Chapter 4
Chapter 4: Paasa Ka
Kakabukas lang ng coffee shop ko na ito noong lunes pero simula noon, palaging nandito ang batang ito.
Umo-order lang siya at pagkatapos niyang ubusin ang in-order niya ay matutulog nalang siya diyan hanggang sa magdilim.
Malapit na akong mag-sara pero nandito pa rin siya. Jusko naman.
Nilapitan ko si Yoongi na natutulog sa may pinakadulong upuan dito sa aking Coffee Shop, nakadukduk ang mukha nya sa lamesa.
This kid looks like an angel until he open up his mouth, tsk!
Umupo ako sa kaliwang bahagi nya kung saan kitang kita ang mukha niya.
His pale skin matches his black hair.
Ano bang dahilan kung bakit ayaw mong umalis sa tabi ko?
Hinawi ko ang ilang stands sa buhok nya, let's just appreciate how beautiful he is.
Anong sabon kaya ginagamit nya at bakit ganyan siya kaputi?
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng biglang hinawakan nya ang aking kamay na nasa tapat ng pisngi niya.
Agad nanlaki ang mata ko ng makita kong gising siya at nakatingin siya ng diretso sa akin.
Siguro dahil sa sobrang gulat ko ay kaya naman bumilis bigla yung tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso.
Namutla ako at parang naubusan ng dugo, para akong nahuli sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.
Nakatitig lang sa akin ang maliliit niyang mata kaya naman parang mas lalo akong namutla.
Siguro ay nanlalamig na ang kamay ko pero nananatili pa rin siyang nakahawak doon.
"Let's date." Seryosong sabi niya sa akin habang nakatitig sa mata ko.
Kung kanina ay bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa gulat ngayon naman ay parang tumigil ang tibok ng puso ko ng mga 2 seconds.
"Ano ka bang bata ka!" Agad akong nakabawi sa sinabi niya kaya sinubukan kong alisin ang kamay ko pero hindi niya iyon binitawan, sa halip ay pinag salukip pa niya ang mga daliri namin.
"Wag mo kong tawaging bata dahil tatlong taon lang ang tanda mo sa akin." Seryosong sabi nya.
"Pero teacher mo ako Yoongi!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Nag-resign ka na di ba?" Malamig na sabi niya sa akin na siyang dahilan kung bakit lumamig ulit ang kamay ko.
"Dati mo akong teacher." Pinagdiinang sabi ko.
"Pero bakit kayo ni Jungkook? Teacher ka din naman niya at pitong taon ang tanda mo sa kanya." Natahimik ako sa sinabi niya.
"I'm getting married Yoongi, let's just forget what happened. It's already past and we need to forget about it. Nagsisi na ako sa kasalanan ko and I know that I'm wrong kaya nga tinatama ko na ang mali ko hindi ba?"
"Magpapakasal ka sa taong di mo naman mahal? Iyan ba ang sinasabi mong pagtatama mo sa mali?" Malamig na tanong niya sa akin.
Damn Yoongi.
"He's a friend of mine since we're elementary, of course I love--"
"Si Jungkook? Anong nararamdaman mo sa kanya kung mahal mo pala ang lalaking yan."
"Yoongi pwede ba! Hindi mo alam yung sa amin ni Jungkook!" Sigaw ko sa kanya sa sobrang inis ko.
"Edi sabihin mo sa akin ng malaman ko! Problema ba yun ha?" Tanong niya pabalik sa akin.
"Wala na iyon! Wala na yun! Mali ako! Mali kaming dalawa!" Sigaw ko sa kanya.
"Bakit kayo pwede? Bakit tayo hindi?" Naguluhan ako sa sinabi niya kaya naman bahagya akong napaurong.
Pero laking gulat ko ng hilahin niya ako at pinagpalit niya kami ng pwesto, nasagko ako sa lamesa kaya hindi na ako makaurong ulit.
Nang pinatong niya ang kamay niya sa lamesa ay napaurong ako para hindi maglapit ang mukha namin.
This kid must be out of his mind.
Ano bang ginagawa niya?!
"Yoongi! Ano ba!" Naramdaman ko ang panginginig ng boses ko.
How can I be scared to a student?
Napalunok ako ng pinikit niya ang mata niya, uurong pa sana ako para hindi niya magawa ang naiisip niya ng bigla niyang hinawakan ang likod ko.
I'm doomed.
Napatitig ako sa mukha niyang nakapikit, he always looks like an angel when his eyes are close.
For unknown reason ay napapapikit din ako, I feel his hot breath in my face pero biglang bumukas ang pinto.
Rinig na rinig ko ang pagbukas noon kaya naman napadilat kaming pareho.
Nagkatitigan kaming dalawa ni Yoongi bago kami napatingin sa pinto.
"Jin..." Pakiramdam ko ay namutla akong bigla ng makita ko si Jin na nakatayo malapit sa pinto at gulat na nakatingin sa aming dalawa.
"M-Miss Deighn? M-Min... Yoongi?" Nagbalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa.
Napa-ayos ako ng tayo at bahagya kong tinulak si Yoongi papalayo sa akin.
"Mali yung iniisip mo Jin." Depensa ko agad.
Tumingin ako kay Yoongi para panlakihan siya ng mata, binigyan ko siya ng "walangya-kang-bata-ka-sabihin-mong-hindi-totoo-yun-kung-hindi-tatanggalan-kita-ng-gilagid-look"
Pero tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa bago napangiwi.
"Tss." Hindi niya ako pinansin sa halip ay naglakad siya papunta sa pinakadulong upuan at dinukdok na naman ang mukha doon para matulog.
Napabuga nalang ako ng hangin sa kawalan dahil sa ginawa niya.
Wala talaga siyang balak na ipagtanggol ako no?!
"Jin!" Agad akong bumaling ng tingin kay Jin na awkward na nakatingin kay Yoongi.
Napakamot siya sa batok habang nakatingin sa akin.
"Pwedeng maki-CR?" Tanong niya sa akin.
Nagulat ako sa tanong niya sa akin pero dahil nga na-awkward-dan din ako kahit wala naman talaga akong ginagawang kasalanan ay tumango nalang ako at tinuro ko ang banyo.
Nakahiga ako sa kama ko habang ini-stalk ko si Jin sa facebook, wala siyang bagong post ngayon, magtatatlong araw na siyang walang post na picture.
Wala tuloy akong pamalit ng wallpaper ko.
Napanguso ako kaya nagbasa nalang ako ng mga comments pero biglang nagbago ang mood ko ng makita kong may babaeng nagcomment ng mahaba sa picture ni Jin at puro kalandian iyon.
What the hell?!
Agad akong bumaba ng kwarto ko, nakita ko si Manang Lusing kaya naman nilapitan ko siya.
"Manang Lusing, nakita mo po ba si Jelai?" Tanong ko kay Manang.
Si Jelai ang kasambahay namin na tatlong taon lang ang agwat sa akin kaya naman siya ang pinagsasabihan ko ng sama ng loob ko. She's the only friend that I have... I mean the only real friend, puro plastic kasi yung mga nakikipagkaibigan sa akin.
They only want to be friends with me dahil alam nilang mayaman ang pamilya ko at alam nilang ako ang may-ari ng school.
But 2 hours ago, hindi na. Dalawa na kasi ang kaibigan ko, it's Jelai and Djermayne.
"Nandoon siya sa may hardin, nagdidilig siya ng halaman." Ani ni Manang.
"Salamat Manang!" Sabi ko at agad akong nagtatakbo papalabas ng bahay, muntik na nga akong mabunggo sa malaking paso mabuti nalang at nakaiwas ako.
Inikot ko nag malaking hardin namin para makita si Jelai at nakita ko siyang nagdidilig mapapit sa mga bench.
"Jelai!" Sigaw ko sa kanya, agad siyang napatingin sa akin at napangiti.
"Oh bakit?" Tanong niya sa akin.
Hinihingal akong tumigil sa harapan niya.
"Naalala mo yung babaeng kinukwento ko sa iyo noong nakaraan yung nagshare ng picture ni Jin? Alam mo bang nagcomment na naman ngayon! Nakakainis! Napaka-arte talaga niya! Feeling naman niya sa kanya si Jin eh hindi nga siya kilala ni Jin eh!" Reklamo ko kay Jelai.
"Parang ikaw." Nagkibit balikat siya sa akin.
Kahit kaylan talaga tong si Jelai napakamean sa akin! Para siyang si Djermayne! Nakakainis!
"Excuse me no! Kilala ako ni Jin!" Sabay flip ko ng buhok ko.
"Syempre, kaklase mo siya eh tsaka anak ka ng may-ari ng school nyo, understood na yun." Aniya.
"Nakakainis ka! Kinakausap kaya niya ako!" Pagmamayabang ko sa kanya.
"Weh? Di ba tinitingnan ka lang kamo niya kapag kinakausap mo siya. Seenzoned! Ouch! Anshaket." Umarte pa si Jelai na humawak sa puso niya.
"Kinausap niya ako kanina! Nag-hi siya sa akin!" Totoo naman di ba? Nag-hi sa akin si Jin!
"Miss Rigelle, baka noong natutulog ka tsaka siya nag-hi sa'yo. Nasosobrahan ka na sa drug seokjin na iyan ha." Natatawa niyang sabi sa akin.
"Bakit ba away mong maniwalang nag-hi siya sa akin! Makikita mo! Kakausapin din niya ako! At for sure yayain na niya agad akong magdate sa oras na kausapin niya ako! Tandaan mo yan!" Sabi ko sa kanya pero tinawanan na niya nalang ako.
Napanguso ako dahil sa sobrang tawa niya.
Bigla akong napatigil ng tumunog ang cellphone ko, tiningnan ko kung ano yung tumunog at nakita kong may nagchat sa akin.
Kim Seokjin...
Agad nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang pangalan niya. Kinusot ko pa ang mata ko dahil maski ako ay hindi ako makapaniwala.
"Omo! Oh my god!-- OMG! OMG! OMG!" Nagtatalon ako ng biglang magsink in sa utak ko na siya talaga ang nag-chat! I'm sure na hindi to poser dahil nirereport ko agad ang mga poser niya kaya I'm sure na hindi talaga to poser!
"Bakit Miss Gelle?" Nagtatakhang tanong ni Jelai.
Tiningnan ko siya habang ngiting-ngiti ako bago ulit ako nagtatalon at nagsisigaw pagkatapos ay pinaghahampas ko pa siya sa sobrang kilig ko.
Nagwawala ako sa sobrang saya ko.
"Nagchat si Jin! Nagchat si Jin sa akin! Oh my god!!!" Nagsisigaw ulit ako dahil sa sobrang tuwa ko.
"WEH?!" Inagaw ni Jelai sa akin ang cellphone at tiningnan ang cellphone ko, agad naglaglag ang panga niya.
"Baka poser to Miss Rigelle?" Tanong niya sa akin.
"Ano ka ba! Syempre hindi! Pero teka... Ano nga palang sabi?" Inagaw ko ulit sa kanya ang cellphone at binasa ko ang nakasulat.
Agad nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang nakasulat pagkatapos ay nagwala ulit ako kakasigaw.
"Oh my! Omo! Niyaya niya akong magdate! OMG! OMG! OXYGEN PLEASE!" Nagtatalon ulit ako sa sobrang saya ko.
Ito na ang pinakamasayang araw ko kaya naman kung may babaril sa akin ngayon ay masaya akong mamatay.
"Sure ka bang date yan? Ang sabi lang naman niya ay magkita kayo sa Coffee shop na bagong bukas diyan mamayang 6:00 pm."
"Syempre date to! Ano bang tawag mo sa isang babae at isang lalaki na pupunta sa isang coffee shop na silang dalawa lang?" Tanong ko kay Jelai.
"Wala naman siyang sinabi na kayong dalawa lang, malay mo kasama pala niya yung buong section nyo."
Nakakainis din minsan tong si Jelai eh! Manong hayaan nalang ako sa pagpapantasya ko.
"Wag ka nga! I'm sure na kaming dalawa lang to no! At kapag ako niligawan niya! Who you ka sa akin." Sabay dila ko sa kanya.
"Bahala ka nga Miss Rigelle, iniingatan lang naman kita at baka masyado kang umasa sa Kim Seokjin na iyan kapag nagkataon ay masyado ka ding masasaktan."
Napanguso nalang ako sa sinabi ni Jelai. Di naman siguro gagawin sa akin ni Jin iyon.
Jin is known for being kind and perfect kaya naman hindi niya siguro hahayaang masaktan ang feelings ng isang babae no?
Excited akong namili ng pinakamagandang damit ko pero naalala kong di pa nga pala ako nagrereply sa akin. Ano kayang irereply ko?
"Sige baby, wait for me! Iloveyou!"
Eh? Mali! Masyadong obvious.
Agad kong binura ang lahat ng tinipa ko.
"Sige."
Eh? Hindi ba masyado naman tong cold?
"Sige, i'll be there."
Pwede na sana to, kaso hindi ba masyadong obvious kasi pumayag agad ako? Dapat magpabebe muna ako.
"Ayoko."
Hindi ba masyado naman tong harsh?
"Baka hindi ako makapunta."
Pero teka! Papaano kung maniwala nga siya at hindi na niya ako pilitin edi sayang yung opportunity tsaka dapat magpapilit muna ako at syempre dapat may something in return ako!
Ah! Alam ko na!"
"Ayoko, accept mo muna yung friend request ko sa facebook."
Napangiti ako bago ko sinend iyon.
Napakagat ako sa labi ko habang hinihintay ko ang reply niya pero 15 minutes na yata ako nakahinto dito at nakatitig lang sa screen ng cellphone ko pero wala pa rin ang reply niya.
Kinabahan na tuloy ako, papaano kung hindi siya pumayag sa gusto ko at masayang yung opportunity ko?
Date na sana naging bato pa.
Maiiyak na yata ako habang pinagmamasdan ko ang wall clock ko sa kwarto ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Akala ko ay chat iyon pero notification lang iyon.
Napanguso ako pero nawala ang pagkakasibangot ko ng makita kong in-accept nga niya ako sa facebook.
Napatili agad ako sa sobrang saya ko, pwede na akong pang-guiness word record sobrang haba ng pagkakasigaw ko at kinabog ko pa si Ariana Grande sa taas ng tili ko habang pinanggigilan ko ang unan ko.
Nang maikalma ko na ang sarili ko mula sa pagwawala ko ay kinuha ko ulit ang cellphone ko para magreply sa kanya.
"I'll be there." Tapos sinend ko na agad para makapamili ako ng isusuot kong damit.
Sinuot ko ang pinakamaganda kong damit, yung damit na isang tingin palang niya sa akin ay itatanan na niya ako hihi.
Pinantay ko pa ng very sweet ang kilay ko tsaka ako nagpabango ng bongga, yung tipong kahit 100 km ka sa akin ay amoy na amoy mo pa din ang bango ko.
Nang makita kong perfect na ang lahat tsaka ako nagpahatid kay Kuya Andrew sa coffee shop na bagong bukas, mabuti nalang ay alam iyon ni Kuya Andrew.
"Dito nalang po ako, umuwi na po kayo. May maghahatid po sa akin pauwi." Sabi ko kay Kuya Andrew.
Sinasadya kong pauwiin si Kuya Andrew para ihatid ako ni Jin mamaya pauwi, I'm so Genius talaga!
Park Rigelle Genius jjang jjang man bboongbboong.
Pagpasok ko sa loob ng coffee shop ay agad akong napanganga ng makita ko si Miss Deighn.
"Miss Deighn!" Sigaw ko dahil siya ang una kong napansin, nilapitan ko siya para makipagbeso-beso sa kanya.
"Pag-aari mo tong bagong bukas na coffee shop? Oh my gosh! Ready na ready ka na po pala talagang magkapamilya ah? Sabagay, it's a nice business for a soon to be married woman like you." Sabay sundot ko pa sa tagiliran ni Miss Deighn.
Nakita kong awkward siyang napangiti sa akin, siguro ay dahil nahihiya siya dahil akala niya hindi ko rin maiisip ang gantong business para sa mga babaeng malapit ng ikasal.
"Ano nga palang ginagawa mo dito? Gabi na ah?" Tanong niya sa akin.
"May date kami ni Jin." Bulong ko kay Miss Deighn.
Well, alam naman ng lahat na may crush ako kay Jin. Si Jin nalang yata ang hindi nakakaalam. Napakamanhid kasi!
"Date ba talaga yan? Kung ganoon nasan na siya?" Tanong sa akin ni Miss Deighn. Napatingin ako sa buong coffee shop dahil wala pa siya dito.
Napatingin ako sa orasan at nakita kong 6:10 na.
"Baka natraffic lang yun Miss Deighn." Agad akong nag-isip ng posibleng dahilan.
Bigla yata akong namutla dahil baka hindi niya ako siputin. Baka pinapaasa niya lang ako.
Diyan pa naman siya magaling.
"Just kidding, nandyan na siya kanina pa. Nag-CR lang saglit." Nakatatawang sabi ni Miss Deighn.
"Maupo ka muna diyan, mamaya na ako magsasara para sa date ninyo." Tumango nalang ako bago ako umupo sa isang upuan doon pero agad napako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa di kalayuang upuan at mukhang natutulog siya.
"Yoongi?" Nagtatakha kong sabi ng makilala ko siya, napatingin ako kay Miss Deighn pero nagkibit balikat lang siya sa akin.
Nang bigla akong may narinig na papalapit na yapak sa akin ay parang namutla na naman ako.
"Kanina ka pa dyan?" Napakagat ako sa labi ko ng marinig ko yung boses niya.
Jusko! Kaylan pa ba ako kinabahan dahil lang sa isang boses?!
"H-Ha? H-Hindi naman, k-kakarating ko--" Napalunok ako "kakarating ko lang." Inayos ko ang boses ko.
Yung boses ko nanginginig! Pakiramdam ko ay mabubulol ako ng mabubulol.
Tumango lang siya sa akin kaya naman napakagat ako sa labi ko, pakiramdam ko ay boring akong kausap dahil tumango lang siya.
"Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya para kausapin niya ulit ako.
"Kani-kanina lang din, nag-cr lang ako saglit." Aniya, tumango ako dahil sa sinabi niya.
"B-Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" Tanong ko sa kanya habang kunwari kong pinagmamasdan ang buong coffee shop pero ang totoo niyan ay hindi lang talaga ako mapakali dahil kinakabahan ako.
Alam mo yung feeling na araw-araw ko naman siyang nakikita pero iba pa rin pala kapag nasa gantong sitwasyon ka na.
Namamawis pa yata ang kamay ko sa sobrang kaba ko.
"Um-order ka muna." Sabi niya sa akin pero agad akong tumanggi.
"H-Hindi na! Busog ako." Sabi ko sa kanya tsaka ko kinaskas ang kamay ko dahil nanlalamig iyon.
Hindi naman ganoon kalamig ang aircon dito pero pakiramdam ko ay magpi-freeze ako sa kahit anomang oras.
"Osige, kung ganoon hindi ko na papatagalin pa to."
Kahit buntong hininga lang niya ay parang mauubusan na ako ng hininga.
Jusko naman Kim Seokjin!
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na..."
Gusto kita?
Mahal kita?
Pwede bang manligaw?
Pwede ka bang maging girlfriend?
Pwede ka bang anakan?!
Pwede bang magpakasal na tayo?!!!
Parang mas lalong nanlamig ang buong katawagan ko habang hinihintay ko ang susunod na sasabihin niya.
Para bang bumagal ang oras at bumilis ang tibok ng puso ko kagaya ng mga nasa telenovela na napapanuod ko.
"Pwede bang layuan mo si Djermayne?"
Bigla akong nasamid dahil sa sinabi niya.
"A-Ano?" Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sinabi niya.
"Pwede bang layuan mo si Djermayne? I don't think that you will be a bad influence for her."
Agad nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.
"Iyon na yun?" Tanong ko sa kanya.
"Oo? Ano bang in-expect mo na sasabihin ko?" Tanong niya pabalik sa akin.
"Ah? Ha ha ha--" Napakagat ako sa labi ko ng marinig kong nacrack ang boses ko.
Nagpatuloy ako sa pagtawa ko pero walang ka-humor humor ang tawa ko.
"Oo nga naman no! Ano nga bang ine-expect ko?" Pinilit kong matawa ang sarili ko para hindi ako maiyak.
"Rigelle..." Hahawakan niya sana ako pero umiwas ako agad.
"Wag mo kong hawakan." Dahil kapag hahawakan mo ako aasa na naman ako.
Pinaypayan ko ang sarili ko para mapigilan ko ang luha ko sa pagbagsak.
Hindi ko na nga dinadaing na nasa gilid lang namin si Miss Deighn at si Yoongi.
Tumingala ako habang pinapaypayan ko ang sarili ko para huwag bumagsak yung luhang namumuo sa mata ko.
"Rigelle, okay ka lang ba?"
That's it! I'm done!
"Okay?! Mukha ba akong okay?!" Napiyok pa ako sa sobrang lakas ng sigaw ko.
Pinipigilan ko ang galit ko dahil siya si Kim Seokjin. Sapat ng dahilan iyon para hindi ako magalit sa kanya.
"Let's be honest with this, alam kong alam mong gusto kita matagal na. Wag ka ng magbulag-bulagan pa dahil alam ng buong campus na gusto kita! Maski nga mga teacher pati sila Daddy alam na gusto kita eh! Imposible naman na hindi mo alam yun!"
Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha ko, ayoko ng makita niya akong mahina dahil siya si Kim Seokjin pero hindi ko naman mapipigilan ang maiyak.
"Rigelle... tone your voice." Kalmado niyang sabi sa akin.
How can you be so calm while you're ruining someone's heart?! You're so mean!
"Pwes kung hindi mo alam, ngayon sasabihin ko na. I don't want to wait another 10 years being with you in the same classroom without knowing that I have a feelings for you." Napakagat ako sa labi ko.
I never expect that I will confess my feelings for him in this way, akala ko ay magiging magical and romantic ang pag-amin ko sa kanya pero it turns out to be sad and tragic.
Ang tagal kong prinactice nito pero sa ganto lang pala mangyayari.
"I love you Kim Seokjin." Diretsong sabi ko sa kanya.
I don't mind if Miss Deighn and Yoongi is listening. I don't care!
Nakita kong napanganga siya ng bahagya pero hindi gulat ang nakita ko sa mukha niya kundi awa.
Damn Kim Seokjin! Wag mo kong kaawaan!
"Rigelle... Maganda ka, mayaman ka, mabait ka--"
"Kung babastedin mo ko! Diretsahin mo ako!" Sigaw ko sa kanya.
"Rigelle hindi mo ko deserve." Malumanay niyang sabi.
"Bakit hindi ah?! Wala ka namang girlfriend! Bakit hindi mo subukan na mahalin ako?! May iba ka bang gusto ha?!" Sigaw ko habang pinupunasan ko ang luha sa mata ko.
"Hindi talaga--"
"Sabihin mo ayaw mo lang!" Sigaw ko sa kanya.
"Duwag ka!" Sigaw ko pa ulit sa kanya.
Kung ano nalang ang lumabas sa bibig ko ay iyon nalang ang sinisigaw ko.
"Paasa ka! Nakakainis ka! Alam mong aasa ako sa ginawa mo pero ginawa mo pa rin! Edi sana kanina mo pa sinabi sa akin! Sana hindi mo ako pinakilig nakakainis ka! Siguro may iba kang babae no! Ibang babae ang gusto mo! Sabihin mo mas maganda ba siya kaysa sa akin ha?! Ipakita mo sa akin pagandahan kami! Siguro nga dumi ko lang siya sa kuko! Siguro--"
"BAKLA AKO!"
Napatigil ako sa pagsasalita ko dahil sa sinigaw niya.
Nakatayo na siya sa harapan ko, nakita kong pulang pula ang mukha niya.
"Kaya hindi tayo pwede dahil bakla ako! Lalaki din ang gusto ko! Kung pwede lang na pakasalan ko ang sarili ko ay ginawa ko na dahil ang gwapo ko!" Sigaw niya sa akin.
Napahawak ako sa bibig ko dahil sa sinabi niya.
I never expect this.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top