Chapter 17

Djermayne's Apartment:

Deighn's Apartment:

Credits to the owner to the picture, pahiram ako, para maimagine nyo kung papaano yung format ng bahay nila, baka kasi malito kayo kung papaano nagkalapit ang sofa at kama ni Djermayne.

--

Chapter 17: Drunk

Napatingin ako kay Ate Deighn na hanggang ngayon ay naghahalo pa rin ng ingredients, mag-iisang oras na niyang hinahalo-halo iyon habang nakatulala siya. Seven o'clock na ng gabi pero hindi pa rin siya nagsasara dahil nga naghahalo pa din siya.

Napailing ako bago ko naisipan na agawin na sa kanya iyon, nakita kong nabalik siya sa sarili niya ng agawin ko iyon at itapon sa basurahan. Sayang ang ingredients pero hindi na iyon magagamit pa dahil lasag-lasag na.

"Ate Deighn, magsasarado na tayo. Gabi na." Sabi ko sa kanya sabay turo ko sa kanya ng pintuan, tumango lang siya sa akin bago bumalik na naman sa pagkakatulala. Napailing nalang ako bago ko iniligpit ang mga dapat ko ng iligpit.

Ibinalik ko na ang apron sa dati nitong pwesto bago ko kinuha ang bag ko at sinuot iyon sa akin.

"Mauna na ako pauwi." Bahagya akong yumuko sa kanya at tumango lang siya sa akin aalis na sana ako ng tawagin niya ang pangalan ko, napaharap agad ako sa kanya para alamin ang sasabihin niya.

Napakamot siya sa ulo niya bago awkward na ngumiti sa akin.

"Gusto mo bang kumain muna sa labas? Treat ko."

Napangiti akong bigla sa sinabi niya, kahit alam kong house of cards na bukas at dapat na akong maghanda ng mga dadalhin kong gamit ay bigla akong ginanahan sa alok niya. Libre kasi eh.

"Sure!" Sagot ko agad.

~*~

Nakadukdok ako sa lamesa ngayon habang nakatakip ang tenga ko, kanina pa mura ng mura si Ate Deighn at naiirita na ako.

Sabi niya ay kakain lang daw kami pero um-order siya bigla ng ilang bote ng alak at ako mismo ay tinatamaan na ng mga ininom ko kaya naman nakadukdok nalang ako.

Inangat ko ang paningin ko at nakita ko si Ate Deighn na umiinom na naman ng panibagong bote, pinigilan ko siya sa pag-inom niya dahil masyado na siyang madaming naiinom.

"Akin na yan!" Parang bata niyang inaagaw sa akin iyon.

Alam kong pipilitin niya ako ng pipilitin na ibigay sa kanya iyon kaya naman ininom ko nalang iyon ng straight para tumigil na siya pero narealize ko na ang tanga ko, paniguradong ako na ang maglulurit pagkatapos nito.

Kukunin pa niya sana ang isa pa ng pigilan ko siya, last na bote na ito kaya naman tinungga ko na. Muntik na akong masamid kaya naman may lumabas na alak mula sa bibig ko, pinunasan ko iyon gamit ang kamay ko bago ako naubong muli.

"Mang-aagaw ka." Biglang sabi niya sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya, napakurap ako ng ilang beses. Ano daw? Mang-aagaw daw ako?

"Papaano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya bago siya humigop ng isang soup, napanganga ako ng makita kong nawawala ang pa-demure na Ate Deighn dahil sa tinungga niya iyon na parang lalaki.

"Papaano mo nasabi na mang-aagaw ako?" Pag-iiba ko ng tanong.

"Inagaw mo yung Soju ko." Paliwanag niya.

Akala ko kung ano, soju lang pala. Wala kasi akong matandaan na inagaw ko bukod kay Jimin.

"Ano bang problema Ate Deighn?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman, may problema lang ba ang dapat uminom?" Tanong niya sa akin sabay pakita na panibago na namang soju, saan na naman niya yun nakuha?

"Hindi naman pero kasi di ako sanay." Paliwanag ko.

"Hindi mo pa kasi ako kilala." Aniya.

"Hindi mo din ako kilala." Sagot ko pabalik.

Napatigil kaming dalawa bago niya ako sinalinan ng soju sa baso ko, nag-cheers kaming dalawa habang pareho na naming nararamdaman ang pag-ikot ng paningin naming dalawa.

"Edi kilalanin natin ang isa't-isa, ganto nalang. Kung sinong hindi sumagot sa tanong iinom."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, ngumiti siya sa akin bago niya ako pinagmasdan habang nakapangalumbaba siya.

"Anong relasyon nyo ni Taehyung?"

Natigilan ako sa tanong niya, napakadali namang tanong noon. Akala ko ay tatadtarin niya agad ako ng tanong tungkol sa nakaraan ko.

"Wala." Sabi ko sa kanya ko itinapat sa kaniya ang baso.

"Anong relasyon nyo ni Suga?" Napangiti siya sa tanong ko bago niya itinapat sa akin ulit ang baso.

"Wala din."

Ano? Wala silang relasyon? Kahit anong klaseng relasyon? Kahit magkapatid o ano man?

"Anong nararamdaman mo kay Taehyung?"

Bakit puro si Taehyung ang tinatanong niya? Alam ba niyang masama ang loob ko sa isang yun! Alam ba niyang konti nalang ay mapapatay ko na ang alien na yun?

Pero ano nga bang nararamdaman ko kay Taehyung? Inis? Galit? Poot?

Nakita kong naiinip na siya sa sagot ko dahil tinatap niya ang table gamit ang index finger niya at magmukha iyong timer, napatingin ako sa baso na nasa harapan ko bago ko inumin iyon.

Napa-ayos siya ng upo bigla ng makita niyang imbes na sagutin ko ang tanong niya ay ininom ko ang baso, hindi ko din alam. Naiinis ako kay Taehyung pero may side sa akin na gusto ko siyang makilala, naku-curious ako sa kanya kung bakit niya ako ginaganito kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

"Anong nararamdaman mo kay Suga?"

Natawang bigla si Ate Deighn bago niya sinalinan ng Soju ang baso niya.

"Manggagaya ka ng tanong."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ininom lang din niya ang soju na parang wala lang, napakunot ang noo ko dahil hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Ilan na ang nagiging boyfriend mo?"

"Isa." Tipid kong sagot.

Napataas ang isang kilay niya sa akin at napatigil sa pagsasalin ng soju sa baso.

"Isa lang? Sino?" Curious na tanong niya sa akin, napangiti ako bago ko kinuha ang baso na sinalinan niya at inilapit iyon sa kanya.

"Isa-isa lang muna ang tanong." Natatawang sabi ko bago ako nag-isip ng panibagong itatanong.

"Ilang taon naging kayo ng fiance mo?" Tanong ko.

Nakita kong sarcastic siyang napangiti bago siya napayuko sa akin, akma niyang kukunin ang baso ng bigla niyang pinigilan ang sarili niya at hinarap ulit ako.

"Hindi naging kami, kahit kaylan."

Biglang napakunot ang noo ko sa sinabi niya habang siya naman ay napangiti bigla.

"Bakit? Papaano nangyari yun?!" Gulat na tanong ko.

"Isa-isa lang muna ang tanong." Panggagaya niya sa akin. Natahimik kaming dalawa bago siya nag-angat ng tingin sa akin.

"Let's make a deal, sasabihin ko sa'yo yung dahilan basta sasabihin mo sa akin kung sino ang ex-boyfriend mo at kung bakit kayo nag-hiwalay."

Napalunok ako dahil sa offer ni Ate Deighn, I'm not sure if I can open my past, since hindi ko rin naman nai-kwento kay Gelle ang totoong ako.

"Park Jimin. Jimin is my ex-boyfriend. Naghiwalay kami dahil ayokong madamay siya sa kasiraan ko."

Nakita kong nakatingin lang siya sa akin, medyo nanlalaki ang mata niya pero not in an OA way, basta nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita, napangiti nalang ako dahil sa sobrang awkward.

Napatango siya pagkatapos magsink in sa kanya iyon.

"Hindi naging kami dahil hindi ko naman talaga siya mahal, napilitan lang akong pakasalan siya dahil sa utang na loob." Nagkibit balikat siya sa akin pagkatapos ay uminom siya ng soju kahit na nagawa naman niya ang deal.

Napatingin ako sa engagement ring ni Ate Deighn na tinanggal niya at inilapag niya sa lamesa, uminom ulit siya ng panibago bago dumukdok sa lamesa, after that isang malakas na hikbi na ang naririnig ko, para siyang bata na inagawan ng candy.

Napatitig ako sa engagement ring na iyon bago ako napahawak sa dibdib ko para kapain ang engagement ring na ibinigay sa akin ni Jimin dati, nakatago iyon sa akin. I don't know if I can still call it an engagement ring since it's just only a promise ring na hindi naman natupad.

Napa-angat ulit ang tingin ko kay Ate Deighn na nagpupunta na naman ng luha bago uminom ulit, she looks like a mess.

"After the house of cards, Djermayne... will you please leave the Converse High?"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, bakit ko naman iiwan ang paaralan ko, ganto ba si Ate Deighn kapag nalalasing? Kung ano-ano lang lalabas sa bibig niya?

"I can't leave that freaking school, Jimin is there, Jin too... And Rigelle also..."

"But that school is not a normal school."

Napatagilid ang ulo ko dahil sa sinabi niya, what does she mean by that? Napakamot ako sa ulo dahil papaano namang hindi naging normal iyon? Is it because it's too expensive or what?

"Nevermind." Aniya.

Napanguso ako sa sinabi niya bago kami napatingin sa isang karaoke section bago kami nagkatinginan na dalawa.

~*~

"BUBUKA ANG BULAKLAK PAPASOK ANG REYNA SASAYAW NG CHACHA ANG SAYA-SAYA!~"

Sabay kaming kumakanta sa isang pamilyar na kantahin habang sumasayaw kaming dalawa, kanina ay bimibirit kami ng mga kantahin ng aegis pero ngayon naman ay bumabanat kami ng kahit anong makitang kanta namin sa song book.

Nang matapos namin ang kanta ay nakahiga nalang sa sahig si Ate Deighn habang ako naman ay sa sofa nakahiga, nakita kong malapit ng mag-ala una ng umaga kaya napahawak ako sa ulo ko, 5 o'clock ang alis namin para sa House of Cards na show.

Napatingin ako kay Ate Deighn kahit na halos umikot na ang buong paningin ko, nakita kong may kino-contact siyang number habang nakadapa sa sahig, tinawagan niya iyon at hindi ko na alam ang pinagsasabi niya.

Sinubukan kong ipikit ang mata ko dahil sa sobrang pagkahilo ko pero parang mas lalo lang yata akong nahihilo, kahit na ganoon ay pinagpatuloy ko lang ang pag-iglip ko.

Napadilat ako ng marinig ko ang isang malakas na pagbukas ng pinto, napatingin ako sa isang familiar built of body, I saw Jungkook while holding his hair. Para bang napu-frustrate siya ng sobra dahil sa nakikita niya.

Did she contact Jungkook to help us? Why? Bakit siya? Bakit hindi si Yoongi?

Napatingin ako sa cellphone ko ng marinig kong tumutunog iyon, hindi ko na maaninaw ang pangalan ng tumatawag kaya sinagot ko nalang iyon.

"Djermayne? Nasan ka?" Tanong sa akin ng magaling kong kapatid.

"Ako? Hindi ko alam." Medyo nanlalata kong sabi.

"Lasing ka ba?!" Narinig ko ang pagtaas ng boses niya kaya natawa ako.

"Bakit mo alam?" Natatawa kong sabi.

"F*ck-- Gosh Djermayne! Sabihin mo sa akin kung anong nakikita mo--"

Pinatay ko nalang ang tawag ni Jin sa akin dahil sesermonan lang naman ako noon, napatingin ako kay Jungkook na ginigising si Ate Deighn na nakahiga sa sahig.

"Gising ako Jungkook, leche naman." Aniya bago niya hinawi si Jungkook at umupo sa gilid ng karaoke room na 'to.

"Hatid mo na si Djermayne sa kanila." Sabi ni Ate Deighn, napabangon ako sa sofa pero nahilo lang ako kaya humiga nalang ulit ako.

"Eh ikaw papaano ka? Ihahatid ko na kayong dalawa--"

"Hindi na! Sundin mo nalang ako, may susundo sa akin dito." Pagkontra ni Ate Deighn, pinanuod ko lang sila habang latang-lata na ako dahil sa epekto ng alcohol sa akin.

"Sino? Si Yoongi!? Hindi dadating yun! Wag ka ng umasa!" Sigaw ni Jungkook, inirapan lang siya ni Ate Deighn bago pinagpatuloy ang pagcontact kay Yoongi.

"Bahala ka nga sa buhay mo! Ang kulit-kulit mo! Pag ikaw hindi ka pinuntahan ng Yoongi na yan ha!" Sigaw ni Jungkook bago siya napatingin sa akin.

Bakit parang baliktad? Mas bata ng di hamak si Jungkook kay Ate Deighn pero kung kagalitan netong si Jungkook si Ate Deighn ay parang siya ang mas matanda samantalang mas matanda pa nga ako sa kanya.

Lumapit sa akin si Jungkook at bigla nalang akong hinila para mai-akbay ako sa kanya, kahit nahihilo na ako ay sumama nalang ako sa kanya, wala naman akong lakas na para kumontra pa sa gusto nya.

Napatingin ako kay Ate Deighn na patuloy pa rin sa pagcontact kay Yoongi, napailing nalang ako dahil sa ginagawa niya, kahit papaano naman ay may tiwala ako sa gilagid na iyon kaya sa tingin ko ay pupunta pa rin siya.

"Ang kulit talaga ng babaeng yung kahit kaylan." Narinig kong inis na bulong ni Jungkook habang inaalalayan niya ako, napatitig ako sa mukha niya.

Bakas sa mukha niya ang pagkainis pero papaano nangyari na ang isang taong naiinis ay mas lalong gumagwapo? Napatiting ako sa panga niya, hindi ko na napapansin na tinitingnan ko na pala ang bawat ditalye ng mukha niya, ang pagkunot ng noo niya ay mas lalong nagdeptina sa maganda niya mukha.

Kahit na may pagkamalaki ang ilong niya ay dalang-dala niya iyon, napatingin ako sa labi niyang namumula kahit wala namang lipstick, napalunok akong bigla. Bakit ngayon ko lang narealize na ang gwapo pala ng isang 'to?

Bakit kaylangan ko pang malasing para masabing gwapo nga talaga siya?

Nang makalabas kami sa lugar na iyon ay halos umikot kaming dalawa dahil muntik na akong mapatid, mabuti nalang ay nahawak niya ako sa may tyan para hindi kami tuluyang bumagsak.

Iniayos niya ako ng tayo bago siya pumara ng taxi, napapikit ako ng mariin dahil matindi pa rin ang epekto sa sakin ng alak.

"Sakay." Aniya ng binuksan niya ang taxi.

"Sakay?" Pag-uulit ko, tumango siya sa akin kaya naman agad akong sumakay.

Narinig ko ang inis niyang sigaw dahil sa ginawa ko, ano na naman bang pinaglalaban ng isang 'to?

"Ang sabi ko sa taxi ka sumakay! Hindi sa akin!"

"Eh?" Napakurap-kurap pa ako habang nakapasan ako sa kanyang likod.

"Tang-- aish!" Sigaw niya bago niya inalis ang kamay kong nakapalupot sa tenga niya, marahas niya akong pinasok sa loob ng taxi bago siya pumasok sa tabi ko. Kitang-kita ko ang pagtawa ng driver kaya napakunot ang noo ko.

Bakit siya tumatawa?

Napakamot ako sa ulo ko bago ako tumawa na din, sinabayan ko yung driver sa pagtawa dahil baka mapahiya siya kasi mag-isa lang siyang tumatawa.

Napatingin ako kay Jungkook na masama ang tingin sa akin habang tumatawa ako, mas lalong lumakas ang tawa ng driver kaya nilakasan ko din ang pagtawa ko, hinahampas hampas ko pa ang hita ko para hindi mapahiya yung driver sa pagtawa niya mag-isa.

Siniko ko si Jungkook ng makita kong hindi siya tumatawa.

"Tumawa ka din, huwag mong ipahiya yung driver." Bulong ko sa kanya bago ako tumawa ulit.

"Ako ang pinapahiya mo eh." Inis na bulong ni Jungkook bago niya ako pinitik sa noo, napahawak akong bigla sa noo ko dahil sa sobrang sakit noon.

"Aray ha!" Sigaw ko sa kanya pero nakita kong may lumabas na maliit na ngiti sa labi niya bago umubo para mawala ang ngiti na iyon at nagseryoso ulit siya ng mukha.

Mas lalo akong napakurap-kurap habang tinititigan ko ang seryoso niyang mukha, mas gwapo para siya kapag nakangiti kaysa kapag nagagalit.

Nakatulog habang nakahiga ako sa balikat niya, nagising nalang ako ng nasa tapat na kami ng apartment ko, hindi ko alam kung papaano niya nalaman iyon pero hindi nalang ako nagtanong, malayo ang apartment ko kaya naman nakapasan nalang ako sa likod niya habang nilalakad niya ang hagdanan.

Napakalaki kong pabigat, hindi naman niya obligasyon na alagaan ako pero ginawa niya, parang ako noong nalasing si Taehyung, inalagaan ko siya kahit hindi ko naman obligasyon.

Hindi niya hiningi sa akin ang susi ng apartment ko sa halip ay bigla nalang niyang binuksan ang bag ko at hinanap ang susi doon bago ako pinasok sa loob at inihiga sa sofa.

Sa sofa niya nalang ako inihiga dahil mukhang hindi na niya kayang maglakad sa sobrang pagod, napaupo nalang siya sa sahig habang nakasandal sa sofa na hinihigaan ko ngayon. Ilang lakad nalang para makarating sa sofa ay hindi pa niya nagawa.

Napikit ako ng maramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko, nakauwi ako sa bahay kahit halos hindi ko na makita ang mga nasa paligid ko.

Bago tuluyang bumagsak ang talukap ng mata ko ay nakita ko si Jungkook na nakatingin sa akin bago ako tuluyang napapikit.

Naramdaman ko ang isang malambot na bagay na dumikit sa noo ko kaya naman napadilat ako pero mukhang pinagsisihan ko pa ang pagdilat ko lalo na ng maramdaman kong...

Hinalikan niya ako, sa labi.

Nang ilayo niya ang mukha niya sa akin ay naramdaman ko ang unti-unting pagdilim ng paligid.

"Goodnight."

And that's the last word I've heard before everything went black.

Mabuti nalang talaga at hindi alam ni Djermayne na naka-connect ang GPS niya sa cellphone ko, napatingin ako sa pwesto niya bago ko na ulit iyon pinatay.

Alam ko ang lugar na iyon dahil ilang beses na rin kaming nakapunta nila Namjoon doon noong magkakasundo pa kami.

Pinarada ko ang kotse ko sa isang pamilyar na bar, unlike sa ibang bar ay may pag-classic ang isang 'to. Bakit naman naisipan ng babaeng yun na uminom ha?! Wala akong nakitang bakas ni Djermayne ng halughugin ko ang buong bar.

Hanggang sa makita ko si Teacher Deighn na nakahiga sa sahig.

Agad akong nagtatakbo papalapit sa kanya at nakita kong wala na siyang malay, sinampal-sampal ko ng bahagya ang mukha niya para magising siya hanggang sa tuluyan na siyang dumilat, agad siyang napa-ayos ng upo pero ng marealize niyang ako ang nasa harapan niya at bigla na naman siyang nanlata.

"Wala na si Djermayne, naihatid na siya ni Jungkook sa apartment. Wag ka ng mag-alala." Aniya.

Napahawak ako sa leeg niya at napansin kong nilalagnat na siya, napabuntong hininga ako ng makita ko ang cellphone niya, nakita ko ang sunod-sunod na pagtawag niya kay Yoongi kaya napailing nalang ako dahil wala ni isa doon ang sinagot ng loko.

"Ihahatid na kita sa inyo."

Umiling siya sa akin kaya mas lalo akong nainis, sa sobrang pagkainis ko ay binuhat ko nalang siya para wala na siyang magawa, inilabas ko siya sa bar na naka-bridal style. Nakita ko ang pagtingin sa amin ng ilang waiter, napatingin ako kay Teacher Deighn na tulog na tulog na.

May lumapit sa akin na isang waiter na sinisingil ako, napatingin ako sa resibo at hindi ako makapaniwala na nakaubos silang dalawa ni Djermayne ng ganoon kadaming soju.

"Paki-kuha naman yung wallet ko sa bulsa." Utos ko sa waiter, hindi ko kasi makukuha yung dahil buhat-buhat ko si Teacher Deighn, nag-aalangan niyang kinuha ang wallet, inutusan ko na din siya na kunin ang halaga noon bago niya ibinalik sa bulsa ko ang wallet ko.

Isinakay ko si Teacher Deighn sa kotse ko, napabuga ako ng hangin sa kawalan dahil sa sobrang pagka-irita ko.

Hindi ko akalain na ang Teacher ko dati ay nakasakay sa kotse ko habang walang malay sa sobrang kalasingan.

Napahinto akong bigla sa sasakyan ko ng makita ko ang isang pamilyar na tao sa di kalayuan. Nilingon ko siya mula sa bintana, kahit tinted ang kotse ko ay ramdam kong diretso ang tingin niya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Min Yoongi, hindi kita maintindihan." Napailing nalang ako bago ko pinaandar ulit ang sasakyan, napatingin ako sa side mirror ng kotse ko at sinundan lang ako ng tingin ni Yoongi.

Tsk!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top