Chapter 18
So, start na ng House Of Cards. Kaya naman ibubuking ko na yung Original Plan ko para sa love team ng story na 'to. Pero hindi pa 'to permanent dahil may possibility na baka maiba yung mga ships habang sinusulat ko.
Medyo magulo siya as you can see dahil sobrang daming connection because you know, I didn't write School Love Affair as it's title for nothing. LOL!
--
Chapter 18: Bow and Arrow
Muntik na akong mapabalikwas ng makita ko si Jungkook na halos madikit ang mukha sa akin, nakahiga ako sa sofa habang siya naman ay nakaupo sa sahig habang nakasandal sa sofa kaya naman halos magdikit ang mukha namin.
Napatayo akong agad dahil bigla kong naalala ang nangyari kagabi, akala ko ay hindi ko iyon maalala pero hindi, tandang-tanda ko lahat. Napahawak ako sa labi ko bago ako nakaramdam ng inis.
Gusto ko sana siyang sampalin dahil sa ginawa niya pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil mabubuko ako. Kaylangan ko nalang gawin ay magpanggap na wala akong natatandaan, mas mabuti na iyon.
Muntik na akong mapaupo ng bigla kong makita si Jungkook na nakatingin sa akin.
"G-Gising ka na pala." Natutuliro kong sabi.
"Obvious ba?" Sarcastic niyang sagot bago tumayo.
"Bakit dito ka natulog, sana umuwi ka na kagabi."
"Kung iniwan kita ano sa tingin mo nangyari na sa'yo?" Tanong niya sa akin pabalik.
Napalunok ako ng bigla akong napatingin sa labi niya, naramdaman kong parang may nagbabara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita.
"Maligo ka na, pupunta na tayo sa School. Bilisan mo." Aniya.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya, anong pupunta kami? Sabay kami? Hindi ba pwedeng umuwi na siya at ako ng bahala sa buhay ko?
"Bilisan mo!" Singhal niya sa akin.
"Oo na! Eto na! Bwisit!" Reklamo ko habang kinukuha ko ang tuwalya ko, bago ako pumasok sa banyo ay inirapan ko pa siya. Akala mo kung sino kung makapag-utos-- teka nga! Bakit ba sinusunod ko siya?! Sino ba siya sa akala niya?
Naligo ako na badtrip na badtrip ako dahil sa malaking ilong na yun, pagkalabas ko ng banyo ay halos matigilan ako ng may maamoy akong mabango, napatingin ako sa lamesa ng makita kong nagluto siya, hindi naman ganoon kaganda ang hitsura ng mga niluto niya pero ayos na din.
"Kumain ka na, naki-alam na ako sa ref mo." Aniya.
Tumango ako bago ako nagsimulang kumain, hindi naman ganoon kasarap pero ayos na. Mas masarap kasi talagang magluto si Jin. Inabutan ko siya ng pinggan at kumain siya kasabay ko.
Inayos ko ang mga gamit ko at nagpaalam naman siya sa akin na uuwi muna siya, tumango nalang ako dahil wala naman talaga akong pakealam.
Dahil nga may pagkatamad ako ay ilang oras din akong naka-upo sa sofa habang nagcecellphone, binuksan ko kasi ang mga social media accounts ko at laking gulat ko ng makita kong trending sa twitter ang House of Cards, hindi ko alam na into showbiz world pala ang paaralan namin.
Medyo napatagal ako sa pagti-twitter at facebook ko kaya naman napatagal din ako sa pag-aayos.
Ni-lock ko ang apartment ko, hawak-hawak ko ang isang bag ko habang ang isa naman ay nakasukbit sa likod ko. Para akong magka-camping neto.
Nang makababa ako ay halos hingalin ako ng sobra dahil mabigat ang bag na hawak-hawak ko.
"Yan ang napapala mo sa kaka-diet."
Napa-angat ang tingin ko sa nagsalita at nakita ko si Jungkook na naka-ayos na, napatingin ako sa buong paligid at nakita ko lang ang isang motor, bakit naman niya ako susunduin? May ano?
By any chance, is he hitting on me?
Napataas ang kilay ko habang tinitingnan ko siya, napakunot ang noo niya sa akin bago pinitik ang noo ko.
"Wag mo kong tingnan ng ganyan." Aniya.
Inirapan ko nalang siya pero bigla niyang kinuha sa akin ang bag na hawak-hawak ko at ini-ayos sa may unahan ng motor niya.
"Sigurado kang magkakasya tayong dalawa diyan kasama 'tong malalaki nating bag?" Tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat lang siya sa akin bago inabot ang isa pang helmet, whatever.
Sinuot ko nalang iyon at umangkas ako sa likod niya, inihawak niya ang kamay ko sa baywang niya pero hindi ko iyon hinawakan kaya napatingin siya sa akin.
"Balak mo bang magpakamatay?" Tanong niya sa akin.
I made a face bago ko siya sinunod, nakakabwisit talaga 'tong ilong na 'to eh.
Kumapit lang ako sa kanya habang pinapaandar niya ang motor, unlike Yoongi, medyo maayos pa siyang magpatakbo.
Nang makarating kami sa school ay halos mapatingin sa amin lahat ng tao, lalong lalo na ng makita kong halos kompleto na pala sila noong dumating kami, napatingin ako kay Tiffy na bored na nakatingin sa aming dalawa.
Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tingin ay sa tingin niya ako nako-conscious, bigla akong napatigil ng makita ko si Taehyung na umupo sa tabi ni Tiffy pero tumayo lang si Tiify at iniwan si Taehyung sa upuan.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Taehyung pero nagtaas lang ako ng kilay sa kanya.
"Djermayne, di ka ba bababa diyan?" Napatingin akong bigla kay Jungkook na nakababa na pala sa motor, tinulungan niya akong bumaba sa sasakyan niya bago niya inabot sa akin ang gamit ko.
Nang makuha ko iyon ay maglalakad na sana ako papalapit kay Rigelle na nakapikit habang nakaheadset ng biglang maagaw ni Taehyung ang paningin ko, nagkatitigan ulit kaming dalawa bago ko tuluyang nag-iwas ng tingin sa kanya.
Parang may mali sa klase ng tingin niya, tumabi ako kay Rigelle at pinitik ko ang ilong niya, napadilat siyang bigla at napatingin sa akin.
"Oy! Nandyan na ba yung kuya mo?" Tanong agad niya sa akin, napa-irap ako sa kawalan at hindi ko na siya sinagot.
Napatingin ako ng biglang may dumating na naman, it's Yoongi. Nakamotor siya at wala siyang ganong dalawang gamit, para bang normal lang ang lahat sa kanya unlike sa amin na parang dinala na namin ang buong bahay namin.
"Kompleto na ba ang lahat?" Tanong ni Principal Park, napatingin ako sa buong paligid at nakita kong wala pa rin si Ate Deighn at si Jin.
Speaking of Ate Deighn...
Bigla kaming nagkatinginan ni Jungkook at napatayo akong bigla sa kinauupuan ko.
Hindi kaya nandoon pa rin siya sa bar?!
Napatingin ako kay Yoongi na parang walang pakealam kahit wala pa dito si Ate Deighn, agad ko siyang nilapitan at bored naman niya akong tinapunan ng tingin.
"Sinundo mo ba si Ate Deighn kagabi?!" Tanong ko sa kanya.
"Bakit ko naman siya susunduin? Driver ba niya ko?" Malamig na sagot niya.
Napanganga akong bigla sa sinabi niya bago ako napapaypay sa sarili ko, hindi ako makapaniwala sa sinagot niya, akala ko ay tarantado lang siya pero mas tarantado pa pala siya sa inaakala ko.
Napatingin ako kay Jungkook na hindi mapakali habang may kino-contact sa phone, gusto kong sapakin si Yoongi pero hindi ko magawa dahil natataranta na nga ako.
"Kapag may nangyaring masama kay Ate Deighn, maniwala ka man o hindi pero tatanggalin ko yang gilagid mo!" Banta ko sa kanya pero hindi man lang niya akong pinansin.
Lumapit sa akin si Rigelle habang titingin-tingin sa paligid.
"Wala pa rin ba si Jin? Nakakapagtaka naman, usually kasi di ba siya ang nauunang pumasok?" Tanong sa akin ni Gelle pero hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil nag-aalala ako kay Ate Deighn na baka naiwan siya doon sa bar.
Bigla akong napalingon sa gilid ko ng makita kong paparating ang Porsche 918 Spyder, halos mabali ang lingon ng mga naglalakad na estudyante sa ground.
"Yabang." Bulong ko sa sarili ko dahil kilala ko kung sino ang may-ari noon.
Lumabas mula sa sasakyan ang magaling kong kapatid pero halos malaglag ang panga ko ng umikot siya sa kabila para pagbuksan ang nasa front seat, hindi naman ang pagiging gentleman niya ang kinagulat ko dahil normal na iyon sa kanya, ang kinagulat ko ay ang lumabas sa front seat.
Hinawi ni Ate Deighn ang nagulong buhok niya ng humangin ng malakas, nginitian niya ang kapatid ko na mas lalong nakapagpakilabot sa akin. Para akong nanunuod ng isang Korean Drama dahil sa tinginan ng ginawa nila.
Narinig ko ang pagsinghap ng ilan sa mga estudyante, napalingon ako kay Rigelle na naglalakad na pala papalayo, para siyang wala sa sarili kaya nabunggo pa siya kay Namjoon, mabuti nalang ay nahawakan siya nito sa braso kaya hindi siya bumagsak.
Napalingon ulit ako kay Kuya na may hawak-hawak na pangbabae na bag, I guess it's Ate Deighn's bag, napatingin ako kay Yoongi na hindi man lang tinitingnan sila Ate Deighn dahil nakapikit lang siya habang nakaupo sa isang bench, napatingin ako kay Jungkook na nakatingin din sa akin. Nagkibit balikat lang siya sa akin bago nag-iwas ng tingin.
Seriously, what on earth is happening?
"So, kompleto na pala ang lahat. Handa na ba kayo?" Tanong sa amin ni Principal Park.
Napakunot ang noo ko ng makita kong may mga camera man na dito, it's weird sa totoo lang, para kasing may mali pero hindi ko ma-point out kung ano iyon.
"So, the first challenge will be individual, papasok kayo sa House of Cards ng magkakahiwalay at kaylangan makalabas kayo doon ng magkakasama." Ani Principal Park.
May ilang nagreklamo pero wala din naman silang nagawa, napatingin ako sa kapatid ko na nakangiti habang kinakausap si Ate Deighn, napairap tuloy ako sa kawalan dahil akala ko pa naman ay lalapitan niya ako at tatanungin kung kaya ko bang mag-isa.
Sumakay na ako sa Van na naka-assign para sa akin. Nang nasa loob na ako ay tiningnan ko ang ilan na nagsasakayan na din sa mga naka-assign sa kanila, muntik na akong masamid ng biglang sumulpot si Jimin sa salamin ng sasakyan ko habang kumakatok.
"Tinted po ba 'tong salamin?" Tanong ko sa driver, tumango siya sa akin kaya naman napatingin ulit ako kay Jimin na pilit sinisilip ang nasa loob ng sasakyan.
Napahawak ako sa salamin bago ako napangiti, ang lapit-lapit niya lang sa akin pero pakiramdam ko ay ang layo niya.
Nakita kong idinikit niya ang mukha niya sa salamin habang kinakatok iyon.
"Bubuksan ko po ba miss?" Tanong sa akin noong driver pero umiling lang ako sa kanya bago ko inilapit din ang mukha ko sa sasakyan.
Pilit kong inintindi ang sinasabi niya pero hindi ko maintindihan hanggang sa nagulat nalang ako ng ngumuso siya sa harap ng salamin kaya napangiti ako, kahit medyo matagal na din yung nakalipas but he's still the same Chimchim I know.
Idinikit niya ang labi niya sa salamin kaya napangiti ako bago ko din idinikit ang labi ko sa salamin, nakadilat ang mata niya at ganoon din naman ako pero laking gulat ko ng ngumiti siyang bigla.
"Miss, kahit po tinted ang salamin kung ganyan naman po kayo kalapit sa isa't-isa malaki po ang posibilidad na makita ka po niya."
Bigla tuloy akong napalayo sa salamin, naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.
"Talaga?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"Pero joke lang po yun, hindi ka po niya makikita." Ani manong driver.
Napaka-echosera naman netong driver na 'to. Inirapan ko yung driver bago ako humarap ulit kay Jimin, hindi ko maintindihan kung ayaw pa rin niyang umalis doon, pero dahil isa akong ex-girlfriend na hindi pa rin nakakamove on sa kanya ay in-enjoy ko nalang ang magandang tanawin ko dito.
Nakita kong tinuturo niya ang labi niya, I'm sure alam niyang nakikita ko siya kaya hindi siya umaalis diyan, sorry nalang siya at hindi ko bubuksan yung salamin.
Idinikit ulit niya ang labi niya sa salimin kaya napangiti ako, kinikilig ako dito habang iniisip ko na hahalikan niya ako, napabuntong hininga ako bago ko pinikit ang mata ko.
Unti-unti kong inilapit ang muntik ko sa salamin pero napadilat akong bigla ng hindi salamin ang dumikit sa labi ko kundi... labi din.
Halos manlaki ang mata ko ng makita kong nakangisi si Jimin habang magkadikit ang labi naming dalawa, napaurong akong bigla pero hinawakan niya ang batok ko hinalikan akong muli.
Kumalabog ang dibdib ko pero dahil nga may hidden desire din ako kay Jimin kaya naman ipinikit ko nalang ang mata ko at hinalikan siya pabalik.
"Sa tingin ko kaylangan na nating magbalikan pagkatapos nito."
Nang pagkatapos niyang sabihin iyon ay tsaka ko palang naramdaman na nag-akyatan ang dugo sa mukha ko sa sobrang hiya, napalingon-lingon ako sa buong paligid para tingnan kung may nakatingin ba sa amin pero wala dahil lahat ng atensyon nila ay nasa kuya ko na yakap-yakap si Ate Deighn.
Napakunot ang noo ko ng makita kong kahit malayo sa akin si Jin ay nakita kong kinindatan niya ako, napaturo ako sa sarili ko ng marealize ko ang ginawa niya.
Niyakap niya si Ate Deighn para sa kanila mapunta ang atensyon ng mga tao at hindi sa amin ni Jimin.
Nang maghiwalay sila ng yakap ay bigla humarap sa akin si Ate Deighn ay pasikreto siyang nag-thumbs up sa akin. Napangiti akong bigla dahil alam din pala niya ang ginawa ni Jin.
Pero biglang nawala ang ngiti ko ng may maalala ako, binalingan ko ng masamang tingin ang driver na sinasakyan ko at nakita kong napaiwas siya ng tingin sa akin.
"Bakit mo ho binuksan yung salamin?!" Sigaw ko.
"Gusto mo din naman miss eh!" Aniya.
"Hindi naman sa hindi ko gusto pero nakakahiya yung manong!"
"Eh napag-utusan lang naman po ako eh, binayaran po ako ng binata para gawin yun."
Napanganga akong bigla dahil sa sinabi nito bago ko hinarap si Jimin, napatingin ako sa kanya ay kumaway lang siya sa akin bago nagflying kiss at sumakay na din sa sasakyan niya.
I rolled my eyes, habang unti-unting sumasarado ang bitana ng sasakyan ay may nakita akong isang mabigat ng tingin sa di kalayuan, napatingin ako kay Taehyung na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Kahit tinted ang sasakyan ay pakiramdam ko diretsong-diretso pa rin ang tingin niya sa akin.
Napahawak ako sa braso ko ng maramdaman kong kinilabutan ako, ang creepy niya.
~*~
"Ang house of card ay isang reality show kung saan masusukat ang kakayahan ng isang estudyante kung paano maging matalas ang pag-iisip nito sa mga sitwasyon na hindi inaasahan."
Napatango ako kay Manong Driver, nakatingin lang siya sa akin ng mapansin siguro niyang kinakabahan ako. Hindi ko naman kasi akalain na ganto pala iyon.
"Ibang klase ka ring na bata ka, sumabak ka sa isang laro na hindi mo naman alam ang lalaruin mo." Dagdag pa nito.
Napayuko ako, ngayon lang ulit siguro ako nakaramdam ng ganito. Akala ko ay sabay-sabay kaming papasok sa House of Cards pero hindi, magkakahiwalay kami ngayon. Wala akong kasamahan kahit na sino at doon nalang daw namin malalaman ang gagawin namin.
Basta ang main goal lang talaga ay makalabas kami sa lugar na iyon sa kahit papaanong paraan. Wala daw kaming makakasamang staff doon o camera man, tanging mga hidden cameras lang ang nandoon. Hindi ko din alam na ipinapalabas pala ito sa TV. Nationwide. Damn it.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito, wala pa kasi kami sa loob ng House of Cards kaya mas connection pa rin ako, pero napansin ko na habang lumalayo ang binabyahe namin ay paunti ng paunti ang signal.
Kahit mabagal na mabagal ang data ko ay nakita ko pa rin ang isang picture doon na nagloading, it's Jin and Ate Deighn's photo, hindi ko alam pero parang kinabahan ako sa picture na iyon kahit alam kong wala namang mali sa picture na iyon dahil alam ko naman ang totoo.
"Boyfriend mo po ba iyong binata?"
Napataas bigla ang kilay ko, napakachismoso naman netong si manong driver.
"Hindi ho." Sagot ko agad.
"Uhmm, kung gayon, iyong binata na nakatingin sa'yo mula sa malayo? Iyon ba ang nobyo mo?"
Napakunot ang noo ko bago ako napatingin kay manong, nakita niya?
"Papaano nyo naman po nasabi?" Tanong ko.
"Kasi nakatingin siya sa'yo hanggang sa maka-alis ang sasakyan." Anito.
Natahimik ako bago ako napaisip ng malalim, ang daming pumapasok sa isip ko pero wala namang maayos na pumapasok sa isip ko.
"Kung ganoon, yung maliit na binata talaga ang gusto nyo?"
"Maka-maliit ka naman manong! Height doesn't matter kaya!" Reklamo ko. Nakita kong napangiti si Manong bago siya napailing, mukhang natutuwa siya sa nakita niya kanina ah
"Malapit na tayo miss, mag-ingat ka sa lugar na iyan ha. Alam kong wala ako sa tamang posisyon para sabihin sa iyo 'to pero... kung gusto mong tumakas sa larong ito ay itatakas kita para sa kaligtasan mo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Manong.
"Bakit naman 'ho?" Nagtatakhang tanong ko.
"Alam kong hindi ka tulad ng ibang estudyante na nag-aaral sa paaralan na iyon, base sa tingin at klase ng ngiti na meron ka hija ay alam kong mabait ka. Hindi mo dapat maranasan ang gantong laro."
Nalito akong bigla sa sinabi niya, ang dami kong gustong itanong pero walang lumalabas sa bibig ko.
"Magdesisyon ka na hija."
"Hindi po, dito lang po ako manong, nandito po yung kapatid ko at mga kaibigan ko kaya kahit gaano kadelikado ang larong 'to papasukin ko 'to." Diretsong sagot ko.
Napangiti siya bago niya inabot sa akin ang isang wooden bow at arrow? Napakunot ang noo ko pero tinanggap ko pa rin iyon.
"Para san po 'to?" Tanong ko.
"Magagamit mo yan hija." Aniya bago niya ako tinulungan na ilabas ang mga gamit ko.
Napatingin ako sa hawak-hawak kong tirador bago ako napabalik ng tingin kay Manong Driver.
"Magkakilala ho ba tayo?" Tanong ko.
Napatigil siya sa paglabas ng gamit ko bago napatingin sa akin ng diretso.
"Mag-uumpisa na." Aniya.
Napalingon akong bigla sa likod ko at nakita kong may pulang ilaw ang kumundap-kundap, agad kaming nagtatakbo patungo doon, inabot niya sa akin ang bag ko bago ko siya kumaway sa akin, may bakal na dahan-dahang bumabagsak sa pagitan naming dalawa.
"Mag-iingat ka hija." Anito.
Tumango ako sa kaniya bago kumaway, napabuntong hininga nalang ako ng magsarado na iyon ng tuluyan, napatingin ako sa likod ko at halos mamangha ako sa ganda nito.
Para akong nasa isang garden na sa mga magazine ko lang nakikita, puro halaman ang nakikita ko bukod sa isang hindi ko maintindihan kung ano man iyon na medyo malapit lang sa akin.
Nilapitan ko ang bagay na iyon at nakita kong bato siya, binuksan ko ang nasa taas noon at nakita kong may isang card na nakalagay doon pero laking gulat ko ng makita kong hindi mga spade or hearts or what so ever ang nakita ko sa halip ay mga salita.
Find your friends in this captivating green world before the beautiful world become dangerous.
Napakunot ano ko ng basahin ko iyon pero bigla akong napayuko ng isang malakas at nakakarinding tunong ang narinig ko, napatingala ako at nakita ko ang isang hindi pamilyar na ibon.
Napanganga ako ng makita kong may kagat-kagat iyong ahas na patay na, bago pa ako makapag-react pa ay nagtatakbo na ako dahil sa takot pero napaurong ako ng makita kong sarado ang dinaanan ko, dumaan pa ulit ako sa kabila pero dead end na naman ang napuntahan ko.
Anong klaseng lugar ba 'to?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top