Chapter 2
Chapter 2: About Us
Sinipa ko ang pintuan ng classroom namin, kagaya ng in-expect ko walang titingin sa akin kaya naman naglakad na ako papasok, agad hinagilap ng magaganda kong mata ang hayop na lalaking iyon.
Pero hindi nagtagumpay ang dalawang maganda kong mata dahil hindi ko siya nakita sa loob ng classroom na ito.
"Nasan na kaya si Djermayne?" Narinig kong tanong ng magaling kong kapatid.
"I'm here." Tinaas ko ang isang kilay ko kahit na puno ako ng pintura. Aba kaylangan poise na poise pa rin ako no!
"Oh hello Here! I'm Hoseok." Biglang nagsalita ang isang lalaking hindi ko naman kilala.
"My name is not here!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Hi not here! Nice to meet you. You have... very... uhm... very very unique name." Napairap akong bigla dahil sa sinabi ng lalaking to.
"Nakakabobong kausap." Sabi ko bago ako padabog na umupo sa upuan ko.
"Bobo talaga yan! So, where your name goes?" Tanong sa akin ni Jimin.
Mas lalo akong nabobo sa tanong sa akin nito.
"Hindi ako makapaniwalang nagkaroon ako ng ex-boyfriend na tanga!" Pabulong kong sabi para walang makarinig noon.
Pero sadyang may pagkamatulis ang tenga nitong Jimin na to ay narinig pa talaga niya.
"Hoy Djermayne!" Sigaw niya sa akin.
"Djermayne, anong nangyari sa'yo?" Tanong sa akin ng kapatid kong may kulay pink na buhok.
"Etong nangyari sa akin? Bakit kaya hindi nyo tanungin iyong kaklase nyong mahilig kumain ng lollipop ha?!!" Bigla na namang kumulo ang dugo ko dahil sa naalala ko na naman siya.
"Tara nga, umuwi na tayo. Magpalit ka ng damit mo." Bigla akong hinawakan ni Jin sa braso ko para makatayo ako sa upuan ko pero agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin.
"Excuse me? Anong sinabi mo? Umuwi na tayo? Sa pagkakaalam ko hindi tayo sa iisang bahay nakatira." Inis na sabi ko sa kanya.
"Umuwi ka na kasi sa bahay! Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo ha?!" Sigaw niya sa akin.
"Ikaw din! Bakit ang tigas ng ulo mo sa taas ha?!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
"Djermayne, please." Medyo iritado na ang boses niya.
"Hoy Jin--"
"Kuya mo ko!" Sigaw niya sa akin pero inirapan ko lang siya.
"Fine! Kuya. Jin." Sarcastic na sabi ko sa kanya bago ko siya nilagpasan.
"Djermayne!" Sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko papalabas ng classroom.
Nakita kong nagtitinginan na naman sa akin ang mga iba pang estudyante.
Siguro sa isip-isip nila ay nakakaawa ako, psh!
Banas na banas ako nang umuwi ako sa amin, halos pagbuhusan ko ng galit ang lahat ng gamit ko maliit na apartment na tinitirhan ko ngayon.
Maski ang sapatos na binigay sa akin ni Jimin noong monthsary namin ay nalagyan ng pintura. Sinusubukan kong alisin iyon pero wala na talagang pag-asa.
Ni hindi pa nga napapansin ni Jimin na sinusuot ko pa rin iyon eh.
Buong gabi kong nilalabhan ang uniform ko at umaasang mawawala iyong pintura.
Pero kinabukasan noon ay hindi man lang natanggal ang kahit kaunti doon.
Hindi ko alam kung papaano ko papasok sa school at kung ano ang susuotin ko.
Kaysa imbis naman na isuot ko ang uniform na to ay nagsibilyan na lamang ako.
Nakajeans at shirt lang ako habang nakasuot ng rubbershoes noong pumasok ako sa school, mabuti nalang at dala ko ang ID ko kaya pinapasok pa rin ako ng guard at sinabi ko din naman sa kanya na transferee ako dito.
Habang naglalakad ako ay pakiramdam ko nasa cliche drama pa rin ako dahil pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nasa hallway.
Is it because even if I'm wearing a simple shirt and jeans I'm still stunning?
Dire-diretso akong pumasok sa aming classroom, as usual wala silang pakealam sa presensya ko.
Agad hinanap ng maganda kong mata ang hayop na sumira ng araw ko kahapon pero hindi ko siya namataan.
Maski ang magaling kong kapatid ay wala pa rin dito...
Maski si Jimin.
Tiningnan ko ang kabuoan ng classroom namin dahil ngayon ko palang ito mapagmamasdan ng mabuti.
Kahapon kasi ay wala akong time para pagmasdan ito, sa dami ba namang nangyari kahapon ay malamang wala na sa pagmamasid ang nasa isip ko.
Akalain nyo yun, first day of school dalawang mokong na agad ang nasapak ko.
More sapak to come.
Napailing ako habang pinagmamasdan ko ang classroom, napansin ko na malaki naman ito pero walang gaanong nakalagay ng upuan, pero mas kokonti ang estudyante sa section na to.
Hindi ko alam kung madami ba talaga ang nandito sa classroom na to o talagang konti lang dahil mga patapon na estudyante ang mga nandito.
Napatigil ang tingin ko sa babaeng nakasalamin, napatingin din siya sa akin.
The coldness in her eyes gives me goosebumps.
She's pretty but weird at the same time, naputol ang pagtititigan naming dalawa ng biglang bumukas ang pintuan.
Pumasok si Jimin na may dala-dalang kulay pink na paper bag.
What the...
Susunod na ba siya sa yapak ng kapatid ko?
Inilapag niya iyon sa table ko kaya naman napakunot ang noo ko.
"Ano to?" Malamig na tanong ko sa kanya.
Magsasalita na sana siya ulit ng biglang may umakbay sa kanya.
The first student here who interacts with my fist.
"Jungkook." Ani Jimin sa lalaki bago tinanggal ang pagkaka-abay nito sa kanya.
Nagkatitigan kami ng masama ng Junchuchu na iyon. Or whatever his name.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang bagong dating na lalaki. The guy who ruined my first day of school!
Nag-ipon ako ng lakas sa akin, iniisip ko kung sino ang una kong pahihirapan, eto bang Jungkook na malaki ang ilong o etong lalaking kumakain ng lollipop na sumira ng uniform ko?
"Djermayne..." Bigla akong napatingin kay Jimin na nakahawak pa rin sa paper bag na pink na nakapatong sa desk ko.
"Ano yan?" Tanong ko ulit sa kanya.
Napabuntong hininga siya bago niya binuksan ang paper bag at inilabas ang laman noon.
Agad na napakunot ang noo ko ng makita kong isang bagong uniform na pangbabae iyon.
"Suot mo yan." Pautos niyang sabi sa akin.
"Hindi ko matatanggap yan." Maagap kong sagot sa kanya.
"I'm not asking you to wear that, It's an order." Napaikot tuloy yung mata ko heavenwards.
"And who are you para sundin ko?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"I'm your bo--"
"SHUT UP!" Mabilis kong pagpigil sa kanya bago pa siya may masabing hindi ko magustuhan.
Agad akong tumayo sa upuan ko, hindi ko alam kung kaylan ba ako mag-istay sa upuan ko dahil palagi nalang ako umaalis kapag nauupo ako doon.
"Don't you dare to tell anyone about us." Banta ko sa kanya.
Nakita ko ang galit sa mata niya pero mas pinili niyang hindi magsalita, good boy Jimin. Good boy.
Para din naman sa'yo to eh.
Agad kong kinuha ang uniform kay Jimin at humarap ako sa lalaking sumira ng araw ko at sa tingin ko ay patuloy niyang sisirain iyon.
Dahil makita ko palang ang mukha niya, sira na agad ang araw ko.
"Bayaran mo to." Inilapag ko sa kanya ang uniform na binili ni Jimin para sa akin.
Aba! Wala akong ibang maisip na paraan para tanggapin ko ito na hindi ako nagmumukhang may nararamdaman pa rin sa kanya.
Hindi na naman ako pinansin ng isang 'to sa halip ay patuloy pa rin siya sa pakikinig sa headset niya kahit alam ko namang naririnig niya talaga ako.
Inalis ko ang headset na nakapasak sa tenga niya kaya napaharap siya sa akin ng may malamig na ekspresyon.
"Wag kang magbingi-bingihan diyan! Ang sabi ko. Bayaran mo to kay Jimin!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Nasa tatlong libo lang ang uniform na yan hindi ka pa makabili?" Halos mapanganga ako sa sinabi niya.
Para bang ini-insulto na naman niya ako base sa pagkakasabi niya.
"Well, I'm sorry hindi ako kasing yabang mo! Este kasing yaman--"
Bigla akong napatigil sa pagsasalita ng makita kong may lumipad na limang libo sa mukha ko, halos matulala ako ng nakita kong dahan-dahang bumababa iyon sahig.
Narinig kong lumakas ang bulong-bulungan sa buong classroom namin, pakiramdam ko ay mas lalo akong nanliit sa harapan niya.
Pero anong magagawa ko? Kaylangan ko ng pera.
"Keep the change." Malamig niyang sabi sa akin.
Pinikit ko ang mata ko para pigilan ang inis ko kasabay ng pagkuyom ng kamao ko, kaylangan kong kumalma kung hindi ay mababalian talaga ng buto ang isang to sa akin.
Nang maramdaman kong medyo okay na ang pakiramdam ko at natantya ko ng hindi ko masasapak ang isang to kaya naman dahan-dahan akong yumuko para kunin ang limang libo sa sahig.
"Djermayne!" Narinig kong tawag sa akin ni Jimin pero hindi ko pinansin iyon.
You should go on where you belong Jimin, hindi ka dapat nag-aalala sa akin.
Nang mapulot ko na ang limang libo sa sahig ay tiningnan ko ng masama ang lalaking nasa harapan ko.
Nakita kong walang emosyon ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, pero kahit papaano ay nabakasan ko ang gulat sa mata niya pero bigla din iyong nawala.
"Hindi ka man magsorry at least binayaran mo--"
Bigla akong napatigil sa pagsasalita ng biglang may humawak sa kamay ko at tinanggal ang limang libro doon.
Gulat na gulat ako ng biglang sinira ni Jin ang limang libo, halos malaglag ang panga ko sa sobrang gulat sa ginawa niya.
Pagkatapos niyang punitin iyon at hinagis niya iyon kay Taehyung, halos sumaboy sa mukha niya ang mga perang sira-sira pero iniwas lang niya ang mukha niya doon.
Natahimik kaming lahat dahil sa ginawa ni Jin.
"Hindi namin kaylangan ng pera mo, meron din kami nyan!" Mariin na sabi ni Jin kay Taehyung habang nakahawak sa wrist ko.
Sa sobrang inis ko ay tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa wrist ko kaya naman napatingin siyang bigla sa akin.
"Ikaw lang ang meron, pero ako wala! Bwisit naman! Limang libo na naging bato pa." Inis na sabi ko habang pinupulot ang limang libong sinira niya.
Pwede pa naman siguro to pagnilagyan ko ng tape di ba?
"Djermayne ano bang ginagawa mo?!" Galit na sigaw ni Jin sa akin.
"Kung para sa inyo, madali lang makakuha ng pera ibahin niyo ako, kaylangan ko pang magtrabaho ng sampong part time job para makakuha ng limang libo sa loob ng isang buwan." Paliwanag ko sa kanila habang iniisa-isa ko ang mga pera at sinusubukang buuin iyon.
"Djermayne wala na bang natitira sa'yo kahit konting pride?!" Sigaw ni Jin sa akin.
Napatigil ako sa pagbubuo ng pera dahil sa sinabi niya, bago ako napabuntong hininga ulit.
Tumayo ako para harapin siya.
"Meron pa, kasi kung wala ng natitira sa akin kahit konting pride edi sana bumalik na ako sa bahay." Sabi ko sa kanya bago ko siya nilagpasan.
Umupo ako sa upuan ko at sinubukan kong buuin ang pera sa pamamagitan ng tape na nasa bag ko.
Bigla akong napatigil ng biglang may lumapit sa aking babae na naka-all pink. Nilapit niya ang isang upuan sa table ko at umupo siya doon.
Nagtataka ko siyang tiningnan ng makita kong tinutulungan nya akong buuin ang perang nasira.
Napakurap ako ng ilang beses ng makita kong hindi siya nagsasalita at bigla-bigla nalang niya akong tinulungan. Narinig ko ang pagbubulungan ng mga kaklase namin pero hindi ko na iyon pinansin dahil pinagkibit balikat ko nalang ang lahat bago ko nagpatuloy sa pagbubuo ng pera.
Humupa nalang ang bulungan ng may pumasok na bagong teacher sa amin.
"Balik lang ako sa upuan ko." Sabi noong babaeng naka-all pink na tumulong sa akin.
Tumango lang ako dahil di ko naman siya kilala, ano bang gusto niyang reaksyon ko sa kanya?
Inipit ko ang perang sinubukan kong buuin pero mukhang wala na itong pag-asa.
Napabuntong hininga nalang ako habang nakikinig sa panibagong teacher habang ang iba naman ay walang pakialam dahil nagkukwentuhan lang sila at kung ano-anong kalokohan ang ginagawa, napatingin ako kay Jin na ngayon ay nakatingin din sa akin kaya nag-iwas nalang ako ng tingin ko.
Pero pag-iwas ko ng tingin ay kay Jimin naman tumama ang tingin ko na ngayon ay kasamahan ang dalawa naming kaklase pero nasa akin ang atensyon niya kaya naman nag-iwas nalang ulit ako ng tingin.
Ano ba kasing pumasok sa isip ko at lumipat ako sa school na to?
Pagdating ng vacant ay nagmamadali akong lumabas ng classroom para hindi ako maabutan ng magaling kong kapatid.
Agad akong dumiretso sa covered court sa school namin, hindi ko alam pero natanaw ko lang to sa malayo kaya naman dumiretso na ako dito.
"Naku naman Djermayne! Ano na naman ba 'tong ginagawa mo?!" Inis na sabi ko sa sarili ko habang sinasabunutan ko ang sarili kong buhak.
"Aish!" Umupo ako sa bleachers.
"Pati si Jimin nadadamay sa ginagawa mo..." Bigla akong napatigil at napangiti ng maalala ko yung nag-aalalang mukha ni Jimin sa akin.
"Kainis! Bakit ba nag-aalala ka pa rin sa akin? Baka sa ginagawa mong yan bumalik ako sa'yo." Napakagat ako sa labi ko ng hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
"Kung pwede ko lang ipagsigawan na ex-boyfriend kita Jimin, ang dami sigurong maiinggit sa akin hihi."
Napatakip ako sa mukha ko at impit akong napatili dahil sa sobrang kilig ko, please don't think that i'm weird dahil may crush ako sa ex-boyfriend ko. Normal lang iyon sa isang taong nakapagbreak sa boyfriend niya kahit mahal pa rin naman niya ito.
"Ang ingay!"
Agad nanlaki ang mata ko at dahan-dahan kong inalis ang takip sa mukha ko bago ako napatingin sa taong nasa gilid.
Napalunok ng makita ko si Jungkook na nakahiga sa may bleachers malapit sa akin.
I'm doomed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top