Chapter 15

Warning: Cliche amusement park scene. LOL!

--

Chapter 15: Ayoko

Sinundan ko ng tingin yung Angel na iyon hanggang sa lumabas na siya ng cafe kasama si Amery at Namjoon, actually wala naman talaga akong pakealam sa kanya kaya lang naiirita ako sa kanya tuwing nakikita kong masama ang tingin niya sa akin.

Napaisip tuloy ako dahil papaano kung pareho kami ng nararamdamang inis sa isa't isa? Edi mas lalong wala ng pag-asa para mapasama ko siya sa House of Cards?

Napatingin ako sa wristwatch ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating si Ate Deighn, ako ang nagbukas ng coffee shop at mukhang ako ulit ang magsasara. Napailing nalang ako dahil malapit ng mag 7 o'clock pero wala pa rin siya.

Magsasara na sana ako ng mapatingin ako sa pintuan ng biglang tumunog ang chimes. Halos mapakunot ang noo ko ng makita ko si Taehyung na pumasok sa coffee shop.

"Magsasarado na kami, bumalik ka nalang bukas." Malamig na sabi ko sa kanya habang nililigpit ko ang mga kagamitan ko sa counter.

Hindi siya kumibo sa halip at nagdire-diretso lang siya ng lakad niya papalapit sa akin, napatingin ako sa buong coffee shop ng marealize kong ako lang ang tao dito kasama siya.

Napaurong ako bigla sa hindi malamang dahilan pero napa-ayos ako ng tayo ng may inilapag siyang papel sa harapan ko, I guess it's a ticket. Napakunot ang noo ko habang nakatingin doon.

"Anong gagawin ko diyan?" Mataray na tanong ko sa kanya.

Tininangnan niya ako ng bored habang binabasa ng dila niya ang labi niya.

"Punta ka diyan bukas, 10:00 am. Kung gusto mo akong sumama ng House of Cards."

Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, gusto niya ng exchange para lang sumama siya? Akala ko sasama siya dahil kasama si Tiffy!? Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa isang ticket para sa isang Amusement Park. Anong gagawin namin diyan?

I rolled my eyes, syempre sasakay kami sa mga rides o kakain or whatever, ang dami-daming pwede niyang ipagawa sa akin pero bakit ang pagsama pa sa kanya sa amusement park?! At bakit sa amusement park pa?! Ano ba siya? Elementary?

Tiningnan ko iyon bago ako tumango, sige papayag ako para sa kapakanan ng House of Cards.

"Payag ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Parang in instant nawala ang bad boy aura niya at napalitan ng isang batang lalaking tuwang-tuwa.

"Bakit ayaw mo?" Tanong ko pabalik sa kanya.

Nakita kong nawala ang ngiti niya bago bumalik siya sa seryosong mukha.

"10:00 am." Pagsabi niya ulit sa akin bago umalis doon sa coffee shop, ganoon na yun? Galit na agad siya?

Napailing ako bago ko napatingin ulit sa ticket, bakit? Ano na naman kayang plano ng isang yun at pinapapunta ako dito? Dapat lang talaga sumama siya sa House of Cards kung hindi ay mapuputol ko talaga ang dila niya.

Biglang napakunot ang noo ko ng maalala kong wala akong pamasahe papunta dito. Magkukulang ang pera ko kapag nagkataon, hays! Dapat pala ay nanghingi muna ako ng pamasahe sa kanya.

Napanguso nalang ako bago ko nag-umpisang magligpit na sa coffee shop, inayos ko ang mga gamit dito bago ko na sinarado ang coffee shop.

"Oh my god Rigelle!" Napatingin ako kay Jelai na ngayon ay sumalubong sa akin.

"Bakit?" Nagtatakhang tanong ko sa kanya. Nilapitan niya ako at chineck ang buong katawan ko, na-awkwardan tuloy ako dahil baka pakelaman niya ang nasa loob ng paper bag na hawak ko.

"Nag-alala ako sa'yo! Di ka sanay makitulog sa bahay ng iba! Ano? Nakapag-girl bonding ba kayo ni Djermayne o pinuyat mo siya sa sobrang likot mo?" Tanong niya sa akin.

Napailing ako habang natatawa, kagabi nga pala ay nag-paalaam ako na sa bahay ako ni Djermayne matutulog para makapag-girl bond kami pero ang totoo niyan ay natulog lang talaga kami sa condo ni Jin para hintayin na matuyo ang school uniform ko.

Naaawa nga ako kay Jin eh, kami kasi ni Djermayne ang natulog sa kama niya habang siya sa sofa lang natulog, hindi pa nga siya kasya sa sofa kasi ang laki niyang tao. Balikat palang niya hindi na magkasya buong katawan pa kaya niya?

Itinago ko agad ang paper bag kung saan nakalagay ang undies ko, nang napatingin siya sa akin ay nilapitan ko siya para iharap sa ibang direksyon.

"Alam ko namang namiss mo ako kaya ipagluluto mo ako ng paborito kong sinigang di ba?" Sabi ko sa kanya habang tinutulak ko siya sa kusina. Natawa naman siya sa akin bago pumayag sa gusto ko.

Habang pinagluluto niya ako ay nakatingin lang ako sa kanya, naalala ko tuloy bigla si Jin.

"Rigelle." Tawag niya sa akin, napa-angat ang tingin ko sa kanya at hinihintay ko ang sunod niyang sasabihin sa akin.

"Sasama ako sa House of Cards."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, sasama siya? Pero kasama na si Ate Deighn!

"Pero sakto na kaming fourteen? Papaano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ba ay fifteen ang kaylangan? Noong sinabi palang sa akin ng daddy mo yung plano niya about sa House of Cards ay nagpresenta na agad ako. Kaya fourteen nalang ang kaylangan nyo." Aniya.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya, sabi ko na nga ba eh! Hanggang sa house of cards ay hindi niyako iiwan. Napangiti ako bago ko siya hinampas ng pabiro sa braso.

"Nakakainis ka, bakit di mo agad sinabi sa akin?" Tampo-tampuhan ko pero tumawa lang siya bago piniga yung ilong ko.

"Aray!" Sigaw ko dahil masakit iyon.

Natawa nalang ulit siya bago pinagpatuloy ang paghiwa ng mga sangkap.

Padabog na inilapag ni Tyron ang tasa na iniinuman niya kanina pagkatapos kong sabihin sa kanya ang sadya ko dito.

Napapikit ako ng mariin dahil sa sama ng tingin niya sa akin at para na rin pakalmahin ang sarili ko sa inis na nararamdaman ko ngayon.

"Papaano kapag sinabi kong ayoko?"

"Wala ka ng magagawa Tyron!" Inis na sabi sa kanya.

"Sigurado ka? You know that I am not a good person Deighn, hindi ako genie na kapag nirequest mo sa akin na pagbigyan kita ay papayag na agad ako." Malamig na sabi niya sa akin.

"Tyron hindi kita mahal, hindi ko maimagine na magpapakasal sa'yo at titira sa iisang bubong kasama ko." Iritadong sabi ko sa kanya.

"Wala akong pakealam Deighn! Sa ayaw at sa gusto mo papakasalan mo ako kung ayaw mong..." An evil grin form in his lips kaya naman kinabahan akong bigla.

Napatayo ako dahil biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa kapatid ko dahil sa kanya, napaurong ako ng bigla din siyang tumayo at nilapitan ako.

"Kung ayaw mong mangyari kay Jungkook ang nangyari sa kapatid mo."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya, bakit si Jungkook? Labas siya dito!

"Hindi ba ay masyado kayong close ng Jungkook na yun? Kakayanin ba ng konsensya mo kapag namatay siya ng dahil sa'yo?" Nakakalokong tanong niya sa akin.

"F*ck you." Mariin kong sabi sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Sure." Natatawang tugon niya. Bigla siyang lumapit sa akin muli kaya napaurong na naman ako.

Laking gulat ko ng bigla niyang hinawi ang buhok ko kaya napatakip akong bigla sa leeg ko, nakita kong nag-alab ang tingin niya sa akin. Yung tipong kapag nagsalita pa ako ay papatayin na niya ako.

Malamang ay tiningnan nya yung kagagawan ni Suga kanina.

"So you're in a relationship now?"

"Wala kang pake--"

Halos mabingi ako sa lakas ng sampal na tumama sa mukha ko, hindi ako makarecover agad dahil sa ginawa niya sa akin, pakiramdam ko ay maiiyak na ako pero pinigilan ko ang luha ko.

"Cheater." Mariin niyang sabi sa akin pero napailing nalang ako.

"Hindi ako manloloko dahil kahit kaylan hindi naman naging tayo." Mas mariin na sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa sinabi ko, alam kong napipikon na siya sa akin pero pinipigilan niya lang ang sarili niya.

"Wala kang utang na loob, pinag-aral ka ng mga magulang ko--"

"Hindi ikaw ang nagpa-aral sa akin kaya wala kang karapatang kontrolin ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Fine, kapag hindi mo pa tinigilan 'yang kalandian mo alam mong mangyayari sa batang iyon."

"What do you mean?"

Ngayon lang ako natakot sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.

"Jeon Jungkook. That bastard. I will kill him."

Napalunok ako sa sinabi niya, napatingin akong bigla sa pintuan ng makita ko si Tiffy na nandoon at nakatingin ng blangko sa amin. Agad kong tinulak papalayo si Tyron sa akin bago ako nagtatakbo paalis ng lugar na iyon. Damn it!

Nanginginig ako habang bumabyahe ako pabalik sa bahay, hindi ko alam kung papaano na ang gagawin ko, ayokong iwan si Suga pero ayoko din namang mamatay si Jungkook dahil sa akin.

I know how powerful Tyron can be. He can kill a person ng hindi man lang nababahiran ang pangalan niya. F*ck Government.

Pagdating ko sa apartment ko ay nakita ko si Suga na natutulog sa kama ko, nakabagsag sa dibdib niya ang cellphone niya, ngayon ko lang narealize ang takot sa katawan ko, naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa mata ko bago ko iyon mabilis na pinunasan bago pa magising si Suga.

Kinuha ko ang mga gamit niya sa cabinet ko at pinasok ko iyong lahat sa bag niya, biglang bumagsak ang gamit kong nakapaibabaw sa drawer kaya nag cause iyon ng malakas na ingay, napatingin ako kay Suga na ngayon ay nakaupo na pala sa kama at pinagmamasdan ako ng walang kaemo-emosyon.

"Anong ginagawa mo?" Malamig na tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung papaano ko sasagutin ang tanong niya kaya pinagpatuloy ko nalang ang pag-aayos ng gamit niya sa kanyang bag. Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa mata ko pero agad kong pinalis iyon. Bigla siyang tumayo at inagaw sa akin ang bag niya kaya naman napaupo ako sa sahig.

Parang may tumusok na karayom sa puso ko ng makita kong siya na ang naglagay ng mga gamit niya sa bag niya. Walang emosyon niyang nilalagay lahat iyon ng padabog sa bag niya.

"S-Suga..." Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung hahayaan ko nalang ba siya para wala ng problema o pipigilan ko siya dahil nasasaktan akong makitang nag-aayos siya para umalis.

Kanina na gusto ko na siyang umalis dito dahil natatakot ako na baka madamay din siya pero ngayon hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam.

Sinukbit niya ang bag niya sa balikat niya, hindi ko alam kung bakit bigla nalang niyang inagaw sa akin iyon kahit hindi ko pa naman talaga sinasabi sa kanya ang dahilan.

"Teka, Suga! Saglit!"

Hinabol ko siya ng lumabas siya ng kwarto ko, hinawakan ko siya sa braso niya pero tinabig niya yung kamay ko. Parang mas masakit pa iyon sa sampal ni Tyron.

"Teka lang Suga." Hindi ko alam kung bakit natatakot ako, kung bakit naiiyak ako.

"Shit naman Deighn! Ako na ngang aalis para hindi ka na mahirapan! Alam kong paaalisin mo na ako dito, alam kong mas pinili mo na yung tarantado mong fiance! Pero bakit ba umiiyak ka? Di ba eto naman yung gusto mo!"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya, parang may nagbabara sa lalamunan ko.

"Akala ko pumunta ka sa bahay ng Tyron na yun para makipaghiwalay pero pag-uwi mo dito nakita kitang nagbabalot na ng gamit ko." Nakita ko ang pagngiti niya ng sarcastic sa akin kaya mas lalo akong naiiyak.

Tiningnan niya ako ng masama bago siya lumabas sa pintuan ng aparment ko, malakas ang pagkakasarado noon pero halos hindi ako makahinga dahil sa ginawa niya.

Napahawak ako sa pader dahil pakiramdam ko ay babagsak ako dahil sa panghihina ng tuhod ko.

Akala ko ako ang mang-iiwan sa kanya pero it turns out na siya ang nang-iwan sa akin.

Napatingin ako sa buong amusement park na 'to. Maganda pala ang lugar na 'to kaysa sa inaakala ko. Napatingin ako sa wristwatch ko at nakita kong wala pang 10:00 am.

Naglakad-lakad muna ako bago ko napatingin sa isang bintana kung saan kitang-kita ang repleksyon ko, bakit ba ganto ang suot kong damit? Dapat pala ay nagshirt nalang ako at pants.

For sure naman na papahirapan lang ako ng Taehyung na yun pero nag-off shoulder pa ako at high waist pants. Shunga-shunga ko talaga! Inayos ko ang sling bag ko bago muling naglakad para makita ang mga tanawin mula dito.

Napatigil ako sa paglalakad ng may para akong nakakita ng isang pamilyar na imahe sa peripheral vision ko, agad akong napalingon doon at halos tumigil ako ng makita ko si Taehyung na nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit mukha siyang batang naliligaw ngayon imbes na mukha siyang menstration na tinubuan ng mukha. Napakurap ako ng tatlong beses, bakit parang may kakaiba sa kanya ngayon.

Dahil ba yung sa long sleeves niyang itim o dahil sa pink niyang buhok ngayon o dahil nakangiti siya? O dahil... ewan ko! Pake ko ba?

"May dumi ba ko sa mukha?" Tanong niya sa akin habang kinakapa yung mukha niya.

Agad akong bumalik sa huwisyo ko at napailing. Wala namang mali sa kanya bakit ba napatitig ako?

Baka sa akin ang may mali?

"Kanina ka pa diyan?" Tanong niya sa akin pero umiling lang ako, bakit ba parang ang bait niya ngayon?

"Ako kasi kanina pa ako dito, akala ko naliligaw na ako. Hehe." Napakamot siya sa batok niya kaya mas lalo akong nailang. May mali talaga eh, hindi ko lang mapoint out kung ano yung mali pero meron talaga.

"Ayos ka lang ba? Parang kanina ka pa wala sa sarili ah."

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa tinanong niya, mas lalo akong napaiwas ng bigla niyang hinawakan ang leeg ko para icheck ang temperature ko. Bakit ba hindi ako sanay? Parang mas prefer ko pa ang masungit na Taehyung kaysa sa mabait na Taehyung.

"Sorry." Aniya.

Napatigil ako at napatingin sa kanya, ang tagal ko ng gustong marinig iyan sa kanya pero ngayon ko lang narinig.

"Ano ba kasing gusto mo at pinapunta mo ako dito?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang namang makipaglaro." Napanguso siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

Teka ano daw?! Makipaglaro?! Gusto niyang makipaglaro sa akin dito sa Amusement Park?! Parang gusto kong himatayin sa sinabi niya sa akin. Ano siya? Seven years old?!

"Ano? Makikipaglaro ka ba sa akin?"

Parang may mali sa pagkakasabi niya noon sa akin pero ng bigla siyang ngumiti ay napakunot ang noo ko sa kanya.

"A-YO-KO!" In-emphasize ko pa ang pagsabi ko noon sa kanya hanggang sa mas lalo siyang napanguso dahil sa pagtangi ko.

"Hala na?" Pilit niya sa akin.

Napapikit ako ng mariin bago ko siya hinarap ulit.

"Ang sabi ko, ayoko!"

~*~

"AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Napasigaw ako ng bigla kaming bumagsak sa drop tower na sinakyan namin. Akala ko ay naiwan ang kaluluwa ko sa itaas dahil sa biglang pagbaba noon.

Habang tinatanggal na ng iba ang seat belt nila, ako naman ay nakasteady pa rin sa pwesto ko habang naghahabol ng hininga, yung buhok ko ay sumaboy sa mukha ko dahil sa lakas ng hangin kaya nagmukha akong si Sadako.

Napatingin ako kay Taehyung na tuwang-tuwa habang inaalis niya ang seat belt ko, hindi pa ako nakaka-get over sa sinakyan namin ay hinila na naman niya ako papunta sa panibagong rides.

"Saglit lang! Tama na! Tama na! Magpahinga muna tayo." Sabi ko sa kanya bago ako mapaupo sa isang bench.

Napanguso siya sa akin bago siya umupo sa tabi ko.

"Napapagod ka na agad?" Tanong niya sa akin.

Tiningnan ko siya ng masama, anong agad?! Kanina pa kami sumasakay sa mga nakakamatay na rides dito! Hindi ko na nga matandaan kung saan ko naiwan ang kaluluwa ko sa dami na naming sinakyan. Wala ba siyang kapaguran?!

Hindi ko na matandaan kung papaano niya ako napapayag na makipaglaro sa kanya. Bwisit! Kung nalalaman ko lang na ganto pala ang mangyayari sa akin ay sana hindi nalang ako pumayag.

Napatingin ako sa long sleeves niyang kulay itim na hubad niya dahil mainit daw, kaya naman nakaputi na siya ngayon, ang dami talagang pauso ng isang 'to. Kaylan ba lumamig sa Pilipinas? Tapos para siyang bata na bumili ng mga kung ano-ano. Pati mga key chain at alien figures ay bumili sya. Pati nga kwintas na tig ti-three dollars ay pinatulan niya at suot-suot pa niya ngayon.

"Oy may ice cream! Gusto mo noon?" Tanong niya sa akin habang tinuturo ang ice cream stand sa tapat naming dalawa.

Napatingin ako doon bago napatango nalang, agad siyang tumayo at nagtatakbo papunta doon pagkatapos kong tumango sa kanya, chineck ko ang paa binti ko dahil medyo sumasakit na iyon. Inayos ko ang off shoulder kong damit bago ko sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

Napa-angat ang tingin ko sa kanya ng inabot niya sa akin ang isang ice cream bago umupo ulit sa tabi ko.

"Thanks." Sabi ko sa kanya.

"Magkaiba yung flavor natin, hindi ko kasi alam kung anong gusto mo." Aniya.

Tinikman ko yung ice cream ko, obvious naman sa kulay na strawberry flavor yung akin. Habang kinakain niya yung ice cream niya ang nakatingin siya sa ice cream ko, napatingin din ako sa ice cream ko at tiningnan kung ano ang tinitingnan nya doon pero wala naman akong nakitang kakaiba.

"Gusto mo ba nung flavor ng sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Napatango siya sa akin kaya naman inabot ko sa kanya yung akin pero hindi naman niya iyon kinuha sa halip ay hinawakan niya lang ang kamay kong nakahawak sa cone bago niya tinikman yung akin.

"Ayoko pala niyan, mas masarap pala 'tong akin." Aniya bago inalok sa akin yung kanya pero umiling lang ako.

Pero laking gulat ko ng bigla niya paring sinundot sa akin yung ice cream niya kaya nalagyan ako noon sa ilong.

"Shet!" Sigaw ko bago ko pinunasan iyong ilong ko gamit ang kamay ko, nang mawala na iyon sa ilong ko ay agad ko siyang tiningnan ng masama pero nawala bigla yung masamang tingin ko ng makita ko yung ngiti niya.

Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito, napalunok ako. Natatawa siya ngayon dahil naisahan niya ako pero ako hindi ako matawa dahil nakikita ko siyang tumatawa.

Nang bumalik ako sa huwisyo ko ay agad kong inilagay sa mukha niya ang ice cream ko. Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya at ako naman ngayon ay napangiti ng makita kong buong-buo ang napunta sa mukha niya.

Pinahid niya agad iyon at tiningnan ako ng masama, nang tumayo ay nagtatakbo na agad ako papalayo dahil alam kong gagantihan niya ako.

~*~

Para kaming tanga na naghihilamos ngayon sa fountain dito sa amusement park, sobrang lagkit kasi ng mukha naming dalawa dahil sa dami ng ice cream na napunta sa mukha namin.

Pinamunas namin ang itim na long sleeve niya. Nakaupo kami ngayon sa fountain, napapagod na ako dahil para kaming elementary student na naghahabulan kanina.

Napatingin kaming pareho sa isang batang lalaki na naglalaro ng archery, hindi niya matamaan ang nasa gitna kaya naman natawa kami.

"Gusto ko din na i-try yun! Bilis!" Bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila ako papunta doon.

Agad siyang humugot ng pera para bayaran ang laro, natawa naman ako ng makita kong unang try palang niya ay hindi na agad iyon tumama, hanggang sa second try, third try and even in the sixth try.

"Ako na nga!" Inagaw ko sa kanya ang pana, ifinocus ko iyon sa gitna at pinakawalan ko.

Diretso ang tama noon sa kulay pula sa gitna kaya napangiti ako, napatingin ako kay Taehyung na nanlalaki ang mata habang nakatingin doon, maski ng nagpapalaro ay hindi makapaniwala. Bakit? Dahil may daya sila?

Hindi narealize ni Taehyung na maaring may daya ito kaya naman tuwing tinitira niya ay palaging sa gitna mismo.

"Ano ba ang pinakagrand prize?" Tanong ko sa nagpapalaro, tinuro niya ang isang malaking stuff toy na kulay green at isa lang ang mata, in short alien stuff toy iyon.

Nang mapatingin doon sa si Taehyung ay nakita kong agad nag-spark ang mata niya na parang isang batang nakakita ng paborito niyang cartoon character. Napailing nalang ako bago ko tumira ulit ng isa at sakto na naman iyon sa gitna.

"Ilang bulls eye ba ang kaylangan para makuha yun?" Tanong ko sa nagpapalaro.

"Five consecutive shot." Napatango ako bago ako tumira ng tatlong sunod-sunod at sakto iyong tatlo sa gitna.

Nakita kong walang kumikibo sa kanilang dalawa ng ibaba ko na ang pana, hinihintay kong kunin ng mamang nagpapalaro ang prize pero nanlalaki lang ang mata niyang nakatingin doon sa tinira ko na para bang hindi siya makapaniwala.

Noong bata pa kami ni Jin ay hilig ko na ang paglalaro ng archery while him? He loves cooking. Para ngang nagkabaliktan kaming magkapatid, I'm confident when it comes to archery, nag-champion ako noong bata ako sa larangan na 'to.

Napatingin ako kay Taehyung na nakanganga lang, nang inabot na sa akin ang stuff toy ay nakanganga pa rin siya, inabot ko sa kanya iyon at muntik na siyang mabuwal sa lakas ng pag-abot ko sa kanya ng malaking stuff toy na iyon.

Mas malaki pa nga yata sa amin ang stuff toy na 'to eh.

"Ang galing mo." Hindi pa rin makapaniwalang sabi niya sa akin.

Napangiti nalang ako dahil sa hitsura niya ngayon. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top