Chapter 14
Napakadaming characters, hindi ko magawang ilagay silang lahat sa iisang chapter, siguro magagawa ko nalang iyon kapag nasa house of cards na. Di ako sanay magsulat ng teen fiction kaya medyo may pagkamature na yung ibang scene. Sorry! Sinubukan ko lang namang magsulat ng teen fiction pero di ko ganong kaya, kaya pagdating sa house of cards baka magkamystery or action. Di ko sure kung ano sa dalawa o wag nalang.
Di ko alam kung bakit nag-iwan pa ako ng notes na ganto. Hahaha! Siguro dahil na-awkwardan ako dahil may mga kakilala ako na nagbabasa neto, baka isipin nila na nire-rape ko na si Suga sa isip ko.
Special mention sa mga kaklase/kaibigan ko. LOL!
--
Chapter 14: Immature
Napalunok ako bago ko binuksan ang apartment ko, halos mahiya ako sa sarili ko ng makita kong madaming kalat noong binuksan ko na ang ilaw sa apartment ko. Hindi na kasi ako masyadong nakakapaglinis dahil puro coffee shop ang inaasikaso ko netong mga nakaraan.
"P-Pasok ka." Awkward na sabi ko kay Yoongi.
Umikot agad ang tingin niya sa buong apartment kaya mas lalo akongnahiya, habang naglalakad kami papuntang sala ay nakita ko ang nakakalat kong undies kaya kinuha ko iyon ng patago bago ishinoot sa labahan.
"Laging hanggang labas lang ako ng apartment mo, ngayon lang ako nakapasok sa loob." Aniya.
"Sorry ha? Hindi pa kasi talaga ako nakakapaglinis ng apartment." Sabi ko sa kanya, nang makita kong papalapit siya sa may sofa ay nakita kong may napkin pa doon kaya agad akong umupo doon para makuha ko iyon bago ko ibinulsa.
"Okay lang yan, at least nakapasok na ako sa loob ng apartment mo." Napatango ako bago ko pilit na inaabot ang bra ko na nasa may gawing TV, nang makuha ko na iyon ay patago ko din iyong inilagay sa drawer tsaka palang ako nabunutan ng tinik.
"Hindi ko alam na mahilig ka palang magmatch ng panty at bra."
Napakunot ang noo ko bago ako napatingin sa tinitingnan niya, agad nanlaki ang mata ko ng makita ko ang bra at panty ko na nakahanger pa at nakatapat sa electric fan.
Agad ko iyong kinuha para maitago sa kanya, nakita kong natawa siya dahil sa reaksyon ko pero hindi ko iyon pinansin dahil agad ko iyong pinasok sa drawer ko. Nakakahiya! Nakakahiya talaga!
Pagkalabas ko ay nakita ko siyang nasa kusina habang sinusuot yung apron kong kulay pink, nilapitan ko siya at nginitian niya lang ako bago ko siya tinulungan sa pagtali noon.
"Anong trip mo?" Tanong ko sa kanya.
"Wala, magluluto lang ako. Alam kong gutom ka na." Aniya.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, siya?! Si Min Yoongi magluluto?!
"Seryoso ka? Tatawag na ba ako sa bumbero na aantabay sa atin diyan sa ibaba kung sakali mang magkasunog?" Kinakabahan kong tanong sa kanya pero pinitik niya lang ako sa noo ko.
Napangiwi ako bago ako hinawakan ang noo ko na pinitik niya.
"Hindi ako magaling magluto pero... marunong ako." Nag-aalangan niyang sabi sa akin.
Pinanuod ko siya habang nagluluto siya, natatawa pa nga siya dahil fried rice lang ang kaya niya pero at least di ba? Nagluto si Yoongi para sa akin at isa na iyong history para sa lahat.
Inihanda niya ang fried rice at agad ko namang tinikman iyon, nakaupo siya sa tabi ko habang pinapanuod niya akong kumain. Napatingin ako sa kanya at na-awkwardan ako kaya naman itinaas ko ang kutsara na may laman.
"Gusto mo ba?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.
Napanguso ako bago ko kumuha ulit ng niluto niya at tinapat ko iyon sa bibig niya, napaurong siya dahil sa ginawa ko pero ng sinenyasan ko siya ng ngumanga siya ay sinunod naman niya ako kaya nasubuan ko siya ng niluto niya.
Ganoon ang nangyari hanggang sa matapos akong kumain, habang kumakain ako ay sinusubuan ko siya. Hindi ako mapakali kaya madami na din akong nakwento sa kanya, pati ang pagsusungit ni Djermayne pabigla-bigla ay naikwento ko na rin sa kanya.
"Ako ng maghuhugas ng pinggan, maligo ka na." Sabi niya sa akin habang nililigpit niya ang pinagkainan ko.
"Baliw! Ikaw ang bisita dito, hindi ka dapat naghuhugas ng pinggan." Sabi ko sa kanya pero inilayo niya lang sa akin iyon.
"Hindi ako bisita dito." Malamig na sabi niya bago niya nilagyan ng dish washing liquid ang sponge.
"Sige na nga, maliligo na ako pero wag kang papasok sa loob ng kwarto ko ha! Patay ka sa akin kapag pumasok ka kahit sa kwarto ko!" Banta ko sa kanya.
Tumalikod agad ako bago ko kinuha ang mga susuotin ko mamayang gabi, pumasok ako ng banyo para makaligo, nagmadali akong maligo dahil pakiramdam ko ay ang awkward kung walang kasamahan si Yoongi doon sa kusina kaya naman binilisan ko ang pagligo ko.
Paglabas ko ng banyo ay halos madulas ako ng makita ko siyang nakahiga sa kama ko at habang nagse-cellphone. Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa bago siya bumangon sa kama at umupo nalamang.
"Sabi ko di ba wag kang pumasok dito sa loob?" Bungad ko agad sa kanya.
"Pero alam mong hindi ako sumusunod sa rules kaya nga di ba nagbihis ka na diyan sa loob ng banyo?" Tanong niya sa akin pabalik.
Napangiti ako dahil tama siya sa sinabi niya, alam niyang alam kong hindi siya susunod sa sinabi ko kaya naman nagbihis na ako sa loob ng banyo, nakablack spaghetti straps lang ako at nakapajama na pantulog. Printed pa talaga.
"Mas okay sana sa akin kung yung paired undies mo yung sinuot mo ngayon eh." Aniya.
Agad kong binalibag sa kanya ang una kong nahawakan, mabuti nalang ay stuff toy lang ang unang nadampot ko kasi kung guting ang nadampot ko ay malamang nasa ospital na siya at nagpi-fifty fifty.
"Tigilan mo ko Yoongi ha!" Sabi ko sa kanya.
"Oo na, maliligo na ako." Aniya bago binuksan ang drawer ko, napakunot ang noo ko ng may kinuha siya doon at laking gulat ko ng makita ko ang shirt niya na nandoon.
"Anong ginagawa ng mga damit mo dyan?" Tanong ko sa kanya.
"Sa tingin mo? Syempre nilagay ko na dito yung gamit ko kasi dito lang na ako matutulog palagi."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, ano?! Dito na siya matutulog palagi? Nababaliw na ba siya? Agad akong pumunta sa pati sa mga cabinet ko at nakita kong naka-ayos na doon ang mga gamit naming dalawa at magkakasama na iyon. Tiningnan ko ang lalagyan ng underwear ko at napapikit ako dahil hindi ako makapaniwala dahil nandoon na din yung kanya.
Tiningnan ko siya ng hindi makapaniwala pero nakita kong nakasmirk siya sa akin habang nakapeace sign gamit ang kamay niya at yung peace sign niya ay bahagya niyang nilukot ng dalawang beses.
"Baliw! Maligo ka na nga lang!" Sabi ko sabay tulak sa kanya papasok sa banyo. Natatawa naman siya habang tinutulak ko siya. Minsan naninibago ako dahil hindi naman talaga palangiti si Suga.
Nang makapasok na siya sa banyo ay bumalik nalang ako sa kama para kunin ang blower ko at agad kong blinower ang buhok kong basa pa. Naglagay ako ng lotion pagkatapos ay maglalagay sana ako ng pabango pero narealize ko bakit naman ako maglalagay pa noon?
Binalik ko yung pabango sa dati netong pwesto bago ako napatingin sa sarili ko sa salamin. Hindi naman ako mahilig magsuot ng spaghetti straps pero bakit nakaganto ako ngayon. Agad akong namula sa naiisip ko. Baliw ka talaga Deighn.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagboblower ko sa bahok hanggang sa lumabas na si Suga sa banyo ay pumwesto siya sa tabi ko habang pinupunasan niya ng tuwalya ang buhok niya. Lumuhod ako sa kama habang nakaupo siya para mai-blower ko sa buhok niya.
Nakita kong napaiwas siya ng bahagya ng maramdaman niya yung hangin bago napatingin sa akin.
"Para madali." Sabi ko sa kanya at umayos nalang siya ng upo para maiblower ko na yung buhok niya hanggang sa makita kong tuyo na iyon. Umayos na ako ng upo sa tabi niya, nakita kong kinuha niya ang cellphone niya kasama ang headset niya pagkatapos ay sinuot niya sa akin ang kanang headset at sa kaniya naman ang kaliwa.
"Pakinggan mo 'to." Aniya.
Napatigil ako sa bigla ng magplay iyon, napatingin ako sa kanya dahil narealize ko agad na boses niya iyon. Nakatingin lang ako sa mata niya habang pinapakinggan ko ang bawat sinasabi niya doon.
He's voice here is kinda husky, calm lang ang pagkakabanggit niya ng bawat salita and it's killing me. Every lyrics of his song ay parang punyal na tumatama sa puso ko. Tinatamaan ako.
It's about how he fall for someone long time ago but the girl... the girl...
Hindi ko matuloy-tuloy ang nasa isip ko dahil wala ng pumapasok sa isip ko ng ayos, nag-iwas ako ng tingin sa kanya ng matapos na iyon. He made a song and it's obviously for me. Hanggang ngayon na tapos na ang kanta ay kinikilabutan pa rin ako.
Naramdaman ko ang kamay niyang hinawakan ang kamay ko napatingin ako doon pero alam kong siya ay diretso lang ang tingin sa akin. Nakayuko ako pero ramdam kong lumalapit siya sa akin, pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga ng maramdaman ko na ang hininga niya sa balat ko.
Hindi ko alam kung pipikit ba ako o mananatili nalang ako sa pwesto ko at hayaan nalang siyang halikan ako pero bago pa ako makapag-isip ng gagawin ko ay lumapat na yung labi niya sa akin. Natigilan ako pero pumikit din naman ako sa bandang huli.
Let's just accept the fact that I love him too.
When he start moving ay pareho kaming napatigil at nagkatinginan, sa tingin ko pareho ang pumapasok sa isip namin ngayon kaya lumayo na siya sa akin.
"I think we should not kiss right now."
Napaiwas siya ng tingin sa akin bago siya umusog papalayo sa akin, napatango ako sa sinabi niya. Pareho nga kami ng iniisip. Humiga nalang ako sa kama at pumwesto na sa gawing kanan ay tumalikod ako sa kanya.
Naramdaman ko ang pag-galaw ng kama kaya alam kong nakahiga na rin siya ngayon, napatingin ako sa tiyan ko ng makita ko ang kamay niyang nandoon. Nakayakap siya sa akin, napanguso ako para pigilan ang ngiti ko. Mabuti nalang at nakatalikod ako kaya hindi niya ako nakikita.
"Goodnight." Bulong niya sa akin.
"Goodnight din." Sabi ko hanggang sa maramdaman kong mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
Hindi ko alam kung papaano ako nakatulog kagabi, nagising nalang ako ng maramdaman ko na ang pagtama ng init ng araw sa akin, napatingin ako sa likod ko at nakita ko siya Suga na nakapikit pa rin hanggang ngayon.
Maingat akong humarap sa kanya para hindi siya magising, hinawi ko ang ilang buhok niya na nakatabing sa noo niya. Sa tingin ko hindi ako magsasawa na sa araw-araw na paggising ko palaging siya ang una kong makikita.
Napangiti ako ng hawakan ko ang pisngi niya, ang cute ng batang 'to juskoo.
"Staring is rude."
Halos manlaki ang mata ko ng bigla siyang magsalita, kaylan pa siya nagising? Natawa tuloy ako dahil sa pagkapahiya ko. Naramdaman kong humigpit na naman ang yakap niya sa akin, inalis ko na ang pagkakahawak ko sa mukha niya at pinangyakap ko nalang din iyon sa kanya.
Dumilat siya kaya halos maubusan ako ng hininga, kaylan pa nakaka-cause ng heart ang pagdilat lang? Ngumiti siya sa akin, yung ngiti niyang shine bright like a diamond.
Pero bigla akong napaiwas ng tingin ng may maalala ako, I love him pero hindi kami pwede. Hindi talaga.
Bahagya akong lumuwag ng yakap sa kanya, nang mapansin niya iyon ay hinigpitan niya ulit ang hawak niya sa akin.
"What's wrong?" Tanong niya sa akin.
Napailing ako pero alam kong bakas pa din sa mukha ko ang pagkalito, nalilito ako, bakit pumapayag ako sa gantong set up na hindi man lang namin alam kung anong relasyon naming dalawa.
"Alam kong may problema, spill it." Aniya.
Napalunok ako dahil sa mabibigat na titig niya sa akin.
"Staring is rude, Suga." Sabi ko sa kanya pero hindi man lang siya nagpatinag sa pagtitig niya sa akin.
"About ba sa atin yung iniisip mo?"
Napatingin akong bigla sa kanya dahil nahulaan niya ang nasa isip ko, dahan-dahan akong napatango sa kanya.
"Naguguluhan na ako, malapit na akong ikasal pero nandito ako sa tabi mo."
Nakita kong wala siyang reaksyon sa sinabi ko bago pumanik ang kamay niya sa pisngi ko.
"Ayokong linawin kung anong meron tayo kasi baka mas lalo lang lumabo." Aniya.
Napa-iwas ulit ako ng tingin sa kanya bago ko inalis ang nasa pisngi ko. Tama siya, kung ano man ang ginagawa ko ngayon hahayaan ko nalang. Tsaka ko nalang iisipin yung magiging consequence ng mga pinaggagawa ko. Ang mahalaga masaya ko ngayon.
"Oo na, bangon na tayo baka malate ka pa sa klase mo." Sabi ko sa kanya pero ipinatong lang niya yung hita nya sa akin kaya hindi ako makakilos.
"Ayoko, mamaya na tayo bumangon. Inaantok pa ko." Bulong niya sa akin at nakapikit na naman siya. Kahit kaylan talaga yung isang 'to.
Nanatili muna ako sa ganoon pwesto hanggang sa marealize kong kaylangan ko na talagang matulog.
"Magsasaing na muna ko, matulog ka muna diyan." Sabi ko sa kanya at bahagya naman siyang tumango kaya bumangon na ako.
Dumiretso muna ako sa banyo para makapaghilamos pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina para makapagsaing na ako. Napatingin ako sa kwarto ko na nakasarado, hindi ko na alam pero ngayon nakakaramdam na ako ng takot na baka bigla nalang siyang mawala.
Napatingin ako sa refrigerator ko para kumuha ng lulutuin ko para sa agahan namin, habang nagluluto ako ay nakita kong lumabas na ng kwarto si Suga at lumapit agad sa akin.
Napakabaliw talaga ng isang 'to. Para siyang batang takot na takot na mawala yung nanay niya sa paningin niya. Napakahilig pang mangyakap, tinangnan mo ngayon ay nakayakap na naman sa akin.
"Gusto ko pa sanang matulog kaso bumangon ka na eh." Bulong niya sa akin.
"Pwede ka namang matulog ng wala ako." Sabi ko sa kanya pero umiling lang siya. Naramdaman kong binaon niya yung mukha niya sa likod ko hanggang sa maramdaman ko ang paghalik niya sa likod ko.
Napalayo ako sa ginawa niya pero hindi niya iyon tinigil.
"Yah! Suga!" Sigaw ko pero narinig ko ang pagtawa niya ng bahagya bago niya tinuloy ang ginagawa niya. Hindi ako maka-alis dahil nakayakap siya sa akin.
"Tigilan mo nga 'yang bata ka!" Inis na sabi ko sa kanya.
Napatigil siya saglit hanggang sa naramdaman kong kinagat niya ang strap ng bra ko bago binitawan iyon.
"Aray!" Napasigaw ako sa sakit noon ng tumama sa balat ko iyon. Agad ko siyang hinarap dahil sa ginawa niya, masakit kaya!
Kinurot ko siya sa tagiliran ng nakaharap na ako sa kanya pero natawa lang siya. Hinila niya ako papalapit sa kanya bago niya ako niyakap, nakahawak ang isang kamay niya sa likod ng ulo ko.
"Hindi na ko bata, dalawang taon lang ang agwat mo sa akin." Bulong niya. Natawa ako sa sinabi niya hanggang sa maramdaman kong unti-unting bumababa ang labi papunta sa leeg ko, napatili ako sa ginawa niya pero hindi talaga ako makagalaw dahil sa pwesto namin.
Napasigaw ako lalo ng maramdaman kong sumasakit iyong part ng leeg ko kung saan niya ako hinahalikan. Bigla siyang napatigil at napatingin sa akin.
"Pakita mo yan sa fiance mong gago." Aniya bago ako binitawan, agad ko syang hinampas sa braso dahil sa ginawa niya. Bwisit na yun! Napahawak ako kung saan niya iyon ginawa. Pakiramdam ko ay may mamumuong dugo dun dahil sa ginawa niya.
Patay sa akin 'yang Suga na yan kapag ako nagtrip.
Naglakad siya patungo sa sala at sinundan ko lang siya ng masamang tingin, kitang-kita kong goodvibes siya sa ginawa niya sa akin. Napailing nalang ako bago ko chineck yung kanin at pagkatapos ay naghain na ako, sabay kaming kumain na dalawa, wala naman kaming gaanong pinagkwentuhanan pero masayang-masaya ako.
Nauna siyang maligo kaysa sa akin kaya naman ng lumabas na ako ng banyo ay naka-uniform na siya, feeling ko ang bata niyang tingnan kapag nakauniform siya.
Nang nakapag-ayos na ako ay nakaupo pa rin siya sa sala hanggang ngayon at nagcecellphone. Hindi ko alam pero naiirita ako kapag nakikita ko siyang nagcecellphone, feeling ko may katext siya na iba kaya naiirita ako.
Napatingin ako sa orasan kaya binalibag ko siya ng unan na nasa sofa kanina, napatingin siya sa akin noong binalibag ko siya.
"Malapit ka ng pumasok, tigilan mo na yang kakacellphone mo." Sabi ko.
Tumayo siya at binulsa na niya ang cellphone niya, pinagpatuloy ko nalang ang pagsusuklay ko pero lumapit na naman siya sa akin. Hinarap ko siya bago pa niya ko mayakap ulit.
"Sabay ba tayong babyahe?" Tanong niya sa akin.
"Magkaiba tayo ng dadaanan." Sabi ko sa kanya.
"Hahatid muna kita."
"Malilate ka na."
Napanguso siya sa sinabi ko kaya naman napangiti ako, nage-aegyo ang loko. Hindi ko mapigilan na matawa dahil ang awkward kasing tingnan na nage-aegyo siya.
"Sige na, mauna ka na. Ingat!" Sabi ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa labi.
Nakita kong napatigil siya sa ginawa ko pero imbes na umalis na siya ay hinawakan pa niya ang baywang ko.
"Papaano ako aalis niyan?" Tanong niya sa akin ng inilapit niya ang mukha niya sa akin. He start kissing me bago pa ako makapagreact, I kiss him back kaya naman napaurong siya. Bumaba ang halik ko sa kanya patungo sa leeg, he gave me more access on his neck pero napangisi ako ng may maramdaman ako.
"Sa tingin ko malilate ka na." Bulong ko sa kanya.
Nakita kong napatigil siya sa ganoong pwesto kahit nakalayo na ako sa kanya, nakapikit pa rin siya hanggang ngayon at nagko-conceal ng inis sa akin.
"Gago." He cursed.
Natawa akong bigla dahil wala talagang pinipili ang isang 'to. Kahit ako ay minura, walangya! Dumilat siya at tiningnan ako ng masama bago siya padabog na pumasok ng banyo kaya mas lalo akong natawa.
Lumapit ako sa banyo at idinikit ko ang tenga ko pinto neto bago ko naisipang buksan iyon, nakaupo siya sa toilet at bigla niyang binalibag yung pinto para umalis ako kaya mas lalo akong natawa.
"Patay ka sa akin pag-uwi mo!" Sigaw niya sa akin.
Binuksan ko ulit yung pinto pero wala na siyang maibalibag sa akin kaya inis na inis siya.
"Bye!" Nagflying kiss ako sa kanya bago ko sinarado ulit ang pinto at nakangiti akong lumabas ng bahay. Siya ng bahala sa aparment, may aasikasuhin akong importante.
Biglang nawala ang ngiti ko ng maalala ko kung saan ako pupunta.
"What are you doing here?!" Inis na tanong ko sa boyfriend ko ng makita ko siyang nandito, magkasama kami ngayon ni Jungkook. Kami kasi ang magkapartner sa project ngayon, we're going to present a short film. Mas maganda kasi kung may maipepresent kaming short film kaya naman umupa pa kami ng taga video sa amin dalawa.
"Anong gusto mong gawin ko? Manahimik sa bahay habang nakikipaglandian ka diyan?"
And that's hit me, the word landian is so freaking immature! Gumagawa kami ng school project and know he's suspecting me na nakikipaglandian?! Gahd Hoseok!
"Are you out of your mind?!" Iritadong sabi ko, napatingin ako sa mga taong tumitingin sa amin and even Jungkook who's just staring blankly at us.
"Amery naman! Pwede naman sigurong walang kissing scene yan! For pete's sake sino ba naman kasing nagsabi na kaylangan pa ng ganyan? And shit! Tingnan mo yung script nyo! Sinong boyfriend ang papayag na hawakan ng ibang lalaki ang baywang ng girlfriend niya?!"
I rolled my eyes, he's so freaking immature! I'm so done!
"Shut up J-Hope, okay? Just shut up! Wag ka ngang gumawa ng eksena dito! You're being immature!"
"Immature? Ako pa ngayon?! Bakit ba kasi kaylangan ako nalang palagi ang mag-adjust para sa mga ka-shitan mo!"
Wait, what?! Did he say nag-aadjust siya para sa mga ka-shitan ko? Oh my god!
"Well, you don't need to adjust with all my bullshits in life anymore. Get out!" Sigaw ko sabay turo ko sa pintuan.
Nakita kong biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, he's now looking with widened and teary eyes on me. What the hell Hope?!
"H-Hey! Wala namang ganyanan!" He tried to smile even though it's a fake smile now.
Tinulak ko siya palabas ng pinto dahil sa sobrang inis ko, naramdaman kong pumapayag siyang itulak ko siya kaya mas lalo akong naiinis.
"Not now Hoseok." Sabi ko bago ko tuluyang isara ang pinto.
Napasandal ako sa pintuan bago ako napabuntong hininga. Napatingin ako sa ibang mga tao dito ngayon na nakatingin lahat sa akin na halos sabay-sabay na nag-iwas ng tingin ng makita nilang tiningnan ko sila pabalik.
Tanging si Jungkook lang ang hindi nag-iwas ng tingin sa akin.
Hinihintay ko kung may sasabihin siya sa akin kaya nakatingin siya pero umiling lang siya bago pumwesto sa kaninang pwesto namin bago dumating ang boyfriend-- I mean ex-boyfriend ko.
"That's it?"
Sinamaan ko ng tingin si Namjoon dahil pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa amin kanina ni J-Hope ay bored lang siyang nakatingin sa akin. Anong ibig niyang sabihin sa that's it?!
Mas kakampihan niya yung boyfriend ko kaysa sa akin na pinsan niya?!
"Bakit naman kasi ganoon ang eksena? Ang pangit ng eksena nyo ni Jungkook at isa pa bakit pumayag siya? May boyfriend kang tao Amery--"
"So you're not in my side Kim Namjoon?" Malamig na tanong ko sa kanya.
"Stop being spoiled brat and immature Amery."
I rolled my eyes, ako pa ang naging immature ngayon?
"Stop it! Let's just change the topic, ayoko munang pag-usapan yan." Sabi ko bago ako sumandal sa upuan at uminom ng kape, napatingin ako sa nagseserve na si Djermayne.
Nakakainis! Bakit ba dito pang coffee shop kami pumunta? Mas lalo lang akong naiirita kapag nakikita ko itong si Djermayne eh!
"Okay, fine." Napakamot sa ulo si Namjoon. "Oo nga pala! Kasama ko si Angel kahapon."
Napataas kilay ko sa sinabi ng magaling kong pinsan, papaano naman sila nagkasama ni Angel? At ang magandang tanong diyan ay papaano niya napasama sa kanya si Angel?
"Bakit hindi sinabi sa akin ni Angel?" Tanong ko.
"Biglaan lang kasi, nagpatulong lang naman ako sa kanya sa project kasi may short film din kami, hindi kasi pwede si Djermayne kasi nagtatrabaho siya dito."
After he said that ay napatingin na naman ako kay Djermayne. Whatever!
"Oh anong nangyari? Don't tell me crush mo si Angel? Hanap ka nalang ng iba Namjoon, she's my bestfriend. Baka manyakin-- wait! Anong scene yung ginawa nyo?!"
Nanlaki bigla ang mata ko at napatingin kay Namjoon na nagkibit balikat bago ngumiti sa akin.
"Wala naman, I just simply touch her breast like this."
Napanganga ako ng ini-action pa talaga niya gamit ang dalawang kamay niya kung paaano niya iyon hinawakan with his oh-so-pervert facial expression.
"Damn Namjoon! You can't do that to Angel!" Inis na sabi ko.
"But it's for school project!" Protesta niya.
"Kahit na nga ba! You can't touch her just like that! Dapat walang ganyan! Damn Namjoon! Kadiri ka! Kahit sabihin mong school project yan ay masyado yang informal..."
Halos mawala ang boses ko ng marealize ko ang sinabi ko, agad akong nag-iwas ng tingin ng makita kong natawa si Namjoon dahil sa reaction ko, goddammit Namjoon! Naisahan mo ako doon.
"See? Sinong mali? Hindi ba ay ikaw? I just gave the same scene but in adifferent characters pero tingnan mo yung reaction mo. You know that you're wrong and he's right, tama ba?"
I rolled my eyes, oo na! Mali na ako!
Napa-ayos ako ng upo ng makita ko ang bestfriend ko na papalapit sa amin, umupo siya sa tabi ko at sinamaan niya ng tingin si Namjoon bago humarap ulit sa akin.
"Did you know what?" Tanong ko kay Angel para naman makabawi ako sa ginawang panlilinlang sa akin ni Namjoon.
"What?" Tanong niya.
"Did you know that this bastard said that he touch your breast like this." Ina-action ko din para mas dama.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Angel at napatingin ng masama kay Namjoon.
"W-What?! I didn't said that!" Palusot niya.
"You didn't?! Seriously? I saw you while demonstrating that kahit nasa labas palang ako but I didn't know that you are talking about my breast! You motherfreaking pervert!"
Kinuha ni Angel ang bag niya at pinaghahampas si Namjoon, natawa nalang ako habang nakikita kong binubully ni Angel si Namjoon. Nakakahanap talaga 'tong pinsan ko ng katapat niya eh.
Pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala akong pakealam, tawa lang ako ng tawa habang tuwang-tuwa ako sa scene na nakikita ko.
Nakakatuwa lang isipin na kahit nalilinlang ako ni Namjoon ay hinahampas-hampas lang siya ni Angel.
Poor Kim Namjoon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top