Chapter 19

Chapter 19: Eenie Minnie

Dead end. Dead end. Dead end!

Punyeta naman mga bes, puro dead end lang ang nakikita ko kahit saan ako pumunta. Kung may signal lang sana dito pero wala eh! Anong oras na at nagugutom na ako. Wala pa rin akong nakikita kahit isa sa kanila at ang kinakatakot ko pa ay baka nandoon na silang lahat at ako nalang ang wala dahil naliligaw nga ako.

"Hello!? Is anyone here?!" Sigaw ko pero nag-eecho lang ang boses ko.

Napaupo ako sa damuhan at hinalungkat ko ang pagkain ko, nagugutom na talaga ako kaya naman kinuha ko ang baon kong tinapay bago ko iyon kinain. Mamaya na ako mag-hahanap sa mga kasama ko, mahirap kasing maghanap ng gutom ka.

"Siguro naman marunong kang mang-alok?"

Napa-angat ang tingin ko sa taong nasa harapan ko, agad akong napangiti at napatayo ng makita ko si Jungkook. Inabutan ko siya agad ng tinamay na kinakain ko pero napangiti lang siya.

"Oh gosh! Akala ko wala na akong makikita na kahit sino sa inyo. Mabuti nalang talaga." Sabi ko habang pinapagpagan ko ang damit ko na nadumihan dahil sa pagsalampak ko sa damuhan.

"Pasalamat ka at malakas ang radar ko sa mga babaeng matatakaw."

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya, excuse me? Hindi ako matakaw! Malakas lang akong kumain.

Inirapan ko nalang siya bago ako naglakad kasabay niya.

"Alam mo bang puro dead end lang ang nakikita ko dito?" Sabi ko sa kanya kaya naman napatawa siyang bigla.

"Ako din naman eh, mabuti nalang talaga at maingay ka."

Mabuti nalang pala at naisipan kong magsisigaw kanina kung hindi ay baka kanina pa ako dito nangangapa ng makakasama.

Kanina pa ako lakad na lakad pero wala pa rin akong nakikitang tao, puro halaman lang ang nakikita ko kaya naman inis na inis na ako. Sa sobrang inis ko ay ng may makita akong bato ay sinipa ko iyon agad.

"Ouch!"

Napalingon ako sa paligid ko ng may narinig akong umaray kahit na halaman lang naman ang nakikita ko sa harapan ko.

"S-Sino yan?" Tanong ko.

"Ate Deighn?!"

Napalapit ako sa harapan ko at itinapat ko ang mata ko sa kahit sa pinakamaliit na butas noon pero wala akong makita, I'm sure it's Jin!

"Jin, ikaw ba yan?" Tanong ko para makasigurado.

"Oo! Ako 'to! Nandiyan ka lang ba sa kabila?" Tanong niya pabalik.

Now I'm sure nasa harapan ko lang siya pero may nakapagitan lang sa amin ng masa halaman. Sinubukan kong isuot ang kamay ko doon pero nagkasugat lang ako kaya naman agad kong pinahid ang dugo sa skirt ko sa sobrang taranta.

"Ang sakit, kainis naman." Mahina kong sabi habang tinitingnan ang mga sugat-sugat kong kamay.

"Anong nangyari Ate Deighn?" Tanong niya sa akin.

"W-Wala 'to." Palusot ko.

"Diyan ka lang ha! Hahanap ako ng paraan para makapunta diyan! Basta diyan ka lang." Sabi niya sa akin, hindi na lang ako nagsalita at naghintay nalang ako dito.

Sampong minuto na akong naghihintay dito pero wala pa rin siya kaya naman tumayo na ako dahil baka hindi naman niya ako puntahan dahil hindi naman niya obligasyon yun.

Naglakad ako papunta sa kabilang daan kung saan hindi ko pa napupuntahan kanina pero laking gulat ko ng makita ko siya doon na hinihingal pero napatayo siya ng tuwid ng makita niya ako.

"I found you." Napangiti siya kahit pawis na pawis siya kaya naman napangiti ako.

"Thanks for finding me." Sabi ko sa kanya kaya natawa kaming pareho.

What the hell is this place, seriously? All I can see is leaves, leaves, leaves and hell yeah, leaves again.

Napanguso ako habang tinitingnan ko ang dalawang daanan, I don't know where am I going.

"Eenie meanie minnie mo, pwet ng kabayo kamukha mo, alin sa dalawa ang pipiliin ko..."

Huminto ang daliri ko sa kanang bahagi kaya naman napabuntong hininga nalang ako, hindi ko kasi alam kung dead end pa rin ba ang kasunod neto o hindi na.

"Sa tingin ko nasa kaliwa ang daan."

Napatigil ako dahil sa isang pamilyar na boses, napaharap ako sa likod ko at nakita ko si Taehyung na nakangiti sa akin.

I can't help but to smile too. Damn his square-mouthed smile!

"Mukhang pagod ka na ah?" Tanong niya sa akin ng lapitan niya ako, obviously pagod na ako!

"H-Hindi naman." Kontra ng bibig ko.

"I know that you're already tired, sumampa ka na sa likod ko." Sabi niya bago niya inalis ang bag niya sa likod niya pero agad akong umiling kahit namumula na ako.

"I don't think that's a good idea Taehyung, kaya ko pa namang maglakad. Hindi ako baldado." Sabi ko sa kanya bago ako naglakad patungo sa kanan.

Iniwan ko siya doon pero halos matalisod ako ng bigla niya akong hilahin sa kaliwang daanan pero napatigil kaming pareho ng makita naman ang dalawang magkasamahan habang tumatawa.

Djermayne and Jungkook looks so happy.

Napatigil din silang pareho ng makita nila kaming dalawa na nakatingin sa kanila. I don't know but I think it's so awkward kahit alam ko naman na type ni Jungkook si Djermayne.

"Hi." Awkward na bati ni Djermayne sa amin.

Napatingin ako kay Taehyung na walang emosyong nakatingin sa dalawa bago niya ako hinila sa kabilang daanan.

Napakunot ang noo ko dahil sa inasta niya, I know that Taehyung is not the kind of man who will just walk out kaya naman napangiwi ako. I know that there's something wrong.

Lumingon ako sa likod para tingnan ang dalawa pero sinusundan nila kami, It doesn't work if Taehyung will just walk on every where he wants. Kaya naman kahit anong lakas niya ay pinigilan ko siya sa paglalakad ng mabilis.

Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko. Umiling ako sa kanya kaya naman napatingin ulit siya sa dalawa bago muling napatingin sa akin at tumango.

Tahimik lang kaming apat habang naglalakad kami sa kung saan-saan, nakakailang dahil walang nagsasalita sa amin. Minsan ay nagtatanong si Djermayne kay Jungkook but after that tahimik na ulit.

This is really awkward, sana may makita pa kaming iba para naman mawala na ang awkward aura na bumabalot sa aming apat.

"Oh shit! Shit! Shit!" Sigaw ko habang nakahawak ako sa paa ko.

Natalisod kasi ako sa isang malaking bato na nakaharang dito, halos malukot ang buong mukha ko kakainda sa sakit. Papaano kung walang makakita sa akin dito? Ano ng mangyayari sa akin?!

"Tulong! Tulungan nyo ko please!" Sigaw ko habang nakahawak sa paa kong hindi ko magalaw, I'm pretty sure na may naipit na ugat dito kaya naman hindi ko maigalaw ng ayos.

"Ouch! Ouch!" Sigaw ko ng sinubukan kong igalaw iyon.

"Hey, are you okay?" Napa-angat ang tingin ko kay Yoongi, halos makahinga ako ng maluwag ng makita ko siya.

"Mukha ba akong okay ha?!" Sigaw ko sa sobrang inis ko.

Agad siyang nagtatakbo papalapit sa akin, inalis niya ang bag niya sa likod inilapag iyon sa sahig bago siya lumuhod gamit ang isang paa niya para makita ng ayos ang paa ko.

"Napakatanga mo naman." Malamig na sabi niya sa akin habang nakatingin sa paa ko.

"Oo! Sige! Manlait ka pa! Huwag mo kong tulungan." Sarcastic na sabi ko sa kanya kaya naman napakunot ang tingin niya sa akin.

"Edi wag." Aniya bago tumayo at muling kinuha ang bag niya.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong naglalakad na siya papalayo sa akin.

"Hey! Hey! Hey! Joke lang! Joke lang! Tulungan mo ko! Wag mo kong iwan dito!" Sigaw ko.

Nakita ko ang pag-smirk niya bago siya humarap sa akin. Ang sama ng ugali ng loko na 'to! Napairap ako sa kawalan bago siya naglakad sa akin papalapit.

"Can't you walk?" Tanong niya bago muling hinawakan ang paa ko.

"Bobo ka ba? Syempre hindi! Edi kung nakakalakad ako edi sana kanina pa ko naglalakad!" Pambabara ko sa nakakabobo niyang tanong.

"Can you just shut up your mouth? Nakakairita." Inis na sabi niya sa akin.

I mimicked what he said bago ako tuluyang nanahimik, nakakatakot na! Baka iwan niya ako dito at hindi na ako makapunta sa dapat naming puntahan, ayoko namang makipagtalk show sa mga lamok at langgam mamayang gabi.

"Aray!" Sigaw ko ng bigla niyang iginalaw ang paa ko.

"Ang OA ha, hinawakan ko lang yung paa mo." Aniya.

"Hehe." Napakamot ako sa ulo ko ng marealize kong hindi naman talaga ako nasaktan.

"OUCH! OUCH! OUCH!" Napasigaw ako dahil totoo ng iginalaw niya ang paa ko.

"Sabihin mo nalang sa akin kapag masakit na." Malamig na sabi ni Yoongi.

Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang paggalaw sa paa ko para mahilot iyon, I don't know where he learn this kind of stuff but yeah, he's good dahil kahit papaano ay hindi ako nasasaktan.

Kagat labi kong pinagmamasdan siyang seryoso sa ginagawa niya, ayoko kasing gumawa ng kahit anong ingay kung sakaling mang madiinan niya.

"Ahh, wait! Ang sakit." Pigil ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin bago siya niya muling iginalaw ang paa ko.

"Dahan-dahan lang." Sabi ko sa kanya at bahagya naman siyang tumango.

"Wag mong masyadong diinan ha? Baka masaktan ako." Dagdag ko pa.

Napasigaw ako dahil diniinan na naman niya, may galit yata sa akin ang isang 'to eh.

"Wag kang masyadong maingay, dinadahan-dahan ko na nga eh." Yamot niyang sabi sa akin.

"Dahan-dahan pa ba yan?! Dinidiinan mo nga eh." Inis na sabi ko pabalik.

Nagtinginan kami ng masama at parehong walang nagsasalita sa amin hanggang sa napalingon kami sa taong biglang bumagsak sa tabi ng halaman.

Napaupo nalang ako sa sahig dahil bored na bored na ako, wala pa rin akong makitang tao kaya naman pinagbubunot ko nalang yung damo.

"Kung nandito lang sana si Jin edi sana wala na akong problema, edi sana in-enjoy ko pa 'tong pakikipaghanapan sa iba, kahit nga hindi na namin sila mahanap basta magkasama lang kaming dalawa."

Sa sobrang bored ko ay kung ano-ano na ang naiisip ko. Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng makita ko si Namjoon na naglalakad na walang kasamahan, para bang tinatandaan niya ang bawat detalye na nakikita niya.

Sa dami ng pwede kong makita bakit ang mukhang badjao pa na 'to?!

Napairap nalang ako bago ko pinagpatuloy ang pagbubunot ng damo habang nakaupo ako sa sahig.

"Hays, kung nandito lang talaga si Jin." Bulong ko sa sarili ko.

"Rigelle." Narinig kong tinawag ni Namjoon ang pangalan ko.

Bored ko siyang binalingan ng tingin. Napabuntong hininga siya bago napangiti ng marealize niyang ako nga si Rigelle. Well, hindi naman siya nae-engkanto dahil ako 'to.

"Mabuti nalang at may makakasama na ko." Buntong hininga niya.

Napangiwi ako dahil hindi naman siya ang gusto kong makawa, oh well. Wala na akong magagawa, tumayo ako sa pagkakaupo ko at pinagpagan ko ang ilang mga damo na dumikit sa damit ko.

"Let's find the others." Bored na sabi ko habang naglalakad ako papunta sa kaliwang daanan pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.

"That's another dead end." Aniya.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, papaano naman niya nalaman na dead end iyon kung hindi naman siya doon galing?

"Look at this." May pinakita siyang isang maliit na notebook kung saan may nakadrawing na parang maze.

Tinitigan ko iyon bago ako muling humarap sa kanya.

"Oh ano naman yan?" Tanong ko.

"That's the maze here." Sabay turo niya sa mga nagtataasang halaman.

Napakunot ang noo ko bago unti-unting magsink in sa isip ko ang gusto niyang sabihin.

"Oh my-- Papaano mo nalaman?!" Sigaw ko dahil hindi ako makapaniwala, kanina pa ako naglalakad dito pero kanina pa ako nadedead end.

"Nakalabas na kasi ako kanina." Kibit balikat niya.

Napanganga akong bigla. Nakakalabas na siya sa maze na 'to?! Samantalang ako pagod na pagod na ako dahil pakiramdam ko ay bumabalik lang ako sa mga dinadaanan ko.

"Nakalabas ka na pala! Bakit bumalik ka pa?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"It's because I want to know what's the structure of this, and then I know now." Para wala lang na sinabi niya.

I can't believe this!

Okay, okay! He will not be the top one of Converse high for nothing. He's really amazing! Damn it.

"Ano pang hinihintay natin dito? Tara na lumabas na tayo!" Yaya ko sa kanya.

"No, not yet Gelle." Sabi niya.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Why? Ano pang gusto niyang gawin kung ganoon.

"Look at this Rigelle, dito ako pumasok pero sa tabi lang ako lumabas. I think there's a reason kung bakit ako inilagay sa pwesto na 'to." Nag-iisip na sabi niya habang nakaturo sa may arrow.

"Do you have your card?" Tanong niya sa akin.

"C-Card?" Nagtatakang tanong ko.

"Yes, the card. Yung card sa may bato." Pag-eexplain niya.

Napakamot ako sa ulo ko, anong bato ang sinasabi niya?

"Don't tell me hindi mo iyon kinuha?!" Pasigaw na tanong niya sa akin.

Awkward akong napangiti bago napayuko.

"Goddammit!" He murmured.

Napayuko akong lalo ng marinig ko ang mumunting mura niya, bakit ba feeling ko ang bobo ko kapag nakakasamahan ko siya?

Napatingin ako sa ibang direksyon para maiwas ko ang tingin ko sa kanya pero biglang akong napangiti ng makita ko si Jin pero agad din na nawala ang ngiti ko ng makita kong nagtatawanan sila ni Teacher Deighn at hindi lang yun! Siya pa ang may hawak sa bag nito.

Agad akong napabusangot habang pinagmamasdan ko silang masayang-masaya, hindi ko alam kung bakit pero naiirita ako sa ngiti nilang dalawa.

"Oh there they are." Nakangiting sabi ni Namjoon bago niya tinawag ang dalawa, napalingon ang dalawa sa amin kaya naman sabay silang nagtatakbo papalapit sa amin.

"Dude!" Sigaw ni Namjoon bago sila nag-apir ni Jin.

Napangiti si Teacher Deighn sa akin pero sinimangutan ko lang siya. Naiinggit ako sa kaniya kasi siya ang nakasama ni Jin magdamag and I hate the idea of the two of them walking in this garden while they are laughing on their own jokes. Psh!

"Nasa inyo ba yung card nyo?" Tanong ni Namjoon.

"Uh, yes! Here." Inilabas ni Jin ang card niya at inabot iyon kay Namjoon.

"How about you Teacher Deighn?" Tanong ni Namjoon kay Teacher Deighn.

"Wait..." Kinapa ni Teacher Deighn ang bulsa niya at doon niya kinuha ang card. "Here." Sabay abot niya kay Namjoon.

Napatingin sa akin si Jin at Teacher Deighn.

"Nasan yung iyo Rigelle?" Tanong ni Jin sa akin.

"Hindi niya nakuha ang kanya. So, babalikan natin yun because I think there's a clue here." Sabi ni Namjoon habang pinagmamasdan ang dalawang card na hawak niya.

"Like what?" Tanong ni Jin at lumapit siya kay Namjoon para tingnan din ang hawak nito.

"Like this." Sabay turo niya sa card kung saan may nakalagay na 2 sa card ni Jin at 4 naman kay Teacher Deighn.

"Wala naman akong nakita kakaiba diyan ah, normal lang na may number ang cards." Bored na sabi ko.

"Maybe it's a code or what, wala namang masama kung susubukan natin di ba?" Tanong ni Namjoon at sumangayon naman si Jin at Teacher Deighn.

"So, saan ka dumaan kanina para mapuntahan na natin ang card mo?" Tanong ni Namjoon.

"What?! Do you expect me to remember where did I came from?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Don't you remember anything?!" Sabay-sabay na tanong nila.

Napakamot ako sa ulo ko. I really don't know.

Napaupo nalang ulit ako sa sahig dahil kanina pa kami naglalakad na apat, pagod na pagod na ako dahil kanina pa kami naglalakad dito.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Namjoon.

Mukha ba kong okay pa ha?! Pawis na pawis na ako tapos tatanungin niya kung okay pa ko? Aba! Ibang klase din 'to!

Padabog akong tumayo pero napatigil kaming lahat ng may marinig kaming sigaw. Nagkatinginan muna kami bago kami halos sabay-sabay na nagtakbuhan patungo sa kung saan nanggaling ang sigaw.

"Sabihin mo nalang sa akin kapag masakit na."

Narinig naming sabi ng isang pamilyar na boses.

"Ahh, wait! Ang sakit."

"Dahan-dahan lang."

"Wag mong masyadong diinan ha? Baka masaktan ako."

Dahan-dahang bumagal ang paglalakad naming apat habang nanlalaki ang mata namin, hindi naman siguro kami makakakita ng live porn di ba?

Nakita kong hindi mapakali si Teacher Deighn at si Namjoon naman ay may kakaibang ngisi sa labi niya.

"Kaylangan kong mavideohan 'to." Nakakalokong sabi niya kaya naman dahan-dahan akong sumilip sa may tabi.

"Wag kang masyadong maingay, dinadahan-dahan ko na nga eh."

Nagkatinginan kami ni Jin bago kami tuluyang sumilip. Nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki at ang babae? I'm pretty sure that it's Chris Jane.

"Dahan-dahan pa ba yan?! Dinidiinan mo nga eh."

Sa sobrang kagustuhan kong makita kung ano ba ang ginagawa nilang dalawa ay sinubukan kong lumapit pero natalisod ako kaya naman napatingin silang dalawa sa amin.

"Can you walk?" Tanong ni Suga kay Chris Jane.

Patago akong napairap at ginawa ang pagbuka ng bibig ni Suga ng itinanong niya iyon kay Chris Jane.

"Mukha bang kaya kong maglakad ha?!" Pambabarang tanong ni Chris Jane kay Suga.

"Tss! Fine! Sumampa ka na sa likod ko." Tumalikod si Suga kay Chris Jane para makapanik ito.

"No way! Baka chansingan mo lang ako." Pagmamatigas ni Chris Jane.

"As if namang kachansing-chansing ka." Pambabara pabalik ni Suga.

"Ah basta ayoko!"

"Edi wag! Mag-isa ka diyan hanggang sa mamatay ka." Malamig na sabi ni Suga.

Napakunot ang noo ko, hindi naman siya ganyan ah! Bakit niya tinutulungan si Chris Jane? He's the kind of guy who doesn't care to anyone except from me. Hindi naman sa ayaw kong tulungan niya si Chris Jane pero naninibago ako sa kanya.

"Joke lang! Joke lang! Tara dito! Tulungan mo ko!"

Nakita ko ang patagong ngiti ni Suga bago siya muling lumapit kay Chris Jane at ipinasan niya ito sa likod.

Hindi ko alam pero wala ako sa mood magdamag, lakad kami ng lakad habang hawak-hawak ni Namjoon ang ginawa niyang maze. Kanina pa nakasampa si Chris Jane sa likod ni Suga.

Hindi ba siya napapagod? I'm sure tinatamad na si Suga dahil mas gugustuhin niyang maupo kaysa magbuhat ng mabibigat pero ngayon ay pasan-pasan pa niya si Chris Jane sa likod.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Jin.

"O-Of course." Sabi ko bago ko iniwas ang tingin ko kay Suga at Chris Jane na nauuna sa amin.

"Mukha kasing ang sama ng pakiramdam mo, are you sure?" Tanong sa akin ni Jin bago hinawakan ang leeg ko. Nakita ko ang masamang tingin sa akin ni Rigelle kaya naman nailang ako kay Jin.

"Y-Yeah." Walang ganang sabi ko.

"Guys!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa likod namin at nakita namin si Jimin na tuwang-tuwa, agad siyang nagtatalon na papatakbo sa amin. Agad siyang napayakap kay Namjoon sa sobrang tuwa niya.

"Shit! Shit! Shit! Ang saya ko! Kanina pa ako nababaliw dito kakalakad dahil wala akong nakikita kahit isang tao!" Sigaw niya.

Pero agad nawala ang ngiti niya ng tingnan niya kaming lahat isa-isa.

"Nasan si Djermayne?" Tanong nito.

Nagkatinginan silang dalawa ni Jin na para bang naghihintay ng sagot si Jimin pero walang naibigay na sagot si Jin.

"Hindi nyo kasama si Djermayne?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya kaya naman napakunot ang noo ko.

"Bakit nakikita mo ba siya?" Iritadong tanong ni Chris Jane kay Jimin.

"Tumahimik ka ha!" Inis na singhal ni Jimin. Umirap nalang si Chris Jane sa kanya, saglit na napatigil si Jimin ng mapansin niyang buhat-buhat ni Suga si Chris Jane pero agad din itong nag-iwas ng tingin.

"Here it is." Napatingin kaming lahat kay Namjoon ng buksan niya ang isang bato na katulad ng bumungad sa akin kanina, kinuha niya mula doon ang card ni Rigelle.

"Twenty five? May twenty five hearts bang card?" Hindi makapaniwalang sabi ni Namjoon kaya naman napalapit kaming lahat sa kany, nakita naming twenty five hearts nga iyon.

Inilabas ng iba ang kanilang mga cards at nakakapagtakang puro hearts lang ang nakikita namin. There must be something about this hearts, hindi ko lang matukoy kung ano yun but I'm pretty sure there's a reason kung bakit hearts ang nakuha naming lahat.

Habang naglalakad kami ay tahimik lang akong mamasamid-masid sa paligid pero napatigil ako ng may narinig ako, napalingon ako sa gilid ko ng mapansin kong may boses na nanggagaling doon.

"Did you heard that?" Tanong ko kay Jin.

"Ang alin?" Tanong niya sa akin.

"I just heard someone, hindi ko alam kung anong sinasabi but I'm sure may narinig ako." Sabi ko sa kanya.

Napatingin siya sa nilingunan ko kaya naman napakunot ang noo niya bago niya tinawag ang iba pa naming kasamahan.

"Guys! Teacher Deighn said that she heard something here!" Sabay turo ni Jin sa daanan kung saan ako may narinig.

"Are you sure?" Tanong sa akin ni Namjoon kaya tumango ako.

"Baka si Djermayne na yan!" Agad nagtatakbo si Jimin papunta sa daanan na iyon kaya naman simunod kaming lahat sa kanya.

"Wait guys! Wag kayong maghiwa-hiwalay! Baka maligaw tayo! Malapit ng mag-gabi!" Sigaw ni Namjoon habang ginuguhitan niya ang papel kung saan niya idrinawing ang maze.

Napatigil kaming lahat ng makita namin si Hoseok, si Angel at yung babaeng nagngangalang Jelai.

"Kasamahan nyo ba si Angel? Namjoon nasan si Angel?!" Agad nagtatakbo si Hoseok papalapit sa amin.

"Dude, I don't know! Wag ka ngang kabahan, baka may kasamahan na yun na iba. Hindi pa naman tayo kompleto, wala pa sila Taehyung." Sabi ni Namjoon.

Nakita kong agad nagtatabo si Rigelle papalapit kay Jelai at niyakap niya ito agad.

"Bro di mo ko masisisi! Nag-aalala ako sa pinsan mo!" Sigaw ni Hoseok.

"Kayong dalawa ni Jimin! Ikalma nyo mga betlog niyo!" Sigaw ni Rigelle ng makakalas na siya ng yakap kay Jelai.

Tell me Rigelle, papaano kumalma sa gantong sitwasyon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top