Chapter 20
Chapter 20: Poisonous
Kanina pa ako nakasunod lang sa tatlo habang wala silang kibuan na naglalakad din, napabuga ako ng hangin sa kawalan. Nakakabored na, malapit ng mag-gabi pero kaming apat pa rin ang magkakasama.
Hindi ba ko pwedeng masama naman sa iba?
Parang isang magic word iyon dahil biglang akong nakarinig ng mga boses na nagtatalo sa likod ko, agad akong nagtatakbo pabalik pero napatigil ako ng marinig ko ang sigaw ni Tiffy.
"Eto na yung labas!" Sigaw ni Tiffy kaya naman agad akong nagtatakbo pabalik sa kanila at napangiti ako ng makita kong iyon na nga ang labas.
"Let's wait for them here." Sabi ni Taehyung bago isinandal ang likod niya sa mga halaman.
"I think they're here!" Sabi ko bago ako nagtatakbo papunta kung saan may narinig akong boses.
"Djermayne wait! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Jungkook pero hindi ko siya pinansin dahil nagtatakbo lang ako.
Napangiti ako ng bumungad sa akin ang mga nagtatalong sila Jimin, nang magtama ang paningin naming dalawa ay sabay lumawak ang ngiti namin.
"Djer-- Oh nandito na pala kayo! Nakita na namin ang daan palabas." Sabi ni Jungkook sabay turo sa dinaanan ko kanina.
Nakita kong naglalakad papalapit si Tiffy at si Taehyung sa amin, mukhang kompleto na yata kaming lahat ah?
"Tara na! Labas na tayo! Kanina ko pa gustong mamahinga." Sigaw ni Chris Jane.
"Wow ha, hiyang-hiya naman ako."
Napalingon kaming lahat sa nagsalitang si Teacher Deighn, nakita kong awkward siyang nag-iwas ng tingin sa amin dahil sa sinabi niya, napatingin tuloy ako bigla kay Chris Jane at nakita kong nakapasan siya kay Yoongi.
Kaya pala...
"Wait lang guys, si Angel nawawala pa." Napatingin ako kay Hoseok na hindi mapakali.
"Hanapin natin siya, baka kung ano ng nangyari sa gaga na 'yun." Nakita kong hindi maipinta ang mukha ni Angel.
"I think kaylangan dito nalang ang ibang pagod na, while the other will search for my cousin." Suggestion ni Namjoon.
"No." Kontra ko kaya napalingon silang lahat sa akin.
"Walang maghihiwalay dahil baka may mangyari sa iba, kahit gaano na kayo kapagod kaylangan magsama-sama tayong lahat."
Natahimik silang lahat sa sinabi ko, naalala ko kasi ang nakasulat sa card ko kaya naman hindi ko hahayaan na maghiwa-hiwalay kaming lahat.
"Kaya ka nakakapagsalita ng ganyan dahil hindi ikaw ang may buhat sa mabigat na 'to." Inis na sabi ni Yoongi.
"Kung ikaw ba naman kumain ng isang sakong tinapay araw-araw sa tingin mo ba hindi kabibigat?" Parinig ni Jimin.
"Kung itikom mo pa yang bunganga mo Jimin!" Irap ni Chris Jane.
5:18 pm na ng hapon pero hindi pa rin nila makita si Amery, kabadong-kabado na si Hoseok at si Angel dahil hindi pa rin makita ang dalaga, si Namjoon man ay kinakabahan na pero hindi niya iyon pinapahalata.
Habang si Yoongi naman ay bigat na bigat na kay Chris Jane, alin na lamang ni Yoongi ay iwan si Chris Jane sa kung saan dahil gustong-gusto na talaga niyang magpahinga. Sa totoo lang ay ang kalahating dahilan kung bakit niya binuhat ito ay para magpapansin kay Deighn at mukhang umepekto naman ito pero inaamin naman niya sa sarili niya na tinulungan niya 'to dahil kaylangan niya talaga ng tulong at mukhang wala namang maglalakas loob na tulunga 'to bukod sa kanya.
Si Tiffy naman ay tahimik na nakamasid lang sa kanilang lahat pero mas napapansin niya ang kakaibang kilos ni Taehyung kanina pa, matagal na silang magkakilala kaya naman kabisado na niya ang bawat kilos nito.
Si Djermayne ay kanina pa nababother dahil tahimik lang si Jimin sa kanang bahagi niya habang sa kaliwang bahagi naman niya ay si Jungkook na panay ang tingin kay Tiffy. Hindi napapansin ni Tiffy na kanina pa siya pinagmamasdang mabuti ni Jungkook dahil masyado siyang nakafocus kay Taehyung.
Habang ang iba naman ay tahimik lang na naglalakad dahil masyadong busy sa paghahanap kay Amery.
Napahawak ng mahigpit si Djermayne sa hawak niyang bow ng may marinig siyang matinis na sigaw sa di kalayuan.
"Shit!" Mura ni Angel bago siya nagtatakbo kung saan nagtatakbo si Djermayne dahil may kutob na rin siya na nasa panganib si Amery.
Kahit na natatakot si Hoseok ay sumunod siya sa dalawa hanggang sa nagsisunuran na din ang iba.
Napatigil silang lahat sa pagtakbo ng iniharang ni Deighn ang kamay niya, tanging si Angel, si Djermayne at Hoseok lang ang nakalapit.
Nakita kasi nila na may kakaibang agila ang pilit lumalapit kay Amery na may nakapalupot na halaman sa paa.
Napaurong si Angel pero si Hoseok ay nagpatuloy lang sa paglalakad papalapit sa kanyang kasintahan pero bago pa siya makalapit ay hinawakan na siya ni Namjoon para pigilan sa balak niyang gawin dahil alam ni Namjoon na mas lalo lang iyong gugulo kung hindi muna sila mag-iisip na dapat gawin.
Pero laking gulat nilang lahat ng biglang inilabas ni Djermayne ang kanyang pana na ibinigay ng kaninang driver. Sinubukang itira ni Djermayne ang pana pero sumablay iyon sa unang tira pero ng ikalawa na ay sapol agad ang ibon.
Napasigaw si Amery ng bumagsak ang ibon sa mismong harap niya at sa oras na iyon ay tuluyan ng binitawan ni Namjoon si Hoseok para makalapit na ito sa kanyang girlfriend.
She's really good at archery. Sabi ni Taehyung sa kanyang isip habang pinagmamasdan niya si Djermayne na lumapit sa ibon para tanggaling ang pana na nakatusok dito.
Panay na agad ang ibon dahil sapol na sapol iyon sa kanyang ulo, ayaw sanang pumatay ni Djermayne ng kahit anong hayop pero hindi siya nakapag-isip ng ayos dahil sa pagkataranta niya kanina kaya naman nanlulumo din siya sa kanyang ginawa.
"Woah, ang galing talaga niya." Mahinang sabi ni Jimin pero hindi niya alam na narinig siya ni Taehyung at ni Jungkook.
Parang hindi niya ito naging kasintahan dati kung makahanga siya kay Djermayne, aminin man niya o hindi pero alam niya mismo sa sarili niya na gustong-gusto niya si Djermayne at hindi niya maipagkakaila na kahit mahal niya yung tao ay crush na crush pa din niya 'to.
Lumapit si Deighn para tingnan ang pagkakapalupot ng halaman kay Amery, lumuhod ito sa sahig para tingnan ng mabuti ito pero napansin niya na may kasamang tali nag halaman kaya naman alam na agad niya na sadya 'to.
Patibong 'to ng mga nagpapalaro dito. Nagmamadaling kinuha ni Deighn ang gunting sa bag niya bago niya madaliang pinutol ang tali lalo na ng marinig niyang may papalapit na namang mga ibon.
"What the hell is that?" Mahinang tanong ni Rigelle sa kanyang sarili.
"That's poisonous bird, they can poison a person and make them dead in just a seconds." Walang emosyong sagot ni Tiffy.
"HA?!" Sabay na napaharap si Rigelle at Jelai kay Tiffy at wala namang emosyong tumango ito.
"You mean, pwede tayong mamatay dito?!" Sigaw ni Rigelle.
"This show is such a fucked up show, lahat tayo ay sumusugal ngayon and I hate it." Mahinang sabi ni Tiffy pero narinig iyon nila Rigelle.
Mas lalong tumaas ang tensyon ng bawat isa ng makita nila ang ilang mga ibon na mga nagsisiliparan na sa kanilang taas, napatigil ang lahat ng makita nilang naglabas ng baril si Taehyung.
"W-What the hell?!" Sigaw ni Rigelle ng makita niyang totoong baril iyon, napayuko silang lahat ng paputukan ng baril ni Taehyung ang mga ibon.
"Shit! Bakit may baril ka?!" Sigaw ni Jin kaya naman napatingin si Taehyung sa kanya.
"I just know that it well help us." Sagot ni Taehyung.
Kompleto na kaming lahat at nandito kami ngayon at nakaupo sa mga halaman habang nakalapag ang mga cards namin, may napansin akong kakaiba at iyon ay puro hearts ang kanila habang sa aming apat lang ang naiiba.
Sa akin at Queen of Diamonds, hindi ko alam kung anong ibig sabihin noon dahil wala akong nabasa about sa Queen of Diamonds.
"King ang nakuha ko." Sabi ni Jungkook kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya lalo na ng inangat niya ang cards niya.
Nakita kong nakangisi si Namjoon habang pinagtatabi niya ang card naming dalawa ni Jungkook.
"King of clubs has the meaning of good character and loyalty and the realization of ideals. The card is said to be one who has great power." Paliwanag ni Namjoon.
"Oh anong nakakatawa dun?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang. I just suddenly remember that the king of clubs is said to have a natural affinity for the Queen of Diamonds." Natatawang sabi nito.
Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni Namjoon, tanging siya lang ang natawa sa sinabi niya kaya naman awkward siyang napatigil sa pagtawa niya.
Napaubo siya ng kaunti bago muling tiningnan ang mga card.
"Kanino 'tong Ace?" Tanong ni Namjoon.
"Akin yan." Sabi ni Djermayne kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Ace card? Bakit ace card ang nakuha mo? Di ba ang ace card ang may lowest value?" Curious na tanong ni Namjoon.
"Nah, in reverse ranking. Ace card ang may highest value." Napalingon ako kay Taehyung na biglang nagsalita.
"Ah, so this is yours?" Tanong ni Namjoon kay Taehyung at itinaas nito ang joker.
"Oo at wala akong alam about sa joker." Walang ganang sabi ni Taehyung.
"Wala din akong alam dito except that it used as informal replacements for lost or damaged cards." Kabit balikat na sabi ni Namjoon. Maski ako ay napaisip din dahil hindi ko rin iyon alam.
"Nakakapagtaka dahil pati ang King, Queen, Ace at Joker ay may number din." Sabi ni Teacher Deighn kaya napatingin kaming lahat sa apat na card na nakahiwalay.
"Oo nga no? Dapat K o Q lang nakalagay doon." Sabat ni Jimin.
"Yung joker at ace parehong 1 tapos yung queen at king pareho namang 5." Sabi ni Jin.
Lahat kami ay halos mabaliw na habang nakatingin sa mga cards, parang napakatinding pasakit naman ng isang 'to dahil halos wala kaming maintindihan.
"Bakit kaya hindi natin isalit sa letters ang mga number?" Napatingin kaming lahat kay Djermayne na biglang nagsalita.
"Isalin sa sa letter? Papaano naman yun?" Tanong ni Jin.
"Kasi di ba may 26 letters pero hanggang 25 lang ang pinakamataas na value na nandito. So pwede natin siyang isalit sa word, for example. 1 is A and then 5 is E. Bibilangin lang natin." Suggestion ni Djermayne.
"That's insane but let's try." Sabi ni Namjoon bago niya pinagtabi-tabi ulit nag mga card.
7 2 4 1 1 5 5 25 14 10 13 11 3 18 5
Napatingin ako sa mga number sa card namin, naba-bother na talaga ako ng sobra. Nakita kong kinuha ni Namjoon ang notebook niya at inumpisahan na niyang isulat ang mga katumbas na letter noon.
G B D A A E E Y N J M K C R O
"Sabihin nyo lang guys kapag may nabuo kayong words ha." Sabi ni Namjoon.
Napatitig kaming lahat doon bago nagsimulang manghula ang iba sa mga words na nabubuo nila.
"Need."
"Joker."
"Bad."
"Make."
"Gym."
"Come."
"Jam."
"Bag."
"Made."
"Key."
"Aish! Tigilan na natin 'to! Wala namang importante na nabubuo sa mga sinabi niyo eh." Reklamo ni Rigelle na hanggang ngayon ay wala pa ring nasasabing word kahit isa.
"Sa tingin ko nga, mukhang wala naman tayong mapapala dito." Napakamot sa ulo si Namjoon.
"Nope, sa tingin ko may ibig sabihin talaga yan." Napatingin kaming lahat kay Taehyung na seryosong nakamasid sa mga word.
"Papaano mo naman nasabi?" Tanong ni Jin.
"May nabuo akong pangalan." Walang emosyong sabi niya.
"Ano namang pangalan?" Tanong ni Jimin.
"Djermayne." Diretsong sabi ni Taehyung habang nakatingin lang sa card.
Napakunot ang noo ko dahil napansin pa naman niya ang pangalan ni Djermayne, napatingin ako kay Djermayne na biglang napabalik ang tingin sa mga card, sa tingin ko ay sinubukan niya ngang buoin ang pangalan niya doon.
"Oo nga no!" Napasigaw siya ng mabuo niya iyon.
"Oo nga ang galing!" Sigaw ni Jimin bago inayos ni Namjoon ang mga card para pagsunod-sunodin iyon sa bawat letter ni Djermayne.
4 10 5 18 13 1 25 14 5 ay katumbas ng D J E R M A Y N E
"Kung ganoon ay natitira nalang ang 7 2 1 13 3 5 na katumbas ng G B A K C O." Sabi ni Namjoon habang sinusulat niya iyon sa papel.
"Ako! Ako! May nabuo ako diyan!" Sigaw ni Rigelle na parang bata kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Ano yun?" Tanong ng kasamahan niyang babae na Jelai ang pangalan."
"Buko tsaka Go. Oh di ba ang galing ko! Praise me!" Confident na sabi niya.
Napangiwi ang ilan dahil sa sinabi niya, ako lang yata ang biglang nagkaclue sa sinabi niya kaya agad napabalik ang tingin ko sa mga natitirang letters.
Go... Back?
Hindi ako sigurado sa naiisip ko pero hindi ako mapakali dahil sa biglang pumasok sa isip ko.
"Go back Djermayne..."
Hindi ko namamalayan na nababanggit ko na pala ang nasa isip ko. Napalingon silang lahat sa akin dahil sa bigla kong pagsasalita.
"Go back Djermayne?" Pag-uulit ni Jimin kaya naman wala ako sa sariling napatango.
I think that's it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top