Chapter 13

Chapter 13: Move On

Napayakap ako sa sarili ko pagkapasok ko palang sa condo ni Jin, nanginginig na ang tuhod ko dahil sa nangyari. Kinapa ko agad ang cellphone ko na may dahon-dahon pa, mabuti nalang talaga at waterproof ang cellphone ko.

Sunod ko namang tiningnan ang wallet ko na basang-basa ang mga pera na nandoon. Kaya napangiwi ako, di bale na. Matutuyo naman siguro 'to di ba?

"Ano, tatayo ka nalang diyan?" Tanong niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin, alangan namang umupo ako sa sofa niya eh basang-basa ako.

"Maligo ka muna diyan sa banyo, magpatuyo ka muna bago ka umuwi sa inyo." Aniya.

Baliw ba siya? Anong isusuot ko kung ganoon? Basang-basa din ang damit ko pati ang undies ko. Napatingin ako sa kanya na basang-basa din. Halos manlaki ang mata ko ng makita kong bigla nalang niyang tinanggal ang sweater na kulay pink na suot niya, tumaas ang sando dahil sa pagkaka-alis niya ng damit. Bahagya kong nakita ang tiyan niya kaya halos mapanganga ako ng makita kong ang puti noon at...

Agad kong sinampal ang sarili ko dahil sa iniisip ko.

Nakita kong natigilan siya sa pag-aalis ng sweater niya at napatingin sa akin pero agad akong nag-iwas ng tingin, nakita kong napakunot ang noo niya bago siya tumalikod sa akin at tsaka palang niya inalis iyon. Ngayon ay nakasando nalang siya kaya kitang-kita ko ang balikat niya kahit nakatalikod siya.

Gosh, I'm shook.

Papaano nangyaring ganyan siya ka-sexy kahit wala siyang ibang ginagawa kundi ang lumamon?!

Napalunok ako habang pinagmamasdan ko siyang nagpupunas ng tuwalya niyang kulay pink din, papaano nangyari na ang hot niya pa ring tingnan kahit kulay pink ang tuwalya niya?! Papaano?!

Oh my god Rigelle! Ikalma mo 'yang sarili mo. In unexpected way nakita mo yung matagal mo ng gustong makita. Yung tiyan niya, yung balikat niya, yung braso niya, yung ano nalang yung di mo nakikita. Yung ti-- napay?

Bigla akong nabulunan sa sarili kong laway kaya napatingin siya sa akin bigla bago niya tinaas ang kilay niya. Ay taray! Okay na sana kanina ang hot niyang tinangnan kaso biglang tumaas yung kilay niya.

"Dyan ka lang muna." Sabi niya bago siya pumasok sa kwarto niya, kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para tingnan yung bawat detalye ng condo niya, sobrang organize ng condo niya. Black and white ang tema nito kaya may pagkamanly tingnan pero kapag inikot mo ang paningin mo ay makikita mong may touch ito ng pink pero still, it's still manly.

Napatingin ako sa isang corner ng bahay niya na may mga pictures na nakadikit sa pader, katabi ang ilang mga mario stuff toys. Nacurious ako sa mga picture kaya lalapitan ko na sana iyon ng biglang lumapit si Jin sa akin at hinawakan ang braso ko.

"Magpalit ka na." Sabi niya sa akin.

Napatingin ako sa hawak niya, damit niya iyon at yung paper bag kanina.

"Wala akong undies." Protesta ko agad, totoo naman di ba? Alangan namang umuwi ako sa amin ng wala akong undies.

Nakita kong napairap siya bago niya tinaas yung paper bag, agad akong namula ng marealize kong binili niya ako ng undies kaya kami huminto kanina.

Napakagat ako sa labi ko bago ko biglang kinuha sa kanya lahat ng iyon at nagtatakbo na ako papunta sa banyo.

"Hindi iyan yung banyo, sa kabila." Aniya kaya agad akong napailing at nagtatakbo papunta sa kabilang pinto at agad pumasok doon. Agad kong sinarado ang pinto at napasandal nalang ako doon, jusko! Gusto ko ng mag-walling dahil sa nangyari.

Isinabit ko ang damit niya at yung boxer niya. Seryoso?! Tiningnan ko ang nasa loob ng paper bag. Ramdam na ramdam ko yung pag-akyat ng dugo ko sa mukha ng makita ko ang underwear na binili niya.

Kulay pink iyon at halata mong pambata. Gusto ko siyang sapakin dahil bakit pangbata ang binili niya?! Mas tanggap ko pa kung lingerie ang binili niya kaysa dito sa pangbata! Ganoon ba kabata ang tingin niya sa akin.

Napatingin naman ako sa bra na hawak-hawak ko bago ako napalunok, kulay pink din iyon at may tatak pang dora the explorer. Kahit hindi ako nagmumura ay parang gusto ko siyang murahin dahil sa pagpapahiyang ginawa niya sa akin. Baby bra 'to bes! Baby bra! Nakakainis.

Kahit labag sa loob ko ay sinuot ko pa rin iyon, napatingin ako sa shirt na nagmukha ng dress dahil ako ang nag-suot. Sa tangkad ba naman niyang iyon.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko siyang nakabihis na rin habang binoblower niya ang buhok niya. Napatingin siya sa akin pero nag-iwas din agad ako ng tingin sa kanya.

"Yung damit mo?" Tanong niya sa akin, tinaas ko yung paper bag kanina dahil doon nilagay yung mga basang damit ko.

Tumayo siya at lumapit sa akin kaya bahagya akong napaurong, kinuha niya sa akin ang paper bag at naglakad na papalayo.

"Hoy anong gagawin mo diyan!" Sigaw ko sa kanya pero hindi na niya ako pinansin.

Sinundan ko siya at nakita kong pupunta siya sa washing machine, wag mong sabihing lalabhan niya yung damit ko?! Binili na nga niya ako ng underwear tapos ngayon lalabhan pa niya ang damit ko?! Anong sunod? Ibo-blower niya yung undies ko para matuyo?! No!

"Teka nga! Teka nga! Wag mo ng labhan yan!" Sabi ko sa kanya habang inaagaw ko yung paper bag pero mas matangkad siya sa akin kaya hindi ko iyon makuha.

"Magtatakha yung Daddy mo kapag nakita niyang basa yung uniform mo at uuwi ka ng ganyan ang suot? Di ka talaga nag-iisip." Malamig na sabi niya sa akin bago niya inilagay ang damit ko sa loob ng washing machine.

Pinanuod ko nalang siya habang nilalagyan niya iyon ng ditergent powder. Nang matapos siya sa ginagawa niya ay nagkatinginan kaming dalawa. Awkward akong nag-iwas ng tingin sa kanya, aalis na sana ako sa lugar na iyon ng bigla niya akong hinawakan ulit sa braso.

Bakit ba ang hilig niyang manghawak ng braso ha?

"Salamat." Aniya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, anong salamat? Salamat saan? Naguluhan akong bigla.

"Salamat sa lahat, sa pag-aalalaga mo sa akin noong nalasing ako, pati sa pagtulong mo kay Djermayne, sa pagiging kaibigan niya tsaka sa... Pagkakagusto mo sa akin."

Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko pero may side sa akin na nalungkot ako, na-salamatzone kasi ako. Inipon ko lahat ng natitira kong lakas bago ko siya hinarap at nginitian.

"Walang ano man." Sabi ko bago ako naglakad na papaalis sa pwesto niya at umupo ako sa sofa.

Hinanap agad ng mata ko ang mga picture sa pader pero hindi ko na iyon makita, napatingin ako sa mga stuff toys na mario na nandoon pa rin sa pwesto nila pero may tabing na ng kurtina yung mga picture pader.

Sayang balak ko pa sanang tingnan kasi baka magalit sa akin si Jin dahil sabihan pa akong pakelamera.

Nanatili akong nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan ko yung mga kagamitan niya, humahanga talaga ako dahil ang ganda ng magkaka-ayos ng condo niya. Hindi ba ay nakatira siya sa mansion nila? Tuwing kaylan kaya siya umuuwi dito?

Napatingin ako kay Jin na naglakad papunta sa kusina, hindi ko nalang siya pinansin at nagcellphone nalang ako. Ilang minuto lang na ganoon ang eksena ng makaamoy ako ng mabango. Napatayo agad ako at napatingin kay Jin at nakita kong nagluluto siya. Nalunok ako bago ako lumapit sa kanya, matagal ko na siyang gustong makitang magluto ng live at hindi lang sa mga social media accounts niya kaya nama tinake ko iyon as opportunity para mapanuod ko na siya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin ng makita niyang lumapit ako sa kanya, kinuha ko ang cellphone ko para picture-ran siya ng patago, kahit sabihin kong nagmomove on na ako ay iba pa rin kasi kung matagal mo ng nagustuhann yung tao. I admit it, kahit naiinis ako sa kanya ay gusto ko pa rin siya. Hindi ko na siya kayang alisin sa sistema ko.

"Wag mo kong picture-ran." Malamig na sabi niya sa akin.

How can he be so harsh to me? When it comes to other people he's so sweet and caring, samantalang sa akin napaka-harsh niya!

"Penge ako ng niluluto mo ha?" Sabi ko sa kanya.

"Malamang para sa'yo 'to. Hindi naman ako gagawa ng pagkain na para lang sa akin."

Napanguso ako pero pinipigilan ko na ang ngiti ko. Kinikilig ako dahil sa sinabi niya kahit medyo harsh ang pagkakasabi niya noon. Pinanuod ko siya habang nagluluto siya, ang galing. Ako nga kahit kababae kong tao ay hindi ko kaya ang ginagawa niya.

Nang matapos na siya sa niluluto niya ay sinerve na niya iyon. Excited na excited akong umupo sa harap niya habang sineserve niya sa akin iyon, sa sobrang excite ko ay napapapadyak ako sa ilalim ng lamesa.

Pagkaserve na pagkaserve palang niya noon ay agad ko na iyong tinikman, gusto ko ng maiyak sa tuwa dahil sa tagal kong pinagpapantasyahan na pinagluluto niya ako ng pagkain ay ngayon ko palang talaga natikman ang luto niya.

"Is it good?" Tanong niya sa akin ng umupo na siya sa kaharap kong upuan, agad akong napatango na parang bata bago ako sumubo ulit ng pasta na niluto niya. Hindi ko alam kung ano tawag dito pero ang sarap.

Hindi ko mai-alis ang ngiti ko habang kumakain ako, hinawi ko pa ang buhok ko para mas maayos akong makakain pero napa-angat ang tingin ko sa kanya ng makita kong hindi siya kumakain at nakatingin lang siya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya at pinunasan ko agad ang nasa gilid ng bibig ko dahil baka may musang pala ako.

Ngumiti siya bago umiling sa akin, naweirdohan ako sa kinilos niya pero pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

"Is it really good?" Tanong na naman niya, napatango ako na parang bata ulit. Bakit ba ayaw niyang maniwalang masarap naman talaga? Akala ba niya ay ine-echos ko lang siya dahil gusto ko siya?

Napatitig ako sa kanya at pakiramdam ko ay nilipad nalang bigla ang kaluluwa, ang gwapo talaga niya. Kahit anong gawin ko ay hindi ko na mawawala ang nararamdaman ko sa kanya, lalo na kung ganito. Kahit ayoko ng umaasa ay inaamin ko na umaasa pa rin ako. Hindi ko na tuloy napansin na kanina pa ako nakatingin sa kanya.

"Do I look good?" Natatawang tanong niya sa akin.

Wala sa sarili kong napatango habang diretso lang ang tingin ko sa kanya. He chuckled before he shake his head and start eating. Nakatulala lang ako sa kanya habang kumakain siya. Napalunok ako ng marealize kong kahihiyan na naman ang ginawa ko, why the hell am I so in love with this guy? Seriously?

Napatigil kaming pareho bago nagkatinginan ng biglang may nagdoorbell, agad akong napatayo at napatingin sa cellphone ko. It's already 7:38 pm. Patay! Hindi ko na napansin ang oras.

Tiningnan ko kung tinetext na ba ako nila daddy pero wala pa naman. Kinabahan ako ng marealize kong pwedeng pinapasearch and rescue na ako nila daddy dahil hindi ako nagpaalam.

Natayo siyang bigla at lumapit sa pintuan, nakailang dasal na ako na sana ay hindi tauhan ni Daddy ang kumakatok dahil malilintikan kaming dalawa ni Jin kapag nagkataon.

"Dito ka lang muna sa likod ko." Sabi niya sa akin at tumango nalang ako ng dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.

Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon niya ng makita niya ang tao, parang bahagyang nanikip ang dibdib ko ng makita kong ngiting ngiti siya. I would die to that ekspresyon, gusto ko din na ganoon kalawak ang ngiti niya tuwing makikita niya ako. But it's impossible.

"Wag ka ngang ngumiti diyan! Kaya ako nandito dahil madami akong gustong itanong sa iyo about kay Ate Deighn!"

Napangiti din ako ng marinig ko ang boses na yun, it's Djermayne! Oh my gosh! She's here-- pero teka! Napatingin ako sa suot kong damit at napayakap ako sa sarili ko.

Bigla niyang binuksan ng malaki ang pinto at nang magtama ang paningin naming dalawa ay pareho kaming nagkagulatan, bumaba agad ang tingin niya sa damit ko kasabay ng pagkalaglag ng panga niya.

"Let me explain." Halos magkasabay na sabi namin ni Jin. Napatingin kaming pareho sa isa't-isa dahil sa pareho kami ng sinabi.

Nagbalik-balik ang tingin ni Djermayne sa aming dalawa bago siya napabuga ng hangin.

"I'll give you five minutes to explain. Go!"

Napatingin ako sa dalawang nakadiretso ng upo sa sofa habang katapat ko sila, nakadekwatro ako with cross arms habang sila naman ay nakayuko lang.

Para silang mga batang takot na takot na makagalitan ng nanay nila. Napataas ang kilay ko habang pinagmamasdan ko sila, balak na ba nilang sundan ang yapak nila Ate Deighn?!

Kaya lang naman ako pumunta dito ay para alamin kung anong meron kay Ate Deighn sa Yoongi na iyon. Pero eto ang nadatnan ko. Napatingi ako sa kusina ng makaramdam ako ng gutom, napaliwanag na nila sa akin ng buong-buo ang nangyari pero mukha silang guilty kahit alam kong totoo naman yung sinasabi nila.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan silang dalawa bago tumango sa akin, ako hindi pa ako kumakain. Di ba nila ako aalukin? Napakawala nilang Jams, nahahawa na sila kay Jimin.

"Ano nga palang nadahilan kung bakit nandito ka?" Tanong sa akin ni Jin.

Bigla kong naalala ang sadya ko dito kaya napaiwas ako ng tingin, hindi naman siguro ito yung right time para magtanong about doon. Kakalimutan ko muna iyon.

"Djermayne, yung sa house of cards nga pala? Nag-iimprove na ba?" Tanong sa akin ni Rigelle.

Napabuntong hininga ako ng maalala kong iyon pa nga pala ang isa ko pang inaalala. Wala pa rin kasing progress ngayon about sa mga sasama, bukod kay Ate Deighn, Yoongi at Tiffy. I don't know about Taehyung but Tiffy will come so I think he will come too.

Jimin? Maybe he will come too, siguro?

"Hindi eh." Malungkot na sabi ko.

"Alam mo Djermayne, kumain ka muna. Hindi pa naman namin nau-ubos yung kinakain namin kanina ni Gelle." Ani Jin.

Napataas ang kilay ko dahil tinawag niya si Rigelle sa nickname niya, nakita kong natigilan din si Gelle bago patagong napangiti. Nagkibit balikat nalang ako bago ako tumayo para maglakad na papunta sa kusina, nakita ko ang pasta na hindi pa ubos, lumapit si Jin at si Gelle sa akin bago sila umupo sa pwesto nila. Umupo ako sa tabi ni Rigelle at inabutan naman ako ng pinggan ni Jin.

Habang nilaglagyan niya ako ng pasta sa pinggan ko ay napatingin ako sa mga tinapay na nakahain din sa lamesa, napatagilid ang ulo ko habang nakatingin doon ng may maalala ako.

"Bakit walang jams?!" Sigaw ko ng matapos kong kagatin ang tinapay na inabot ni Jimin sa akin na wala man lang palaman na strawberry jam.

"Naubos na kasi yung jams ko eh." Napakamot siya ulo niya.

Napanguso nalang ako, hindi kasi ako kumakain ng plain na tinapay na wala man lang strawberry jam, lagi naman yang nauubusan ng jams eh, hindi ko alam kung saan niya dinadala iyong mga strawberry jams na binibili ko tuwing linggo para sa kanya.

"Hindi bale na, kakain nalang ako ng iba." Sabi ko sa kanya bago ko kinuha ang nachos at siya naman ay kinuha ang tinapay na hindi ko kinain at siya nalang ang kumain noon.

Naka-upo kasi kami ngayon sa kama niya dito sa condo niya habang nanunuod kami ng Phineas and Ferb, oo! Nagpi-phineas and ferb marathon kami ngayon habang kumakain ng tinapay niyang walang jams.

Nakadantay ako sa kanya, ang ulo ko ay nasa balikat niya habang ang isang kamay niya ang nakahawak sa baywang ko, sinusubuan ko siya ng nachos habang nanunuod kaming dalawa.

Oo natutulog ako sa condo niya minsan at natutulog din siya sa aparment ko minsan pero never in our two years relationship na may nangyari sa amin, kahit kiss ay wala. Mahal ako ni Jimin at ginagalang niya ang desisyon ko, kahit alam kong minsan ay may ginagawa siyang kababalaghan sa banyo ay hindi niya ako binastos kahit kaylan.

He love me so much to the point that he can wait for me, kahit nga kiss sa lips ay wala. Ayoko kasi muna dahil doon nagsisimula iyon, nakakatakot na din kasi, we love each other at hindi mo masasabi ang pwedeng mangyari dahil nga mahal namin ang isa't isa.

I can't say na dahil malaki ang respeto sa akin ni Jimin ay hindi na kami makakagawa ng kasalanan, masyadong malalim ang nararamdaman ko kay Jimin at ganoon din siya. We can't say our future but we can be careful about it, for now we should stay in the safe line.

"Djermayne..."

"Hmm?"

Nakatitig kaming pareho sa flat screen TV niya dito sa kwarto, ang kaninang kamay niya na nasa baywang ko ay nasa ulo ko na ngayon at pinaglalaruan ang buhok ko.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa akin?" Tanong niya bigla-bigla kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit naman ako magsasawa sa'yo? Bakit ikaw ba! Nagsasawa ka na ba sa akin?"

Napa-ayos tuloy ako ng upo ko dahil sa tanong niya bago ko siya tiningnan ng masama, natawa siya sa reaksyon ko bago ako muling hinila para mabalik ako sa dati kong pwesto.

"Syempre hindi pero naisip ko lang na baka isang araw iwan mo na lang ako."

Naramdaman ko ang pait sa pagkakasabi niya noon, bigla tuloy kumabog yung dibdib ko dahil sa sinabi niya, I know that is it possible for us to break lalo na kung ganto na kahit two years na kami ay wala pa ring nakakaalam sa relasyon naming dalawa.

"We can't promise that we will be together in the end Jimin." Sabi ko sa kanya.

Rinig na rinig ko ang pagbigat ng paghinga niya dahil sa sinabi ko, napahawak siya sa akin ng mahigpit bago ako umusog para mas mapalapit ako sa kanya.

"If you're going give up on me, maybe I will give up on me too."

Nasaktan ako sa sinabi niya, hindi ko inaasahan ang sinabi niya. He can't do that! Ano ba 'tong pumapasok sa isip ng bansot na 'to?!

"Jimin tumigil ka nga sa mga sinasabi mo ha!" Tsaka ko siya hinampas ng malakas sa braso niyang matigas. Infairness ha! Ang swerte ko talaga sa boyfriend ko.

"Sinasabi ko lang naman yung mga naiisip ko ano ka ba!" Sabi niya bago ako yinakap kaya naman tinulak ko siya dahil naiinis pa rin ako sa sinabi niya.

"I love you, okay? Pero hindi talaga natin alam ang future Jimin! Malay mo may makita kang mas better sa akin, anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Edi wala, lalagpasan ko lang siya. Ano naman kung mas better sila sa'yo? Eh ikaw yung mahal ko."

Napakakorni talaga ng pandak na 'to! At ako din napaka-korni ko kasi kinikilig ako sa mga sinasabi niya. Nakakainis! Hinampas ko nalang ulit siya sa braso dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Ganon kasi ako, tuwing di ko na alam ang irereact sa bigla-bigla niyang pick-up line ay hinahampas ko nalang siya.

"Tama na! Wag mo na akong hampasin! Ganyan na ba ako kagwapo kaya hinahampas mo nalang ako? Di mo na siguro ako mahal no--"

"Manahimik ka nga Jimin! Alam mo kung gaano kita kamahal!" Iritadong sabi ko sa kanya.

Biglang nawala ang inis ko at napalitan iyon ng hiya dahil sa sinabi ko, napangiti siya sa sinabi ko bago niya ako niyakap muli at... at...

"Djermayne okay ka lang?"

Bigla akong nabalik sa ulirat ko ng makita ko si Jin at Gelle na nakatingin sa akin pareho. Napalunok ako bago ko inilayo yung tinapay sa harapan ko.

"Anong problema mo sa tinapay Djermayne?" Tanong sa akin ni Jin.

"Wala! Ayoko nyan, nababahuan ako sa amoy, alisin mo yan." Sabi kong bigla dahil sa sobrang pagkakaba ko, hindi ko maisip kung bakit hanggang ngayon ay naalala ko pa rin yung mga memories namin ni Jimin.

Kinuha ni Jin ang isang piraso ng tinapay bago inamoy iyon, ganoon din naman ang ginawa ni Gelle bago sila nagkatinginan na dalawa.

"Wala namang amoy Djermayne eh." Reklamo ni Gelle.

Napahampas nalang ako sa ulo ko para mawala ang mga pumapasok sa isip ko. I should stop thinking about our past, hindi na magandang inaaraw-araw ko, kaylangan ko ng kalimutan iyon at magmove on.

Tama Djermayne, magmove on ka na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top