Chapter 21

Chapter 21: Key

Parang nagtaasan ang lahat ng balahibo ko dahil sa nabuong salita doon. Hindi ako mapakali dahil sa nabasa ko at maski sila ay parang nagtatakang tumingin sa akin.

"Go back? Saan?" Tanong ni Jin.

"I don't know, maybe sa unang pwesto kung nasaan siya?" Hindi siguradong sagot ni Tiffy.

"Oh ano pang hinihintay nyo? Puntahan na natin." Malamig na sabi ni Yoongi.

"Papaano kung magkaligaw-ligaw na naman tayo?" Iritadong tanong ni Angel.

"Yeah, she's right. Pumasok na tayo sa loob dahil malapit ng mag-gabi, malay nyo hindi naman pala talaga ganoon ang gustong sabihin ng nakasulat diyan. Baka coincidence lang na pwedeng mabuo ang salitang iyon." Sabat naman ni Jungkook.

"Sa tingin ko may gustong iparating talaga ang card na 'to. Wala namang masama kung ita-try natin." Sabi ni Namjoon.

"Pero papaano kung maligaw na naman nga tayo?" Tanong ni Chris Jane.

"Hindi tayo maliligaw, mayroon tayo nito." Pinakita ni Namjoon ang isang papel kung saan parang may nakadrawing na maze doon.

"Ano 'yan?" Tanong ni Jimin.

"Eto yung daanan, saan ka ba nandito kanina?" Tanong ni Namjoon sa akin.

"Uhh, hindi ko alam? Siguro nandito ako." Sabay turo ko sa isang gawi pero hindi ako siguro.

"Ang magandang gawin natin ay puntahan natin lahat, para makasigurado." Suggestion ni Tiffy.

"Puntahan?! Lahat?! Sigurado ka?!" Sigaw ni Yoongi dahil hanggang ngayon ay nakapasan pa rin si Chris Jane sa kanya.

"Tama na nga! Ayos na ko! Kaya ko naman ng maglakad." Sabi ni Chris Jane bago niya pinilit na bumaba kay Yoongi at hinayaan naman siya nito.

Nakita kong medyo hirap pa rin si Chris Jane sa paglalakad kaya naman nakita kong pasimple siyang inalalayan ni Yoongi, napatingin tuloy ako kay Ate Deighn na hindi ko na mabilang kung ilang beses nang napairap sa kawalan.

"Guys, hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay dahil hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari dito. Naisip kong delikado nga talaga dito lalo na ng makita ko ang nangyari, I mean noong nakita ko yung ibon na pagala-gala dito." Paliwanag ni Namjoon.

Walang nagsalita sa amin na kahit sino, hinayaan nalang namin siya na manguna sa kanya kasi kung hindi pa kami magkakaisa ngayon at magpapataasan pa kami ng pride ay baka mapahamak pa kami ngayon, which is hindi talaga magandang bagay.

Pero bakit gagawa sila ng isang TV show na hindi safe? Papaano kung madagit nga kami ng ibon? It means may mamamatay talaga sa amin? Ganoon ba yun? Kaya ba ganoon kasikat ang TV show na 'to?

"Djermayne." Tawag sa akin ni Jungkook kaya napatingin ako sa kanya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo." Aniya.

"Wala, iniisip ko lang kung bakit ganito yung ginawa nila TV show. Delikado 'to, walang rescuer, walang tutulong sa atin, tanging CCTV camera lang di ba ang meron dito." Sabi ko sa kanya.

"Honestly Djermayne, may dahilan kung bakit napakatagal bago magkaroon ng House of Cards, iyon ay dahil madami ng namamatay sa larong 'to."

Natigilan ako sa sinabi niya bago ako napatingin sa kanya, did he say madaming namamatay dito?

"What?!" Iritadong tanong ko sa kanya.

"First of all... tsaka nalang natin pag-usapan 'yan sa ngayon pumunta muna tayo sa kung saan ka pumasok." Aniya.

Tahimik kaming lahat habang umiikot kami sa mga nagtataasang mga halaman hanggang sa napatigil kami ng makita namin ang isang estraktura ng bato na unang bumungad sa akin kanina noong pumasok ako dito, nakita kong tumitingin silang lahat sa paligid pero si Tiffy ay dumiretso lang agad sa bato.

Kaya naman sumunod ako sa kanya para tinginan kung anong tinitingnan niya doon, nakita kong inangat niya iyon at napakunot ang noo ko ng makita kong... may susi doon.

"Eto siguro yung dahilan, hindi mo ba 'to nakita kanina?" Tanong sa akin ni Tiffy.

"Wala akong nakitang ganyan, baka may naglagay diyan?" Tanong ko sa kanyang pabalik.

"May iba tayong kasamahan dito." Pag-aanunsyo ni Tiffy kahit wala pa naman talaga kaming kasiguraduhan.

"Hindi ba ay ang sabi nila tayo lang ang tao dito, tanging mga CCTV camera lang ang mga kasama natin?" Tanong ni Jimin.

"Hindi tayo sigurado, kung wala tayong kasama dito. Sino naman ang maglalagay nito? Di ba?" Tanong ni Tiffy pabalik.

Tumahimik nalang si Jimin at hindi na nagsalita, nakita kong malalim ang iniisip ni Namjoon at ni Ate Deighn, pero ang iba ay halata mong wala na silang pakealam dahil pagod na pagod na silang lahat, maski naman ako ay alin ko nalang ay mahiga sa malambot na kama pero alam kong pagpasok namin doon ay hindi kama ang tutulugan namin kundi malamig na sahig lang.

Naaawa ako sa ibang kasamahan ko dahil alam kong laki sila sa yaman, sa akin ay ayos lang dahil nasanay naman akong mahirap pero ang iniintindi ko ay sila, lalong lalo na si Jin at si Gelle. Papaano sila makakatulog ng ayos? Idagdag mo pa na kinaumagahan noon ay kaylangan ulit naming magsimulang alamin kung papaano kami makakalabas ng bahay na 'to.

Halos walang kumikibo sa amin, kung meron man ay magrereklamo lang dahil sa sobrang pagod na sila at gusto na nilang matulog, bumabalik na kasi kami ngayon papunta sa pinuntahan namin kanina, nang makarating kami doon ay medyo makulimlim na, napatigil ako ng makarinig ako ng mga ibon na mukhang malapit lang sa amin.

"Shit." Mura ni Taehyung ng makita niyang may lumilipad na ibon sa itaas namin.

"Umarte lang kayo ng normal." Sabi ni Ate Deighn sa amin bago siya maingat na naglakad papasok sa daanan papunta sa lumang bahay.

Nakita kong halos lahat sila ay tahimik lang pero ramdam ko yung tensyon sa bawat isa, natigilan ako ng makita ko ang malaking bahay. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang hindi naman siya ganoon kaluma pero sobrang laki niya, ano kayang klase ang mga ipapagawa nila sa amin kung sakali...

"What the hell?" Tanong ni Gelle sa akin habang tinuturo niya yung bahay na para bang hindi siya makapaniwala na ganoon iyon kalaki.

Pinagmasdan kong mabuti ang malaking bahay mula dito.

Parang ngayon paang ay ayaw ko ng pumasok, dahan-dahan kaming naglakad patungo doon, tinitingnan namin ang bawat dinadaanan namin dahil baka mamaya ay may patibong at bigla nalang kaming mahulog sa kung saan man katulad ng mga napapanuod namin sa TV.

Nakita kong sinubukan ni Tiffy ang susi na nakita namin doon at laking gulat namin ng bumukas iyon, nagulat ako dahil bakit ganoon kadali. Alam kong may iba pang dahilan kung bakit madali namin nabuksan, nakakapagtaka dahil dapat sa mga gantong reality show ay ang pagbukas ng bahay ang pinakamahirap.

Pumasok kami doon at bumungad sa amin ang mala-horror house na datingan nito, maraming alikabok at mga agiw. Nakakarinig pa ako ng mga daga hanggang sa may bumagsak na gagamba sa balikat ko kaya naman mabilis akong nagsisigaw.

Mabilis na lumapit sa akin si Jin at Jimin pati na rin si Jungkook para tulungan ako, hindi naman talaga ako ganoon katakot sa gagamba, nagulat lang siguro ako dahil sa biglang pagbagsak nito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Jimin at tumango nalang ako sa kanya.

"Gagamba? Akala ko naman kung anong nangyari." Sabi ni Jungkook bago niya binalibag sa kung saan ang malaking gagamba na nakuha niya sa balikat ko.

"Malapit ng mag-alasais, sa ngayon ay magsitulugan muna tayo o hindi naman kumain para makapagpahinga na tayo dahil paniguradong bukas--"

Napatigil si Namjoon sa pagsasalita nya ng makarinig kaming tunog, nasa iisang tumpok pa rin kaming lahat ngayon kaya naman medyo nawala ng konti ang kaba ko. Naramdaman kong hinawakan ako ni Jimin sa braso ko at nakita kong dumikit sa akin si Jungkook bago namin pinakinggan lahat ang tunog na hindi namin alam kung saan nagmumula.

"Walang maghihiwa-hiwalay." Utos ni Ate Deighn sa amin kaya naman mas lalo kaming kinabahan.

"Mukhang sa ilalim nang gagaling yung tunog." Sabi ng kasamahan ni Rigelle.

"Natatakot na talaga ako." Sabi ni Rigelle kaya naman napakagat ako sa labi ko dahil nararamdaman kong natatakot na rin ako.

"Parang tunog ng nagigiba? O makina? Hindi ko alam." Sabi ni Jin sa amin.

"Shit, lumilindol ba?" Tanong ni Angel kaya naman napahawak din ako kay Jimin ng maramdaman kong parang gumagalaw yung sahig na inaapakan namin.

"Wag nyong sabihing--"

Napasigaw kaming lahat ng biglang bumaliktad ang sahig. No-- hindi siya bumaliktad, tumagilid lang siya para mapahulog kaming lahat sa baba. Halos magkadagan-dagan kaming lahat sa ibaba, napaubo pa ako dahil nakalanghap ako ng mga alikabok, hindi ko maidilat ang mata ko dahil napuwing pa yata ako.

"Pwede bang umalis ka sa ibabaw ko?"

Napadilat tuloy akong bigla ng makita kong nakahiga ako kay Taehyung kaya naman mabilis akong umalis pero pagtayo ko ay bigla akong napaupo dahil natalisod ako sa isang paa kaya naman bumagsak ako ulit.

"Aray!" Reklamo ni Jungkook ng mapakandong ako sa kanya dahil sa biglang pagkaupo.

"Sorry, sorry." Sabi ko bago ko tumayo pero nahihirapan ako, mabuti nalang at inabot ni Jimin sa akin ang kamay niya kaya nakatayo na ako, nakita kong nakaupo pa rin silang lahat dahil sa sabay-sabay naming pagslide sa sahig na bigla nalang tumagilid na ngayon ay bumalik na ulit sa pwesto niya.

Kaya naman hindi na ulit kami makakabaliw sa taas.

"Sinasabi ko na nga ba, kaya mabilis natin nakuha ang susi dahil pagbungad na pagbungad palang natin sa bahay na 'to ay may mangyayari agad na kakaiba." Sabi ko habang pinapagpagan ko ang suot kong damit dahil nalagyan iyon ng alikabok.

"Magsikain muna kayo at kaylangan natin ng lahat ng lakas para sa mga sunod na mangyayari." Sabi ni Ate Deighn.

Sumunod nalang kami lalo na ako at gustong-gusto ko ng kumain kaya naman umupo muna ako sa gilid para makapagpahinga na rin ako. Naramdaman kong tumabi sa akin si Jimin pero hindi ko siya pinansin sa halip ay mas dumikit lang ako kay Ate Deighn, si Rigelle kasi ay katabi niya yung kasamahan niya, si Kuya naman ay nakatabi rin kay Ate Deighn pero doon sa kabila naman, nakita kong nagsi-upuan na rin ang iba.

Naghanap-hanap sila ng pwesto na matino-tino pero mukhang walang matino lalo na at maalikabok dito, wala rin ilaw kaya naman naglagay kami ng flashlight na malaki sa gitna habang nagkakainan kami ng mga dala naming baon.

"Sa tingin mo magiging mahabang araw ang lahat ng araw natin tuwing nandito tayo." Sabi ko kay Ate Deighn.

"Tama ka, mukhang alin nalang natin palagi ay umuwi na. Nakakatakot sa lugar na 'to." Aniya.

"Alam nyo, wag nyong masyadong isipin 'yan at kumain nalang kayong dalawa." Sabi naman ni Jin.

Napahinga nalang ako ng malalim, siguro nga tama lang na huwag kong masyadong isipin.

Dahil baka ito yung maging dahilan ng pagkabaliw ko. Hays.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top