Chapter 3

Chapter 3: Talk

"Oh my god! Oh my god! Narinig niya na ex ko si Jimin! Oh my god!" Agad akong nagikot-ikot sa loob ng CR ng maisara ko na iyong pinto.

Pagkatapos kong makita si Jungkook kanina ay para akong tanga na nagsisigaw bago nagtatakbo papaalis.

Hindi ko kasi alam kung papaano ko siya haharapin dahil sa gulat ko.

"Papaano kung ipagkalat niya na ex-boyfriend ko si Jimin?! Edi nasayang din lahat ng effort ko." Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang inis ko.

"Huh? Ex-boyfriend mo siya?"

Agad nanlaki ang mata ko at napatingin sa babaeng kakalabas lang sa isang cubicle dito sa CR.

"Oh my god!" Napahawak akong bigla sa dibdib ko habang siya naman ay nagtatakhang nakatingin sa akin.

Teka, eto yung babaeng tumulong sa akin kaninang bumuo ng pera ah?

"Ano naman kung ex mo siya? Everyone knows that he's seriously a playboy."

Tinitigan ko lang ang babaeng ito habang nag-iisip ako ng palusot.

Bakit ba hindi ako maingat?! Pangalawang araw ko palang dito sa school pero dalawang tao na agad ang nakakaalam na ex-boyfriend ko si Jimin.

"Huh? I didn't say that Jimin is my ex-boyfriend!" Palusot ko sa kanya. I know it's kinda old but I guess it will work.

"Huh? But I didn't even mention Jimin's name."

Agad napakunot ang noo ko bago ko narealize na hindi naman nga niya binanggit ang pangalan ni Jimin.

"You're the one who said that, nahuhuli ka sa sarili mong salita." Aniya.

"Damn." Bulong ko sa sarili ko.

"Let's be friend." Bigla niyang nilahad sa akin ang kamay niya pero tiningnan ko lang iyon.

Why would I be friends with her? I don't have any reason to be someone's friend. I can stand and live on my own without anyone's help.

"I know that you will refuse to be friends with me, base on what I say earlier. You have a high pride." Alam naman pala niya pero bakit hindi pa rin niya binababa ang kamay niya?

"But if you really refuse to be my friend then I don't have a choice to spread in the whole campus that you're Jimin's Ex-girlfriend. It will be a big news." Bigla siyang ngumiti sa akin.

"What a smart bitch." Sabi ko bago ko tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa akin.

"I'm Rigelle but you can call me Gelle." Aniya.

"I guess you already know my name." Sabi ko sa kanya bago ko inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Yeah, Kim Djermayne. Kim Seokjin's younger sister." I rolled my eyes, why my name is always followed by my brother's name? Damn, he's really popular.

"Whatever." Sabi ko bago ko siya tinalikuran para makalabas sa CR na iyon.

I'm really tired, can I go home now?

"Hey, wait! That's not how you treat your friend." At talagang hinabol pa niya ako para sabihin niya iyon.

"Well, that's how I treat my friend." Sabi ko sa kanya.

"Whatever." Aniya bago ako inirapan.

Tss! She's copying my line. I should file her for copyright infringement.

"Anyway, bakit ka nakacivillian?" Tanong niya sa akin.

"You don't care." Malamig kong sabi sa kanya habang patuloy ako sa paglalakad.

"I care because you're my friend." Napatigil ako sa sinabi niya pero kalaunan ay pinagpatuloy ko ulit ang paglalakad ko.

"I only have one uniform and I don't have a money to buy a new uniform. Happy now?" Tanong ko sa kanya, nagkibit balikat lang siya ng sinabi ko sa kanya iyon hanggang sa bigla nalang niya akong hinila.

"What the heck?! Saan mo ko dadalhin?! Ano ba! Wag mo nga akong kaladkarin!" Inis na sabi ko sa kanya ng patuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Inis kong sabi sa kanya pero patuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin papasok sa isang mahalamang bahagi dito sa paaralan na to.

"Saan mo ba ko dadalhin babae ka?!" Singhal ko sa kanya.

"Pwede ba?! Wag ka ngang maingay!" Saway niya sa akin.

"Wow ha?! Hinihila mo ko kung saan-saan tapos sasabihin mo sa akin na wag akong mag-ingay?! Papaano kung kikidnapin mo pala ako ha?!" Sigaw ko sa kanya.

"Wala akong mapapala sa'yo kung kikidnapin kita!" Sigaw niya pabalik sa akin.

"Wow naman ha! Ikaw na nga tong nang hihila bigla tapos manglalait ka pa!" Inis na sabi ko sa kanya.

Tinawanan lang niya ako hanggang sa makarating kami sa dulong part nito, laking gulat ko ng makita kong may maliit na gate dito at kung hindi pa malinaw ang mata mo ay hindi mo marerealize na may maliit na gate dito.

"Siguro palagi kang nagka-cutting no?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako nagka-cutting kasi hindi ako makakahebor. I'm willing to spend my whole day just staring at his beautiful face." Bigla pa siyang nangiti ng walang dahilan.

She must be crazy.

Well, I don't really care about her crush at wala akong balak pakialaman.

"Ta-dah! Nakalabas na tayo ng school." Aniya.

"Dinadamay mo pa ako sa pagka-cutting mo! Alam mo bang scholar lang ako dito? Pag ako nahuli sa ginagawa mo mawawalan ako ng scholarship, tss! Dyan ka na nga! Babalik na ako sa room!" Inis na sabi ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.

"Hep-hep-hep! Walang babalik sa room and... don't worry, akong bahala sa'yo! Hindi ka mawawalan ng scholarship." Nakangising sabi niya sa akin bago ako hinila ulit.

Bigla-bigla nalang siyang pumara ng taxi at isinakay ako doon.

"What the..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil inirapan ko nalang siya dahil sa ginawa niya.

Ibinaba kami ng taxi sa isang magarang bahay.

It's more sophisticated than my father's house. I guess their family are wealthier than my father.

"What a filthy rich bitch." Sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan kong mabuti ang mansyon sa harapan ko.

"Not really, we're just a little bit wealthier than your family." Sabi niya habang hawak-hawak niya ang kamay ko ng pumapasok kami sa kanilang bahay.

"If you're talking about my family, sorry but I don't have one." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Stop being a brat!" Aniya bago ako hinawakang muli sa kamay at hinila papasok.

Nang makita niya ang isang kasambahay ay tumigil siya saglit.

"Manang Lusing! Can you please make a snack for us? And then can you please tell Manong Andrew to drive for us later?" Even her way of speaking are kinda childish but it's cute in her own way.

"Sige po, ma'am." Sabay yuko saglit ng kasambahay nila.

"Thanks Manang Lusing! You're the best!" Nagthumbs up pa siya saglit bago ako hinilang muli. Tss! Bakit ba ang hiling niyang manghila?

Napailing ako ng makita ko ang ngiti niya. Her way of speaking and even her genuine smile written on her lips was the same way and the same smile that the young Djermayne has.

Bigla niya akong pinasok sa isang pink na kwarto. She also have a mario collection. Tss!

Another Mario Collector?

I rolled my eyes. This is insane! I thought my brother is the only one who has a weird habbit like that.

"Ikaw palang ang kaisa-isahang kaibigan ko na dinala ko sa loob ng kwarto ko." Nakangiti niyang sabi sa akin.

I rolled my eyes again.

"As if I care." Parinig ko sa kanya.

"Tss! Sungit! Manang-mana ka sa kuya mo! Hmp!" Inirapan pa ako but her way of rolling her eyes are childish.

"So bakit mo nga ako dinala dito?" Tanong ko sa kanya.

"Oh! Oo nga pala!" Aniya bago siya pumasok sa walk-in closet niya at may hinahanap siya doon.

Kinuha niya ang dalawang uniform niyang plantyadong-plantyado.

"Anong gagawin ko diyan?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Kakainin mo! Syempre isusuot mo pero kung trip mong kainin hindi kita pipigilan." Aniya bago binalibag sa akin yung damit.

Sinapo ko iyon para hindi mahulog sa sahig pero ibinaba ko lang iyon sa kama niya.

"Hindi ko matatanggap yan." Diretsong sabi ko sa kanya.

"I know that you will refuse this again, that's why I'm not giving this to you. Ipapahiram ko lang sa'yo yan tapos kapag nakabili ka na ng uniform mo pwede mo ng ibalik sa akin yan." Sabi niya habang lumalapit siya sa kama para kuhanin ulit ang uniform.

"Sukat mo." Itinaas niya ang uniform kaya naman napailing ako.

"You plan this all, right?" Tanong ko sa kanya.

Napangiti siya sa akin bago nagkibit balikat.

"Kind of?" Nag-aalangan niyang sabi sa akin.

Inirapan ko nalang siya bago ko sinukat ang uniform. Ngiting ngiti siya ng makita niyang magkasukat lang kaming dalawa.

"Oh my gosh! Magkasing sexy pala tayong dalawa kaso mas slim ako sa'yo ng konti." Nakangising sabi niya habang hinihila niya ako papalapit sa salamin.

Nasa likod ko siya habang pinagmamasdan namin ang uniform na nakasuot sa akin.

"Kaso mas matangkad ka sa akin kaya medyo maikli yung skirt sa'yo pero hayaan mo na! Sa ganda ba naman ng legs mo na iyan, hindi nakakahiyang ilabas." Sabay hawak niya sa legs ko kaya agad akong umiwas sa kanya.

"Pervert!" Singhal ko pero tumawa lang siya ng malakas.

"You're so cute!" Bigla pa niyang hinawakan ang pisngi ko kaya hinawi ko iyon.

"Are you a lesbian? Type mo ko no?!" Inis na sabi ko sa kanya.

"What the?! Of course not! Babaeng babae ko no! Sa isip, sa salita at sa gawa!" Nagtaas pa siya ng kanang kamay na parang nagtatalumpati.

"Oh eto yung sapatos ko, ibalik mo nalang din sa akin kapag nakabili ka na ng bagong sapatos mo." Aniya habang nilalapag ang isang mamahaling sapatos.

"You're helping me so much. I know that there's something you want as a return." Sabi ko habang sinusuot ko ang sapatos na binigay niya, medyo masikip sa akin iyon pero hayaan na.

"Syempre meron! Malalaman mo din." She wink at me kaya naman inirapan ko nalang ulit siya.

Hinarap niya ulit ako sa salamin kaya naman napangiwi ako, nai-iklian ako sa skirt pero anong magagawa ko? Scholar ako sa Converse High that's why I need to wear a complete uniform.

"Woah! You're Kim Seokjin's Girl version! Nakaka-inggit ka!" Napanguso pa siya habang nakatingin siya sa akin, nasa likod ko kasi siya at nakahawak siya balikat ko habang pinagmamasdan naming pareho ang mukha ko.

"Tss, you mention my brother's name again. Can you please stop mentioning his name? Nakakairita." Diretsahan kong sabi sa kanya.

"Are you kidding me? In my whole life I've been mentioning your brother's name, daily dose of Seokjin ko na iyon and then suddenly you want me to stop?" Bigla niyang sabi sa akin.

"By any chance... Do you like my brother?" Bigla akong napaharap sa kanya.

"Absolutely, super duper." Itinaas pa niya ang index finger at iginagalaw niya iyon kada syllables ng sinasabi niya.

"Bakit ngayon ko lang narealize." Umikot ang tingin ko sa buong kwarto niya at nakita ko ang ilang pictures ni Kuya sa mga frame dito sa kwarto niya.

"You're crazy." Tiningnan ko siya ng nandidiri.

"Don't look at me like I'm crazy! You can't blame me! He's too hot!" Mas lalo akong napangiwi dahil sa sinabi niya.

"You're really crazy, hindi na ako magtatakha kung pati pinitik na kulangot ng kuya ko ay kukunin mo pa para ipalaminate at i-display dito sa kwarto mo.

"Of course! Why not?"

This time ay parang gusto ko ng masuka dahil sa sinagot niya.

Buti nalang ay hindi ako tuluyang nasuka dahil biglang may kumatok sa kwarto niya, sabay kaming napatingin doon at nakita namin ang merianda na ginawa ng mga kasambahay nila.

It looks like 10 people are going to have a picnic dahil sa dami ng inihanda nila.

Pero akalain niyo ba na naubos naming dalawa yun? She's a hard eater, mukhang crush na crush niya ang kapatid ko at pati iyon ay ginagaya niya.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa school pero sa main gate na kami pumasok ngayon, sabay kaming naglalakad papalapit sa building namin, malayo pa dito.

Sa laki ba naman ng school na ito ay baka maligaw ka pa kapag bago ka lang dito. Mabuti nalang at matatandain ako.

"So, ilalakad mo ba ako kay Jin?" Nakangisi niyang sabi sa akin. Napangiwi ako bigla dahil nagsalita pa siya.

"Mang-gagamit! Kaya mo lang ako kinaibigan kasi kapatid ko si Jin." Singhal ko sa kanya.

"At least aminado akong yun talaga ang dahilan ko. Hindi ako plastic! Grab the opportunity ika nga nila, tsaka maganda na rin yung maging kaibigan ko agad ang magiging sister in law ko."

I rolled my eyes again and again...

"Wala kang maasahan sa akin at hindi ko ka-close ang isang yun."

"Yeah, I know! Hindi kayo nakatira sa iisang bahay. Syempre! As his soon to be girlfriend kaylangan magkalap ako ng konting impormasyon."

"Konti? Wag nga ako! Obvious namang stalker ka ni Kuya."

"Hindi ako stalker-- OMG! Hi Jin!"

Napalingon ako sa lalaking sumalubong sa amin.

"Hi." Tipid na bati ng kuya ko bago humarap sa akin.

"Djermayne, kumain ka na? May dala akong snacks--"

"No thanks! Busog ako. Makakaalis ka na." Sumenyas pa ako na umalis na siya pero tinitigan niya lang ako.

"Djermayne." Malamig niyang tawag sa akin.

"May pupuntahan pa kami ni Gelle. Mauna na kami." Hinawakan ko ang wrist ni Gelle bago ko siya hinila papalayo sa kapatid ko.

Nang makarating kami sa room ay bigla siyang nagtatalon at nagsisigaw pa, kaya naman ang ilang babae sa classroom namin ay napapatingin sa kanya pero wala siyang pakialam.

"OMG! OMG! Nag-hi si Jin sa akin!" Pinaypayan pa niya ang sarili niya sa sobrang kilig niya. Tss!

"Normal lang yun, magkaklase kayo eh." I rolled my eyes again bago ako umupo sa upuan ko.

Hinila niya ang isang upuan papalapit sa akin pagkatapos ay umupo siya doon.

"Hindi normal yun! Sa ilang taon na kaming magkaklase tuwing nagha-hi o hello ako sa kanya ay tinitingnan niya lang ako na parang ang weird-weird ko pagkatapos ay lalagpasan nalang nya ako, minsan naman ay talagang hindi talaga niya ako tinitingnan as in kahit konting tingin wala! Tapos ngayon nag-hi siya! Oh my gosh! Siguro crush niya din ako! Juskooo! Thank you Djermayne! Simula noong nagtransfer ka dito ay mas naging honest na si Jin sa nararamdaman niya para sa akin! I'm sure liligawan na niya ako next week! I'm so excited! Matutupad na ang pinapangarap ko!"

At talagang nakagawa na siya ng eksena sa isip niya? Masyado siyang advance.

"Ang bilis mong mag-assume kaya ka nasasaktan and besides bakla si Kuya, papaano ka liligawan noon?" Pangrerealtalk ko sa kanya.

Actually my brother is not a gay, eme-eme ko lang iyon.

"Hindi bakla si Jin! Ano ka ba naman! Ang tagal ko nang alam ang buong pagkatao niya kahit buhok niya sa ilong at buhok niya sa kili-kili ay alam ko! Maski kung ilang beses siyang umutot sa isang araw ay alam ko kaya wag mo nga akong ginaganyan Djermayne! You don't know how much I love your brother." Pagdadrama niya sa akin.

"Then why do you keep on stalking him kung pwede mo namang sabihin nalang sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman mo ng matauhan ka agad na hindi ka type ni Jin?" Tanong ko sa kanya.

"Akala mo ba ganoon lang kadaling umamin? And besides kaylangan siya ang mauna! Siya yung lalaki! Excuse me? Dalagang pilipina kaya to." Sabay flip pa niya ng buhok niya.

"Hindi ka mukhang dalagang pilipina kasi alam mo kung anong mukha ha? Bukod sa mukha kang tigidig alam mo pa ba ha?" Pang-iinis ko sa kanya.

"Wow ha! Ang ganda ko namang tigidig!" Aniya sabay irap sa akin. "Pero anong mukha ba? Mukhang mamahalin na din niya ako? O mukhang aamin na siya sa akin na mahal niya ako?

"Hindi! Mukhang alam naman talaga ni Kuya na crush mo siya pero dahil hindi ka lang talaga niya type kaya hindi ka niyang pinapansin." Diretsahan kong sabi sa kanya.

"Mukhang hindi totoo!" Pati ang pang-iirap ko ay ginagaya na din niya.

"Totoo yun at alam mo kung ano pa? Mukha ding aamin na si Jin." Bulong ko sa kanya.

"Aamin na siya sa akin?" Napangiti siya bigla.

"Hindi no!"

Lumapit ako sa kanya at umakmang may ibubulong sa kanya.

"Mukhang aamin na siya na isa talaga siyang dyosa." I whispered.

Biglang sumimangot ang mukha nya kaya naman napangiti ako bigla. So that's the best way to tease her huh?

Nang mag-uwian na ay sinundo na si Gelle ng driver nila, tinatanong niya ako kung gusto ko daw bang sumabay but I refused.

Kaya naman naglalakad ako palabas ng school then I saw my brother near at the main gate kaya naman agad akong tumalikod, kanina kasi ay wala siya sa room sabi ni Rigelle may meeting daw ang Student Council ngayon at bilang president ng buong school kaylangan nandoon ang kapatid ko.

Pero hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko ng may humawak sa braso ko.

"Jin naman--" Napatigil ako sa pagsigaw ng makita ko si Jimin na nakahawak sa wrist ko.

Parang nag-skip ng two second yung pagtibok ng buhok ko ng makita ko siya pero ng iniwas ko ang kamay ko sa kanya tsaka palang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Ano bang problema mo?!" Pagalit kong sigaw sa kanya kahit na para na akong mababaliw sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

"Mag-usap tayo!" Aniya.

"Eh ano bang tawag mo sa ginagawa natin ngayon? Nagne-naenae? Di ba to pag-uusap?" Sarcastic kong tanong sa kanya.

"Djermayne naman." His broke voice is making my heart broke too.

"Jimin, wala na tayong dapat pang pag-usapan pa." Medyo iritado kong sabi sa kanya kahit hindi naman talaga ako naiirita.

Sa sobrang galing kong umarte ay pwede na akong pang-FAMAS award! Kung may makakadiscover lang sana sa talent ko.

"Djermayne!" Narinig ko ang papalapit na boses ng kapatid ko.

"Oh ano na naman Seokjin?! Gusto mo din bang makipag-naenae sa akin?" Pagalit din na tanong ko sa kanya.

"Mag-usap tayo." Sabi niya sa akin.

"Jusko! Gusto nyo ba ng group chat?" Inirapan ko nalang silang pareho bago ko sila tinalikuran.

I swear, everyone are looking at us. Please naman guys! Wag na kayong gumawa ng eksena!

Kaylangan ko ng makaalis dito.

Nagmamadali akong naglalakad pero bigla akong hinila ng kapatid ko.

"Layuan mo siya." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Kuya.

"Sino? Si Jimin? Matagal ko na siyang nilayuan." Malamig na sabi ko sa kanya.

"Hindi siya, si Rigelle. Layuan mo siya. Ginagamit ka lang niya." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Alam ko, hindi ako tanga para hindi ko malaman na ginagamit niya lang ako."

Biglang siyang napatitig sa uniform na suot ko bago niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Siya ba ang nagbigay sa'yo niyan?" Tanong niya sa akin. I already know that he's talking about the uniform.

"Nope, hindi niya binigay sa akin to. Pinahiram niya lang to sa akin."

"Ibalik mo sa kanya yan, ibibili nalang kita--"

"Pwede ba! Wag mo ng pakialaman yung buhay ko!" Singhal ko sa kanya.

"Djermayne! Kapatid mo ako! Mas matanda ako sa'yo kaya wag mo kong masigaw-sigawan!" Napapikit ako ng mariin dahil ngayon nya lang ako pinagtaasan ng boses ng ganyan.

"Wala kang pakialam kung sino ang gusto kong samahan dahil simula ng mamatay si mama, wala na akong pamilya."

Pinigilan ko ang panginginig ng luha ko bago ako nagtatakbo papaalis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top