo kasi ng maniwala--"
Hindi na ko nagpapigil pa kaya naman sinapak ko na agad siya. Muntik na siyang mabuwal pero nasagko siya sa mga desk kaya hindi iyon natuloy.
"Gago ka ah! Bastusin mo na ako pero wag na wag mong babastusin si Djermayne!" Sigaw ko sa kanya.
Nanatili si Hoseok sa pwesto niya habang pinupunasan ang dugo sa labi niya.
"Mukha ba akong nagbibiro ha?!" Sigaw niya sa akin at akmang sasapakin na din niya ako ng biglang hinarang ni Jin ang kamay niya.
"Bilang Presidente ng paaralan na ito, hindi ko hahayaan o kukunsintihin ang ganitong uri ng gulo." Aniya.
Napailing nalang ako sa sinabi niya, si Namjoon ay hinawakan si Hoseok sa balikat at tinatapik ito habang may sinasabi.
"Pero papalagpasin ko muna ito at sa oras na maulit pa ang gantong gulo sa pagitan nyong dalawa, hindi na ako magdadalawang isip na ipasuspend kayo ng isang buwan."
Sinamaan pa kami ng tingin ni Jin bago siya lumabas ng classroom, napabuga nalang ako ng hangin sa kawalan para mawala lahat ng galit ko sa katawan.
"Lumabas muna tayo at baka magpang-abot pa kayo ni Jimin." Narinig kong sabi ni Namjoon kay Hoseok.
Hindi ko nalang sila pinansin at ng makalabas na silang dalawa ay tsaka ko palang nilabas ng galit ko, pinagsisipa ko lahat ng desk dito sa loob ng room.
"Ano ba Jimin! Kung gusto mong manira ng gamit, umuwi ka sa inyo at sunugin mo yung bahay nyo!" Singhal sa akin ni Chris Jane.
"Pwede ba Chris Jane manahimik ka kahit ngayon lang ha?!" Galit na sigaw ko sa kanya.
"Bakit ba galit na galit ka? Wala namang sinabing masama si Hoseok ah? Alam mo namang hindi nagsisinungaling ang isang yun, malamang na totoo yung sinasabi niya--"
"Tumahik ka nga!" Sigaw ko sa kanya para tumigil na siya sa kakasalita.
"Bwisit! Bwisit talaga!" Sigaw ko habang pinagsisipa ko ulit ang desk.
Hindi ko na alam kung anong kinakagalit ko ngayon dahil ba pakiramdam ko ay binastos nila si Djermayne o dahil ba alam kong totoo iyon dahil kilala ko si Hoseok na hindi talaga siya marunong magsinungaling.
"Napakalandi talaga ng Djermayne na yan eh no!"
Napatigil ako sa pagwawala ko ng marinig kong nagsalita si Angel.
"I agree bessy! Ang kati niya! Sarap kamutin ng matutulis kong kuko." Sagot pa ni Amery.
"Wala pang isang linggo dito sa school puro kalandian na ang dinadala. Napakalandi!" Dagag pa ni Angel.
"Kung hindi lang iyon kapatid ni Jin ay baka tinanggalan ko na siya ng buhok sa katawan." Sabay pa ni Amery
Napatingin ako sa dalawang hipon na nagsasalita, sa sobrang inis ko ay nilapitan ko silang dalawa tsaka ko sinipa ang desk na nasa harapan nila.
"Ano ba Jimin! Nababaliw ka na ba?!" Galit na tanong ni Angel sa akin.
"Tigil-tigilan nyo yan ha!" Banta ko sa kanila.
"Oh bakit? Nilalandi ka na din ba noong Djermayne na yan kaya affected ka?" Tanong sa akin ni Angel.
Kung hindi lang ako pinalaki ng maayos ng magulang ko ay baka isinigang ko na sa bayabas ang dalawang hipon na to.
"Alam mo imbes na magsasalita kayo dyan ng masama kay Djermayne? Bakit hindi nyo nalang balatan yang katawan nyo at magkusa na kayong tumalon sa kumukulong tubig ng maluto na kayong mga hipon kayo ha!" Galit na sabi ko sa kanila bago ko muling sinipa ang desk na nasa harapan nila.
Napasigaw sila ng sabay at naririndi ako sa sigaw nila.
Kaya naman lumabas nalang ako ng classroom na iyon para hanapin si Djermayne.
I'm sure may dahilan si Djermayne kung bakit niya ginawa iyon.
Naghilamos ako ng tubig sa aking mukha bago ako napatingin sa aking repleksyon sa salamin.
I saw my eyes were bloodshot but it's not a red as earlier, kung medyo malayo ka sa akin ay hindi na pansin na umiyak ako.
Napatulala ako sa sarili ko sa salamin, I'm such a crybaby.
Why would I cry just because my brother will gonna be married soon?
I'm such an immature, of course he'll leave... He will leave me too just like what other people doing to me every time.
They leave, they always leave.
Even the only person that I have will leave too because he's going to build another family.
Yeah, he will get married soon to Teacher Shin Deighn.
Napakagat ako sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang sarili ko.
Lahat naman ng tao ay iniiwan ako, I should stop being dramatic and face the reality that no one will be there for me.
I'm all alone.
Napailing nalang ako sa mga naiisip ko, magpapalit na ako ng damit para sa P.E.
Nakakailang butones na ang natatanggal ko ng may mapansin akong mali. Agad kong binalik ang pagkakabutones ng mga school uniform ko bago ako humarap sa likod ko.
"Do you really want to watch me while I'm changing my clothes?" Malamig na tanong ko kay Jungkook.
"H-Ha?! N-No! Napadaan lang ako dito! Hinahanap ko s-si Djermayne, n-nandyan ba siya?"
Napataas ang kilay ko ng marinig ko ang pangalan ni Djermayne.
First is Taehyung and then Jungkook? Who's next? Namjoon? Hoseok? Yoongi? Jimin?
"You're searching for her here in the girl's changing room? Boys are not allowed here, unless you're a transgender?" Tanong ko sa kanya.
Nakita kong namula ang mukha niya bago nag iwas ng tingin sa akin.
"H-Hindi ko naman alam na g-girls changing r-room to. S-Sorry!"
Para siyang batang natatakot na makagalitan ng nanay niya, napailing nalang ako sa kilos niya.
"I guess she's in the covered court."
Napatingin siya sa akin pero ng makita niya ang nakakatakot kong tingin ay nag-iwas na naman siya.
"Ano pang hinihintay mo dito? Alis!" Pagtataboy ko sa kanya.
"S-Salamat!" Aniya bago nagtatakbo papaalis na parang bata.
Napairap nalang ako dahil sa lalaking iyon.
Pinagpatuloy ko na ulit ang pagpapalit ko ng damit pero habang nagpapalit ako ng damit ay may naalala ako.
Everyone knows that Jungkook is scared of girls, then why is he always with Teacher Deighn?
Nakakapagtaka...
Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin bago napakunot ang noo ko.
Is there something behind it?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top